Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
2Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
ANG AMA

ANG AMA

Ratings: (0)|Views: 1,720 |Likes:
Published by Mariel Simora

More info:

Published by: Mariel Simora on Jun 20, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/11/2013

pdf

text

original

 
ANG AMA
Salin ni Mauro R. Avena
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapaghinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takotay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig nanagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilangaraw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain napaminsan-
minsa‟y inuuwi ng ama – 
malaking supot ngmainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo,para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ngama, lamang ay napakarami nito upang maubos niyanang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo satira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa.Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat
 – 
 
kahit ito‟y sansubo lang ng
masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda atmalakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at nikatiting ay walang maiiwan sa maliliit.Anim lahat ang mga bata. Ang dalawangpinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isangbabae, onse; matatapang ang mga ito kahit napayat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati salahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyakingmay parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki,kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae,otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ngiba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyangparte sa mga pinag-aagawan.Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawangokasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito
 – 
sadyang nag-uwi ito para sa kanila ngdalawang supot na puno ng pansit guisado, atmasaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap
nilang ubusin. Kahit na ang ina nila‟y masayangnakiupo sa kanila‟t kumain ng kaunti. Pero hindi nanaulit ang masayang okasyong ito, at ngayo‟y hindi
nag-
uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya‟y
ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindiito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina.
Sa kabila niyo‟y umaasa pa rin sila, at kung gising pa
sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mgamatang titingnan nila kung may brown na supot nanakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itongpasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang
pagkain, at ang mga bata‟y magsisiksikan, takot na
anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama atumakit sa malaking kamay nito upang pasuntok nadumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinigng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito,at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay
mamamaga, kaya‟t mahihiya itong lumabas upang
maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Saibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mgabata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ngnagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa atmalakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang
ama at sila‟y magtatanong kung ano ang ginagawa
nito.Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati atmas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng
mga bata si Mui Mui. Ang dahila‟y si Mui Mui, otso
anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting,ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi,ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis nanagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ngmapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyangpinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talagaay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyonay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakauposa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ngpahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya angpinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyangirereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sapagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa,iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si MuiMui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parangkudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at
ito‟y nakakabulahaw na s
isigaw, at kung hindi pa iyon
huminto, ito‟y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin
iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nitoat papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sakabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyangtrabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isangmahaabang halinghing at di mapatahan ngdalawang pinakamatandang bata gayung binalaannilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ngama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng batana tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan itonanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis nanaglabasan ng bahay ang ibang mga bata sainaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sapamamagitan ng malamig na tubig.

Activity (2)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->