You are on page 1of 20

ARALIN 4:

Abstrak
Katuturan
Ang Abstrak ay isang buod ng pananaliksik,
artikulo, tesis, disertasyon, at papel pananaliksik na
naisumite sa komperensiya at iba pang gawain na
may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy
ang layunin ng teksto.
Makikita ito sa simula pa lang ng manuskrito,
ngunit itinuturing ito na may sapat nang
impormasyon kung kaya’t maaaring mag-isa o
Katuturan
Inilalahad ng Abstrak ang masalimuot na datos
sa pananaliksik at pangunahing mga
metodolohiya at resulta sa pamamagitan ng
paksang pangungusap o kaya’y isa hanggang
tatlong pangungusap sa bawat bahagi.

Ito’y may layuning magpabatid, mang-aliw at


manghikayat.
Uri ng
Abstrak
1.Deskriptibo
Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang
mga pangunahing ideya ng teksto.
Binibigyang-pansin ang kaligiran, layunin,
at paksa ng papel at hindi pa ang
pamamaraan, resulta, at kongklusyon .
1.Deskriptibo
Nauukol ang uring ito sa mga
kuwalitatibong pananaliksik at karaniwang
ginagamit sa mga disiplinang agham
panlipunan, mga sanaysay sa sikolohiya, at
humanidades.
2. Impormatibo
Ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang
punto ng teksto, nilalagom dito ang kaligiran, layunin,
paksa, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel.
Karaniwan itong ginagamit sa larangan ng inhenyeriya,
ulat sa sikolohiya, at agham. Ang impormatibong
abstrak ay nauukol sa kuwantitatibong pananaliksik.
Mga Bahagi/
Elemento ng Abstrak
Philip Koopman (1997)
1.Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang
akda/sulatin.
2.Introduksyon o Panimula - Nagpapakita ng
malinaw na pakay o layunin at mapanghikayat
ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa
mambabasa at sa manunulat.
3.Kaugnay na literatura - Batayan upang
makapagbibigay ng malinaw nakasagutan o tugon
para sa mga mambabasa.
3. Metodolohiya - Isang plano sistema para
matapos ang isang gawain
4. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang
kabuuan ng nasabing sulatin.
5. Konklusyon - Panapos na pahayag na
naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng
palaisipan kaugnay sa paksa.
Mga Hakbang sa
Pagsulat ng Abstrak
1.Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o
akademikong sulatin na gagawan ng
abstrak.

2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing


kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin
mula sa introduksyon, kaugnay na
3. Buuin gamit ang mga talata ang mga
pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi
ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-
sunod ng mga bahaging ito sa kabuuan ng mga
papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon,
grapiko, talahanayan, at iba pa maliban na
lamang kung sadyang kinakailangan
6.Basahing muli ang ginawang abstrak.
Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang
kaisipang dapat isama rito.

7. Isulat ang pinal na sipi nito.


Mga Katangian ng
Mahusay na Abstrak
 Binubuo ng 200-250 na salita
 Gumagamit ng mga simpleng pangungusap
 Walang impormasyong hindi nabanggit sa
papel
 Nauunawaan ng target na mambabasa
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology
Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid
kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto:
emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang
sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga
respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang
bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may
edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta.
Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba
ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-
pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na
salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Pamagat
KARANASAN NG ISANG BATANG
INA: ISANG PANANALIKSIK
Metodolohiya
Ang sinabing pananaliksik ay
sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient
sampling, kung saan ang mga respondente ay
pinili ng mga mananaliksik base sa
“convenience”.
Resulta
Ang lumabas na resulta ay walang
pagkakaiba ang mean score ng anim na salik
kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad
ng unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag
patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong
pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal
na salik kapag igrinupo sa estadong marital.

You might also like