Professional Documents
Culture Documents
Mukha itong baong nakabaligtad at may bangka sa itaas na may nakasakay na dalawang tao. May mga guhit na nakakurba sa itaas na bahagi ng banga. Dalawa ang nakasakay sa bangka. Ang nasa likod ay may hawak na sagwan at ang nasa harap ay nakaupo lamang at naka-ekis ang mga kamay sa dibdib. Sila ay mahuhusay at malikhain.
Para sa Manunggul 2
Inililibing ang mga bangkay sa tabi ng kanilang bahay at kung pinuno naman ang namatay, inililibing ang mga bangkay sa ilalim ng bahay o balkon o sa kung saan mang lugar nila ito ipinaglaan. Pinaglalamayan ng apat na araw bago ilibing sa bangka na nagsisilbing kabaong/ataul at ilalagay sa ilalim ng bahay o balkon. Pangalawang paglibing naman ang paglagay ng mga buto ng bangkay sa banga paglipas ng isang taon o higit pa.