You are on page 1of 19

ARALIN 3: ANG

REGISTER BILANG
BARAYTI NG WIKA
Ang Register ng Wika

 Angregister ng wika ay isang baryasyon sa


wika na may kaugnayan sa taong
nagsasalita o gumagamit ng ng wika. ito rin
ay madalas nakikita o nagagamit sa isang
partikular na disiplina. Ang barayti ng wika
nag uugat sa mga pagkakaiba-iba ng mga
indibidwal at grupo, maging ng kani-
kanilang tirahan,interes,Gawain,pinag-
aralan at iba pa.
 Ang wika ay nagkakaroon ito ng iba-ibang rehistro batay sa konteksto ng
paggamit nito at kung sino ang gumagamit nito. Sa pagkakaroon ng pagbabago
ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika ayon sa:

1. TONO- tono ang kausap o tagapakinig (tenor of discourse)


Ito ay naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap.

2.PAKSA- paksa ng pinag-uusapan (field of discourse)


Ito ay batay sa larangan na tinatalakay at sa panahon.

3.PARAAN O PAANO NAG UUSAP- paraan ng paano nag-uusap (mode of


discourse)
Ito ay pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa
uri ng piniling paraan ng pag-uusap
Barayti ng wika

 Marami ang halimbawa ng wika pero ito ang limang


halimbawa ng barayti ng wika:

1.DIYALEK
2.SOSYOLEK
3.IDYOLEK
4.PIDGIN
5.CREOLE
DIYALEK

 Diyalekito ay ang barayti ng wikang nilikha


ng dimension heograpiko. Tinatawag din
itong wikain sa ibang aklat. Ang diyalekto
ang wikang ginagamit sa isang
rehiyon,lalawigan o pook,Malaki man o
maliit
SOSYOLEK

 Sosyolek sa barayting nabubuo batay batay


sa dimensyong sosya. Tinatawag din itong
sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay
ito sa mga pangkat-etniko. Ang sosyolek ay
maari ding may legal na rehistro na
tinatawag na jargon. Ang jarjon ang mga
tanging bokabularyo ng isang particular na
pangkat na Gawain.
IDYOLEK

 Idyolek ito ay ang indibidwal na paraan o


istilo ng paggamit ng wika.
PIDGIN

 Pidgin
ito tinatawag sa English bilang ang
“NOBODY’S NATIVE LANGUAGE”
nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na
tagapagsalita ng dalawang magkaibigang wika na
walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon
ng kumberasyong makeshift.
CREOLE

 Creole ito ay isang wika na unang nagging


pidgin at kalaunan ay nagging likas na wika
(nativized.) nagkaroon nito sapagkat may
kmunidad nng mga tagapagsalita ang
nagangkin ng wikang ito.
REGISTER BILANG ESPESYALISADONG
TERMINO

 Tinatawag na register ang mga espesyalisadong termino


gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay
ng iba't ibang kahulugan sa iba't ibang larangan o disiplina.
Isa pang halimbawa ng register ang salitang "kapital” na
may kahulugang "puhunan" sa larangan ng pagnenegosyo at
may kahulugan namang "punong lungsod" o "kabisera" sa
larangan ng heograpiya
 Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o
tiyak na larangan kundi sa iba't ibang larangan o disiplina
rin. Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabago
ng kahulugang taglay kapag ginamit na sa iba't ibang
disiplina o larangan. Dahil iba-iba ang register ng wika ng
bawat propesyon at nagbabago ang kahulugang taglay ng
register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito,
itinuturing ito bilang isang salik sa barayti ng wika.
ARALIN 4: Heograpikal, Morpolohikal, at
Ponolohikal na Varayti ng Wika
HEOGRAPIKAL
 Heograpikal na barayti ng Wika

Dahil ang Pilipinas ay isang archipelago na nahahati ng katubigan at kapatagan, at


napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan, hindi maiiwasang makalikha ng sariling
kultura o paraan ng pamumuhay ang mga taong sama- samang naninirahan sa isang
partikular na pulo o lugar.

Kasabay ng nabubuong kultura ang pagbuo rin ng wika sapagkat ang kultura ay
kabuhol ng wika.

Ito ang dahilan kung bakit sa magkakahiwalay at magkakaibang lugar, ang iisang
bagay o konsepto ay nagkakaroon ng magkaibang katawagan.
MORPOLOHIKAL
 Morpolohikal na Barayti ng Wika

Ang iba’t ibang paraan ng pagbuo ng salita ng mga taong kabilang sa iba’t ibang kultura ay
nagiging salik din sa varayti ng wika.

Sa ilang lalawigang Tagalog gaya ng Batangas, ang pandiwa (verb) o salitang nagpapakita ng
aksiyon o kilos ay nakabanghay sa unlaping (na) tulad ng naiyak, naulan, nakanta at
natakbo.

Sa Maynila ang pandiwa ay nakabanghay sa gitlaping (-um) gaya ng umiiyak, umuulan,


kumakanta, at tumatakbo.

Dahil sa iba-iba ang wikang ginagamit sa iba’t ibang lugar, nagkakaiba rin ang paraan ng
pagbuo ng salita ng mga naninirahan sa mga ito.
PONOLOHIKAL

 Ponolohikal na Barayti ng Wika

Bukod sa mga pagkakaiba sa katawagan at kahulugan (heograpikal na Barayti),


anyo at ispeling (morpolohikal na Barayti), nagkakaroon din ng pagbabago sa
bigkas at tunog ng mga salita ayon sa pangkat ng mga taong gumagamit nito.

Sa paglikha ng kani-kaniyang wika, hindi maiiwasang malikha rin ang


magkakaibang tunog at bigkas ng mga salita. Nagkakaroon ng kani-kaniyang
dialektal accent ang bawat lugar. Halimbawa sa Bisaya, nagkakapalitan ang
bigkas ng (e) at (i) at ng (o) at (u). Maaring ang maging bigkas ng isang bisaya sa
“pera” ay “pira”, ang “pitaka” ay “petaka”, ang “kuya” ay “koya” at ang “bola”
ay “bula”.
PONOLOHIKAL NG BARAYTI NG WIKA

ang ponolohikal na varayti ng wika ay


mayroong pagkakaiba sa bigkas at
tunog ng salita.
 Heograpikal
Halimbawa:
Salita: mangutang
Filipino: manghiram ng pera
Pampanga: magtanong ng direksiyon

Salita: maganda
Filipino: kaakitakit
Samar: mahusay

Salita: oras
Filipino: panahon
Pangasinan: hugas
 Morpolohikal
Halimbawa:
A. “napatak ang mga dahon”
B. “nasuray ang dyipni” C. “mapurol ang ulo”
 Ponolohikal
Halimbawa sa Bisaya, nagkakapalitan ang bigkas ng /e/ at
/i/ at ng /o/ at /u/. Maaring ang maging bigkas ng isang
bisaya sa “pera” ay “pira”,
ang “pitaka” ay “petaka”,
ang “kuya” ay “koya”
at ang “bola” ay “bula”.

You might also like