You are on page 1of 17

MAGANDANG

ARAW
AYUSIN ANG MGA LETRA UPANG
MABUO ANG MGA SALITA

OIRRAB
BARRIO
AYUSIN ANG MGA LETRA UPANG
MABUO ANG MGA SALITA

WAGAMAHI
MAHIWAGA
AYUSIN ANG MGA LETRA UPANG
MABUO ANG MGA SALITA

TBAO
BATO
AYUSIN ANG MGA LETRA UPANG
MABUO ANG MGA SALITA

SPTALOI
OSPITAL
AYUSIN ANG MGA LETRA UPANG
MABUO ANG MGA SALITA

HNAPABHYUA
HANAP-BUHAY
ANG
MAHIWAGANG
BATO NI TATAY
Sa isang Barrio sa Probinsya ng Pangasinan
may mag-ama na nakatira, si Benito ang bata
na nasa sampung taong gulang at si Mang
Lito ang tatay naman ni Benito, silang dalawa
na lamang ang magkasama sa kanilang
munting tahanan sapagkat ang ina ni Benito
ay pumanaw na noong siya ay nasa walong
taong gulang dulot ng isang aksidente.
Masipag at matiyaga ang ama ni Benito, halos
buong araw nito ay nilalaan niya sa
paghahanap-buhay upang matustusan ang
kanilang pangangailangan. Minsan lamang
makatikim ng masarap na ulam sina Mang Lito
at Benito, minsan nga ay binibigyan na lamang
sila ng kanilang mga kapit-bahay ng makakain
sapagkat ang ibang kinikita ni Mang Lito ay
napupunta sa gamutan ni Benito.
1.Sinu-sino ang mga tauhan?
2.Saan nakatira sina Mang Lito at Benito?
3.Ilang taon si Benito noong mamatay ang
kanyang ina?
4.Paano inilarawan si Mang Lito sa kuwento?
5.Bakit minsan lamang makatikim ng masarap
na pagkain sina Mang Lito at Benito?
Si Benito ay isang taon nang may sakit sa bato kaya
madalas siyang lumiban sa klase upang magpagamot
sa kabilang bayan. Dalawang oras ang nilalaan ng
mag-ama sa pagbiyahe papuntang Ospital ng San
Sebastian kung saan nagpapagamot si Benito. Hindi
biro ang kanyang pinagdadaanan sapagkat puro sakit
ang kanyang nararanasan, dumadating sa punto na
gusto na sumuko ni Benito, ngunit sa tuwing nakikita
niya ang pagsusumikap ng kanyang ama upang siya ay
gumaling lumalakas ang kanyang loob upang labanan
ang sakit na nararamdaman.
Ang kanyang ama ang nagiging lakas niya sa
panahon na siya ay nanghihina, ganun din
naman ang kanyang ama habang nakikita
niyang patuloy na lumalaban si Benito ay mas
lalo pa siyang nagsusumikap upang mapunan
ang pangangailangan nito. Sabay palaging
magdasal ang mag-ama sapagkat naniniwala
sila na tutulungan sila ng Maykapal.
1.Ano ang sakit ni Benito?
2.Saang ospital nagpapagamot si Benito?
3.Ilang oras ang nilalaan nina Mang Lito
at Benito upang makapunta sa ospital?
4.Sino ang nagiging lakas ni Benito?
5.Ano ang sabay na ginagawa nina
MangLito at Benito?
Sumunod na araw ay kinausap ng Dok Lopez si
Mang Lito at sinabi nito na kailangan nang
operahan ni Benito at kailangan niya ng isang tao
na magdodonate ng kidney o bato, walang
pasubaling sumagot si Mang Lito at sinabing siya
ang magbibigay ng bato sa anak na si Benito,
kaya naman agad na dumaan sa pagsusuri si
Mang Lito at awa ng Diyos ay walang nakitang
problema sa kanya, kaya naman agad na kumilos
ang mga doktor upang maoperahan si Benito.
Talagang pinagpala ang mag-ama sapagkat sagot
ng ospital ang operasyon ni Benito.
Makalipas ang tatlong oras, naging matagumpay ang
operasyon kay Benito at ito ay lubos na
pinagpapasalamat ng kanyang ama. Nagising si Benito
na nakitang nakahiga rin sa kama at may nakakabit na
suwero ang kanyang ama, “Bakit nariyan si tatay?”
tanong ni Benito sa kanyang sarili. Dumating ang
Doktor upang tignan ang mag-ama at tinanong nga ni
Benito kung bakit naroon ang kanyang ama, at sinagot
nga ng Doktor na, “Ang iyong ama ang nagbigay sa iyo
ng bato.”
Naiyak si Benito sapagkat ganun na
lamang ang sakripisyong ginagawa ng
kanyang ama. Makalipas ang tatlong
buwan bumalik ang sigla ni Benito, siya
ngayon ay nakakapag-aral na at
nakakakain na ng maayos at dahil yan sa
mahiwagang bato ng kanyang tatay.
1.Sino ang nagdonate ng kidney o bato kay
Benito?
2.Sino ang Doktor na tumitingin kay Benito?
3.Mayroon bang binayaran sa ospital sina Benito
at Mang Lito?
4.Ilang oras ang naging operasyon ni Benito?
5.Ano ang tinuturing ni Benito na isang mahiwaga?
6.Bakit tinuturing ni Benito na mahiwaga ang bato
ng kanyang tatay?

You might also like