You are on page 1of 33

Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

Kolehiyo ng Sosyal Sayans at Pilosopiya

Departamento ng Linggwistiks

Diliman, Quezon City

Pag-aanalisa ng Wikang

Pulun Mapun

Ipinasa kay:

Prof. Ria Parsram-Rafael

Ipinasa nina:

Lairene Francisco

Jezelle Lapid

Patricia Musico

Janica Paras

Para sa kursong:
Linggwistiks 115

Ngayong ika-6 ng Abril 2009


CHAPTER 1

Introduksyon ng Wikang Pulun Mapun

1.1 Bakgrawnd

Ang Pulun Mapun ay isang dayalekto ng wiakng Sama na kabilang sa pamilya ng mga
wikang Awstronisyan. Nakakalat sila mula sa Borneyo hanggang sa timog-kanluraning parte ng
Pilipinas at sa Palawan, subalit pinakamalaki ang kanilang konsentrasyon sa Isla ng Cagayan de
Sulu (na ngayon ay tinatawag ng Mapun). Hindi katulad ng ibang grupo ng Sama na nasa
nakadepende sa karagatan ang kanilang kinabubuhay, ang mga Jama Mapun (Tao ng Mapun) ay
nakadepende ng malaki sa pagkukopra, sa mga produkto ng kanilang mga gubat at sa
pakikipagkalakalan sa mga hilagang syudad ng Borneyo.1

Ang salitang Jama ay isang bariyasyon ng salitang Sama at pinapakahulugang “silangan”


(kanluran ng Isla ng Jolo). Tinuturing ng mga Jama Mapun ang Isla ng Jolo na “silangan” at ang
kanilang isla bilang “kanluran”, isang konseptong kanilang ginagamit mula pa noong panahong
sila ay mayroong matibay na relasyon ng pakikipagkalakalan sa sultanato ng Sulu na nakasentro
sa Jolo. Naninirahan sila sa mga baybayin at sa mga munisipalidad ng kanilang mga isla. Ang
Cagayan de Sulu ay binubuo ng isang pangunahing isla at walong maliliit na isla- Kinapusan,
Pambelikan, Bisu Bintut, Bohan, Manda, Bulisuan, Muligi, and Mambahenan. Minsan ay
naitutuing silang mga Badyaw o Samal dahil sa madalas nilang pakikisalamuha sa mga ito. 2

Ang mga Jama Mapun ay kilala din na palakaibigan at mapayapang mga tao sapagkat
kahit na mayroong mga Muslim, Katoliko at Seventh-Day Adventist sa kanilang lugar ay walang
namuong tensyon sa mga ito kahit minsan at sa katunayan ay matagal ng silang nainirahan ng
mapayapa. Ayon sa pinakahuling datos mula sa Summer Institute of Linguistics, International
noong taong 2000, nasa higit kumulang 35,000-40,000 na ang kanilang populasyon.3

1
http://library.thinkquest.org/C003235/sama.html
2
Ibid.
3
http://en.wikipedia.org/wiki/Mapun,_Tawi-Tawi
CHAPTER 2

Fonoloji ng Wikang Pulun Mapun

Ang mga pangunahing tunog sa Pulun Mapun ay binubuo ng dalawampu’t limang (25)
mga fonim, kasama ang lengthening. Isa-isa itong ipapakita sa susunod

2.1 Konsonant

Ang mga konsonant sa wikang ito ay binubuo ng labing walong mga tunog.
Ipinapakita sa baba ang distribusyon ng mga tunog na ito ayon sa kani-kanilang
mga lugar ng artikulasyon at paraan ng artikulasyon. Makikita rin ang mga ninimal
o halos minimal na pares upang maipakita ang pagiging distngktibo ng bawat
tunog.

Bilabial Alveolar Post Palatal Velar Labio- Glottal


Alveolar velar
-v +v -v +v -v +v -v +v -v +v -v +v -v +v
Stop p b T d k g ʔ
Nasal m n ŋ
Trill r
Fricative S h
Affricate ʧ ʤ
Approximant j w
Lateral l
approximant
Talaan 1: Tsart ng mga konsonant na fonim

2.1.1 Mga Tunog na Istap


Ito ay binubuo ng mga tunog na voysles (-v) na /p, t, k, / at mga tunog na voys (+v) na /b,
d, g, ʔ/.

(a) Labial na /p/ vs /b/

/upaw/ ‘pukpok’ /poʔonkajoʔ/ ‘punong-kahoy’

/uban/ ‘uban’ /boʔonan/ ‘dala’

/wupi/ ‘panaginip’ /lumput/ ‘damo’

/ʔubi/ ‘ube’ /sambut/ ‘dakip’

(b) Alveolar na /t/ vs /d/

/tantanan/ ‘hawak’ /itoʔ/ ‘ito’

/daŋandaŋan/ ‘sulo’ /idoʔ/ ‘aso’

/matiʔ/ ‘gising’

/mapdiʔ/ ‘sakit’

(c) Velar na /k/ vs /g/

/kulluŋ/ ‘leeg’ /katas/ ‘tiis’

/gulluŋ/ ‘gulong’ /gatas/ ‘gatas’

/maka/ ‘at’

/magaʔan/ ‘magaan(g)’
2.1.2 Mga Tunog na Nasal

Ang mga tunog na nasal ay binubuo ng /m, n, ŋ/ na lahat ay voys.

(a) labial na /m/ vs alveolar na /n/ vs velar na /ŋ/

/meheʔ/ ‘malaki’ /manuk/ ‘manok’

/neheʔ/ ‘bibig’ /ŋanuk/ ‘habi’

/utan/ ‘gulay’ /muwan/ ‘bubong’

/utaŋ/ ‘utang’ /tuwaŋ/ ‘buto’

/meneʔ/ ‘pili’

/neŋeʔ/ ‘talik’

(b) Ang glottal na istap /ʔ/ at frikativ na /h/

/ʔiŋkut/ ‘lubid’ /ʔuntut/ ‘utot’

/hinŋkut/ ‘buntot’ /huntut/ ‘kulog’

2.1.3 Mga Tunog na Africate

(a) Post-alveolar na /ʧ/ vs /ʤ/

/pamaʧit/ ‘simbahan’ /buʤaŋ/ ‘dalaga’

/ʤimbaŋan/ ‘bulaklak’ /buʧak/ ‘palaso’


2.1.4 Mga tunog na Approximant

(a) Palatal na /j/ vs Labio-velar na /w/

/dajiŋ/ ‘isda’ /dujaʔ/ ‘pugita’

/dawihagaʔ/ ‘magkano’ /tuwaʔ/ ‘tama’

2.2 Mga Tunog na Vawel

Ang mga tunog na vawel sa wikang ito ay binubuo ng anim na fonim. Ang
teybol sa baba ay nagpapakita ng mga tunog na ito ayon sa kani-kanilang paraan
ng artikulasyon. Mayroon ding mga minimal o halos minimal na pares para
maipakita ang kanilng pagkakaiba.

Harap Likod
-rd +rd -rd +rd
Mataas i u
e o
ɔ
Mababa a
Talaan 2: Tsart ng mga vawel na fonim

Ang mga sumusunod ay ang mga minimal o halos minimal na pares upang maipakita ang
pagiging distingktibo ng bawat tunog sa isa’t isa.

/i/ vs /u/

/limut/ ‘langgam’ /timus/ ‘asin’

/lumut/ ‘lumot’ /tumunluʔ/ ‘lubog’


/ʔati/ ‘apoy’ /ʔintuŋ/ ‘tuwid’

/datu/ ‘bato’ /ʔuntut/ ‘utot’

/i/ vs /e/

/ʔakit / ‘pulo’ /mintuʔun / ‘mamaya’

/keket/ ‘kagat’ /meneʔ / ‘pili’

/tilikiʔ/ ‘maliit’

/bokeʔ/ ‘anay’

/a/ vs /u/

/lasa / ‘malinis’ / dajiŋ / ‘isda’

/lasu/ ‘galit’ /dujaʔ / ‘pugita’

/hamba/ ‘kambal’

/humbu/ ‘alikabok’

/u/ vs /o/

/lumuk / ‘taba’ / dajiŋ / ‘isda’

/lumok/ ‘malusog’ /dujaʔ / ‘pugita’

/hamba/ ‘kambal’

/humbu/ ‘alikabok’

/o/ vs /ɔ/
/tɔʔɔnan / ‘alam’

/boʔonan/ ‘dala’

Ang paghahaba o lengthening, na maari rin tawagin na gemenation, na nangyayari sa


mga tunog na consonant ay isa rin fonim.

Ito ang mga minimal o halos minimal na pares na magpapatunay dito.

/umaʔ / ‘ama’ /tukkun/ ‘diin’

/ummaʔ / ‘ginto’ /pukut/ ‘lambat’

CHAPTER 3

Morfoloji ng wikang Pulun Mapun

Ang wikang Pulun Mapun ay binubuo ng mga salitang maaaring ikategorya sa leksikal at

fanksyonal. Ang mga free morfim tulad ng nawn, pronawn, verb, adjektiv, at adverb at mga

bound morfim tulad ng mga afiks ay nabibilang sa kategoryang leksikal. Ang mga negativ

marker, panandang pananong, preposisyon, konjanksiyon, at plural marker naman ay nabibilang

sa kategoryang fanksyonal. Isa-isa itong tatalakayin sa ibaba.

3.1 Kategoryang Leksikal

Nabibilang sa kategoryang leksikal na nawn, pronawn, verb, adjektiv at adverb na iisa-

isahin sa ibaba.
3.1.1 Nawn

Ang nawn (N) ay binubuo ng nawn stem at afiks depende sa gamit.

3.1.1.1 Simpleng Nawn

Binubuo ito ng mga nawn na walang afiks. Ito rin ang tinatawag na nawn stem.

/bukubuku/ ‘sakong’ /hajup/ ‘hayop’


/limut/ ‘langgam’ /imam/ ‘pari’
/buɁas/ ‘bigas’ /paŋmeɁan/ ‘presidente’

3.1.1.2 Plural Nawn

Dinadagdagan ng isa pang free morfim na /ga/ sa simula ang isang nawn upang gawin

itong plural.

/ga anak ku/ ‘mga anak ko’

Inilalagay din ang /ga/ bago ang determiner ng anumang plural na nawn.

e.g. /ga si Pedro/ ‘nina Pedro’

Sa halimbawang ibinigay sa itaas, ang /Pedro/ ay nagrerepresenta ng plural na entiti.

3.1.2 Pronawn

May dalawang uri ng pronawn ang wikang Pulun Mapun: ang personal at demonstrativ

na mga pronawn. Ang mga ito ay tatalakayin sa ibaba.

3.1.2.1 Pronawn na Personal


Nan-
Posesiv Fokus Emfatik Oblik
Fokus
/
1p /ku/ /ku/ /ko/ /Ɂaku/
niɁijaku/
/
Singyular 2p /nu/ /mu/ /ku/ /kaɁu/
niŋkaɁo/
/na/ o
3p /na/ /ja/ /Ɂija/ /niɁija/
/da/
dual /tabi/ /ta/ /ta/ /kitaɁ/ /niŋkita/
(1p at 2p)
1p /kami/ /kami/ /kami/ /kami/ /nikami/
(1p at 3p)
1p /tabi/ /ta/ /tabi/ /tabi/
Plural (1p, 2p at 3p)
2p /di/ /di/ /
/kam/ /kaɁam/
Talaan 1: Personal na pronawns ng Pulun Mapun niŋkaɁo/
3p /da/ /da/ /sila/ /kaɁam/ /nisila/
(a) Emfatik

Ginagamit ang emfatik na uri ng personal pronawn upang bigyang diin na ang

pronawn ay nagrerepresenta sa taga-gawa ng kilos at hindi ang iba.

/ʔaku palak:as sumaw/ ‘ako ang aalis bukas’

/tabi palak:as sumaw/ ‘tayo ang aalis bukas’

(b) Fokus

Ginagamit naman ang fokus na pronawn upang mabigyang diin ang taga-gawa ng

kilos at hindi ang kilos mismo.

/tudlak:a ja sumaw/ ‘aalis sya bukas’


/lak:a kam sumaw/ ‘aalis kayo bukas’
(c) Nan-Fokus

Upang mabigyang diin naman ang kilos ng pahayag at hindi ang taga-gawa, nan-

fokus na uri ng pronawn ang ginagamit.

/kakan mu maŋga kami/ ‘kakanin mo ang mangga namin’

/kakan da maŋga tabi kaduwa/ ‘kakanin nila ang mangga nating dalawa’

(d) Posesiv

Ginagamit ang posesiv na pronawn upang magpakita ng pag-aari sa isang nawn.

Adjektiv ang nagiging gamit nito dahil inuuri nito ang isang nawn bilang pag-aari ng

isa pang entiti.

/maŋga tabi/ ‘mangga natin’

/ʔidↄʔ ku/ ‘aso ko’

(e) Oblik

Ginagamit naman ang oblik na uri ng pronawn kapag ang nirerepresenta nito ay ang

layon o objek ng isang pahayag. Ginagamit din ito upang ipakita ang pagmamay-ari,

ngunit di tulad ng posesiv na pronawn, ito ay maituturing na isang entiti at hindi

pang-uri lamang.

/iloʔoj niŋkaʔo , sa ʔina/ ‘iyon ang inyo, hindi ito’

/iloʔoj nisila/ ‘iyon ang kanila’

3.1.2.2 Pronawn na Demonstrativ


malapit sa malapit sa malayo sa
nagsasalita kausap naguusap
simple /ʔitu/ /naɁa/ /loɁoj/
emfatik /Ɂitu/ /ɁinaɁa/ /iloɁoj/

Talaan 2: Demonstrativ na pronawns ng Pulun Mapun

(a) simple

Ginagamit ito upang ituro ang isang bagay.

/niɁija loɁoj/ ‘kaniya iyon’

(b) emfatik

Ginagamit naman ito upang bigyang diin ang pagturo isa isang bagay.

/ija laj mili ɁinaɁa/ ‘siya ang bumili niyan’

3.1.3 Verb

Ang verb (V) ay binubuo ng verb stem at afiks depende sa tens nito: hinaharap,

kasalukuyan o nagdaan.

3.1.3.1 Verb Stem

Ito ay verb na walang afiks.

/suwat/ ‘sulat’ /taŋis/ ‘iyak’


/mili/ ‘bili’ /kita/ ‘kíta’
/tilaj/ ‘punta’ /maantut/ ‘lutang’
3.1.3.2 Verbal Afiks

Ang iba’t ibang mga verbal afiks sa wikang Pulun Mapun ay idinadagdag ayon sa nais

tens (pangnagdaan, pangkasalukuyan o panghinaharap) at sa layunin o fokus ng verb.

3.1.3.2.1 Pangnagdaan

(a) /pin/a/* + V

Idinadagdag ito sa unahan ng verb stem upang magpakita ng kilos na ginawa at

nakaimpluwensya sa kilos o estado ng isang entiti.

/pin/ + /ahat/ = /pinahat/ ‘pinaganda’

(b) /magpa/* + V

Idinadagdag naman ito sa unahan ng verb stem upang magpakita ng kilos na ipinagawa sa

ibang tao.

/magpa/ + /buwat/ = /magpabuwat/ ‘nagpaluto’

(c) /ni/* o /nig/* + V

Ikinakabit naman ito sa unahan ng isang verb stem upang magpakita ng kilos na ginawa

sa sarili.

/nig/ + /pahat/ = /nigpahat/ ‘nagpaganda’

(c) /na/* + V
Ikinakabit din ito sa unahan ng isang verb stem upang magpakita ng kilos ng fokus ng

verb (taga-gawa) na nangyayari (progresiv) sa nagdaan na nagimpluwensya sa isang

entiti na gawin ang isang bagay o kilos sa isa pang entiti.

/na/ + /piŋwan/ = /napiŋwan/ ‘ipinakikibigay’

(d) /si/* + V

Ikinakabit din ito sa nahan ng isang verb stem upang magpakita ng kilos na ipinagawa ng

fokus ng verb sa iba.

/si/ + /noʔo/ = /sinoʔo/ ‘pinapintahan’

(e) /um/* + V

Ikinakabit naman ito sa gitna ng verb stem upang magpakita ng kilos na natapos na.

/ʔum/ + /kili/ = /kumili/ ‘bumili’

(g) /in/* + V

Idinadagdag ito sa gitna ng verb stem upang magpakita ng kilos na ginawa sa isang bagay

at natapos na.

/ʔin/ + /suwat/ = /sinuwat/ ‘sinulat’

(h) /le…jan/ + V

Ikinakabit ang afiks na /le/ sa umpisa at /jan/ naman sa huli ng verb stem upang

magpakita ng kilos na ginawa ng fokus ng verb para sa isang entiti (goal).


/le…jan/ + /bili/ = /lebiljan/ ‘binilhan’

(i) /man/ + V

Ikinakabit naman ang afiks na ito sa unahan ng verb stem upang ipakita na gumamit ang

fokus ng verb ng isa pang bagay upang magawa ang kilos.

/man/ + /suwat/ = /mansuwat/ ‘ipinansulat’

(j) /le/ + V

Ikinakabit din ito sa unahan ng verb stem upang maipakita ang transformasyon o

pagbabago ng fokus ng verb.

/le/ + /ʔajad/ = /leʔajad/ ‘gumanda’

3.1.3.2.2 Pangkasalukuyan

/in/ + V

Ikinakabit ang afiks na ito sa gitna ng verb stem pang magpakita ng kilos na

kasalukuyang nagaganap (progresiv)

/ʔin/ + /kakan/ = /kinakan/ ‘kinakain’

3.1.3.2.3 Panghinaharap

(a) /pa/ + V

/pa/ + /lak:as/ = /palak: as/ ‘aalis’

(b) /ka/ + V
/ka/ + /kanin/ = /kakan/ ‘kakanin’

(c) /ta/ + V

/ta/ + /kita/ = /tak:ita/ ‘makikita’

3.1.3.3 Tens Marker ng Pangnagdaang Porma ng Verb

Upang maipakita ang verb bilang pangnagdaan, idinadagdag ang afiks na /laj/ sa umpisa

ng verb na nalagyan na ng karampatang verbal afiks na natalakay na sa itaas. Iyon lamang may

asterisk (*) na mga afiks na ipinakita sa itaas ang nilalagyan ng /laj/ sa unahan.

/laj sinuwat/ ‘sinulat’

/laj kumili/ ‘bumili’

Maaari rin itong idagdag sa verb stem at magpakita pa rin ng pormang pangnagdaan.

/laj pilaj/ ‘lumapit, nilapitan,pumunta’

/laj sonseʔ/ ‘tumakbo’

3.1.4 Adjectiv

Maaaring igrupo ang mga adjektiv (Adj) sa wikang Pulun Mapun bilang panlarawang

pamilang.

3.1.4.1 Panlarawan

Ang adjektiv na panlarawan ay binubuo ng adjektiv stem lamang.

/liju/ ‘buháy’ /mehe/ ‘big’


/paum/ ‘sharp’ /las:um/ ‘maalat’
/tanlak/ ‘maliwanag’ /maʔat/ ‘pangit’
3.1.4.2 Pamilang

May iba-ibag mga afiks na ikinakabit sa mga free morfim upang magpakita ng

pagbibilang.

(a) /sapu/ ‘sampu’

/sapu-duwaʔ/ ‘labindalawa’

/sapu-umpat/ ‘labing-apat’

(a) /ka/

Ikinakabit ito upang mapakita ng order.

/kasapu-duwaʔ/ ‘ikalabindalawa’

(b) /hamu/

Ikinakabit naman ito upang mapakita ang bilang ng beses.

/hamu lima/ ‘makalima’

(c) /niʔka/

Ikinakabit ito upang mapakita ang bilang ng bawat entiti

/niʔka/ ‘tig-isa’

(d)Pag-uulit ng salita

Inuulit ang salitang pamilang upang maipakita ang pagbibigay-diin sa paraan ng

pamimilang.

/duwa duwa/ ‘dala-dalawa’

(e) Pagbilang nang higit sa sampu


Sa pagbilang nang higit sa sampu, idinadagdag ang isang salitang pamilang sa isa ang

salitang pamilang.

/sapu waʔo/ sapu + waʔo ‘labindalawa’

Ang unang salitang pamilang ay madadagdagan ng afiks na /puʔ/ upang maging bilang

pansampuan.

/umpatpuʔ/ ‘apat na pu’

/hatus/ naman ang idinadagdag upang magpakita ng bilang pandaan (hundreds)

/duwa hatus/ ‘apat na raan’

/libu/ naman ang idinadagdag upang magpakita ng bilang panlibo (thousands)

/sapuʔ libu/ ‘sampung libo’

3.1.5 Adverb

Ang mga adverb (Adv) ng salitang Pulun Mapun ay binubuo ng mga adverbyal stem

lamang.

/handoʔoj/ ‘doon’ /ban:naʔa/ ‘ngayon’

/kansaŋ/ ‘madalas’ /ne/ ‘ganito’

/tumud/ ‘minsan’ /mintuʔun/ ‘mamaya’

3.2 Kategoryang Fanksyonal


May mga salita rin ang wikang Pulun Mapun na maihahanay sa kategoryang fanksyonal

tulad ng negativ morfim, marker ng tanong, konjanksyon at preposisyon. Ang mga ito ay isa-

isang tatalakayin sa ibaba.

3.2.1 Negativ Morfim

Mayroong morfim ang wikang Pulun Mapun upang mag-negeyt ng pahayag, at ito ay ang

/nijaʔ/ at /isaʔ/ Kung kailan gagamitin ang alinman sa dalawang ito ay tatalakayin sa tsapter ng

Sintaks.

/nijaʔ laj tadta subul/ ‘hindi tumawa ang binata’

/isaʔ subul laj tadta/ ‘hindi ang binata ang tumawa’

3.2.3 Marker ng Tanong

Mayroon ding mga morfim ang wikang Pulun Mapun na nagpapahayag ng pagtatanong.

/hawaj/ ‘bakit/ /ʔoj/ ‘ano’

/soj/ ‘sino’ /daŋoj/ ‘ilan’

/pamelan/ ‘kailan’ /sojdapu/ ‘kanino’

/ dƷamanuj/ ‘saan’ /oŋoj/ ‘naano’

Inuulit ang marker ng tanong kapag plural ang hinihingi o inaasahang sagot sa

katanungan.

/soj soj laj takita mu/ ‘sinu-sino ang nakita mo’


3.2.4 Preposisyon

May mga preposisyon rin ang wikang ito na maaaring magpakita ng gol o layon, sors o

pinanggalingan, instrument o anu pa mang entiti na pantulong sa pahayag.

/ni/ ‘sa’ /ni danda/ ‘sa babae’

/ni/ ‘ng’ /ni subul/ ‘ng binata’

/pa/ ‘punta sa’

/laj pilaj danda pa matʃit/ ‘pumunta ang babae sa simbahan’

/luʔu/ ‘may’ /luʔu tuhan/ ‘may diyos’

3.2.5 Konjanksyon

Sa pagdudugtung-dugtong ng mga kompawnd at kompleks na mga pahayag, gumagamit

din ang wikang ito ng mga konjanksyon.

/maka/ ‘at’ /pabutus/ ‘pagkatapos’

/na/ ‘na’

CHAPTER 4

Sintaks ng Wikang Pulun Mapun

Ang sintaks ng Pulun Mapun ay hinati sa iba’t ibang dibisyon upang lubos itong
maunawaan. Ipinakita sa ibaba ang mga tuntunin sa pagbuo ng mga freys at pangungusap.

4.1 Nawn Freys

Ang mga nawn freys ay binubu ng nawn bilang pangunahing elemento ng freys at ng
mga opsyonal na elemento tulad ng pantukoy (determiner), adjectib, at adberb.
1. NF (Det) N (Adjv) (Adv)

Halimbawa:

/ga buʤaŋ/ ‘mga dalaga’

/anak anak hutu/ ‘batang masipag’

Ang paggamit ng mga pantukoy (determiner) ay nagkakaiba depende sa uri ng nawn na


ginagamit.

2. Det Mga Praper Nawn si/__PN (singyular na det.)

ga/__(sg.Det.)PN(pl.Det.)

Mga Komon Nawn O/__KN (singyular)

ga/__KN

Una nating suriin ang mga tuntunin sa pagbuo ng nawn freys gamit ang pantukoy
(determiner) sa mga praper nawn.

Det Mga Praper Nawn si/__PN (singyular na det.)

ga/__(sg.Det.)PN(pl.Det.)

Sa unang tuntunin, ginagamit ang singyular na pantukoy na ‘si’ bago ang mga singular na
mga praper nawn.

si/__PN (singyular na det.)

Halimbawa:

/si pedro/ ‘kay Pedro’

Sa ikalawang tuntunin, ginagamit naman ang plural na pantukoy na ‘ga’ bago ang
singyular na pantukoy at ang praper nawn. Ang praper nawn ay ginagamit na representasyon ng
nakararami at ang plural na bilang ng mga ito ay nakapaloob sa plural na mga pantukoy.
Halimbawa:

/ga si pedro/ ‘kina Pedro’

Sa halimbawang ginamit, nang inilagay ang pantukoy na ‘ga’ bago ang singyular na
nawn freys, naging plural na ang pantukoy. Ipinapakita sa pangungusap na hindi lamang si Pedro
ang ibig tukyin at may mga iba pa siyang kasama subalit ginamit lamang si Pedro bilang
representasyon ng mga ito. At ito nga ang ibig itukoy at ipakahulugan ng mga pntukoy na
ginamit. Gayundin, isa pang dahilan dito ay sapagkat hindi maaaring maging plural ang isang
praper nawn kaya sa tulong ng mga pantukoy ay nagagawang maging plural ng isang praper
nawn sa ibang paraan.

Sunod naman nating suriin ang mga tuntunin sa pagbuo ng nawn freys gamit ang
pantukoy (determiner) sa mga komon nawn.

Det Mga Komon Nawn O/__KN (singyular)

ga/__KN

Sa unang tuntunin, hindi ginagamitan ng pantukoy ang mga singyular na mga komon
nawn sa Pulun Mapun subalit sa pagsasalin nito sa wikang tagalog, ginagamitan ito ng pantukoy
sapagkat iyon ang ipinahihiwatig nito lalo na sa pangungusap.

Halimbawa:

/subul/ ‘ang binata’

/subul laj nigpahat ni buʤaŋ/ ‘Ang binata ang nagpaganda sa


dalaga.’

Tulad din sa ikalawang tuntunin ng pagpuplural ng mga praper nawn, ginagamit din ang
‘ga’ bago ang mga komon nawn.

Halimbawa:

/ga subul/ ‘ang mga binata’

/ga anak anak/ ‘ang mga bata’


4.2 Verb Freys

Ang mga verb freys ay binubuo ng verb bilang pangunahing elemento at karaniwang
sinusundan ng nawn freys.

1. VF V + NF

Halimbawa:

/laj nagpaŋereɁ buheɁ/ ‘nagpakulo ng tubig’

/laj wagdoɁ pinsil/ ‘kumuha ng lapis’

Ang mga afiksasyong nangyayari sa mga verb depende sa kung kailan nagagaganap ang
isang pangyayari (hal. Nakaraan, kasalukuyan, hinaharap) ay nauna nang tinalakay sa parteng
morfoloji.

4.3 Beysic Sentens Patern

1. S NF + VF

2. VF (Adv) V + NF

3. V (Aff) Vs

4. NF (Det) N (Adj) (Adv)

5. N nawn, Pronawn

6. Aff laj/__V
∅/V__

7. Det Mga Praper Nawn si/__PN (singyular na det.)

ga/__(sg.Det.)PN(pl.Det.)

Mga Komon Nawn O/__KN (singyular)

ga/__KN

Halimbawa:

/Laj kumili man ga si Pedro/

‘Bumili ako ng kendi kina Pedro.’

/Laj kumili kendi pinumuwan ni ga budƷaŋ/

‘Bumili ako ng kendi para sa mga dalaga.’

/Maŋunlaw luman subul/

‘Mabagal na lumakad ang binata.’

/Takita ko anak anak hutu/

‘Nakita ko ang batang masipag.’

Base sa nakaprisintang pamantayan sa pagbuo ng mga pangungusap sa Pulun Mapun,


makikitang ang isang karaniwang pangungusap ay binubuo ng nawn freys at ng verb freys. Sa
bawat verb freys ay mayroong verb at nandun ang nawn freys. Opsyonal dito ang paglalagay ng
adverb. Ang mga verb naman ay binubuo ng verb istem at ng afiks depende sa kung kailan
tinutukoy ang pangyayaring nagaganap. Ang nawn freys naman ay binubuo ng pangunahing
nawn at opsyonal ang paglalagay ng pantukoy, adjektib at adverb depende na rin sa nais
ipahiwatig sa pangungusap. Ang afiks na kalimitang nilalagay sa mga verb partikular na sa mga
verb na nakakonjuga sa nakaraan ay ang /laj/. Nilalagay lamanag ito kung ang kasunod nito sa
pangungusap ay isang verb at hindi ito nilalagay pagkatapos ng verb. Ang paggamit ng mga
pantukoy ay nag-iiba depende sa uri ng nawn na ginagamit at sa kung ano ang ibig ipakahulugan
sa pangungusap.

4.4 Mga Negativ Sentens

Ang pagbuo ng negatibong pangungusap ay katulad din ng karamihan sa mga wika na


ginagamitan ng isang morfim. Sa wikang Pulun Mapun at base sa ibinigay na datos, mayroong
tatlong morfim na ginagamit upang maging negatibo ang isang freys o di kaya’y pangungusap.

1. S NF + Pred

2. Pred Neg + (Adv) + V + NF

3. NF (Neg) N

4. Neg nijaɁ/__V o adj.

isaɁ/__N

daɁa/ negatibong utos

Suriin natin ang tuntunin sa pagnenegeyt ng freys na nakalaan sa ibaba.

Neg nijaɁ/__V o adj.

isaɁ/__N

daɁa/ negatibong utos


Sa unang tuntunin sa itaas, ginagamit ang /nijaɁ/ upang i-negeyt ang isang verb o
deskripsiyon ng adjectiv.

Halimbawa:

/nijaɁ laj tadta subul/ ‘Hindi tumawa ang binata.’

/nijaɁ hutu budƷaŋ/ ‘Hindi masipag ang dalaga.’

Ginagamit din ito upang ipakita ang kabaligtaran ng isang verb.

Halimbawa:

/dawman sonse subul/ ‘Gustong tumakbo ng binata.’

/nijaɁ dawman sonse subul/ ‘Ayaw tumakbo ng binata.’

Sa ikalawang tuntunin naman, ginagamit ang /isa/ upang i-negeyt ang isang nawm.

Halimbawa:

/isaɁ subul laj tadta/ ‘Hindi ang binata ang tumawa.

/isaɁ abugaw adiɁ imu/ ‘Hindi abogado ang kapatid mo.’

Sa ikatlong tuntunin, ginagamit ang morfim na /daɁa/ upang magbigay ng utos na


nagbabawal.

Halimbawa:

/daɁa ka tadta/ ‘Huwag kang tumawa.’

4.5 Mga Interogativ Sentens


Tulad ng pormat ng pagtatanong sa ibang wika, gumagamit din ng mga salitang
pananong ang Pulun Mapun.

1. S Salitang Pananong + Pred

2. SP __N + (Namber)

__V

3. Namber SP /singyular

SP-SP /plural

4. Pred (V) (N) (Adv)

5. N Ns

Pronoun

Ang mga salitang pananong ay inilalagay bago ang verb o ang nawn.

SP __N + (Namber)

__V

Halimbawa:

/soj maŋan/ ‘sino ang kumain’

/hawaj laj totdaw/ ‘bakit tumawa’

Ang salitang pananong ay inuulit kung ang ibig nitong tukuyin ay madami o plural.

Namber SP /singyular

SP-SP /plural

Halimbawa:
/oj laj takita muɁ/ ‘Ano ang nakita mo?’

/oj oj laj takita muɁ/ ‘Anu-ano ang nakita mo?’

Ang pag-uulit ng salitang pananong ay para lamang itukoy sa plural na nawn.

Gayundin, mayroong mga pagkakataon na hindi na ginagamitan ng mga salitang


pananong ang mga interogativ sentens at sa halip ay tinataasan na lamang ang intonasyon ng
mga deklarativ sentens upang ipahiwatig ang pagtatanong. Ang ganitong sistema ng pagtatanong
ay ginagamit ng karamihan sa mga wika at ang madalas na sagot na hinihingi nito ay ang
aprimasyon o ang ‘oo’ at ‘hindi’ lamang.

Halimbawa:

Deklarativ

/ laj pinaŋkumeɁ mu kalabaw ku/ ‘Pinalo mo ang kalabaw ko.’

Interogativ

/laj pinaŋkumeɁ mu kalabaw ku/ ‘Pinalo mo ang kalabaw ko?’

4.6 Mga Imperativ Sentens

Sa mga ganitong uri ng mga sentens, ginagamit ang ikalawang pagkataong punto ng
pananaw sapagkat ang pag-uutos ay ginagawa sa taong kausap mo.

1. S VP + NP (Adv)

2. VP V + NP

3. NP Det + N

Pronoun
4. Pronawn ikalawang pagkataong punto ng pananaw

Halimbawa:

/maŋan ku kinakan paeka/ ‘Dapat kang kumain ng marami.’

/maŋan ku kinakan/ ‘Kumain ka ng marami.’

/kinakan mu itu/ ‘Kanin mo ito!’

/itu kinakan mu/ ‘Ito ang kanin mo.’

/kinakan niɁ itu/ ‘Kanin ninyo ito!’

APENDIKS

1. Eliciting Material A

2. Piling mga freys (pariral) at sentens (pangungusap)


/ʔaku palak:as sumaw/ ‘ako ang aalis bukas’

/tabi palak:as sumaw/ ‘tayo ang aalis bukas’

/tudlak:a ja sumaw/ ‘aalis sya bukas’


/lak:a kam sumaw/ ‘aalis kayo bukas’

/kakan mu maŋga kami/ ‘kakanin mo ang mangga namin’

/kakan da maŋga tabi kaduwa/ ‘kakanin nila ang mangga nating dalawa’

/maŋga tabi/ ‘mangga natin’

/ʔidↄʔ ku/ ‘aso ko’

/iloʔoj niŋkaʔo , sa ʔina/ ‘iyon ang inyo, hindi ito’

/iloʔoj nisila/ ‘iyon ang kanila’

/niɁija loɁoj/ ‘kaniya iyon’

/ija laj mili ɁinaɁa/ ‘siya ang bumili niyan’

/pinahat/ ‘pinaganda’

/magpabuwat/ ‘nagpaluto’

/nigpahat/ ‘nagpaganda’

/napiŋwan/ ‘ipinakikibigay’
/sinoʔo/ ‘pinapintahan’

/kumili/ ‘bumili’

/sinuwat/ ‘sinulat’

/lebiljan/ ‘binilhan’

/mansuwat/ ‘ipinansulat’

/leʔajad/ ‘gumanda’

/kinakan/ ‘kinakain’

/palak: as/ ‘aalis’

/kakan/ ‘kakanin’

/tak:ita/ ‘makikita’

/laj sinuwat/ ‘sinulat’

/laj kumili/ ‘bumili’

/laj pilaj/ ‘lumapit, nilapitan,pumunta’

/laj sonseʔ/ ‘tumakbo’

/liju/ ‘buháy’ /mehe/ ‘big’


/paum/ ‘sharp’ /las:um/ ‘maalat’
/tanlak/ ‘maliwanag’ /maʔat/ ‘pangit’

/sapu-duwaʔ/ ‘labindalawa’

/sapu-umpat/ ‘labing-apat’
/kasapu-duwaʔ/ ‘ikalabindalawa’

/hamu lima/ ‘makalima’

/niʔka/ ‘tig-isa’

/duwa duwa/ ‘dala-dalawa’

/sapu waʔo/ ‘labindalawa’

/umpatpuʔ/ ‘apat na pu’

/duwa hatus/ ‘apat na raan’

/sapuʔ libu/ ‘sampung libo’

/handoʔoj/ ‘doon’ /ban:naʔa/ ‘ngayon’

/kansaŋ/ ‘madalas’ /ne/ ‘ganito’

/tumud/ ‘minsan’ /mintuʔun/ ‘mamaya’

/nijaʔ laj tadta subul/ ‘hindi tumawa ang binata’

/isaʔ subul laj tadta/ ‘hindi ang binata ang tumawa’

/hawaj/ ‘bakit/ /ʔoj/ ‘ano’

/soj/ ‘sino’ /daŋoj/ ‘ilan’

/pamelan/ ‘kailan’ /sojdapu/ ‘kanino’

/ dƷamanuj/ ‘saan’ /oŋoy/ ‘naano’

/soj soj laj takita mu/ ‘sinu-sino ang nakita mo’


/ni/ ‘sa’ /ni danda/ ‘sa babae’

/ni/ ‘ng’ /ni subul/ ‘ng binata’

/pa/ ‘punta sa’

/laj pilaj danda pa matʃit/ ‘pumunta ang babae sa simbahan’

/luʔu/ ‘may’ /luʔu tuhan/ ‘may diyos’

/maka/ ‘at’ /pabutus/ ‘pagkatapos’

/na/ ‘na’

You might also like