You are on page 1of 16

Panunuring Pampanitikan

MGA
BALANGKAS SA
PAGSUSURI
IKA-UNANG
PANGKAT

BB. BRILLANTE BB. CRUZ


REPORTER REPORTER

BB. DANTES BB. FABROS BB. GONIDO BB. SANTOS BB. TASIC

BSED FILIPINO 3B
BALANGKAS NG PAGSUSURI NG
TULA AT PARABULA

I. PAKSA NG
TULA/PARABULA
Ito rin ay tinatawag na Tema. Ito ay maaring tungkol sa pag-ibig,
nasyonalismo, kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa
kalikasan, Diyos, bayan, sa kapwa at marami pang iba.

II.
SIMBOLONG GINAGAMIT
Ito ay mga makabuluhang salita na nagpasidhi sa guni-guni ng
mambabasa.

III.
ANGKOP NG TEORYANG PAMPANITIKAN
Ito ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa
pag-aaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral
na ito. Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang
ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan
ang paglalarawan o paglalahad.
IV.
PAGPAPAHALAGA SA TALASALITAAN
Ito ay nagbibigay linaw sa kahulugan ng mga malalalim na salita na loob ng isang tula.

PAGTUKOY SA MGA TAYUTAY NA GINAMIT

V. Ang tayutay ay isang pahayag na ginagamitan ng mga matalinhaga o di-karaniwang salita


upang gawing mabisa, makulay at kaakit akit ang pagpapahayag.

PAGPAPAHALAGANG

VI. PANGKATAUHAN
Ito rin ay tinatawag na human value sa Ingles, ay isa sa pinaka mahalagang aspeto ng ating
pagkatao. Dahil nga, tayo rin mismo ay mga tao, kailangan rin nating matuto kung paano
ang pagpapahalaga sa ating sarili at sa ating kapwa.

VII. PAGPAPAHALAGA SA PANSARILING PAG-UNAWA SA TULA/PARABULA


ito ay pagbibigay ng interpretasyon sa binasang tula at parabula.
HALIMBAWA: ANG ISANG PUNONGKAHOY
(Tula na isunulat ni Jose Corazon De Jesus)

Kung tatanawin mo sa malayong pook, ako’y tila isang nakadipang kurus; sa

napakatagal na pagkakaluhod, parang ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan ay nananalangin sa kapighatian, habang ang

kandila ng sariling buhay magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis, maghapo’t magdamag na nagtutumangis; sa mga

sanga ko ay nangakasabit ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; at saka ang

buwang tila nagdarasal, ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon, nagpapahiwatig sa akin ng taghoy, ibon sa

sanga ko’y may tabing nang dahon, batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating, natuyo, namatay sa sariling aliw. Naging

kurus ako ng pagsuyong laing at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, panakip sa aking namumutlang mukha!

Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

At iyong isiping nang nagdaang araw, isang kahoy akong malago’t malabay. Ngayon,

ang sanga ko’y kurus sa libingan, dahon ko’y ginawang korona sa hukay!
PAGSUSURI SA TULANG
ANG ISANG PUNONGKAHOY
PAKSA NG TULA
Ang Isang PunongKahoy

SIMBOLISMONG GINAMIT
• PUNONGKAHOY ay sumisimbolo sa buhay ng tao na katulad ng proseso ng paglaki at pagtanda ng tao ay ganon din ang
puno na simula ay paglago ng dahon ngunit dumarating ang panahon malalanta, matutuyo at mamamatay rin katulad ng tao.
• KRUS ay nangangahulugang pagdurusa
• BATIS luhang dumadaloy sa mata ng nagmamahal sa persona ng tula
• BUWAN ang takipsilim ng buhay ng persona na nakikita sa buwan, malamiam ang ngiti dahil sa pagbukas ng kamay upang
patuluyin sa kamatayan.
• KAMPANA ang tunog ng kampana ay sumisimbolo sa pagbatingaw ng paghahanda para sa pagsapit ng kamatayan.
• KANDILA ang liwanag ng kandila ay nagpaparamdam ng pag-asa at tumatanglaw sa narararamdamang kapighatian dahil sa
pagkawalay sa mahal sa buhay.

ANGKOP NA TEORYANG PAMPANITIKAN


TEORYANG REALISMO dahil ipinakita niya ang mga karanasan at nasaksihan sa kanyang lipunan. Ito ay hango sa totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang niyaang pagka epiktibo ng kanyang sinulat.
PAGPAPAHALAGA SA TALASALITAAN

• Nagtutumangis- Lumuluha, Umiiyak


• Malamlam- Malabo, Madilim
• Taghoy- Malakas na iyak na may kasamang pagdaing
• Lambong na luksa- Namatayan

PAGTUKOY SA MGA TAYUTAY NA GINAMIT


• Buwang tila Nagdarasal (Hyperbole)
• “Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ako’y tilang isang nakadipangkrus;” “ Sa napakatagal na pagkakaluhod, Parang ang paa ng
diyos” ( Pagtutulad )
• “sa kinikislap-kislap ng batis na iyan, Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal” ( Pagtatao )

PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN
• MAKA-TAO Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga taong nakagawa sayo ng kabutihan at nagsilbing Inspirasyon upang mapabuti
at makagawa rin ng kabutihan sa ibang taong makaksalamuha.
• MAKA-KALIKASAN Ang tula ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao, inihalintulad ang buhay sa
paglago ng isang punongkahoy na kabilang sa ating kalikasan. Katulad ng pagyabong, ay pagsikat o pagtatagumapy ng tao na s'yang
dahilan upang malimliman mabigyang buhay ang mga nakapaligid na tumitingala sa kanya.
PAGPAPAHALAGA SA PANSARILING PAG-UNAWA SA TULA/PARABULA
Marami mga pangyayari sa buhay natin ang maari nating pagsisihan pagdating ng araw. Mga pangyayaring hindi na
natin maari pang ibalik kung kaya't marapat lang na gawin nating ang kung ano sa tingin natin ay tama habang sa tayo
ay nabubuhay. Huwag nating ipagpalit ang ating kaligayahan sa mga bagay na maari nating ikapahamak at ating
pagsisihan sa huli.
BALANGKAS NG PAGSUSURI NG
ALAMAT, MAIKLING KWENTO,
MITOLOHIYA AT PABULA

I. PANIMULA
Malaki ang pananagutan ng may akda dito. Sa bahaging ito niya
paasahin ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapapanabik na
akda.
a. Pamagat ng Katha
b. May-akda
c. Sanggunian

II. TAUHA
N
Ang tauhan ang siyang kumikilos sa kuwento. Siya ang gumagawa ng
mga desisyon na nagpapatakbo sa salaysay. Ang tauhan ay maaaring
tao (bata o matanda, babae o lalaki, mula sa totoong daigdig o lugar
na likhang-isip lamang), hayop, (gaya ng nina Pagot at Matsing),
halaman (mga nagsasalitang puno, gulay, o bulaklak) o mga bagay
(lumilipad na aklat, nagsasayat na kutsara at tinidor, mga larawang
nabubuhay pagsapit ng takdang oras).
III.
TAGPUAN
Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda, naglalarawan ito
ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan.

IV.
MGA SIMBOLO/TAYUTAY
Ito ay isang makasining na sangkap na ang layunin ay kumakatawan sa isang uri ng
damdamin, bagay, paniniwala o kaisipan. Ang tayutay naman ay isang pahayag na
ginagamitan ng mga matalinhaga o di-karaniwang salita upang gawing mabisa, makulay at
kaakit akit ang pagpapahayag.

BUOD NG KATHA

V. Ito ay isang maikling talaan o pagsasama ng pangunahing ideya, mga kaganapan, o mga
punto ng isang teksto. Ito ay kadalasang inilalagay sa simula o hudyat ng isang akda upang
magbigay ng pangkalahatang impresyon sa mga mambabasa.
VI.
GALAW NG PANGYAYARI
Ito ang nagbibigay ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento.
a. Simula
b. Gitna
c. Wakas

PAGSUSURI

VII. Ito ang proseso ng paghihimay ng isang kwento upang maging mas maliliit na mga bahagi
pati na rin makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito upang makapagbigay ng
sariling reaksyon at makita ang aral mula sa binasa.
HALIMBAWA: SI KUNEHO AT SI PAGONG
(PABULA)

Isang araw ay nagkasalubong sa daan ang Kuneho at ang Pagong. Ngingisi-ngising inaglahi ng Kuneho ang Pagong.
“Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho, “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at pagkabagal-bagal mong lumakad.” Hindi ipinahalata ng Pagong na siya ay nagdamdam. Upang patunayang may
maipagmamalaki din naman ay sinagot niya ang mayabang na kalaban.
“Aba, Kuneho, maaaring mabagal nga akong maglakad pero nakasisiguro akong matatalo kita sa palakasan. Baka gusto mong pabilisan tayong makaakyat sa tuktok ng bundok
pagsikat ng araw bukas. Tinatanggap mo ba ang hamon ko?”
Tuwang-tuwa ang Kuneho sa hamon ng Pagong. Nakasisiguro siyang sa bagal ng Pagong ay tiyak na mananalo siya. Upang mapahiya ang Pagong ay pinagtatawag ng Kuneho ang
lahat ng kamag-anak niya. Pinulong niya ang mga ito at inutusang palakpakan siya kapag matagumpay na naakyat na niya ang tuktok ng bundok. Iniutos din niyang kantiyawan sa
mabagal na pag-usad ang kalaban.
Maagang-maaga dumating sa paanan ng bundok ang maglalaban.
Maaga ring dumating ang iba’t ibang hayop na tuwang-tuwang makasasaksi ng isang tunggalian.
Kapansin-pansing kung maraming kamag-anak si Pagong ay higit na maraming kamag-anak ni Kuneho ang nagsulputan.
Nang sumisikat na ang araw ay pinaghanda na ng Alamid ang maglalaban. Ang mabilis na pagbababa ng kaniyang kanang kamay ang hudyat na simula na ang laban. Sabay na
gumalaw paakyat ng bundok ang magkalaban. Mabilis na tumalun-talon ang mayabang na Kuneho paitaas na parang hangin sa bilis. Nang marating na niya ang kalahatian ng bundok
at lumingon paibaba ay natanawan niya ang umiisud-isod na kalaban.
Maraming naawa sa mabagal na Pagong.
“Kaya mo yan! Kaya mo yan!” pagpapalakas ng loob na sigaw ng kaniyang tatay, nanay, kuya, ate, at mga pinsan.
“Talo na yan! Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga kamag-anak ni Kuneho.
Kahit kinukutya ay sumige pa rin si Pagong. Buong loob siyang nagpatuloy sa pag-isod.
Malayung-malayo na ang naakyat ni Kuneho. Nagpahinga ito ilang sandali upang tanawin ang anino ng kalaban. Nang walang makitang anumang umuusad ay ngingisi-ngising
sumandal ito sa isang puno at umidlip.
Kahit na sabihing napakabagal umusad ay pinagsikapan ng Pagong na ibigay ang lahat ng lakas upang unti-unting makapanhik sa bundok.
Nang matanawang himbing na himbing sa pagtulog ang katunggali ay lalong nagsikap umisud-isod pataas ang pawisang Pagong.
Palabas na ang araw nang magising si Kuneho. Nanlaki ang mga mata nito nang matanawang isang dipa na lamang ang layo ng Pagong sa tuktok ng bundok.
Litong nagtatalon paitaas ang Kuneho upang unahan si Pagong. Huli na ang lahat sapagkat narating na ng masikap na Pagong ang tuktok ng tagumpay.
PAGSUSURI SA PABULANG
SI KUNEHO AT SI PAGONG
PANIMULA
a. Pamagat ng Katha: Si Kuneho at Si Pagong
b. May-akda: Ito ay isinulat ni Aesop. Siya ang ama ng pabula na nakapagsulat ng higit sa 200na pabula. Siya'y isang kubang
alipin at siya'y pinayagan naman ng kanyang amo na maglakbayupang mangalap ng maisusulat na mga kuwentong pabula. Ang
kanyang mga pabula aytinatawag na Aesop's Fables.
c. Sanggunian: https://www.scribd.com/document/523103659/Balangkas-Ng-Pabula-Kuneho-at-Pagong

TAUHAN
Kuneho- Ang mapanglait sa pagong.
Pagong- Ang nilalait ng kuneho.

TAGPUAN
Ang tagpuan ay ang bundok na kanilang pinag paligsahan.
MGA SIMBOLO/ TAYUTAY
Ang Kuneho ay sinisimbolo ng mga taong minamadali ang mga ganap sa kanilang buhaykaya't hindi sila namumuhay ng
malualhati.
Ang Pagong ay sinisimbolo ng mga tao na dahan dahan lang ang agos ng buhay kaya't nagtatamasa sila ng masayang buhay.

BUOD NG KATHA
Isang araw may isang kunehong nagmamalaki sa kanyang kakayahan na mabilis tumakbo atwalang makakatalo.Pinakikinggan
lamang siya ng kanyang kaibigan na pagong habang nilalaitniya ito. Inaya siya ni pagong sa isang paligsahan upang ipakita
sakanya na hindi tama angsinasabi ni Kuneho. Tinawanan siya ng Kuneho at tinanggap ang hamon nito, kaya't sila ay nagpaunahan
na makapunta sa itaas ng ikatlong bundok. Sa inaasahan, nauna ang Kuneho sapagtakbo at naiwan nito ang kaibigang pagong.
Ngunit naisipan muna nito na mag pahinga atmatulog sa ilalim ng puno sa gitna ng paligsahan dahil alam niyang matagal bago pa
makaratingsi pagong sa kabilang bundok. Nang magising ang Kuneho, napansin niya na wala na sa ibabangbundok si Pagong
kaya't dali dali siyang tumakbo upang tapusin na ang paligsahan. Laking gulatniya nang makita niya na ang Pagong ay nasa itaas na
ng ikatlong bundok. Nano ang pagong sapaligsahan at ang Kuneho naman ay humingi ng pasensya sa panglalait niya kay Pagong.
GALAW NG PANGYAYARI
a. Simula - Nilait ng Kuneho ang kakayanan ng mga paa ng Pagong. Kaya't dito nagkaroonng hamon sa paligsahan na paunahan sa
itaas ng ikatlong bundok.
b. Gitna - Natulog at nag pahinga ang kuneho sa ilalim ng puno sa gitna ng paligsahan,dahiliniisip niya na di siya mauunahan ng
pagong dahil sa bagal at liit ng mga paa nito.
c. Wakas - Nagising ang Kuneho na nasa itaas na ng ikatlong bundok ang Pagong.Nanalo angPagong at siya'y humingi ng
pasensiya mula sa kaniyang di magandang sinabi.

PAGSUSURI
A. Uri ng Panitikan- Pabula
B. Sariling Reaksyon - Ako ay nayabangan sa Kuneho sa unang parte ng pabula dahil parasaakin hindi dapat ginagawang
kakompetensya ang sariling kaibigan. Ngunit ako'y natuwanaman sa huli dahil na natunton ng Kuneho na ang kanyang mga
ginawang hindi maganda atsinabi ay hindi tama.
C. Aral/pag-uugnay sa tunay na sitwasyon ng buhay- Hindi dapat binabase ang nauunang pwesto sa pagkapanalo. Kahit dahan-
dahan moito maabot, basta't tuloy-tuloy lang ang pagsisikap ay kaya mong abutin at mapagtagumpayanang ano mang hamon ng
buhay sa iyong sarili.

You might also like