You are on page 1of 26

PANITIKAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

KALIGIRANG KASAYSAYAN
Makaraan ang sampung taong pagkakasailalim ng Pilipinas sa Batas Militar at sa tinatamasang bahagyang pagbabago sa kalakarang buhay ng mga Pilipino na nagsimula sa panahon ng Bagong Lipunan, muling inalis ang bansa sa ilalim ng nasabing batas noong ika-2 ng Enero, 1981. Ang pagkakaalis ng bansa sa ilalim ng Batas Militar ay isang pagbabago sa tingin ng mga naglilingkod sa pamahalaan. Sa kanilang pananaw, ang Pilipinas noon ay isa na namang bagong bansa, kayat itoy tinawag ng dating Pangulong Marcos na ANG BAGONG REPUBLIKANG PILIPINAS.

Isa namang mananalaysay ang nagsabi na ito ang panahon ng Ikatlong Republika. Ang UNANG REPUBLIKANG kanyang isinaalang-alang ay ang Republikang Pilipinas sa panahon ni Emilio Aguinaldo; ang IKALAWA ay ang paglaya natin sa ilalim ng pamahalaang Amerikano; at ang IKATLO, dahil muli na naman daw naging malaya ang bansa dahil sa pagkakaalis nito sa ilalim ng Batas Militar. Ngunit nang panahong ito, di-mapasusubaliang maraming mamamayan ang tumututol at nagpupuyos ang kalooban dahil sa patuloy na paghihirap ng bansa at di-pagdama sa tunay na kalayaan. Lalo pang nag-alab ang ganitong damdamin nang patayin noong AGOSTO 21, 1983 ang dating Senador BENIGNO AQUINO JR., ang idolo ng masang Pilipino na matagal na nilang mithing maging pangulo ng bansa.

Sa pagpapatuloy ng ganitong kalagayan nang panahong ito, masasabing malaki ang naging pagbabago sa ating panitikan. Maraming mga manunulat ang nangagsisulat ng mga paksang nadarama sa buhay tulad ng PAKIKISAMA, PAGGAWA, PAGDADALAMHATI, KAHIRAPAN, PULITIKA, AT IMPERYALISMO.
Masasabing maningning pa rin ang Panitikang Filipino nang panahong ito

ANG PANULAANG TAGALOG SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA


Ang mga tula sa panahon ng Ikatlong Republika ay may PAGKAROMATIKO at REBOLUSYONARYO. Lantaran kung itoy tumuligsa sa mga nagaganap noon sa ating pamahalaan. Ang hinaing ng mga mamamayan ay nakatambad sa wikang maapoy, marahas, makulay, at tila mapagtungayaw.
Halimbawa ng tula: ** UOD ni Rodolfo Salandanan ** PILIPINAS, SAWI KONG BAYAN Francisco Rodrigo

ANG AWITING FILIPINO


Mga paksang madarama sa buhay ang nilalaman ng mga awiting Filipino nang panahong ito. Ang KALUNGKUTAN o PAGDADALAHAMHATI, KAHIRAPAN, PAGHAHANGAD NG TUNAY NA KALAYAAN, PAG-IBIG SA DIYOS, SA BAYAN, AT SA KAPWA, ay ang mga damdamin ng mga awit.
Maraming kompositor ang nalungkot nang paslangin si Ninoy Aquino Jr. noong Agosto 21, 1983. Kabilang na rito sina CORITHA, ERIC, FREDDIE AGUILAR. Sina Coritha at Eric ay bumuo ng isang awiting pinamagatang LABAN NA at unang inawit ito

ni Coritha sa isinagawang National Unification Conference ng Oposisyon noong Marso, 1985. Inawit din ito sa idinaos na Presidential Campaign Movement for CORY AQUINO upang magbigay ng inspirasyon sa kampanya sa pagpapabagsak sa Marcos Movement noong Pebrero 5, 1986.Narito ang awit:
LABAN NA

Ni Coritha at Eric
Ang hangin ay humuhuni/may sinasabi Tila may daing/ang lahi natin, Mga alon sa dagat ay may kinakampay Ang hiniling, saan ka papanig hahahaha.ha

II

Nangangamba ka ba oh!Pedro
Na baka ikay mahuli ng bombero Magpakatatag at huwag dungisan

Ang kalayaang pinaglalaban


Laban na [4x] At kung ikay handang sumama Naririto ang pagkakataon

Repeat II
Laban [12x] Laban na [6x]

Muling binuhay naman ni Freddie Aguilar ang awiting BAYAN KO na sinulat nina JOSE CORAZON DE JESUS at C. DE GUZMAN noong panahon ng Amerikano. At dahil sa madamdaming nilalaman at pagiging popular nito,tunghayan natin ang awit :
BAYAN KO
Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng gintot bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad


Nag-alay ng gandat dilag

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka

Nasadlak sa dusa.
-KORUS-

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di-magnasang makaalpas?

Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha at dalita Aking adhika

Makita kang sakdal laya.

Kay sarap mabuhay sa sariling bayan


Kung walang alipin at may kalayaan Ang bayang sinisiil, bukas ay babangon din Ang silangay pupula sa timyas ng paglaya

PELIKULANG FILIPINO
Nagpatuloy pa rin ang pagdiriwang ng taunang Pista ng mga Pelikulang Filipino nang panahong ito.

Lalong di napigil ang pagkagiliw ng mga tao sa mga pelikulang nauukol sa SEX. Kaya naman sinamantala ng mga ganitong uri kahit na itoy nakapagpapababa sa moralidad ng mga Pilipino.

PAHAYAGAN,KOMIKS, MAGASIN AT IBA PANG BABASAHIN


Tila pulitikang biglang nahati sa dalawang partido ang mga pahayagan nang panahon ng Ikatlong Republika. May mga pahayagang binansagang mga CRONY NEWSPAPERS ng marami nating mga kababayan dahil sa mga di-makatotohanang pahayag na taliwas sa mga tunay na nagaganap sa ating kapaligiran. Kabilang sa mga ito ay ang: BULLETIN TODAY, PEOPLES JOURNAL at PEOPLES TONIGHT.

Ang mga pahayagang tinangkilik naman ng marami at pinaniniwalaang nagpapahayag ng mga totoong pangyayari ay ang FORUM, DAILY INQUIRER, MANILA TIMES at MALAYA.
Patuloy pa ring tinangkilik ng maraming kabataang Pilipino ang mga komiks at magasin tulad ng KISLAP, MODERN MAGASIN, BULAKLAK, LIWAYWAY, EXTRA HOT, JINGLE SENSATION, LOVELIFE, EXTRA ALIWAN, HIWAGA, HOLIDAY at marami pang iba.

TULANG NAGWAGI SA PALANCA 1981-1985


1981-TAGA SA BATO ni Romulo Sandoval/sagisagpanulat Victor Buenviaje 1982-ODYSSEY NG SIGLO ni Cresenciano C. Marquez Jr./sagisag-panulat Eva A. Dan 1983-SA PANAHON NG LIGALIG ni Jose F. Lacaba/sagisag-panulat Bernardo Makiling

1984-BAKASYUNISTA ni Tomas Agulto/ sagisagpanulat na Sarhento J. dela Cruz


1985-PUNTA BLANGKO ni Mike Bigornia/ sagisagpanulat na Haraya Negra

MAIKLING KUWENTO 1981-1985


1981- DI MO MASILIP ANG LANGIT ni Benjamin Pascual/ sagisag-panulat na RADAMEN
1982 TATLONG KWENTO NG BUHAY NI JUAN CANDELABRA ni Lualhati Bautista/ sagisag-panulat na JOY MARELA 1983 PINAGDUDTUNG-DUGTONG NA HININGA MULA SA ISKINITANG PINAGPIYESTAHAN NG MGA BANGAW ni Agapito M. Lugay/ sagisag-panulat na PEPING DELA CRUZ 1984 SA KADUWAGAN NG PILIKMATA ni Fidel Rillo Jr./ sagisag-panulat na VIRGINIA RIVERA 1985 UNANG BINYAG ni Ernie Yang / sagisag-panulat na HOMER

KABUUANG TANAW SA PANITIKAN


Sa kabuuang tanaw, mga SANAYSAY, MGA AWIT, MGA TALUMPATI at mga TULA pa rin ang masasabing nangunguna sa sangay ng Panitikang Filipino nang Panahon ng Ikatlong Republika.

PANITIKAN SA KASALUKUYAN

KALIGIRANG KASAYSAYAN
Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin ng may labing-apat na taon. Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 nito ay namayani ang tinatawag na PEOPLES POWER o LAKAS NG BAYAN.

Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nasaksihan ng mga mamamayan na tunay na tatakPilipino. Sa apat na makasaysayang araw ay naroon ang magkakahawak-kamay at balikat sa balikat na

Barikada, higaan sa kalye, pagsalubong ng mga ngiti, pagmamakaawa, pagsasabit ng mga bulaklak sa mga taong nasa tangke na lulusob sana sa pinararatangang dalawang rebelde-ENRILERAMOS , pagkat sumama na sa pangkat ng Pangulong Aquino. Muling naipamalas ng mga Pilipino ang Samahang bayanihan tulad ng pagbabahagi ng mga pagkain at inumin. Lumabas ang ganda ng pag-uugaling Pilipino. Muling nasilayan ang pagtutulungan, pagmamalasakitan, pagkakaisa, pagbibigayan, pagkamatiisin at pananalig sa Panginoon. Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring PILIPINO..ang mga Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa.

KALAGAYAN NG PANITIKAN
Bagamat iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Republikang Pilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mga pagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga TULA,AWITING PILIPINO, sa mga PAHAYAGAN, sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga PROGRAMA SA TELEBISYON

PANULAAN SA KASALUKUYAN
Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata, ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang may tiwaling gawin at pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan. Hal: GITING NG BAYAN ni Francisco Rodrigo HIMALA NI BATHALA ni Francisco Rodrigo ALAMBRENG MAY TINIK,BOMBANG TUBIG AT USOK NA MALUPIT ni Remi Alvarez Alva

AWITING PILIPINO
** MAGKAISA nina Tito Sotto, Homer Flores, at E. dela Pena ** HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO ni Jim Paredes

Ang binuhay na awiting BAYAN KO ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni Jose Corazon de Jesus ay ang pangunahing pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon. At dahil sa pagiging makasaysayan nito noong nakaraang matahimik na rebolusyon, iminungkahi ngayon sa Constitutional Commission na gawin itong pangalawang Pambansang Awit ng Pilipinas.

SANAYSAY
PAG-IBIG LABAN SA TANGKE Teresita Sayo

BUKAS NA LIHAM Jocelyn M. David


DIKTA NG DAYUHAN Romulo Caralipio

MGA MANUNULAT
ISAGANI CRUZ EDGARDO REYES

DOMINGO LANDICHO
RUTH MABANGLO LYDIA GONZALES

TIMPALAK-PALANCA
** Dulang Iisahing Yugto

BAYAN MO ni Bienvenido Noriega Jr.


ANG MGA TATOO ni Reynaldo Duque ** Tula PANAHON NG PAGPUKSA..PAKIKIDIGMA ni Teodoro Antonio ** Maikling Kuwento ANG DAMO SA FORT BONIFACIO ni Cyrus Borja ** Sanaysay

SI EDGARDO REYES ni Rogelio Mangahas

You might also like