You are on page 1of 9

Indibidwal

na Gawain
Inilagay ni Lisa sa ibabaw ng mesa ang
ribong gagamitin niya sa kanyang
proyekto. Kung ang ribong may sukat na
15m ay hahatiin sa tatlo, ilang metro ang
sukat ng bawat isa?
Bumili si nanay sa palengke ng 2 kg saging
at 3 kg abokado. Ilang kilogram ng prutas
ang kaniyangbinili?
Si lolo ay nag-ani sa kanyang taniman ng
10 kg na papaya, 2 kg dito ay hinog. Ilang
kilogram pa ang papayang hilaw?
Sa loob ng kamalig ay may isang sako ng
bigas na naglalaman ng 50 kg. Ilang
kilogram lahat ang 3 sako?
Inihanda ni Aling Merly ang 3 jug sa
kusina upang pagtimplahan ng juice na
ihahain sa mga bisita. Kung ang bawat
isang jug ay naglalaman ng 5L, ilang litro
lahat ang matitimpla ni Aling Merly?
Inilagay ni Nestor sa basket ang 6 kg na
kamatis. Kung 2 kg sa mga ito ay hinog,
ilang kilogram ang hilaw?
Si Alex ay nagpipintura sa loob ng gusali.
Kailangan niyang pinturahan ang pader na
may habang 25 m. Kung 17 m na ang
kanyang napinturahan, ilang metro pa ang
dapat niyang pinturahan?
Bumili si Aling Lita ng gamot sa botika
para sa ubo ng anak. Kung iinom ang
kanyang anak ng 5mL na gamot tatlong
beses sa isang araw, ilang milliliter ang
maiinom sa isang araw?

You might also like