You are on page 1of 1

Gerard M.

Nugas III Ostrich

ANG PANGARAP KO
Ang pangunahin kong pangrap sa buhay ay maging isang Mechanical Engineer. Ito ay sa kadahilanang mahilig talaga ako sa mga sasakyan lalo na sa mga mabilis tumakbo at saka mga mamahaling uri nito. Gusto kong matutunan ang mga konsepto ng mga sasakyan at isang araw maka imbento o makagawa ako nang isang obra maestro na sasakyan at ipagmamalaki ko sa Pilipinas.

Ang isang pangarap ko naman din ay maging isang Electrical and Electronics Engineer. Ito ay dahil isa ito sa mga trabaho na pinakakailangan ng ating bansa dahil maliit lang ang pumapasa sa kursong ito. Nais kong makatulong sa ating bansa upang mas mapabuti pa ang komunikasyon natin sa ibatibang tao na gusto nating ibahagi ang ating oras kahit saan man dito sa ating bansa.

Ang pinakahuli ko namang pangarap sa buhay ay maging isang Genetic Engineer. Ito talaga ang pinakagusto kong kurso sa buhay pero wala nman ito sa Pilipinas o kahit meron man ay siguradong magastos. Kinahiligan ko ito sa lahat dahil kasama na dito ang pag-aaral sa mga genes ng tao at pag gawa ng cross species genetics gaya sa The Amazing Spiderman na pelikula kung saan nakuha niya ang katangian ng gagamba na mga sapot na ginamit niya sa kabutihan ng naturing sitwasyon.

You might also like