You are on page 1of 1

ANG AKING PAG-IBIG ni Elizabeth Berrett Browning (salin ni Rufino Alejandro) MGA TAUHAN Ang Umiibig Ang taong

g nagsasalita ng mga wika sa tula. Ipinapahayag ng Umiibig ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa taong kanyang iniibig sa pamamagitan ng pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig, ang kalakasan at katamisan nito, at ang paghahambing nito sa ibat ibang bagay tulad mg kaluluwa, liwanag, lalaki, bayani, at isang musmos. Ang Iniibig Ang taong pinapahayagan ng taong Umiibig sa tula. Ang Iniibig ang nakikinig o nakakabasa sa mga pinapahayag o sinasalarawan ng Umiibig tungkol sa katamisan at kagandahan ng pag-ibig at ang paghahalintulad nito sa mga ibat ibang bagay upang maipakita at mapatunayan sa kanya ng Umiibig ang pagmamahal at pagsinta nito sa kanya. ANG BUOD Sa pagkakasalaysay ng tula, nais malaman ng taong Iniibig kung bakit siya ang napiling mahalin ng taong Umiibig. Sa pangyayaring ito, tinanong ng Umiibig ang Iniibig kung batid ba nitong malaman ang gaano siya nito kamahal. Bagamat maraming paraan upang maipahayag ang mga ito, minabuting isaisahin ng Umiibig ang kanyang mga kadahilanan sa pagmamahal nito sa taong Iniibig. Inihalintulad ng Umiibig ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa Iniibig sa kaluluwang malayang nakakalipad at nais marating ang mga lugar na hindi lubos-maisip, sa liwanag at sa dilim, sa malayang lalaking hindi paaapi, sa bayaning di ininda ang papuri, sa banal na nanamlay kung wala at sa kamatayan kung ang pag-ibig ay wala. Sa bandang huli, pinahayag ng Umiibig ang lubos niyang pagmamahal sa Iniibig nang ipahayag nitong ang pag-ibig niya ay siyang lahat ng mabubuting kadahilanan sa mundo na hanggang kamatayan, patuloy pa rin ang pagdaloy at pag-usbong. ANG PAKSA Tumutukoy ang tula sa tunay ng pag-ibig. Ito ang isang bagay na tinuturing na nagpapa-ikot sa buhay ng tao. Ito rin ang sanhi ng maraming kabiguan at paghihimutok. Ngunit, anupaman ang maihambing sa pag-ibig, ito pa rin ang magsisilbing inspirasyon ng bawat tao upang mabuhay at magpatuloy sa buhay. Pinapahayag lamang ng tula na hindi sapat ang lahat ng bagay sa mundo upang malaman ang kadahilanan kung bakit nagmamahal ang isang tao. Kung isa-isahin man ito, ang listahan ay walang katapusan dahil ang pag-ibig ay buhay. At tulad ng sabi ng tula, kahit sa kamatayan ay magpapatuloy pa rin ang pag-ibig dahil wala itong kawakasan.

You might also like