You are on page 1of 28

MGA

PARAAN NG
PANANAKOP
Inihanda ni:
Bb. Karen M. Cervantes
Integrasyon ng
Kristiyanismo sa mga lokal
na paniniwala at
nakagawian
Sistemang
Enkomiyenda/Encomienda
Ang Polo y Servicio
Integrasyon ng
Kristiyanismo sa
mga lokal na
paniniwala at
nakagawian
•Bago dumating ang mga Espanyol sa
bansa, karamihan sa mga Pilipino ay
naniwalang may mga espiritu ang lahat ng
bagay (animismo).
•Mataas ang pagpapahalaga ng karamihan
ng mga Pilipino sa espiritu ng kanilang
mga ninuno at sa mga espiritu ng kalikasan.
• Ang epekto ng pagsasa-Kristiyano ng
mga Pilipino ay hati. Sa pagnanais ng
mga Espanyol na maipalaganap ang
relihiyon ay ipinagbawal ang
pagsasabuhay at pagsasagawa ng mga
lokal na ritwal panrelihiyon.
• Sinira ang mga tinuturing na banal na lugar at
ang mga imahe na kumakatawan sa kanilang
mga diyos at diyosa.

• Nagpatupad ng kautusan na ipinagbawal ang


mga gawaing "imoral" gaya ng poligamya o
pagkakaroon ng maraming asawa, pagsusugal, at
pag-inom ng alak.
• Upang mas maintindihan ng mga Pilipino ang
istorya sa Bibliya, ginamit ang SENAKULO na
kung saan ay ipinakikita ang paghihirap at
pagkamatay ni Kristo.

• Isa pang halimbawa ay ang mga RITWAL SA


PATAY na kung saan nagkakaroon ng prusisyon
ng libing kasabay ng musika.
•Ang mga katutubong ritwal sa
pagtatanim at pag-aani at paggunita ng
kamatayan ng isang kapamilya ay
inihalo sa mga gawain ng Katolisismo
gaya ng pagdiriwang ng All Saints'
Day at mga piyesta tuwing Mayo.
• Bawat barangay o baryo ay nagdiriwang ng
KAPISTAHAN bilang paggunita po pagbibigay
karangalan sa kanilang patron na isang
Katolikong santo.

• Sa panahong ito ay mayroong prusisyon at


parada.
• Mayroon ding isang mayordomo na siyang
punong abala sa pagdiriwang ng kapistahan.

• Ang mga pamilya ay bumibisita sa mga


kapitbahay upang ibahagi ang kanilang mga
pagkain na espesyal na iniluto para sa okasyong
ito.

• Sa mga komunidad na malapit sa katubigan ay


nagkakaroon ng fluvial parade.
Sistemang
Enkomiyenda/
Encomienda
• Taong 1570 nang ipinatupad ni Miguel
Lopez de Legazpi ang sistemang
enkomiyenda alinsunod sa kautusan ni
Haring Philip II.

• May TATLONG URI ng enkomiyenda.


1. Ang Royal Encomiendas na pag-aari ng
hari;

2. Ecclesiastical Encomiendas na pag-aari


ng simbahan; at

3. Private Encomiendas na pag aari ng


pribadong tao.
• Hanggang 300 katao lamang ang maaaring
tumira sa isang encomienda na nagkakahalaga
ng hindi hihigit sa 2,000 piso.

• Ang pamamahala ng lupain ay maaaring isalin


nang tatlong beses sa susunod na henerasyon
sa loob ng 90 taon ngunit, ito ay pinaikli ng
hanggang 60 na lamang.
• Binigyan ng lupain ang mga Espanyol bilang
pagtanaw sa kabutihan at katapatan nila sa
pamahalaan. Ang mga nabahagian ng mga lupa
ay tinawag na ENCOMENDERO.

• Siya ang nangongolekta ng buwis sa mga


taong nakatira sa iba pang lupaing kanilang
nasasakupan.
Mga TUNGKULIN ng mga encomendero:

1. pagbibigay proteksyon sa mga Pilipinong


nakatira sa kanyang nasasakupan;

2. pagtulong sa mga misyonero na palaganapin


ang Kristiyanismo; at

3. pagpapalaganap ng edukasyon.
May ilang encomendero na UMABUSO sa
kanilang pakikitungo sa mga Pilipino:

• nangongolekta ng tributo na higit pa sa


itinakda ng batas at

• sapilitang pagkuha sa mga alagang hayop at


mga pananim ng mga katutubo.
Ang TRIBUTO ay ang buwis na binabayaran ng
mga mamamayang Pilipino sa mga Espanyol.

• Ang halaga ng binabayaran ay 8 reales sa


bawat pamilya at kalahating real kapag walang
asawa ngunit nasa wastong edad.

• Pagkaraan ng ilang taon, ito ay tumaas ng 12


reales.
Mga HINDI pinagbabayad ng tributo:

1. Mga Espanyol na nakatira rito sa bansa,


2. mga prayle,
3. principalia,
4. cabeza de barangay,
5. mga taong higit sa 60 ang edad at mga 6.
Pilipinong tapat na naglilingkod sa pamahalaang
Espanyol
Ang mga nakokolektang buwis ay
ginagamit ng pamahalaan sa mga proyekto
nito gaya ng:

• pagpapatayo ng mga imprastraktura


tulad mga daan, tulay, simbahan,
paaralan at iba pa.
Ang pagbabayad ng buwis ay maaaring
sa pamamagitan ng pera o produktong
gawa o ani ng mga Pilipino.

Ngunit, mas ninanais ng pamahalaan


na magbayad ang mga tao ng salapi.
• Dumating sa punto na hindi na naging
makatarungan ang pamahalaan sa paniningil
ng mga buwis kung kaya't maraming mga
Pilipino ang nagalit sa mga Espanyol at nag-
alsa laban dito.

• Taong 1894 nang pinalitan ng CEDULA ang


tributo. Ang halaga ng paniningil dito ay
nakabatay sa laki ng kinikita ng mamamayan.
Ang Polo y
Servicio
• Ang POLO Y SERVICIO ay isang
sistemang ipinatupad ng pamahalaang
Espanyol na kung saan ang mga
kalalakakihang edad 16-60 ay
sapilitang magtatrabaho sa
konstruksyon ng 40 araw.
• Sila ay ipapadala sa iba't ibang lugar kung saan
mayroong mga gagawing tulay, daan o iba pang mga
imprastraktura, magpuputol ng mga kahoy,
magtatrabaho sa mga pagawaan ng mga barko o
magsisilbi sa mga ekspedisyon.

• Sinasabi na isa sa mga layunin ng sapilitang paggawa


ay upang maiwasan ang pagpaplano ng mga Pilipino
ng pag-aalsa laban sa mga Espanyol.
• Ang mga "POLISTA" o manggagawa ay
nakatatanggap ng sustento kasama na ang pagkain.

• Ang sinumang ayaw magtrabaho ay kailangang


magbayad ng "FALLA" na salitang Espanyol na ang
ibig sabihin ay ipagpaliban.

• Ang halaga ng falla ay isa at kalahating reales bawat


araw sa loob ng 40 araw na nagkakahalaga ng 56 na
reales.
• Dumating ang pagkakataon na ang mga napag-usapan sa
polo y servicio ay hindi natupad ng mga Espanyol.

• Marami ang hindi nabayaran, nawalay nang matagal sa


pamilya, hindi nabigyan ng pagkain at nagtrabaho nang
sobra sobra. Maraming mga Pilipino ang namatay sa
lugar ng pinagtatrabahuhan.

• Marami ang nagalit sa mga Espanyol at nagpasimula ito


ng mga pag-aalsa laban sa pamahalaan.
Humanda sa ating
PAGSUSULIT
bukas
(Nobyembre 10,
2022) WEBES

You might also like