You are on page 1of 1

Softdrinks, bawal sa paaralan

ni: Mariell J. Morales Lantaran pa ring nagbenbenta ng softdrinks ang mga kantina ng paaralan sa kabila ng ipinalabas na DepEd order blg. 8 S.2007 ang Revised Implementing Guidelines on the Operation and Management of school canteen in the public and private, elementary and secondary schools, tanging nutrient-rich foods at fortified food products na may label na mayaman sa protina, energy, vitamins at minerals ang maaaring ibenta ng paaralan. Ipinatupad ito sa mga kantina upang maiwasan ng mga kabataan ang mataas na sugar content ng produkto. Ayon sa World Health Organization (WHO) umaabot sa mahigit 3 milyong batang Pilipino ay obese. Malaki ang maitutulong ng pagbabawal ng softdrinks sa paaralan, itoy upang mabawasan ang porsyento ng obesity sa ating bansa. Ang softdrinks ay may caffeine na nakakaadik kaya madalas hinahanap- hanap ng mga kabataan. Ito ay nagdudulot ng pagpapawis, palpitation, mabilis na paghinga, at pagkakaroon ng migraine o ang grabeng pananakit ng ulo, pagkairita at pananamlay. Ito rin ay may taglay na phosphoric acid. Ang phosphoric acid ay ginagamit bilang pantanggal ng sebo, mantsa ng dugo, at panlinis sa toilet bowl. Sa bawat pag-inom ng softdrinks, unti- unti nitong pinapatay ang calcium, magnesium, at mga nutrients sa katawan na mabuti sana para sa operasyon ng ating immunity.

You might also like