You are on page 1of 124

Kagaya ng Dati

sa panulat ni BX

Chapter One Dubai Mall Friday morning, weekend sa Dubai, day-off ng karamihan sa mga empleyado. Maaga pa lang ay naligo na ako para maraming magawa, hindi katulad ng iba kong flatmates na inuubos ang oras sa pagtulog kaya madalas silang nagrereklamo na ang tagal nilang hinintay ang araw na ito pero ang dali lang matapos. Pagkalabas ko ng kwarto ay pumunta ako ng kusina para magtimpla ng kape at kagaya ng inaasahan wala pang gising sa mga kasama ko. Pagkatapos kong uminom ng kape ay bumalik ako sa kwarto at dumiretso na ng banyo, nagtanggal ng damit at tumutok sa shower. Swoooosssshhh. Ang sarap ng pakiramdam ng daloy ng malamig na tubig sa katawan. Pagkatapos kong magbanlaw ay noon ko pa lang namalayan na hindi ko pala naisara ang pinto ng banyo at ang shower curtain kaya naman daig pa ng nag-almusal sa busog ang mga mata ng roommate kong si Nathan. ***** Wow, wala na talagang ibang sasarap kung paggising mo ay bubungad sayo ang hubot hubad na katawan ng lalaking pinapangarap habang naliligo siya yan ang sambit na utak ko pagkakita ko kay Tristan paggising ko. Kagaya ng dati, nakalimutan na naman isara ni Tristan ang pinto ng banyo pati na ang shower curtain kaya kitang kita ko kung paano siya maligo, mula sa unang bagsak ng tubig na nanggaling sa shower, kung paano niya alisin ang bula sa ulo niya, sa pagsabon ng buong katawan niya hanggang sa kasuluksulukang singgit, hanggang sa pagbanlaw niya. Ang swerte ko talaga sa roommate ko, salamat na lang dahil hindi siya marunong magsara ng pinto ng banyo kaya araw-araw busog ang mga mata ko. Kung ganito ang nakikita ko araw-araw, mawawalan na akong ganang mag-almusal dahil sa pagtitig pa lang sa katawan niya ay sobrang busog na ako. ***** Akala siguro ni Nathan na hindi ko alam na nakatitig siya sa akin, lagi siyang ganyan, kunwari tulog pero hindi ko na lang pinapansin na nanlalaki ang mga mata niya dahil sa kakatitig sa aking hubad na katawan. Hindi niya alam na sinasadya ko siyang pasabikin, wala ng kaso sa akin iyon, pareho naman kaming lalake at kaming dalawa lang sa kwarto, wala naman nakakakita sa ginagawa kong pananakam sa kanya. Pagka-alis ko sa tapat ng shower ay dumiretso ako tapat ng bowl para umihi. Sinadya kong huwag munang punasan ang katawan ko upang manatili itong basa para mas sexy tignan. Pagkatapos kong umihi ay muli kong binuhusan ng tubig ang aking ari, kinuha ang sabon at muli itong pinabula. Hinagod ko ng hinagod ang aking ari hanggang sa tuluyan na itong tumigas, ang sarap ng pakiramdam dahil sa madulas ito. Kinagat ko rin ang aking labi para makita ni Nathan na nasasarapan ako sa ginagawa ko at sa puntong iyon, alam ko tinitigasan na rin siya. ***** Sino ba naman ang hindi titigasan kung makakakita ka ng lalaking hubot hubad sa harapan mo. Ako nga makakita lang ng hubad na lalaki sa porn o picture, tinitigasan na ako, paano pa kung buhay na buhay at nasa harapan mo pa.

Matigas na ang ari ko kanina pa lang na nakikita kong maligo si Tristan, pero mas lalo pa itong tumigas ngayong nakikita kong nilalaro niya ang kanyang tigas na tigas na ari. Sa maraming beses ko na siyang nakita sa loob ng banyo, alam ko iyon ang nagpapatigas sa kanyang ari. Kitang-kita ko na mala-kahoy na sa tigas na kanyang ari at siya mismo ay sarap na sarap siya sa kanyang ginagawa. Pero alam ko hindi niya itutuloy yan, maraming beses na niya akong binibitin. Alam kong alam niyang nakatingin ako sa kanya, pero dahil sa matagal na kaming magkasama sa kwarto malamang pinagbibigyan na lang niya ako. ***** Nang maabot ng ari ko ang katigasan ay binanlawan ko na ito gamit ang tubig na sinaklo ko sa tabo. Hagod-hagod ko pa rin ang ari ko habang nawawala ang bula dito na nagdulot naman ng kiliti sa ulo nito dahilan upang mapa-ungol ako na sadyang pinarinig ko kay Nathan para mas lalo siyang tigasan. Inabot ko ang tuwalya para punasan na ang katawan ko, kahit na natutuyo na ito at ang parte ng ari ko na lang ang basa. Sinimulan ko ang pagpunas sa ulo ko, pagka-alis ng tuwalya ay nakita ko sa harap ng salamin ang halos kulot kong buhok na bumagay sa makinis at moreno kong mukha. Sunod ay ikinuskos ko ang tuwalya sa likod ko, sa matipunong dibdib, sa binti, at huli ang aking ari. Iniwan ko ang tuwalya sa banyo at tumungo sa kama kung saan nakahiga pa rin si Nathan. Nakikiliti ako sa bawat pagtama ng aking semi-erect na ari sa tuwing tumatama ang ulo nito sa aking magkabilang binti tuwing humahakbang ako. Sa gagawin kong ito malamang iniisip na niya na hindi na siya mabibitin. ***** Sa unang pagkakataon ay ngayon pa lang ginawa ni Tristan ito, ang lumapit siyang hubat hubad akin sa higaan. Dati kasi pagkatapos niyang magpunas ay didiretso ito sa closet na nakapwesto sa bandang kanan pagkalabas ng banyo, pero ngayon diretso ang lakad papunta sa akin. Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko at mas tumigas pa ang ari ko na tinatakpan ko ng lang comforter para hindi mahalata. Hindi ko alam ang gagawin ko pero ayaw kong magpatalo sa ginagawa niya. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko, naglakas loob akong ipakita sa kanya na gising ako mula pa kanina. Di ko sinasadya na makita siyang naliligo dahil hindi niya sinasara ang pinto sa banyo, pasensya siya marupok ako, hindi ko mapigilang tumigin sa kanya. ***** Hindi ako nabigla sa ginawa ni Nathan, dahil alam kong kanina pa siya gising. Kung alam niya lang na mas gusto ko pa na simula pa lang ay nakatingin na siya sa akin. Inalis ko ang comforter niya at tumambad sa aking ang matigas niyang ari, nakabakat iyon sa suot niyang pajama. Umakyat ako sa kama, para akong batang gumagapang patungo sa kanya. Nang malapit na ako sa kanya at lumuhod ako sa harap niya, kumembot ng konti para gumalaw ang ari ko. Kita ko sa mukha niya ang pananabik kaya inabot ko ang kanyang kamay na kaagad naman niyang binigay. Pinahawak ko ito sa kanya ko at naramdaman ko ang mainit na pakiramdam na nakapalibot sa ari ko. Maya-maya pa ay pinisil niya ito dahilan upang muling tumigas ang aking ari, sisimulan na sana niya itong hagurin pero inalis ko ang kanyang kamay sa ari ko. ***** Bakit niya inalis? Kung kailan nagugustuhan ko na ang ginagawa ko sa kanya tsaka niya inalis ang kamay ko sa ari niya. Nabigla ako sa susunod niyang ginawa, nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, inilapit

ang ilong sa ilong ko, damang dama ko ang mainit niyang hininga, at ang susunod kong nalaman ay magkalapat na ang aming mga labi. Ang sarap niyang humalik, ang tamis, damang-dama ko ang pagpasok ng kanyang dila sa aking bibig, lalaban sana ako ng bigla niyang nilayo ang kanyang ulo. Nabitin man ako pero nagustuhan ko ang susunod niyang ginawa, kinapa niya ang aking ari mula sa loob ng aking pajama, damang-dama ko ang lamig ng kanyang palad na naging dahilan upang mas tumigas pa ito. Gustong kong abutin muli ang kanyang labi pero umiwas siya, gusto ko malasahan muli ang kanyang halik habang hawak-hawak niya ang aking ari. ***** Inalis ko pansamantala ang pagkakahawak ko sa ari ni Nathan. Hinawakan ko ang laylayan ng kanyang sando at itinaas ito, sumulong naman siya para mahubad ko na iyon. Pagka-alis ng suot niya ay pinisil ko magkabilang utong niya dahilan upang mapaliyad ya. Maya-maya pa ay narinig ko na ang kanyang ungol at sa pangalawang pagkakataon ay nilapit ko ang labi ko sa labi niya, hinalikan ko siya ulit para hindi na lumakas pa ang kanyang pag-ungol. Bumaba ang aking mga labi, patungo sa leeg niya, pero hindi ko siya hinalikan, pinaramdam ko lang sa kanya ang mainit kong hininga, bumaba pa ang ulo ko patungo sa kanyang kaliwang utong at pinasadahan ko ng dila ko kasunod ay ang kabilang utong niya. Pababa pa ang ulo ko, narating ko ang pusod niya kung saan nagsisimula ang linya ng buhok pababa sa ari niya. Mula doon ay nilapat ko ang aking baba at maya-maya pa ay naramdaman nito ang matigas niyang ari. Idiniin ko ang baba ko sa ulo ng kanyang ari na nagustuhan niya, iniling-iling ko rin ang aking ulo dahilan upang mas lalo pang tumigas ang kanyang ari. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkasabik na matanggal ang kanyang pajama para makalaya na ang naghuhumindig niyang ari. Hindi ko pinatagal iyon kaya mabilis kong tinanggal ang kanyang pajama at tumambad sa akin ang kanyang malaki at matigas na ari. Kinulob ng kamay ko ang ari niya at ramdam ko ang init nito, bahagya kong ginalaw ang kamay ko, pataas, pababa. Habang hawak ko iyon ay nilapit ko ang ulo ng ari ko sa bayag niya na naging dahilan upang parehong tumigas iyon. Nilapit ni Nathan ang kanyang mukha sa akin, basang-basa ko sa mata niya na gusto na naman niyang magkahalikan kami, pero imbes na salubungin ko iyon at itinapat ko ang labi ko sa tenga niya tsaka ko binulungan. Kabs, maligo ka na, ang baho mo biro ko kay Nathan, ang aking partner sa buhay. Kabs ang tawagan namin sa isat isa, pinaikling kabiyak Ang daya mo, nambitin ka na naman. At ikaw ha, nasasanay ka ng tinatawag mo akong mabaho pagkagising ko sambit ni Nathan. Ikaw kasi, kanina pa kita ginigising ayaw mo naman tumayo yan tuloy hindi mo na naman ako nasabayang maligo. Ligo ka na, ako na ang mag-aayos dito higaan at maghahanda ng isusuot natin. Nga pala, anong gusto mong almusal para makapagluto ako habang naliligo ko tanong ko kay Nathan. Ikaw sagot niya sa akin. Ikaw nga ang tinatanong ko tapos ibabalik mo na naman sa akin kunwaring naasar ako sa kanya. Ang sabi ko, ikaw ang gusto kong almusalin malambing na sabi ni Nathan sabay sakmal sa ari ko. Aray sigaw ko.

Sorry, masakit ba? pag-aalala niya. Oo, kapag hindi mo binitiwan mo iyan ipapalo ko sa mukha mo pananakot ko sa kanya, alam kong bibinitawa niya iyon kasi gustong-gusto niyang pinapalo ko ang ari ko sa kanyang mukha. Sige, walang problema sabay bitiw ni Nathan sa ari ko. Maligo ka na nga para maka-alis na tayo. Ayokong gabihin sa daan dahil aabutan tayo ng traffic. Well grab a sandwhich on Spinneys along the way for our breakfast, kung magluluto ako baka hindi tayo kaagad maka-alis, mamayang gabi na lang ako magluluto for our dinner biglang pagbabago ng desisyon kong magluto sana ng almusal namin. ----Hapon na kaya nag-sisimula nang magdatingan ang mga tao sa Dubai Mall, iba-ibang lahi ang makikita, maraming Arabo, Indian, European at siempre mga Pinoy. Hindi mo naman mahuhuli sa libutan ang mga kababayan natin dito sa Dubai. Kakagaling lang namin ni Nathan sa Fashion Avenue, sa madalang na pagkakataon ay nag-shopping kami ng aming mga damit. Its so easy to buy clothes here, hindi mabigat sa bulsa compared if well buy all these items in Philippines. In fact, not only clothes, even other merchandises like electronic gadgets, appliances, chocolates, books, DVDs, and even grocery items are easy to grab in this place. Kami ni Nathan ay damit lang ang luho namin, gustuhin man namin punuin ng gamit ang inuupahan naming kwarto ay hindi pa rin kami bumibili kahit na kaya namin dahil malaking abala iyon sa paglilipat. I worked as a civil engineer and Nathan as a government employee, in our work we can also afford to rent a whole flat, but we decided not to because its not practical at all. We want to spent our free time together rather than hearing complains of boarders regarding fixing of broken faucet or the like, worst hearing them asking extension for their payment. We decide to rent one room, we bought closets to accommodate our clothes. Were lucky because our landlord provides flat screen in living room, in that case, were not obliged to buy our own and we have time to mingle with our flatmates while hugging Nathan in the midst of the climax of our favorite soap opera. Yes, hindi kami nahihiyang magyakapan ni Nathan sa harap ng aming mga kasama sa flat, in fact were open to them, alam nila ang relasyon namin. Ayaw naming itago ito kasi ang hirap kumilos, unlike kung maging open kami, mas malaya kaming makakakakilos. Natutuwa rin sila kapag nagkukulitan kami ni Nathan especially when were cooking. Cooking is our passion, we both love to cook, beside on our room, kitchen is our second love nest. Kabs, upo muna tayo pagyaya sa akin ni Nathan. Okay, nakakapagod talagang mag-shopping. Saan mo gustong umupo? tanong ko sa kanya. Doon na lang sa malapit sa aquarium, merong malapit na African-inspired coffee shop doon, gusto kong uminom ng hot cholocate sagot ni Nathan. Sige kabs, ako na muna ang magdadala ng mga paper bag na bitbit mo, mukhang pagod ka na pagkasabi ko ay binigay naman niya ang mga paper bags sa akin. Kahit open kami sa aming relasyon, konti lang ang nakakahalata sa amin sa kabila ng kilos namin. Madalas ay napagkakamalan kaming magkapatid o mag-pinsan. Were open, pero hindi naman namin kailanganang ipagsabi sa bawat nakaka-usap o nasasalubong namin ang tungkol sa amin.

Kabs, sigurado kana ba sa hot chocolate? tanong ko kay Nathan. Oo, nilamig ako kanina kahit na malayo ang nilakad natin kaya gusto kong mainitan ang sikmura ko paliwanag niya. Okay, pagkatapos kong mag-order diretso muna ako sa washroom, kanina pa ako naiihi paalam ko sa kanya. Ok, kabs, walang problema, ako na ang magbabantay ng mga pinamili natin sagot niya sa akin. After raising my order and paying bills, I went straight to the state-of-the-art washroom of that establishment. While on my way, I kept on thinking, bakit laging binabalikan ni Nathan ang nakaraan namin, hindi sa ayaw kong kalimutan ang kahirapan pero nagpunta kami dito para maranasan ang magandang buhay. Katulad kanina, after buying signature clothes, naalala daw niya noong nasa Pinas kami na kung hindi mag-sale ay hindi kami makakasuot ng branded na damit. I have nothing against that but sometimes its bothering me, but I dont have the courage to persuade him, rather I changed the topic most of the time. Kabs, sino ang tinitignan mo? Nalihis lang ako ng sandali sa tabi mo kung sino-sino na ang tinitignan mo pagtatampo ko sa kanya, hindi niya naramdaman ang aking pagdating dahil sa malayo ang kanyang tingin. Huh, kabs, andyan ka na pala. Wala, may nakita lang akong cute gulat na sagot ni Nathan. Ibig sabihin may mas cute pa sa paningin mo kaysa sa akin patuloy pa rin ang pagtatampo ko pero sinabayan ko ng pogi sign na ikinatuwa naman niya. Kabs, ikaw talaga, alam ko kung paano ako patawanin. Parang kagaya lang dati na kapag nalulungkot ako, makita lang kita ay sasaya na ako muling pagbabalik tanaw ni Nathan.

----Damian: Ano nakita ka ba nila? Elias: Hindi naman siguro Damian: Bakit kasi nagpunta ka sa Dubai Mall. Elias: Malay ko bang nandoon din pala sila. Damian: Sa susunod mag-ingat ka, baka masira ang plano natin kapag nakita ka. Elias: Opo, mag-iingat na ako sa susunod.

Chapter Two Souk Al Bahar Kabs, why you cant you take off your eyes when theres cute foreign guy around pagtatampo ko kay Nathan. Ok, promise pasinghal sa saad ni Nathan. Susubukan kong huwag ng tumingin sa mga cute na ibang lahi para hindi ka na magtampo panigurado niya sa akin. Sir, eto na po ang order ninyo sabat ng waiter sa usapan namin, sabay abot ng dalawang baso ng hot chocolate. Salamat sabi ko sa waiter at kinuha ang inaabot niyang mga baso. Kabs, akala ko kape ang inorder mo? tanong ni Nathan. Gusto ko lang subukan din ang hot chocolate sagot ko habang tinatantya ko kung gaano kainit ang laman ng baso. Kabs, aakalain mo ba na magiging ganito ang buhay natin? Di ba dati bumibili ka lang ng kape sa malapit na carinderia sa inyo, tapos hindi nga tayo makapasok sa mga mamahaling coffee shops sa Pinas, pero ngayon tignan mo sa halagang dalawang daan piso nakaka-inom tayo ng hot chocolate pagbabalik tanaw ni Nathan pagkatapos ay hinipan niya ang laman ng baso. He has a sensitive tongue kaya sobrang ihip ang ginagawa niya kapag kakain o iinom ng mainit. Kung minsan nga ay natutuwa ako sa kanya kasi parang mauubusan siya ng hininga dahil sa kakaihip. Ya, I remembered, at tuwang-tuwa pa tayo kapag merong chocolate drinks sa package na pinapadala ng tatay mo noong nagtatrabaho pa siya sa Saudi pagsabay ko sa pagbabalik tanaw niya, pinagbigyan ko muna siya sa pagkakataong ito. Oo nga, tapos naalala mo kung paano natin himayin ang bawat damit sa ukay-ukay para makapili lang tayo ng magandang damit, pero ngayon tignan mo, pwede nating bilhin kung ano man ang gustuhin natin. Iba talaga ang buhay dito kwento ni Nathan. Oo naman, ibang-iba talaga. Maiba tayo, at first its difficult to adopt on their culture, until I realised why do I need to spend time studying, just know the basics, thats it pag-iiba ko ng usapan. Tignan mo ang mga babae nila, balot na balot, mata lang ang nakalitaw. Sabi ng mga nakasabay kong pumunta noon dito bawal daw titigan ang mga babae sa mata. Iisipin kasi na pinagnanasaan mo sila kaya ako, todo iwas talaga sa kanila sabat naman ni Nathan. Kabs, finish your hot chocolate so we can watch the first schedule of dancing fountain para maka-uwi tayo kaagad, baka ma-traffic pa tayo pauwi kung magtatagal tayo pagyaya ko kay Nathan, na abala pa rin sa pag-ihip sa hot chocolate niya kahit nakalahati na niya ito, samantalang ako kanina ko pa naubos ang sa akin. Daan muna tayo sa Aquarium paki-usap ni Nathan.

Thousand times weve been there at isa pa kanina mo pa tinitignan ang mga isda doon pagtutol ko sa kanya. Kabs, please. Alam mo naman ako, hanggat nandito tayo gusto kong sulitin ang pagkakataon para makita ang mga magagandang lugar o bagay kahit na paulit-ulit. Hindi tayo magtatagal dito, hindi nga tayo pwede tumira ng permanente dito kasi hindi sila nag-bibigay ng citizenship pangungulit ni Nathan. Ok, dalhin mo na ang baso at doon mo na lang ubusin habang pinapanood natin ang mga isda, Ill carry these paper bags pagyaya ko sa kanya. Sa maraming pagkakataon na tumayo kami sa harap ng giant aquarium sa Dubai Mall, here we are again watching different species of fish enjoying the water inside the glass. Minsan nga nagyayang mag-dive si Nathan sa loob ng aquarium pero umurong kami dahil hindi praktikal, sobrang mahal kasi. Sabi ko sa kanya na itatabi ko na lang ang pera na dapat na gastusin doon at sa Pinas na lang kami mag-underwater dive, sa totoong dagat pa. Ok, we can afford that here, we can be as glamorous as we can but still, we want to be practical all time, we just want to spend money on our necessity. Malamang tama nga si Nathan, dapat habang nandito kami ay sinusulit namin ang pagkakataon para puntahan o sulyapan man lang ang mga pinagmamalaki nilang lugar dito kasi pagkatapos ng dalawang taon ay nagbabalak na kaming umuwi para mag-negosyo na lang sa Pinas. Pag-uwi namin ay magiging alaala na lang ang pagtatrabaho namin dito pati na rin ang mga lugar na napuntahan namin. By that time ay may sapat na kaming ipon, meron kaming magkahiwalay na bank account sa Pinas at doon namin hinuhulog ang parte ng sahod namin, ang iba naman ay pinapadala sa pamilya at siempre nagtitira kami ng gagastusin namin dito. Ang dami ring nag-offer ng credit card sa amin, pero tinatanggihan namin lahat ng iyon, una pa lang ay napag-usapan na kasi namin ni Nathan na hindi kami hahawak ng credit card. Kabs, swerte natin dito sabi ni Nathan habang palabas kami ng mall, papunta sa dancing fountain pagkatapos niyang pagsawaan tignan ang mga isda. What do you mean? tanong ko sa kanya. Tignan mo, sa palagay mo ba lahat ng OFW na andito ay kapareho natin ng status. Hindi sa binababa ko ang level nila, nagpapasalamat lang ako kasi ang ganda ng trabaho natin, nagsasahod tayo ng higit pa sa inaasahan natin kaya pwede nating bilhin kung ano man ang gustuhin natin, at magkasama pa tayo paliwanag ni Nathan. Kabs, tama ka nga. Hindi lahat ng Pinoy dito ay may magandang trabaho. Kwento ng officemate ko, yung pinsan niya nagtatrabaho sa isang private construction company as Admin Staff, two years na pero hindi pa rin nabibigyan ng increase. And guess what, they are paying him AED2,000 same as attendants in gasoline station or botiques in mall, and security guards are even getting higher salary than them pagkokompara ko ng sahod ng ibang pinoy dito. Ganoon dito, swertihan lang talaga. Domestic helper are lucky if they are getting AED1,000, most of them are earning less than that amount. Tama nga sila, hindi nila maiipon iyon kung nasa Pinas sila, pero at that amount ayaw ko namang iwan ang pamilya ko, Id rather accept job in Philippines paying lower that amount so I can be with my family. Eto pa, yung iba nga daw two moths pang delayed ang sahod nila, kaya nga ang laki ng pasalamat nila kasi pinatupad na ng gobyerno dito ang wages protection system, obligado na ang bawat kumpanya na

bayaran ang mga employado buwan-buwan. At walang kawala ang mga kumpanya, kasi kailangan na nilang i-deposit ang sahod sa bangko para ma-monitor kung tama at kung nasa oras ang pasahod nila, kung magmintis kasi sila siguradong may penalty at mas masaklap kung ipasara ng gobyerno ang kumpanya nila muling paliwanag ni Nathan. Yeah, youre right. I also heard na maraming mag-asawa na parehong nandito sa bansang ito pero hindi naman magkasama kasi magkalayo sila ng trabaho. Kaya nga ang laki ng pasalamat ko na magkasama tayo sa room, hindi katulad nila na weekly lang nagkikita sabi ko. Atleast nae-experience nilang yung excitement tuwing magkikita sila weekly naka-ngising sabi ni Nathan. Hindi ko naman ipagpapalit yung once a week na excitement na iyon, isang araw lang silang magkasama sa isang linggo, Ill still choose our set-up na kahit walang excitement ay araw-araw magkasama paliwanag ko sa kanya. Ibig sabihin hindi ka na nae-excite na makita ako pagkatapos ng trabaho mo? nag-iba ang facial expression ni Nathan pagkasabi niya. Siyempre excited pa rin, pero hindi katulad nila di ba? Once a week lang nagkikita kaya mataas ang level ng excitement nila compared sa excitement na nararamdaman ko everyday after work bago kita makita paliwanag ko sa kanya, alam kong iniinis lang niya ako, ganyan kasi siya kapag nakita niya akong pagod na ay mas lalo pa niya akong papagurin o iinisin, kaya kunwari ay papatulan ko siya. Ang sweet talaga ng kabs ko, salamat seryosong sabi niya. Mukhang nagkamali ako, hindi yata siya nagbibiro sa pagkakataong ito. Ikaw nga baka wala ka ng nararamdamang excitement? birong tanong ko sa kanya, kunwari nagtatampo din ako. Ako pa ang tinanong mo, kung hindi ako excited na makita kita araw-araw, sana hindi kita sinasalubong ng yakap at halik kapag nagkikita tayo sa kwarto, sana hindi na ako nag-eefort ngumiti pagkakita ko sayo kung sa labas naman tayo nagkikita, sana hindi ako nanggigigil sayo sa lift kapag sabay naman tayong umuwi may halong pagtatampo ni Nathan. Eto naman, hindi na mabiro. Alam ko lahat ng iyon, ayaw ko lang sabihin sayo na nahahalata ko biro ko sa kanya. What time is it? biglang tanong ko sa kanya. Alas singko pa lang sagot niya. 6:30 PM pa naman yung unang show, di ba? What if kung ilagay na muna natin itong mga pinamili natin sa sasakyan pagyaya ko sa kanya. Ok maikling tugon niya, alam kong may nagtatampo pa rin siya, and hes not joking this time. Niyaya ko siyang sumakay ng lift instead of usual escelator para mas madali naming marating ang parking lot. Pero ang talagang pakay ko ay halikan siya kung sakaling solo namin ang lift, and bingo, walang tao sa loob ng lift pagbukas ng pinto.

Pinauna ko siyang pumasok sa lift. Pagkapindot ko sa floor na pupuntahan namin ay binitawan ko ang hawak kong mga paper bags na ikinagulat ni Nathan. Pagsara ng pinto na lift ay humarap ako sa kanya, hinawakan ko ang ulo at hinalikan ko. Ramdam ko ang kasabikan niya, parang ang tagal naming hindi nagkita samantalang ang huli naming halikan ay kaninang umaga lang bago kami umalis ng kwarto. Ganito kasi ang gusto niya kapag pagod, ang nilalambing. Kabs, baka may security camera dito hingal na sabi ni Nathan matapos niyang kumawala sa halikan namin, pero binitiwan na rin niya ang mga dala niyang paper bags. I dont care sagot ko sa kanya at muli kong sinunggaban ng halik. Mas maalab this time, parang uminit ang buo naming katawan kasi ramdam ko ang pagsingaw ng mainit na hangin sa shorts namin patungo sa aming sneakers. I really like the way he kiss me, madampi pa lang ang mga labi niya sa akin ay titigasan na ako, alam ni Nathan iyon kaya mabilis niyang nilagay ang kamay niya sa harapan ko para kapain iyon. Mas lalo pa itong tumigas ng pisil-pisilin niya. Hes about to unzip me when we heard this sound, Ding, lift is about to open. Nabitin kami pero wala kaming magawa, instead, inayos na lang naming ang polo shirts. On our typical day, we prefer to wear casual para maiba naman sa formal attire na suot namin araw-araw sa aming trabaho. Paglabas namin ng lift ay kitang-kita ko na ang ngiti sa kanyang mga labi, ibig sabihin na nawala na ang pagod at pagtatampo niya. Pagkatapos naming ilagay sa compartment ng aming kotse ang mga pinamili namin ay lumapit ako sa kanya, grab his waist with my both hand, sinandal sa likod ng kotse, ipinadama ko ang matigas ko pang ari na ikinatuwa naman niya. Kabs, I love you, so much malambing na tugon ko sa kanya. Tristan, mahal na mahal kita, salamat sa muling pagtanggap mo sa akin sagot niya sa akin. Ako nga ang dapat na magpasalamat sayo kasi .. pinutol ni Nathan ang sasabihin ko. Tama na ito, baka mag-drama na naman tayo. Tara na, akyat na tayo para makakuha tayo ng magandang pwesto kapag pinanood na natin ang dancing fountain pagyaya ni Nathan. Lift ulit? tanong ko sa kanya sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti. Escelator na lang, baka hindi ako makapagpigil at siguradong masisita na tayo ng security dito kapag pinagpatuloy natin ang ginawa natin kanina sagot ni Nathan. It took us several minutes before we reach the dancing fountain, it nested in the midst of Dubai Mall, The Address Hotel, Souk Al Bahar and Burj Khalifa. Theres lot of people waiting for the performance of the dancing fountain. Pumuwesto kami sa maliit na tulay papuntang Souk Al Bahar, sa likod ng The Address Hotel. Its not a perfect view pero gusto naming sukuban doon sa pagkakataong ito. Nasa harapan ko si Nathan, tumayo ako sa likod niya at kinulong ng mga kamay ko ang beywang niya, ang baba ko ang nakasalo sa kaliwang balikat niya. Maya-maya pa ay nilapat niya ang mga kamay niya sa kamay ko. Alam namin, hindi natural sa mga lalaki ang ganoong gesture in public places, pero

sobrang dami ng tao sa lugar na iyon para mapansin pa kami. Yung mga katabi naming mga Europeans ay hindi kami pinanpansin kasi parang wala lang naman sa kanila iyon. Few minutes later, the show starts. Kahit ilang beses na naming napanood ang dancing fountain ay pareho pa rin kaming naa-amaze ni Nathan. Its a five minute show pero sulit ang paghihintay, sinasabayan ng pagsayaw ng tubig at ilaw ang pagtugtug ng instrumental Arabic song. Sa pwesto namin ni Nathan, hindi ko maiiwasan mapatingin din sa Burj Khalifa sa bawat pagtaas ng tubig. Nakakatawa din ang expression at pagsigaw ng ibang mga lahi sa bawat pag-kembot ng tubig at ilaw. Bago matapos ang show, I kissed Nathan on his cheek, it was sweet. Few seconds later, humarap siya sa akin, he kissed me on my lips and its even sweeter. We kissed in the middle of hundreds of people who applause after the show of dancing fountain. Bumitaw si Nathan sa halikan namin, he grab my hand, walk away from the crowd as if theres nothing happened, as Ive said, sa dami ng tao doon hindi nila mapapansin ang halikan namin ni Nathan. Pumasok na kami ng mall para bumalik sa parking lot kung saan namin iniwan ang kotse, gustuhin man naming mag-dinner ni Nathan sa mall ay siguradong aabutan kami ng traffic. Kapag pagod kami, mas gusto pa naming magluto kaysa mahiga kaagad sa kama, nasanay na kami ng ganoon, nawawala ang lahat ng pagod kapag sabay kaming nagluluto.

Hey sigaw ko ng mabunggo ako ng isang lalaki na mukhang Pinoy din. Itinaas lang ang lalaki ang kanyang kamay pero hindi niya kami nilingon, in that way he may want to say sorry, thats enough for me, pero yung basta na lang siya umalis kabastusan na iyon. Kabs, hayaan mo na, baka nagmamadali lang siya. Masasayang lang ang oras nating kung hahabulin mo pa siya pagbawal ni Nathan sa akin. Ok, he should be thankful because were in a hurry. Lets go sabi ko kay Nathan sa tumungo na kami sa parking lot. ----Damian: Bakit hindi ka naman nag-iingat, baka nakita na nila sa pagkakataong ito? Elias: Nasisigurado ako hindi nila ako nakita kahit nabungo ko si Tristan, hindi ako lumingon sa kanila Damian: Alam mo naman na malaking problema kapag nakita ka nila diyan Elias: Lagi naman akong nag-iingat, kaya lang lagi namang nagkakataon na pareho kami ng pinupuntahan na lugar Damian: Siguro sa susunod mas maigi kung huwag na ka munang lumabas

Chapter Three Desert Safari

Tanghaling tapat. Mataas ang sikat ng araw. Nakakasilaw. Nathan, ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. Pawisan ako sa gitna ng mahabang pila sa gitna ng disyerto. Saan ko man ibaling ang paningin ko, buhangin lang ng disyerto ang nakikita ko. Wala kahit isang halaman ng cactus o camel na karaniwang makikita sa lugar na ito sapagkat ang mga ito lang ang karaniwang nagtatagal sa mainit at walang tubig na disyerto. Pero ako, ano ang ginagawa ko dito? Para saan ang pilang ito? Imposibleng pila ito ng bigas na galing sa NFA o pila ng lotto, napakamura ng bigas dito sa ibang bansa para pilahan ang mas murang bigas at wala rin naman lotto dito, at kung meron man, bakit sa gitna ng disyerto ang pila. Alam ko, hindi pangkaraniwan ang pilang ito, sa mga kasama ko palang nalilito na ako kung para saan ba ang pilang ito. Iba-ibang lahi, iba-ibang edad at iba-ibang kasarian ang mga kasama ko sa pila. Sa pwesto ko ngayon, hindi ko alam kung saan ang simula ng pila at kung saan ang dulo nito. Pilit kong tinatanaw ang magkabilang dulo pero hindi ko makita. Kaka-iba din ang pilang ito, sa bawat pagkurap ko, ibang tao ang makikita ko sa harapan at likuran ko at pagkakita ko pa lang sa mga taong pumapagitna sa akin ay aasahan kong mag-iiba na naman ang pwesto ko. Hindi kami gumagalaw sa pila, pero asahan mo na sa bawat pagkurap at paghinga ay nasa ibang parte ka na ng pila. Misteryoso ang paglipat namin ng pwesto, kasing misteryoso kung bakit kami nandito. Tirik na tirik ang araw, pero hindi ako nakakaramdam ng pagka-init sa katawan pero ramdam kong tumutulo ang aking pawis at bago ko pa ito mapunasan ay matutuyo na ito. Kung gaano kabilis ang pagkabuo nito, ganoon din kabilis ang paglaho ng mga ito. Sa ilang oras na naka-pila ako, hindi rin ako nakakaramdam ng uhaw na karaniwang nararamdaman ko kapag ilang oras akong naglalakad sa kalsada sa kainitan ng araw. Hindi rin ako nakakaramdam ng pagod kahit ilang oras na akong nakatayo sa gitna ng pila, hindi ako nakakaramdam ng sakit ng katawan at sakit ng paa. Tristan Siya ang laman ng isip ko habang nasa gitna ako ng pila. Simula ng makasama ako dito, siya lang ang naiisip ko, kung ako nakapila sa gitna ng disyerto, siya naman ay nakapila sa utak ko. Bakit hindi ko siya kasama dito? Ano itong pilang ito? Andito rin ba siya? Kung nandito naman siya, pareho ba kaming makaka-alis sa sandaling magkatabi kami? Siya rin ba ang iniisip ng mga taong ito? Kung siya nga, ano naman ang koneksyon niya sa mga taong ito at paano siya o niya nakilala ang ganito kadaming tao. Kagaya ng ibang nasa pilang ito, kahit na segundo lang ang pagkakita ko sa kanila, alam ko merong mga nakaka-alis dito. Hindi rin pare-pareho ang oras na nilalagi namin sa pilang ito, ang iba sandali lang at ang iba matagal ng nandito. Pero kaming lahat, hindi namin alam kung bakit nandito kami, kung ano ang dahilan ang pagpila namin dito. *****

Kabs, ako na ang magliligpit ng higaan natin at ikaw na ang mag-handa ng isusuot at dadalhing mga gamit sa disyerto sabi ko kay Nathan. Ok kabs, ihi lang ako sandali tapos ihahanda ko na ang mga damit habang naliligo ka sagot niya sa akin. Kapag kaming dalawa lang ni Nathan sa kwarto, pareho naming nakakalimutang na meron palang pintuan ang banyo. Kaya naman sa pagkakataong ito, siya naman ang kita kong umiihi. Pagkakita ko sa kanya ay uminit ang aking pakiramdam kaya naman binitawan ko muna ang mga unan at kumot na dapat sana ay ililigpit ko sa ibabaw ng aming kama. Kabs, akala ko ba mag-aayos ka ng higaan natin? gulat na tanong ni Nathan sa akin nang bigla ko siyang yakapin sa likod niya habang umiihi siya, alam ko iyon kasi nabitawan pa niya ang kanyang ari. Mayaya na iyon, gusto ko sabay tayong maligo pang-aakit ko kay Nathan. Baka matagalan tayo kung sabay pa tayong maligo pagtanggi niya. Kabs, ayos lang iyon, its only 8:00 AM, we still have two hours before Brooke arrives malambing kong sabi kay Nathan habang hinahalikan ang batok niya. Alam ko iyon, pero ang dami pa nating gagawin. Mag-aayos pa ng higaan at mga damit, baka kulang ang dalawang oras kung sabay tayong maliligo patuloy pa rin sa pagtanggi si Nathan pero hindi maitatanggi ng tigas niyang ari ang kasabikang makisabay sa pagligo sa akin. Kabs, tanggi ka ng tanggi pero kanina pa tumatango ang ulo mo sa baba biro ko kay Nathan sabay sakmal sa kanyang tigas na ari. Ikaw talaga, alam mo kung paano ako akitin masuyong sabi ni Nathan sa akin, pagkasabi ay humarap sa akin, tinanggal ang suot kong sando at pagkatapos ay inalis niya yang pajama ko, iniwan niya ang brief. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya, hinubad ang lahat ng suot niya, pati brief tinanggal ko rin. Muli kaming magkaharap ni Nathan, at wala rin kaming pakialam kung nakabukas ang pinto ng aming banyo, wala namang makakakita sa amin kasi laging naka-lock ang pinto ng kwarto. At wala naman sigurong masama kung merong makakita sa amin, parte na ng relasyon ang ginagawa namin. Kahit na bagong gising ay kitang-kita pa rin ang kagwapuhan ni Nathan, kung minsan nga madalas kong sinasabi sa kanya na huwag munang maligo kasi gusto kong makita ang natural na gwapo niya, mas nakaka-akit kasi ito kahit na magulo pa ang buhok niya. Unti-unti niyang nilapit ang kanyang mga labi sa labi ko, pero hindi niya ito pinagdikit, bagkus ay dumiretso ito sa kaliwa kong tenga. Mag-toothbrush muna tayo bulong ni Nathan sa akin, kahit kailan ang galing talaga niyang mambitin.

Pagkatapos naming maligo ay niligpit ko na ang aming higaan, nakasanayan na kasi namin iyon, ayaw na ayaw naming iwanan na magulo ang aming higaan. Samantala, si Nathan ang nag-ayos ng aming isusuot at iba pang dadalhin sa pupuntahan namin.

Kabs, bihisan na kita pagtawag sa akin ni Nathan pagkatapos kong ayusin ang mga unan at itupi ang comforter. Ito pa ang gusto ko kanya, para akong bata na binibihisan ng magulang. Mula sa brief, sa medyas, sa walking shorts, at polo shirt, siya lahat ang nagpasuot sa akin. Siya naman ay ayaw magpabihis, mas gusto daw niyang ako ang nagtatanggal ng mga damit niya. Pagkatapos naming magbihis ay muling tinignan ni Nathan ang mga damit at gamit na dadalhin namin, samantalang ako ay dumiretso na sa kusina para maghanda ng sandwhich. Meron pang sapat na oras bago dumating si Brooke. Si Brooke ang maituturing na pangatlong bahagi ng relasyon namin ni Nathan. Alam niya ang tungkol sa amin ni Nathan, lagi niyang inihahanda ang balikat niya kung sakaling maghahanap kami ng maiiyakan ni Nathan tuwing may problema kami, pero malas lang niya kasi kahit mangawit ang balikat niya ay hindi namin iyon iiyakan kasi wala kaming nagiging problema ni Nathan. Sa ilang taon na pagsasama namin, konting tampuhan lang at kung magkaproblema naman ay siguradong maaayos din namin iyon. After I prepared sandwhich, I checked the time, Its already 10:30 AM, thirty minutes to go before she arrives, Nathan and I still have enough time to finish all this clubhouse sandwhich. Paglabas ko ng kusina, diretso agad ako sa sala at naka-upo na si Nathan at nanonood ng TV. Adik si Nathan sa TV, kapag wala siyang ginagawa asahan ko TV na ang kaharap niya. Kabs, ang sarap naman ng ginawa mong sandwhich masayang sabi niya pagkakita sa akin. Ikaw talaga bobolohanin mo pa ako, hindi mo pa nga natitikman sasabihin mo nang masarap kunwaring pagtatampo ko. Nagbolahan pa kayo sabat ng kamasa namin sa flat. Sir, saan ang lakad? tanong niya, papasok siya sa trabaho bilang merchandiser sa isa sa malaking supermarket sa Dubai. Desert safari, kasama naman si Brooke. Holiday rin naman bukas kaya kailangang sulitin, alam mo naman dito madalang lang na magkasunod ang holiday at weekend sagot ko. Buti pa kayong tatlo pare-pareho dalawang araw ang day-off, samantalang kami kulang na kulang ang isang araw na off malungkot na sabi niya habang tinitignan ang ayos ng buhok niya na binuhusan ng gel sa harap ng salamin. Natiempuhan lang maikling tugon ko. Kuha ka pala ng sandwhich pag-alok ko sa kanya. Salamat, sakto hindi pa ako nag-aalmusal sabi niya pagkakuha ng isang sandwhich. Sige mga sir, una na ako paalam sa amin. Ingat sabay naming sagot ni Nathan. Ewan, bakit sir ang tawag nila sa amin samantalang ilang beses na namin sinabing kuya o kaya yung pangalan na lang ang itawag sa amin. Pakiramdam ko tuloy para akong professor kapag nakikita niya ako. Nasaan na ba si Brooke? tanong ko kay Nathan.

Naku, huwag ako ang tanungin mo, mas kilala mo ang babaeng iyon. Tawagan mo kaya suhestyon ni Nathan. Pagkatapos niyang magsalita ay tumayo ako at kinuha cellphone, dinayal ang number ni Brooke. Nasaan ka na? bungad ko sa phone pagsagot ni Brooke. Halos hindi ko na siya patapusing magsalita at pinatay ko na ang phone ko. Papunta na daw siya bulong ko kay Nathan pagkatapos ko siyang tabihan sa sofa. Halos matapos na ang isang buong pelikula na pinapanood namin ng marinig ang doorbell. Kabs, baka si Brooke na iyan. Ikaw na ang magbukas ng pintuan, kukunin ko muna ang bag natin sa kwarto paki-usap ni Nathan. Sabay kaming tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa, pinabayaan lang naming nakabukas ang TV tutal malapit na ring matapos ang pelikula. Saan ka pupunta? natatawang sigaw ko kay Brooke pagkakita ko sa kanya. Napalakas yata ang boses ko kaya naman dali-daling lumabas si Nathan. At pagkakita niya kay Brooke ay tawa rin siya ng tawa. Sino ba naman ang hindi matatawa sa kanya, lahat ng pupunta sa Desert Safari ay siya ang kakaiba ng suot, naka kulay blue na semi formal dress. Bakit, anong masama sa suot ko? takang tanong ni Brooke. Sa disyerto tayo pupunta, hindi sa binyagan. Alam mo naman na overnight tayo doon tapos ganyan pa ang isinuot mo. Dapat nagpantalon ka, bahala ka kapag nabosohan ka ng ibang lahi na makakasama natin panakot ko kay Brooke. Overnight ba? Akala ko maghapon lang tayo doon pagdadabog ni Brooke habang papunta sa sofa para maupo. Sinabi namin sayo kagabi na overnight tayo kasi wala naman pasok bukas, remember holiday paalala ko kay Brooke. Oo nga pala, pasensya na hindi ko naintindihan ang sinabi ninyo kagabi, basta alam ko desert safari lang ang pupuntahan natin malungkot na sabi ni Brooke. Ok, kung magtatalo lang tayo dito mas lalo tayong male-late. Dumaan na lang tayo sa flat ninyo para kumuha ka ng ibang damit. But make sure na sandali ka lang pagyaya ko sa kanila na ikinatuwa naman ni Brooke. Sure, tara na sigaw ni Brooke sa amin ni Nathan. Eto talagang si Brooke, kahit kailan palpak. Ang ayos ng usapan namin kagabi na overnight ang lakad namin tapos parang aatend ng party sa suot.

Bakit kayo naka-shorts at sneakers lang? tanong sa amin ni Brooke pagkapasok namin sa lift. May dala kaming kumot, pajama, at extrang mga damit sagot ko sabay pakita ng bag na bitbit ko. Oo nga pala, mga boy scouts kayo natatawang sabi niya. Ako ang nag-drive, umupo sa tabi ko si Nathan at si Brooke sa likod naman. Isa lang ang binili naming sasakyan ni Nathan kahit na pareho kaming merong drivers license dito, hindi kasi praktikal kung dalawa pa ang bibilhin namin dahil lagi naman kaming magkasama. Kung ako ang magda-drive sa sasakyan at hindi ko siya masundo, sasabihin ko sa kanya kaagad para hindi niya ako hintayin. Magcocommute na lang siya, pwede siyang sumakay ng taxi, bus, o Metro train, kahit ako ganoon din naman, kung hindi niya ako masundo, magko-commute ako, pero madalas metro ang sinasakyan ko. Alas-tres na ng tanghali ng marating namin ang desert safari, salamat kay Brooke. Pagdating namin doon ay marami-rami din ang tao, karamihan ay turista. Madalang lang kasi na magkasunod ang weekend at holiday kaya sinasamantala na ng ibang OFW ang pagkakataon ito para mamasyal. Kabs, wala na bang mga gamit sa loob ng sasakyan? tanong sa akin ni Nathan. Wala na, naibaba ko na lahat, pati yung bag ni Brooke sagot ko sa kanya. Nasaan na ba si Brooke? muling tanong ni Nathan. Ayun oh turo ko kay Brooke. Ang babaeng iyan talaga, makakita lang ng lalaki na walang kasama kaagad na siyang didikit. Kabs, di ba si ano iyon gulat na turo sa akin ni Nathan sa lalaking kasama ni Brooke. Si Eli. Pa-putol-putol na sagot ko kay Nathan, hindi kasi ako makapaniwala na andito rin siya. ----Damian: Ano? Nakita ka na naman ng dalawa? Ilang beses ko ba namang sasabihin sayo na mag-ingat ka. Elias: Hindi ko naman alam na pupunta din sila dito. Sorry, alam ko na nangako ako sayo na hindi ako lalabas ng bahay, pero sayang din kasi ang part-time na ito, maghahatid lang ako ng turista sa disyerto Damian: Paki-usap, sa susunod huwag ka munang lumabas at kung lumabas ka sana tignan mo rin ang mga tao sa paligid mo, baka makita ka ng dalawa. Elias: Hindi naman nila ako dapat makita, nagmamadali na nga akong umalis ng humarang ang isang babae sa akin, kahit tangi ako ng tangi nagpumilit pa rin siyang magtanong kaya sinagot ko na para kaagad akong maka-alis. Damian: Ewan, mainit na ang ulo ko. Lagi kang nagso-sorry pero hindi ka naman nag-iingat. Elias: Huwag mo naman akong pagalitan, ang layo-layo ko na nga sayo lagi ka pang galit sa akin. Lagi naman akong nag-iingat pero anong magagawa ko kung lagi ko silang nakakasama sa iisang lugar.

Chapter Four Desert Safari (part two) Si Elijah masayang sabi ko kay Nathan ng maalala ko ang pangalan ang lalaking kasama ni Brooke. Ayun, naalala ko rin ang pangalan niya, salamat kabs masuyong sabi ni Nathan sa akin. Pagkatapos naming ayusin ni Nathan ang aming mga gamit ay nilapitan namin sina Brooke at Elijah na masayang nag-uusap. Alam namin na type ni Brooke si Elijah dahil abot tenga ang ngiti niya. Hindi na siya nahiya, sa gitna pa ng disyerto siya nakipag-flirt. Elijah, I want you to meet my friends .. hindi pa tapos ang pagpapakilala ni Brooke sa amin ni Nathan ng biglang sumabat ni Elijah. Tristan, Nathan? tanong ni Elijah with matching Australian accent. Tango lang ang sinagot namin ni Nathan kay Elijah, kahit si Brooke napatango na rin dala ng pagtataka kung bakit kakilala namin ang lalaking kasama niya. How are you guys, its been a long time masayang sabi nito sabay yakap sa aming dalawa. Yeah dude, after you left last year we havent heard anything from you. We tried to contact you but I guess you already changed you number panimula ko, pilit kong ginagawa ang accent niya pero hindi ko magawa. And youre not replying on our e-mails dagdag ni Nathan. Sorry guys, its not my intention to cut communication between us, but you know me, when Im with my partner, my world revolves around him, literally sagot ni Elijah. What? sigaw ni Brooke. Partner, as in same as Nathan and Trisnan? na halatang nagulat dahil hindi niya inaasahang bisexual din ni Elijah. Yes, what youre thinking is right. Im also a bisexual, same as you friends. By the way, hes coming natutuwang sabi ni Elijah sabay turo sa papalapit na lalaki sa amin. Halata pa rin ang pagkadismaya ni Brooke, alam ko pareho kami ng iniisip ni Nathan, akala siguro ni Brooke na naka-jackpot na siya kay Elijah, Australian hunk talaga ang dating, hindi mo aakalaing lalake din ang gusto niya. Mga puti kasi ang tipo ni Brooke, may future daw kumpara kung mga Arabo ang papatulan kagaya ng nakakaraming Pinay dito. Mas lalo pang kumukunot ang noo ni Brooke kapag naririnig ang tawanan namin ni Tristan. Guys, I want you to meet Frank, my partner pakilala ni Elijah sa amin sa kasama niya. Hello guys, I guess youre Nathan and Tristan? tanong sa amin ni Frank. Yes sabay naming sabi ni Nathan at kinamayan namin siya.

Elijahs always talking about you guys, hes also showing me your pictures that why I recognized you. By the way, Im pleased finally I met you. And whose is this lovely lady? tanong ni Frank sabay kuha sa kamay ni Brooke. Im Brooke kinikilig niyang sagot habang hinahalikan ni Frank ang kanyang kamay. Nice meeting you guys but unfortunately we cant spend the whole evening with you, were with our other friends malungkot na sabi ni Frank sabay turo sa mga kasama nilang mukhang Australian din. Guys, well spend two weeks here and well see if we can hang around together, ok paalam ni Elijah sabay yakap sa aming tatlo. Ok, well go then, see you on the camp paalam naman ni Frank at inakbayan na si Elijah.

What took you so long to unload our luggages tanong ni Elijah kay Frank habang papalayo sila sa amin, pero dinig pa namin dahil ang lakas ng boses nila. Thanks to our driver, those other Filipina asked him to take their photo and he gladly accept it without thinking of our luggages. And it took more that 50 shots before they finished sagot naman ni Frank. Nagtawanan lang kaming tatlo kasi alam namin kung gaano kahilig sa pagpapakuha ng picture ang mga kabayan dito, kulang na lang lahat ng galaw nila ay kuhanan ng litrato para mai-post sa album nila sa mga social network sites, siyempre para ipangalandakan sa buong mundo na nasa Dubai sila. Samantala, tawa pa rin kami ng tawa ni Nathan, hindi pa rin kasi makapaniwala si Brooke sa nangyari sa kanya. Maraming nagpapakilalang lalaki sa kanya at alam niya kung hindi sila talo, pagmamalaki niya sa amin na malakas ang pang-amoy niya sa mga kapwa namin pero sa pagkakataong ito ay sumablay siya kay Elijah. Tama na nga iyan, mas lalo lang akong naiinis pagsusungit ni Brooke sa amin. Sige, hihinto na nga kami. Napagod na rin kami sa kakatawa. Para mawala ang pagka-inis mo magpahenna tattoo ka muna suhestiyon ni Nathan. Ayokong nga, baka kapag nakita ng mga makikilala kong lalaki ang tatto iinisip nilang war-freak o goth ako pagtanggi ni Brooke. Henna tattoo lang iyan, matatanggal din iyan ng ilang araw sabi ko sa kanya. Ay ok, gusto ko iyan. Kayo, hindi ba magpapa-tattoo? tanong sa amin. Sa mga babae lang iyan. Habang andyan ka papa-picture muna kami ni Nathan suot ang national dress ng mga lokal dito paalam ko kay Brooke. Iniwan muna namin si Brooke habang nagpapa-tattoo siya, samantalang kami ni Tristan ay nagpunta sa tent kung saan pwedeng ipatong ang national dress, Kandura ang tawag nila dito. Katulad ito ng mga sinusuot ng mga sakristan sa simbahan, puti rin ang kulay pero mas makapal ang tela.

Pareho kaming namangha ni Nathan sa hitsura namin, sa ilang beses na nakapunta kami sa Desert Safari, ngayon pa lang kami nagsuot ng Kandura. Naka-ilang shots din kami ni Tristan suot iyon, bilang paggalang sa kasuotang iyon, hindi kami naging malambing ni Tristan sa mga kuha namin, parang magkaibigan lang kami na nagpapakuha ng litrato. Pagkatapos ay pinuntahan namin si Brooke na manghang-mangha sa henna tattoo na nilagay sa kanya. Talaga bang matatanggal ito? tanong ni Brooke sa amin. Depende, kung araw-araw kang naliligo malamang kaagad matatanggal iyan sarkastikong sagot ni Nathan. Ibig sabihin yung ibang baabe na hindi kaagad natatanggal yung tattoo nila hindi naliligo? takang tanong ni Brooke. Sinabi mo pa sabay naming sabi ni Nathan sabay tawanan. Pagkatapos naming nagtawanan ay dumiretso na kami sa four by four na sasakyan para i-drive kami sa gitna ng disyerto. Aaaaahhhhh sigaw ni Brooke na naka-upo sa tabi ng driver. Binalaan na kasi namin siya na siguradong mahihilo siya kung umupo sa harap, pero matapang niyang sabi Kaya ko ito, para lang itong F1 race, pero sa disyerto nga lang. Nagkaroon kasi ng BF si Brooke na F1 racer at minsan ay pinag-drive niya ito sa race track. Kaming dalawa naman ni Nathan ay nananahimik lang sa likod ng sasakyan at tinitignan lang pagsigaw ni Brooke. Makaraan ang ilang minuto ay hininto na rin ang sasakayan, pagkahinto ay kaagad namang bumaba si Brooke para magsuka. Ayan, ang yabang kasi nang-iinis pang sabi ni Nathan at ako naman ay hagod-hagod ko ang likod ni Brooke. Pagkatapos magsuka ni Brooke ay nagpahinga muna kami bago pumunta sa camp. Nang mahimasmasan na si Brooke ay dumiretso na kami sa camp. Pagdating namin doon ay nagbihis na rin si Brooke sa loob ng tent para matanggal ang amoy ng niluwa niya. Nagpalit siya ng jeans, blouse, jacket, at rubber shoes. Patuloy pa rin ang pananahimik niya dala na rin siguro ng pagkahiya sa amin ni Nathan. Kaming dalawa naman ni Nathan ay sabay na ring pumasok sa tent para magbihis. Salitan nga kayong magbihis, baka makita ng iba nating mga kasama na sabay kayong pumasok sa tent at paglabas ay iba ang ang suot ninyo pagbawal ni Brooke sa amin. Alam kong concern siya dahil ayaw niyang merong pumupuna sa pagiging malambing namin ni Nathan sa isat isa pero Hayaan mo lang sila, ngayon lang natin sila makakasama at bukas din ay makakalimutan nila ito ang madalas kong sinasabi sa kanya. Kahit noon pa man, hindi namin iniintindi ni Nathan ang sasabihin ng ibang tao sa

amin, dahil ba pareho kaming lalaki ay hindi na pwedeng maging malambing kami sa gitna ng maraming tao. Kabs, naalala mo dati noong camp natin sa boy scout noong grade six? tanong ni Nathan sa akin na halatang magbabalik tanaw na naman siya. Oo, iyon ang unang overnight na magkasama tayo. Iyon din ang unang beses na pinayagan kang sumama ng mga magulang mo sa camping. Grade four pa lang gusto mo nang sumama pero todo tanggi sila kasi takot sila pagsakay ko pagbabalik tanaw niya. Ewan ko sa kanila, wala naman silang dapat katakutan kasi ang dami ko namang kasama. At pinayagan lang nila akong sumama noong grade six kasi dagdag din sa grade ko ang pagsama sa camp masayang sabi ni Nathan. Oo nga, kung hindi lang dahil doon ay hindi ka nila papayagan dagdag ko. Naalala mo pa ba yung sabay din tayong nagbihis sa loob ng maliit na tent at dahil nagmamadali tayo ay ang likot natin sa loob at paglabas natin ay tinginan ang mga kaklase natin kasi iniisip nila na meron tayong ibang ginawa tuwang-tuwa pa rin si Nathan sa ginagawa niya. Oo naman. Muntik pa ngang umabot sa principal ang nangyaring iyon. Bata pa lang tayo pero ang dudumi na ng isip ng mga kaklase natin dugtong ko sa sinabi niya. Tapos naalala mo pa ba noong mag-recite ako sa harap ng lahat ng boy scout doon, dahil iyon ang unang beses na magsalita ako sa harap ng maraming tao ay nakalimutan ako ang sasabihin ko. Hindi man ako tinawanan ay nahiya pa rin ako. Nawala lang ang inis ko sa sarili ko noong inabutan mo ako ng mangga na pinitas mo sa tanim ng resort habang nagmu-mukmok ako sa tabi ng pool mahabang salaysay ni Nathan. Muntik pa nga akong mahuli ng may-ari ng resort kasi bawal pitasin ang mga bunga doon pero buti na lang at mabilis akong nakatakbo patuloy pa rin ang pakikisakay ko sa ginagawa ni Nathan habang hinihintay namin ang Arabic belly dancer na sasayaw sa harap namin. Naalala mo ba, sa parehong resort din tayo nag-swimming noong 19th birthday mo? tanong ni Nathan sa akin. Oo maikling sagot ko. Sa lahat pa naman ng birhtday ko iyon pa ang naalala niya, iyon ang pinakaayaw ko kasi wala man kaming dalang pagkain at sakto lang ang dala naming pera magbayad sa entrace at pamasahe sa jeep. Nakakatuwa kasi wala rin tayong dalang camera kaya wala tayong remembrance kitang-kita ko pa ang mga ngiti sa labi ni Nathan samantalang ako ay pilit ang pag-ngiti ko sa kanya. Kung hindi ko lang siya kilala ay aakalain kong sinasadya niyang pikunin ako. Kabs, magsisimula na ang palabas pagpigil ko sa kanya ng akmang magsasalita pa siya, alam kong magbabalik-tanaw pa siya.

Buti na lang at na-entertain ako, hindi dahil sa paggiling ng belly dancer kung hindi dahil sa naglalaway na mata ng mga lalaking ibang lahi. Nakakatawa sila, makakita lang ng babaeng maikli ang suot ay manghang-mangha na sila, ang mga babae kasi sa kanila ay balot na balot. Kabs, punta lang ako sa likod ng tent paalam ko kay Nathan pagkatapos ng palabas. Sige, ako na ang kukuha ng makakain natin. Si Brooke mukhang enjoy na naman sa lalaking nakilala niya kanina sabi ni Nathan sa akin, nang dahil sa pagka-asar ko kanina ay hindi ko namalayang wala pala sa tabi namin ni Nathan si Brooke. Pumunta ako sa likod ng tent para magpahangin. Bakit andyan ka? tanong ni Brooke sa akin, malamang nakita niya akong humiwalay kay Nathan sa sinundan ako. Eto naman panira ng moment bulway ko sa kanya. Akala ko ba may iba ka na namang kasama? tanong ko sa kanya. Wala iyon, pinagtiyagaan ko lang ang Syrian na iyon kahit na maamoy, para naman hindi ako makaistorbo sa inyong dalawa ni Nathan paliwanag ni Brooke. Bakit ganyan ang mukha mo, may problema ba? tanong niya sa akin. Kami pa ni kabs, magkaka-problema. Stress lang ako sa trabaho ko pagsisinungaling ko sa kanya. Plastic, ikaw stress sa trabaho. Tristan, huwag ka ng mahiya sa akin, alam ko si Nathan ang dahilan kung bakit malungkot ka ngayon pagpipilit ni Brooke. Hindi naman actually problema, more on inis lang siguro. Kagaya ng dati pa rin, kasi sobra na ang ginagawa niyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan namin panimula ko. Whats wrong with that, para sa akin sweet nga iyon seryosong sabi ni Brooke. Laging binabalikan ang kabataan namin, kung paano kami nagkakilala, noong nag-aaral pa kami, parang memorize yata niya ang lahat ng nangyari at pinag-usapan namin dati. Alam kong walang masaya doon, pero sa araw-araw na naririnig ko sa kanya iyon kung minsan nagsasawa ako. Alam mo kami, alam mo kung gaano siya ka-sentimental at ako hindi talaga. Isa pa, parang ang dating sa akin ay hindi kami umaangat kung hindi niya mabitawan ang nakaraan. Kaya nga kami nandito para maramdaman ang kaginhawaan ng buhay pero siya balik ng balik sa paghihirap namin noon mahabang kwento ko kay Brooke. I know you spoke to him many time regarding this but he keeps on doing it, siguro magandang gawin mo ay sabayan na lang ang pagbabalik tanaw niya tapos ibahin mo ang topic kapag kontrolado mo na ang usapan ninyo payo ng Brooke sa amin. Nahihiya na rin ako sa kanya kasi iyon na lang ang laging pinag-uusapan namin. Katulad ng dati, I hugged her pagkatapos naming mag-usap, kasi mas narerelieve ko. Kain na sigaw sa amin na pareho naming kinabigla ni Brooke.

Chapter Five Chilis Si Elijah pala ang tumatawag sa amin. Nabigla lang kami ni Brooke kung sino na ang lalaking foreigner na pilipit ang dila sa pagtatagalog habang tinatawag kami para kumain. Guys, what are you doing here? tanong ni Elijah sa amin. Nothing, just grasping fresh air sagot naman ni Brooke. Wheres Frank? tanong ko kay Elijah. Hes with Nathan. Both of them are busy taking our dinner. Come on now, well eat together pagyaya ni Elijah sa amin. Ok, well go then masayang sagot ko kay Elijah. Ok ka na? tanong ni Brooke sa akin habang palakad kami papunta kina Nathan. Oo, salamat bulong ko sa kanya sabay pakawala ng isang matamis na ngiti sa aking labi.

----Saan ba talaga? Sa Golden Fork o Chilis? sigaw na tanong ko kay Brooke habang binabagtas namin ang kahabaan ng Sheikh Zayed Road. Si Nathan ang nagmamaneho ng kotse. Eto naman kung makasigaw parang bingi ako reklamo pa ni Brooke. Paanong hindi kita sisigawan, ang ayos na kasi ng usapan namin kanina ni Badong ginulo mo pa patuloy pa rin ang pagsusungit ko sa kanya. Sino ba kasi ang naunang nanggulo, sinabi na ngang nasa Golden Fork sila pinilit mo pa rin silang pumunta sa Chilis masungit na sigaw ni Brooke. Kayo naman kasi, hindi na kayo nagsawa sa Golden Fork, ilang taon na tayong kumakain doon. Its time to change location naman, and one more thing, magkano lang ang idadagdag kung sa Chilis tayo kakain paliwanag ko kay Brooke. Ang sabihin mo, mayabang ka lang. Alam mo namang hindi afford ni Badong ang kumain sa Chilis doon mo pa dadalhin muling reklamo ni Brooke. Ang sabihin mo, takot lang kayong kumain sa restaurant. Ewan ko sa inyo, nandito na nga tayo sa ibang bansa pero gustong-gusto nyo pa ring kumakain sa mga ordinaryong resto, afford naman natin ang kumain sa mamahalin. At sinabi ko naman kay Badong na ako ang magbabayad muling sigaw ko kay Brooke. Kung kanina mo pa sinabing ikaw pala ang manlilibre sana kanina pa ako nanahimik dito sigaw ni Brooke sabay takip ng bibig. At tumawa ng malakas si Nathan.

Kayong dalawa talaga kung magsigawan kayo para kayong nasa rally. Kabs, tama nga naman si Brooke, hindi lahat ng nandito afford kumain sa mamahaling resto malumanay na sabi ni Nathan habang nagmamaneho. Oo na, nandoon na ako, ang point ko lang naman ay ang dalang na lang nating lumabas kasama si Badong kaya gusto ko sa Chilis naman natin siya i-treat mababang boses na sambit ko, kung tataasan ko pa ang boses ko baka humaba pa ang usapan. Simula noong umalis sa flat namin si Badong ay madalang na lang namin siyang nakakasama. Nalipat ng pwesto ang flower shop na pinagta-trabahuan niya kaya lumipat din siya ng tirahan. Hindi niya kakayanin ang araw-araw na biyahe dahil madalang lang ang bus na nagagawi sa lugar nila ngayon. Bading si Badong, noong kasama pa namin siya sa flat ay siya ang pinakamalapit sa amin, pero ganoon pa man, alam niyang i-respeto ang privacy namin. Kahit minsan ay hindi siya pumasok sa kwarto namin ni Nathan kahit na pinipilit namin siya. Bakit kasi hindi mo tawagan si Badong? malambing na suhestyon ni Brooke, kung makapagsalita ay parang hindi kami nag-sigawan. Pero sabagay, wala lang sa amin iyon, merong mga pagkakataon na nagsisigawan kami pero pagkatapos ay maayos na kami, siguro lambing lang namin sa isat isa iyon. Kanina ko pa nga tinatawagan pero hindi sinasagot inis na sabi ko. Kung hindi mo sana sila pinabalik sa Golden Fork sana hindi ako nagkaka-problema ng ganito patuloy pa rin ang pagka-inis ko. Kabs, saang Golden Fork ba ang usapan ninyo ni Badong? tanong ni Nathan sa akin. Sa Rigga maikling sagot ko, habang abala pa rin ako sa pagtawag sa number ni Badong. Ano bang pino-problema ninyo, ang lapit lang naman ng Golden Fork at Chilis sa Rigga sagot ni Nathan, para akong napahiya doon. Ito naman kasing si Brooke, kung hindi ako sinigawan sana hindi naalog ang utak ko. Inaalala ko lang ang traffic pambawi ko sana pero binara naman ako ni Brooke. Anong traffic? Wala naman kayang traffic ng ganitong oras sa Dubai, tignan mo nga ilang minuto lang nating binaybay ang Sheikh Zayed Road pambabara ni Brooke. Okay pagsuko ko sa kanilang dalawa. Kabs, i-park mo na lang ang sasakyan sa labas ng Al Ghurair Mall, ako na ang pupunta sa Golden Fork para tignan kung nandoon si Badong. Kagaya nga ng sinabi ni Brooke, narating namin ang Rigga road ilang minuto lang ang naka-lipas at mabilis ring nakapag-park si Nathan dahil wala namang gaanong sasakyan doon. Kabs, tawagan mo ako kapag nakita mo si Badong sa Chilis paalam ko kay Nathan pagbaba namin ng sasakyan. Limang minuto ang layo ng Golden Fork sa parking lot ng Al Ghurair Mall, halos takbuhin ko na ito dahil sa sobrang gutom ko. Aray sigaw ko ng mabunggo na naman ako ng lalaking halos matakpan na ang mukha dahil sa sumbrerong suot niya.

Gusto ko sana siyang habulin kaya lang sayang ang oras, gusto kong magmadaling hanapin si Badong kasi gutom na ako. Halos hindi ako makakain kagabi sa Desert Safari dahil kwentuhan lang kina Elijah ang inatupag namin, its a rare chance to be with them kaya gusto kong sulitin. Nilibot ko ang buong Golden Fork pero wala akong nakitang Badong kaya naman nagmadali akong lumabas para makapunta na sa Chilis. Kabs, nakita nyo ba si Badong? tanong ko kay Nathan, tinawagan ko siya habang naglalakad ako papunta doon. Kabs, oo, bilisan mo nang makita mo ang ginagawa ni Badong kung bakit hindi niya sinasagot ang tawag natin natatawang sagot ni Nathan sa kabilang linya. Habang naglalakad ako ay muling pumasok sa utak ko ang lalaking nabangga ko kanina. Bakit lagi na lang akong nakakabangga ng tao kahit na maingat ako sa paglalakad, kasalanan ko ba ito o sadyang magaslaw lang silang maglakad. Paano kung isang tao lang pala iyon? Posible kasi laging lalaking Pinoy ang nakakabangga ko bulong ko sa utak ko habang naglalakad. Nang marating ko ang Al Ghurair Mall ay nakita ko kaagad sina Nathan at Brooke dahil nasa entrance lang sila malapit sa Chilis. Abala pala sa pakikipagharutan si Badong kaya hindi sinasagot ang tawag ko bulong ko sa likod nina Brooke at Nathan na ikinagulat naman nila. Mula sa pwesto namin ay kitang-kita namin si Badong na nakahiga sa bench sa labas ng mall at nakasapo ang ulo niya sa binti ng kasama niyang matipunong lalaki na naka-upo naman. Kitang-kita ang tawanan ng dalawa habang kinikiliti ng lalaki si Badong gamit ang tangkay ng isang bulaklak na pinapasok niya ito sa ilong at tenga ng bading. Kabs, nakakabigla ka naman gulat na sabi ni Nathan. Tara, lapitan na natin sila pagyaya ko sa dalawa. Huwag mong sirain ang moment nila pag-awat naman ni Brooke. Anong moment ang pinagsasabi mo, gutom na ako masungit na sabi ko sa dalawa. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa pwesto nina Badong. Badong sigaw ko sa kanya pagkalapit ko sa pwesto nila. Oy, Tristan, andyan ka na pala. Si Brooke at Nathan, nasaan sila? mahinhing tanong ng bading habang inaayos ang sarili pagka-upo niya. Ayun sila sabay turo ko sa dalawa, kitang kita ni Badong ang pagtawa ng dalawa. Tara na, mamaya nyo na ituloy yan pagyaya ko kay Badong. ----Si Omar nga pala pakilala ni Badong sa amin pagka-upo namin sa loob ng Chilis. And whats your relation with Omar? natatawang tanong ko kay Badong.

Kaibigan ko nahihiyang sagot ni Badong. So, how and where you met him? muling tanong ko kay Badong, sa pagkakataon iyon ay nakakita ako ng pagkahiya at pagkatakot sa mukha ni Omar. Sasagot na sana si Badong nang dumating ang waiter para kunin ang order namin. Anong sa inyo? tanong ko sa mga kasama ko pagkabasa nila ng menu. Ikaw na lang ang umorder para sa amin sagot naman ni Badong, para siyang nakakita ng multo pagkahawak sa menu. Aminado naman siya na hindi siya familiar sa pagkain na sine-serve nila. Brooke, anong order mo? tanong ko kay Brooke. Country-Fried Steak and iced tea sagot ni Brooke. Kabs, anong sayo? tanong ko kay Nathan. Siempre yung dati sagot niya. Okay, Quesadilla Explosion Salad, Country-Fried Steak, Classic Fajita, Flamed-Grilled Ribeye, at New York Strip. For our dessert, one cheesecake and one Molten Chocolate Cake. Five bottomless iced tea for our drinks. Thats all pagbigkas ko ng order sa waiter. Inulit ng waiter ang order namin at pagkatapos kong ma-confirm ay umalis na ito. Alam nyo, gusto ko talaga kapag kabayan natin ang nag-aassist sa atin dito, kasi kumpara sa ibang lahi ay magalang sila. Kahit madalas naiinis ang mga Pinoy dahil sa gaspang ng ugali ng ibang lahi nilang customer ay maayos pa rin nilang pinag-sisilbihan. Hindi katulad kapag ibang lahi, minsan kasi late na kaming kumain ni kabs at ibang lahi ang kumuha ng order namin. Abat ang bastos niya kasi sinabi na namin dine-in kami tapos tinanong kung gusto na daw ba naming i-take out ang order namin mahabang kwento ko sa kanila. Kaya ikaw Omar, ayusin mo ang pakikitungo mo sa ibang mga lahi paalala ni Brooke sa kanya. Siya nga pala, paano at saan mo nakilala itong si Omar, kwento ka naman dyan biro ni Brooke kay Badong. Huwag kayong maingay ha, takas si Omar walang pakundangang pagbubunyag ni Badong sa katayuan ng kasama sa amin na mas lalong ikinahiya ni Omar. Ganito kasi iyon naglakas-loob na nagsalita si Omar. Bago pa lang ako dito, tatlong buwan pa lang. Receptionist ako sa isang hotel pagpapatuloy ni Omar, pero nahihiya pa siya. Inabuso siya ng amo niyang Arabo si Badong na ang nagpatuloy ng kwento. Alam nyo naman dito, gusto ng mga ganyang lahi ang makinis na mukha, tapos maganda pa ang pangangatawan ni Omar kaya super ang pagka-like sa kanya ng boss niya. Malas lang ni Omar kasi mas malaki ang katawan ng lokal na iyon kaya wala siyang magawa noong isinakatuparan ng boss niya ang maitim niyang balak kwento ni Badong sabay turo kay Omar, at tumango naman ito.

Ikaw talaga, panira ka. Tignan mo nahihiya na nga si Omar pero kung mag-kwento ka parang nadapa lang siya pagpigil ko kay Badong, kitang kita ko kasi namumula na ang pisngi ni Omar dahil sa kahihiyan. Ayos lang iyon, alam ko naman na posibleng mangyari iyon dito at ako pa ang maswerteng natiempuhan nahihiya pa ring sabi ni Omar. Siyanga pala Badong ano paki-usap mo sa amin ni Nathan? tanong ko kay Badong habang sineserve naman ang Salad Explosion at iced tea na order namin. Ayun pala, kung pwede sana sa inyo muna tumuloy si Omar. Dumating na kasi ang kasama ko sa kwarto, galing sa bakasyon kaya walang matuluyan si Omar ngayon, hindi naman kami pwedeng magtabi sa kama kasi hindi payag ang landlady namin, alam nyo na, kung sakaling may mag-raid makasuhan siya ng overcrowding paliwanag ni Badong. Alam ko may bakante pang bedspace sa amin, sandali itanong ko muna kay kuya para sigurado sabi ko kay Badong sabay kuha ng phone ko at tinawagan ko ang namamahala sa flat namin. Habang may kausap ako sa phone, hindi ko napansin na mga pangyayaring nagaganap sa mesa namin, habang abala sa pagkain ng salad sina Badong at Brooke, si Omar ay abala naman sa pag-sulyap kay Nathan, at si Nathan naman .. ----Elias: ILY Damian: Siguro may nagawa ka na namang kasalanan kaya naglalambing ka Elias: Konti lang Damian: Sige, kunwari hindi ko alam na nakita mo na naman sila Elias: Si Tristan lang, nabunggo ko na naman siya kanina pero hindi niya ako nakita kasi nagmamadali siya Damian: Sa susunod sana naman maganda naman ang ibalita mo sa akin Elias: May surprise ako sayo, magchat naman tayo bukas, c2c, miss na kita. Damian: Ewan ko sayo, pina-init mo na naman ang ulo ko. Elias: Please, babawi ako Damian: signed out

Chapter Six Mall of Emirates Nathan, kailangan mong iwasan ang mga tingin ni Omar paulit-ulit na bulong ko sa utak ko habang abala si Tristan sa pakikipag-usap sa landlord namin sa flat.

Miyerkules ng gabi, tatlong araw ang nakalipas mula ng makasama si Badong. Pumayag ang landlord namin na tumira sa Omar sa flat namin kahit na takas siya. Legal pa naman ang papel niya, naasikaso ang kanyang residence visa at labour contract bago niya iniwan ang trabaho niya. Karamihan sa mga takas o runaway dito sa UAE ay mga babae, mga domestic helper na tumatakas sa pagmamalupit ng amo nila. Sila ang mga kababayan nating umalis o tumakas sa puder ng kanilang mga amo kahit hindi pa tapos ang kanilang kontrata, dahil sa ibat ibang dahilan at ang karaniwan dito ay inaabuso sila. Nakasakay ako ng Metro Train, galing ako sa trabaho at papuntang Mall of Emirates, magkikita kami ni Tristan para ibili ng damit si Omar.

Hindi ko lang matagalan ang trato sa akin ng boss ko, ayos na sana yung mura-murahin ako at ipahiya sa harap ng mga kasama ko, pero iyong babuyin niya ang pagkatao ko, hindi ko kaya iyon panimula ni Omar noong Lunes ng gabi habang magkwentuhan kaming tatlo nina Tristan. Bakit tumagal pa ang tatlong buwan? Wala ka bang nasasabihan sa mga kasama mo sa trabaho o kaya hindi ka ba nag-file ng complain sa Ministry of Labour? tanong ni Tristan sa kanya. Halos ikulong ako ng boss ko sa hotel. Stay-in ako at hindi ako pinapalabas ng hotel, pinapabantayan niya ako sa mga security guard. Kahit sa reception ay hindi ako maka-hingi ng tulong kasi ang higpit ng pagbabantay ng mga kasama ko sa akin, bawat galaw ko tinitignan nila. Ibang lahi ang kasama ko sa trabaho at alam kong inutusan sila ng boss ko na gawin iyon sa akin pagpapatuloy ni Omar. Ang higpit naman niya malungkot kong tugon, sabay tingin ni Omar sa akin. Kahit na wala sila doon wala pa rin akong kawala, ilang CCTV camera ang nakatutok sa akin, ang bawat tawag ko sa phone ay pinapakinggan nila, wala ring access na internet ang gamit kong computer. Pagkatapos ng duty ko ay ihahatid ako ng isang guard sa kwarto ko, isasarado niya iyon. Bubuksan lang nila ang pinto kapag hahatiran ako ng pagkain, kapag oras ng duty ko, at kapag gusto akong makita ng boss ko tila ba nandidiri si Omar habang inaalala ang nangyari sa kanya sa trabaho niya. Paano ka nakalabas? tanong ni Tristan. May grandeng party na dinaos sa hotel, sa pagkaka-alam ko host ang boss ko at karamihan sa mga dadalo ay mga lokal na kaibigan niya. Alam kong may masama siyang balak sa akin noong gabing iyon kaya naman bago pa niya ako ipakilala sa mga kaibigan niya ay naglakas loob na akong gumawa ng paraan para maka-alis pagpapatuloy ni Omar. Anong ginawa mo? tanong ko sa kanya at muli ay tinapunan niya ako ng isang malungkot na tingin. Nagpa-alam ako sa bantay ko, sabi ko kailangan kong magbihis kasi pinapapunta na ako ng boss namin sa party. Isa lang ang bantay ko noon kasi karamihan sa kanila ay nasa party din, sila ang naging waiter

dahil na rin sa kagustuhan ng boss namin. Nagpunta akong banyo, pagpasok ko ay gusto akong sundan ng bantay ko pero sabi ko wala naman akong kawala doon kasi nasa fifth floor kami kaya naman sa labas na lang siya naghintay kwento ni Omar. Tahimik. Parang sinandya niyang mabitin kami ni Tristan o gusto lang niya ulit akong makita. Sa totoo lang gusto ko nang tumalon sa bintana, bahala na kung maaksidente ako. Pero sinuwerte ako dahil meron palang kabayan na nasa loob din ng banyo, pakilala niya sa akin guest siya doon. Sa isang minuto na-kwento ko sa kanya ang nangyari sa akin sa hotel at naawa naman siya sa akin kaya nag-alok ng tulong muling pagputol ng kwento ni Omar. Tahimik ulit. Lumabas ako ng banyo, suot-suot ang damit ni kabayan, buti na lang at pareho kami ng sukat ng damit kaya hindi kami nahirapang magpalit. Nakayuko kong nilisan ang banyo at tinungo ang lift, buti na lang mabilis ang mga lift sa hotel kaya naman kaagad akong nakasakay. Dumiretso ako sa lobby, alam kong marami pang parating na guest kaya hindi ako mapapansin ng mga bantay na nasa labas. Ramdam ko ang pagkabog dibdib ko sa bawat paghakbang ko palabas ng hotel. Parang slow motion sa pelikula ang tagpong iyon, iyon na yata ang pinakamatagal na limang minuto ng buhay ko. Paglabas ko ng hotel ay saktong pumarada ang isang taxi kaya naman dali-dali akong sumakay pagtatapos ni Omar sa kwento.

Nakalabas na ako ng Metro kaya naman tinawagan ko si Tristan. Kabs, nasaan ka? tanong ko kay Tristan pagkasagot niya ng tawag ko. Kabs, nasa foodcourt kami, yung sa baba sagot naman niya. Binaba ko na ang phone, alam ko naman ang papunta doon. Pero bakit kami, sino ang kasama niya. Kahit na naki-usap si Badong sa amin na pambili ng damit si Omar, sinigurado niya na hindi siya makakasama kasi marami siyang order na bulaklak. Si Brooke naman alam ko may date siya sa bagong French guy na nakilala niya kahapon. Tinahak ko ang papunta sa food court at pagdating doon ay nakita ko kaagad si Tristan, madali lang siyang hanapin kasi doon kami laging umuupo. Nathan bati ni Omar sa akin, at nakipagkamay pa. Nagtaka ako sa ginawa niya kasi parang bago pa lang kaming magkakilala pero mas nagtaka ako nang pisilin niya ang kamay ko. Bago pa mapansin ni Tristan iyon ay inalis ko na ang kamay ko, noong una ay ayaw niyang bitawan pero dahil sa pagpupumilit ko ay nai-alis ko ang pagkakahawak ng kamay namin. Kabs, bakit ang tagal mo? Konti na lang ay mawawala ang ang init ng inorder kong pizza salubong ni Tristan sa akin. Marami kasing tao sa metro station, alam mo na, rush hour sagot ko sa kanya.

Pasensya na, hindi na kita nasundo. Nagpunta kasi ako ng site kanina, malapit lang sa bahay kaya naisipan kong isama na si Omar. Mata-traffic tayo kung susunduin pa kita kasi out-of- way ang office mo kaya sinabi ko sayo sumakay ka na lang ng metro malungkot na sabi ni Tristan. Kabs, wala iyon maikling tugon ko. Kain na tayo pagyaya ni Tristan sa amin. Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na kaming ipamili ng damit si Omar. Nakakahiya, ang dami naman nito ang tanging maririnig sa bibig ni Omar sa bawat shop na pinupuntahan namin. Wala ito, swerte mo nga at natiempuhan mong naka-sale sabi ni Tristan. Makaka-bayad din ako sa inyo masuyong tugon ni Omar. Hindi mo naman kailangang magbayad pa, si Badong ang naki-usap sa amin kaya siya ang kailangang magbayad biro ni Tristan. Pero kidding aside, wala ito, isipin mong tulong na lang namin sayo ito. Isa pa, kung hindi ka namin ibibili ng damit wala kang maisusuot, naiwan mo ang lahat ng gamit at pera mo sa hotel dagdag ni Tristan. Nahirapan din kami ni Tristan noong bago pa lang kami dito, maswerte lang kami dahil ang damin ng tumulong sa amin. Alam kong hindi namin maibabalik ang pabor sa kanila kaya ang pagtulong sa ibang tao ang nakikita naming paraan para makaganti kami paliwanag ko kay Omar. ----Huwebes ng gabi, inuman na naman. Maraming nag-aakala na bawal ang alak dito sa Dubai, pero sadyang maparaan ang mga Pinoy. Bawal kung bawal ang alak, pwede lang uminom sa mga bar at pwede ring bumili sa mga iilang shops na nagtitinda ng alak, basta merong permit galing sa munisipyo. Pwede ring bumili ng alak ng patago, basta may alam kang contact, isang tawag lang pwede ng simulan ang inuman. Kaming dalawa ni Tristan ang bahala sa pulutan, kaya naman paglabas namin ng trabaho ay diretso na kami sa supermarket para bumili ng lulutuin at ng stock namin para sa isang linggo. Pagdating sa flat ay wala na munang lambingan kasi kailangang makaluto kami kaagad ni Tristan ng pulutan para kaagad masimulan ang inuman. Ang mga kasama namin sa flat ang bahala sa alak. Swerte kami sa kanila kasi hindi katulad ng ibang mga lalaki ay asiwa sa mga katulad namin ni Tristan, pero sila madalas ay tuksuhin pa kami kapag nagkakasama. Parang wala lang sa kanila ang relasyon namin ni Tristan, yung tipong normal na babae at lalake na magkarelasyon ang tingin sa amin. Kahit pagod kami ni Tristan sa paghahanda ng pulutan ay nawawala iyon sa tuwing pinupuri ng mga kasama namin ang aming niluluto. Madalas ay binibiro nila kami na mas masarap pa daw kaming magluto kaysa sa mga kasamahan naming mga babae. Kapag may handaan kami din ang pinapakiusapan nilang magluto.

Si Omar naman ay nahihiya pang sumama noong una kasi wala daw siyang maiambag sa amin, pero konting pilit lang ng ibang kasama namin ay sumali rin siya. Dahil bago pa lang siya sa flat ay nahihiya pa siyang magkwento kaya naman alak ang inatupag niya noong una. Lumipas ang oras, isa-isang nag-sitayuan ang mga kasama namin, tanda na natatamaan na sila ng espiritu ng alak. Nakakatuwa nga kasi mas nauna pang tumayo ang mga lalaki naming kasama, ang mga babae parang ayaw talaga nilang magpatalo. Omar, magsalita ka naman, gusto kong marinig ang sexy mong boses pang-aakit ng isang babaeng kaflatmate namin. Naku, wala naman akong dapat i-kwento ang madalas na isagot ni Omar kapag pinipilit siyang magsalita. Sa palagay ko sanay uminom ito kasi naka-ilang lata na siya ng alak pero walang epekto ito sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na rin ang iba pa naming kasama. Kaming tatlo na lang ang natira. Gusto nyo pa ba ng tokwat baboy? tanong ni Tristan sa amin. Kabs, ako na ang kukuha, mukhang nahihilo ka na pagpigil ko kay Tristan. Kabs, kaya ko pa pagpupumilit niya sabay tayo para kumuha ng pulutan sa kusina. Naiwan kaming dalawa ni Omar sa sala. Habang nakatutok ako sa pinapanood naming pelikula ay kita ko ang pag-ngisi ni Omar. Bakit ba hindi mo ako pinapansin? Bakit ang sungit mo sa akin? sunod-sunod na tanong ni Omar sa akin, tila ba nag-iinterogate siya. Pero hinayaan ko lang siyang magtanong, hindi ako sumasagot. Alam kong hihinto rin siya kasi ramdam kong parating na si Tristan. At hindi nga ako nagkamali, maya-maya lang ay bumalik si Tristan dala ang isang plato ng pulutan. Omar, paano ka ba napunta dito? tanong ni Tristan sa kanya pagkaupo sa tabi ko. Napilitan lang ako maikling sagot niya. Dahil kailangan mo ring tulungan ang mga magulang mo, classic sarkastikong tugon ni Tristan. Hindi. Sawa na kasi ako sa buhay ko sa Pinas dugtong naman ni Omar sabay inom ng alak. Sawa, what do you mean? tanong ni Tristan. Kahit hindi ako magtrabaho pwede naman, hindi naman sa pagmamayabang pero maykaya ang pamilya ko. Pumunta ako dito para ma-iba naman ang buhay ko mayabang na usal ni Omar. Wish granted, talaga ngang nag-iba ang buhay mo dito pagbara ko kay Omar.

Sawa na ako sa pagpupumilit ng magulang kong magtrabaho sa kumpanya namin, sawa na ako sa paghahabol ng mga ex-girlfriends ko, sawa na akong laging nagpapalibre ang mga kabarkada ko pabitin na kwento ni Omar. Wow, that make you different, seriously. Sino pa ba sa mga OFW dito ang merong ganyang dahilan kaya sila nandito ngayon. As Ive said, classic reason thats why theyre kasi gusto nilang makahanap ng magandang trabaho dito para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya nila sa Pinas litanya ni Tristan. Dito kasi madaling makapasok kaya dito ako nagpunta. Kung sa Singapore ako pumunta madali lang akong masusundan doon at parang hindi ako lumayo sa Pilipinas. Dito kahit paano ramdam ko ang paglayo ko, yun nga lang minalas malungkot na sabi ni Omar. Umabot pa kami ng isang oras na nagku-kwentuhan at nag-iinuman, ala una ng madaling araw ng magpasya kaming huminto. Kabs, mukhang tinamaan ka, ako na ang magliligpit dito sabi ko kay Tristan at inalalayan ko siyang pumasok sa kwarto namin. Hindi na rin niya nakuhang makapaghilamos o magtoothbrush man lang dahil sa sobrang kalasingan. Paglabas ko ng kwarto ay nakita kong nasa sala pa rin si Omar, inuubos ang huling bote ng dalawang case ng beer. Paglapit ko ay hindi na ako humingi ng permiso sa kanya, niligpit ko na ang mga plato at dinala sa kusina. Muli akong bumalik sa sala para ligpitin rin ang mga bote at iba pang kalat, pagkapos ay dumiretso ako sa kusina para hugasan ang mga plato. Kapag hindi ka bumigay sa akin ay ibubunyag ko ang sikreto mo. Kawawa naman si Tristan sayo, ang tagal mo na pala siyang niloloko pananakot at pagbabanta ni Omar sa akin, bumulong siya mula sa likod ko habang naghuhugas ako ng plato. Naka-tungkod ang baba niya sa kaliwang balikat ko kaya ramdam ko ang mainit at amoy na alak niyang hininga. Kung ako sayo hindi na ako mag-aaksaya ng oras na sabihin kay Tristan ang nalalaman mo dahil hindi siya maniniwala sayo. At bago mo ako takutin, sana sinigurado mong wala rin akong alam tungkol sayo matapang na bulong ko sa kanya, pagkatapos ay humarap ako at buong lakas kong sinuntok sa sikmura. ----Elias: IMY, Biyernes bukas mag-chat naman tayo, please Damian: Ok. Elias: Payag ka? Damian: Oo, huwag makulit at baka magbago pa ang isip ko. Elias: Ok, salamat, text mo ako bukas kapag OL ka na. Damian: Ok.

Chapter Seven Mamzar Park Kabs, gising na malambing na sabi ni Nathan sa akin. Anong oras na ba? tanong ko sa kanya habang pinupunasan pa ang mga mata ko. 9:00 AM na, may lakad tayo ngayon sagot ni Nathan. Saan? maikling tanong ko sa kanya. Ngayon daw yung photoshoot natin, kasama yung American photographer na nakilala ni Brooke noong nag-Desert Safari tayo paliwanag ni Nathan. Akala ko bukas pa iyon? muling tanong ko kay Nathan. May emergency daw kasi yung kano bukas kaya yung sked natin iyong in-adjust. Hayaan mo na, libre naman ang photoshoot natin kaya ok lang sagot niya sa akin. Paano yan, may hang-over pa ako? sabi ko sabay sabunot sa buhok ko. Mawawala rin iyan, pinagluto na kita ng almusal at soup. Pwede pa tayong magpahinga kasi mamayang 3:00 PM pa naman ang photoshoot paliwanag ni Nathan sa akin. Naku, siguradong mawawala ang sakit ng ulo ko niyan, soup pa lang bawi na ako paglalambing ko kay Nathan. Nambola ka pa, higupin mo na ang sabaw bago pa lumamig utos ni Nathan sa akin. Alam talaga ni Nathan kung paano ako alagaan kapag may hang-over ako. Ako kasi madalas ang nakakarami ng inom kaya nasanay na siya. Sa tuwing umiinom kami hindi pwedeng pareho kaming malasing, ang isa sa amin ay aalalayan ang nalasing. I really like when hes taking care of me, everytime Im sick hes giving me sponge bath. Kahit noong nasa Pinas pa kami, kapag nalaman niyang may sakit ako ay pupunta sa amin at babantayan niya ako magdamag. Madalas nga ang nanay ko pa ang nahihiya sa kanya. Habang nagpapahinga ako ay inaayos ni Nathan ang mga susuotin namin sa photoshoot, from formal to casual wear hanggang sa beach wear. I watched him taking three sets per attire, as instructed by Brooke. Biro nga namin sa kanya na dalhin ang buong closet namin kasi baka hindi bagay ang madala naming mga damit, ganoon kami ka-excited ni Nathan sa first photoshoot namin. Ito ang regalo namin ni Brooke sa nalalapit naming anniversary ni Nathan. Wala na daw siyang alam na mai-regalo sa amin kaya naman nagkaroon siya ng idea ng makilala ang photographer na kano last week, ang problema nga lang kailangan madaliin kahit na sa isang linggo pa ang anniversary namin kasi hindi siya nakakasigurado kung ilang araw o linggo silang magka-relasyon ng lalaking iyon. Mabilis nag-ayos ng gamit si Nathan at bilib ako sa kanya kasi napagkasya niya ang lahat ng isusuot namin sa isang sports bag, expect from the formal wear, of course. He also know which among from our

pair of shoes and sneakers are my favorite. Ang laki ng swerte ko sa kanya kasi napapadali ang buhay ko at mas confident akong isuot ang damit kung siya ang pipili. Nasaan ka na? tanong ko kay Brooke bago kami umalis ng flat. On the way na kami sa Mamzar Park sagot niya sa akin sa kabilang linya. Mamzar Park? Akala ko sa Jumeirah tayo? sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Nagbago kasi ng isip ang kasama ko, marami daw tao sa Jumeirah, at least sa Mamzar hindi lang beach ang background natin sagot ni Brooke. Ikaw talaga, kung hindi kami tatawag sayo hindi namin malalaman na mag-iiba ng venue pagtatampo ko kay Brooke. Im about to call you naman, naunahan mo lang ako sagot ni Brooke sa kabilang linya. As if naman may magagawa pa ako. Ok, see you then paalam ko at sabay baba ng phone. Ilang minuto pa lang ay nakarating na kami sa Mamzar Park, its a good thing I called Brooke before jumping on the car, kung hindi baka kami pa ang masisi kung ma-delay ang photoshoot dahil late kami, ang layo din kaya ng Jumeirah sa Mamzar Park. Tristan, Nathan, this is Drake, my boyfriend masayang pakilala ni Brooke sa amin sa lalaking kasama niya. Nice meeting you guys. You know what, indivudually you look good and you look better together. Im sure Ill capture awesome photos papuri ng Amerikano sa amin. Thank you sabay naming sagot ni Nathan. Habang hinahanda ni Drake ang camera niya ay nagbihis na kami ni Nathan.

Click. Unang kuha ni Drake sa amin. Full body shot na suot ang casual wear namin ni Nathan, naka-pwesto kami ng talikuran at nakapagitan sa amin ang puno ng niyog. Susunod na kuha ay close-up, pareho kaming nakatingin ni Nathan sa lens na camera kaya litaw na litaw ang facial expression namin dagdagan pa ng nakakasilaw na sinag na araw sa likod namin. Click. Im wearing blue polo shirt and Nathans wearing red pholo shirt also, kinunan kami ni Drake habang kunwaring nagku-kwentuhan kami ni Nathan habang naka-upo kami sa bench sa park. Kinuhanan din kami habang naka-upo ako at si Nathan naman ay nakahiga sa upuan, nakapatong ang ulo niya sa binti ko, stolen shot din. Click. Wearing same outfit, susunod na kuha sa amin ay naghahabulan kami ni Nathan sa damuhan. Susunod na kuha ay pareho kaming naka-upo sa damuhan.

Click. Pinalitan namin ng polo ang suot namin, parehong plain ang kulay, yellow ang sa akin at pink naman kay Nathan. Susunod na location namin ay ang pambatang park. Sunod-sunod ang kuhang shots sa amin habang nakasakay kami sa ibat ibang rides na makikita sa childrens park. Nag-enjoy kami dito kasi parang bumalik ang pagkabata namin ni Nathan. Naiingit si Brooke kaya nagpapa-kuha din siya ng pictures. Click. Change outfit ulit, shorts lang ang suot namin ni Nathan this time. Kinuhanan kami ng picture habang naglalakad at naghahabulan sa dalampasigan. Kinuhanan din kami ng tis-isang half body shots kaya naman litaw ang magandang hubog ng katawan namin ni Nathan. Click. Close-up shot, magkaharapan kami ni Nathan, Drake instructed us to look at each other, its as if were talking but instead using out mouth, we need to use our eyes. Kita rin sa gitna namin ang papalubog na araw. Click. From orange shorts, nagpalit kami ng puting shorts ni Nathan. Nakatayo lang kami sa dalampasigan, lumayo sa amin si Drake para magmukha kaming maliit sa picture. Next shot ay lumapit sa amin at pinatalikod niya kami habang tinitignan ang tuluyang paglubog ng araw. Click. Change outfit ulit. Formal wear naman, noong una nakaka-asiwa kasi nasa beach kami tapos formal ang suot namin, pero for the sake of the photoshoot ay tinuloy namin. First formal shot, kinuhanan ni Drake sa isang cottage. Click. Pumunta kami sa gitnang baba ng amphitheater, pareho lang kaming nakatayo ng Nathan sa gitna pero nakakuha pa rin ng magandang shots si Drake. Susunod na kuha ay sa mga upuan naman. Click. Last shot sa main gate ng resort, kinuhanan kami habang naglalakad palabas at habang papasok kami sa kotse. Humirit pa ng shots si Brooke sa garden, bagay naman niyang katabi ang mga nagtitingkarang kulay ng mga bulaklak. Click. Unang picture namin ni Nathan noong elementary kami. Nakakatawang tignan kasi magka-holding hands pa kami, siempre walang malisya iyon kasi bata pa kami. Nakatawa si Nathan, nakasimangot ako. Click. Elementary graduation namin ni Nathan, sa pagkakataong ito pareho na kaming naka-smile dahil sa dami ng medalyang nakuhan namin, pero makikita sa mga mata namin ang kalungkutan dahil sa nagbabadyang paghihiwalay namin. Gusto kasi ng magulang ni Nathan na pag-aralin siya sa kabilang bayan.

Click. Nasa resort kami ni Nathan kasama ang iba naming mga kaklase, farewell party namin noong elementary. Kinuhanan kami ng picture habang naka-akbay ako kay Nathan. Click. Nakuha ni Nathan ang gulat na expression ko noong enrollment namin sa high school. Pareho kaming masaya noon kasi pinayagan siya ng mga magulang niya na pumasok na rin siya eskwelahang pinapasukan ko. Click. Mga masasayang kuha namin ni Nathan sa tuwing nananalo kami sa table-tennis doubles. Pero nahinto ang paglalaro namin noong college kasi naubos ang oras sa pag-aaral. Click. Iba-ibang pictures namin ni Nathan noong high school, kahit ordinayong araw lang ay nagdadala siya ng camera kaya naman ang dami naming pictures na magkasama noon. Pati rin sa overnight at ibang lakad namin kasama ang ibang mga kaklase namin ay kinukuhanan din ng picture ni Nathan, at siempre hindi pwedeng maubos ang isang film kung wala kaming picture na magkasama ni Nathan. Click. Habang kumakain ako ng fish ball, habang nagsusulat ako, habang nagre-review, habang nagre-recite ng Panatang Makabayan sa flag ceremony, habang papasok ako ng gate, habang naka-tambay sa corridor, habang nagsusuklay at may hawak na maliit na salamin sa kamay ko, naglalagay ako ng decoration sa stage, at kung ano-ano pang stolen shots ni Nathan sa akin. Click. JS Prom. Imbes na babae ang kasama namin Nathan ay kaming dalawa pa rin ang magka-usap sa buong magdamag. Na-uudlot lang iyon kapag hinihila kami ng mga kaklase naming mga babae upang yayain kaming magsayaw. Biniro rin kami na magsayaw kami at pumayag naman si Nathan at kinuhanan kami ng picture. Click. Kuha sa stage tuwing recognition day, suot namin ni Nathan ang mga medalya namin dahil pareho kaming nasa top five ng klase namin. Consistent ang pagiging top namin hanggang fourth year, hindi man namin nakuha ang pinakamataas na posisyon, masaya kami kasi top three at four kami, at kami rin ang nanguna ni Nathan sa ECA sa buong batch namin. Last shot namin noong high school, palabas kami ng gate ni Nathan bitbit ang mga medals na nakuha namin at hawak din ang diploma namin. Click. Farewell party noong high school sa isang beach sa Olongapo, kinuhanan kami ng picture ni Nathan pagkatapos nila kaming piliting mag-yosi. Tuwang-tuwa ang mga kaklase namin dahil bagay daw namin ang mag-yosi kahit iyon ang unang beses na naka-hithit kami ng sigarilyo. Click. Salitang kuha namin ni Nathan pagkatapos naming mag-enroll ni Nathan noong college hawak ang registration card namin. BS Engineering ang kinuha ko at BS Business Administration naman si Nathan. Parehong university ang pinasukan namin pero magka-iba naman kami ng course, ito ang unang pagkakataon na hindi kami magka-klase ni Nathan.

Click. Kinuhanan ni Nathan ang lahat ng class cards naming pagkatapos ng unang semester namin noong college. Pagkatapos ay nag-celebrate kami sa isang fastfood dahil satisfied kami sa grades namin, 2.0 ang pinakamababang nakuha namin. Click. Pictures namin sa tuwing nag-oovernight kami tuwing sembreak. Kapag may klase kasi ay madalang lang kaming magkasamang matulog ni Nathan dahil sa dami ng ginagawa. Kaya kapag sem-break halos isang linggo kaming magkasama, VCD marathon at book reading. Click. Ibat ibang kuha namin ni Nathan kasama ang mga kaklase niya at mga kaklase ko. Sinasama namin ang isat isa kapag may lakad kami kasama ang mga kaklase namin. Doon nagsimula ang panunukso nila na kami daw ni Nathan dahil kahit hindi kami magkaklase ay halos hindi kami mapaghiwalay, pero todo tanggi kami kasi mag-kaibigan ang turingan naming dalawa. Click. College graduation namin, nauna ng isang taon si Nathan, five years ang course ko. Siya naman naging official photographer ko a year later, nag-absent siya sa trabaho para makapag-celebrate din kami. Click. Kuha noong first anniversary namin, nag-dinner kami sa isang sikat na restaurant. Pagkatapos ng ilang taong pagka-kaibigan, na-realize namin na mahal namin ang isat isa. Walang ligawang nangyari, sabay kaming nagtapat ng pag-ibig noong gabing nalasing kami apat na araw pagkatapos naming magcelebrate ng Valentines Day. Dahil pareho kaming walang naging girlfriend, nasanay na kaming dalawa ang magkasama sa araw ng mga puso. Click. Unang kuha sa unang digicam ni Nathan, regalo ko sa kanya noong second anniversary namin. Niyaya ko siyang mag-out-of-town at ibinigay ko iyon habang nasa bus kami, dahil sa excitement niya ay kinuhanan niya kami ng picture habang abala sa pagtulog ang ibang mga pasahero. Click. Ibat ibang kuha tuwing nagse-celebrate kami ng birthday ni Nathan. Hindi namin pinapalagpas ang kaarawan ng bawat isa, kung hindi ito tumapat ng weekend ay siguradong mag-aabsent kami sa trabaho para mag-out of town o kung hindi kakayanin ay magdi-dinner kami. Click. Si Omar kasama ang ibat ibang lalake at babae sa iba-ibang lugar, halatang chickboy siya sa mga kuha niya. Madalas naka-halik sa kanya ang kasama niya sa picture. Click. Si Brooke kasama ang ibat ibang Amerikano at European ex-boyfiends niya dito sa Dubai na hindi nagtatagal ng isang buwan, kung minsan nga sabay-sabay pa. Click. Si Damian at Elias, kuha sa airport bago umalis si Elias papuntang Dubai.

Chapter Eight Dreamland Resort Tristan sigaw ko ng makita ko siya sa gitna ng disyerto. Ang lakas ng pagtawag ko sa kanya pero hindi niya ako narinig, kahit ang mga katabi ko alam kong hindi ako narinig dahil hindi man nila ako tinignan pag-sigaw ko o binawalan man sana. Ilang beses ko nang nakikita ang sarili ko sa gitna ng pilang ito pero hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit ako nandito o kung ano ang ginagawa ko dito. Sa maraming oras na pagtayo ko dito ay hindi rin ako nakakaramdam ng pagka-inip, sa katunayan ay natutuwa pa akong pagmasdan ang iba-ibang mukha ng mga nakakatabi ko sa pila. Mainit sa gitna ng disyerto, damang-dama ko ang pagdampi ng sinag ng araw sa aking balat pero hindi ako nakakaramdam ng hapdi, wala itong epekto kahit na ilang oras akong nakabilad. Hindi ko man alam ang eksaktong posisyon ko sa pila, ramdam ko malapit na ako sa unahan, malapit ko ng marating ang pinaka-aasam na dulo ng linya. Sa wakas malalaman ko na kung ano ang pinipilahan namin at kung ano dahilan ng pagpila ko. Lagi ko na ring nakikita si Tristan, tumatakbo, naglalakad, nagpapadulas sa buhangin, kung minsan ay bigla na lang siyang lilitaw at lulubog sa buhangin. Kung si Tristan ang dahilan ng pagpila ko, bakit? Bakit hindi na lang niya sabihin sa akin ang dahilan ng pagpila ko dito. May surprise gift ba siya sa akin? Hindi na kami sanay sa surprise, wala na sa amin iyon, sa ilang taon naming magkasama ay naubusan na kami ng idea kung paano i-surprise ang isat isa, pero interesting, kung talagang surprise niya ito, ako kaya iyon? Iba-iba ring ang ekspresyon na nakikita ko sa mga katabi ko, merong natutuwa, nag-aalala, nagagalit, nalulungkot, lahat na yata ng ekspresyon na pwedeng ipakita ng mukha ng tao nakita ko na sa kanila. Pero ako, ano kaya ang nakikitang ekspresyon nila sa mukha ko? Nakikita rin ba nila ang pagkasabik sa mga mata ko.

***** Brooke, ang aga mo? tanong ko sa kanya pagpukas ko ng pintuan ng flat namin. Wala lang, trip ko lang magkipag-breakfast masayang sagot niya at siya na ang nagkusang-loob na pumasok sa sala at nagsindi ng TV. Ang tagal na nating magka-trabaho pero parang ngayon mo palang ginawa ito nagtatakang sabi ko kay Brooke. Ang kulit, trip nga lang. Ano bang breakfast? tanong ni Brooke at kung umasta siya parang utusan niya ako. Sandali lang po mam, maghihilamos lang ako at gigisinging ko na rin si Nathan para matulungan akong maghanda ng makakain ninyo panggatong ko kay Brooke.

----By the way, nakita ko na ang mga raw shots ng photoshoot ninyo kahapon, ang ganda ng mga kuha masayang pagbabalita ni Brooke pagkatapos niyang ubusin ang tatlong hotcake. Bakit hindi pa pinapadala ni Drake ang mga pictures sa amin? excited na tanong ni Nathan. Siempre ie-edit pa lang niya. At di ba may lakad siya ngayon, malamang sa Martes pa niya mabibigay sa inyo sagot ni Brooke habang hinihipan ang kanyang kape. Kung maganda ang mga kuha bakit kailangan pa niyang i-edit? pambabara ko kay Brooke. Eto naman, siempre para mas lalong gumanda ang mga pictures sarkastikong sagot ni Brooke. Sabihin mo kay Drake na ipadala kaagad sa amin ang mga pictures kapag tapos na paki-usap ni Nathan. Sure. Ano palang balak nyo ngayon? tanong ni Brooke sa amin. Wala pa nga, TV series marathon siguro. Ang tagal na naming hindi nakakapanood inaantok ko pa ring sagot kay Brooke. Swimming naman tayo biglang sabi ni Brooke. Ano? gulat naming tanong ni Nathan sa kanya. Sige na, gusto kong magbabad sa araw ngayon, masyado na akong maputi, kailangan magpa-tan ako para mas mapansin pa ang mga puti masayang sabi ni Brooke. Galing pa lang tayo sa Mamzar kahapon sabi naman ni Nathan. Hello, photoshoot po ang ginawa natin doon. Ang tagal natin doon hindi ko man lang nabasa ang paa ko sa dagat kasi abala ako sa pag-assist kay Drake malungkot naman sabi ni Brooke ngayon, tila nagpapaka-awa sa amin para pagbigyan ang gusto niya. Sige na nga, pero huwag sa Mamzar pagpayag ko sa kagustuhan ni Brooke. Palm Jebel Ali? tanong ni Brooke. Ayoko doon, noong nagpunta tayo doon parang nag-merienda ako ng lumot reklamo ko. Oo nga, akala ko pa naman doon sa katabing resort tayo pupunta, sa open beach pala tayo maliligo. Punong-puno ng lumot dahil na-stuck ang tubig doon dahil sa ginagawa nila ang Palm dugtong pa ni Nathan. Sa Ajman? muling tanong ni Brooke. Maawa ka nga sa sarili mo? Alam mo naman maraming Indian at Pakistani doon, kapag doon tayo naligo siguradong pagtitinginan ka ng mga iyon muling pagtutol ko.

Dreamland Resort? huling tanong ni Brooke. Pwede pagsang-ayon ko. Hindi ba tayo mata-traffic? Ilang oras din ang biyahe doon at siguradong matatagalan tayo kasi kukuha pa ng gamit si Brooke pagtutol naman ni Nathan. Ready ako, hmpt. May dala na akong damit pagmamayabang ni Brooke sabay turo sa bag na dala niya na iniwan sa sofa sa sala, dahil siguro kagigising ko lang kaninang pagsalubong ko sa kanya ay hindi ko napansin ang dala niya. Sino naman ang date mo ngayon? tanong ni Nathan kay Brooke. Si Omar masayang sabi nito sabay lapit kay Omar na kakagising pa lang, pupungas-pungas pa ang mga mata papunta sa direksyon namin. Himala, wala kang nakareserbang puti ngayon? biro ko kay Brooke. Wala, si Drake lang ngayon. Besides, wala namang masama kung si Omar ang kasama ko ngayon. In fairness, kakagising pa lang pero fresh na fresh na ang dating pa-cute na sabi ni Brooke sabay halik sa pisngi ni Omar. ----Ang ganda naman dito masayang sabi ni Omar pagdating namin sa Dreamland Resort sa Umm Al Quwain. Halos dalawang oras ang biyahe namin, paano ba naman si Brooke gustong bumaba sa bawat petrol station na dinadaanan namin, kung hindi siya gagamit ng washroom at bibili ng sandwhich. Nagtake out na lang kami ng fried chicken at pizza para makain namin sa resort, kung magluluto pa kami ni Tristan baka tanghali na kaming maka-alis at gabihin na kami sa pag-uwi. Omar, patulong naman magbuhat ng bag ko pa-cute na tawag ni Brooke sa kanya, ewan ko sa kanya mukhang type na type niya si Omar. Hindi naman siya ganito ka-flirt sa mga ibang nakasama naming Pinoy dati, o kahit sa mga ex-boyfriends niya. Sige, ako ng magdadala dyan mabilis namang sagot ni Omar na halata namang pinapatulan lang ang pagpapa-cute ni Brooke. Nagpasya na muna kaming kumain bago mag-swimming, napagod rin kasi si Tristan sa pagma-maneho, ang usapan namin siya ang magma-maneho papunta at ako naman pabalik. Si Brooke ang nag-handa ng pagkain namin, wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ilagay sa mesa ang dalawang bucket ng fried chicken, tatlong kahon ng pizza, softdrinks at disposable plates. Buti na nga lang at biglaan ang lakad namin, kung naka-plano ito siguradong pagod din kami ni Tristan dahil sa pagluluto, paghahanda ng pagkain at pagliligpit ng kalat pagkatapos. Kapag si Brooke ang kasama naming lumabas, siguradong ubos ang lakas namin ni Tristan. Naka-ilang boyfriends ka na? tanong ni Omar kay Brooke.

Yung seryoso, wala pa nahihiyang sagot ni Brooke. Yung hindi seryoso, ilan na? muling tanong ni Omar kay Brooke habang sinusubuan ng pizza. Limang pinoy at labing limang puti. Pero hindi lahat iyon naka-sex ko, hindi naman ako easy-to-get na babae. Siguro lima lang ang nakasiping ko sa mga boyfriends ko paliwanag ni Brooke. Defensive sabay naming tugon ni Tristan. Inunahan ko na kayo, baka kasi siraan nyo pa ako kay Omar muling sabi ni Brooke. Ikaw ba, naka-ilang girlfriends ka na? tanong naman ni Brooke kay Omar. Tatlo pa lang, sa Pinas lahat sagot ni Omar. Ang swerte naman ng mga ex mo masayang sabi ni Brooke. Bakit mo naman nasabing swerte sila? balik na tanong ni Omar. Kasi pakiramdam ko secured ako kapag kasama kita, at may bonus pa, gwapo ka pa. Kaya nga nagdadalawang isip na ako na pumatol na rin sa mga pinoy nang-aakit na tugon ni Brooke. Tama na nga iyan, swimming na tayo pagyaya ni Tristan sa amin, sabay tanggal ng suot niyang sando. Tara pagpayag ni Brooke, pagkatapos ay dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na t-shirt at twopiece lang ang tanging suot niya, nakita ko kung paano titigan ni Omar ang katawan ni Brooke. Alam kong inaakit ni Brooke si Omar dahil hindi niya iyon karaniwang ginagawa. Kabs, dito muna ako. Sunod na lang ako mamaya, ligpitin ko lang itong pagkain natin sabi ko kay Tristan. Ok. Bilisan mo ha pahabol ni Tristan. Omar, tara na. Swimming na tayo pagyaya naman ni Brooke. Samahan ko na munang magligpit dito si Nathan at isa pa, busog pa kasi ako, ang dami mong pinakaing pizza sa akin sagot ni Omar kay Brooke. Bilisan nyo dyan, mukhang masarap maligo pahabol ding tugon ni Brooke. Pagka-alis nina Tristan at Brooke ay natapos ko na ring iligpit ang pagkain sa mesa. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ni Omar, pagkatapos ko siyang sikmurain noong nakaraang araw ay hindi na kami gaanong nagkibuan ni Omar. Kapag kasama namin si Tristan ay nag-uusap kami para hindi mahalata ni Tristan ang malamig na pakikitungo ko kay Omar. Sa mga nag-daang araw ay hindi na rin nagpapakita ng interest sa akin si Omar, siguro dala lang ng alak ang pang-aakit niya sa akin. Itutuloy mo pa ba ang plano mo kay Tristan? tanong ni Omar sa akin.

Di ba sinabi ko sayo na huwag kang makialam madiing sabi ko kay Omar. Kawawa si Tristan, hindi niya deserve ang gagawin mo. Huwag mo ng ituloy iyon dahil siguradong masasaktan siya parang batang nagmamaka-awa si Omar, sabay sakmal sa kamay ko. Huwag mo akong hawakan sabay bitaw ko sa pagkakahawak niya. Wala kang karapatang pagsabihan ako kung ano ang hindi ko dapat gawin. Wala kang alam sa nakaraan namin kaya huwag kang makialam matapang na sabi ko sa kanya. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Wala na akong pakialam kung sabihin mo sa kanilang sinungaling ako. Kung gusto mo ako na mismo ang magtatapat sa kanila na hindi talaga ako inabuso ng boss ko kaya umalis ako sa trabaho, na kusang loob akong tumakas sa trabaho ko at hawak ko rin ang passport ko patuloy pa rin sa paki-usap si Omar. Anong ibig sabihin nito, dahil ba sa tinanggihan kita ay si Tristan naman ang susunod mong lalandiin. Ibubunyag mo sa kanya kung ano ang plano ko at sasabihing ikaw ang pumigil sa akin para mas madali mo siyang makuha galit kong sabi kay Omar. Gustuhin ko mang sumigaw pero pigilan ko ang sarili ko, ayaw kong maka-agaw kami ng atensyon ng ibang tao, ganoon din si Omar, mahinahon ang pakikipagusap sa akin kahit na ramdam kong gusto niyang umiyak. Kung mag-sisigawan kami siguradong pagtitinginan kami ng mga tao. Hindi ito tungkol sa akin, oo aaminin ko pareho ko kayong gusto ni Tristan pero hindi iyon ang pinaguusapan natin pagpupumilit pa rin ni Omar. Ano? Tungkol ito sa pagbabago ng image mo, mula sa heartbreaker na chickboy hanggang sa pagiging kawawang OFW, ano ang susunod na gusto mo, maging good boy naman pang-aasar ko kay Omar. Stop, huwag ka ngang maging isip bata. Hindi tungkol sa akin, wala na akong pakialam sa sarili ko sa pagkakataong ito. Maniwala ka man o hindi, sobrang hinahangaan ko ang relasyon ninyo ni Tristan kahit na ilang araw ko pa lang kayong nakakasama, ayokong masira iyon. Ayokong merong masaktan sa inyo muling paki-usap ni Omar. Ang kulit mo rin, kagaya nga ng sinabi mo, ilang araw palang tayong magkakilala kaya hindi mo alam kung ano ang nangyari sa amin ni Tristan sa ilang taong pinagsamahan namin galit pero kalmado kong turan kay Omar. ----Elias: Salamat at pumayag kang nag-chat ulit tayo Damian: Nahihiya na kasi ako sayo, lagi na lang tayong magka-IM, na-realize ko rin na kailangan din nating madalas magka-chat dahil magkalayo tayo. Elias: Hindi ka na ba galit sa akin? Damian: Walang dahilan para magalit ako sayo, naging OA lang ako sa mga nangyari kaya pati ikaw nadamay Elias: Salamat. ILY.

Chapter Nine Rockys Caf Sama ako daig pa ni Brooke ang batang kung maki-usap sa akin. Gusto niyang sumama sa amin ni Nathan. Brooke, alam mo naman kung gaano ka-special ng gabing ito sa amin ni Nathan, well treat you on some other time, ok paalam ko kay Brooke. Promise, hindi ko i-spoil ang gabi ninyo. Ang tagal ko na kasing hindi nagba-bar, gusto ko umindak ngayong gabi. Hindi ako magpapa-libre at uupo lang ako sa isang tabi, maghahanap din ako ng kano on the spot para may instant date ako muling paki-usap ni Brooke. Ano ng nangyari sa inyo Drake? tanong ko kay Brooke, hindi ako maka-alis ng office dahil sa kakulitan niya. Wala na kami, kaya nga gusto kong sumama para mag-enjoy naman ako malungkot sabi ni Brooke. Buti naibigay sa amin ni Drake ang mga pictures bago kayo nag-break masayang sabi ko kay Brooke. Walanghiya ka, brokenhearted na nga ako yung mga pictures pa rin ang iniisip mo mangiyak-ngiyak na sabi ni Brooke. Eto naman, parang hindi ka pa sanay. Sige na alis na ako, baka mainip si Nathan muling paalam ko. Sige na nga, huwag kayong gaanong mag-enjoy, baka hindi ka maka-pasok bukas tugon ni Brooke na medyo nahimasmasan na, mga babae nga naman, ang bilis magbago ng emosyon. Sandali lang kami, kain lang kami sa Burger King tapos diretso na kami ng Rockys Caf, alam mo naman pareho naming ayaw magtagal sa bar paliwanag ko kay Brooke. Bakit sa bar mo balak i-surprise si Nathan. Kahit ako na-surprise din sa idea mong yan saad ni Brooke. Wala lang, para maiba naman, Tuesday night sa bar sagot ko. Paano yung dinner ninyo sa Huwebes? muling tanong ni Brooke. Tuloy pa rin iyon, excited na nga ako. Appetizer pa lang itong gagawin ko ngayong gabi biro ko kay Brooke. Talagang pinaghahandaan mo ang anniversary ninyo ni Nathan usal ni Brooke. Kailangan kasi, alam mo namang hindi kami nakapag-celebrate ng maayos last year dahil sa dami ng trabaho paliwanag ko kay Brooke. Nakakatawa nga, sumabay pa kasi ang recession sa anniversary ninyo, imbes na nagdi-dinner kayo, pareho pa kayong natambakan ng trabaho noong araw na iyon pagbabalik-tanaw naman ni Brooke.

Oo nga, alam mo naman si Nathan, kapag hindi kami nakapag-celebrate sa eksaktong araw ay mawawalan siya ng ganang gawin ito sa ibang araw sagot ko kay Brooke. Sayang, kung bakit ngayon pa kasi umalis si Omar, siya na lang sana ang yayain kong gumimik. Saan na nga pala siya ngayon? tanong ni Brooke sa akin. Ewan, hindi ko rin alam. Tinatawagan namin siya ni Nathan pero hindi sumasagot. Kahit si Badong hindi rin alam kung saan nagpunta si Omar mahabang sagot ko kay Brooke. Enjoy pa naman kasama ang taong iyon panghihinayang ni Brooke. Sabihin mo nai-inlove ka na sa kanya biro ko. Hindi kaya namumulang pisnging sagot ni Brooke. Sige na, napahaba na ang usapan natin. Alis na ako paalam ko kay Brooke. Ok, please send by regards to Nathan pahabol ni Brooke. ----Surprise bati ko kay Nathan pagpasok namin ng bar. Kabs, buti naisipan mong mag bar ngayon? sigaw na tanong ni Nathan sa akin pagka-upo namin sa loob ng bar. Im tried of having dinner, shopping, and going to moviehouse. Dito naman tayo para maiba naman pasigaw ko ring sagot sa kanya. Order na tayo pagyaya ko kay Nathan. Ok maikling sagot niya. Sa totoo lang, hindi naman kami mahilig magpunta ng disco bar ni Nathan. Sumasama lang kami dati kapag napilitan o kung may okasyon talaga, sa katunayan ito ang unang beses na nagpunta na kaming dalawa lang. Hindi katulad ng ibang mga pinoy dito, halos araw-araw ng laman ng bar. Swerte ang mga babae kasi free ang entrace nila, kaya kahit gabi-gabi silang nagsasayaw ay ayos lang. Isang pitcher, calamari, french fries, at ice order ko sa waiter. Ok na po ba yon, sir? Baka may gusto pa kayong idagdag? sunod-sunod na tanong ng waiter. Nope, ok na iyon sagot ko sa kanya. Malakas ang tugtog ng live band kaya halos magsigawan kami ni Nathan kahit magkalapit lang kami. Ayaw na ayaw talaga namin sa loob ng disco kasi sobrang ingay at mausok. Kahit nga ako na-surprise sa idea kong ito, of all the places dito ko pa naisipang ibigay ang isa sa mga regalo ko para sa nalalapit na anniversary namin ni Nathan. I love you bulong ko kay Nathan, nakakalahati na namin ang isang pitcher na inorder namin.

May tama ka na yata? tanong niya sa akin. Nagbulungan na kami kasi hindi na namin kayang sumigaw. Wala pa, gusto ko lang sabihing mahal kita. Gusto mo bang sumayaw? tanong ko sa kanya, alam kong nakikiliti siya dahil ayaw niyang nilalapit ko ang labi ko sa tenga niya, kaya lang wala kaming magawa dahil ayaw na naming sumigaw. Lasing ka na nga, alam mo naman pareho tayong hindi sumasayaw bulong din ni Nathan sa akin. Sa pagkakataong iyon ay nanahimik muna ako at uminom pa ng ilang baso ng beer, pampalakas lang ng loob. Hindi rin kami nagyo-yosi ni Nathan, ayaw kasi niyang nakakalanghap ng usok ng sigarilyo. Excuse me, pwede po bang makuha ang atensyon ninyo? sigaw ng bading na host sa bar nang huminto sa pangalawang set sa pagtugtog ng banda. Pagkasabi ay nanahimik naman ang mga tao at huminto ang malakas na tugtog. Lost-and-Found mode po muna tayo ngayon panimula ng host. Kabs, bakit hindi pa rin umaalis ang banda sa stage, di ba tapos na ang set nila pagpansin ni Nathan. Ikaw talaga kung ano-ano ang pinapansin mo, makinig na lang tayo sa host pagsaway ko sa kanya. May napulot pong kahon ang isa sa mga waiter natin dito sabay taas ng isang maliit na kahon para makita ng mga tao. Baka sa inyo po ito o kaya naman kilala nyo kung sino ang may-ari nito? tanong ng host. Walang umiimik sa mga tao. Wait lang, merong note. Mabasa nga, baka naka-sulat ang pangalan ng may-ari dito usisa ng host. Sa pagkakataong iyon ay naki-usisa na rin ang mga tao, para naman makikita rin nila ang note, ang layo kaya ng pwesto nila sa host. Kay Mr. Nathan. Sino po si Nathan? magalang na tanong host. Kahit konti lang ang ilaw ay kita ko ang pagka-gulat ni Nathan. Hindi niya aakalaing matatawag ang pangalan niya, at dahil sa pagkabigla ay hindi siya umimik. Eto po sigaw ko sabay turo kay Nathan. Ano ka ba? Nakakahiwa, baka hindi naman sa akin iyon pagtutol ni Nathan, halata pa ring nahihiya siya. Sige na, tignan mo baka sa iyon talaga iyon pagpupumilit ko. Wala naman akong dalang ganoong kahon .. naputol ang sasabihin ni Nathan. Ikaw talaga, sayo galing iyon, no? dugtong na tanong sa akin.

Paano mo malalaman kung hindi mo kukunin nang-aakit na sagot ko sa kanya. Parang nasaksakan ng adrenalin si Nathan at dumiretso ng stage, lahat ng hiya at kaba niya kanina ay biglang nawala. Ang pogi naman ni sir pagbati ng host paglapit ng stage ni Nathan. Teka, may message pala. Ako na ang magbabasa para kay sir tuloy-tuloy na sabi ng host, parang nakalimutan na katabi si Nathan. Nathan, mahal na mahal kita kinikilig na sigaw ng host sa mic. Hiyawan ang mga tao sa loob ng disco bar. Ang sweet ng girlfriend mo, ang malakas na sigaw ng mga tao. Pare, ang swerte mo, sigaw naman ng iba. Sandali pagpigil ng host sa mga tao. Hindi po girlfriend ang nagbigay sa kanya, pwede ko po bang tawagin si Mr. Tristan dito sa stage para siya ang mag-abot ng kahon na ito kay Nathan pagtawag ng host sa akin. Hindi na ako nag-dalawang isip pa, pagkadinig ko sa host ay kaagad akong dumiretso sa stage. Pagdating ko doon ay niyakap ko si Nathan at mas lalo pang lumakas ang sigaw ng mga tao. Hiyaw ng mga natutuwa at sigaw ng mga nangungutya sa amin. Hindi ko maalis ang ibat ibang reaksyon ng mga tao sa ginagawa namin, basta ang alam ko, sa ganitong paraan ko gustong ibigay ang regalo ko kay Nathan. Anyway, pagkatapos ng gabing ito, maaaring pag-usapan ang ginawa namin pero lilipas din iyon, pero sa aming dalawa ni Nathan mananatili itong isang magandang karanasan. Inabot sa akin ng host ang kahon at ibinigay ko ito kay Nathan. Habang binubuksan niya ito ay pinatugtog ng live band ang ni-request kong kanta.

If I had to live my life without you near me The days would all be empty, the nights would seem so long With you I see forever oh so clearly, I might have been in love before
Pagkabukas ni Nathan sa kahon ay kinuha ko ang laman nitong gold necklace na may pendant na hugis puso at isinuot sa leeg niya. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam ako ng panginginig, siguro dahil sa amin nakatutok ang mata ng lahat ng tao, hindi kami sanay sa ganoon. Humarap sa akin si Nathan hawak-hawak ang pendant ng kwintas sabay sabing Thank You. Pagkatapos ay sabay kaming nagtawanan. Sa ilang segundo, pakiramdam ko namatay ang lahat ng ilaw, napagod sa pagtugtog ang banda, napaos sa pagsigaw ang mga tao, huminto sa pagse-serve ng alak at pulutan ang mga waiter. Sa ilang segundo na magkaharap kami ni Nathan, ramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa loob ng disco bar.

Nothing's gonna change my love for you, You ought know by now how much I love you One thing you can be sure of, I'll never ask for more than your love
Nagsimula kaming mag-sayaw ng sweet ni Nathan sa gitna ng stage. Nakayakap ang aking mga kamay sa kanyang beywang at ang kamay niya ay nakapalupot sa aking leeg. Kiss sigawan ng mga tao sa bar habang nagsasayaw kami.

----Kagaya ng dati, bar ang takbuhan ko kapag gusto kong mag-unwind. Noong nasa Pinas ako halos gabigabi akong laman ng ibat ibang bar sa Maynila. Sa bawat bar na pinupuntahan ko may nakakakilala sa akin. Omar tawag ng mga tao sa akin, pero ako, konti lang ang kakilala ko. Siguro isa sila sa mga iilan na naka one-night-stand ko. One-night-stand, dapat isang gabi lang iyon, walang tanungan ng pangalan o ng number, isang gabi tapos na lahat. Pero sila ang kukulit, bakit alam nila ang pangalan ko kahit na ibaiba ang pakilala ko sa kanila. Ang dami ring tumatawag sa akin kahit hindi ako nagbibigay ng number. Lalaki ang una kong naka-siping, isang gabi na lasing ako dahil sa problema ko sa magulang ko. Pumunta ako sa isang 24-hour shop para bumili ng beer, may nakasabay akong lalaki sa labas ng store na umiinom ng softdrinks. Pareho kaming walang kasama, maya-maya ay namalayan naming nagku-kwentuhan na kami, maya-maya pa ay kasama ko na siya sa kotse ko, maya-maya pa ay pumasok kami sa isang kwarto, maya-maya lasap na namin ang tamis ang aming mga halik. Kinabukasan, nagising akong pareho kaming walang damit. Umalis ako ng Pinas dahil nagsawa na ako sa buhay ko doon, papalit-palit ng karelasyon, babae o lalake, iba pa yung mga nakakasiping ko ng isang gabi. Katulad ni Brooke, hindi rin nagtatagal ang aking mga relasyon. Pumunta ako ng Dubai para humanap ng kakaibang buhay, sabi nila maganda ang buhay dito. Pero minalas ako, hindi ako totoong inabuso ng amo ko, muntik na, pero hindi ko na hinayaang mangyari iyon kaya umalis ako sa trabaho ko. Siguro iyon na ang karma ko, kaya mula noon pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako gagawa ng kalokohan. Napilitan lang akong mag-sinungaling kay Badong kasi desperado na ako noong gabing iyon. Wala akong ibang matutuluyan kaya pumayag ako sa alok niyang kupkupin niya ako kahit na alam kong may kapalit iyon. Kaya nga laking tuya ko noong dumating yung kasama niya sa kwarto, dahil makaka-alis ako sa piling niya. Wala akong reklamo kay Badong, maalaga siya pero hindi pa ako handa sa gaanong set-up. Nag-iba ang paningin ko sa buhay noong nakilala ko sina Nathan at Tristan, posible pala na mag-live in ang dalawang lalaki. Hindi ko sinasadyang marinig si Nathan na may kausap sa phone, hindi ko aakalaing meron siyang masamang balak kay Tristan. Hindi ko rin sadyang bastusin o i-blackmail si Nathan noong gabing una ko silang naka-inuman, dala lang ng alak kaya ko nagawang akitin si Nathan. Ang balak ko lang talaga ay maki-usap sa kanya na huwag ng ituloy ang pinaplano niya. Nagkalakas loob lang akong kausapin si Nathan noong nag-swimming kami sa Dreamland Resort, pero matigas pa rin siya, mukhang desido talaga siya sa plano niya. Muli kong kinumbinsi si Nathan pero ayaw talaga niyang magpapigil. Alam kong wala na akong magagawa kaya umalis na lang ako sa flat nila, nagpa-alam ako kay Tristan at pumayag naman siya, dahilan ko sa Abu Dhabi na ako tutuloy sa pinsan ko, pero ang totoo sa Dubai lang din ako, nakakita ako ng bakanteng bed space. Nasa Rockys Caf din ako ngayon, kitang kita ko kung paano sila kasaya, ang sweet nilang tignan daig pa nila ang lalake at babaeng mag-syota. Sila pa lang ang mag-partner na nakita kong ganito kalakas ang loob nilang ipangalandakan sa buong mundo ang relasyon nila. Nanghihinayang ako na masira ito dahil lang sa pinaplano ni Nathan.

Chapter Ten Costa Coffee Kabs, salamat sa surprise bulong ni Nathan sa akin paglabas namin ng disco bar. Anong surprise, yung kwintas o yung pagsuot ko sayo nito sa harap ng maraming tao? tanong ko kay Nathan. Pareho masayang sagot nito habang hawak pa rin ang pendant ng kwintas. Ikaw muna ang mag-drive, tinamaan kasi ako sa ininom natin paki-usap ko kay Nathan. Ok, gusto mo mag-kape muna tayo? tanong niya sa akin. Sige, para mahimasmasan ako. Sa Costa na lang tayo pumunta sagot ko sa kanya. 12 midnight ng umalis kami sa disco bar, alam kong maaga pa lang iyon kumpara sa iba na papasok pa lang doon, iyon pa lang kasi ang simula ng gabi sa para sa kanila. Kagaya nga ng nasabi ko, hindi naman namin planong magtagal ni Nathan doon, gusto ko lang talagang isuot sa kanya ang kwintas sa harap ng ibang tao sa lugar na hindi kami komportable. Akala ko talaga mauubusan na ako ng sorpresa kay Nathan, salamat na lang at umandar ang pagkacheesy ng utak ko. Gusto ko kasi araw-araw may surprise ako sa kanya nitong anniversary week namin. ----Biyernes ng umaga. Nambola ka pa, higupin mo na ang sabaw utos ni Nathan sa akin. Kabs, paki-abot pala yung kahon sa bulsa ng pantalon ko balik na utos ko naman kay Nathan. Tumungo siya sa likod ng pintuan namin kung saan naka-sabit ang mga damit at pantalon namin. Pagkakuha ay nabigla siya sa nakita. Sinong nagbigay ng regalo sayo? gulat na tanong ni Nathan sa akin. Kabs, sa iyo iyan sabi ko sa kanya habang hinihigop ang sabaw. Para saan ito. Wala naman okasyon? tanong niya sa akin. Masama bang bigyan kita ng regalo kahit walang okasyon tugon ko sa kanya. Buksan mo na utos ko sa kanya. Tinanggal niya ang balot ng kahon, pagkabukas niya ay nakita niya ang 1TB HD. Salamat, ang tagal ko ng gustong bumili nito kaya lang hindi ko nabibili. Sa wakas pwede na akong mag-download ng mga paborito kong TV shows, movies, at kanta masayang sabi niya sabay halik sa akin.

No need maikling tugon ko sa kanya. Anong ibig mong sabihin? takang tanong niya sa akin. Tignan mo kaya ang laman ng HD suhestyon ko sa kanya. Binuksan ni Nathan ang laptop at tinignan niya ang mga files na naka-save sa hard disk. Bawat folder na buksan niya at kitang-kita ko ang pag-ngiti niya. Kabs, maraming salamat. Saan mo nakuha ang mga ito? tanong niya sa akin. Kay Brooke at sa ibang officemates ko, pagpatulong ako sa kanila. Nakita ko kasi yung listahan ng mga gusto mong i-download kaya kinopya ko iyon paliwanag ko kay Nathan. Salamat talaga, sayang nga lang at hindi tayo pwedeng manood ngayon nanghihinayang na sabi ni Nathan. Oo nga, ngayon pa kasi na-reschedule ang photoshoot natin. Pero ayos lang, atleast may kopya ka na kaya kahit anong oras ay pwede nating panooring ang laman niyan pang-alo ko sa kanya. ----Sabado ng gabi. Kabs, bakit hindi ka na lang mag-order? tanong ni Nathan sa akin, kaka-uwi lang namin galing sa Dreamland pero nagpa-alam ako sa kanya na bababa lang ako sa grocery para bumili ng tinapay. Ayos lang, titignan ko rin ang kotse, baka may nakalimutan pa tayong gamit muling paalam ko sa kanya. Kabs, wala na tayong nakalimutan. Tinignan ko na ang kotse kanina inis na turan ni Nathan, alam kong gusto na niyang magpahinga dahil napagod sa pagda-drive. Sandali lang ako, please masuyong sabi ko sa kanya sabay tango kay Omar, sinabihan ko siya na idivert ang atensyon ni Nathan kapag nagpa-alam ako sa kanya. Nathan, pwede pang patulong dito? paki-usap ni Omar kay Nathan, pagkatapos ay hindi ko na alam ang nangyari dahil nagmadali akong lumabas para pumunta sa pinakamalapit na mall. Nag-drive ako sa pinakamalapit na mall sa amin, Deira City Center at binilhan siya ng limang sports cap, lahat kulay blue pero iba-iba ang design. Mahilig kasi siya sa sumbrero, madalang lang siyang magsuot pero gusto niyang naka-display lang sa kwarto namin. Salamat masayang sabi ni Nathan pagkakita sa mga sumbrero nang iabot ko sa kanya pag-uwi ko. Pagkakita sa mga iyon nawala ang inis niya na nakita ko kaninang pagdating ko. Ayaw na ayaw niya kasi iyong bigla ko lang siyang iiwanan. ----Linggo ng tanghali.

Kabs, para saan itong transaction slip na nasa wallet ko? Sino ang pinadalhan mo ng pera? sunodsunod na tanong ni Nathan sa akin sa kabilang linya, tinawagan niya ako habang nasa lunch break ako. Kabs, natatandaan mo ba iyong kinuwento mong boystown sa lugar natin? Nag-padala ako ng cash donation sa kanila, alam ko kasi na matagal mo nang gustong magpadala sa kanila kaya lang wala tayong contact. Pinatanong ko sa kapatid ko kung kanino pwedeng ipadala ang pera and fortunately tumawag siya last week, si Damian pala ang namamahala ng boystown? tanong ko sa kanya. Damian? balik na tanong sa akin. Damian, yung kababata mo sagot ko sa kanya. Ah ok, hindi ko kasi alam na doon pala siya nagtatrabaho, hindi ko na kasi siya naka-usap simula noong umalis ako paliwanag ni Nathan. Akala ko lagi mo pa rin siyang nakaka-usap. Anyway, its a good news for me masayang sabi ko sa kanya. Hindi ko na sinabi sayo kasi alam kong ayaw mo siyang pinag-uusapan muling turan ni Nathan sa kabilang linya. ----Lunes ng gabi, Valentines Day. Kabs, andito ka na pala gulat na sabi ni Nathan pagpasok sa kwarto namin sa flat. Di na ako natuloy sa lakad ko sagot ko sa kanya. Bakit, masama ba ang pakiramdam mo? pag-aalala niya sa akin. Hindi naman, bihis ka na nang maka-kain na tayo utos ko sa kanya. Pagkatapos niyang magbihis ay dumiretso kami sa kusina. Nagtataka si Nathan dahil kakaiba ang ngiti ng mga kasama namin sa flat sa kanya. Kabs, anong meron? takang tanong niya sa akin. Ewan ko sa kanila sagot ko naman sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Nathan ng makita ang ayos ng lamesa namin sa kusina. Salamat tugon ni niya sa akin. Para saan? takang tanong ko sa kanya. Dito sa pagkain, sa paella at pata tim sagot ni Nathan. Hindi ako ang nagluto niya muling sagot ko sa kanya.

Kabs, lumalaki ang butas ng ilong mo, kaya alam kong nag-sisinungaling ka. At isa pa, nakita ko kahapon na nagre-reseach ka ng recipe ng paella paliwanag ni Nathan. ----Miyerkules nang madaling araw, paalis na kami ng Costa. Pagkatapos naming uminom ng kape at hot chocolate ay nagpasya na kaming umuwi. Mamayang gabi ko na ibibigay ang susunod na surprise ko sa kanya, binilihan ko siya ng photography book at inenroll ko sa photography class. Bukas naman ang pinaka-special sa lahat, kahit ako ay excited na sa inihanda kong surprise sa kanya. 1AM na nang makarating kami sa aming kwarto. Maghilamos muna ako paalam ni Nathan sa akin pagkatapos niyang magtanggal ng damit. Pagkakita ko sa hubad na katawan ni Nathan biglang uminit ang pakiramdam ko, naramdaman ko ng pinaghalong init ng alak at kape sa katawan ko, alam kong hindi maganda ang lasa kapag pinaghalo pero gusto-gusto ko ang init na dulot nito sa katawan ko. Tinanggal ko rin ang lahat na damit ko at pumasok na rin ako sa banyo. Una ay sinabayan ko siya sa pagsisipilyo, pagkatapos niya ay tumapat siya sa bowl para umihi. Nagmadali akong nagsipilyo para maabutan ko siya sa tapat ng bowl. Sakto, pagtapat ko sa likod niya ay natapos na siyang umihi. Hinawakan ko ang beywang niya, dumausdos ang mga kamay ko sa tiyan niya. Maya-maya pa ay nilapat ko ang aking mga labi sa batok niya. Alam ko malakas ang kiliti niya sa parteng iyon ng katawan niya. Tristan malambing niyang pagbigkas sa pangalan ko, ang mga kamay niya ay nagsimula na ring gumalaw, una sa mga braso ko hanggang sa makarating ang mga ito sa ulo ko, dahan-dahan niyang sinabunutan ang buhok ko. Diniin ko pa ang paghalik sa batok niya, hanggang sa ilabas ko ang aking dila at pinasadahan ang kanyang batok, papunta sa kaliwang tenga niya, balik sa batok niya papunta sa kabilang tenga niya. Humarap siya sa akin, tinulak niya ako papunta sa sink, sa pagkakataong ito ay kontrolado niya ang mga galaw namin. Hinalikan niya ako sa labi, maalab, nakakapaso, mainit. Mas uminit pa iyon nang ilabas niya ang kanyang dila, nag-espadahan kami, kung sakaling matalim ang aming mga dila malamang marami na kaming sugat o kaya naman ay naputol na ang mga ito dahil sa kasabikan sa bawat isa. Kumalas ni Nathan sa aming halikan, bumaba ang kanyang mga labi, papunta sa leeg. Nilibot ng kanyang dila ang aking leeg at merong mga pagkakataong sinisipsip niya ito. Pababa pa ang kanyang dila, papunta sa pagitan ng aking dibdib, nang hindi ako makatiis ay hinawakan ko ang ulo niya at tinapat ang kanyang labi sa isa kong utong. Nathan sigaw ko habang ramdam ang sarap ang pagsipsip niya dito at kapag nararamdaman niyang nasasaktan na ako ay pinapa-ikot niya ang dulo ng kanyang dila sa aking utong, ganoon din ang ginawa niya sa kabila ko pang utong. Ang sarap ng pakiramdam, kasabay ng ginagawa niya ay ang paglamas niya sa magkabilang pisngi ng aking puwet. At bawat pagtama ng aking ari sa kanya ay mas ramdam ko ang pagtigas nito.

Hinila ako ni Nathan papunta sa shower, sinindihan niya ito. Alam niya ito ang pinaka-paborito kong ginagawa, ang maghalikan sa ibaba ng buhos ng malakas na tubig. Hindi napawi ng malamig na buhos ng shower ang init na nararamdaman namin ni Nathan. Mas maalab, mas mapusok, mas mainit ang halikan namin sa pagkakataong ito. Pagkatapos naming maligo ay nagpatuyo kami ng katawan ni Nathan, salitan kaming nagpunas gamit ang tuwalya namin. Paglabas namin ng kwarto ay pinatay ko ang ilaw at sinindihan ang dim light na kulay blue. Para sa akin, ang romantic tignan dagdagan pa ng ilaw na galing sa labas, liwanag na pinaghalong ilaw sa langsangan at sikat ng buwan na nahaharangan ng kurtina sa kwarto namin. I love you bulong ko kay Nathan, naka-upo kami sa kama, magkaharapan. I love you, more sagot niya sa akin, kasunod ay isang maalab na halikan ulit. Nang magsawa na ako ay dahan-dahan kong itinulak si Nathan, pinahiga siya at pumatong ako sa kanya. Muli, ipinatong ni Nathan ang kanyang mga kamay sa aking ulo, pero ako pa rin ang may kontrol sa bawat galaw ko. Sa pagkakaong ito ay ako naman ang sumipsip sa kanyang magkabilang utong. Tristan, ooohhh pag-ungol ni Nathan, mas uminiit ang pakiramdam ko sa tuwing naririnig ko siyang umuungol. Pagkatapos ko sa kanyang mga utong ay bumaba ako, sa tiyan niya hanggang sa marating ko ang kanyang ari. Alam kong sabik na sabik na si Nathan na maisubo ko iyon pero binitin ko muna siya. Inamoy-amoy ko muna ang ulo nito, ang kahabaan nito patungo sa mga bayag niya. Nang hindi na makatiis si Nathan ay sinabunutan niya ako at siya na mismo ang nagpasok ng ari niya sa bibig ko. Ang init ng ari niya, sa maraming taon na pagsasama namin ngayon ko pa lang naramdaman ang ganitong kainit na ari niya, ramdam ko rin ang kaka-ibang laki nito ngayon. Kabs, malapit na ako. Palit na tayo ng posisyon malambing sa tugon ni Nathan. Kagaya ng hiling ni Nathan, nahiga ako at siya naman ang pumatong sa akin. Ganoon din ang ginawang pagpapaligaya ni Nathan sa akin, pero mas mapusok siya. Bawat pasok ng ari ko ay ramdam ko ang init ng kanyang bibig na mas lalong nagpapalaki ng ari ko, alam kong nahihirapan sa pagsubo si Nathan pero tuloy pa rin siya para mapaligaya ako. Nathan, mahal ko masuyong bulong ko sa kanya. Tristan mahinang sigaw ni Nathan. Malamig ang gabi pero hindi nagpatalo ang napaka-init ang pakiramdam namin ni Nathan. Kakaibang init ang bawat dulot ng bawat pagdampi ang aming mga balat, kakaibang sarap ang dulot ng bawat halik at pagsubo, kakaibang sensasyon ang nararamdaman namin bawat pagpasok at pag-indayog, kakaibang musika ang dulot ng bawat ungol at halinghing, kakaibang higpit ang dulot ng bawat pagyakap, kakaibang ligaya ang dulot sa amin ng gabing iyon. Isa iyon sa pinakamasayang gabi ng aking buhay, isang gabi na muling nagpatunay ng pagmamahalan namin ni Nathan, isang gabi labis ang dulot na ligaya sa akin, sa amin.

Chapter Eleven Raffles, Dubai Kabs, kita na lang tayo sa Raffles, sa lobby. On the way na ako paalam ko kay Nathan sa kabilang linya. Eto na ang gabing pinakahi-hintay ko, eto ang gabing pinaghandaan ko para kay Nathan, sa mahal ko. Napaka-espesyal ng gabing ito sa akin, marami kaming napalagpas na okasyon ni Nathan kaya gusto kong maging memorable ang gabing ito para sa amin. Pinaggastusan ko ito, pina-reserve ko ang buong ballroom hall ng Raffles, alam ko masyado itong malaki para sa dinner naming dalawa, kahit isang kwarto lang ang kunin ko pwede pero gusto ko maging kaka-iba ito para sa amin, pati ang venue. Kilig na kilig si Brooke habang sinasabi ko sa kanya ang plano ko. Its so romantic, kung sa akin mo gagawin iyon papakasalan na kita kahit hindi ka pa nagpo-propose natutuwang sabi nito. Alam mo naman, kailangan kong bumawi kay Nathan sagot ko sa kanya. ----Pagkababa ko ng phone ay tumatawa na lang ako, kahit kailan hindi marunong magtago ng malaking sikreto si Tristan. Nahalata kong merong siyang binabalak na malaking surpresa sa akin simula noong nakaraang linggo, sa araw-araw na sinusurpresa niya ako alam kong may inihanda siya ngayong gabi, sa gabi ng aming anniversary. Kabs, sorry may biglaang dinner na iho-host ang office sa Raffles, gusto kong isama kita salubong ni Tristan sa akin sa kabilang linya kaninang tanghali. Akala ko ba sa Abu Dhabi tayo magse-celebrate nang anniversary? tanong ko sa kanya, nagpanggap ako na wala akong alam sa gagawin niyang surpresa. Sorry talaga, labas na lang tayo mamaya pagkatapos ng dinner, kung gusto mo maglakad tayo sa labas ng Burj Al Arab para mas romantic o kaya naman mag-check in na lang tayo sa Raffles biro ni Tristan. Bahala na mamaya kung saan tayo maka-punta pagkatapos ng dinner sagot ko sa kanya. Ok, kabs, formal attire pala ang isusuot natin mamaya. Paglabas mo sa trabaho uwi ka muna para magbihis pag-utos ni Tristan. Ikaw, paano ka magbibihis. Kung gusto mo hintayin na lang kita sa kwarto para sabay na tayong magpunta sa Raffles pigil ang pagtawa kong turan sa kanya. May extra akong suit dito sa office, iyon na lang ang isusuot ko sagot sa akin ni Tristan. Kahit na alam ko na ang plano niya ay hindi ko pa rin maiwasang kiligin. Alam ko naman na dahilan lang niya ang dinner nila sa office, kung hindi ako nagkakamali sa Raffles Hotel kami magdi-dinner, sigurado ako nagpa-reserve na siya ng mesa para sa amin. Ang pogi mo bulong ko sa sarili ko pagkaharap ng salamin suot ang kulay itim na coat and tie at puting long sleeves sa panloob. Hindi naman sa pagmamayabang pero ako rin hindi makapaniwala na magiging ganito ako kakisig. Dati ay pangarap ko lang talaga ang magsuot ng ganito, masaya na ako sa simpleng polo o kaya longsleeves, pero ngayon sanay na sanay na akong mag-coat.

Hinigpitan ko ang neck tie ko, binulsa ko ang 1TB HD na bigay ni Tristan sa akin, binitbit ang bag, pagkatapos ay muling sinulyapan ang buong kwarto. Mangiyak-ngiyak akong isira ang pinto pero pinigilan ko ito, ayokong simulan ng luha ang gabing ito, gusto ko maging masaya ako. Sir, ang gwapo mo papuri ng isang flatmate namin, pagpakita niya sa akin paglabas ko ng kwarto. Salamat, may pupuntahan kaming dinner ni Tristan sagot ko naman sa kanya. Dinner date ninyo ni sir Tristan, ang sweet kilig na sabi niya. Hindi, dinner na organized ng kumpanya nila paliwanag ko sa kanya. Ah ganoon ba. Bakit may dala kang bag, panira ng get-up iyan pagpuna niya sa dala ko. Extrang damit, baka may lalakarin kami ni Tristan pagkatapos. Sige, una na ako paalam ko kanya. Sige sir, ingat muling tugon niya sabay saludo sa akin. ----Kabs, nasaan ka na? tanong ko kay Nathan sa kabilang linya. On the way na ako, naka-sakay na ako ng taxi sagot niya sa akin. Matagal ka pa ba? Magsisimula na kasi ang party turan ko kay Nathan, nasa lobby ako at sinadyang iparinig din sa kanya ang ingay ng mga taong nandoon, kung sa hall kasi ako pumuwesto baka mahalata niya ang plano ko. Alam kong nakakahalata na si Nathan na may surpresa ako sa kanya, kaya naman kailangan kong gumawa ng gimik para hindi pa rin ako mahuli. Malapit na ako, hintayin mo na lang ako sa lobby paki-usap ni Nathan sa akin. Ok, ingat maikling tugon ko sa kanya. Hanggang ngayon ay excited pa rin ako, sa ingay ng tao dito sa lobby ay dinig ko ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Nathan, sana magustuhan niya. Sa totoo lang, ito pa lang ang unang anniversary na organized ko, dati si Nathan lagi ang naghahanda ng celebration namin. At maipagmamalaki ko, ito na ang pinaka-engrandeng celebration namin. Hindi ako magaling sa ganitong paghahanda kaya naman napilitan akong kumuha ng tulong ng isang event coordinator. Lalaki ang pinili ko para maintindihan niya kung ano ang gusto namin, pero hands-on pa rin ako. Lagi ko siyang tinatawagan sa mga updates at nakipag-cooperate ako kanya, lahat ng kailangan niya ay binigay ko para maging maganda ito. Alam kong mas magiging maganda ang paghahanda kung kasama ko si Nathan, pero mas nanaig pa rin ang kagustuhan kong mabigyan siya ng surpresa. At isa pa, kung sasabihin ko kay Nathan ito ay siguradong tatanggi siya lalo na sa gastos. Hindi naman sa pagmamayabang pero malaki talaga ang nagastos ko para sa gabing ito, pero alam kong masusulit lahat iyon kapag nakita ko ang ngiti sa labi ni Nathan.

----Kabs, nasa lobby na ako? Akala ko hihintayin mo ako dito? inis na tawag ko kay Tristan, alam naman niya na ayaw kong hindi siya naaabutan sa lugar ng usapan namin sa ganitong okasyon. Kabs, sorry nagsimula na kasi ang party kaya hindi na kita nahintay, hinahanap na daw kasi ako ng boss ko. Diretso ka na lang sa third floor, ballroom hall sagot naman ni Tristan sa kabilang linya, hindi ko siya gaanong maintindihan dahil sa lakas ng sounds sa background niya. Wala na akong magawa kung hindi sundan si Tristan sa ballroom hall. Nahihiya akong magtanong sa mga bell boy at front desk kung saan ang papunta doon kaya naman minabuti ko na lang na hanapin ito ng mag-isa, at makaraan ang sampung minuto ay nakita ko na rin ang lift. Hindi rin mawala ang excitement ko, gusto-gustong ko nang makita ang surprise ni Tristan sa akin. Pagbukas ko pa lang ng lift ay may sumalubong na babae sa akin, ang ganda niya. Good evening po. Sir, assist ko po kayo papunta sa ballroom hall pagbati niya sa akin. Ok sagot ko sa kanya at sinabayan ko sa paglalakad. Pagkatapos ng ilang hakbang ay dumaan kami sa isang maliit na daanan, na puno ng rose petal at scented candle sa magkabilang dulo. Paglampas namin sa daanan na iyon ay nakita ko na ang iba pang invited sa party, pero hindi ako familiar sa mga hitsura nila, kaya inisip ko na lang na baka guest din sila ng mga kasama sa trabaho ni Tristan. Panandalian kong nakalimutan ang surprise ni Tristan, namangha kasi ako sa ganda ng ayos ng hall, meron ilang sofa na nakapwesto sa hall at merong mga table na nakapalibot dito kung saan merong tigisang vase na naglalaman ng ilang bulaklak. Tantya ko mayayaman ang mga bisita nina Tristan dahil ang ganda ng suot na gown ng mga babae at kakaibang suit ang suot ng mga lalake, karamihan sa kanila ay foreigner. Sir, dito po tayo usal ng babae sa tabi ko. Hindi pa ba dito yung party nina Tristan? takang tanong ko sa kanya. Naku, hindi po. Charity event po ito. Nasa kabilang hall si Sir Tristan sagot sa akin ng babae sabay turo sa malaking pintuan ng hall. Akala ko ito na yung event nina Tristan nahihiyang tugon ko sa kanya. Nilagpasan namin ang mga tao at tumapat sa malaking pintuan. Sir, ito po yung susi pag-abot sa akin ng kasama kong babae. Salamat natutuwang sabi ko kanya, ngayon ay muling bumalik ang surpresa ni Tristan sa akin, meron pa siyang nalalamang stainless chain na merong lock. Sir, enjoy your dinner kinikilig na tugon ng babae.

Salamat, pasensya na at inabala ka pa ni Tristan paalam ko sa kanya. Sir, wala po iyon magalang sa sagot niya sa akin. Pagka-alis ng babae ay muli akong humarap sa malaking pintuan, nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga at saka pinasok ang susi sa lock. Pagkabukas ay binulsa ko ang susi at lock, marahang tinanggal ang stainless na tanikala at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sa pagkakataong iyon ay alam ko nang si Tristan lang ang nasa loob ng hall kaya naman hindi ko binuklat lahat ang pintuan, dahil kung makikita ng mga tao sa labas na kaming dalawa lang ni Tristan ang tao sa loob ay baka maka-agaw kami ng atensyon. Dahan-dahan rin akong pumasok, sa sikip ng pagbukas ko sa pinto ay parang dumaan ako sa butas ng karayom, nang nasa loob na ako ay sinara ko na ang pinto. Pagkakita ko kay Tristan ay tawa siya ng tawa, halatang nasiyahan pa siya sa ginawa ko. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng hall, unang nakapukaw ng pansin sa akin ang malaking projector, naka-flash doon ang mga pictures na kinuhanan ni Drake noong photoshoot namin, ngayon ko pa lang nakita ang mga iyon at tama nga ang photographer, hindi naman sa pagmamayabang pero maganda nga ang kuha namin ni Tristan. Susunod kong napansin ang maliit na mesa na nagkalat sa gilid na hall, nakapatong din ang iba-ibang laki ng flower base na merong blue roses at nagkalat din sa sahig ang roses petals. Agaw atensyon din ang nakasabit na tela na iba-ibang shades of blue sa kisame, pati na rin ang nagsasayawang ilaw na kombinasyon ng asul at puti. Sa kaliwang sulok ng stage ay nandoon naman ang live band na kanina pa nagpapatugtog ng Patunayan ng Silent Santuary, ang ganda ng pagkakatugtog nila, hindi malakas, saktong ang mahinang pagtutog nila sa asul na kulay ng paligid. Sa ayos ng buong hall, alam kong pinaghandaan ito ni Tristan, regardless kung nagpatulong siya o hindi, ang mahalaga sa akin ay ang ginawa niya. Alam ko ang effort na binuhos ni Tristan dito, hindi man ganito ka grande ang hinanda ko sa mga nakaraang anniversary namin, alam ko ang pagod at hirap ng paghahanda sa ganitong okasyon. Hindi ko maiwasang panandaliang malungkot dahil sa hindi natuloy ang last anniversary namin noon sa Pinas, bago kami nagpunta dito. Simpleng dinner lang ang hinanda ko noon, sa kwarto ko. Inayos ko ng husto iyon, pinalitan ang kurtina at bedsheet. Idinikit ko rin sa isang pader ang mosaic ng pictures namin ni Tristan, mula bata kami hanggang sa mga nakalipas na okasyon na pinagsaluhan namin. Naglagay din ako ng isang mesa sa sulok ng kwarto ko para paglagyan ng pagkain at bulaklak, binalutan ko pa ng puting tela. Naglagay din ako ng isang kandila sa gitna ng mesa para mas romantic, kaysa sa dim light na nauna kong naisip sindihan. Hinanda ko na rin ang playlist ng ipapatugtog ko pagdating ni Tristan. Alam ko mas maganda kung nagdinner na lang kami sa restaurant pero gusto ko na merong personal touch ang celebration namin.

Papatunayan ko na ako lang sa'yo, Hinubog mong buhay ko ng pag-ibig mo Mamahalin kita, sa puso ko nandyan ka, Maiintindihan mo rin ako
Nathan sigaw sa akin ni Tristan, dahil doon ay naputol ang pagbabalik-tanaw ko. Ngumiti ako ng makitang papalapit siya sa akin. Kahit siya, abot tenga ang ngiti niya, bawat paghakbang niya papunta sa akin ay mas lalong lumininaw sa paningin ko ang kakisigan niya. Kabs, nagustuhan mo ba? tanong niya sa akin.

Oo naman, so romantic masayang sagot ko sa kanya. Eto pa, para makumpleto ang blue date na pinapangarap mo pagkasabi ay inilabas ni Tristan ang blue tulip bouquet na kanina pa niya tinago sa likod niya. Kabs, salamat sigaw na sagot ko sabay yakap sa kanya. Pagkatapos ng ilang minuto ay kulamas siya sa pagkakayakap at hinila niya ako patungo sa gitna ng hall, sumayaw kami ng sweet sa saliw ng musika. I love you halos pabulong na sabi ni Tristan sabay ngiti. I love you, more sagot ko naman sa kanya. Naka-ilang palit ng kanta ang banda ng magpasya na kaming kumain. Pagka-upo namin ay ikinumpas ni Tristan ang kanyang kamay, lumapit ang waiter sa amin at nilagyan ng wine ang mga baso namin. Cheers sabay taas ko ng baso. For our sixth anniversary masayang pagbati ni Tristan sabay toss sa baso ko. Maya-maya pa ay sinerve na ng waiter ang aming pagkain, java rice, slices of smoked turkey, tenderloin steak for our main course, with vegetable and potato on side dish. Nakita ko rin sa isang table ang dessert namin, cheesecake and fruit salad. Kabs, before we start we need to blow the candle sabi ni Tristan sabaw lapit sa amin ng waiter ng isang white-colored round-shaped cake decorated with blue icing, at may naka-tusok na number 6 na kandila sa taas. Sabay naming hinipan ni Tristan ang kandila, at naghalikan pagkatapos. Kita rin sa mukha ng waiter na kinikilig siya sa amin, nang namalayan niyang nakatingin kami sa kanya ay siya ang ang kusang umalis sa tabi namin bilang respeto. Sabi ni Tristan na tatawagan na lang siya kung meron pa kaming kailangan. Ang ganda ng gabi, ito na yata ang pinaka-romantic na gabi sa amin. Habang kumain kami ay ramdam namin ang sariwang hangin sa labas, pinabuksan muna ni Tristan ang sliding door sa side ng hall para makita rin namin ang kalangitan. Sinasabayan pa rin ng saliw ng musika ang bawat pagsubo at pagnguya namin ni Tristan. Pagkatapos naming kumain ay nag-kwentuhan muna kami ni Tristan, nalaman ko rin na kahit siya ay nagulat sa ginawa niya. Maya-maya pa ay niyaya niya ulit ako sa gitna ng hall para mag-sayaw. Habang nagsasayaw kami ay bumitaw siya, kinuha ang singsing sa kanyang bulsa, at lumuhod sa harap ko. Nathan, would you be my husband? kinakabahang tanong niya, hindi ko sinuot ang singsing, dahandahan kong hinila ang kamay niya para makatayo siya. Nginitian ko siya at nilapit ang labi ko sa tenga niya. No madiing bulong ko sa kanya. I think this is you worst idea ever dagdag ko pa. Pagkatapos ay lumakad na ako palayo sa kanya.

Chapter Twelve Dubai Airport Terminal Three Nasa gitna ulit ako ng pila, muli ay ramdam ko ang mainit na sikat na araw pero kagaya ng dati wala pa ring epekto sa akin ito. Nakita ko na naman ang ibat ibang hitsura ng mga tao pero sa pagkakataong ito, tumagal na ng minuto bago pa sila tuluyang mapalitan sa paningin ko. Mas ramdam ko na rin ang emosyon na nakikita ko sa mukha nila, kitang kita ko kung gaano kasaya, kalungkot, katakot, at ka-inis. Gusto ko man silang tanungin pero parang dati pa rin na hindi pwede, dahil parang ang layo nila sa akin, kahit na kitang kita ko sila sa harapan ko pakiramdam ko hindi nila ako nakikita at nasa malayong lugar sila. Sa pagtingin ko sa kalawakan ng disyerto, mas naaaninag ko na si Tristan, maraming beses na lumalapit na siya sa akin pero kagaya ng dating pananatili ko dito sa pila ay hindi ko pa rin siya mahawakan at maka-usap. Iba-ibang emosyon din ang nakikita ko sa kanya, masaya, malungkot, natatakot, pero isa lang ang sigurado ako, ramdam ko ang pagmamahal niya. Gustong-gusto ko siyang mahawakan at makasama pero hindi pwede, sa tuwing mas malapit siya sa akin ay sandali ko lang siyang nakikita. Sa kabilang panig ng disyerto ay pa-minsan-minsan kong nakikita si Omar. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, katulad ito ng unang beses siyang naki-usap siya sa akin sa resort. Para pa rin siyang nagmamaka-awa sa akin, sa bawat sandali na nakikita ko siya ay mas lumalalim pa ang kanyang mga mata. Ibang-iba ang hitsura niya dito, kahit isang beses ay hindi ko nakita sa kanya ang aliwalas ng mukha na pinapakita niya sa ibang tao kahit na nalulungkot siya. Ngayon ay ramdam ko na, malapit na ako sa unahan ng pila. Nakikita ko na kasi ang unahan, kulang sa sampung tao na lang ang nasa kaharapan ko. Mas natuwa ako dahil konting panahon na lang ay malalaman ko na kung ano ang nasa unahan ng pila at kung bakit ako nakapila dito, at higit sa lahat kung ano ang kinalaman ni Tristan at Omar kung bakit ako nandito. Sa maraming buwan na dinadala ako ng panaginip ko sa lugar na ito, malalaman ko na ngayon ang kasagutan. Lima. Apat. Tatlo. Dalawa. Isa. Sa wakas, nasa unahan na ako ng pila, pero bakit ganito, wala akong ibang makita kung hindi ang kalawakan ng disyerto. Sa tagal kong nakapila dito wala pala akong aabutan dito, hindi ako uhaw pero kahit paano ay nag-expect ako ng oasis o drinking fountain o kahit isang bote lang ng tubig. Nawala ang pagkasabik ko, para akong isang batang pinangakuan ng magulang ko ng laruan pero hindi naman nila tinupad. Dahil sa pagkadismaya ko nagpasya na akong umalis, pero bakit ganito, parang kinain ng buhangin ng disyerto ang paa ko, hindi ako maka-alis. Maya-maya pa ay may nakita akong maliit na ipo-ipo ng buhangin na papalapit sa akin, ikot ito ng ikot hanggang sa makarating sa harapan ko. Pero kahit sa dami ng buhangin tumatama sa mukha ko ay hindi ako napupuwing. Patuloy pa rin sa pag-ikot ito, bumabagal ang ikot, pabagal ng pabagal, bawat ikot nito ay lumilinaw ang anyo ng isang tao. Mula sa mga butil ng buhangin ay unti-unting nabuo sa harapan ko si Tristan. Sa pagkakita ko sa kanya ay labis ang tuwang naranasan ko, gusto ko siyang hagkan pero hindi ako maka-alis sa pwesto ko dahil nakabaon pa rin sa buhangin ang paa ko. Pilit ko siyang inaabot pero hindi ko nakikita sa kanyang mukha ang kagalakan na makita niya ako, kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Kagaya ng mga nasa nakatabi ko sa pila, kahit na magkalapit lang kami ni Tristan ay parang napakalayo niya sa akin, batid ko na hindi niya ako nakikita.

Kaway ako na kaway pero hindi ko pa rin mapukaw ang kanyang atensyon hanggang sa dahan-dahan siyang naglaho, kung paano siya binuo ng butil ng buhangin kanina, ganoon din ang pagkawala niya ngayon. Dahan-dahang kumalas ang mga butil ng buhangin sa kanya, unti-unti siyang naglalaho. Isang malakas na hangin ang dumaan na tuluyang nakapagpalaho kay Tristan. Tuluyang sumama ang butil ng buhangin na bumuo kay Tristan sa hangin, palayo sa akin, papunta sa kalagitnaan ng disyerto. Hindi ko inaalis ang tanaw ko sa hangin, hanggang sa namalayan kong pabalik ito sa akin. Muli akong nakaramdam ng tuwa dahil sa umaasa akong muling bubuuin ng buhangin si Tristan. Sa bawat pag-ikot ng hangin ay mas lalong dumadami ang sumasamang buhangin. Pabilis ng pabilis ang ikot nito at parami ng parami ang dala nitong buhangin. Maya-maya pa ay pumunta na ito sa harapan ko, mali ang inakala kong bubuuin niya muli si Tristan, sa pagkakataon ito nilamon ako ng ipoipo ng buhangin. Tinangay ako ng ipo-ipo at wala akong kaalam-alam kung saan ako dadalhin, hindi ko makita ang paligid dahil sa kapal ng buhangin at mabilis na ikot nito. Kahit pabilis ng pabilis ang ikot nito ay wala akong maramdamang pagkahilo. Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko ang pagbagal ng ikot, pabagal ito ng pabagal at kumakawala na rin ang maraming butil ng buhangin. Nang tuluyang huminto ang ikot at mawala ang lahat ng buhangin ay namalayan ko na lang na naka-upo ako sa isang silya, sa kwarto ko sa bahay namin sa Pinas. Sa nakaharap na dingding sa akin ay nakita ko ang mosaic ng pictures namin ni Tristan. Habang nakatitig ako doon ay nakapukaw ng aking pansin ang nakasinding kandila na nasa harapan ko, nasa ibabaw ito ng mesa na binalutan ng puting tela. Napansin ko rin ang dalawang plato sa ibabaw ng mesa, katabi nito ang kutsara at tinidor. Muli kong inikot ang aking paningin sa buong kwarto, ngayon ay naiintidihan ko na ang lahat. Tristan, diretso ka na lang sa kwarto. Happy Anniversary text ko sa kanya. Nangawit na ako sa pagkaka-upo pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Kabs, nasaan ka na? muling text ko sa kanya. Lumipat ako sa kama ko, inabutan na ako ng antok pero hindi pa rin tumutunog ang phone ko. Pinakalma ko ang sarili ko, hindi ako pwedeng mainis dahil espesyal ang gabing ito para sa amin. Kinondisyon ko ang sarili ko na merong hinahandang surpresa si Tristan kaya natagalan siya. Pinatugtog ko na ang ginawa kong playlist, dalawangpung kanta na binubuo ng pinaghalong paborito naming mga kanta ni Tristan. Sa bawat kantang tumutugtog ay binabalik nito ang isang alaala sa relasyon namin ni Tristan, dahil sa pagbabalik tanaw ko ay nawala ang pagka-inip ko. Diretso lang sa pagtutog hanggang maubos ang mga kanta, bago mag-ulit iyon ay nagpasya na akong tawagan si Tristan. Naka-ilang dial na ako sa number niya pero hindi ko siya matawagan dahil naka-patay ang phone niya. Nagsimula na akong mag-alala para kay Tristan, ang daming umiikot sa utak ko, paano kung merong masamang nangyari sa kanya. Pero bakit hindi ako sinabihan ng pamilya niya, alam naman nila kung gaano kami kalapit ni Tristan sa isat isa. Tama. Bakit hindi ko naisip iyon. Jacob, kumusta na? bungad ko sa nakakabatang kapatid ni Tristan, mas bata siya ng dalawang taon sa kuya niya, sa ganitong pagkakataon kasi siya ang lagi kong tinatawagan. Dala siguro ng tensyon sa okasyong ito kaya nakalimutan ko siyang natawagan.

Nathan sagot naman niya sa akin, kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam ko ang pinaghalong lungkot at kaba sa boses niya. Nandyan ba ang kuya Tristan mo? tanong ko kanya. Umalis na siya sagot naman nito. Ah ok, siguro malapit na siya dito masayang sabi ko. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa sagot niya. Nathan, hindi diyan ang punta niya malungkot pa rin sabi ni jacob. Anong ibig mong sabihin? takang tanong ko sa kanya. Pasensya na, iyon lang ang pwede kong sabihin sayo muling sagot ni Jacob sabay baba ng phone niya. Umalis na si Tristan pero kung hindi siya dito pupunta, saan? At bakit pinagbawalan si Jacob na makipag-usap sa akin? ang mga sunod-sunod na tanong sa utak ko pagkatapos kong kausapin si Jacob. Pilit ko pa ring pinakalma ang sarili ko, inisip ko pa rin na merong inihandang surpresa si Tristan sa akin at kinuntsaba lang niya si Jacob para hindi ito mabunyag. Alas onse ng gabi, pwede pa. Pwede pang mag-dinner dahil meron pang isang oras bago matapos ang araw na ito. Patuloy pa rin ako sa pakikinig ko sa playlist, muling dinagdagan ang mga alaalang pumapasok sa utak ko, at muli kong tinignan ang mosaic na ginawa ko. Kalahating oras na rin ang nakalipas pero wala pa rin akong natatanggap na tawag o text mula kay Tristan at patay pa rin ang phone niya. Nagpasya akong lumabas ng bahay at hintayin sa labas ng gate para doon na siya hintayin. Atan, hindi ka pa ba matutulog? sigaw sa akin ng nanay ko makalipas ang kinse minutos na paghihintay ko sa gate. Nay, mamaya na po, nagpapahangin lang sagot ko sa kanya. Bakit dyan ka pa nagpapahangin, meron naman tayong electric fan sa loob muling sigaw sa akin ng nanay ko. Para maiba lang po, gusto ko ng sariwang hangin ngayon balik sa sigaw ko sa kanya. O sya, sige, ikaw ang bahala. Ikaw na rin ang mag-lock ng gate at pinto sigaw ulit sa akin. Opo sagot ko sa kanya. Hindi ko na sinabi sa nanay ko na hinihintay ko si Tristan. At kahit sabihin ko wala naman kaso sa kanila kasi kahit anong oras naman ay pwede siyang pumunta sa amin. Katulad na pamilya ni Tristan, alam nila kung gaano kami kalapit sa isat isa pero hindi nila alam na may namamagitan sa amin. Sa katunayan nga nahirapan akong mag-ayos ng kwarto kanina, kapag nakita nila iyon baka maghinala na sila sa amin ni Tristan.

Five thousand. Four thousand. Three thousand. Two thousand. One thousand. Alas dose na ng madaling araw. Tapos na ang araw, tapos na ang anniversary namin ni Tristan, hindi ko man lang siya nakita. Isang text lang ang natanggap ko sa kanya sa buong araw na ito. Nathan, happy anniversary. Mahal na mahal kita, alam mo iyan. Sana mapatawad mo ako sa aking kasalanan text niya sa akin kaninang umaga, nabasa ko pag-gising ko. Kasalanan, ang lambing talaga ni Tristan, kahit wala siyang ginagawang pagkakamali ay lagi siyang humihingi ng tawad. Ni-lock ko ang gate, pumasok ako ng bahay at ni-lock na rin ang pintuan. Inikot ko ang buong bahay para tignan kung may naka-bukas pang bintana, nang masigurado kong sarado na ang lahat at pinatay ko ang ilaw. Pumasok ako sa aking kwarto, luhaan ang puso ko pero pinunasan ko iyon. Alam ko may dahilan si Tristan, hindi niya sinasabi sa akin kapag may sakit siya, kadalasan kay Jacob ko lang nalalaman na buong araw na palang nakahiga si Tristan sa kanyang kwarto dahil nilalagnat siya. Kunwari ayaw niya akong nag-aalalang maysakit siya pero hindi niya alam na nag-aalala ko sa bawat minutong hindi siya nagte-text o tumatawag. Happy Anniversary mahinang usal ko pagpasok ko ng kwarto. Hinipan ko ang kandila at niligpit na ang mga plato at pagkain. Bukas ko na lang ilalabas kapag natiempuhan kong walang tao sa bahay. Minabuti kong idaan na lang sa tulog ito para maka-iwas sa pag-iisip. At bukas paggising ko ay maaga akong pupunta kina Tristan para iabot at binili kong regalo at dadalhan ko na rin siya ng prutas. Tatlong segundo, dalawang minuto, isang oras, hindi pa rin ako makatulog. Inikot ko na yata ang kabuuan ng kama ko, kulang na lang pumuwesto ako sa baba para lang makatulog. Sa pag-iikot ng mata ko sa kwarto ko, nakita ko na ang makakapagpatulog sa akin. Beer

Nais kong magpakasabog, dahil olats ako Kahit ano hihithitin, kahit tambutso Kukuha ako ng beer at ipapakulo Sa kaldero't lalanghapin ang usok nito Lahat ay aking gagawin, upang hindi ko na isiping nag-iisa na ako
Ang saya. Ito ang unang pagkakataon na uminom akong mag-isa. Balak kong uminom lang ng dalawang bote, yung saktong pampatulog lang. Ayokong makarami ng inom, gusto ko kasi maaga akong magising mamaya para kaagad kong mapuntahan si Tristan, sabik na akong makita siya. Alas dos ng madaling araw, naka-dalawang bote na ako ng alak. Kaya pa bulong ko sa sarili ko. Alas tres na, apat na bote na ang napatumba ko. Pwede pa, hik, alas kwatro ng madaling na yata ng tuluyan akong sinipa ng walong bote para makatulog na ako. Tok. Tok. Tok. Atan, tanghali na, gising ka na ng makakain na tayo nagising ako sa sigaw ng nanay ko. Alas dose na pala ng tanghali kaya naman nagmadali na akong maligo at magbihis. Sa pagkakataong iyon ay nakalimutan ko ang nangyari kagabi at nanaig ang kasabikang makita ko si Tristan.

Saan ka pupunta? Kanina ka pa namin hinihintay tapos hindi mo man kami sasabayang kumain malungkot sa sabi ng nanay ko, sabay tingin sa mga nakakabata kong kapatid at ibang pinsan na madalas mamasyal sa amin. Nay, emergency lang po. Tsaka busog pa po ako, ang dami kong nakain. Eto nga po pala ibang ulam, paki-init na lang po sabay patong ko sa mesa ang plastic na lalagyan na naglalaman ng dapat sana ay kakainin namin ni Tristan kagabi. Emergency pero regalo ang dala mo. At isa pa, paano kang nabusog mukha naman hindi nagalaw ang mga ulam na ito? sunod-sunod na pagpuna sa akin, pati ang paper bag na dala ko hindi niya pinalagpas. Nanay talaga, ang daming napapansin. Sige na po, una na ko, magpakabusog po kayo paalam ko sa kanila.

Pagbaba ko ng jeep ay excited akong naglakad papunta kina Tristan, limang minuto pa ang lalakarin papunta sa kanila mula sa kantong binabaan ko. Isat kalahating minuto ng paglalakad ang nakalipas nang masalubong ko ang kababata ni Tristan. Nathan, bakit wala ka kahapon? Masyado ka ng huli para sa despedida ni Tan-tan masaya ngunit nagtatakang salubong niya sa akin. Despedida? takang tanong ko sa kanya. Hindi mo ba alam, kagabi ang alis niya papuntang Dubai sagot niya sa akin. Ang dami pa niyang sinasabi pero hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon na marinig pa, hanggang sa namalayan kong wala na pala siya sa harapan ko. Sa kalagitnaan ng daan ay hindi ko napigilan ang pagluha ko. Kasabay ng pagbagsak ng luha ko ay ang pagbagsak ng mga dala kong prutas sa lupa, kasunod noon ay ang malakas na pagkabasag ng house figurine na regalo ko kay Tristan.

Sir, were here paggising sa akin ng taxi driver na makarating kami sa Dubai Airport Terminal Three. Ok, thanks. Keep the change pag-abot ko ng bayad sa kanya. Pumasok ako sa airport, dala-dala ang isang travelling bag at sa kabilang kamay ay hawak ko naman ang blue tulip bouquet na inabot ni Tristan sa akin kanina sa ballroom hall. Kahit dalawang oras pa bago ang flight ko ay minabuti ko ng mag-check in.

Atan, ako na ang magdadala ng bag bulong ng lalaki sa likod ko pagpasok ko ng waiting area. Elias, ako na. Magaan lang naman ito sagot ko sa kanya.

Chapter Thirteen Dubai Creek Kasabay ng bawat lakad ni Nathan palabas ng ballroom hall ay ang masaganang pagbuhos ng luha ko, sinabayan rin ito ng madamdaming pagtugtog ng live band. All this years akala ko ok na kami ni Nathan, naging masaya ako sa piling niya dito, kung ano man ang hindi namin nagawa sa Pinas dati ay malaya naming nagawa dito.

Wala na kong magagawa, Para mapigilan ka Tinatanong ko ang sarili, Kung san ako nagkamali
Di ko rin inakala, Na ika'y mag-iiba O kay saya ko sa 'yong piling, Bibitaw ka rin pala Nanigas ako ng ilang minuto sa pagkakatayo ko, ang paningin ko ay nakapako sa mga hakbang ni Nathan. Bago niya tuluyang nilisan ang hall ay kinuha niya ang blue tulip bouquet na binigay ko kanina sa kanya. Nagkaroon lang ako ng lakas ng loob pagkasara ng pinto, nang mawala si Nathan sa paningin ko. Napakabigat ng unang hakbang pero kinaya kong igalaw ang aking paa para mahabol ko siya, kahit walang kasiguraduhan kung saan ako dadalhin nito. Pangalawang hakbang, umasa ako na maka-usap ko siya bago makalayo ng hotel na ito. Pangatlong hakbang, unti-unti ng gumagaan ang aking pakiramdam. Pang-apat na hakbang, patuloy pa rin ang aking pagtatanong kung bakit nagawa ito ni Nathan. Mula sa mabagal na paglalakad ay dahan-dahan ko nang tinakbo ang pintuan, ilang minuto pa ang narating ko ang harap ng pintuan, iyon na yata ng pinakamahabang tinakbo ko sa buong buhay ko, bawat hakbang parang isang oras ang katumbas. Pagtapat ko sa pintuan ay hindi ko muna ito kaagad binuksan, kumuha muna ako ng lakas ng loob para saluhin lahat ang paningin na dadapo sa akin pagbukas ko ng pintuan. Alam kong nakapukaw na ng atensyon ang paglabas ni Nathan kanina at mas magtataka pa sila kung makikita nila akong lalabas. One, two, three. Eto na.

Paglabas ko ng pintuan ng airport ay sinalubong ako ng pinsan ko, kakadating ko lang ng Dubai. Tan-tan, ang lungkot mo naman? salubong sa akin ng pinsan ko. Jetlag lang siguro ito malungkot kong sabi sa kanya. Sa lahat ng sinasalubong ikaw na ang pinaka-malungkot dagdag pa niya. Akala ko pagtapak ko dito ay kaagad mawawala ang lungkot na nararamdaman ko. Sa unang araw ko dito ay pinasyal ako ng pinsan ko, dinala niya ako sa Dubai Creek. Insan, may emergency lang sa office. Ang kulit kasi nila, nag-leave na nga ako ngayong araw para masahan kita pero tawag pa rin sila ng tawag sa akin paalam sa akin ng pinsan ko.

Paano ito, hindi ko pa alam ang lugar na ito takot na sabi ko sa kanya. Basta, diyan ka lang. Hindi naman ako magtatagal. Huwag kang mag-alala, mukha lang nakakatakot ang mga tao dito pero walang masamang mangyayari sayo. Iwan ko sayo itong isang phone ko, para matawagan kita mamaya. Yung binili kong sim card mo, bukas pa lang kasi ma-aactivate yon paliwanag niya. Sige. Kaagad mong ayusin ang problema mo sa babae mo, ha biro ko sa kanya. Anong babae? Yung boss ko nga ang tumatawag pagpupumilit niya. Naku, huwag mo na nga akong pagsinungalingan pa. Kahit bago pa lang ako dito marami na akong alam. Sabado ngayon at alam kong wala kang pasok. Ikaw talaga kahit saan ka magpunta babaero ka pa rin biro ko sa kanya. Kilala mo talaga ako. Pasensya na, promise sandali lang ito muling paalam sa akin. Naupo lang ako sa may tabi ng Creek, pinagmasdan ang mahinhing agos ng tubig. Maya-maya pa ang namalayan ko na lang ang mga huling araw ko sa Pinas. Please po, nakiki-usap ako inyo. Payag po ako sa pagpunta ko ng ibang bansa, pero sana naman po paki-usapan ninyo ang pinsan ko na i-delay kahit isang araw lang ang flight ko pagmamaka-awa ko sa mga magulang ko. Isang araw bago ang anniversary namin ni Nathan ay sinabi nila sa akin na pupunta ako ng Dubai kinabukasan. Wala akong ka-alam-alam sa plano nila sa akin, inasikaso ng magulang ko ang mga papeles ko para makapunta ako ng doon. Tan-tan, tigilan mo na iyan, alam na namin ang lahat sa inyo Nathan at sinadya naming itapat ang araw ng alis mo sa araw ng anniversary ninyo galit na sigaw ng tatay ko. Paano nyo po nalaman? takang tanong ko sa kanila. Hindi na importante kung kanino at paano namin nalaman. Hindi na kayo nahiya, ginalang namin ang pagka-kaibigan ninyo pero anong ginawa ninyo, apat na taon nyo na pala kaming niloloko. Mula ngayon hindi ka na lalabas ng bahay, hindi ka na rin makakagamit ng phone at computer. Mamayang gabi ay matutulog ka sa kwarto namin ng nanay mo matigas na sabi sa akin ng tatay ko. Pagkatapos niya akong sermunan ay iniwan niya akong umiiyak sa sala namin. Nang hindi na makapigil ang nanay ko ay nilapitan niya ako at niyakap. Iyon ang unang pagkakataon na ginawa sa akin ang nanay ko, alam kong may kasalanan din ako sa kanya pero binalewala niya muna iyon, imbes na galit ay awa ang naramdaman sa akin. Nang mahimasmasan ako ay nag-usap kami, pero kahit siya wala ring magawa para pigilan ang pag-alis ko bukas. Nang matapos kaming mag-usap ay tinulungan niya akong mag-impake ng mga gamit ko. Kahit naman sino ang nasa lugar ko ay siguradong mabibigla sa biglaang pag-alis ko. Dahil sa kinuha nila ang cellphone ko at hindi na rin pinayagang makagamit ng computer ay hindi na ako nakapag-paalam pa sa mga kaibigan ko. Araw ng ika-apat na anibersaryo namin ni Nathan, imbes na abala ako sa pagbili ng regalo kay Nathan ay minabuti ko na lang tulungan ang aking magulang sa paghahanda sa aking despedida.

Tan-tan, eto ang phone mo. Naki-usap ako sa tatay mo kung pwede mong batiin si Nathan at pumayag naman siya masayang sabi sa akin ni nanay. Maraming salamat po masayang sabi ko. Pero kailangan kong mabasa ang text mo, hindi mo rin pwedeng sabihin sa kanya na aalis ka na paliwanag ng nanay ko. Opo maikling tugon ko. Hindi na ako nag-dalawang isip pa na umapela sa kanila, kung kukulitin ko pa sila baka bawiin rin ang pagkakataong mabati ko sa Nathan. Nathan, happy anniversary. Mahal na mahal kita, alam mo iyan. Sana mapatawad mo ako sa aking kasalanan text ko kay Nathan, wala na akong pakialam kung mabasa pa iyon ng magulang ko, ang importante ay nabati ko siya. Masakit sa akin na iwan si Nathan ng ganoon na lang, ang bigat sa pakiramdam ko na hindi ko man siya mayakap at mahalikan bago ako umalis, at ang masakit ay hindi man ako makapag-paalam sa kanya. Alam kong may hinahandang surpresa sa akin si Nathan noong araw na iyon. Basta, gabi ka na lang magpunta ng bahay pagpupumilit niya sa akin. Balak ko sana out-of-town tayo sabi ko sa kanya. Ipunin mo na lang ang pera mo, hindi naman kailangan ng malaking selebrasyon. Basta, ako na ang bahala pagpigil niya sa akin. Kung sakaling pumayag si Nathan sa out-of-town namin may posibilidad pang hindi matuloy ang pagpunta ko ng Dubai, pero kahit ano pang gawin ko nandito na ako. Lagi kong tinatawagan si Nathan, pero hindi siya sumasagot hanggang sa nalaman ko na lang nagpalit na siya ng number at kahit kay Jacob ay hindi niya binigay. Hindi rin siya sumasagot sa mga e-mail ko. Naintindihan ko naman siya, alam kong wala akong karapatang magalit o magtampo sa kanya dahil kasalanan ko ang lahat ng ito. Sinuwerta akong makahanap ng trabaho dito, hindi katulad ng ibang visit visa na matagal bago makahanap ng trabaho, tatlong lingo pa lang ay natanggap na ako bilang engineer sa isang construction firm. Lumipas ang mga buwan at unti-unting nawala ang sama ang loob ko sa sarili ko, tinutok ko ang oras ko sa aking trabaho. Rush hour, kakalabas ko trabaho at nag-bus ako pauwi, bumaba ako sa Fish R/A. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may nasalubong ako at hindi ko napigilan ang banggaan namin, buti na lang at walang natumba sa amin. Pare, sorry nahihiyang sabi ko sa kanya. Tristan? tanong sa akin ng lalaki, hindi ko pa nakita ang mukha niya dahil nakayuko ako.

Nathan masayang sabi ko ng makita ko ang mukha niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya niyakap ko siya, mahigpit. Pero wala akong nakuhang sagot sa kanya, hindi man niya niyakap. Pero ayos lang, ang importante nagkita kami. Nahihirapan akong huminga reklamo ni Nathan. Sorry, masaya lang talaga akong makita ka paumanhin ko sa kanya. Its been months ago bago ko siya iniwan at hindi pa kami nag-uusapan noon kaya naman hindi ko alam kung paano siya kausapin, I mean kung paano sisimulan ang usapan namin. Buti na lang at pumayag siyang kumain kami sa labas. Nalaman ko rin na isang buwan pa lang siya dito at kinuha siya ng kasama niya sa trabaho dati sa Pinas. Direct hire naman siya kaya pagpunta dito ay may trabaho na siya kaagad, at swerte niya kasi sa government pa. Tristan, kung ano man ang nangyari dati hayaan na natin iyon, tapos na iyon. Naglaho na kung ano man ang naidulot sa atin, ayoko na sana pang balikan iyon. Matagal na akong nakapag-move on at ayoko ng maramdaman ulit kung ano man ang naramdaman ko dati. Dapat maging masaya tayo dahil nagkita tayong muli panimula ni Nathan pagkatapos naming kumain. Ok. Ibig sabihin hindi ka na galit sa akin? naglakas-loob na akong tanunging siya. Sabi ko nga, huwag na nating pag-usapan iyon, ang importante nagkita tayo. Siguro nagtataka ka kung bakit hindi ako tumawag sayo pagdating ko dito. Aaminin ko, sinadya ko iyon, ang point ko kasi kung papayagan ng tadhana na magkita tayo ulit, then magkita tayo paliwanag ni Nathan. Mula noon ay madalas na kaming magkita ni Nathan, at makalipas pa ang ilang linggo ay balik kami sa dati. May kurot pa rin sa puso ko dahil hindi ko pa tuluyang nalalabas ang bigat sa loob ko, ilang beses akong nagtanggkang kausapin ulit si Nathan tungkol sa nakaraan namin pero sa palagay ko tama siya, hindi na kailangan pang balikan ang nangyari. Dapat i-enjoy na namin ang muli naming pagkikita at umasa na bibigyan kami ng mas magandang pagkakataon ng kapalaran ngayon. Inalis ko na sa isip ko kung ano mang ang aking pinangangambahan pa, ang importante ay kailangan kong bumawi sa Nathan sa pagkakataong ito. Gagawin ko ang lahat para patunayan ko sa kanya na nagsisisi ako sa nagawa ko. Paano iyon, back to zero tayo? nahihiya kong tanong sa kanya noong nagka-ayos kami. Mas maganda siguro kung ituloy na lang natin ang bilang, ilang buwan lang naman ang naapektuhan, isipin na lang natin na pinaka-down na parte ng relasyon natin iyon. Sayang kasi yung apat na taon kung sisimulan natin sa zero ang bilang paliwanag ni Nathan. Ok, sabi mo eh. Ngayon tayo na ulit, baka pwedeng magsaman na tayo? tanong ko sa kanya. Oo naman, ikaw lang ang hinihintay kong magtanong niyan masayang sagot niya.

Naging kami ulit ni Nathan at nagsama kami sa isang kwarto. Sa pagkakataong ito, mas naging masaya kami, sinulit namin ang bawat oras na magkasama kami. Ang saya ko kasi para na kaming mag-asawa dahil sa set-up namin, ito yung pinapangarap namin sa Pinas dati kaya lang hindi kami nabigyan ng pagkakataon. Nathan, nasabi ko na sa amin na magkasama na tayo dito masayang salubong ko kay Nathan. Ano ang sabi nila? Hindi na ba sila galit sa akin? takot na tanong ni Nathan. Relax, wala na sa kanila iyon. Ok na tayo sa kanila masayang sagot ko. Naging maayos na ang lahat sa amin ni Nathan, pwera na lang sa ikalimang taong anibersaryo namin na hindi namin naipagdiwang noong araw na iyon. Alam ko ayos na ang lahat sa amin ni Nathan, pero mali pala ako.

Sandali lang Wag mo munang Sasabihing ayaw mo na Di ba pwedeng Pagusapan ang lahat ng ito
Muli kong nakita ang sarili ko sa gitna ng ballroom hall, kung saan ako iniwan ni Nathan. Ang daming tanong na umiikot sa utak ko. Bakit ako iniwan ni Nathan? Seryoso ba siya sa kanyang ginawa o isa lang ito sa mga surprise niya? Lahat ba ng surprise ay maganda o meron ding masasaktan ka? Sabi niya sa aking nakapag-move on na siya? Kung may natitira pang galit sa kanya, bakit ang saya ng dalawang taong magkasama kami dito? Ano ito, ginagantihan ba niya ako? Ano ang susunod kong gagawin, hahanapin ko ba siya o hahayaan ko na muna siya? Kailangan ko pa ba siyang kulitin na kausapin ako o tanggapin ang katotohanang iniwan na niya talaga ako? Ang sakit pala, ang sakit na iwanan ng taong mahal mo ng hindi mo alam ang dahilan. Ganito pala ang pakiramdam ni Nathan noong iwan ko siya, ganito nga ba o mas higit pa dito ang sakit. Kung ano man ang ginawa niya, ayoko siyang husgahan, katulad ng ginawa niya malamang maghintay ako kung kailan niya ako kakausapin o kung kailan kami magkikita ulit. Gustuhin ko man sundan si Nathan ay hindi kaya ng katawan ko, parang hindi lang puso ang namanhid sa akin kungdi ang buo kong katawan. Dahan-dahan akong lumuhod sa sahig, para akong batang iniwan ng magulang kung maka-iyak ako. Sa dami ng luha na lumabas sa mata ko ay hindi ko pa rin maintindihan ang nangyari sa akin, bakit, bakit, bakit? Ang daming bakit pero umaasa pa rin ako na muling bubukas ang pintuan at papasok muli si Nathan, pero alam ko imposible yon. No bakit iyong ang nasagot sa akin ni Nathan. Siya ang nag-ayos ng relasyon namin pero bakit siya uaayaw ngayon.

Chapter Fourteen Rockys Caf (Part Two)

Cause baby tonight the DJ got us falling in love again


Yeah baby tonight the DJ got us falling in love again So dance dance Like its the last last night of your life life Im'ma get you right Cause baby tonight the DJ got us falling in love again Hindi nga? Fall in love? Siguro nga sobra akong nahulog sa pag-iibigan namin ni Nathan kaya masyado akong nahihirapang umahon. Pag-iibigan? Iyon nga ba ang dapat kong gamiting salita sa namagitan sa amin ni Nathan? Alam ko kasalanan ko ang lahat, ako ang unang nang-iwan pero pakiramdam ko ngayon niloko ako, pero hindi ko sinisisi si Nathan. Sinong nanloko sa akin, malamang sarili ko. Naghintay ako ng kalahating oras sa ballroom hall, pinipilit ko pa ring kumbinsihin ang sarili ko na babalik pa si Nathan, pero mga paa ko na rin ang naglayo sa akin sa lugar na iyon. Sa bawat minutong nakikita ko ang pinaghandaan ko ay mas lalong dumadami ang sakit na nararamdaman ko. Pagkalabas ko ng Raffles Hotel ay di ko pa rin alam kung saan ako pupunta, hanggang sa makarating ako sa Rockys Caf. Pero bakit dito? Baka may makakilala sa akin, pagkatapos ko siyang bigyan ng kwintas sa lugar na ito, dito ko pa balak maglasing. Siguradong iisipin nilang nagkaproblema kami ni Nathan at pagtatawan pa ako, pero bahala na. Ayoko na kasing pumunta ng iba pang bar, Thursday night, for sure puno na rin ang mga iyon. Atleast dito nakakuha pa ako ng isang table. Teka, bakit kinakausap ko ang sarili ko, lasing na ba ako. Nakaka-isang pitcher pa lang naman ako, kaya pa ito, order pa ako ng isang pitcher mahabang litanya ko sa sarili ko. Sa pagkakataong iyon, wala na akong pakialam kung may makakilala pa sa akin o sa ginawa ko kay Nathan dito, ang importante ay makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero bakit ganoon, tila hindi mahugasan ng alak ang pait sa puso ko at hindi rin magawang mabingi ng puso ko kahit malakas ang tugtog sa bar. Can I join you? tanong ng isang lalaki na tumapik sa likod ko. Omar, ikaw pala. Sure, upo ka lang. Marami akong iku-kwento sayo pagyaya ko sa kanya. Alam kong kahit siya natutuwa o naaawa sa akin, hindi napagtakpan ng formal attire ko ang nakakalunos kong hitsura.

Mukhang nakakarami ka na puna ni Omar sa akin. Nakita niya siguro yung isang pitsel na wala ng laman pero hindi pa rin kinukuha ng waiter. Pati yung isang pitsel na kaka-serve pa lang siguradong hindi nakawala sa paningin niya. Konti pa lang ito, dapat makarami ako ng inom. Sandali hingi tayo ng isa pang baso sagot ko kanya, pagkatapos ay itinaas ko ang kamay ko para makatawag pansin sa waiter. Buti naman ay kaagad lumapit yung isa. Nanghingi ako ng isa pang baso sa waiter, nag-order pa ng pulutan, at pinakuha na rin ang pitsel na walang laman. Omar, ang sakit pala panimula ko. Sandali, kailangan mai-kwento ko muna sayo para naman makarelate ka pagkatapos uminom ako ng isang basong beer, pampalakas loob para masabi ko ang lahat ng nangyari kay Omar, pero ako ang nabigla sa sinabi niya. Tristan, alam ko na pagbubunyag niya sa akin. Pakiramdam ko nawala ang kalasingan ko ng ilang segundo. Nagtaka ako kung paano niya nalaman pero mas nagtataka ako dahil sa ingay sa bar ay nakuha naming magkaintindihan kahit na hindi kami pasigaw kung magsalita. Kung mag-usap kami ay parang wala kami sa loob ng maingay na bar. Paano mong nalaman? Wala ka naman doon? sunod-sunod na tanong ko, tila ba tumatanggi ako na meron talaga siyang alam. Hindi ko man nakita ang eksaktong nangyari pero alam kong may gagawin si Nathan na masasaktan ka. Ilang araw pa lang akong nakatira sa inyo noon nang marinig ko siya na may kausap sa phone, sinigurado niyang matutuloy nga ang gagawin niya sa iyo. Tristan, pinigilan ko siya, naki-usap ako sa kanya na huwag nang ituloy iyon dahil pati siya masasaktan din, pero matigas ang kanyang pagtanggi. Muli akong naki-usap na palagpasin muna ang anniversary ninyo pero ang sagot niya sa akin ay naka-plano na ang lahat, mas masakit pa nga daw kung sa mismong araw ng anniversary ninyo niya gagawin mahabang paliwanag ni Omar. Umalis ako sa inyo kasi ayaw kong ma-guilty dagdag pa niya. Wala ka namang kasalanan at salamat sa pagmamalasakit mo. Pero may dahilan si Nathan para gawin sa akin iyon, hindi ko siya masisisi malungkot na tugon ko kay Omar. Ganoon na lang ba iyon? Hindi mo man lang siya kaka-usapin? Pare, nanghihinayang ako sa relasyon ninyo, its almost perfect pangungulit ni Omar sa akin. Ako rin, I thought its perfect pero hindi pala tugon ko. May sasabihin pa ako sayo. Nagtanong ako kay Brooke ng details ng anniversary ninyo at ibinigay naman niya sa akin. Sumunod ako sa inyo sa Raffles, alam kong ikaw ang unang dumating at nakita ko rin siya kung paano siya kainis nang tawagan ka. Nasa lobby lang ako at umaasa na sana hindi matuloy ang binabalak ni Nathan, pero nagkamali ako nang makita ko siyang palabas siyang mag-isa paglalahad ni Omar. Kaya alam mong nandito rin ako? tanong ko.

Oo. Pasensya na, hindi ko naman talaga sadyang sundan ka. Hindi naman sa pinapanalangin ko pero gusto ko lang makatulong sayo kung sakali .. pinutol ko na ang pagsasalita ni Omar. Hindi mo naman kailangan mag-sorry sa akin, and I really appreciate what youve done. Atleast may kasama akong umiinom ngayon masayang sabi ko sa kanya. I also called Brooke. Kinulit niya kasi ako .. muli kong pinutol ang sasabihin ni Omar. Pare, its ok. Wala sa akin iyon. Huwag na sana nating pag-usapan iyon, gusto ko lang uminom pakiusap ko sa kanya. Umorder pa kami ng isa pang pitcher ng beer na nasundan pa ng ilan pang pitcher, sa buong buhay ko ngayon pa lang ako naka-inom ng ganitong karaming beer. Gusto kong malasing pero hindi talaga pwede, siguro epekto pa rin ito ng sakit na nararamdaman ko. Ganito ba talaga kapag nasaktan ka, kahit na lunurin mo ang buo mong pagkatao sa alak ay hindi mo makuhang mamanhid? OMG, Tristan, is that you? gulat na tanong sa akin ni Brooke pagkakita niya sa akin sa loob ng bar. Yes, the torned and devastated Tristan masayang salubong ko sa kanya. Sa pagkaka-alam ko iyon ang unang beses na nakita akong Brooke na ganoon kababa ang hitsura ko, o dahil ito pa lang ang unang beses na nagpakalango ko sa alak. Ano bang nangyari? Tinawagan ako ng Omar, ang sabi lang sa akin ay naglalasing ka dito kaya naman nagmadali akong umalis sa flat pag-aalala pa rin ni Brooke. Nagmadali ka pa sa lagay mong iyan? biro ko naman sa kanya. Paano ba naman para na naman siyang pupunta ng binyag sa suot niya, pati buhok niya todo ayos tapos sasabihin niyang nagmadali siya. Ok fine, nag-ayos na ako kung nag-ayos. Akala ko naman kasi kadugtong ito ng celebration ninyo ni Nathan. Speaking of Nathan, nasaan siya? takang tanong ni Brooke. Brooke, please sit down. Ill take the courage this time to explain to you, sa palagay ko hindi pa kayang magpaliwanag sayo ni Tristan sabat ni Omar sa usapan namin. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni Brook. Ok pare, Ill give you permission to do so pagpayag ko sa pagbo-volunteer ni Omar. Hinayaan ko lang silang mag-usap, wala na akong pakialam kung ano pa ang sabihin ni Omar, pinayagan ko siya dahil kahit paano ay tiwala ako sa kanya at siya lang ang taong makakapagpaliwanag kay Brooke. Kaya ko pa naman, hindi pa ako lasing pero ayaw ko munang balikan ang mga nakaraan oras sa buhay ko. Wala akong magawa, habang nagpapakabingi sa lakas ng tugtog ay tinitigan ko lang ang baso ng beer sa ibabaw ng mesa. Para saan iyon? tanong sa akin ni Nathan pagkatapos ko siyang halikan sa labi. Apat na araw pagkatapos ng huling Valentines Day bago ako mag-graduate ng college. Kagaya ng mga nakaraang Araw ng mga Puso, kaming dalawa ni Nathan ang magkasamang nagse-celebrate, pero sa taong ito ay nag-extend kami. Kumain lang kami sa labas tapos niyaya ko siyang uminom sa kwarto ko.

Hindi ko alam takot na sagot ko sa kanya. Takot ako kasi hindi ko alam ang magiging reaction niya, baka magalit siya dahil bigla ko na lang siyang hinalikan. Takot ako na baka sa isang halik na iyon ay maputol ang aming matagal na pagka-kaibigan. Bakit mo ako hinalikan? muling tanong ni Nathan. Galit ka ba? balik na tanong ko sa kanya. Pero hindi umiik si Nathan. Sa maraming taon na magkakilala kami ay ngayon palang ako nakaramdam ng ganitong katinding hiya sa kanya. Sorry na, kalimutan na lang natin iyon paki-usap ko sa kanya. Pero nagulat ako sa susunod niyang ginawa, hinalikan din niya ako, sa labi, pero kagaya ng paghalik ko sa kanya kanina ay halos dumampi lang ang labi niya sa labi ko. Walang imikan. Buhos ng beer sa baso, tagay si Nathan. Muling nilagyan ng beer ang baso at tumagay ako. Pagkababa ko ng baso sa mesa ay tinignan ko si Nathan, nakatingin din siya sa akin, ilang segundo rin kaming magkatitigan. Maya-maya pa ay bigla akong nakaramdam ng pwersa papunta kay Nathan, parang merong humawak sa aking ulo at sinalubong ang mukha ni Nathan na papalapit din sa akin. Hindi ko man mamulat ang mga mata ko, alam ko naghahalikan kami ni Nathan, unang pagkakataon na malasahan ko ang dila ng iba, unang beses na nakipagpalitan ako ng laway. Ang sarap ng pakiramdam ko, alam ko ganoon din si Nathan, dahil kung hindi siya nasasarapan ay hindi sana naging maalab ang bawat ganti niya ng halik sa akin. Huminto muna kami sandali para makalanghap ng hangin, muling nagkatitigan ng ilang segundo at naghalikan muli. Susunod naming namalayan ay nakahiga na kami sa aking kama, nakatagilid kami pero magkaharapan. Bawat minuto ay nagiging mas maalab ang aming halikan, kung minsan ay siya ang nasa ibabaw, kung minsan ay ako naman. Sa mga sandaling iyon ay ramdam namin ni Nathan na sarili namin ang mundo, para kaming dinala ng kwarto ko sa kakaibang dimesyon. Unti-unting nagtanggalan ang aming mga damit, pagka-alis ng mga t-shirt namin ay pareho naaming naramdaman ang init na dulot ng aming mga dibdib, sa maraming beses ko nang nakitang wala siyang damit pang-itaas ay ngayon ko lang naramdaman ito. Susunod na natanggal ay ang suot naming mga shorts, maraming beses na kaming magkatabing matulog ni Nathan na magkapatong ang aming mga paa pero ngayon ko pa lang naramdaman kainitan ng mga ito. Tanging brief na lang ang natitirang saplot namin pero pareho pa naming hindi tinatanggal, dahil siguro sa kasabikan sa nakatagong parte ng aming katawan na tinatakpan nito o nandoon pa rin ang takot sa posibleng mangyari sa amin. Sigurado ka ba? malambing na bulong ko sa kanya. Oo, sigurado ako masuyong sagot ni Nathan. Ako ang nasa taas kaya ako ang naglakas-loob na magtanggal ng brief ni Nathan na nasa ibaba ko. Dahan-dahan kong inalis iyon habang nakapatong ako sa kanya, ramdam ni Nathan ang panginginig ng aking mga kamay kaya napatawa siya. Nang matagumpay kong natanggal ang saplot niya ay siya naman ang nagtanggal sa aking brief. Maya-maya pa ay ramdam na namin ang kahubaran ang aming mga katawan. Maraming beses na kaming sabay na naligo ng hubot hubad ni Nathan pero ngayon ko

pa lang naiintindihan ang kabuuan ng kanyang ari, ang katigasan nito ang nagbigay ng kakaibang init kaya mas lalong tumigas ang aking ari. Napaka-importante sa akin ng gabing iyon, isa sa mga gabing hindi ko makakalimutan. Ang unang gabing nag-lapat ang mga labi namin ni Nathan, ang unang gabi na naramdaman namin ang init na dulot ng hubad naming mga katawan, ang unang gabing pina-ubaya namin sa isat isa ang kabuuan ng aming mga sarili, ang unang gabing nag-usap kami sa pamamagitan ng masuyong pag-ungol, ang unang gabing pinagpawisan kami kahit na umiikot ang malamig na hangin sa aking kwarto, ang unang gabing naglakbay ang aming mga kamay sa kawatan ng bawat isa, ang unang gabing nag-usap kami sa pamamagitan ng aming mga kilos, ang unang gabi, ang gabi na naging kami ni Nathan. Tayo na ba? hingal kong tanong sa kanya pagkatapos ng ginawa namin, nakapatong ulit ako sa kanya. Ano sa palagay mo? balik na tanong niya sa akin. Wala na bang ligawan? muling tanong ko sa kanya. Sino naman ang manliligaw sa ating dalawa, at isa pa sa tagal na ng pagsasama natin daig pa natin ang nagligawan naka-ngiting sabi ni Nathan. I love you masuyong sabi ko sa kanya, sabay halik sa kanyang labi. I love you too sagot niya sa akin pagkatapos ko siyang halikan. ----Tristan, magsasara na ang bar pagputol ni Brooke sa pagmumuni ko. Ok, magbabayad lang ako para maka-uwi na tayo pagkasabi ko ay hiningi ko na ang bill sa waiter at inabot na rin ang credit card ko. Hinatid ako nina Omar at Brooke pauwi, dahil sa nangyari kanina ay nakalimutan kong dala ko pala ang sasakyan ko at nakalimutan ko sa hotel, nag-taxi lang pala ako papunta ng disco bar. Eto ang unang gabing nagpakalasing ako ng husto, ang unang gabing hindi ko masukat kung gaano kadami ang nainom ko, ang unang gabing nagpakalunod ako sa alak, ang unang gabing hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin. Walang choice si Brooke, lasing din si Omar kaya napilitan siyang mag-isa niya akong alalayan patungo sa kwarto ko, sa kwarto namin ni Nathan. Sige na, matulog ka na nang mawala ang kalasingan mo. Hintayin mo ako bukas, pupuntahan kita. Bye, Tristan lasenggero paalam ni Brooke sa akin pagpukas ko ng pinto ng flat namin, nagpahabol pa ng biro. Ok maikling tugon niya sa akin. Pagka-alis niya ay dahan-dahan kong isinara ang pintuan at sumandal ako dito. Kung lasing ako sana hindi ko narinig na sinabi mo sa akin kaninang nasa lift tayo Tristan, mahal kita

Chapter Fifteen Fridays Ang aga mo naman? tanong ko kay Brooke pagkabukas ng pintuan, alas diyes pa lang ng umaga ay pinuntahan niya ako. Siempre para wala kang kawala, baka kasi matakasan mo ako sagot niya at muli ay nagkusa na siyang pumasok sa flat namin. Sabi ko naman sayo kagabi ay hindi ako aalis, siguradong magkaka-hangover ako dahil sa dami ng nainom kong beer kagabi. Anyways, may magagawa pa ba ako, andito ka na pagkatapos ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Eto naman parang ayaw akong makita pagtatampo ni Brooke. Hindi naman sa ganoon, ok pagluluto na lang kita para hindi ka na magtampo tugon ko sa kanya. I dont think thats a good idea, what if kung mag-food trip tayo, treat ko pag-aalok ni Brooke. Ok, maliligo lang ako sagot ko sa kanya. Bakit kaya nasabi ni Brooke na hindi magandang ideya ang pagluto ko siya ng almusal, sa tingin ko wala namang masama doon. Tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko, hinubad ko ang mga damit ko at pumasok na ako sa banyo. Pagkatapos kong mag-tootbrush ay napansin kong naka-bukas pala ang pinto ng banyo kaya sinara ko ito. BLAG, napalakas ang pagsara ko ng pintuan. Doon ko na-realize na mag-isa na pala ako, wala na pala si Nathan. Pagsara ng pinto ay biglang pumasok sa aking utak ang mga dating ginagawa namin ni Nathan sa kwartong ito, sabay kaming magligo, hindi namin sinasara ang pintuan ng banyo. Lahat, lahat ng madalas naming ginagawa dito ay muli kong naalala. Kaya pala pinigilan ako ng Brooke na magluto dahil siguradong maaalala ko rin na magkasabay naming pagluluto ni Nathan. Saan tayo? tanong ko kay Brooke pagkatapos kong maligo at magbihis, kung paano ko siyang iniwan sa sala ay ganoon ko ding dinatnan paglabas ko ng kwarto, nakatutok pa rin sa TV. Fridays masayang sagot ni Brooke. ----Pakiramdam ko ang tanga ko panimula ko, habang naghihintay kami ng order. Bakit mo nasabi iyon? tanong naman ni Brooke. Nathan is giving me clues along the way, but I ignored it. Remember, nasabi ko sayo na pinadala lahat ni Nathan ang mga gamit niya sa Pinas? tanong ko kay Brooke. Yes, it means that he really planned for it? balik na tanong sa akin.

Possible. Ang galing niya, tapos lagi pa niyang binabalikan ang mga nangyari dati except the time I left him. Di ba iyon ang madalas na sabihin ko sayo, pero dahil sa alam kong sentimental siya at mahilig talaga siyang magbalik-alaala ay pinabayaan ko na lang siya kahit na naaasar na ako kung minsan mahabang kwento ko kay Brooke. You know what, why dont we try not to talk about him this day suhestiyon ni Brooke. Nice idea, tama ka, the more I talk at think about him, the more I get hurt. So, what do you want to talk? tanong ko sa kanya. Ikaw, paano ba mada-divert ang atensyon mo? balik na tanong sa akin ni Brooke. Bigla kong naisip ang sinabi ni Brook sa akin kagabi, Tristan, mahal kita. Sakto namang sinerve ang pagkain namin kaya nagkaroon ako ng oras para mag-isip ng mga tanong sa kanya na hindi ako mahahalata na may alam ako tungkol sa kanya. I have series of questions to you. Can I start asking now? parang nang-aakit na tanong ko kay Brooke pagkatapos naming kumain. Game matapang sa sagot ni Brooke. Are you comfortable changing boyfriends as if youre just changing your clothes? unang tanong ko kay Brooke. Grabe ka naman, ibig mong sabihin matagal bago ako magpalit ng damit. Excuse me, madalas akong magpalit ng damit pagmamayabang ni Brooke. Exactly, thats what I mean, bakit madalas kang magpalit ng boyfriend pagsabat ko sa kanya. Uminom muna ng iced tea si Brooke bago sinagot ang tanong, para bang sa basong hawak niya siya kumuha ng lakas ng loob. Hindi pa ako ready sa isang seryosong relationship panimula ni Brooke. Anong ibig mong sabihin? Ginagawa mo lang laruan ang mga lalake? tanong ko. Precisely, sino ba naman dito ang may seryosong relationship sa mga ibang lahi. Well, hindi ko nilalahat, alam ko merong konting percentage ng mga pinay na talagang sineseryoso sila ng ibang lahi. My point is, kung laruan ang tingin nila sa mga babae, then gagawin ko rin silang laruan paliwanag ni Brooke. Hindi ako umimik, naghihintay pa ako ng kadugtong ng sinabi niya. If youre thinking me having sex with all of them, nagkakamali kay. Nasabi ko na sayo na hard to get ako pagdating sa sex, kahit na gwapo pa ang matagpuan ko hindi ako basta-basta bumibigay dagdag ni Brooke. Ok, well said then. Next question, are you happy? sunod na tanong ko.

Happy as in ok lang. Masaya ako kung masaya, pero hindi yung masaya to the highest level sagot ni Brooke. Ano ang makakapagpasaya sayo to the highest level? muling tanong ko kay Brooke. Kapag nakita ko na siya sagot ni Brooke. Sinong siya? takang tanong ko naman. Siya, yung taong tanggap ang kakulangan ko, yung taong hindi nakikita ang panlabas kong anyo, yung taong ipagtatanggol ako, yung taong mamahalin ako seryosong sagot ni Brooke. Nakita mo na ba siya? susunod na tanong ko kay Brooke. Hindi pa malungkot na sagot. Tahimik. Ano ang dahilan ng lahat ng ito? Knowing you alam ko may malalim na dahilan kung bakit mo ginagawa ito seryosong tanong ko. Ok, Ill be honest to you. I fell in love with a guy, Pinoy. Pero kahit anong pagpaparamdam ko sa kanya ay hindi niya ako pinapansin. Yung pansin as in alam ko wala siyang feelings para sa akin seryosong paliwanag ni Brooke. Paano mo nalaman na wala siyang feelings sayo? susunod na tanong ko, alam ko naman na ako ang tinutukoy niya. Tristan, babae ako. Alam mo naman na malakas ang pakiramdam namin pagdating sa ganyan pabirong sagot ni Brooke. Ibig sabihin ibang tao yung siya at yung pinoy na minahal mo? tanong ko. Oo maikling sagot ni Brooke pagkatapos ay nagpakawala na naman siya ng isang malalim na buntong hininga. Alam ko na magka-iba sila, kasi ilang beses ko ng napatunayan na wala talaga akong pag-asa sa taong mahal ko, kahit na sabihin ko sa kanyang mahal ko siya, its useless, sayang lang ang effort ko. Alam mo, mahal na mahal ko siya pero may mahal siyang iba nahuhulang kwento ni Brooke. Ok maikling tugon ko. I just pretended na hindi ko alam na ako ang tinutukoy niya pero pinakita ko sa kanya na naiintindihan ko ang sinasabi niya. Kaya eto, fallback ko ang mga puti. Alam ko naman na walang seseryoso sa akin at kahit ako hindi ko naman sila seseryosohin. Naniniwala pa rin ako na darating siya sa buhay ko matapang na sabi niya. Oo, tama yan. Basta sabihan mo ako kapag nakita mo na siya pagtatapos ko sa usapan namin. *****

Biyernes na, ang bilis ng araw, isang linggo na pala akong nasa Pilipinas. Atan, bakit hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka pala, sana nasundo ka namin sa airport pasigaw na bati sa akin ng nanay ko pagkabukas niya ng pintuan. Mawawalan po kasi ng saysay ang salitang surprise kapag sinabi ko sa inyo biro ko naman sa kanya, niyakap ko siya ng mahigpit. Sa buong akala siguro niya ay iyon ang salubong ko sa kanya, pero ang totoo ay gusto kong humugot ng lakas ng loob mula sa kanya. Hindi tuloy ako nakapaghanda. Kumain ka na ba? Baka naman nagugutom ka? Yung kwarto mo hindi ko pa naayos. Sandali lang, aayusin ko, pagkatapos ay magluluto ako natatarantang sabi ng nanay ko nang bumitaw siya sa pagkayakap sa akin. Nay, ako na po ang mag-aayos ng kwarto ko. Relax lang kayo, ako lang ang dumating, hindi ako bisita para pagsilbihan ninyo mahinahong sabi ko sa kanya. Isang lingo na akong nasa bahay, bumawi ako ng oras sa pamilya ko. Pinagluto ko sila araw-araw at pinasyal, halos hindi ako lumabas sa amin kahit na maraming nagyaya sa akin, ang mga kapit-bahay at mga kaibigan ko. Alam ko naman ang pakay nila, ang magpapalibre rin sila, alam ko naman sila katulad ng nakakaraming pinoy kapag nakakita ng balik-bayan ay iisipin nilang maraming pera. Wala namang kaso sa akin kung isa-isahin ko pa sila, may ipon naman ako, kaya lang mas gusto ko munang makasama ang pamilya ko ngayon. Sabihan man nila akong malaki na ang ulo ko o mayabang ako, bahala sila. Nagpasya akong mamasyal, nagpunta sa mall malapit sa amin. Na-miss ko na ang sumakay ang jeep, ang tunog ng tricycle, ang busina ng mga bus. Nang marating ko ang mall ay naglibot-libot lang ako, wala naman talaga akong balak mamili, ang dami pa ng mga gamit at damit na pinadala ko bago ako umuwi. Sa paglalakad ko ay may tumawag sa akin, mula sa likuran ko kaya naman nilingon ko. Nathan sigaw na tawag sa akin ni Jacob, sa lahat ng tao siya pa ang nakita ko. Jacob, kumusta na? pagbati ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot, bagkus ay niyakap niya ako. Yakap ng pakikipasimpatsa, pero bakit niya ginagawa sa akin ito, dapat nga magalit pa siya dahil sa ginawa ko sa kuya niya. Nakaka-sigurado ako na nasabi na ng kuya niya ang nangyari sa amin, wala kasi silang tinatagong sikreto sa isat isa. Eto, ayos lang ako. Ikaw, kumusta ka na? tanong naman niya sa akin pagkabitaw sa pagkayakap sa akin. Ayos lang ako, siguro nalilitong sagot ko sa kanya. Alam ko, sobrang informal ng pagkakataon na ito, pero pwede ba kitang maka-usap muling tanong si Jacob sa akin. Ahhmm alam ko naman kung ano ang pag-uusapan namin, hindi ko alam kung handa na akong muling pag-usapan si Tristan, kapag tinatanong siya sa akin ng pamilya ko at ng ibang mga kaibigan namin sinasabi ko na lang na hindi nagkasabay ang bakasyon namin. Please pagmamaka-awa ni Jacob.

Ok maikling sagot ko sa kanya. Gusto ni Jacob na kumain kami sa isang restaurant, libre daw niya, pero tumanggi ako at niyaya ko siya sa isang fastfood at ako na ang manlilibre. Hindi naman sa nagtitipid ako pero miss ko na ang mga pagkain doon. Sorry panimula ni Jacob, maikli pero ramdam ko ang sinseridad niya. Saan? tanong ko naman sa kanya. Sorry kasi hindi ko kayo natulungan ni kuya noon umalis siya. Alam ko ako lang ang makakatulong sa inyo pero nauhan ako ng takot kay Papa. Noong araw na iyon pwede sana akong pumunta sa inyo para sunduin ka o kahit masabihan lang kita na paalis na si kuya pero mas pinili ko ang manahimik na lang paliwanag ni Jacob. Jacob, tapos na iyon, kagaya nga ng sinabi ko sa kuya mo nakapag-move on na ako kaya nga naging kami ulit, di ba? pagpapakalma ko kay Jacob. Maaaring nakapag-move on ka pero hindi mo pa rin makalimutan ang sakit misteryosong sabi ni Jacob. Anong ibig mong sabihin? takang tanong ko kay Jacob. Nathan, hindi kita masisisi kung bakit mo nagawa iyon kay kuya. Ako rin akala ko ok na kayo pero nang ikwento niya sa akin ang nangyari sa anniversary ninyo, alam ko hindi mo pa nakakalimutan ang sakit ng pag-iwan niya sayo paliwanag ni Jacob. Aaminin ko, planado lahat iyon. Mula sa pagpunta ko sa Dubai, sa nagka-ayos kami ulit, sa pagsasama namin, hanggang sa pag-iwan ko sa kanya pagbubunyag ko kay Jacob. Sorry, kasalanan ko ito. Kahit noong umalis si kuya ay hindi rin ako nagkalakas ng loob para puntahan ka at ipagtanggol si kuya. Ang daming paraan, tawagan ka, i-text kita, mag-email, pero pinagwalang bahala ko. Dala na rin siguro ng takot ko kay Papa kaya sumunod ako sa gusto niya na hindi kami makipagkita sayo. Ako ang dahilan kung bakit hindi nawala ang galit mo kay kuya maluha-luhang kwento ni Jacob. Wala kang kasalanan, naintindihan ko iyon, tama lang ang ginawa mong sundin ang gusto ng Papa mo muling pagpapakalma ko kay Jacob, kitang-kita ko sa kanya kung paano siya ka-guilty sa nangyari. Nathan, hindi ako galit sa ginawa mo, pero alam ko hindi rin deserve ni kuya iyon. Hindi dahil sa kapatid ko siya kaya ko pinagtatanggol, pero nakita ko ang lungkot at sama ng loob sa kanya noong bago siya umalis, hindi niya sinasadyang saktan ka. Alam ko rin kung paano siya bumawi sayo at kung paano ka niya mas minahal pa paliwanag ni Jacob. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi ni Jacob, narinig ko na ang mga ito kay Tristan, pero hindi ko siya pinagkinggan at kahit maraming e-mail ang pinadala niya sa akin ay hindi ko maintindihan. Pero bakit ngayong si Jacob ang nagpapaliwanag sa akin, ngayon ko pa lang naintindihan ang lahat o sadyang binalot lang ng galit ang puso ko dati.

Chapter Sixteen Emirates Tower Isang linggo na nga ang nakalipas, sa mga nagdaang araw ay si Brooke ang umalalay sa akin. Alam ko sa bawat kilos niya ay gusto niyang iparamdam sa akin na mahal niya ako pero patuloy pa rin akong nagpanggap na hindi ko alam iyon. Masyadong awkward ang sitwasyon, at kahit na maayos na ako ay hindi ko pa rin sasabihin sa kanya ang nalalaman ko dahil nirerespeto ko siya. Siya rin, alam ko na ayaw niyang sabihin dahil sa wala siyang lakas ng loob. Mula sa flat na tinitirahan ko dati ay lumipat ako sa villa, maliit yung kwarto ko kumpara doon sa iniwan ko, wala ring sariling banyo pero ayos na rin. Yun nga ang gusto ko, para tuluyang mag-iba ang paligid ko. Isa pang nagustuhan ko sa villa na ito ay ang rooftop, kitang-kita ko ang kahabaan ng Sheikh Zayed Road, mula sa Emirates Tower hanggang sa Burj Khalifa ay tanaw ko. Alam ko na ang rooftop na iyon ang bago kong hangout, sabi ng mga kasama ko villa ay madalang lang kung magpunta doon ang ibang mga nakatira doon at kadalasan ay tuwing umiinom sila.

Tristan, sabay daw tayong magbabakasyon, ipapa-book na ni boss ang ticket natin sa parehong araw masayang sabi sa akin ni Brooke isang araw pagpasok ko sa trabaho. Uy, ang galing naman, para lang tayong pupunta ng probinsya magiliw na sagot ko sa kanya. Yes, sa Pinas tayo magse-celebrate ng birthday ko patuloy pa rin ang pagiging masaya ni Brooke. Hindi ako magbabakasyon pagputol ko sa kasiyahan niya. What??? sigaw niya sa akin. Nagpaplano pa naman ako ng Fairy Tale theme para sa birhtday ko tapos hindi makakapunta bigla siyang nalungkot. Fairy Tale? As in parang childrens party lang? Seryoso? takang tanong ko kay Brooke. Oo naman, anong masama doon. I want my 25th birthday to be special kaya gusto ko kakaiba din ang theme paliwanag niya. Ok, pero alam mo naman, hindi pa ako handang umuwi. Hindi ko pa siya handang harapin, alam ko galit pa siya sa akin paliwanag ko kay Brooke. Sandali? Siya pa ang galit sayo ikaw na nga ang iniwan niya sa .. hindi natuloy ni Brooke ang sasabihin dahil sumabat ako. Alam ko, sasabihin mo na naman sa akin na dapat ako ang magalit, pero dahil sa ginawa niya it just proves na meron pa rin siyang tinatagong galing sa akin. Gusto ko kapag nagkita ulit kami wala na siyang nararamdamang galit. Im not after the relationship anymore, I love him though, what matters to me now is his forgiveness mahabang paliwanag ko. Ang swerte talaga niya sayo, kung sa akin mo ginawa iyon malamang matagal na kitang pinatawad seryosong tugon ni Brooke.

No, knowing you baka nga hindi mo ako kausapin ulit kung magkita tayo pagkatapos kitang iwan biro ko naman sa kanya. But seriously, does it hurts pa rin ba? muling tanong ni Brooke. Masakit kung masakit, all the time weve been here together, ramdam ko talaga na mahal niya talaga ako kaya nga nagtaka ako kung bakit .. hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil ayoko na sanang maalala pa. Pero pilit mo pa rin sinisiksik sa utak mo na kasalanan mo pa rin ang lahat, kahit na matagal ka nang nakabawi sa kanya naaasar ng sabi ni Brooke. Dahil iyon ang tama, ako ang unang nang-iwan kaya ako ang may kasalanan, ako ang dapat sisihin. Kung ano man ang ginawa ko sa kanya dito, hindi ko iniisip na pambawi iyon dahil iyon ang nararapat kong gawin sa kanya, ang tratuhin siyang prinsipe ng buhay ko malambing na sabi ko kay Brooke. Shocks, ang pag-ibig nga naman, ginagawang keso ang bawat tamaan nito. Hindi mo bagay ang magpaka-keso biro ni Brooke sa akin. Natawa na lang ako sa reaction niya, nagulat ko ng bigla siyang yumakap sa akin. I hope youll be fine soon seryosong bulong niya. Ill be, promise sagot ko sa kanya. Kinausap ko ang boss ko pagkatapos naming mag-usap ni Brooke, sinabi ko sa boss ko na hindi ko pa naman kailangan magbakasyon. Swerte ako dahil maluwag ang kumpanya namin pagdating sa pagschedule sa bakasyon. Yearly din ang bakasyon namin at sagot nila ang ticket, kung hindi kami magbabakasyon ay handa naman nilang bayaran iyon at kalahati ng presyo ng ticket ay ibibigay pa rin sa amin. Sa totoo lang, mula ng makasama ko si Nathan dito ay hindi pa ako naka-uwi pero umayaw ulit ako ngayon kasi hindi ko pa siya handang makita, or its the other way around, alam ko hindi pa niya ako handang makita kaya iiwas ko muna ang sarili ko. Alam ko maraming paraan para umiwas, pero marami ring hindi sinasadyang pagkakataon na pwedeng magkita kami ni Nathan pag-uwi ko, maganda na ang ganito, hindi muna ako uuwi para siguradong hindi kami magkita. Wala rin naman kaso sa pamilya ko ang hindi ko pag-uwi, ipinaliwanag ko sa kanila ang totoong dahilan at naintindihan nila ako. Pa, kasama ko si Nathan dito salubong ko sa tatay ko noong maka-usap ko sa phone, noong bago pa lang kaming magkasama ni Nathan dito. Kung noon ay hindi ko siya napaglaban sa pamilya ko, sa pagkakataong ito nagkaroon na ako ng lakas ng loob. Alam mo naman tutol ako sa namamagitan sa inyo. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? galit pa ring turan ng tatay ko. Pa, mas importante pa ba ang sasabihin ng ibang tao kaysa kaligayahan ko pagpupumilit ko.

Tan-tan, hayaan mo muna ang Papa mo, ako na ang kakausap sa kanya. Hindi man namin matanggap ang sitwasyon ninyo ni Nathan ngayon, pipilitin naming intindihin para sayo masuyong sabi ng nanay ko pagkakuha niya ng phone sa tatay ko. Alam ko ganoon lang ang gusto nilang mangyari sa akin, ang makita akong asensado. Nangako naman sila sa akin na kapag natupad ko na ang pangarap nila sa akin ay pwede ko ng gawin kung ano ang gusto ko sa buhay, siguro nabigla lang sila na hindi ko mabibigyan ng apo dahil mas pinili ko si Nathan. ----Bakit tulala ka na naman, iniisip mo pa ba ang sinabi ni Jacob sayo? tanong ni Damian sa akin. Hindi madiing sagot ko sa kanya. Nathan, huwag mo na nga akong pagsinungalingan pa. Matagal na tayong magkakilala, alam ko rin ang bawat kilos mo pagpupumilit ni Damian. Bukod kay Tristan, si Damian ang isa pang nakakakilala ng lubos sa akin. Kung si Tristan ay madalas kong kasama sa eskwelahan mula elementary hanggang college, si Damian naman ay kapit-bahay ko, pag-uwi ko siya ang nakakalaro ko noong bata at nakaka-inuman ko noong nagbibinata kami. Si Damian ang matalik kong kaibigan na matapang na sumagot sa bawat text at e-mail na pinadala sa akin noon ni Tristan noong iwanan niya ako. Si Damian ang nag-alok ng balikat na maiiyakan sa mga araw na hindi ko kasama si Tristan. Si Damian ang kasama kong nagplano para paghigantian si Tristan, para maramdaman niya rin ang sakit na naramdaman ko. Si Damian ang handang ipagtanggol ako laban sa mga mang-aapi sa akin. Ngayon nga ay siya ang namamahala sa boystown na malapit sa amin, ito ang pangalawang pagbisita ko sa kanya simula noong naka-uwi ako. Bago pa kami magkita ni Elias sa airport ay nauna ko nang tinawagan si Damian upang ibalita na tagumpay ang aming plano. Masaya rin siya sa narinig na luhaan kong iniwan si Tristan sa araw ng aming anniversary. Ewan, siguro nalilitong sagot ko sa kanya. Hindi mo alam pinagkaiba ng nakapag-move on ka na at nakalimot? tanong sa akin ni Damian. Siguro, pero ang alam ko ngayon ay pareho na akong nakapag-move on at nakalimot siguradong sagot ko sa kanya. Dahil nakaganti ka na sa kanya? muling tanong sa akin. Oo, wala na akong pakialam pa sa pinagka-iba ng moving on at forgetting, ang alam ko masaya na ako paliwanag ko. Gamitin nating halimbawa ang nangyari sa inyo ni Tristan, ikaw na mismo ang nagsabing nakapag-move on ka na, para sa akin pinilit mo lang takasan ang pag-iwan sa iyo ni Tristan pero yung sakit ay nanatili sa puso mo. Kung talagang nakalimutan mo na iyon sana hindi mo na binalak pang gumanti sa kanya paliwanag ni Damian. Ang dating parang ako lang ang nagplanong saktan si Tristan pangongonsensiya ko sa kanya.

Ok, sige na kasama na ako pagsuko naman niya. Maiba tayo, kumusta naman kayo ni Elias? pag-iiba ko ng usapan. Ayun, siempre hindi pa rin ako masaya sa pagdating niya malungkot na turan ni Damian. Dapat nga masaya ka kasi nagkita na kayo. Hindi mo kasi alam kung paano mangulila sa ibang bansa pagtatanggol ko kay Elias. Alam ko naman iyon, kahit ako nangulila rin naman sa kanya, masakit din naman sa akin ang magkalayo kami kaya lang nanghinayang ako sa pagkakataon. Nandoon na siya, hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na makapag-abroad nanghihinayang na sabi ni Damian. Pero hindi lahat ng nag-aabroad ay sinuswerte maikling paliwanag ko. Ano ang ibig mong sabihin? takang tanong ni Damian. Alam mo ba kung paano naghirap si Elias sa trabaho niya? balik na tanong ko kay Damian. Hindi. Wala siyang kinukwento sa akin. Kapag tinatanong ko siya lagi niyang sinasagot ay ayos naman daw sagot ni Damian. Hindi mo alam kung paano siya sinisigawan ng boss niya, kung paano siya nilalait, kung paano niya tinitipid ang sahod niya, kung paano siya nahihirapan maghanap ng part-time para madagdagan ang ipon niya. Damian, ang dami niyang hirap na dinanas, halos hindi nga niya ma-enjoy ang buhay ng nasa abroad. Hindi ko rin siya madamayan dahil kailangan lagi kong kasama si Tristan paliwanag ko kay Damian. Panandaliang nanahimik si Damian, parang ninanamnam niya ang paghihirap na dinanas ni Elias sa ibang bansa. Hindi ko alam naluluhang sabi ni Damian. Swerte nga siya kasi nakasabay ko pa siyang umuwi. Ang totoo nga niyan ay ayaw pa siyang payagan ng boss niya hanggat hindi siya nakakabayad ng tatlong buwan niyang sahod paliwanag ko kay Damian. Saan siya nakakuha ng pambayad niya? Sa pagkaka-alam ko wala nga siyang naipon dahil halos lahat ng sahod niya ay pinapadala sa magulang niya dagdag ni Damian. Pinaki-usapan ko ang kasama ko sa trabaho doon para matulungan si Elias na mag-complain sa Labour Department. Maraming kakilalang lokal kaya madali nila siyang natulungan, tinawagan ang boss niya at wala silang magawa kung hindi i-cancel ang visa si Elias, takot kasi sila sa mga lokal muling paliwanag ko kay Damian. Bakit hindi ito sinabi sa akin ni Elias? takang tanong ni Damian. Ayaw niya sigurong mag-alala ka sa kanya sabi ko.

Naputol ang aming pag-uusap ng dumating si Elias, pinabili niya ito ng merienda para sa mga kabataang lalaki sa boystown, iyon ang nagsilbing libre namin sa kanila ni Elias sa pagbalik namin. Simula high school ay nagpupunta kami dito tuwing birthday ni Damian, ito ang nagsisilbing outreach program naming apat, kasama namin sina Tristan at Elias. Sobrang malapit kay Damian ang lugar na ito kaya nagpasya siyang magtrabaho na rin dito kahit hindi ganoon kalaki ang sahod na natatanggap niya. Mahigit dalawang daan na batang lalaki edad lima hanggang labing walong taong gulang ang mga nakatira sa boystown. Sila ang mga batang inabandona ng kanilang mga magulang at ang iba naman ay ulilang lubos, karamihan ay galing sa mga karatig bayan namin. Merong mga guro mula sa iba-ibang eskwelahan ang boluntaryong nagtuturo sa mga bata. Ang ibang pangangailangan naman nila ay natutustusan dahil sa donasyon na binibigay ng iba-ibang kumpanya, nagbibigay din ang iba-ibang opisina ng lokal na pamahalaan at karamihan ay galing sa mga taong nagmamalasakit sa institusyon. Masayang pinagsaluhan ng mga bata ang pizza, burger, pasta, ice cream at softdrinks na hinanda namin sa kanila. Kahit kami ay natuwa sa mga ngiting nakikita namin sa mga bata. Alas sais na ng gabi ng matapos ang munting salo-salo, samantala ay nagpasya kaming tatlo na uminom ng patago, may natatago pa kasing ilang bote ng beer si Damian sa opisina niya. Nang maubos ang beer ay nangulit pa ang dalawa kaya naman ako na ang nagpasyang bumili ng karagdagang beer. Mahal kita masuyong tugon ni Elias kay Damian. Naspasya muna akong huwag pumasok sa opisina pagbalik ko galing mamili ng beer para hindi ko maabala ang paglalambingan ng dalawa. Mahal din kita sagot naman ni Damian. Galit ka pa ba sa akin? tanong ni Elias. Sorry ang malayong tugon ni Damian. Huh? nalilitong tanong ni Elias. Sinabi na akin ni Nathan ang hirap na dinanas mo sa Dubai. Sorry, hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari sayo, hindi ka naman kasi nagku-kwento tila paninisi pa ni Damian sa kasama niya. Ayaw ko kasing mag-alala ka. Ayaw kong marinig mo ang pag-iyak ko kapag kausap kita. Kaya nga kapag hindi ako emotional doon kita kinukulit na mag-chat tayo, para naman kapag nakita mo ako ay gwapo pa rin ako biro ni Elias kay Damian pero dinig ko sa boses niya na gusto niyang umiyak, tila ba pinipigilan lang niyang mag-buhos ng emosyon. Tahimik. Damian muling tugon ni Elias, sa pagkakataon ito ay hindi na niya napigilang umiyak na. Ginawa ko ang lahat para sayo, kahit ayaw kong mag-abroad sinunod ko ang paki-usap mo dahil gusto mong sundan ko si Nathan pero dapat hindi ako makita ni Tristan. Tuwing sinasabi ko sayong nasa iisang lugar lang kami nagagalit ka naman sa akin. Ginawa ko iyon dahil mahal na mahal kita, pero masakit sa akin ang malamang mahal mo pa pala si Nathan sa pagkakataong iyon ay bumuhos na ang luha sa mga mata ni Elias, nang dahil sa pagkagulat ko sa narinig ay hindi ko napigilang gumawa ng ingay sa kinatatayuan ko sa labas ng opisina ni Damian. Alam ko rin na narinig nilang dalawa iyon kaya tumingin sila sa labas at nakitang naka-silip ako sa bintana.

Chapter Seventeen Baskin Robbins Pagka-graduate ko ng high school ay kung ano-anong trabaho na ang pinasok ko, nandoon yung tumulong ako sa tatay ko sa carpentry shop, kapag walang trabaho ang tatay ko ay tumutulong naman ako pagawaan ng sasakyan ng tito ko. Mababa ang kinikita ko kaya naman hindi na ako nag-dalawang isip na susuma sa nakaklase ko na nagta-trabaho sa Maynila. Pare, shot ka pag-alok ng alak ng isang lalaking nakatabi ko sa isang waiting shed, kakagaling ko lang sa trabaho ko bilang waiter. Ayos lang ba? tanong ko sa kanya. Sa ilang araw na pagtatrabaho ko at pananatili sa Maynila ay hindi pa ako naka-inom ng beer kaya naman gusto ko ring matikman ang inaalok niya sa akin. Oo naman, eto oh sabay abot ng beer sa akin. Nahihiya man ako sa kanya ay nilagok ko na rin ang beer sa bote. Ang sarap sa pakiramdam, iba ang dalang ginhawa sa aking lalamunan. Alam kong hindi mapapawi ng isang bote ng alak ang aking kapaguran pero pinagkasya ko na iyon. Pasensya na, naubos ko nahihiya kong sabi sa kanya. Ayos lang, mukhang gusto mo ba pang uminom? tanong niya sa akin. Gustuhin ko man pero wala akong pera pagtanggi ko sa alok niya. Ako ang bahala, tara na pangungulit niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit sumama ako sa kanya, alam ko hindi lang alak ang dahilan ng pagsama ko sa kanya. Merong pwersang nagtutulak sa akin na sumama sa kanya kaya naman pumayag ako. Pagkakita ko pa lang sa kanya kanina ay humanga na ako sa kakisigan niya. Bata pa lang ako alam ko nang meron akong pagtingin sa mga kapwa ko lalaki. Nakakita ako ng lungkot sa mga mata niya na tila mas inaakit ako na samahan siya kahit ilang minuto lang, pero nadadagdagan ang minutong iyon sa bawat pagtatama ng aming mga mata. Pare, anong gagawin mo kung pakiramdam mong wala kang kalayaan dahil kontrolado ng magulang ang bawat kilos mo? tanong niya sa akin sa kalagitnaan ng inuman namin sa malapit na beerhouse na nadaanan namin. Napaka-simple naman ng problema mo parang nainsulto siya sa sinabi ko dahil nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Ako rin nabigla dahil nasabi ko sa kanya iyon, nahiya rin ako dahil nilibre na nga ako pero ganoon pa ako magsalita. Dahil siguro sa epekto ng alak kaya ganito akong magsalita, at dahil din sa epekto ng alak kaya hindi na niya pinansin iyon. Mukhang mas malaki pa ang problema mo kaysa sa akin paglilinaw niya sa tinuran ko kanina. Kung ako sayo, kausapin mo ang magulang mo, anak ka nila pero may sarili kang buhay, hindi pwede iyong kontrolin nila ang mga kilos mo. Dapat ipaliwanag mo na iba ang gusto mo sa gusto nilang

mangyari sa iyo, at dapat panindigan mo ang bawat desisyon mo at ipakita sa kanila na masaya ka sa mga ginagawa mo mahabang paliwanag ko sa kanya. Tanging matinis na boses ng babaeng kumakanta sa videoke ang narinig namin. Wow, salamat tanging naibulalas ng lalaking kainuman ko. Ikaw ba, anong pinagdadaanan mo? tanong niya sa akin. Ang hirap ng maging mahirap. Kakarampot na nga ang kinikita namin kahit na maghapon pa kaming magbanat ng buto tapos kokonti pa ang oportunidad para sa amin. Pakiramdam ko limitado lang ang kilos namin sa mundo malungkot kong salaysay sa kanya. Hindi na sumagot ang kainuman ko sa sinabi ko, malamang hindi niya alam ang maipapayo sa akin dahil lumaki ito na marangya ang buhay. Alam ko iyon, halata naman sa hitsura niya mula sa makinis na kutis hanggang sa alahas na suot niya. Hindi ko alam kung nakailang bote kami ng alak, pero ang susunod kong naalala ay hindi ko na naririnig ang ibat ibang boses ng kumakanta sa videoke, nawala rin ang maraming ilaw ng umiikot sa paligid namin. Sa ngayon ay naka-upo kami ng kainuman ko sa malambot na kama, sa isang lugar na tanging dim light lang ang nagsisilbing liwanag namin at napapalibutan ito ng salamin. Naputol ang aking pagmamasid sa kwarto ng halikan ako ng lalaki, gustong tumanggi ng utak ko pero mas nanaig ang sigaw ng puso ko, ang sarap ng halik niya. Naging mapusok din ako, dala na rin ng epekto ng alak. Ginantihan ko ang bawat halik niya sa akin, ang bawat pagpasok ng dila niya sa bibig ko, hinawakan ko pa siya sa kanyang batok para hindi siya makawala. Ninamnam ko ang bawat halik niya, lasang alak pero mas masarap pa doon. Iyon pa lang ang unang pagkakataon na makahalik ako pero pakiramdam ko sanay na sanay ako. Mga ilang minuto rin naming ginagawa iyon ng kumawala na siya. Tumayo siya sa harapan ko, dahandahan niyang tinanggal ang suot niyang polo. Gusto kong umalis sa kwarto, patuloy pa rin sa pagtanggi ang utak ko sa ginagawa namin pero mas tumitindi ang pagnanais kong makasama ang lalaki sa bawat pagtanggal ng kanyang suot. Wala na siyang tinira saplot sa kanyang katawan, madilim man ay kitangkita ko ang magandang hubog ng kanyang katawan, ang kaputian nito, at ang matigas na ari niya. Naka-upo ako sa harapan niya, hindi ko alam ang gagawin ko, tulala ako pero enjoy ako sa nakikita ko. Siya ang lumapit sa akin para tanggalin ang suot kong t-shirt, pagkatapos ay pinatayo niya ako para tanggalin ang suot kong pantalon. Patuloy pa rin ang kabang nararamdaman ko pero nandoon na ako, mukhang maamo ang lalaki kaya nakakasigurado akong wala siyang masamang gagawin sa akin. Aaminin ko, kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na makapasok ako sa ganitong lugar, ito ang unang pagkakataon na sumama ako sa hindi ko kilala, ito ang unang pagkakataon na ginagawa ko itong maiinit na eksena, ito ang unang pagkakataon na umibig ako sa isang estranghero, mahirap paniwalaan pero totoo. Sinubukan kong alisin ang pagkahilo ko kanina para malaman ang totoong nararamdaman ko para sa kanya, hindi nga ako nagkamali, bawat tingin niya sa akin, bawat pagngiti niya, bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig, bawat pag-inom niya ng beer, ramdam ko ang pagkiliti nito sa puso ko.

Hindi na mapigilan ng lalaki ang kasabikan kaya inalis na rin niya ang huling saplot ko sa katawan. Pagtama ang ari ko sa kanyang mukha ay hindi na ito nag-aksaya ng panahon, sinubo niya ang kabuuan nito. Ramdam ako ang init ang kanyang bibig, ang paggalaw ng dila niya. Mas masarap ang pakiramdam, totoo nga ang sinasabi nila sa akin na kakaibang sensasyon ang dulot nito sa katawan. Pinaubaya ko na sa lalaki ang lahat at naghintay na lang ako sa susunod niyang gagawin. Oohhhhh hindi ko mapigilan pakawalan ang unang ungol ko dahil sa sarap ng paglabas pasok ng ari ko sa bibig niya. Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa at mas pinagbutihan pa niya sa tuwing maririnig niya ang pag-ungol ko. Ikaw naman masuyong utos niya sa akin. Para akong utusan na sumunod na gusto niya kahit na hindi ko alam kung paano sumubo ng ari ng lalaki. Humiga siya sa kama, malamang napagod din siya sa ginawa niya sa akin. Habang pinag-iisipan ko kung paano magsubo ng ari ay inamoy-amoy ko muna ang ulo ng sa kanya patungo sa pinakapuno nito. Pagkatapos ay nilabas ko ang aking dila para lasahan ito, para akong dumidila ng popsible sa ginagawa ko. Nang hindi na siya nakapagpigil ay hinawakan niya ang ulo ko at siya na mismo ang nagpasok ng ari niya sa bibig ko. Nabigla ako sa ginawa niya, pero mas nabigla ko sa katotohanang subo ko na ang ari niya. Aaahhhhh, malapit na ako sigaw ng lalaki, ginanahan pa ako sa ginagawa ko sa kanya dahil alam kong nasasarapan siya kahit na ito pa ang ang unang beses na sumubo ako ng ari. Pagkatapos ng ginawa namin ay naligo kami, pinabayaan naming tangayin ng agos ng tubig ang aming kalasingan, pero pinalitan naman ito ng mas maalab na tukso sa aming damdamin. Habang nasa loob kami ng banyo ay inulit namin ang ginawa namin kanina, bawat sulok ng banyo ay ginamit namin para makahanap ng magandang posisyon para mas malasap namin ang tamis ng bawat indayog ng aming katawan. Napakalamig ang tubig pero hindi iyon sapat upang patayin ang init sa aming katawan. Nagising na lang ako na wala na sa tabi ko ang lalaki. Laking panghihinayang ko dahil hindi man kami nakapagpalitan ng pangalan. Habang inaalala ko ang nangyari sa amin kagabi ay nakaramdam ako ng kurot sa aking puso, pakiramdam ko ba ay ginamit lang ako at ang masakit ay iyon ang una ko. Nakakatawa, alam ko wala akong karapatang mag-inarte dahil ginusto ko iyon at alam ko ang ibig sabihin ng one-night-stand, kasalanan ko na siguro kung nahulog ang loob ko sa kanya ng ganoon kabilis. Umalis ako ng kwarto, pero ang alaala ay mananatili sa utak ko at ang mukha ng lalaki ay nilagay ko sa isang papel na tinago ko sa puso ko. Kapag may libre akong oras ay gumagawi ako sa lugar kung saan una ko siyang nakita, nagbabakasakali akong makita siya, pero nabigo ako. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa ng napilitan akong umuwi sa probinsya dahil mas kailangan ako ng pamilya ko. Elias, bakit hindi makita ni Nathan na mahal ko siya. Matagal ko ng pinaparamdam sa kanya ang pagibig ko pero mas pinili pa niya si Tristan malungkot na tugon sa akin ni Damian ng binalita ni Nathan sa kanya na sila na ni Tristan. Ito rin ang salubong ni Damian sa akin pag-uwi ko galing Maynila. Baka naman sila talaga ang para sa isat isa paliwanag ko sa kanya. Pero ako ang kasama niya simula bata kami, samantalang silang dalawa ni Tristan ay nagkakilala lang noong mag-aral na siya mangiyak-ngiyak na turan ni Damian.

Kung ang oras ng pinagsamahan ang iniisip mo, kahit na i-compute mo pa, siguradong mas maraming oras silang pinagsamahan kaysa sayo. Simula ementary hanggang college magkasama sila, at kahit na bakasyon madalas rin silang nagkikita pangungulit ko sa kanya. Anong gusto mong sabihin, na mali ako, dahil ba lagi silang magkasama kaya mas nagustuhan niya si Tristan pagkontra sa akin ni Damian. Posible, pero ang ibig kong sabihin, ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa oras ng pinagsamahan o kung matagal mo na siyang kakilala, mararamdaman mo ito kahit sa isang taong bago mo pa lang nakilala. Nagkataon siguro na mas naramdaman ni Nathan ang pagmamahal ni Tristan kaya siya ang inibig niya paliwanag ko. Pero .. hindi na napigil ni Damian ang pag-iyak dahil sa sama ng loob niya. Tama na habang inaalo ko siya. Tumingin ka lang sa paligid, pakalat-kalat lang ang taong nagmamahal sayo seryosong bulong ko sa kanya. Naging mas malapit pa kami ni Damian simula noon, mas nabawasan pa ang nilalaang oras sa amin ni Nathan dahil mas dumami din ang gabing magkasamang matulog ang dalawa, kung minsan kina Nathan pero madalas kina Tristan. Ginawa ko ang lahat para mapasaya si Damian, kahit na kapos ako lagi sa pera ay pinipilit ko siyang bilhan ng pasalubong, madalas ko din siyang yayain sa boystown para laging sumaya si Damian, mababa kasi ang kasiyahan niya sa piling ng mga bata. Halos araw-araw ko rin siyang dalawin pagkatapos kong magtrabaho sa pabrikang pinapasukan ko. Kapag pauwi nauuna kong dadaanan ang bahay nila kaya doon na ako bumababa, at dahil kailangan kong magtipid ay nilalakad ko naman pauwi ng kalahating oras. Lahat ng iyon ay tiniis ko para mapasaya siya. Masaya kaya si Nathan sa piling ni Tristan? tanong ni Damian sa akin isang araw na dinalaw ko siya. Hindi mo na ba siya nakaka-usap? balik tanong ko sa kanya. Madalang ko na lang siyang makita, madalas kasi gabi na kung umuwi siya, kung minsan nga ay hindi na umuuwi at kina Tristan natutulog paliwanag ni Damian. Minsan ay naiinis ako dahil hindi nakakaligtaan banggitin sa akin ni Damian ang pangalan ni Nathan, ako ang nasa harap niya pero hindi ako napapansin. Hanggang sa naisip ko na parang ako lang siya, at siya si Nathan. Mahal ni Damian si Nathan pero kahit minsan ay hindi ito nagkalakas ang loob na sabihin ito sa kanya. Kaya naman naisip kong sabihin ang nararamdam ko kay Damian at hindi ulitin ang maling ginawa niya para hindi masayang ang mga ginagawa ko. Damian, mahal kita natatakot man ako pero nilakasan ko ang loob ko na sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Hindi nga ako nabigo, naging kami ni Damian, kahit na alam kong meron pa ring malaking espasyo sa puso niya si Nathan. -----

Nathan, sorry. Napilitan ka pang samahan ako sa Maynila. Nagtrabaho nga ako doon pero hindi naman ako umalis sa lugar ng pinagtrabahunan ko, hindi ko man nga naramdaman na nasa Maynila pala ako noon nahihiyang tugon ni Elias sa akin. Ilang araw matapos kaming mag-inuman ay kailangan pumunta ni Elias sa Maynila dahil may kailangan siyang asikasuhin. Noong una ay nakaramdam ako ang hiya sa kanya dahil sa nalaman ko at dahil na rin sa pakikinig sa usapan nila, pero mas nanaig sa akin ang nagustuhan kong maka-usap siya kaya naman naglakas-loob akong samahan siya. Hindi kasi alam ni Elias ang pasikot-sikot doon, ako naman ay familiar sa lugar. Wala iyon sagot ko naman sa kanya. Gusto rin naman kitang maka-usap dagdag ko. Tungkol saan? tanong niya sa akin. Nang dahil sa akin napilitan kang sundan ako sa Dubai, nang dahil sa akin naghirap ka doon malungkot kong tugon kay Elias. Iyon ba, hindi mo naman kasalanan ang nangyari, wala kang kinalaman doon. Ang totoo nyan ako talaga ang dapat sisihin pag-amin ni Elias. Anong ibig mong sabihin? takang tanong ko sa kanya. Noon pa man alam kong mahal ka na ni Damian, pero nakipag-relasyon pa rin ako sa kanya kahit na alam kong mahihirapan ako. Pare, ganoon ko siya kamahal, kahit na lagi akong nasasaktan dahil lagi ka niyang binabanggit sa akin ayos lang sa akin iyon kwento ni Elias. Tahimik. Ayokong mawala sa akin si Damian, tatangapin ko ang lahat kahit na masaktan ako huwag lang siyang lumayo sa akin. Wala akong pakialam kung tawagin man akong martir, dahil nararamdaman kong may patutunguhan ang ginagawa ko, alam ko iibigin din ako ni Damian panigurado ni Elias. Nakarating kami ng Maynila, pagbaba namin ng bus ay nakakita ako ng nagtitinda ng dirty ice cream, kahit hindi pa kami kumakain ng agahan ay bumili ako, pero tumanggi si Elias. Nang mahawakan ko ang dirty ice cream ay bumalik ang alaala ko na kasama ko si Tristan sa Dubai, sa tuwing dumadaan kami sa Baskin Robbins ay siguradong bibili siya ng ice cream shake kahit na busog pa kami. Kahit tumatanggi ako ay pambibili pa rin ako dahil gusto niya may kasama siyang sisipsip ng straw. Pinaputok ko ang lobo sa ibabaw ang aking ulo para mawala ang alaalang iyon at sinumulan ko ng kainin ang dirty ice cream. Paglapit ko kay Elias ay umakbay siya sa akin. ----Omar, tara na tawag sa akin ng kaibigan ko, pasakay na kami ng bus papuntang probinsya. Sa lahat ng tao bakit si Nathan pa ang napili mo, kapag sinaktan mo iyan gagantihan ka niya, sisiguraduhin niyang triple ang mararamdaman mong sakit. Sana hindi na lang ako sumamang magbakasyon kina Papa noon para nakabalik ako sa lugar kung saan tayo unang nagkita, kung alam mo lang kung gaano ako kasabik na makita kang muli, kung alam mo lang ang totoong dahilan kung bakit inalok kita ng beer, mahal kita, kahit unang beses pa lang kitang nakita mahabang salaysay ko sa sarili ko habang nakasakay na kami ng bus.

Chapter Eighteen Dubai Airport Terminal One Brooke, enjoy you vacation paalam ni Tristan sa akin ng ihatid niya ako sa airport. I will sagot ko sa kanya. Lagi mo akong balitaan habol niya sa akin. Eto naman, kung makapagsalita parang ang tagal kong mawawala. Isang buwan lang naman ang bakasyon ko kunwaring paliwanag ko sa kanya. Dalhan mo ako ng token na ipapamigay mo sa birthday mo paki-usap niya sa akin. Habol ka na kasi para akong bata na naki-usap sa kanya. Brooke, pinag-usapan na natin ito, hindi na magbabago ang desisyon ko matigas na tugon niya. Hindi ko lubos maisip na ang laki ng posibilidad na maka-punta siya sa birthday ko pero siya lang ang tumatanggi. Sana makain mo ang pride mo para naman may pakinabang iyan biro ko sa kanya. I will, dont worry biro niya sa akin sabay tawanan. Pupunta ba siya? kahit hindi niya banggitin ang pangalan ni Nathan alam kong siya ang tinutukoy niya. Inimbitahan ko siya and predictable ang sagot niya pambibitin ko kay Tristan. Pupunta lang siya kung wala ako? patanong na hula niya. Oo. Ewan ko sa inyong dalawa. Sige na una na talaga ako, kapag nahuli akong sumakay ng eroplano baka patayuin na lang nila ako biro ko sa kanya. Ok, ingat. See you after a month pahabol niya at muli kaming nagyakap, iisipin siguro ng mga nakakakita sa amin na mag-syota kami, pero hindi, hindi na ako nabigyan na pagkakataong mangyari iyon despite all the efforts. Kasabay ng pagkalas ko sa pagkayakap namin ni Tristan ay ang pagpapakawala ko ng magmamahal ko sa kanya. Sa pagkakataong ito alam kong kaibigan na lang ang turing ko sa kanya, at pagbalik ko siguradong iyon na lang ang ipaparamdam ko kanya. Babae ako, alam kong alam na ni Tristan na mahal ko siya, hindi ako manhid para hindi ko maramdaman ang mga pasaring niya sa akin. Naramdaman ko rin ang bawat salitang ipinapahiwatig niya sa akin na hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko sa kanya. ---Damian, gusto sana kitang kausapin bati ko sa kanya ng muli ko siyang bisitahin sa boystown. Pumayag naman siya at nagyaya siyang maglakad sa maliit na park sa loob ng boystown.

Hindi ko alam panimula ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano dudugtungan ang sasabihin ko dahil nahihiya ako sa kanya. Na mahal kita siya ang ang nagdugtong sa dapat kong sabihin kaya naman mas namula pa ang pisngi ko. Aaminin ko, noon pa, mga bata pa tayo kaya nga ang laki ng tampo ko sayo noong naging kayo ni Tristan matapang na pag-amin niya. Kaya pala hindi mo ako kina-usap ng isang buwan noon kahit na madalas kitang puntahan sa inyo natatawang sabi ko sa kanya. Oo. Hanggang sa ma-realize ko na mali pala ang ginawa ko, paano mo nga naman malalaman na mahal kita kung hindi ko sinabi sayo seryosong sabi naman ni Damian. Naka-usap ko na pala si Elias tungkol dito, kung pwede sana .. muli ay hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagsabat ni Elias. Nathan, ok na kami ni Elias. Nag-usap na rin kami, sa unang pagkakataon nilabas namin ang lihim na tinatago namin sa isat isa. Ang ganda pala ang pakiramdam ng ganito, yung mahal ko siya dahil kung ano siya, hindi yung minahal ko siya dahil sa ibang dahilan seryosong usal ni Damian. Mabuti naman kung ganoon mahinahon kong tugon. Kahit siya, may inamin din sa akin pambibitin ni Damian. Pwede ko bang malaman? interesadong tanong ko sa kanya. Siempre naman sagot niya. Sa unang pagkakataon ay sinabi ni Elias sa akin ang nangyari sa kanila ng lalaking una niyang nakasiping noong nagtatrabaho siya sa Maynila. Kinikilig nga ako habang kinukwento niya sa akin, inamin na ang lalaking iyon ang naka-una sa kanya at ang una niyang minahal kwento ni Damian. Talagang kinilig ka pa biro ko sa kanya. Ang ganda kasi ng kwento nila, isang gabi lang silang nagkasama pero ang daming nangyari sa kanila. Posible pala iyon na makaramdam ka ng pagmamahal sa isang estranghero, akala ko mararamdaman mo lang iyon sa taong matagal mo nang kakilala kinikilig pa ring kwento ni Damian. Sa palagay ko, hindi pa pagmamahal ang naramdaman ni Elias noon sa estranghero, siguro nakaramdam lang siya ng atraksyon doon sa lalaki pagkontra ko naman sa kanya. Posible, pero si Elias lang ang makakasagot niyan. Ang totoo pa nga niyan nakita daw niya yung lalaki noong nagpunta kayo ng Maynila pero may kasama ito at mukhang malambing sila sa isat isa pagpapatuloy ni Damian. Ibig sabihin may nararamdaman pa si Elias sa lalaki? biro ko na naman sa kanya.

Wala na, ano ka ba, matagal na daw iyon at matagal na ring nawala ang nararamdaman niya sa kanya. Mananatili daw espesyal ang lalaking iyon sa kanya at inamin rin niya sa akin na kung bibigyan ng pagkakataon ay gusto rin niyang maka-usap yon dugtong ni Damian. Bakit hindi natin hanapin? tanong ko kay Damian. Natanong ko na rin kay Elias yon, kaya lang hindi daw niya alam ang pangalan ng lalaki at isa pa gusto niya na hayaan na lang niya ang tadhana na muling silang magkita pagtatapos ni Damian. Ngayon ko lang nalaman na meron palang ganyang side si Elias natutuwang sabi ko kay Damian. Bigla akong natahimik dahil alam ko narinig ko na ang kwentong iyon, hindi ko lang alam kung kanino. Pakiramdam ko kakilala ko yung lalaki na tinutukoy ni Elias o posibleng pareho lang sila ng kwento. Seryoso pagputol ni Damian sa pagmumuni-muni ko. Siyanga pala, tungkol naman sa nararamdaman ko sayo, hindi ko man ito tuluyang mapakawalan, pangako mawawala rin ito. Alam ko wala ng saysay pa na itago ito dahil may Elias na ako at alam kong maaayos pa ang sa inyo ni Tristan seryosong sabi ni Damian. Hindi na siguro pagtutol ko sa sinabi niya. Sabi ko naman sayo kilala kita, nababasa ko ang nasa isip mo at ramdam ko rin ang laman ng puso mo, nakakasigurado ako si Tristan pa rin ang tinitibok niyan. Alam mo Nathan, hindi maganda na idaan sa galit ang lahat, aaminin ko, nagkamali ako ng tulungan kitang magplano para makaganti ka sa kanya dahil galit din ako at umaasa ako noon na may posibilidad na maging tayo kapag nakaganti ka sa kanya. Huli na ng malaman kong mali pala ang ginawa ko paliwanag sa akin ni Damian. Masyado ng komplikado ang sitwasyon namin malungkot na tugon ko. Lahat ng komplikado at magulong sitwasyon ay naaayos ng pag-ibig malambing na sabi ni Damian. Kung wala ka ng nararamdaman kay Tristan, bakit lagi mo pa rin hawak ang pendant ng suot mong kwintas? dagdag na tanong ni Damian. ----Tatlong linggo na ng maka-uwi ako ng Pinas, binuhos ko ang buong oras sa paghahanda sa 25th birhtday ko. Kinailangan ko ring kumuha ng event coordinator para tulungan akong maging successful ito, marami nga ang natatawa sa akin dahil hindi lang ordinaryong theme ang napili ko. Last week ay pumunta na dito ang event coordinator na kina-usap ko, galing pa siyang Maynila. Gusto ko kasing magka-bonding din kami para malaman niya kung ano ba talaga ang gusto ko para sa birthday ko. Pinatuloy ko siya sa guest room namin, pati ang assistant niya na kaklase pa daw niya sa college. Bilib nga ako sa coordinator na ito, lalaking-lalaki ang dating pero ang galing niyang mag-organize ng party, wedding o childrens party, debut o fairty tale theme, kayang-kaya niyang gawin. Hanggat maaari ayoko ng biglaan, gusto ko organisado lahat. Kilala ko ang kasama niya, nagkita na kami ng ilang beses kaya naman komportable akong makatrabaho sila. Noong una naiilang ako na meron akong kasamang lalaki sa bahay, pero dahil nga naging close na ako sa kanila kahit ilang araw ko pa lang nakakasama ay nasanay na rin ako. Wala naman sa mga magulang ko kung lagi kong kasama ang mga coordinators ko, tiwala naman sila sa akin at alam nilang

trabaho lang iyon. Sila pa nga ang nanunukso sa akin na dapat ang isa sa kanila na lang ang maging escort ko. Brooke, akala ko hindi na tayo magkikita, na-miss kita bati niya sa akin isang araw, nagpunta kami sa mall para maghanap ng token na ipapamigay namin sa birthday ko. Madalas siya ang nakaka-usap ko dahil masyadong abala si Jethro, ang party coordinator. Ayos lang naman sa kanya kahit walang makausap sa aming dalawa dahil abasa siya lagi sa pagtawag sa phone at pagre-research. Oo nga, hindi ko aakalaing dito pa tayo magkikita sagot ko sa kanya. Jethro, sunod ka na lang sa amin sa food court sigaw ng kasama ko sa coordinator. Sige dude, kayo na ang bahalang umorder para sa akin, alam mo naman ako kahit ano kakainin ko sagot naman ni Jethro. Abala pa siya pagpili ng mga tokens. Ikaw talaga, gusto mo lang akong solohin malambing na sabi ko sa kanya. Sa pagkakataong ito, mas naging malambing pa siya sa akin. Kung dati ay nagkaka-ilangan pa kami ngayon ay hindi na. Ikaw ha, baka may ginagawa kayong milagro ni Jethro kapag nasa kwarto kayo biro ko sa kanya. Wala kaya, malaki ang respeto namin sa isat isa. Kahit na pareho kaming bisexual hindi kami nagkaroon ng pagkakatong matikman ang bawat isa biro niya sa akin. Maniwala ako, ikaw pa, alam ko kung paano ka lapitin ng mga lalake pangungulit ko sa kanya. Katulad mo, hindi ako basta-basta bumibigay. Hindi naman lahat ng lalake, bading at babae na nakakasama ko ay bumibigay ako, pakipot din ako paliwanag niya sa akin. Salamat nga pala seryosong sabi ko sa kanya pag-upo namin sa foodcourt. Para saan? takang tanong niya sa akin. Kasi interesado ka sa akin, the mere fact na marami akong naging BF alam ko hindi magandang image para sa babae iyon sagot ko sa kanya. Hey tugon niya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Huwag mong ibaba ang sarili mo, para sa akin wala iyon. Mas nagustuhan nga kita sa pagiging independent at open-minded mo masuyong sabi niya at hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Salamat malambing na sagot ko sa kanya. Ako nga ang dapat magpasalamat sayo, kasi willing ka ring tanggapin ako kahit na alam mong bisexual ako malungkot na sabi niya.

Hey ginaya ako ang sinabi niya at bumitaw ako sa pagkakahawak namin ng kamay. Isa sa nagustuhan ko sayo, hindi ka natatakot na ipahayag ang iyong sarili. Hindi katulad ng iba na takot ipakita ang kanilang sexual preference pagkatapos ay hinawakan ko ang pisngi niya. Kung sakaling naging tayo at bumalik ka ng Dubai, titingin ka pa ba sa ibang lahi? tanong niya sa akin. Hindi na, nangako ako sa aking sarili kapag nakita ko na ang taong mamahalin ko, hindi na ako titingin sa iba seryosong sabi ko sa kanya at muli kong hinagod ang pisngi niya. Ikaw ba, kung sasagutin kita maipapangako mo bang hindi ka na titingin sa mga lalake? tanong ko sa kanya. Depende, kung cute at agaw atensyon talaga siempre titignan ko natatawang sabi niya, dahil sa inis ay tinanggal ko ang pagkapatong ng kamay ko sa pisngi niya, pero muli niya iyong inabot. Biro lang, siempre magiging loyal ako sa iyo, pangako kahit sa mga babae hindi ako titingin seryosong sabi sa akin. Ang sweet naman pagputol ni Jethro sa usapan namin. Nakita ko na ang perfect token para sa birthday mo masayang sabi niya sabay lapag ng isang maliit na crystal shoe sa mesa. ----Eto na, ang espesyal na araw ko, ang aking 25th birthday. Pagkatapos kong isuot ang aking gown at ipatong ang aking tiara, ay lumabas na ako sa kwarto ng hotel na pagdadausan ng party ko. Gusto kong ma-feel ang pagiging fairy tale character kaya naman si Cinderella ang naisipan kong gayahin. Ang bigat ng gown pero kinaya ko itong isuot, para maramdaman ko talaga ang theme na pinili ko. Hindi pinakita ni Jethro sa akin ang ayos hall bago ang party kaya naman namangha ako ng husto pagpasok ko dito. Mula sa mga naglalakihang chandeliers, sa mga knights na umaalalay sa akin, sa mga ibat ibang costume ng aking mga guest na inspired ng fairy tale characters, ramdam ko talaga ang napili kong theme. Maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa party ko, alam ko sobrang effort ang ginawa ninyo para makahanap ng isusuot ninyo, I just want this day to be memorable at pati kayo nadamay sa kalokohan ko. Gusto kong pasalamatan ang magulang ko na walang sayang pumapayag sa lahat ng kabaliwan ko, muli, sa inyong nandito, kayong espesyal na tao sa nagdaawang dalamput limang taong sa buhay ko. Malungkot din ako dahil marami din ang hindi nakadalo dahil ang iba ay nasa ibang bansa. Kay Jethro, na masigasig na nag-ayos sa pagdiriwang na ito. At siempre sa Prince Charming ng buhay ko Pagkatapos kong magsalita ay nagpalakpakan ang mga tao, lumakas pa ito ng lapitan ako ni Prince Charming. Pagkalapit niya sa akin ay hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa gitna ng hall. Itinaas niya ang kanyang kamay ng makarating kami sa gitna, senyales niya pala ito para magsimula ang tugtog. Sa bawat pag-ikot namin ay kita ko na kinikilig ang aking mga bisita sa aming dalawa. Happy Birthday. I love you bati niya sa akin. Salamat. I love you, too sagot ko sa kanya. Alam ko masyadong madali para sagutin ko siya, pero ramdam ko talaga na mahal niya ako kaya alam ko deserve niya iyon. Habang nagsasaway kami ni Prince Charming ay seryosong nag-uusap sina Aladdin at Prince of Persia sa garden sa labas ng hall.

Chapter Nineteen Burjuman Mall Tristan, Kumusta ka na? Alam kong hindi naging maganda ang mga namagitan sa atin noong pag-alis mo, alam mo naman siguro iyon. Sa pagkakataong ito gusto kong bumawi sayo, pasensya na sa mga pagmumura ko sayo dati, alam kong wala akong karapatang gawin sayo iyon, pero nadala lang ako ng galit, kahit na hindi dapat. Ako rin ang nag-udyok kay Nathan na gantihan ka, sa katunayan nga ayaw niya pero pinilit ko pa rin siya. Aaminin ko rin sayo, mahal ko siya pero unti-unti ko ng pinapakawalan iyon dahil hindi patas kay Elias at sa ngayon iyon ang nararapat na gawin. Matagal na kaming magkaibigan ni Nathan, ako ang nakaka-alam sa mga hindi mo nalalaman tungkol sa kanya. Tristan, ako ang makiki-usap sayo ngayon, sana huwag mong pakawalan si Nathan sa pagkakataong ito. Damian. ----Damian, Maraming salamat sa tulong mo, sana matuloy nga iyon. Ako na ang bahala sa pinapaki-usap mo. Brooke. ----Brooke, kailangan bang ganito ang suot ko? asar na bati sa akin ni Nathan sa phone, tinawagan ko siya bago ang birthday ko. Eto naman, ngayon lang ako naki-usap ng ganito sa kanya. Ang dami mong reklamo, basta isuot mo na lang iyon. Gusto ko ikaw ang magiging Aladdin sa birthday ko. Bye paalam ko sa kanya. ----Pare, pasensya na papunta ako sa room 214 ng hotel para kunin ang costume namin ni Damian at dahil sa pagmamadali ko ay may nabunggo na naman ako. Dude, dahan-dahan naman sa susunod pasigaw na sabi niya. Nang dahil sa hiya ko sa kanya ay hindi ko halos matignan ang mukha niya. Ikaw nga pagbasag niya sa katahimikan. Dahil doon ay napatingin na ako sa kanya. Kumusta na? tanong ko sa kanya. Sa maraming taon kong paghihintay ay muli kong nakita ang estranghero. Nabigla ako sa susunod niyang ginawa, niyakap niya ako, ng mahigpit. Yumakap din ako sa kanya ng mahigpit, ramdam kong huminto ang aming paghinga ng ilang segundo at bumalik lang iyon ng pareho kaming kumawala sa pagkakayakap namin. Gusto ko pa siyang yakapin, at halikan, muling damhin ang sarap ng kanyang halik, pero mas nanaig ang respeto ko kay Damian. Siya rin, nakita ko mga mata niya ang kasabikan pero parang may pumipigil din sa kanya. Siguro naman pwede ko ng malaman ang pangalan mo ngayon? tanong niya sa akin. Siempre naman, ako pala si Elias pagpapakilala ko sa kanya. Omar nga pala pakilala naman niya sa akin sabay abot ng kamay niya.

Hinintay kita, ilang araw akong bumalik sa lugar kung saan tayo nagkita parang paninisi ko sa kanya. Hindi na ako nakabalik sa lugar kung saan kita binigyan ng beer, sumama akong nagbakasyon sa mga magulang ko. Ikaw nga umalis ka kaagad sa kwarto. Bumili lang ako ng almusal pero pagbalik ko ng ay wala ka na balik niya sa akin. Akala ko kasi iniwan mo ako. Wala na akong makitang damit o gamit na babalikan mo kaya hindi ko inakalang babalik ka pa pagpapatuloy ko. Alam kong mali na iwanan kita dahil hindi man tayo nagkakilala, pero mas gusto kong surpresahin ka, gusto ko paggising mo may nakahanda na sanang pagkain panghihinayang niya. Mali rin ang umalis ako na hindi kita hinintay kahit ilang minuto lang sinabayan ko na ang pagbabalik tanaw ni Omar. Marami pang oras bago magsimula ang party kaya naman nagpasya muna kaming magkwentuhan pa ni Omar. Hindi ko inaakala na magkikita kami ng lalaking nag-alok ng alak sa akin, ang lalaking una kong inibig. Pinagtapat ko sa kanya na may boyfriend na ako, si Damian at inamin niya rin sa akin na may nililigawan siyang babae. Minahal kita malambing na sabi niya sa akin. Alam kong imposible pero sayo ko naramdaman ang matagal kong hinahanap sa isang tao. Ikaw ang nagpakabog sa dibdib ko ng ganoon kalakas, ikaw din ang unang taong inalok ko ng beer pag-amin niya sa akin. Parehong pala tayo maikling tugon ko. Unang beses mong tumanggap ng beer galing sa hindi mo kakilala? tanong niya sa akin. Oo, pero bukod doon ay pareho tayo ng naramdaman, minahal din kita sagot ko sa kanya. Nagtawanan kami, para bang pareho kaming nakarinig ng isang nakakatawang joke. Siguro merong mga bagay na hindi para sa isat isa pagputol niya sa tawanan namin. Tama ka, merong mga bagay na kahit masaya ang pakiramdam hindi talaga para sa atin dugtong ko. Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan namin, mula sa veranda na kinatatayuan namin ay pinagmasdan namin ang magandang korte ng swimming pool, ang mga batang masayang naglalaro paligid nito, ang mga halaman na nakatanim malapit doon. Malayo ang tanawing ito sa madilim na kwarto kung saan kami nagtalik. Maya-maya ay nakakita si Omar ng batang babae, may dalang dalawang lobo, isang kulay puti at isang kulay asul, malamang galing niya ito sa childrens party na ginanap din sa ibang hall ng hotel. Bata, pwede bang mahingi ang mga lobo mo? tanong ni Omar sa batang babae. Ayaw pagtanggi ng bata.

Bigyan kita ng sampung candy pag-alok ni Omar sa bata, mas natawa ako dahil hindi ko alam kung saan niya galing ang mga candy. Sige pagpayag naman ng bata at pagkatapos ay nagpalitan sila. Pagkakuha sa mga lobo ay binigay niya sa akin ang kulay asul. Mula sa sandaling iyon ay wala ang salitang lumabas sa aming mga bibig. Hindi man kami nag-uusap ay pareho naming alam na kailangan naming pakawalan ang mga lobo, simbolo ng pagpapakawala ng natitirang damdamin namin para sa isat isa. Papalubog na ang araw ng oras na iyon pero tanaw pa rin namin ang mga lobo. Nang tuluyan ng naglaho ang mga ito ay hinarap namin ang isat isa, nagpakawala ng matamis na ngiti at muli kaming nagyakap. Pagkakalas namin sa pagkakayakap ay tumalikod kami at naglakad palayo sa bawat isa. ----Ang sakit isipin na ganito lang ang kakahinatnan ng pagkikita namin ni Elias, ang tagal ko siyang hinintay pero kung bakit ngayong nahulog na ang loob ko kay Brooke tsaka ko pa siya nakita, pero sabagay kahit na hindi ko nililigawan si Brooke hindi rin pala kami pwedeng maging kami dahil may karelasyon na siya. Paano kung pareho kaming single ngayon, may posibilidad bang maging kami? Madudugtungan pa kaya ang gabing pinagsaluhan namin. Siguro nga hindi kami para sa isat isa, sinadya siguro ng tadhana na magkita tayo kung kailan meron na tayong ibang minamahal. Omar, saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap, alam mo naman dapat kanina ka pa nakabihis, ang hirap kayang isuot ng costume mo sigaw ni Jethro sa akin. ----Pinsan, Happy Birthday! masayang bati ko kay Brooke pagpasok ko sa kwarto niya. Salamat, Damian maikling tugon niya pagkatapos ay nagyakapan kami. Matagal na kaming hindi nag-uusap ng pinsan ko, nagkaroon ng alitan ang magulang namin noong mga bata pa kami kaya pati kami nadamay. Siya ang naglakas loob na puntahan ako sa bahay para imbitahan kami sa birthday niya, matagal na daw yung alitan na iyon at panahon na para magbati na ang mga magulang namin. Noong pagbisita niya sa akin ay nakita niya sa Nathan kaya doon lang din namin nalaman na pareho namin siyang kakilala. Hindi ako mahilig sa social network sites kaya wala akong panahong makita ang mga pictures ni Nathan na kasama si Tristan, kaya naman hindi ko rin nakita na kasama pala nila si Brooke. E-mail lang ang meron ako at iyon lang ang ginagamit ko para makibalita sa mga kakilala ko, at madalang ko lang gamitin iyon. Ang dami pala nating common friends masayang sabi ni Brooke. Oo nga sagot ko naman. Nakakatawang isipin, pati tayo apektado sa away ng matatanda kaya hindi tayo nakakapag-usap. Ikaw pa naman ang isa sa mga ka-close ko noon dagdag ko pa. Kaya nga inimbitahan kita so I can catch up with you tugon niya. Sana matuloy ang pinaplano natin, ano ng balita sa kanya, darating ba siya? tanong ko kay Brooke.

----Nathan, bago magsimula ang party kailangan mong pumunta sa garden, magkita tayo doon may importante akong sasabihin sayo text sa akin ni Damian pagkatapos kong magbihis bilang Aladdin. Pumunta ako sa garden at habang hinihintay ko siya ay naupo muna ako sa bench na nakatalikod sa entrace nito. ----Brooke, talaga, tayo na, girlfriend na kita? halos mapasigaw si Omar habang nagsasayaw kami. Si Omar, ang Prince Charming ko sa gabing ito. Oo maikling tugon ko. Dahil siguro sa kagalakan ay hinalikan ako sa labi, ang sarap pala ng halik galing sa taong mahal mo. Ngayon ko pa lang naranasan ito kahit na marami na akong nakahalikan dati. Narinig ko na lang na nagpalakpakan ang mga tao pero hindi namin pinansin ni Omar iyon, pareho naming ninamnam ang halikan namin. ----Gusto kong i-surprise si Brooke kaya naman hindi ako tumawag o nagtext sa kanya para ipaalam na umuwi ako pero lahat ng hinabilin niya sa akin ay ginawa ko naman, pati ang bracelet na panlalaki na pinabili niya sa Burjuman Mall ay dala ko rin, ibigay ko raw ito sa lalaking makikita ko sa garden ng hotel bago ako pumasok sa hall. Kagaya ng habilin ni Brooke, pumunta muna ako sa garden para hanapin ang lalaki. Ang ganda ng pagkaka-landscape sa garden, may naka-patong pang mga tela na ibat ibang shade ng blue sa mga halaman, pati ang entrance ay may nakahelerang kulay blue na bulalak papunta sa gitna nito. Parang sinadya ang disenyo nito para sa mga magkasintahan na gustong maging romantic ang kanilang paguusap. Madilim na noon kaya naman halos hindi ko mapansin ang lalaking naka-upo sa bench. Excuse me magalang na turan ko sa lalaki pagkalapit ko sa kanya, nakatalikod siya. May pinapabigay si Brooke sayo dagdag ko pa. Naaliw akong tignan ang lalaki dahil parang siya talaga si Aladdin, kahit na nakatalikod pa lang, na bagay naman sa suot kong Dastan, ang Prince of Persia. Tila sinadya na Arabic inspired ang suot namin. Tumayo ang lalaki, pero umabot ng ilang minuto bago siya humarap sa akin. Habang humarap ang lalaki ay sumindi ang ilaw sa poste na nakapalibot sa garden, ang tagal ng bawat segundo ng mga kilos niya. Halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ng makita kong si Nathan ang lalaking iyon Alam ko plano ito nina Brooke at Damian natatawang sabi niya sa akin. Nathan tanging nasambit ko, pagkatapos lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Mahigpit ang pagkakayakap ko, maya-maya ay naramdaman ko ring yumakap siya sa akin. Sorry bulong sa akin ni Nathan, sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. Ako dapat ang mag-sorry sagot ko sa kanya, ramdam ko rin ang pag-iyak niya.

Kumalas kami sa pagkakayakap at pagkatapos ay pareho naming hinagod ang pisngi ng bawat isa gamit ang kamay namin para punasan ang aming mga luha. Hindi mo bagay ang umiyak, prinsipe ka ngayong gabi dapat matapang ang dating mo sabi niya sa akin, pagkatapos ay dinikit ang noo niya sa noo ko. Ikaw rin naman sagot ko sa kanya at sabay kaming nagtawanan, pagkatapos ay umiling-iling ako at tinatama ko ang ilong ko sa ilong niya. Bati na ba tayo? parang bata na nagtanong si Nathan sa akin, pagkatapos niyang ilayo ang ulo niya sa ulo ko. Kitang-kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. Ikaw ang dapat kong tanungin niyan balik ko sa kanya. Bati na tayo, please balik tanong ko sa kanya. Oo, wala ng iwanan masuyong tugon niya. Alam kong sapat na ang mga salitang iyon para mapatawad namin ang bawat isa. Pareho kaming umupo sa bench at nagkatinginan lang kami, kahit hindi kami nagpapalitan ng salita, naintindihan ng bawat tingin namin ang ibig naming sabihin. I love you bulong ko sa kanya. I love you, too sagot niya sa akin. Kasabay na masuyong halikan namin ay ang pagbukas ng maliliit na ilaw na nakapalupot sa mga halaman at water fountain na nagsilbing background namin. Wala kaming pakialam kung merong makakakita sa amin, sa ganda ng garden malaman iyon muna ang makita nila, at isa pa, malayo sa entrance ang kina-uupuan namin. Ang importante sa amin ni Nathan ang ay muli naming pagkikita. Pagkatapos naming maghalikan ay magkahawak kamay kaming tumungo ni Nathan sa hall. ----Habang masaya kong pinagmamasdan ang sayawan ay nakita kong pumasok sina Aladdin at Dastan, magkahawak kamay pa sila, nakaka-ilang pero ang cute nilang tignan, sigurado akong magpartner ang dalawang iyon. Nakita ko rin na itinuro ni Brooke kay Omar ang pagpasok ng dalawang prinsipe at sabay silang nagtawanan. May kinalabit din si Brooke na isang pares ng lalaking magkasayaw at itinuro din ang pagdating ng nina Aladdin at Dastan. Pagkalapit ng dalawa kina Brooke ay yumakap sila sa apat, halata namang magkakakilala sila pero para bang ang tagal nilang hindi nakikita-kita. Bumuo ng isang bilog ang tatlong magkaka-pares at masaya silang nagsayaw sa gitna ng hall, sa gitna ng maraming tao. Sa bawat pag-ikot nila ay kita ko ang paglipad ng maliliit na puso, para silang mga lobo na pinakawalan sa langit, tanda ito na pag-ibig ang nagbubuklod sa bawat pares. Ikaw Jethro, kailan ka kaya makakahanap ng taong magmamahal sayo bulong ko sa sarili ko.

Chapter Twenty Burj Al Arab Jethro, maraming salamat. That was my most memorable birthday party ever masayang sabi ko sa kanya. Brooke, Thank you kasi you challenged me, once again I proved to myself that I can organize such party tugon niya. By the way, maiiwan ba si Omar dito? tanong niya sa akin. Oo, dito muna ako. Lilipat muna ako sa hotel, nakakahiya naman sa mga magulang ni Brooke, bago palang kaming mag-syota pero nakikitulog na ako paghabol ni Omar, galing siya sa loob ng bahay. Its ok, wala namang problema sa kanila iyon pagpupumilit ko. Kahit na, hindi pa rin magandang tignan. I just want to prove to you and to your parents how much I respect and love you pagtutol pa rin ni Omar. Kaya kita mahal, youre such a gentleman malambing na tugon ko. Sige na, alis na ako, baka langgamin pa ako sa ginagawa ninyo paalam ni Jethro sa amin. Ok, ingat sa biyahe sabay sa turan namin ni Omar. Isang taon na ang nakalipas, nagpakasal rin kami ni Omar, ayoko na siyang pakawalan pa. Hindi man namin ito kaagad naramdaman, alam namin kami ang para sa isat isa. Inamin din niya sa akin ang usapan nila ni Elias bago ang party ko. Mas lalo akong humanga sa kanya kasi pinakawalan niya ang taong matagal niyang hinahanap para sa akin. Inamin din niya ang iba pa niyang kalokohan sa akin, tinanggap ko ang lahat ng iyon dahil isang maginoo ang nakikita kong kasama ko, at kung ano man ang nangyari sa nakaraan niya, ibabaon na lang namin sa aming memory. ----Hindi maiwan ni Brooke ang trabaho niya sa Dubai kaya naspasya na akong sundan siya doon. Hindi naman ako totoong takas kaya nakabalik ulit ako sa bansang iyon, gawa-gawa ko lang ang kwentong iyon dati para maawa sa akin ang mga tao at para mas madali nila akong matulungan. Kinuhanan ako ng wives visa ni Brooke para hindi ako mahirapang maghanap ng trabaho. Hon, huwag ka ng magtrabaho, asikasuhin mo na lang ako dito paglalambing ni Brooke sa akin. Ayoko naman matuyo ang utak ko dito sa bahay kunwaring pagtanggi ko sa kanya. Mas kailangan kita ngayon, mas kailangan ko ang pag-aalaga mo dahil magiging tatay ka na halos pabulong niyang sabi sa akin. Ano ang sinabi mo? nag-asta akong hindi ko narinig ang sinabi niya. Sabi ko buntis na ako, two months na masayang sabi ni Brooke.

Sa sobrang saya ko ay napasigaw ako kahit na gabing-gabi na, sigurado ako nagising ko ang ibang flatmates namin na natutulog na. Yung sa amin ni Omar, wala na iyon, tinuring ko na lang na parte ng mapusok kong kabataan. Sa katunayan nga nag-alok kami ni Brooke na mag-invest sa boystown, kina-usap namin si Damian na gagawa ng iba-ibang handicrafts products na gawa sa native raw materials ang mga bata at si Jethro na ang bahalang mag-distribute sa mga kakilala niya sa Maynila, ito ang pinapauso daw nilang token sa ibat ibang okasyon kaya naman mabenta ang mga ito. Pumayag naman ang pamunuan ng boystown at si Elias ang nagturo at supervise sa mga bata. ----Elias, mag-merienda muna tayo pagyaya sa akin ni Damian. Ok, tatapusin ko lang ginagawa ng mga bata, malapit na ito sagot ko naman sa kanya. Ang laking tulong pag-invest nina Brooke at Omar sa boystown dahil nagkaroon ako ng regular na trabaho. Mabuti na lang maraming kakilala si Jethro kaya hindi kami nahirapang makahanap ng supplier. Kung minsan nga ay nauubusan pa kami ng materyales dahil sa dami ng order sa amin, pero ganoon pa man ay hindi namin sinasakripisyo ang kalayaan ng mga bata, meron kaming nilalaan na oras para sa pagtatrabaho at paglalaro nila. Naging mas matatag na kami ni Damian ngayon, hindi lang dahil magkasama kaming magtrabaho, dahil din mas naging bukas kami sa bawat isa, pinatili namin na walang sikreto kaming itatago. Kay Damian ko nahanap ang kaligayahang hinahanap ko noon pa man, siya ang taong nakapagpasaya ng lubos sa akin. Tama ang ginawa ko na pinaglaban ko ang pagmamahal ko sa kanya. Yung kay Omar, siguro nga atraksyon lang ang naramdaman ko sa kanya dati, dahil kung mahal ko talaga siya sana siya ang pinaglaban ko. ----Kumusta ang mga bata? tanong ko sa kanya pagkapasok sa opisina ko para mag-merienda. Ayos naman sila, Damian sagot niya sa akin. Karamihan sa kanila ay gusto pang magtrabaho kaysa maglaro paliwanag niya sa akin. Naku, baka umasa ang mga iyon na lalaki ang incentives na binibigay natin, ayokong mag-focus ang mga bata sa pera, hindi maganda sa kanila iyon ang babata pa lang nila pag-aalala ko sa mga bata. Hindi naman iyon ang iniisip nila, gusto lang nilang maramdaman na productive sila. Madalas nga nagpaparamihan sila ng nagagawa, pero sabi ko sa kanila huwag nilang pabayaan ang kalidad ng produkto paliwanag ni Elias. At hindi rin issue sa kanila ang pera, halos hindi nga nila banggitin iyon at pabor pa rin sila na tayo ang humahawak sa ipon nila, tiwala daw sila sa atin dagdag pa ni Elias. Mabuti naman kung ganoon masayang turan ko. Kain na tayo pagyaya ko sa kanyang magmerienda. Masaya ka ba? seryosong tanong niya sa akin, sabay hawak sa aking kamay.

Oo naman. Masaya ako sayo, tama ang desisyon kong makipag-relasyon sayo, ikaw ang taong nagpapasaya sa akin kahit na pagod ako seryosong sagot ko. Kahit hindi man tayo magka-anak, masaya na ako sa piling ng mga bata dito dagdag ko pa. Patuloy naming tinago ni Elias ang relasyon namin, gusto pa rin naming ituro sa mga bata ang konserbatibong pananaw ng lipunan. Alam kong walang mali sa relasyon namin, pero alam rin naming huhusgahan kami ng lipunan sa sandaling malaman ang namamagitan sa amin ni Elias. Mahirap ang patagong relasyon, pero iniisip na lang namin na para rin sa kabutihan namin ito. ----Pagkatapos ng birthday ni Brooke noong nakaraan taon ay nagpasya muna kami ni Nathan na magbakasyon sa Pilipinas, halos isang buwan din namin nilibot ang mga lugar na hindi pa namin napuntahan noon. Dati kasi Baguio ang madalas naming puntahan, mas madalas pa naming marating iyon kaysa Maynila. Naglaan din kami ng oras para kausapin ang aming pamilya at iharap ang taong mamahalin namin. Nathan, matagal ka na naming kakilala at alam mo kung paano kami nag-disappoint sayo noong nalaman namin na may namamagitan sa inyo ni Tristan. Nagalit din kami sa kanya kaya nilayo namin siya sa iyo panimula ng nanay ko, hindi pa kaya ng tatay ko na harapin ako na kasama ko si Nathan. Tita, alam ko naman po iyon. Kaya po hihingi ako ng pasensya na nagawa kong kahihiyan sa inyo magalang na sagot ni Nathan sa nanay ko. Hindi nyo naman siguro kasalanan na may namamagitan sa inyo, at wala kang dapat ihingi ng tawad. Katulad nga ng nasabi namin kay Tristan dati, hindi man namin kaya suportahan ang relasyon ninyo pangako namin na patuloy pa rin intindihin ito pagpapatuloy ng nanay ko. Maraming salamat po sabay naming tugon ni Nathan. Basta ipangako nyo na aalagaan nyo ang isat pagbalik ninyo sa Dubai pahabol na tugon ng nanay ko. Pagkatapos naming harapin ang pamilya ko ay pumunta kami kina Nathan. Tristan, ikaw ha, hindi mo man kami pinuntahan noong dumating ka pagtatampo ng nanay ni Nathan. Akala ko pa naman nadadagdagan ang stock kong imported na alak panggagatong pa ng tatay niya. Naku, ang anak nyo po kasi, hindi ako pinapapunta dito pagtatanggol ko sa sarili ko. Bakit, kay Nathan ba ang bahay na ito? kunwaring galit na turan ng tatay niya. Huwag na po kayong magtampo, hindi ko naman po nakalimutan ang pasalubong ko sa inyo paglalambing ko sa kanila sabay abot ng bote na imported ng alak at cholocate sa kanila. Aba, kung lagi kang ganyan hindi tayo magkakaproblema, sa susunod na magkagalit kayo ni Nathan ay papaalisin ko siya dito para maka-pasyal ka masayang sabi ng tatay ni Nathan.

Hindi na po mangyayari iyon, nagka-ayos na kami ni Nathan at nangakong hindi na magkakalabuan ulit matatag na turan ko sa mga magulang niya. ----Kabs, I love you masuyong tugon ni Tristan sa akin. I love you more, kabs bulong ko naman sa kanya. Nasa kahabaan kami ng Jumeirah Road, malapit sa pamosong Burj Al Arab. Naka-upo kami sa buhanginan malapit sa dalampasigan ng dagat. Ang tagal na natin dito sa bansang ito pero ngayon pa lang tayo nakapunta dito sabi ko sa kanya. Oo nga, ngayon alam ko na ito ang lugar na gusto kong pagdalhan sayo dati sagot ni Tristan sa akin. Kabs, tungkol nga pala sa nangyari dati .. hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil sumabat si Tristan. Kabs, its been a year already, sa pagkakataong ito maglalakas-loob na akong maki-usap sayo na huwag na nating balikan ang nakaraan. Nakapag-move on na ako at nakalimutan ko na rin iyon, kagaya ng sinabi mo dati, isipin na lang natin na iyon ang pinaka-down na oras sa atin relasyon mahabang paliwanag ni Tristan. Bakit ka natatawa? takang tanong niya sa akin ng marinig akong tumatawa. Masyado ka kasing assuming, hindi naman iyon ang sasabihin ko natatawang sabi ko sa kanya. Ganoon ba? Akala ko kasi babalikan mo na naman iyon. Ano ang gusto mong sabihin sa akin? tanong sa akin ni Tristan. Nakalimutan ko tuloy, since na open na yung topic, gusto ko ring sabihin sayo na hindi na kita iiwan pa. Yung mga nangyari dati, nagpapatunay lang ang mga iyon na mahal na mahal kita. Noong pag-uwi ko hindi ka rin matanggal sa isipan ko. Nakakatawa nga kasi ang lakas ng loob kong iwan ka pero hindi ko naman pala kaya na mawalay sayo paliwanag ko sa kanya. Sounds good, kung ganyan ba ang mga binabalikan mo ayos lang sa akin biro niya. Alam kong napaka-immature ng ginawa ko, mas madali sana kung pinag-usapan na lang natin pero ano ang ginawa ko malungkot kong tugon. Ikaw na rin ang laging nagsasabi, tignan natin ang bright side ng lahat ng nangyayari sa atin sagot naman ni Tristan. Alam ko, pero ako rin nahirapang gawin iyon. Im so sorry masuyong sabi ko kay Tristan sabay akbay sa kanya. Ikaw ha, kunwari ayaw mong balikan iyon pero nakagawa ka pa rin ng paraan, ang galing mo talaga pabirong sabi ni Tristan sa akin. Ang gandang pagmasdan ng paglubog ng araw sa tabi ng Burj Al Arab, kahit saan naman gusto kong pagmasdan ang paglubog ng araw. Ang para bang lahat ng pagod at pangamba ko sa buong araw ay sinasama ng araw sa paglubog nito. Pagkawala nito sa kalawakan ng dagat ay nagkakaraon ako ng panibagong pagkatao.

Kabs, naniniwala ka ba na bulag ang pag-ibig? tanong ko kay Tristan. Hindi maikling tugon niya. Bakit? takang tanong ko. Dahil ang pag-ibig ay nakikita ang hindi nakikita ng mata, naaamoy ang hindi naaamoy ng ilong, naririnig ang hindi naririnig ng tenga, nararamdaman ang hindi nararamdaman ng balat, at nararating nito ang hindi kayang marating ng ating paa mahiwagang paliwanag ni Tristan. Panandalian akong nanahimik dahil tama nga siya, lahat ng imposible ay nagagawang posibleng pag-ibig. Mahiwaga ba ang pag-ibig? Oo, dahil kung hindi sana ay hindi kami nagbalikan ulit ni Tristan. Love is sweeter the second time around madalas nga nilang sabihin, pero paano kung pangatlo na. Katulad ng nang nangyari sa amin ni Tristan, pangatlong beses na naming binigyan ng pagkakataon ang aming mga sarili para patunayan namin na mahal namin ang isat isa. Hindi ako sigurado kung mas matamis nga sa pagkakataong ito pero madalas na akong mangako aky Tristan na hindi ko na siya iiwan pa. Ipapadama ko na nasa tabi lang niya ako kung sakaling magkalayo dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Sa dalawang beses na dumaan kami ni Tristan sa pinakamababang sandali ng aming relasyon, doon ko napatuyanan ang pagmamahal ko sa kanya, ang mali ko lang siguro ay hindi ko binigyan ng panahon ang sarili ko para malaman ang aking pagkakamali. Kabs, tara na pagyaya ni Tristan sa akin. Ok pagpayag ko naman. Tuluyan ng lumubog ang araw sa kawalan ng Jumeirah Beach, at nagsimula na rin lumiwanag ang Burj Al Arab. Si Tristan na ang nagmanaheno pauwi, oo, muli kaming nagpasya na magsama sa isang kwarto. Aaminin ko, mas masaya sa pagkakataong ito, mas malambing, mas maalab, mas mapusok ang bawat gabi namin. Para kaming bagong mag-asawa sa set-up namin ngayon at muli kaming sinuwerte sa mga kasama namin sa flat, katulad ng mga nauna naming nakasama ay hindi sila naiilang sa amin. Kabs, mahal na mahal kita masuyong turan ni Tristan sa akin pagpasok namin sa bago naming kwarto. Kagaya ng dati ay hindi namin ito pinuno ng appliances at furniture. Kung ano lang ang kailangan namin ay iyon lang ang nilagay namin sa kwarto. Hindi ko na siya sinagot, bagkus ay idinaan ko sa pamamagitan ng maalab na halik ang aking sagot. Gumanti na halik sa akin si Tristan, halos hindi ko na maabot ang aking hininga dahil sa madiin niyang paghalik. Ramdam ko rin ang sakit ng pagsakmal niya sa parte ng katawan ko na pinipisil niya. Kabs, I love you malambing kong tugon sa kanya. Ikaw ba, ano ang tingin mo sa pag-ibig? tanong niya sa akin ng kumalas sa paghahalikan namin. Ang pag-ibig ang mahiwagang bagay na ginagawang baliw ang mga matitino ang pag-iisip natatawang sagot ko sa kanya, at sinabayan din niya ako sa pagtawa.

- Wakas -

You might also like