You are on page 1of 4

Jinette_26@yahoo.

com- Facebook IamPokemon- Twitter

CHAPTER 1

Si Bakla! Hindi siya ang type ko. Totoo! Natatandaan ko pa noong unang beses siyang pumasok sa klase naming Speech, ni hindi ako nagkacrush sa kanya, ni hindi nagulat ang mga mata ko. Marahil sanay na ako sa mga ganoong klaseng tao. Guwapo siya, matangkad at maputi, yan ang ilan sa mga pangunahing katangian na hinahanap ko sa isang lalaki. Pero bakit ni isang pagtibok ng puso koy hindi ko naramdaman? Ang isa ko ngang kaklaseng babae, may gusto sa kanya at walang ibang masabi sakin kundi , ang guwapo niya te. Pero wala talaga, pilit ko mang utusan ang sarili ko na pansinin ang kaguwapuhan niyay hindi ko magawa. Masiyahin akong tao, joker sabi ng iba. Mahilig lang kasi akong magpatawat magbigay kagalakan sa iba, ganun yata talaga ang karamihan sa mga bakla. Lahat na lang siguro ng bagay ay nagagawa kong katawa-tawa. Pati pag-ibig naisip kong pagtripan. Tuwing nakikita ko siya, kunwari kinikilig ako, kunwari gusto ko siya. Eh tanga naman mga kaklase ko, naniwala naman. Ganun talaga, kilala kasi ako bilang isang malanding bakla. Isang araw, pumasok siya, ganun pa rin, wala talaga. Nakaisip kami ng magandang paraan ng kaklase kong si Aryana kung paano namin makukuha ang cp number niya. Ganun talaga, kung landian lang naman ang pag-uusapan, magaling kami diyan. Ako ang secretary ng seksyon namin simula pa noong 1st sem, 1st year. Naghanda kami ng isang papel at kunwari ilalagay nila don ang kanilang pangalan at contact number. Sinabi namin sa mga kaklase namin ang plano, keri lang daw. Kaya sinimulan na ang balak, dumating na kasi siya. Hindi kami nabigo, bongga ang plano, Mark Vincent Hernandez (hindi niya totoong pangalan) ang pangalan pala niya. Gaya ng nakaugalian tuwing may nakikilalang guwapo, agad ko itong hinanap sa facebook, pero sa kasawiang-palad ay hindi ko makita. Pero hindi ako tumigil, hindi ako nawalan ng pag-asa, hanggang sa tinanong ko sa mga klasmeyt ko. Kaiskuwela pala siya ni Angeline noong hayskul at friend daw niya ito sa facebook. Isesend daw niya sakin ang link ng facebook profile niya at yon inadd ko siya. Hindi naman ako nabigo, inaccept agad nito ang friend request ko.

Sa Kabila ng lahat ng toy nagawa kong tanungin ang aking sarili. Bakit ako masaya? Eh dba, hindi ko siya type? Mukhang nabago na yata ang pagtingin ko sa kanya, hallah, gusto ko na yata siya.

TONETTE SANTILLAN

Jinette_26@yahoo.com- Facebook IamPokemon- Twitter

CHAPTER 2 Siya na nga ang hinahanap ko,hindi para maging jowa, kapal naman ng mukha ko. Siya ang hinahanap kong maging pansamantalang inspirasyon ko, pansamantalang motibasyon para makalimutan ko ang pait na dala ng lintik na huling pag-ibig na yan. Sa paglipas ng araw, mas lalo ko pa siyang nagugustuhan, mas lalong nahuhulog ang loob ko. Tila mas nagiging guwapo ito sa paningin ko. Teka, sa isang asignatura lang pala kami magkaklase. Mass Communication ang kinukuha niyang kurso, hindi maikakailang minsan meron siyang pagkabungangero. Pero gayunpaman, wala na tayong magagawa pa, gusto ko siya at wala nang iba pa. Madaldal din ako! Bagay na bagay kami sa isat isa. Pero biro lang mga kaibigan baka kasi sabihin niyong masyado nang makapal ang aking pagmumukha. Paborito kong araw ang Lunes at Huwebes, syempre naman, makikita ko ulit siya. Palagi kong hinihintay ang pagdating niya, ninanais ulit makita ang mga ngiti niya sa tuwing pumapasok siya sa may pinto sa likuran ng aming silid-aralan. Ang guwapo niya talaga, walang-kapara. Kahit sino siguroy mapapakagat-labi sa kanya. Ang lola niyo nahihiyang kausapin siya, hindi magawang lapitan siya. Ninais ko na kaagad siyang makilala ngunit tinablan ako agad ng hiya. Bakit akoy natorpe pa? Kahit buong pangalan niya ay hindi ko kayang itanong kahit alam ko na. Nasaan na ang kalandian? Bakit hindi kayang ipakita? Hanggang titig na lang ba ako sa kanya? Pasulyap-sulyap kunwari? Madalas sa klase namin, hindi ako nakikinig sa mga aralin ng propesor, kay Mark Vincent lang kasi nakatuon ang atensyon ko. Sorry ka propesor ko, guwapo ang crush ko. Halla, nagkaaminan na, iba na nga, nagbago na nga ang pagtingin ko sa kanya. Ooh Mark Vincent, kay ganda mong pagmasdan. Hindi mo ba napapansin ang aking kagandahan? (Hahhaha) Mas lalo pa nga akong humanga sa kanya. Ang guwapo niya kasi, san ka pa? Wala kaming parehong klase sa Martes at Biyernes, nakakainis lang noong una. Pero kahit ganun ay nagagawa ko pa rin siyang makita. Pumupunta kasi siya sa klase namin sa P.E.. Malapit na magkakaibigan kasi sila nila Carlo. Masaya ako kahit na alam kong hindi naman ako ang rason kung bakit pumupunta siya. Pero wala akong pakialam, basta makita ko siya, nakukuntentot nalulugod na ako.

Mukhang alam na ng mga kaklase ko na may gusto ako sa kanya. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay hindi ko maiwasang mapangitit kiligin. Ano na ang gagawin ko? Nahahalata na yata ako.

TONETTE SANTILLAN

Jinette_26@yahoo.com- Facebook IamPokemon- Twitter

CHAPTER 3

Ngayong nahahalata na ako ng mga kaklase ko, tanga ako pag ililihim ko pa ang nararamdaman ko sa kanya. Araw-araw, walang ibang iniisip kundi siya. Araw-araw, walang ibang hinahanap kundi siya. Alam mo yong feeling na hindi ka makakain at makatulog sa kaiisip sa kanya? Bakit akoy naadik sa kanya? Naaalala ko pa isang araw, sa may Freedom Park. Habang hinihintay namin ang propesor namin sa P.E., pumunta siya. Gaya ng dati, namumula ako sa hiya tuwing nandyan siya. Hindi ko talaga maitago, kitang-kita sa mukha ko na gusto ko siya. Mas naging malubha tong nararamdaman ko noong tinukso ulit kami ng mga kaklase ko, wala akong ginawa kundi tumalikod sa kanya at mamatay sa tuwa. Hiniling ng mga kaklase ko na kung puwede ay magpiktyur kaming dalawa. Sa unay parang ayaw ko kasi talagang nahihiya ako, pero napag-isipan ko, sino ba naman ako para ayawan sila, di ba? Hindi naman ako kagandahan. (Medyo lang) Tila hindi lang yata ako ang nahihiya, pati siya. Nagpapasama siya sa mga kaklase kong iba. Marahil ay naiilang lang siya na kaming dalawa lang. Magpicture ba naman kasi kayo na may maraming tao sa paligid niyo. At yon, natapos ang pagkuha ng litrato. Baliw tong mga kaklase ko, inalis ba naman ang iba pa naming kasama sa litrato para kaming dalawa lang ang nandun. Hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko noong oras na yon. Hindi man kami masyadong magkalapit sa litratoy kuntento na ako. Basta! may litrato na kaming dalawa. (Period)

----------- sa txt ---------(NagGM ako, mga ala una ng madaling araw. First time kong itxt siya.) Ako: cant catch some Zs. fck. (GM) Mark Vincent: Who's this? may i know cause my simcard got reformatted. Ako: tonette kuya. (pavirgin) Mark Vincent: Haha o bat di ka makatulog? Tulog tulog din. Ako: Sige kuya, mauna ka na. Hindi pa ako inaantok eh. Mark Vincent: Gusto mo nako mamatay? Haha mahaba pa buhay ko kaya di ako mauuna hahaha! Sige goodnight. Ako: halla. Anong pinagsasabi mo? Ayaw ko pang mamatay ka, bwahhaha. Mark Vincent: Wala biro lang haha. ---------- end -------------

TONETTE SANTILLAN

Jinette_26@yahoo.com- Facebook IamPokemon- Twitter

Sa wakas, nagkaroon din ako ng lakas ng loob na kausapin siya kahit sa txt man lang. Hindi ko inakalang tutugon siya sa GM ko. Alam mo yong feeling na ang crush mo nagreply sayo? Ganun yon eh. Ang saya na parang, OMG! Hindi ko maipaliwanag. Marahil sa inyoy nonsense ang pag-uusap naming yan. Pero hindi niyo ako masisisi, mababaw lang talaga ang kaligayahan ko. Kung kayo ba naman ang nasa katayuan ko, konting bagay lang, kikiligin na kayo. Ang totoo! Inaantok na ako noong oras na yon. Pero dahil kausap ko siya, kailangan kong gisingin ang aking sarili. Baka sa susunod ay hindi na maulit. Mahirap na, baka magsisi ako, diba? Ang sarap sa pakiramdam, naging mahimbing ang pagtulog ko noong gabing yon. Mapaaraw man o mapagabi, siya ang laging laman ng mga panaginip at isip ko, pangalan niya palagi ang nasasabi ko. Sa tuwing nag-iisa, mukha palagi niya ang nakikita. Alam mo yong feeling na kung hindi mo siya makitay pumapangit ang lagay ng loob mo? Yong bang wala ka nang gana pa? Sa isang sulyap lang niya, ayos na ako. Sa isang sulyap lang niya, nagbabago ang mundo ko. Sa isang sulyap niya, tila mas nagiging malubha tong nararamdaman ko sa kanya? Pero bakit?

Hindi ko alam kung paghanga lang ba tong nararamdaman ko. Ano ba sa tingin mo? Iba na ba to? Hindi ko maipaliwanag, basta! Iba na yata talaga. Nahulog na ba ang loob ko sa kanya? Nagmamahal na ba ako?

TONETTE SANTILLAN

You might also like