You are on page 1of 8

Fililipino 2

Pagbasa at Pagsulat
Pagtalakay sa Teksto
Mga uri ng Teksto
1. Impormatibo
Kapag ang isang teksto kung ito ay naglalahad
ng mga bagong kaalaman bagong pangyayari,
bagong paniniwala at mga bagong impormasyon
na kung saan ang mga kaalaman ay nagsasayos
ng sekwensyal at inlilalahad ang buong linaw at
kaisahan, ito ay maituturing na impormatibo.
Ang mga halimbawa nito mga tekstong
pangkasaysayan at mga balita.
2. Paglalarawan/ Deskriptibo

Pagpapahayag na may layuning magpakita ng mga


katangian ng isang bagay, lugar, pangyayari, tao o maging
ng isang ideya.
Hal: Kung pagpipiliin ako ng isang lider para sa bansang
Pilipinas, gusto ko ay taong may busilak na kalooban,
itinatakwil ang pagkamakasarili, at minamahal ang
pangangailangan ng bawat Pilipino. Sawa na ako sa mga
mapagkunwari. Pasmado na rin ang isip ko sa lider na
walang ginawa kundi ang manipsip ng dugo ng may dugo.
Kaya nga lang ang tanong kanino ko matatagpuan ang lider
na gusto ko? Mayroon pa ba?
3. Persuweysib o Naghihikayat
Kapag ang isang tekstong ay nangugngumbinse
o naghihikayat, ito ay tinatawag na tekstong
persweysib. Isang magandang halimbawa nito ay
ang mga nakasulat na na propaganda sa
eleksyon, mga advertisment at mga anunsyo o
patalastas. Kadalasan, ginagamit ang mga
ganitong uri ng mga pananalita para
makapaghikayat:
4. Pagsasalaysay/ Naratibo-
ang layunin ng isang pangyayari o kawil ng mga
pangyayari. Ang mga pang-araw-araw na karanasan
ng tao, ang mga pagbabagong nagaganap sa kanyang
buhay at sa kanyang kapaligiran, ang mga binabalak
niyang gawin, ang mga pangyayaring nagdulot sa
kanya ng ligaya’t tuwa-ang lahat ng ito’y iknukuwento
niya sa iba. Potensiyal na materyal sa isang
pagsasalaysay ang bawat pagkilos at pagsasalita ng
tao, bawat pagbabago sa kanyang kalagayan, at
bawat pangyayayri sa kanyang kapaligiran.
5. Pangangatwiran/ Argumentatibo
May layunin mapaniwala ang kausap o
mambabasa ang ganitong pagpapahayag.
Inilalahad ang isang kaisipan, paniniwala, o kuro-
kuro. Halimbawa nito ay talumpati at debate.
Halimbawa: hindi pa huli ang pagbabago. Putulin
natin ang siklo ng pagkabansot nating mga
Pilipino. Ang sabi nga ni Rizal, “kung anong uri
ng isang ina mayroon ang isang pamilya ay
ganoon din ang uri ng lipunan mayroon tayo”.
6. Prosidjunal
Kapag ang isang teksto ay nagpapakita at
naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng
hakbang ng malinaw na hakbang sa
pagsasatuparan ng anumang gawain, ito at
tinatawag na tekstong prisijural.
Halimbawa: ang paggawa ng mga origami
Pumili ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon at
sagutan. Isaalang-alang ang kursong pinag-aralan sa
pagpili.

.
1. Nabalitaan mo mula sa radyo ang isang plano ng mga rebeldeng
Magdalo Group na magsagawa ng isang pag-aaklas laban sa rehimeng
Arroyo. Sa pamamagitan ng kumpletong kaalaman sa balitang ito,
sumulat ng isang komentaryo ukol dito.
2. Nag tratrabaho ka sa isang ospital bilang isang nurse. Nais mo sanang
makiusap sa iyong head nurse na palitan pansamantala ang oras
( maaaring gawing pang-umaga o panggabi ) ng iyong duty. Isulat ang
iyong paliwanag sa ibaba.

You might also like