You are on page 1of 6

KABANATA 12

ANG PANUNUNGKULAN
NI MR. SIMEON MADLANGSAKAY

Si Mr. Simeon Madlangsakay ay tubong Silang, Cavite.


Isinilang noong Enero 5, 1888. Ang kaniyang ama ay si Nicolas
Madlasangsakay ng Silang, ang gurong
ayundante na nakasama ni Guillermo
Bayan sa pagpapasimula ng himagsikan
sa Cavite noong 1896. Ang kaniyang ina
ay si Merced Fajardo ng Imus, Cavite.1 Si
Mr. Simeon Madlangsakay ay isa sa mga
unang mag-aaral sa lalawigan na
nagtapos ng pagkaguro sa Philippine
Normal School. Sa talaan ng serbisyo sibil
ay kabilang na siya sa mga gurong insular
noong 1911.2 Hindi matiyak kung sa pagkapasa niya ng pagsusulit
sa serbisyo sibil na nagbigay sa kaniya ng istatus bilang gurong
insular ay naglingkod agad siya sa Indang Farm School, subalit
ang larawan na kasama siya ni Mr. Guillermo Bayan ay isang
indikasyon na siya ay nasa paaralan na.

Mga Programa ng Kawanihan


sa Taong 1919-1922

Sa panahon ng panunungkulan ni Mr. Madlasangakay ay


intensibiong ipinatupad ng Kawanihan ang pagpapalaganap ng
wikang Ingles bilang karaniwang wika sa buong kapuluan. 3
Nilalayon at ipinagdidiinan ng Kawanihan na ang Ingles ang
maging pambansa ng Pilipinas.4 Subalit nakikita ng Kawanihan na
ang hadlang sa epektibong pagkatuto ng mga Pilipino ng Ingles ay
ang paggamit ng dalawang wika (wikang opisyal na Ingles at
wikang pang-rehiyon/diyalekta) na tinitingnan nila nag-aalis sa
mahusay na pagkatuto sa alinman sa dalawa.5

1
Mula sa Papel Pagsasaliksik ng mga mag-aaral ni Mr. Franco Pelayo sa
BS Psychology (2006) sa pangunguna ni Hermie Mojica.
2

Roster 1912
3

20th ARTDE 11
4

Ibid. 12
5
Ibid.:15

215
Kabanata 12 – Panunungkulan ni Mr. Simeon Madlangsakay

Karagdagan sa mga bagong panukala ng Kawanihan ay ang


pagtatag ng mga paaralang pang-agrikultura na ang
konsentrasyon ay ang partikular na pananim, katulad ng rice
school, fruit school, abaca school, tobacco school, sugar school,
coconut school. Nagsagawa nang mga pagmamasid ang kawanihan
para sa tentatibong lokasyon ng mga ito at naghihintay na lamang
ng paborableng pagsang-ayon mula sa lehislatura ng Pilipinas. 6

Pinalakas na muli ng pamahalaang insular ang food


campaign sa mga paaralan. Ang mga mag-aaral ay pinagtanim ng
mais at ang mga mag-aaral sa domestic science ay nag-ukol ng
panahon sa food demonstration sa mga paaralan upang maturuan
ang mga tao ng mga bagong lutuin mula sa mga halaman na
itinatanim sa paaralan.

Isa sa pinakamahalagang kaganapan sa edukasyon ng


Pilipinas na nagkaroon ng epekto sa intermedia ng Indang ay ang
pagkakaroon noon ng mga kahilingan para sa pagtatag ng mga
karagdagang paaralang sekondarya sa Pilipinas. Ang paglaki ng
kahilingan na ito ay bunga ng pagkakaroon ng mga kumpletong
paaralang elementarya na nagkakaloob ng kursong primarya at
intermedia sa maraming bayan sa Pilipinas. Sa kahilingan sa
pagkakaroon ng mga paaralang sekondarya ay gayundin ang
kahilingan para sa karagdgang mga guro na magtuturo. Sa kabila
nito, ang pamahalaan ay bantulot na ipagkaloob nang biglaan ang
kahilingan na ito nang hindi napag-aaralan dahilan sa
kinatatakutan nito na magkaroon ng mga mag-aaral ng
sekondarya na wala namang adbantehiyang matatamo bilang mga
mag-aaral ng kurso.7

Sa una, ang Central Luzon Agrigultural School lamang ang


paaralan nagkakaloob ng sekondaryang instruksiyon sa farm
management, sinundan ito noong 1920 ng Trinidad Agricultural
School, Catarman Agricultural School, ng Batac Farm School
(Ilocos Norte) at Santa Maria Farm School (Ilocos Sur). 8 Inaasahan
rin ng Kawanihan na ito ay susundan pa ng iba pang mga
paaralang agrikultura sa mga darating na panahon - ang IFS ay
makikiisa na sa kalakarang rito.

Ibid.:38
7

22nd ARTDE:17
8
22nd ARTDE:45

216
Intermedia ng Indang / Anciano

Nagkaroon ng isang malaking suliranin ang mga paaralang


na nagtuturo ng pagsasaka sa buong Pilipinas sa taong 1922. Ito
ay bunga ng pagliit ng pondo para sa mga paaralan na katulad
nito. Ang pag-uulat ng Kawanihan para sa nabanggit na taon ay
mayroong bahid ng paghihinakit. Ipinararamdam nito na sa kabila
ng pagiging agrikultural ang basehang kabuhayan Pilipinas at ang
edukasyon agrikultural ay mayroong kahalagahan sa lahat ng
yugto ng pagtuturo. Subalit nangangamba na hindi magiging
maayos ang edukasyon sa pagsasaka dahilan sa tila hindi
nauunawaan ng mga pamahalaang insular, panlalawigan at
munisipalidad ang mahalagang ginagamapanan ng mga paaralang
nagtuturo ng pagsasaka.9

Taon Aproprasyon Pagbaba Porsiyento


ng ng pagbaba
pamahalaang
Insular para sa
mga paaralan
sa agrikultura
1919 200,000 ----------- ---------------
1920 100,000 50
100,000
1921 90,000 10
10,000
1922 -------- 100
90,000

Sa itaas ay makikita ang kalakip ang bahagi ng taunang ulat


ng Kawanihan ng edukasyon na nagpapakita nang patuloy na
pagbaba sa aprorasyon ng pamahalaang insular sa pagpapalawak
at pagpapaunlad ng mga paaralan na nagtuturo ng pagsasaka sa
Pilipinas.

Sa taong 1922, pinalakas ang curriculum sa intermedia sa


layunin na paghusayin ang kahusayan ng mga mag-aaral sa
wikang Ingles. Ito ay sa pamamagitan ng pagtuturo ng araling
conversational english. Ang pagbabagong ito ay bunga ng pag-aaral
ng Kawanihan na ang pagkatuto ng mga mag-aaral na Pilipino sa
wikang Ingles ay higit na nakasalig sa pagkakarinig nila ng wika
kaysa sa aktwal na pagtuturo.10

23rd ARTDE:45
10

25th ARDE p.

217
Kabanata 12 – Panunungkulan ni Mr. Simeon Madlangsakay

Sa pag-aaral ng estadistika ng paaralan para sa taong 1919-


1920 ito ay mayroong anim na guro, mula pito sa nakalipas na
taon. Mayroong kabuuang mag-aaral 144 na binubuo ng 92 lalaki
at 52 babae. Mababa ang bilang ng mga mag-aaral kumpara sa
nakalipas na taon na umaabot ng 169. Maipapaliwanag ang
pagbawas na ito sa bilang mga mag-aaral dahilan sa nagsimula
nang magkaloob ng araling intermedia sa mga bayan ng Silang,
Mendez, Alfonso at Amadeo sa mga kapanahunang iyon.

Sa taong 1920-1921 mayroong pitong guro sa paaralan at


may kabuuang bilang ng mga mag-aaral na 147 na binubuo ng
105 na lalaki at 42 na babae.

Sa taong 1921-1922 ay nanatili pa rin na pito ang dami ng


mga guro sa paaralan at mayroong 168 na mag-aaral na binubuo
ng 111 na lalaki at 57 na babae. Sa taong 1922-1923 ay ganon pa
rin ang bilang ng guro at 184 na mag-aaral na binubuo ng 103 na
lalaki at 81 na babae.

Isa sa mga mahalagang kaganapan sa paaralan sa taong


1922 – 1923 ay ang pagbabalik sa IFS ng mga dati nitong mag-
aaral na na nakapagtapos ng kursong pagsasaka sa UPLB, na sina
Basilio Viado, Camilo Guevara at Eulogio Acuña. Ang eksistensiya
ng mga kwalipikadong guro na tapos sa kursong bachelor ay
nagbigay ng kahandaan sa IFS upang makapagbigay ng
instruksiyon na lampas sa intermedia. Sa pagkakataon na ito ay
handa na ang paaralan para sa mas mataas na kurso – ang
sekondarya para sa mga susunod na mga taon.

Taong 1923 hanggang 1925


Sa pagbubukas ng paaralan sa mga taong 1923-1924 ay
panimula na nang unti-unting pag-iwan ng Indang Farm School sa
kursong intermedia bilang centerpiece ng atensiyon pang-
instruksiyon. Eksaktong labingsiyam na taon buhat ng buksan
ang unang klase ng intermedia sa Indang, sa pagbubukas ng
taong pasukan noong Hunyo 20, 1923 pinasimulan na sa loob ng
Indang Farm School ang pagtuturo sa Unang Taon ng kursong
sekondarya.

Ang estadistika ng paaralan para sa taong ito ay


nagpapakita na mayroong pitong guro at 213 na mag-aaral na
binubuo ng 149 na lalaki at 64 na babae. Sa katotohanan ang
bilang na ito ng mga mag-aaral ang siyang pinakamalaki na
naitala sa kasaysayan ng Indang Farm School at hindi na
nalampasan maging ng mga sumunod na taon na sinasakop ng

218
Intermedia ng Indang / Anciano

1927-1928. Ang pagtaas na ito ng bilang ng mga mag-aaral ay


dahilan sa nanatili pa rin sa IFS ang mga mag-aaral ng Grade V,
VI, at VII at nadagdagan pa ito ng mga mag-aaral sa kursong
sekondarya na nagmula sa Silang, Amadeo, Mendez, Bailen,
Alfonso, at Naic na nakatapos naman sa klaseng intermedia sa
kani-kanilang mga bayan.

Sa taong 1924-1925 ang istadisktika ng paaralan ay


nagpapakita na mayroon na itong walong guro at 186 na mag-
aaral na hindi na nilinaw ang pagkakahati ng bilang ng mga mag-
aaral ayon sa kasarian. Ang pagliit ng bilang na ito ay dahilan sa
posibleng pagsisimula ng pagkakaloob sa Paaralang Elementarya
ng Indang ng araling pang-intermedia para sa mga kababaihan.

Ang Indang Farm School


sa Mga Taong 1925 hanggang 1927

Sa taong 1925 pumasok ang huling batch ng mga babaeng


mag-aaral ng kursong intermedia sa IFS. Sa ipagkakaloob ng IFS
na kursong sekondarya ay iyon na rin ang huling mga taon sa
paaralan ng mga gurong babae dahilan sa mga panahon na iyon
ay maaring gaganapin na ang pagtuturo ng household industries sa
paaralang sentral ng Indang na tumataas na ang antas mula sa
paaralang primarya patungo sa pagiging isang kumpletong
paaralang elementarya.

219
Kabanata 12 – Panunungkulan ni Mr. Simeon Madlangsakay

Ang unang katunayan nito ay maagang pagkakatayo ng


Home Economics Building sa Paaralang Sentral ng Indang na
maaring naitayo sa taong 1925. ang Ikalawang katunayan ng
paglipat ng klaseng intermedia para sa mga mag-aaral na babae ay
nakabatay mga nagsipagtapos ng kursong intermedia sa IFS noong
1927 at 1928 na rito ay walang babae na kasama sa listahan. 11

Sa Taong Pampaaralan ng 1925-1926 ay nawala ang tatlong


gurong babae ng IFS. Sila ay nalipat upang magturo sa ibang mga
paaralan at sa bandang huli ay maging administrador sa mga
paaralang elementarya at nagkaroon ng malaking ginampanang
papel sa edukasyon ng Cavite.

Sa mga taong 1926-1927 ay napopokus na nang ganap ang


pagtuturo sa IFS sa kursong sekondarya na ang ispesyalisasyon ay
vocational agriculture. Sa taong 1927 ang IFS ay isa nang
paaralang sekondarya at tinawag na sa bagong pangalan na
Indang Rural High School at ginanap sa pagsasara ng paaralan sa
nasabing taon ang unang programa ng pagtatapos ng sekondarya
na binubuo ng 26 na lalaki mula sa hayskul at 19 na lalaki mula
sa intermedia. Sa pagtatapos ng IFS noong 1928 ay binigyan ng
katibayan ng pagtatapos sina Eusebio Espineli, Emerito Guerra,
Roman Halos, Anselmo Legarda, Maximo Llorente, Arcadio Matilla,
Macario Panganiban, Crispin Petelo, Basilio Sierra, at Santiago
Vidamo bilang mga huling mag-aaral ng intermedia sa Indang
Farm School.

11

Sa pakikipanayam ng nagsasaliksik kay Mrs. Eulogia Ocampo na


nagtapos sa Indang Elementary School noong 1930 na ang mga babaeng
intermedia ay nasa Indang Central School at ang mga lalaki ay naman ay
pumapasok sa Indang Rural High School. Ang sinabi ni Mrs. Ocampo ay
mabibigyan ng koroborasyon ng larawan mula sa koleksiyon ni Mrs.
Natalia A. Panganiban kung saan ang mga mag-aaral ng Grade IV sa
Indang Central School ay puro mga babae.

220

You might also like