You are on page 1of 45

3rd Quarter

ESP 1 WEEK 7 - DAY 1


Pagtulong sa Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan sa
Tahanan at Paaralan
Ngayong linggo ay matututunan
mo ang pagtulong sa pagpapanatili
ng kalinisian at kaayusan sa
paaralan.
Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Madalas ba kayong pagsabihan ng inyong
guro na tumulong sa paglilinis ng inyong
paaralan?
Pinapaalalahanan din ba kayo na itapon
sa tamang basurahan ang mga balat ng
kendi o anumang uri ng kalat? Bilang
isang bata ikaw ay may tungkulin sa iyong
kapaligiran
Paraan ng Pagpapakita ng
Pagtulong sa kalinisan at
Kaayusan ng Paaralan
1. Pagtatapon ng
basura sa tamang
lalagyan.
2. Iwasang isiksik
ang mga basura sa
mga bahagi ng
upuan.
3. Sa pasilyo, huwag
itapon nang palihim ang
mga basura na nasa
iyong bulsa.
4. Huwag susulatan o
dudumihan ang mga
pader sa loob at labas ng
silid-aralan
5. Tumulong sa
paglilinis ng
paaralan.
Nakita mo ang iyong kamag-aral
na sinusulatan ang upuan na
bagong pintura lamang ng mga
nanay, ano ang gagawin mo?
Tandaan:
Ang paaralan ang inyong
pangalawang tahanan kaya dapat
din itong mapanatiling malinis at
maayos.
Lagyan ng tsek ang patlang kung tama ang isinasaad at
ekis kung mali.
___1. Mas maaliwalas ang paaralan kung ito ay palaging
malinis at maayos.
___ 2. May epekto sa iyong kalusugan ang iyong
kapaligiran
___ 3. May epekto sap ag-aaral ang malinis at maayos
na kapaligiran ng paaralan.
___ 4. Ang mga guro lamang ang dapat na nakakapansin
kapag malinis o hindi ang bawat bahagi ng paaralan.
___ 5. May magagawa ang bawat mag-aaral upang
maging malinis ang paaralan.
3rd Quarter

ESP 1 WEEK 7 - DAY 2


Pagtulong sa Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan sa
Tahanan at Paaralan
Ano ang iyong
mararamdaman kung
malinis at maaliwalas
ang inyong paaralan?
Muli natin pag-aaralan ang
mga paraan ng pagtulong sa
pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan sa paaralan.
Tumingin sa paligid. Ano ang
iyong nakikita? Ano ang iyong
naririnig? Ano ang iyong
naaamoy? Ano ang iyong
nadarama?
Ang paaralan, tulad ng iyong tahanan,
pati ang mga bagay na nasa loob nito at
iba pang bagay na gawa ng tao ay bahagi
rin ng kapaligiran.
Nararapat lamang na panatilihin mong
maayos at malinis ang mga ito.
Tandaan:
Ang paaralan ang inyong
pangalawang tahanan kaya dapat
din itong mapanatiling malinis at
maayos.
Tama o Mali
___ 1. Inilalagay ni Nathan ang mga basura niya sa
isang plastik na ansa loob ng kanyang bag.
___ 2. Palihim na sinisiksik ni Lito ang balat ng
kanyang pinagkainan sa upuan ng kanyang kaklase.
___ 3. Sinusulatan ni James ang upuan at pader sa
kanilang silid-aralan.
___ 4. Tumulong si Johanna sa paglilinis ng silid-
aralan.
___ 5. Tuwing matapos ang recess, agad kinukuha ni
Gwen ang walis para maglinis ng silid-aralan
3rd Quarter

ESP 1 WEEK 7 - DAY 3


Pagtulong sa Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan sa
Tahanan at Paaralan
Muli natin pag-aaralan ang
mga paraan ng pagtulong sa
pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan sa paaralan.
Anu-ano ang maaaring mong gawin
upang mapanatiling malinis at
maayos ang inyong paaralan?
Pag-aralan ang mga larawan.
Sagutin ang mga tanong na kasunod
nito.
Ano ang masasabi mo sa silid-aralang ito? Kung kayo ang dalawang
batang nakaupo, ano ang inyong gaagwin?
Ano kaya ang maaaring mangyari kapag palaging marumi
ang hardin ng inyong paaralan?
Napadaan kayo ng iyong mga
kaibigan sa palaruan ng inyong
paaralan,napansin ninyong
maraming nagkalat nab asura
dito, ano ang maaari ninyong
gawin?
Tandaan:
Ang paaralan ang inyong
pangalawang tahanan kaya
dapat din itong mapanatiling
malinis at maayos.
Iguhit ang masayang mukha 😊kung ang isinasaad ay
nagpapakita ng pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan
at malungkot na mukha ☹ kung hindi.
_____ 1. Iwasang dumihan ang mga pader ng
paaralan.
_____ 2. Tumutulong sa paglilinis sa paligid ng
paaralan.
_____ 3. Sinisira ang mga bakod ng paaralan.
_____ 4. Binubunot ang mga tanim na halaman.
_____ 5. Dinadampot ang mga basurang nakakalat
sa paligid ng paaralan.
3rd Quarter

ESP 1 WEEK 7 - DAY 4


Pagtulong sa Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan sa
Tahanan at Paaralan
Pagmasdan ang mga larawan. Piliin
kung alin sa mga larawan ang
nagpapakita ng pagpapanatili ng
kalinisan sa paaralan.
Ang paaralan ang inyong
pangalawang tahanan kaya dapat
din itong mapanatiling malinis at
maayos.
Lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita ng
pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan
Ano ang gagawin
mo sa mga
sumusunod na
sitwasyon
Nakita mo ang iyong kaklase na
sinusulatan ang pader ng inyong
silid-aralan. Ano ang ggagawin mo?
Nasa bakuran ng paaralan
ang iyong mga kaklase at
tulong tulong silang
naglilinis dito. Ano ang
gagawin mo?
Pasimpleng tinapon ng iyong
kaibigan ang balat ng kendi sa
pasilyong inyong paaralan,
nakita mo ito. Ano ang gagawin
mo?
Paano ka makatutulong
sa pagpapanatili ng
kalinisan sa iyong
paaralan?
Tandaan:
Mapapanatili ang kaayusan at
kalinisan sa paaralan kung tayo
ay iiwas sa pagkakalat.
Tama o Mali.
____ 1. Iiwasan ko ang pagtatapon ng basura sa paligid ng
aming paaralan
____ 2. Sasawayin ko ang kaklase kong nagsusulat sa mga
upuan sa aming silid-aralan
____ 3. Tutulong ako sa aming guro sa paglilinis ng aming
silid-aralan.
_____ 4. Susulatan ko ang pader sa palikuran g aming
paaralan.
_____ 5. iipunin ko ang mga sarili kong kalat at itatapon ito
sa basurahan.

You might also like