You are on page 1of 5

Mataas na Paaralang Pambansa ng San Roque Gov.A.Pascual cor.Leongson Sts.

, San Roque Navotas City BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO BAITANG 7 Petsa/Araw: Linggo: Tema: Lunsarang Teksto: Mga Tunguhin: A. PB3Ac: Ika- 6 ng Pebrero , 2013/ Unang Araw 26 Mga Tunggalian Pork Empanada ni Tony Perez Nailalarawan ang tunggaliang nilikha ng relasyon ng pangunahing tauhan sa Lipunang kinabibilangan. 1.Nailalarawan ang mga sumusunod na elemento ng maikling kwento sa pamamagitan ng pagguhit: a. tagpuan b. pangunahing tauhan at iba pang mga tauhan c.Problema 2. Naiisa-isa ang mga patunay na ang pangunahing tauhan ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: a.mapagmahal na kapatid b.matiyaga c.mapag-impok

I.Mga Kagamitan: a. Kopya ng Pork Empanada ni Tony Perez b. Manila Paper o Cartolina c. Pangguhit at pangkulay II. Pamamaraan A. Panimulang Pagtaya (15 minuto ) 1. Balik-aral Pagpapakita ng larawan ng ampalaya 2. Pagganyak Pagpapanood ng guro ng isang video clip. Mga gabay na Tanong: 1. Tungkol saan ang inyong napanood? 2. Sino sa inyo ang kumakain nito? 3. Bakit ninyo ito nagustuhang kainin? 3. Pagpapalawak ng Talasalitaan Magpayaman Tayo!Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakapahilig sa mga pangungusap sa tulong ng mga larawan at sa pagpupuno ng tamang letra sa mga patlang . 1. Bago ganap na nakatulog ay nanagimpan siya ng masarap na buhay na walang takot at pagod. na_ga_a_ 2. Sa ilalim ng bintanay may makulay na paskil na tinitikan ng pentel pen na pula at asul sa isang parisukat na pirasong dilaw na kartolina. Si_u__at_n

3.

Maliit si Bototoy,kayat di siya humihimpil sa covered court.

Tu_ig_l 4. Matapos magminandal ay hinagis nila sa labas ang mga basyong Plastic na matpos inumay kinuyumos munat pinalasan. N_l__ _ot 5. Kung minsan binubulyawan si Bototoy ng may-ari ng sasakyan. _inis__ _aw_n 3. Pagtalakay sa binasang kwento ( inaasahang nabasa na ng mag-aaral ang kwento bilang takdang-aralin) Ano ang nangibabaw na damdamin sa binasang kwento? Bakit? B. Introduksyon ( 5 minuto) 1. Pagbabalik-aral sa mga Elemento ng Maikling kwento sa pamamagitan ng pakikinig sa piling pahayag mula sa kwentong tinalakay. C. Presentasyon( Pangkatang Gawain) (10 minuto) Kailangang gawin ng bawat pangkat ang sumusunod: hanapin sa teksto ang mga detalyeng hinihingi sa kanila; isulat ang mga detalyeng ito sa Manila paper; gumuhit ng mga larawang magpapakita ng mga detalyeng ito; maghandang magpaliwanag sa klase tungkol sa elemento ng kuwentong napunta sa kanila. Pangkat 1- Tagpuan Gumuhit ng mapa mula sa bahay ni Bototoy hanggang sa Frankies Steaks and Burgers. Pangkat 2- Pangunahing Tauhan Iguhit si Bototoy Pangkat 3- Nono, Itoc at Radny Iguhit sina Nono, Itoc at Radny at Ipaliwanag ang relasyon ni Bototoy sa mga ito. Pangkat 4- Nining Iguhit si Nining at ipaliwanag ang relasyon ni Bototoy sa kanya. Pangkat 5- Mga bumibili ng empanada Iguhit ang lalakit babaeng bumibili ng empanada, ilarawan ang iba nilang katangian at kung ano ang naging epekto nila kay Bototoy Pangkat 6- Problema Iguhit ang empanadang gustong-gustong bilhin ni Bototoy. D. Pagpapayaman at Pagpapalawig (15 minuto ) Pag-uulat ng bawat pangkat sa isinagawang Pangkatang Gawain Pagbibigay-puntos ng bawat pangkat gamit ang Rubrics sa Pagguhit at Paguulat Presentasyon ng mga Magbibigay ng Puntos Pangkat Pangkat 1 Pangkat 6 Pangkat 2 Pangkat 5 Pangkat 3 Pangkat 4 Pangkat 4 Pangkat 3 Pangkat 5 Pangkat 2 Pangkat 6 Pangkat 1

E. Sintesis (Evidence Sheet) ( 5 minuto) Panuto: Tukuyin kung anong katangian ng pangunahing tauhan ang nangibabaw sa mga sumusunod na pangyayari sa kwento.

Mga Patunay
1. Dalawang piso lamang ang kinita niya noong araw na iyon,nagmuni-muni muna bago siya bumili ng apat na pirasong tootsie roll para pasalubong niya kay Nining 2. Sinuksok ni Bototoy ang isa niyang kamay sa kaliwang bulsa-isang diyes,tatlong singko at dalawang mamera. Matagal-tagal pa at marami pang sasakyan ang kanyang babantayan bago makabili ng kahit isang empanada. 3. Sinuksok ni Bototoy ang isa niyang kamay sa kaliwang bulsa-isang diyes,tatlong singko at dalawang mamera. Matagal-tagal pa at marami pang sasakyan ang kanyang babantayan bago makabili ng kahit isang empanada.

Mga Katangian

Botot oy

F. Pangwakas na Pagtaya ( Maikling Pagsubok) ( 10 minuto) Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang upang magkaroon ng kaisahan ang mabubuong talata. Piliin ang letra ng tamang sagot sa kahon sa ibaba. Kinabukasay naroroon na naman sa sementadong island si Bototoy,naghihintay at nag-aabang. Uma-umaga, tangha-tanghali,hapon-hapon. Hindi siya nagsasawa. Ito ay nagpapahiwatig ng kanyang masidhing 1.____________.Gaano mang kaliit ang kanyang kinita sa pagwawatch-your-car ay binibili niya ng kahit anong munting pasalubong. Tunay na siya ay 2. _________ na kapatid kay Nining.Isang araw, ipinagtapat ni Bototoy sa kapatid na nag-iipon siya ng pera. Talagang taglay ni Bototoy ang katangiang 3.___________ . Si Nining ay isang batang 4._________. Sa wakas, nabili na rin nila ang gustinggustong 5. ____________________ na sumisimbolo sa kanilang pangarap. a. pagtitiyaga b. mapangarapin c. mapag-impok d. mapagmahal e. pork empanada f. masayahin

III. Kasunduan Humanda sa pagtalakay ng dalawa pang elemento ng maikling kwento na nakapaloob sa kwentong binasa.

Pakitang-Turo ni _________________________ Gng.Annaly Montero- Gonzales Guro,Baitang 7

You might also like