Professional Documents
Culture Documents
Alamat
Alamat
T
Filipino Reporting
ALAMAT
Alamat(o folklore sa wikang Ingles) ang
tawag sa pasalitang literatura na
ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno.
Mga simpleng istorya ito na nagsasalaysay
kung saan nanggaling ang maraming
bagay-bagay sa ating kapaligiran.
ALAMAT
Ilan sa klasipikasyon ng alamat ay
tumutukoy kay Bathala, sa
kalikasan, sa kultura, at sa
pinanggalingan ng mga hayop at
halaman.
ALAMAT
Sinasabi na bukod sa nakaaaliw ito
sa mga mambabasa ay
nakapagtuturo rin ito ng aral upang
makamit natin ang kabuuang
kaunlaran.
ALAMAT NG
SAMPAGUITA
Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang
napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan.
Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating
hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging
kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang
naging mga manliligaw.
ALAMAT NG
SAMPAGUITA
Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso
ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa kasamaang
palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-
ramo.
Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para
mabigyan ng pangunang lunas. Iyon ang naging daan
ng paglakalapit nila.
ALAMAT NG
SAMPAGUITA
Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa
maikling panahon ng pagkikilala.
Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay
Liwayway at sa mga magulang niya.
Anang binata ay susunduin ang ama’t ina upang
pormal na hingin ang kamay ng dalaga.
ALAMAT NG
SAMPAGUITA
Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng
tanaw si Tanggol.
Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway
na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang
pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit
ni balita ay wala siyang natanggap.
ALAMAT NG
SAMPAGUITA
Isang dating manliligaw ang nakaisip
siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na
hindi na babalik si Tanggol dahil may
asawa na ito.
Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng
loob at panibugho ang puso ni Liwayway.
ALAMAT NG
SAMPAGUITA
Isang dating manliligaw ang nakaisip
siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na
hindi na babalik si Tanggol dahil may
asawa na ito.
Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng
loob at panibugho ang puso ni Liwayway.
ALAMAT NG
SAMPAGUITA
Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang
makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang
linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.
Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang
mga salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa kita…”
ALAMAT NG
SAMPAGUITA
Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa
kita…” ang tanging naiwan ni Lwayway kay
Tanggol.
Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay
dumating si Tanggol kasama ang mga magulang.
Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit
ALAMAT NG
SAMPAGUITA
Hindi matanggap ng binata na wala na ang babaing
pinakamamahal.
Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos
madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni Liwayway.
Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang
mabantayan ang puntod ng kasintahan.
ALAMAT NG
SAMPAGUITA
Isang araw ay may napansin si Tanggol sa
ibabaw ng puntod ni Liwayway. May
tumubong halaman doon, halaman na patuloy
na dinilig ng kanyang mga luha. Nang
mamulaklak ang halaman ay may samyo iyon
na ubod ng bango.
ALAMAT NG
SAMPAGUITA