You are on page 1of 18

PANALANGIN

Pagbati

Magandang
buhay
3-Halimbawa ng mga
retorikal na pang-ugnay

2. Halimbawa ng
retorikal na
naglalahad

1-kahalagahan ng
kumonikasyon
ARALIN 6:
PAGSUSURI SA PAGKAMAKATOTOHAN
NG MGA PANGYAYARI
Pahayagan-
nakatala rito ang pinakabagong mga
pangyayari at kaganapan sa isang
partikular na lugar. Tinatalakay rito ang
mga napapanahong isyung panlipunan
Radyo at Telebisyon – may mga
programa sa radio at telebisyon na
tumatalakay sa kasaysayan, kultura,
tradisyon at iba pang kaalaman
na maaring pagkunan ng
impormasyon ng mga manonood
libro, magasin, at ensayklopedia-
naglalaman ito ng mga impormasyon at
kaalaman isinulat ng mga taong dalubhasa
sa kanilang larangan o paksang isinulat .
Internet –
ang internet ay isang malaking imbakan na
maaring pagkunan ng impormasyon sa anumang
paksa saanmang lugar. Nalalaman ito sa iba’t
ibang artikulo at website, online at mga video na
makapagbibigay kaalaman sa maraming bagay.
Ngunit hindi lahat ng impormasyon na nakasulat
sa internet ay dapat paniwalaan.
MGA KATAGA O SUSING SALITA NA MAAARING BATAYAN NA
ANG PAHAYAG AY ISANG KATOTOTOHANAN

Alinsunod sa , batay sa, ayon sa,


Alinsunod sa batas ang iyong ginawang aksyon sa paghuli sa may sala.
Batay sa saligang batas hindi mo kinakailangan magsalita kapag ikaw
ay hinuli , maari mong tawagin ang iyong abogado upang magtanggol
sa iyo.
Ayon sa balita “Super Typhoon” ang bagyong darating kaya kailangan
nating maghanda.
Mga Pamantayan upang mabisang
matiyak kung makatotohanan at
mapagkakatiwalaan ang isang
pahayag na nakuha mula sa isang
sanggunian
AWTORIDAD
Tumutukoy ito sa karanasan , pinag-aralan at
kadalubhasan na taglay ng isang may-akda o
institusyon na nagbibigay ng awtoridad na magsulat o
tumalakay tungkol sa nasabing paksa o larangan.
PANANAW
Sa pagtalakay ng isang paksa o isyu mahalagang suriin kung
dapat bang paniwalaan ito batay sa pananaw na inilahad ng
may akda . Katanggap-tanggap na isang may-akda ay may
sariling pananaw o panig patungkol sa isang isyu , Maaring
timbangin sa pamamagitan ng pagbabasa ng ibang batayang
sanggunian na nagpapahayag ng ibang pananaw o
perspektibo.
PANAHON
may mga impormasyon o datos sa ilang larangan
na nababago sa paglipas ng panahon , lalo na sa
agham . Sa ngayon halimbawa ang usapin tungkol
sa covid-19 , mahalaga na malaman na
pinakabagong impormasyon dahil palagian itong
napapalitan ng bagong tuklas.
KALIDAD-
Ito ay tumutukoy sa kalidad ng pagsusulat na ginawa ng
may-akda. Kung gumamit ang may-akda ng mga
mapagkakatiwalaang sanggunian at dumaan ang
materyal sa pagsusuri ng mga katulad niyang dalubhasa
masasabing may kalidad ang batayang sanggunuian.
PAGSASANAY : TAMA O MALI
1. Ang lahat ng impormasyon na nababasa sa internet ay totoo at dapat paniwalaan.
2. Mahalagang malaman natin kung tototo ang mga nababasa natin o napapakinggan bago natin
paniwalaan.
3. May mga susing salita para malaman natin kung may batayan ang impormasyong ating nababasa
tulad ng alinsunod sa , ayon sa , batay sa.
4.Maaring mabago ang katotohaan lalo sa sa agham sa paglipas ng panahon
5. Nagbibigay ng klarong impormasyon ang mga aklat, ensayklopedia lalo sa pag-aaral ng mga
kabataan.
6. Maari kang magsulat ng balita na may katotohanan batay sa iyong karanasan.
7 Kailangan munang suriin at pag-aralan ang mga impormasyong nasa internet lalo na kung ikaw
ay bibili ng isang produkto.
GAWIN MO ITO

Manood ng isang napapanahong balita sa


telebisyon at gumawa ng balita na sasagot
sa tanong na ANO, SINO KAILAN, SAAN AT
BAKIT.

You might also like