You are on page 1of 1

SANTILLAN, POLL ANTHONY R. (jinette_26@yahoo.

com)

Problema sa Dagdag na School Year

Desidido ang DepEd na dadagan ng dalawang taon ang basic education sa Pilipinas, pero dumadami na rin ag mga tumututol sa pagpapatupad nito. Nabigyan ng atensyon ang isyung ito dahil marami sa ating mga kababayan ang tinatanggihan ng trabaho sa abroad, dahil daw masyadong bata, na bunsod nga sa kakulangan sa taon ng pag-aaral. Basic education in the Philippines is inadequate, resulting in the poor quality of College graduate, which in turn is falling down of the competitiveness of Filipinos in the global job market komento ng bagong head ng Commission on Higher Education Emmanuel Angeles. Kaya may mga tumututol. Para sa mga mahihirap, dalawang taon ang idadagdag kasabay din nito ang dalawang taon ng pagbubuno ng gastos para lamang makapagtapos ang mga anak. Hindi maliit na bagay ang karagdagang gastos. Mahaba nga naman ang dalawang taon kung idagdag niya ito sa kasalukuyang curriculum. Pero tignan din natin ang mga benepisyo ng bagong sistema. Bukod sa gastos na dala ng mas mahabang panahong pag-aaral na pangunahing nasa isipan ng marami , tutol din ang ibang mga guro dahil tiyak na sila ang labis na nagsasakripisyo sa panukala ni P-Noy dahil sa dagdag na trabaho at oras. Bukod pa umano rito, problema na rin sa kakulangan ng gusali, silid-aralan, textbooks at iba pang pangangailangan ng mga paaralan dahil sa mababang Investment ng pamahalaan sa sector ng edukasyon. Kailangan nga talaga dito ng sanayan para masiguradong makamit ang pinakasentrong hangarin. Giit din ng iba na hindi dapat magsagawa ng Trial And Error ang DepEd sa implementasyon ng 12 years education program sa dahil hindi dapat itaya ang kinabukasan ng mga kabataang mag-aaral. Maganda sana kung may solusyon ang mga problema at pag-aalangan ng marami hingil sa karagdagang mga taon.

AVOID PLAGIARISM

You might also like