•
Kabilang na sa mga halagang nabanggit ang pinsalang naidulot iba’t ibang bagay na maykaugnayan sa agrikultura gaya ng irrigasyon at mga farm-to-market roads.
•
Dahil sa labis na pagkawasak, mahigit sa 1 milyong metriko tonelada ng mga pananim gaya ngbigas at mais. Marami rin sistemang pang-irrigasyon ang napinsala dahil sa bagyo. Hindi pakasama dito ang bilang ng mga nasirang palaisdaan at mga namatay na alagang hayop gaya ngmanok, baboy at baka.
•
Matapos ang anumang kalamidad, kagyat na problema ang suplay ng pagkain dahil sa nagingmalawakang pagkawasak sa sector ng agrikultura. Kasunod din agad nito ang pagtaas ng presyong mga bilihin na nagbubunsod ng malawang tag-gutom lalo’t higit sa mga mahihirap na ‘dikakayanin ang pagtataas ng presyo.
Edukasyon
•
Sa nakaraang bagyong Ondoy at Pepeng pa lamang, halos 3,000 mga paaralan ang nasira sabuong Pilipinas. Nakadagdag pa ito sa mahigit 27,000 nang kakulangan ng mga classroom sabansa.
•
Kung isasama naman ang lahat ng nasira ng nagdaang bagyong Ondoy at Pepeng gaya ng mganasirang libro, computers, instructional materials at iba pa, aabot sa halos Php 1.5 bilyon anghalaga ng mga nasira.
•
Dahil din sa mga nagdaang kalamidad, nasuspinde ng ilang araw ang mga klase na nagbunsodupang maghabol sa mga sana’y nakatakdang pag-aaralan at magdagdag ng mga araw ng klase.
•
Nagbabalik man ang mga klase pagkatapos ng mga kalamidad, marami ang hindi pa rinmakapasok dahil sa nasira na ang kanilang gamit sa eskwela o di kaya’y lubog pa din sa tubigbaha ang kanilang paaralan.
•
Madalas na kahit tapos na ang kalamidad, ang mga paaralan ang ginagamit na evacuationcenters ng mga nasalanta kaya’t hindi ito magamit ng mga estudyante para sa kanilang mgaklase.
•
Dahil na rin sa pagkawasak ng mga silid-aralan tuwing may kalamidad, napipilitan ang ilan namagklase sa labas gaya nang sa ilalim ng puno o ‘di kaya’y hindi na lamang talaga ibalik munaang klase at hintayin na maisa-ayos muna ang mga nasirang silid-aralan.
•
Labis na naapektuhan ang kalidad ng edukasyon o pagtuturo dahil sa nagiging paputol-putol angaraw ng mga klase dahil sa pagsususpinde nito. Hindi maayos na nakakapag-aral ang mgaestudyante dahil sa nasirang mga kagamitan sa eskwela.
Transportasyon at Komunikasyon
•
Dahil sa matinding pagkawasak ng mga kalsada o matinding pagbabaha, nahihirapan ang mgamamamayan na makapglakbay. Halimbawa na lamang nito ay mga landslides na nakakasagabalsa malayang paglalakbay ng kalakal o di kaya’y byahe ng mga sasakyan. Apektado din nito angpagsasagawa ng mga relief operations at rescue lalo na sa mga nabibiktima ng kalamidad.