Walang duda! Ung natawa ang may pakana ng lahat. Kaya agad akong lumapit atsinabing "Boplaks ka ba?! Wala ba sa bundok ng ganitong medyas? Design yan! Duh?!"pagmamalaking sinabi ko. Hindi kalauna'y sumagot ang loko-lokong lalaki, "Wow! Bagoyan ah! Meron pala niyan, ung isa Hello Kitty ung isa... Kerokeroppi! Pauso ka ah!" attawa na naman siya ng malakas. Walang anu-ano'y sumabat ang lalaking kasama niya,"Tama na nga yan Joshua. Kauumpisa palang ng klase nambibiktima ka na agad. Ngapala miss, ikaw ung kasabay ko sa jeep kanina diba? First year ka? Ngayon lang kasi kitanakita dito eh." Aba, kala ko pa naman ipagtatanggol ako ng lalaking ito! Mang-aaway dinpala, sabihan ba naman akong first year?!?! "Ah hindi, transferee ako. Fourth year naako." sabay ngiti ako ng pilit. "Ano miss?! fourth year ka na pala? Ang ganda kasi ngmedyas at headband mo eh! Hahaha!" sabat ng lalaking loko-loko na nagngangalangJoshua. Kinotongan ng lalaking kasama niya si Joshua at siya'y humingi ng paumanhinsa akin.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, kaklase ko silang dalawa at sinamahan nila ako sa room. Doon ko nakilala ang unang crush ko sa eskwelahang iyon. Ano kaya ang pangalan ng lalaking nagtatanggol sakin sa loko-lokong iyon?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 2Ms. Yu meets Mr. Bernal