You are on page 1of 32

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,
kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino

Pamantayan sa Pagganap
Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang
pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng
Pilipinas
Kasanayang Pampagkatuto
Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo,
talumpati, at mga panayam. F11PN – Ia –
86
Paalala:
Ihanda ang Sarili sa Pakikinig.
Pakinggan at unawaing Mabuti ang
mapapanood.
Maaaring magtala ng mahahalagang
impormasyong mapapakinggan mula sa
mapapanood.
Paalala:
Ihanda ang Sarili sa Pagbabasa.
Basahin at unawaing Mabuti ang balita.
Maaaring magtala ng mahahalagang
impormasyong mababasa mula sa balita
Nawawalang 15-
anyos na babae sa
Bulacan, patay na
at may mga paso
sa braso nang
matagpuan
Patay na nang matagpuan
ang isang 15-anyos na
babae na unang iniulat na
nawawala. Ang bangkay
ng biktima, may mga
paso sa braso at marka
ng sakal nang makita sa
madamong bahagi sa
gilid ng isang kalsada sa
Bustos, Bulacan.
Sa ulat ni Mariz Umali sa
GMA News "24 Oras"
nitong Lunes, sinabing
natagpuan ang bangkay ng
babae noong Biyernes ng
umaga. Pero natukoy lang
ang kaniyang
pagkakakilanlan nitong
Linggo na si Princess Marie
Dumantay.
Ayon sa Bustos police,
itinapon lang ang
bangkay ng biktima
kung saan siya
natagpuan.
Hinala ni Paulo
Dumantay, kilala ng
kaniyang kapatid na si
Princess ang nasa likod
"Sa chat po ni Princess sa
kaibigan niya na sinend
[send] mo po sa amin na
mayroon daw pong tao na
pinangakuan siya na bibilan
siya ng dalawang bike.
Mayroon daw pong
nagsusundo kay Princes,"
sabi ni Paulo.
Hustisya ang hiling ni Mang
Roland sa sinapit ng
kaniyang anak na si Princess.
"Hindi po tao ang gumawa
n'un. Hayop po ang gumawa
n'un. Sana po mabigyan ng
katarungan 'yung anak ko,"
ayon sa ama ng biktima. —
FRJ, GMA NewsNawawalang 15-anyos na babae sa Bulacan, patay na at may
mga paso sa braso nang matagpuan | Balitambayan
(gmanetwork.com)
1. Patungkol saan ang unang balita? Ang pangalawa?
2.Ano ang epekto sa inyo ng pakikinig at pagbabasa ng
mga ganitong uri ng balita?
3.Paano naisalaysay/nailahad ang balita? Ano ang
mahalagang sangkap na ginamit upang maipabatid sa
inyo ang inyong mga napanood at nabasa?
Wika
(Kahulugan at
Kabuluhan ng Wika)
Wika ang pinakamahalagang
sangkap at ugnayan sa
pakikipagkapwa-tao.
 Malaki ang tungkulin ng wika sa
pakikipag-unawaan at
pakikisalamuha sa tao sa kaniyang
Iba’t ibang pagpapakahulugan sa Wika buhat sa
mga mahuhusay na pilosopo noong unang
panahon. :
Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng
mga taong nasa iisang kultura.
Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang
sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na
nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o
ng mga taong natutunan ang ganoong kultura
upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-
ugnayan.
Sturtevant (1968) – ang wika ay isang Sistema ng mga
simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa
komunikasyong pantao. Halimbawa : Lumutang ang
konseptong “ ponosentrismo “ na nangangahulugang “
una ang bigkas bago ang sulat “ . Ibig sabihin din nito,
nakasandig sa sistema ng mga tunog ang pundasyon ng
anumang wika ng tao.
Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao.
Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog
na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos
sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal
na estraktura.
Brown (1980) – ang wika ay masasabing
sistematiko. Set ng mga simbolikong
arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang
kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng
tao.
Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang
tiyak na lugar, para sa isang partikular na
layunin na ginagamitan ng mga verbal at
viswal na signal para makapagpahayag.
Webster (1990) – ang Mga
wika ay kalipunan ng
mga salitang ginagamit Katangian
at naiintindihan ng
isang maituturing na ng wika
komunidad.
Mga Katangian ng wika
Taglay ng kahulugan ng wika ang mga pangunahing
katangian nito ayon sa sumusunod :

1. Ang wika ay sinasalitang tunog. Kakailanganin


ng tao ng aparato sa pagsasalita ( speech
apparatus ) upang mabigkas at mabigyang
modipikasyon ang tunog.
2. Nabubuo ang wika sang-
ayon sa mga taong gumagamit
nito sa loob ng mahabang
panahon ( Rubin, 1992 ).
3. Likas ang wika, ibig sabihin , lahat
ay may kakayahang matutong
gumamit ng wika anuman ang lahi,
kultura, o katayuan sa buhay.
4. Ang wika ay dinamiko .
5. Ang wika ay masistemang
balangkas . (PONEMA-MORPEMA AT
SINTAKS)
6. Bawat wika ay tuwirang nakaugnay sa
kultura ng sambayanang gumagamit nito.
7. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon.
Kailangang patuloy na gamitin ang wika
upang mapanatili itong masigla at buhay.
Kailangang kalingain sa komunikasyon ang
wika upang patuloy itong yumabong at
umunlad.
Tugunan ang hinihinging kasagutan sa bawat
bilang.
1. Bakit mahalaga ang wika sa:
a. Sarili b. Lipunan c. Kapwa
2. Magbigay ng tatlong pagkakataon o sitwasyon
kung saan ginagamit ang wika.
Pangkatang Gawain
Bumuo ng pangkat na may tig-tatatlong miyembro.

Mga Paalala sa pagPapangkatang Gawain:


 Iwasan ang sobrang pagdidikit-dikit.
 Huwag magtatanggal ng facemask.
 Mag-alcohol bago at pagkatapos magtipon-tipon.
Pamantayan sa Pagmamarka

5 4 3 2
Pagsunod sa Panuto
Nilalaman
Pagkamalikhain
Presentasyon
Pangkat I, II, IX
Bigyang-kahulugan ang WIKA sa pamamagitan ng mga titik nito.

Pangkat III, IV, VIII


Bumuo ng 2 saknong na tula na maglalahad kung ano ang wika batay
sa inyong pagkaunawa

Pangkat V, VI, VII, X


Gumuhit ng isang bagay na magsisimbolo ng iyong pagkaunawa sa
kung ano ang wika.
Maupo na lahat
ng may
kamiyembro na

You might also like