Sweet Victory

You might also like

You are on page 1of 56

Sweet Victory

by Lyzah
TEASER: Do you want me? Bakit `di mo subukang angkinin ako ngayon habang nasa mood pa ako. Hindi makapaniwala si Minggie na nagawa niyang anyayahan ang mortal enemy niyang si Jad. Bakit sa lahat ng mga lalaking nabubuhay sa mundo ay ito pa ang in-invite niyang makipagtalik sa kanya. At hindi niya sukat naisip na matatanggihan siya nito sa kanyang offer. Binalak niyang maghiganti rito dahil ginagawa siya nitong tanga. Ito rin ang dahilan kung bakit ang babaw na niyang mag-isip. Sa tuwina nagsasalubong ang landas nila ay palagi silang nagbabangayan. Noong high school pa nagsimula ang kompetisyon nilang iyon hanggang sa mag-college silaat hanggang sa magkatrabaho. Palagi na lang siyang tinatalo ng lalaki. ` Napagdesisyunan na niyang lumayo na ngunit kung kailan ayaw na niya ay siya namang ipinagkanulo siya ng kanyang ina. Paanong nagawa nitong patirahin siya sa iisang bubong kasama ang lalaking sagad sa buto ang inis niya?

Chapter One
KE GANDA-ganda, ke sungit-sungit naman! Anang isip ni Jad. Kakadaan lang ng crush niyang si Minggie sa bahay nila. Mukhang kagagaling lang ng tindahan. May dala kasi itong bote ng soft drink at isang pack ng biscuits. Dalawang bahay lang ang layo nito sa bahay niya. Si Minggie ang pinaka-maganda sa mga dalagang kapitbahay nila roon at ang pinaka-masungit din sa lahat. Noong fourth year high school pa siya lumipat sa lugar na iyon. Unang-una pa lang niyang kita rito ay attracted na siya rito. Paano ba naman kasiy parang pang-dyosa ang ganda nito. She has cute chinese eyes, sharp-pointed nose, and sexy pinkish lips. She has a smooth skin, too. Ang mukha naman nito ay tila di nababahiran ng kahit anong kolorete. Maganda ang hubog ng katawan nito at idagdag pang matangkad ito. Shes so plane and simple, yet very attractive! Ang ikinasasama lang ng loob niya ay hanggang tingin lamang siya rito. Hindi kasi ito friendly. Halos nga hindi ngumingiti. Kung ngumiti man ito

ay ngiting-tipid lang. She seems to be aloof to other peopleno! Sa kanya lang yata. `Buti pa nga ang ibay nakakatanggap ng kahit tipid na ngiti mula rito. Eh, siya? Puro simangot ang natatanggap niya rito. Pero may isang tao lamang na kilala niya ang nakakapagpatawa ritoher cousin, Drae. Nakita niya ang mga itong nagku-kwentuhan sa veranda ng bahay nito. Kahit tingnan lang niya ito sa malayo ay alam niyang malulutong ang tawa nito. How he wished she could laugh like that because of him. Minsan ay tinangka niya itong batiin nang makasalubong niya ito at sinubukang makipagkaibigan. Ngunit ni tingin ay hindi nito ipinukol sa kanya. Basta na lamang siya nitong nilagpasan. Napahiya tuloy siya. Siya pa naman ang pinagkakaguluhan ng mga babae roon sa kanila. At hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon sa kanya. Nakakasakit rin ng ego kaya pinabayaan na lamang niya ito. Mula noon, tuwing makakasalubong niya ito ay nagpapanggap siya na kunwariy busy siyang nagte-text. Na ang atensyon ay nakatuon talaga sa cell phone. Pero ang totoo, nahihiya siyang humarap rito. Saka lang niya itinataas ang tingin kapag nalampasan na siya nito. Obviously, ayaw siya nitong pansinin. Ewan niya kung bakit. As far as he knows, since lumipat sila sa lugar na iyon ay wala naman siyang nagawang kasalanan rito. Ni hindi nga sila nakapag-usap, eh. Close pa naman ang mga parents nila. And there was a time when he heard their parents talked. `Mare, may boyfriend na ba iyang anak mo? Mukhang seryosongseryoso yata sa pag-aaral, narinig niyang sabi ng kanyang ina sa mama ni Minggie. Naku, wala pa! Ewan ko nga riyan sa batang iyan, eh. Ako na nga mismo ang pumayo sa kanyang mag-boyfriend na. Natatakot kasi akong baka tumandang dalaga iyon. Halos lahat pa naman ng kapatid koy tumandang dalaga na. Ayoko yatang magaya siya sa mga tiyahin niya. Eh, ano namang sabi ng anak mo? Umandar na naman ang pagkausyusera ng kanyang ina. True love can wait daw! Uunahin niya na muna ang pag-aaral niya. `Di naman daw mapapakain ang future family niya ng puro pag-ibig lang. Napa-bilib niya tuloy ako sa sinabi niya. Abay, hindi ako ganyan noong kabataan ko pa. Suwail na anak nga ako, eh. `Buti nga at nagmana sa ama niyang matalino. Mas mabuti nga iyang ganyan, `mare. Eh, ito namang anak ko ay kay hilig-hilig sa mga crush-crush noong nasa elementarya pa siya. Mabuti na nga lang at mukhang nag-seryoso na sa pag-aaral nang lumipat kami rito. At saka `mare, may napapansin nga akong kakaiba sa anak ko, eh. Bakit? May sira ba? Marahang hinampas ng kanyang ina ito at tumawa. Hindi, ikaw naman! Mukha kasi siyang may pagtingin sa anak mo. Napamaang siya sa narinig. Ang daldal talaga ng ina niya kahit kailan. Bakit mo naman nasabi? usisa naman ng ina ni Minggie.

Kapag kasi dumadaan iyang si Minggie sa bahay ay tinatanaw nitong anak ko. Sinusundan nga ng tingin hanggang sa mawala sa paningin. Pagkatapos ay napapabuntung-hininga. Para bang may malaking problemang kinakaharap. `Mare, isa pa naman iyan sa mga sinyales ng mga taong na-i-inlove! Naku! `Pag nangyari iyon, ako na siguro ang pinaka-masuwerteng ina sa mundo. Akalain mo ba namang isang napakarangal na babae ang mapapangasawa ng anak ko! Humagikhik ito. Magaling ka kasing magpalaki ng anak, `mare! Sus, `mare, nambola ka pa! Nakakataba pa naman yata iyan ng puso, eh. Tumawa ito. Ngayon, ngayon pa lang ay magplano na tayo sa pagpapakasal nilang dalawa sa hinaharap! Parang nagpupunyaging sabi nito. He sighed when he had remembered it again. Pagpapakasal, huh? Paano kami magkakatuluyan gayong ni tingin ng anak ninyoy ipinagkakait niya sa akin? Noong ika-apat na taon ng high school pa sila naging magkaklase. Pareho silang nasa section one. Ngunit kahit ganoon ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Ngunit may mga pagkakataon na nakakausap niya itokapag tinatanong niya ito tungkol sa isang proyektong ibinigay sa kanila ng kanilang guro. Kahit naman ganoon ito, hindi naman ito madamot sa mga impormasyong meron ito. Ngunit makapag-usap man sila ay humigit-kumulang isang minuto lang ang itinatagal nun. Agad kasi itong umaalis at tinatalikuran agad siya kapag iniiba na niya ang paksa. Mukha ngang iniiwasan siya nito. Iyon ang ipinagtataka niya. Ano nga ba talaga ang nagawa niyat ganoon na lamang itong kalamig sa kanya. Minsan nga ay idinalangin niyang magkasama sila sa isang project. May pagkakataong nagkatotoo naman iyon. Ngunit lumipat din agad ito sa ibang grupo. Parang lantaran nitong ipinapakita na ayaw talaga nito sa kanya. Napabuntung-hininga na naman siya. Kay hirap namang basahin ang nasa isip ng babaeng yon. He felt so helpless. How can she tame her aloof heart? KUNG bakit ba naman kasing ako pa ang inutusang bumili nito, eh. Pwede namang si Drae, nagngingitngit na sabi ni Minggie sa sarili. Dahil siya ang nautusang bumili sa tindahan ng soft drinks ay hindi maiiwasang madadaanan niya ang bahay ng mortal enemy niyasi Jad. Nakita niya kasing nakatingin ito sa kanya. Ayaw niya ng paraan ng pagkakatingin nito sa kanya na para bang kinakaawaan siya nito. Kawawa ka naman, `di mo man lang ako matalo-talo kahit sa isang larangan man lang! Sigurado siyang `yan ang mga salitang naglalaro sa isipan nito nang mga sandaling iyon. Ni minsan kasi nang maging kaklase niya ito ay hindi niya ito matalo. Lagi na lang tama ito kaysa sa kanya. Laging may point ang mga sinasabi nito kaysa sa ipinapahayag niya. Hindi

niya rin ito matalo sa debate. At sa lahat-lahat ng pinaka-ayaw niya ay ang mahigitan siya sa honor role. There will always be a downfall for every successful approach! Simula nang makilala niya ito ay iyan na ang mga katagang laging nakatatak sa kanyang isipan. Sa tuwing nakikita niya ito ay palagi niyang sinasabi sa sarili na darating rin ang panahon ay malalampasan rin niya ito. Kalimutan na nga raw niya ang sama ng loob niya kay Jad sabi ng pinsan niyang si Drae na siya ring pinakamatalik niyang kaibigan. Ewan ba niyat di mawaglit-waglit ang inis niya rito. Unang pagkakita pa lang niya rito ay bumangon na ang inis niya rito sa dibdib. Laging kumukulo ang dugo niya kapag nakikita niya ito. Nang makipag-kilala ito sa kanya ay nilagpasan lang niya ito. Hindi lang naman iisang beses na niyang ginawa iyon rito kundi maraming beses na. `Di na nga niya mabilang. Noon ngang Graduation Ball nila ay tinangka ng mga teachers nilang gawin silang mag-partner sa isang romantic na sayaw. At sasayaw silang sila lang dalawa sa dance floor. Wala rin naman siyang magawa noon dahil mismong ang adviser nila ang gumiya sa kanilang dalawa sa center. Pero nang matapos agad ang tugtog ay tinalikuran na niya ito agad. Naiwan itong tulala sa dance floor. Nang mag-graduate sila sa high school ay mas lalong lumaki ang galit niya rito. Ito kasi ang naging School Valedictorian nila. At Salutatorian lang siya. Ang taas pa naman ng expectation niyang siya ang magiging una sa honor role. In-expect niya ring di na gagasto pa ang parents niya sa pagcollege niya dahil inasahan niya ring siya ang makakakuha ng full scholarship. Ngunit hindi niya inaasahang ito ang makakakuha sa inaasamasam niya. At siya, pangalawa uli nitohalf scholar lang. Pinilit niyang ini-ahon ang sarili. Babawi na lamang siya sa college. Sisiguruhin niyang wala na uling makahihigit pa sa kanyang knowledge, skills, and talents. Ngunit sa kasamaang palad, magkapareho sila ni Jad ng kursong kinuha. We are really destined to be greatest and endless enemies! Sa college pala itinuloy ang naudlot na paghihimagsik ng kanyang kalooban rito. Naaalala pa niya noon, araw-araw siyang puyat upang makakuha lang ng mas malaking score kaysa rito. Ngunit sa ginawa nitong parang walang ka-effort-effort ay himalang nakakuha pa rin ito ng mas malaking score kaysa sa kanya. Mas nakiki-ayon yata ang panahon rito. Hanggang sa mag-graduate sila ay ganoon pa rin ang estado niya. Lagi na lamang siyang pumapangalawa rito. Never siyang nauna. Ito pa rin ang nangunguna sa batch nila. Nag-graduate itong magna cum laude dahil na rin hindi nito naabot ang saktong average grade para sa suma cum laude. At siya namanhay! Cum laude lang! Oh, how she hated the thought! Heto siya ngayon, pinag-iisipan pa kung magtatrabaho pa bang talaga siya o hindi na. Sa dinami-dami kasi ng trabahong pinasukan niya ay di siya nagtagal. Kapag kasi may hindi siya nagustuhan sa mga katrabaho niya o sa mismong trabaho ay agad siyang nag-re-resign. Anim na buwan lang `ata ang pinakamahabang panahon na itinagal niya sa isang trabaho. Meron

ngang isang pagkakataon na talagang sinisante siya dahil sa ugali niya. Ewan ba niya kung bakit palaging mainit ang ulo niya. Siguro dahil lagi niyang naiisip ang mga nangyari noon. Marami ngang trabahong nag-aalukan sa kanya noon bago pa siya nag-graduate pero ngayon ay parang kilala na siya sa masamang ugali niya kaya siguro parang natatakot nang umalok sa kanya. Pagod na rin siya sa kaa-apply. Unang-unang qualification pa naman ay ang pleasing personality. Idagdag pa sa problema niya ngayon ang ina niyang lagi siyang sinesermonan. Noon daw ay napaka-seryoso niya sa pag-aaral. Inaakala raw nitong magiging successful siya tulad ni Jad na may negosyo na sa Manila. Sa tuwina binabanggit ng ina niya ang pangalan nito ay lagi na lang umiinit ang ulo niya. `Di pa rin talaga siya nakaka-recover. O, mukha ka yatang pinagsakluban ng langit sa mukha mong `yan? Ano bang nangyari? pag-usisa ng baklang pinsan niyang si Drae nang pagbuksan siya ng pinto. Wala! Nadapa lang ako kanina, pagsisinungaling niya. Pinaikot nito ang dalawang eyeballs. Knowing that expression, alam ko na kung sino ang dahilan. Bakit, in-ano ka ba niya? Inirapan niya ito. Alam mo naman pala, eh, nagtanong ka pa! Tulungan mo na nga lang akong dalhin `to sa kusina. Ini-abot niya rito ang bote at ang supot na kinalalagyan ng biscuits. For sure, nagngingitngit ka lang ng mag-isa mo. Kung kalimutan mo nalang kaya ang mga pangyayari noon? Past is past, sabi nito ng makarating sila sa kusina. Past is past pero lagi pa rin namang nakaaapekto sa present. Kaya nga kalimutan na nga, eh. `Di ko kaya. Lagi na lang kasing nagsusumiksik sa isipan ko. Masakit tanggaping isang tulad lang niya ang makakahigit sa katalinuhan ko. Akala ng mga tao sa paligid niya, nagsusunog siya ng kilay at nagbabanat ng buto. `Yon pala, naglalakwatsa lang. Ang sabihin mo, `di mo matanggap na may makahihigit pa sa `yo. Dahil ang taas-taas kasi ng pride mo! Kaya ko namang tanggapin `yon kung di isang tulad niya ang mangunguna sa akin. `Yung deserving ba. Ang kasoy parang walang kaeffort-effort siya. Easy-go-lucky pa! Kung ganoon nga siya, hindi niya kayang abutin ang naabot niya ngayon! Teka nga! Kanino ka ba kampi? Sa akin o sa kanya? Namaywang siya. S-sa `yo, tipid nitong sagot na tila na-umid ang dila. `Yon naman pala, eh. Bakit mo siya pinagtatanggol? Pinagtaasan niya ito ng kilay. Di kayay may gusto ka sa kanya? Humagikhik ito. Deliciouso kasi, eh! Heh! Ang dapat mong pagnasaan ay mga girls. Di yung Ops! Shut up na girl. Ayaw kong marinig mula sa `yo ang `di ko dapat marinig, okay?

Napangiwi siya. Natatakot kasi ito sa ama nitong sundalo na ayaw na ayaw ng mga bakla. Sa harap ng ibang tao, animoy isa itong napakakisig na lalaki. Ngunit sa harap niyay isa itong lalaking may pusong babae. Dahil sila ang laging magkasama, siya ang unang-unang naka-discover sa pagiging binabae nito. Siya lamang ang nakakaalam ng totoong kulay nito. Ngunit kung titignan talaga ito ay para itong lalaki. Ang isinu-suot kasi nitong damit ay panlalaki at boses lalaki rin. May girlfriend rin itong ipinakilala sa mga magulang nito at tulad ng huli ay hindi rin alam ng girlfriend nito ang totoong kulay nito. Ngunit pagbalik-baliktarin man ang mundo ay napakakisig pa rin ng pinsan niya. Kung hindi lang niya ito pinsan ay noon pa niya ito hinalay. Kinagat nito ang binalatang biscuit. Anyways, balak mo nga ba talagang kunin `yung ini-alok sa `yung trabaho sa Manila? Tumango siya. Naka-pirma na nga ako sa contract. Malaki kasi ang sweldo. Bukod pa roon, sikat pa ang kumpanyang `yon. Madali lang akong yayaman. Ilibre mo ako agad sa unang sweldo mo ha? Napatawa ito. Kung tatagal ka at magkaka-sweldo. Inaasar mo bang talaga ako? Joke lang, girl! Anyhow, ipagdadasal talaga kita na sana bumait ka naman sa mga katrabaho mo if ever. Alam ko namang mabait ka talaga. `Yang sobrang pag-iisip mo lang sa nakaraan niyo ni Jad ang nagpabago sa ugali mo. Chill ka lang. Napabuntung-hininga siya at ngumiti na lang rito. Sandali itong tumahimik at kapagkuwan ay humarap sa kanya. Eh, girl, paano kung magkita kayo roon? Ang tinutukoy nito ay si Jad. Napa-isip siya. Paano nga? Tatakasan na naman ba niya ito? Sayang naman ang big offer. Saka na rin natin iyan isipin. Eh, ngayon ngang nakita ko siya kani-kanina lang ay sumasakit na naman ang ulo ko. Pero pansamantalay tulungan mo kung magdasal. Para saan? Para di ako makapatay. Napangisi siya sa sinabi. Lord, di naman siguro `yon masama, `di ba?Masamang tao `yon, eh! Hay naku! Scary ka ha. Ewan ko sa `yo. Napailing-iling na lamang ito.

Chapter Two
WHAT? T-teka, teka, teka. Nagkamali lang ba `ko sa narinig ko? di makapaniwala si Minggie sa sinabi ng ina. Naroon silang tatlo ng amat ina niya noon sa sala. Kung hindi siya nagkakamali ay ipinagkanulo na naman siya ng ina. Paano po nangyari `yon? Tama ang narinig mo, anak. Doon ka muna titira sa bahay ni Jad sa Manila. Ang trabahong papasukan mo roon ay ang kumpanya ni Jad kaya

`wag kang mag-alala hindi ka niya sisisantihin. Siya mismo ang nagsabi sa akin. Bakit, ayaw mo ba? Hindi bat mas maganda namang may kilala ka roon? Eh, delikado para sa isang dalagang tulad mo na magsapalaran ng mag-isa roon. Baka kung anong mangyari sa iyo at manganib pa ang buhay mo, anak, pahayag nito. Mas manganganib ang buhay ko `pag siya ang kasama ko! Pero paanong siya ang may-ari? Paanong ako ang inalukan niya ng trabaho? Shit! Na-excite `ata ako sa sweldo na hindi ko man lang binasa! Eh, nalaman kasi niyang wala ka ng trabah Ma, tell me, ano pa po ang pinagsasabi niyo sa kanya na hindi ko alam? Shes sure her mother said something thats why Jad made that decision. Pinakiusapan ko kasi siyang bigyan ka ng trabaho dahil nga wala ka ng trabaho. Alam rin niyang walang kumpanya ang nagtagal sa `yo. Kaya sabi kong doon ka na lang sa kanya magtatrabaho at nang mas mapalagay ang loob ko. Gusto ko ring magkasama kayo ng tinitirhan. Delikado sa lugar na `yon. Mag-isa ka lang roon. Kapag nagkasakit kay walang mag-aalaga sa yo And you expect him to do that for you? Ma, how could you do this to me?! `Di niyo lang po alam kung paano kung plinanong di siya makasama! Kung pwede nga lang siyang mag-back-out sa kontrata ay ginawa niya na. Ngunit hindi pwede, makakasuhan siya. And to think na boss niya ito. Bakit ba kasi, anak? Wala namang masama kung magkasama kayo. Isa pa magkakakilala na kayo noong high school. At saka matutulungan ka niya sa trabaho mo. Pwede kayong magtulungan. Ma, that is my point! Ayaw ko pong makipagtulungan sa kanya. `Di niyo pa po ba nahahalata? High school pa po ako when I started to hate him! Lagi na lang siya parati ang bida! galit niyang sabi. Tapos sasabihin niyo po sa akin na ibinilin niyo ako sa kan Natigil siya sa paghihisterya ng tumikhim ang ama niyat nagsalita. Isnt this the right time to show him that youre much better than him, iha? Na nakakahigit ka sa kanya? For how many years ay natalbugan ka niya. Natahimik sila. Her father has a point. `Di niya dapat tinatakbuhan ang ganoong problema. She has to face itagain. She has to face him! And this time, she wont lose to him anymore! OH MY God! Maybe you are meant for each other, Ming, bulalas ni Drae nang ibalita niya rito ang pagkakasama nilang dalawa ni Jad sa trabaho nang minsang nagmeryenda sila sa terrace ng bahay nila. Drae, I cant see the link? nakapamaywang niyang sabi at pinaikot ang eyeballs. At kailan ka pa naging gaga? Ngayon pa lang! Ming, tingnan mo, since high school pa kayo pinaglalapit ng tadhana. Ngunit sadya ka lang umiiwas. Ngayon, may bago na namang pagkakataon. Tatakbo ka na naman ba? Uminom muna ito ng juice at saka nagpatuloy.

`Di mo ba nakikita? Ang lahat ng mga pangyayari ay nangyari not just because of coincidence? Its purpose, Ming! May purpose kung bakit kayo pinaglalapit ng tadhana. Only lang na nagkataong sirado ang pusot isipan mo nang unang dating pa lang niya. Kaya all throughout mo nang dinala. Pinagtaasan niya ito ng kilay. What the hell are you talking about? Hindi mo rin ba nakikitang ang lahat ng mga pangyayari ay nangyari upang asarin lang talaga ako? Pinaglalaruan lang ako ng tadhana. Sinusubukan! Ang alin naman? Ang tatag ko sa pagharap ng problems na haharang sa pag-unlad ko, of course! I dont think its like that. Mas nararapat sabihing, ang tatag mo sa pagharap ng mga problema mo sa pusosa pag-unlad ng nararamdaman mo Hanggang diyan ka lang, agad niyang putol sa sasabihin nito. Ayokong marinig ni katiting na tinig consisting those words, okay? It is very impossible! Dont tell me titikisin mo na naman ang feelings mo sa kanya. Even if you wont tell me, alam ko na. Why dont you try to have a proper conversation with him since magkakasama na kayo sa iisang bahay. Dont tell me, sa haba-haba ng panahon niyong magkakasama ay hindi mo siya bibigyan ng pagkakataong magkausap kayo. Palayain niyo na ang matagal niyo nang nararamdaman sa isat-isa Wait! Pabagsak na ibinaba niya ang baso sa mesa. Saan bang patutunguhan ng usapang ito? Youre out of the topic. Ang sinasabi ko lang naman ay magkakasama kami sa bahay ng mokong na iyon at sa trabaho. Bakit ka ba napunta sa mga feelings-feelings na `yan? Girl, Im broadening the topic. Alam mo `yun? Naglo-look out ako sa future, sabi nitong kinindatan pa siya. Mind you, theres no future between us! Napakibit-balikat na lamang ito. TODAY is the day! Sa araw na ito magpapatuloy ang kalbaryo ng buhay ko. Sabi ni Minggie sa isip habang nakasandal sa upuan ng eroplanong lulan nila ni Jad patungong Manila. Ilang oras na lang ay la-landing na iyon. Kung bakit ba naman kasi pumayag pa si Mama na doon siya tumira. Nadagdagan tuloy ang sufferings ko. Hindi yata maganda ang mood mo? Nagulat pa siya nang magsalita ito sa tabi niya. Nilingon niya ito. Ang hudyong Jad. Hmmp! Sino pa nga ba? Obvious ba? mataray niyang sabi at inirapan ito. Ibinalik niya ang tingin sa labas. Napatuon ang pansin niya sa mga ulap na tila mga puting-puting cotton candies na kay sarap lantakan pambawas ng iritasyon. Napa-isip siya. Ang barko ay may dagat na tutulong rito upang makapagpatuloy ito sa patutunguhan nito. Ang eroplano naman ay may ulap. Eh, ako? Meron nga, demonyo naman. Napabuntung-hininga siya at nilingon uli ito. Nagulat pa

siya ng makita itong nakatingin rin sa kanya. Inirapan niya ito saka ibinaling sa ibang direksyon ang paningin. Why do I have this feeling nadahil sa akin ay wala ka sa mood? Dahil totoo naman, walang kaabug-abog niyang sagot. `Wag mo sanang masamain ang pagiging prangka ko. In born na kasi. In born na rin ba ang kasungitan mo? Hindi. Nade-develop iyan depende sa kausap. Hindi naman siguro ito manhid para di nito mahalatang ito ang tinutukoy niya. Hindi na ito muli pang umimik. Siya naman ay wala ring balak makipag-usap rito. Kaya kapwa silang walang imik hanggang sa makarating sa bahay nito. TAHIMIK yata ang bahay. Nasaan na ang mga tao rito? tanong ni Minggie agad pagpasok nila sa bahay. Wala kasing sumalubong sa pagdating nila. Isnt it obvious? Walang tao rito sa bahay kaya tahimik. Kalilipat ko lang rito galing sa isa ko pang bahay sa Laguna, paliwanag ni Jad. Halatang nainis ito sa paraan ng pagkakasagot niya. So, ibig sabihin tayo lang dalawa rito ang titira? kunot-noong sabi nito. Di niya naiwasang mapangisi. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. Isipin lang niyang maso-solo niya ito sa mahabang panahon ay dumu-dumi na ang isip niya. Para kasi silang nagbahay-bahayan sa sitwasyon nila. Napatawa siya sa naisip. Para kang sira-ulo, tumatawang mag-isa gayong wala namang nakakatawa. Sumimangot ito. Ang saklap pa nga, eh. Narinig niyang sabi pa nito bago tuluyang pumasok sa isa sa mga silid sa taas. Saklap, huh? I dont think thats the right word to describe our situation here. Napangisi uli siya. Kaya lang, ang makasama ang taong tulad mo is like Im having a great adventuretaming a lioness. Lumapit siya sa mga bagahe. Binitbit niya iyon patungo sa ikalawang palapag. Imbis na sa masters bedroom ang kanyang silid ay pinili niya `yung katabing silid ng pinasukan nito kanina. Binuksan niya ang pinto at inilapag ang dala. Bumalik siya sa baba upang kunin ang natitirang bagahe nito nang makita niya ang pink purse ni Minggie sa sahig. Better give this to her immediately bago pa siya mag-panic, nakangiting sabi niya sa sarili at saka umakyat uli sa hagdanan. Ako na siguro ang pinakamaligayang tao kapag pinasalamatan na niya ako. Even if its just once in a lifetime. Pagdating niya ay agad niyang pinihit ang siradurat pumasok. Minggie, itong purse mo nga pala Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw at isang malaking bagay na tumama sa ulo niya ang kanyang napansin agad. WHAT the? Nagpanic si Minggie nang makitang nakahiga pa rin at nakahandusay sa sahig si Jad. Oh, my God! Buhay pa kaya siya? Nilapitan

niya ito at sinipa sa may paanan nito. Hoy, gising! Pero hindi man lang ito pumiksi. Kinabahan siya. Kasalukuyan siyang naghuhubad noon upang magbihis ng biglang bumukas ang pintuan. Gumana ang boyish instinct niya kaya nabato niya rito ang isang bagay na nakapa niya sa bed side tableang malaking vase. Sapol ito sa ulo at nabasag pa iyon nang matamaan ito. That brute strength of hers. Natawa pa siya sa naisip niya. Nakuha niya kasi iyon sa araw-araw niyang pag-da-dumbbell na pinagbubuhusan niya ng inis. Kumuha siya ng towel at itinapis sa katawan at lumapit uli rito. Tiningnan niya ang bahagi ng ulo nitong tinamaan niya. Medyo dumugo iyon at may scratches pa sa bahagi ring iyon na namumula pa. Hindi naman talagang malala ang kalagayan niya. Hinila niya ito at akmang bubuhatin patungo sa kama ngunit masyado itong mabigat. Kulang pa rin yata ang lakas niya. Nakuha lang niya itong i-angat mula sa sahig. Ang bigat naman ng lalaking ito! `Di na dapat ako nag-abalang mag-alala sa kanya. Siya naman itong may kasalan kung bakit niya ito natamo. Tumayo siya at lumabas ng silid. Pumunta siya sa kusina. Tiningnan niya ang water dispenser. Walang laman iyon. She sighed. Well, then, Ill just have to look for a teakettle. Binuksan niya ang mga cabinet roon. Nang sa wakas ay nakita niya ang takuri, nagpakulo siya ng tubig. Nang tumunog ito pagkaraan ng ilang minuto ay kinuha niya ito at binuhos sa plangganat dinala sa itaas. OUCH! Napahiyaw si Jad sa sakit ng madaiti ang bimpo sa ulo niya. Nagmulat siya ng mata. Inalis niya ang nakatabon na bimpo sa kanyang mukha. Minggie? Kasalukuyan siyang nakahiga sa kandungan nito sa sahig. `Di ka kasi marunong kumatok kaya iyan ang inabot mo, sermon agad nito habang dinampi-dampi ang bimpo sa bahaging may bukol. Sa susunod, kumatok ka muna bago pumasok lalung-lalo na sa silid ko. Madali akong mataranta kaya kung ayaw mong mahagisan uli ng vase, ayus-ayusin mo ang mga kinikilos mo. Opo, pasensya na. Nagpa-cute siya rito. Ikinagulat pa niya nang mamula ito. Naalala niya tuloy ang kahubdan nito. Tama nga ang hinala niya rito. Nagtatago rin ito ng mala-dyosang katawan. How he wished he can hold her close to him. Embrace her as if she was his. Naputol ang pagpapantasya niya rito ng magsalita ito. Can you not stare at me? nakasimangot nitong sabi na tila napansin nitong mataman niya itong tinititigan. It irritates me. Nginitian niya ito at biniro. I just wanted to try communicating thoughts with you through mental telepathy. Pinagtaasan siya nito ng kilay. Hows that possible, you idiot. Use your mouth, your mouth to speak. Your expressions are hard to decode. Its impossible to read, got it?

Napatawa siya rito na ikinabigla naman nito. Naaalala niya kasi noong mag-away silang puro English. Ni isa sa mga kaibigan nila ay di nakaawat ng magsigawan na sila na halos lahat na ng tao ay nakatingin sa kanila. What are you laughing at? Wala naman siguro akong dumi sa mukha. Nagsalubong ang kilay nito. You have something in your mind. What are you thinking about? Its nothing of importance. Nor do you need to hear it. Ang yabang mo. Nagulat siya sa diretsa nitong pagsabi. Bakit? Ano bang ginawa ko? Lahat ng mga ginagawa mo ay kakikitaan ng kayabangan. Is that the reason why you treat me so coldly? Hindi naman ako nagyayabang, ah. Hindi mo ba nahahalata sa sarili mo? Nagpapasikat ka sa mga tao when I know na wala namang ka-effort-effort ang mga pinaggagawa mo, singhag nito. Hey, you dont know what Ive done through. Wala kang karapatang sabihin na walang ka-effort-effort ang mga ginagawa ko, nakasimangot niyang sagot. Ah, ganun? Nanggigigil nitong binasa ulit ang bimpo at idiniin sa bukol niya. Ouch! Ang init! reklamo niya. Bumangon siya at tumabi rito. Bat mo ginawa iyon? Ikaw kaya ang magka-bukol? It is my right to say my opinion. Its a human right, isnt it? she interjected. Nagkibit-balikat siya at humiga uli sa kandungan nito. Kinuha niya ang bimpo mula sa mga kamay nito at idinampi sa ulo. Bat humiga ka pa riyan? nakasimangot pa rin nitong tanong. I feel much better if I lie here. Mas madaling magagamot ang bukol ko. Tiningnan niya ito at saka nginitian. Hindi ito umimik. Binawi nito ang bimpo mula sa kanya. Ito na uli ang dumadampi sa bimpo sa kanya. Eh, ikaw? Bakit ikaw uli ang dumadampi niyan? tanong niya na ang tinutukoy ay ang bimpo. Mas lalaki ang bukol kapag ako ang didiin diyan. Idiniin nga nito iyon. Kahit masakit ay napangiti siya sa sitwasyon nila. Ipinikit niya ang mga mata. Minggie? Call me Ming. Okay. Ming, MingMingMiMingMiming? Kuting ka? biro niya rito. Matalino ka kaya alam mo ang sagot, sarkastiko naman nitong sagot. So, you really are, balik sagot niya rito. Dumilat siya. Magkasalubong pa rin ang mga kilay nito. Miming? Sswwhhsss kantyaw niya na parang tumatawag talaga ng pusa nagbabasakaling ngingiti ito sa hirit niya. Its Ming, pagtutuwid nito na di pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha.

Dont you know? Mas epektibo ang cold compress kaysa hot compress pagdating sa mga bukol. Akala mo lang iyon. Binasa ulit nito ang bimpo at idinampi uli sa ulo niya. Walang laman ang water dispenser sa kusina. Alangan rin namang gumawa pa ko ng ice. Matatagalan. Bumili ka na lang sana sa labas. Hindi ito umimik. Bakit? Natahimik ka yata? Napabuntung-hininga ito at saka umamin. I have no sense of direction. Baliktad ang mapa ko. Napabunghalit siya ng tawa. TsktskAng tanda-tanda mo nay I know that. Pero naging natural na iyon sa akin. I still can be independent even with that! Kahit na tinuturing nila akong bata dahil roon. `Yan marahil siguro ang inaalala ng ina mo kung bakit niya ako pinakausapan na sumama sa yo. Bumangon siya at niyakap ito. Dont worry, youll not be lost with me. I wont leave you.

Chapter Three
EVEN if youre nowhere to be found, Ill still find you even its in the edge of the earth, pahayag ni Jad habang di pa rin siya binibitawan. Napamulagat si Minggie sa mga sinabi nito. Ni hindi siya makakilos at bumilis pa ang tibok ng puso niya. Ni hindi niya alam ang isasagot. Bumalik sa isip niya na si Jad ay ang mortal enemy niya. Anut-ano ang pumasok sa isip niyat pinayagan niya itong yapusin siya? Sapakin kaya niya ito? Bigla niya itong itinulak at sinapak saka tumayo. What are you talking about? Youre exaggerating! singhag niya at tumakbo palabas ng silid. Doon siya tumuloy sa kusina. Inihanda niya ang mga kitchen utensils at ingredients na gagamitin. Shell cook for lunch. Sa pagluluto na lamang niya ilalabas ang sama ng loob. Akala mo siguro madadala mo ako sa tamis ng mga salita mo! Galit na pinagta-tadtad niya ang mga pipino. Gumawa siya ng pipino salad. You! That infuriating, annoying, irritating, exasperating Jad! Mabilis na nahati niya ang malaking upo at ang mga karne. Iba naman ang lulutuin niya. Habang nagluluto ay di niya mapigilan ang inis niya rito. Alam niyang pinagtatawanan pa rin siya nito hanggang ngayon. Kung bakit ba naman kasi inamin-amin pa niya rito na madalas siyang nawawala sa mga direksyon! Kung bakit ikaw pa ang nakasama ko rito, Jad! Mabilis niyang pinaguukay-ukay ang niluto.Nagulat pa siya ng may marinig na nagsalita sa kanyang likuran. Malalata na ang mga gulay kung ganyang lagi mo siyang inu-ukay. Hindi na `yan masarap, sige ka, banta nitong tila ba nasisiyahan sa mga pinaggagawa niya. Ano na naman ba ang ginagawa mo rito? asik niya rito.

Nagtatampo ako sa `yo. Ni hindi mo man lang tinapos ang paggamot sa akin. Ni antiseptic di mo nilagyan `yung sugat k `Di ka na bata! Kaya mo na `yang mag-isa! sabi niya habang lumapit ito at tinignan ang niluto niya. Napatabi tuloy siya. Luto na ito. Tamang-tama gutom na ako. Pinatay nito ang stove at kinuha ang kalderong linutuan niya. Inihain nito ang laman noon. Nakatingin lang siya rito. Lumapit uli ito sa stove at tiningnan ang isa pang kaldero roon. Dapat binabantayan mo rin `tong sinasaing mo kung hindi ka lang rin gagamit ng rice cooker. Ito, malapit na `tong masunog. Pinatay na rin nito iyon at nagsandok ng kanin. Inilapag nito iyon sa hapag kainan. Kumuha pa ito ng dalawang plato, spoon at fork. Hindi na ako bata para pagsabihan mo. For your information, I know what Im doing! And wait, what do you think youre doing? nakapamaywang niyang tanong rito nang matapos na itong maghanda at umupo na sa tabi ng mesa. Isnt it obvious? panggagaya nito sa sinabi niya kanina sa silid niya. Kumakain, of course. Tinikman nito ang sabaw n`un. HmmMasarap siya kahit medyo lata yung mga gulay. The cook must have a certain someone she wanted to please after all, parinig nitong nakangisi. Its not for you, she said emphasizing the words not and you. Pero nagpatuloy lang ito sa pagkain. Hold on a minute, Jad! How can you eat someone elses food so casually? These werent prepared for you. Tumawa ito. Ano bang pinagsasabi mo? You obviously prepared these for me, remember? Nagpatuloy itong sumubo. Naalala niya tuloy ang pinagsasabi niya kanina at ang pagbanggit niya sa pangalan nito. Mukhang narinig nito iyon. Is that so? It looks like youve even thoroughly investigated the circumstances of my lunch preparation. And to think youve followed me here. Pinamaywangan niya ito. I just want to remind you that your mother is the reason why Im here. And this is my house. Im free to come up to whichever part of this house I want to go. Tumayo ito. Im done. Kumain ka na. Im sure gutom na gutom na iyang mga alaga mo sa tiyan. Uminom ito ng tubig at aalis na sana nang pumihit itong pabalik. Oh! Right, right. Kahit mag-imbestiga ka rin sa akin, youll just be wasting your time. Dont get your hopes up that Ill commit any mistakes made only by idiots. Naikuyom niya ang kamao hindi niya akalaing sasabihin nito iyon. Im going to give him an uppercut! Have you never heard of the expression, Even good swimmers drown? Then lets see, you try and drown me, he challenged her. `BA, AKALA niya siguro uurungan ko siya. Himutok ni Jad sa sarili. Pagkatapos nilang mag-usap ni Minggie sa kusina ay agad siyang umakyat sa kanyang silid at nagligpit ng mga gamit niya. ButIs it wrong or not when I challenged her? Napabuntung-hininga siya.

Kani-kanina lang ay maganda na ang takbo ng kanilang usapan. Ngunit bigla na lang siya nitong sinampal nang ubod lakas. Shes just securing her. Telling her not to worry about things. Tapos ganoon pa ang ginanti nito sa kanya. No one had ever slapped himeven his mother. Pero kung iisipin nga lang naman. Mas magkakalapit kami kung iinisin at iinisin ko siya. Taposkung titigilan ko na siya, she might miss what Im doing to her. Then, shell ask me why Im no longer throwing her my attention and beg me for it. And then, shell realize that she has loved me all this time. He laughed on his own imagination. Malayo yatang magkagusto iyon sa kanya. Ang taas kasi ng pride. Malay niya, shell come to her senses and someday, realize it. Napabunghalit siya ng tawa sa naisip. Ano bang nakakatawa? naiiritang tinig ni Minggie ang kanyang narinig mula sa pintuan ng kanyang silid. Sira-ulo ka ba? `Ba, ikaw naman ngayon ang hindi marunong kumatok. Paano kung nabuksan mo `kong nakahubad? Ngumisi siya nang hindi ito umimik. About the thing youve just told me a while ago, of course not. Wala sa lahi namin ang sira-ulo. Im just exercising my jaw. I do it a lot. Its a good exercise you know. Maiiwasan mo ring magsalita ng magkabuhul-buhol, palusot niya. Tila naman hindi ito naniniwala. Itinaas pa nga nito ang isang kilay nito. Gusto mong magpaturo, nakangisi niyang alok saka kinindatan ito. No thanks. I wont bother. By the way, may sasabihin ka yata kanina nang mabuksan mo ko. Nabuksang nakahubad, you say? pang-iinis niya rito na tila tumalab naman dahil tumalim ang pagkakatingin nito sa kanya at namula. Your purse Yeah, I remember my purse and where is it? putol nito. Bahagya siyang nag-isip. I remember, I let go of it nang batuhin mo ko. Nakalimutan kong kunin nang lumabas ako sa silid mo. Naroon pa rin siguro iyon sa labas ng pinto. `Yun lang at lumabas ito ng kanyang silid. Ngunit nabigla siya nang pagkaraan ng ilang segundo ay pumasok uli ito. Wala roon, nakakunot noong sabi nito. `Wag ang bibig ang ipahanap mo, `yung mga mata mo ang gamitin mo. Ano ba sa akala mo ang ginamit ko ha?! tumaas na naman ang tono ng pananalita nito. Bakit? Makakakita ba ako kung bibig ang ginamit ko?! Miming, relax! `Ayan ka na naman sa panininghag mo. Its Ming! pagtatama nito. Tumayo siyat lumabas ng silid na tila ba `di narinig ang mga sinabi nito. Tiningnan niya ang labas ng pinto ng silid nito. HmmIt seems wala nga rito. Bigla-bigla ay may naalala siya. Kinapa niya ang bulsa ng pantalon niya. Yeah, right. So what now? nakapamaywang nitong tanong. `Andun lahat ng pera ko.

Welltry to look for it sa baba, okay? suhestiyon niya at kinindatan ito. Tinitigan muna siya nito ng matalim bago tumalikod. Nang masiguro na niyang nakababa na ito ay saka niya kinuha ang pitaka nito sa bulsa ng pantalon niya. Whew! Muntik ko nang nakalimutan. Grabe talaga ang dating niya sa `kin! Nakakalimutan ko na tuloy ang mga pinaggagawa ko. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at saka tinawag ito. AhmMiming ssswwsshh.. Nang hindi pa niya marinig ang mga yabag ng sapatos nito papunta roon ay tinawag niya uli ito. Miming, nakita ko na! Wala pa rin siyang narinig na sagot. Nagkibit-balikat na lamang siya at minabuti na lamang niyang pumasok uli sa silid niya. NASAAN NA? tanong niya agad nang mapagbuksan siya ni Jad ng pinto. `Yong purse ko? Where is it? Nabungaran niya itong walang damit pangitaas at naka-boxer shorts lang. Magulo rin ang buhok nito. Halatang kagagaling lang sa tulog. Bat ngayon ka lang? Gabi na. Kanina pa kita tinawag. Kinusot-kusot nito ang mga mata at saka sinulyapan ang wrist watch nito. Two hours? Dalawang oras na ang lumipas mula ng makita ko ang pitaka mo. Where have you been? Wala ka ng paki roon. `Yong pitaka ko, sabi niya sabay lahad ng kamay. Of course, I do. Kargado-konsensya yata kita. Baka kung ano nang nangyari sa `yo. Lagot ako sa mama mo. Kargado-konsensya? Bakit, may konsensya ka pa ba? And one more thing, you dont even look like youre worried! Naiinis na siya. Bat di pa kasi nito ibigay ang pitaka niya. Oh! So, you want me to be worried? Tumawa ito ng pagak at biglabigla ay parang nataranta. Ming! Thank God youre alright? Where have you been, huh? Ikinagulat pa niya ang pag-akto nitong parang nag-alala talaga kaya `di siya agad nakakilos. May sugat ka ba? May masakit ba sa yo? patuloy pa nito. Kinapakapa pa nito ang balikat niya at pinag-i-inspeksyon kung may sugat ba siya. Iniinis talaga siya nito. Nang makabawi sa pagkagulat ay nagpakawala siya ng malalim na hininga. You know what? Ang OA mo. Akala ko ba, `yon ang gusto mong gawin ko? Inirapan niya ito. My purse Tell me what happened to you first. Within that two hours. No, tipid niyang sagot. Nakakahiya! Why no?

GrrrKung ayaw mong ibigay ang purse ko, eh, `di `wag! `Di kita pipilitin! Sa `yo na `yan! Lagot ka sa akin kapag ibinalik mo pa `yan sa akin! `Yon lang at nagtuluy-tuloy na siya sa silid niya. NAKAKAINIS talaga ang Jad na `yon! Himutok niya. Kanina kasing tinatawag siya nito ay nasa kusina siya at nagtatadtad ng mansanas. Di kasi niya nakita `yong purse niya sa sala kaya nang sinabi nitong nakita na nito ang pitaka niya ay nagmamadali siyang tapusin ang ginagawa. Unfortunately, imbis ang mansanas ang hihiwain niya, ang hintuturo niya ang na-slice niya. `Buti na lang at hindi masyadong malalim. At nang bigla niyang nabitawan ang kutsilyo ay nahulog naman ito at saktong sa paa pa niya iyon bumagsak. Although, its just a scratch. Pero mahapdi pa rin. Kaya di siya nag-abalang sagutin ito ng tawagin siya nito. Baka kasi malaman nito ang nangyari at kaawaan siya. O di kaya ay pagtawanan siya because she is so clumsy and irresponsible. Napansin nga niyang mas naging nerbyosa at tarantada siya ngayon. She even became clumsy! Sa susunod na buwan pa ang unang pasok niya sa trabaho. Maaga silang lumuwas dahil may preparatory exam pa raw siya. And what the heck would that be? Hindi niya nagustuhan ang palitan ng mga ngiti ng ina nilang dalawa at ni Jad mismo bago sila umalis. Parang may masamang binabalak. Pati ang pinsan niyang si Drae ay nadala rin sa kasamaan ng mga ngiti ng mga ito. Just as she thought. Nakaka-high blood talagang kasama ito lalong-lalo na kapag nakikita niya ito. But she had no choice. Kailangan niya ng trabaho. `Di dapat siya umaasa sa ama niya. Hindi niya dapat pinaglalaruan ang mga trabahong nakukuha niya. Sadya lang talagang `di niya nakakasundo ang mga taong nakapaligid sa kanya. She got easily irritated. Lalong-lalo pa kung may pagkakahawig kay Jad ang mga nakakasagupa niya. But she realized, she was a coward, sometimes. Takot lang niyang matalo ulit ng tulad ni Jad. Napabuntung-hininga uli siya. Tama nga yata sila. Para nga akong bata. But it doesnt mean na para akong bata ay pwede na akong paglaruan ng Jad na iyon! matigas niyang sabi. HEY, SLEEPY head, mahinang pukaw ni Jad kay Minggie. Naka-upo siya sa tabi ng kama nito. Tulog na tulog pa rin ito kahit anong gawing yugyog niya rito. Nasarapan sa tulog. Ming. Ungol lamang ang isinagot nito. Lumapit siya rito at itinapat niya ang bibig sa tainga nito. Its already morning, honey. Hinalikan niya ito sa pisngi. Tulad kanina ay umungol lang rin ito. Nagkibit-balikat siya at napangisi. Noon pa niya gustong gawin iyon habang nakikipagbangayan ito sa kanya. Hindi lang siya makakuha ng tamang tiyempo. Alright then, you leave me no choice but this Dahandahan niyang idinampi ang mga labi rito. At unti-unting sinakop ang bibig

nito. Ngunit kung kailan niya naramdaman ang matinding excitement ay saka pa siya nito itinulak palayo. What do you think your doing!? asik agad nito ng makabangon. Relax, Ming! Umagang-umagay ang init na agad ng ulo mo. Try to inhale some fresh air to ease Do it yourself, idiot! Whats wrong with you? Ginising lang naman kita para makakain na tayo. `Tapos, ito lang ang igaganti mo sa `kin? `Bat mo ginawa `yon?! sabi pa rin nito sa tonong galit. Ang alin? pa-inosenteng tanong niya rito. Acting that nothing happened. Pa-blind-blind ka pa, eh, hinalikan mo `ko! Oh, did I? Napangisi siya. Nagmaang-maangan ka p Or was it just your dream? putol niya na ikinatameme nito. Akala mo lang siguro totoong hinalikan kita since Im here sa silid mo. Namula ito. No. I felt itits `Di niya maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. Tila ito nahihiya at nagdadalawang-isip kung paniniwalaan ba siya nito. If you want, I can give you a kiss for real, honey. Ngumuso pa siya saka ito kinindatan. Napamaang ito sa sinabi niya. Kiss-kiss-in mo ang mukha mo! Labas! Or else! What? Youll throw me out? Ang bigat ko kaya. Nang-iinis ka ba? Obvious ba?

Chapter Four
GRRR! Pinagsalikop niya ang mga palad at ang kanyang mukha. Nakakainis talaga ang lalaking ito! Feeler! Ano pa ba ang tinutunganga mo riyan?! Pinagtaasan niya ito ng kilay. Labas! Ive got to get ready. Ngumisi ito. Get ready for what? Nakita na kitang bagong gising, ah. Shut up! Wait a minute, paano kang nakapasok sa silid ko? Duplicated ke Our rooms share a common rest room. Hindi mo ba napansin na may isa pang pintuan sa dulo? putol nitong paliwanag. Naalala nga niyang may isa pang pintuan roon. She hasnt checked it out. But she thought that was a walk-in-closet. Ngumisi na naman ito. Ngunit agad din iyong nawala. Napansin niyang nakatuon ang pansin nito sa kamay niya. Naalala niya ang hintuturo niyang may band aid. Dali-dali niyang itinago ang kamay sa likod.

Kinuha nito ang kamay niyang may band aid. Anong nangyari rito? tanong nito na ang tinutukoy ay ang daliri niya. Wala, nakagat ko lang, pagsisinungaling niya. Nagulat siya nang i-detached nito ang band aid. Kahit sa tingin lang ay kahit sinong tao ay makakapagsabing hiwa iyon ng kutsilyo. Pagkatapos ay tinitigan siya sa mga mata. Umiwas naman siya rito. Naiinis siya sa sarili kung bakit ganoon ang ina-akto niya. Baka kung ano na naman ang masabi nito sa katangahan niya. Wow, ang talim naman ng ngipin mo, ha, tudyo nito sabay tawa. Namula tuloy siya. May disinfectant ako sa kwarto. Kuku Tapos ko nang lagyan `to. Akala mo siguro di ako ready sa anumang mangyari `no? Girl Scout `ata `to! Proud ka pa sa katangahang ginawa mo. Youre undeniably incredible. Ha`yun na nga. Sinabi na nga nito ang salitang iyon. Tanga na kung tanga. Umalis ka na nga d`yan. Nasayang pa `tong band aid ko! Napabunghalit ito ng tawa. Nanunudyo talaga ang hudyo. Whats funny? You. Me? How come? Napa-iling-iling ito habang hindi nawawala ang ngisi. How she hated that grin of his. Malay ko ba sa `yo! Kung bakit ba naman kasi tumawa ka na lang d`yan basta-basta. May lahi nga talaga yata kayong baliw?! Pinamaywangan niya ito at pinagtaasan ng kilay. Para kang si Drae. Para kang bakla! Sinasabi mo bang bakla ako? Sabi ko parang langmuk-ha lang ba-kla! sabi niyang pinadiinan ang bawat pantig. Bat ba napaka-defensive ng mga lalaki kapag tinatawag ng bakla. Gusto mong malaman kung bakit? hamon nito. No, thanks! Alam ko na ang gagawin mo! Too obvious, hahalikan mo `ko para patunayang lalaki ka. Why dont you just get the hell out of here? Tumayo na siya at inayos ang sarili. Kaya ngayon lumalayo ka na sa `kin? Umiiwas ka na? Mataman siyang tinititigan nito. `Wag kang mag-alala, hindi ako takot sa `yo for I know hindi ka nangangagat, pabalang niyang sagot. Ah, gan`un? Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Even so Hindi na siya nakahuma nang hilahin siya nito pahiga pabalik sa kama. I still want to continue what Ive done a while ago. Napamaang na lamang siyang nakatitig rito na nakadagan sa kanya. Hindi niya mawari kung paanong ni hindi na siya makakilos pa. Lalung-lalo na nang sakupin nito ang kanyang bibig. Para siyang nanigas sa kaba. Nang medyo nakabawi siya sa gulat ay nagpumiglas siya. Pinagtutulak niya ito.

Ngunit tila ito isang dingding na kahit anong gawin mong tulak ay hindi man lang ito natitinag. Nang tumigil siya sa pagpupumiglas ay pinalalim pa nito ang halik. Mas malalim na naghatid sa kanya ng kakaibang sensasyon. It feels like her body is melting. Kumapit siya rito. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa batok nito. Hustong gagantihan na niya ang halik nito ay siya namang pagbitaw nito sa kanya. You like it, huh? parang nang-aasaar nitong saad nang bitawan siya nito at tuluyang lumabas ng silid. Naiwan siya roong nakatunganga at ninamnam pa ang tamis ng halik nito. Halik na parang nagpalunod sa kanya sa kawalan. Kinurot niya ang dalawang pisngi. Ano bang nangyayari sa akin!? I shouldnt feel like this. Muntik na niyang makalimutan ang ginawa nito dahil sa sensasyong dulot ng halik nito. And to think na ang naging first kiss niya ay ang lalaking ito pa! Ang pinakaunang halik pa niya ang nakuha nito. Kailangan niyang magalit dahil sa karahasang ginawa nito. Sa dinami-dami ba naman ng mga lalaking nabuhay sa mundo, bakit ito pang lalaking ito ang nakakuha ng first kiss niya. Oh, great! Just so great! Ngayon pa siya nag-react gayong kanina pa `yon nangyari. What a late reaction! IF ONLY I had known that something like this would happen, I definitely wouldnt sign that contract! Naiinis na nagmuni-muning mag-isa si Minggie sa veranda sa taas ng bahay. Libreng-libre siya sa araw na iyon dahil umalis ang demonyong bantay at mamayang gabi pa ito babalik. Mukhang may inaasikaso sa kumpanya nito. Speaking of which, bat `di pa ko nagta-trabaho? `Yan pa rin ang tanong na hindi pa rin niya masagot-sagot. Ang sabi ng kanyang ina ay i-oorient pa siya sa kanyang magiging trabaho. Pero bakit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari? Hindi pa rin sila nagsisimulang mag-usap tungkol sa trabaho. Ang tanging ginawa nila ay magbangayan. Napakibit-balikat siya. Tatanungin na lamang niya ito pagdating nito. Kahit na nakakailang pa rin sa kanyang pakiharapan ito dahil sa ginawa nito kahapon. She really hates that guy as well as herself. Kung bakit ba naman kasi nagpadala siya sa katangahan niya. Obviously, talagang `yon ang gusto nitong mangyariang gawin siyang tanga. Nagtagumpay nga ito sa binabalak nito. Ang kinaiinisan niya lang talaga ay parang hindi pa siya lubusang gising nang mga panahong iyon kaya hindi siya nakahuma agad. Kung bakit ba naman kasi ito nang-iistorbo sa ganoong oras ng umaga. Medyo puyat pa siya dahil hindi siya makatulog gabi-gabi. Nahihirapan siyang mag-adjust sa bagong lugar na tinutulugan niya. Pero normal lang iyon para sa kanya na hindi masyadong nasanay na matulog sa ibang bahay. Isa pa, isipin lang niyang sa katabi niyang silid ay naroon din itong natutulog. Dumagdag pa sa problema niya ang banyo nilang nagdudugtong sa silid nila. Para tuloy siyang na-trauma sa nangyari. Shes been bothered by the thought that any time of the day, he might do that again.

Nag-isip siya ng paraan para di na uli iyon mangyari. Paano kaya kung lagyan niya ng pad lock ang bawat pinto ng banyo. Para di na uli ito makapasok sa loob ng silid niya. At kung gagamit siya ng banyo, masisigurado niyang hindi siya nito mapagbuksan ng pinto. Idagdag pang libre siyang pumunta sa silid nito kahit na walang pahintulot nito. Now that I thought about it Tumayo siya at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Pumasok siya sa kanyang silid at binuksan ang pintuan ng banyo at nagtuluy-tuloy sa kabilang silid. Whoa! Hindi niya napigilan ang sariling magulat pagbukas na pagbukas niya ng pinto. Nagulantang kasi siya sa mga posters na bumungad sa kanya. Mga larawan ni Jad iyon sa ibat-ibang angulo at ibat-ibang outfits. Iba-iba rin ang mga ekspresyon ng mukha nito sa bawat larawan. Ang dami naman `ata ng larawan niya sa kwarto, kausap niya sa sarili. May nakita siyang plaque na nakasabit. Binasa niya iyon. Naging modelo pala ang mokong na `yon. Part time job? Natawa siya sa naisip. Kailangan pa bang ibandera niya sa buong pader ang pictures niya? `Buti na lang at iilan lang ang nakikita ko sa sala. Nilapitan niya isa-isa ang mga larawan. Bawat larawan ay may ibatibang tema. Ngayon lang niya matamang natitigan ang mukha nito kahit sa picture lang. Makinis ang mukha nito para sa isang lalaki. Sumimangot siya. Its probably make-up. Nalipat ang tingin niya sa katabing larawan kung saan spike ang hairstyle nito. So fresh, komento niya. Tiningnan pa niya ang ibang larawan. Halos badboy ang image nito sa mga larawan. Ang mga ngiti naman nito ay parang nang-aasar. Ngayon lang niya naisip na hindi pa pala niya ito nakitang nakangiting masaya. Sa tuwing naaalala niya ang mukha nito, ang ngiting mapang-asar lang lagi niya ang nakikita niya. O di kayay siya lang ang nag-iisip na nang-aasar ang mga ngiti nito. Ibabaling na sana niya sa kabilang bahagi ang tingin niya ng mahagip ng mga mata niya ang larawan nitong naka-side view. Ang mga mata nitong nakakainis titigan ay nakakaawa ngayong tignan. Para iyong nangungusap nakikiusap. Napaka-lungkot ng mga mata nito. So lonely Nang sa isang minutong naisip niyang nakakaawa ito ay napalatak siya. May side ka rin palang ganyan. Tiningnan niya ang ibabang bahagi ng larawan at binasa ang caption. Let me feel your love basa niya sa isip. Yucks! `Di niya napigilang mag-komento. Natawa tuloy siya sa sarili niya sa pagka-usap niya sa larawan nito. Inilibot niya ang tingin sa silid nito. Napailing-iling siya at nilapitan ang larawan nitong nakangisi. Ngayon ko lang napagtanto, adik ka pala sa mukha mo. Napatawa siya. Pero alam mo, napag-alaman ko ring may mukha ka rin naman pal You only realized that now? anang tinig sa likuran niya. Para siyang naningas sa kinatatayuan niya ng marinig ang boses nito. Pero ang aga naman `ata nitong umuwi. Hindi pa naman gabi, ah. Was it just her imagination? Wala siyang narinig na nagbukas ng pinto. O di kaya ay di lang niya namalayan na naroroon na ito. `Wag ka ngang sumagot d`yan.

Hindi kita pinahintulutang magsalita, kausap pa rin niya sa larawan sabay hampas niya sa picture. What? `Andito na akothe real one. Ba`t ang picture ko pa rin ang kinakausap mo? Humagikhik ito. Napamulagat siya. That demonic grin from him! Its really Jad! At nabisto pa siya nitong nakiki-usyuso sa loob ng kwarto nito. Nahuli rin siya nitong nakikipag-usap sa larawan nito. For somehow, parang ayaw niyang lingunin ito dahil alam na alam na niya ang reaksyong nakatatak sa mukha nito. Pinilit niya ang kanyang sarili na tumawa ng nakaka-asar. Pero ang lumabas na tawa niya ay tawa ng taong hindi makahinga. Napalakas pa tuloy ang pagtawa nito. Nag-init ang mukha niya na parang umakyat ang dugo niya dahil malapit na ito sa boiling point. Its not what you think it is! sigaw niya rito. Since pumasok ka sa kwarto ko ng walang paalam Kaya pumasok ka rin sa kwarto ko ng walang paalam? Tumawa ito habang lumalapit sa kanya at pagkatapos ay inihimas-himas ang kamay nito sa buhok niya na parang asong pinatatahan ng amo. Hindi naman kita pinagbabawalang pumasok dito. Napangisi na naman ito. Hinampas niya ang kamay nito. As if, uulitin ko pang pumasok rito! I was just a little curious on what your room looks like. Now that Ive seen it Nagpalinga-linga siya sa paligid. Tama lang ang hinala ko. Madudumi talaga ang mga lalaki! Kay dami mo pang pictures sa sarili mo. Adik! Agad-agad pagkatapos niyang sabihin iyon ay saka siya tumakbo pabalik sa kwarto niya. Dali-dali niyang ini-lock iyon at pasalampak niyang inihiga ang sarili sa kama. Tinakpan niya ang kanyang mukha ng unan. Hinihingal pa rin siyang nakahiga roon. Hindi dahil sa nakulangan siya ng hangin sa pagtakbo patungo roon kundi sa katotohanang natakot siya. Natakot siya nang nakita niyang rumehistro sa mga mata nito ang galit. ANG SINAG ng araw ang nagpagising kay Minggie ng araw na iyon. Nakalimutan niya palang ibaba ang kurtina ng kwarto. Napabalikwas siya ng bangon. Yeah, right! Maaga pala siyang natulog kagabi. Nakatulugan niya pala ang pag-iisip sa reaksyon ng lalaking iyon. Speaking of that demon, galit pa rin kaya siya? tanong niya sa sarili. Pagkaraan ay napailing-iling siya. Ano ba naman iyang iniisip niya. Why would she care about his reactions, particularly his emotions? Its got nothing to do with me, she whispered to herself. Anong it`s got nothing to with me ka d`yan? Still remember, may sinabi kang masama sa kanya? To think na hindi naman talaga marumi ang kwarto niya. Quit it, Ming. Mababaliw ka lang, saway niya sa sarili sabay buntonghininga. Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo siya at naghubad. Kinuha niya ang bathrobe na naka-sampay sa closet at itinapis iyon sa katawan. Masakit `atang batok ko. Na-stiff neck `ata ako, ah. Ipinikit niya ang mga mata at dahan-dahang inilibot ang ulo. Mina-masahe niya iyon habang binubuksan niya ang pinto ng banyo at pumasok. Its time to refr

Napasigaw siya ng malakas ng makita niya si Jad at ang kahubdan ng likod nito. Dali-dali niyang tinakpan ang mga mata niya. W-what the heck are you doing here?! pasigaw tanong niya rito habang nakatakip pa rin ang mga kamay niya sa mga mata niya. Napa-sandal siya sa dingding. Thats supposed to be my line, kalmado pa ring sabi nito. You didnt even knock. Alam mo na ngang may naliligo ri H-hindi ko alam na narito ka! Sumilip siya para sungawin kung nakasuot na ba ito ng bathrobe ngunit dali-dali rin niyang ibinalik ang pagkakatakip sa mata ng makita niyang hindi pa nakatapis ang pang-itaas na bahagi ng katawan nito. M-mag magtapis k-ka nga m-muna. Tapos na, walang paki nitong sabi. Sinilip niya uli ito ngunit wala pa rin itong tapis. W-wala pa! Why dont you just get out, idiot?! Nahalata niya ang iritasyon sa boses nito. Dahil sa iritado na rin siya, naalis niya ang mga kamay sa mga mata at sininghagan rin ito. Im not an idiot! Ngayon niya nakitang nakapag-tapis na pala ito pero pang-ibaba lang. Yummy! Ano ba `yong naisip niya. Then, could you just leave? Naliligo pa ako rito. Huminga ito ng malalim at bumuga ng hangin. Ewan ba niya pero parang ayaw gumana ng mga paa niya. Dapat ay kanina pa siya nagtatakbong palabas pero anot ngayon ay narito pa rin siya nakatingala rito. Parang ginamitan ang mga paa niya ng rugby dahil pagangat lang sa isa sa mga iyon ay `di niya magawa. Kung bakit ba naman ayaw nitong kumilos. What are you staring at? Kumunot ang noo nito habang nakatitig din sa kanya. A normal girl would scream and run outside but look at you. Youre exactly the opposite! Now, get out! Itinuro pa nito ang pintuan. Napalalim na naman ang paghinga nito ngunit sa pagkakataong iyon ay bumuga ito sa marahas na paraan. P-pinapaalis mo `ko? singhag dapat niya iyon pero dahil sa kaba niya ay parang naging ordinaryong tanong na lamang iyon. Obviously! Ano bang hinihintay mo d`yan? Pagputi ng uwak? M-maliligo nga ako. Mimahirap bang intindihin iyon? Nainis na rin siya sa paraan nitong makipag-usap. Mahirap din bang intindihin na ako ang nauna rito? Ladies first `ika nga `di ba? Ibig sabihin babae ang mauuna kaya labas! abog niya rito. First come first serve nga rin `ika nga `di ba? panggagaya nito sa tono niya. Ako ang unang pumasok dito. Nakikita mo bang basang-basa ako? Ibig sabihin, ako ang kasalukuyang gumagamit ng banyo! Kung takuri lang siya ay baka tumunog na siya dahil sa init ng ulo niya. Naaalala niya noon, nang mga panahong nag-aaway rin sila. Ito lagi ang nasusunod. Ito lagi ang nananalo kahit sa anong larangan. Nakagat niya ang ibabang labi niya. Ayaw na niyang magpatalo pa rito. Kaya dali-dali siyang lumapit sa shower at pinihit iyon.

Haya`n! Basang-basa na rin ako. Kaya lumabas ka na dahil maliligo ako! matigas niyang sabi. Nakita niya ang malalim nitong paghinga. Ano? Pinipigilan niya ang sarili niya. Pinagtaasan niya ito ng kilay. Kung gusto mo akong sapakin, eh, `di gawin mo. `Wag mong pigilan ang sarili mo! Inihilamos nito ang mga kamay. Sa gulat niya ay `di na siya nakapalag ng pangkuin siya nito at inilabas ng banyo. Inihiga siya nito sa kama niya. M-ma..m-maliligo nga ako parang bulong na lamang ang lumabas sa kanyang bibig nang mataman siya nitong tinititigan. Huminga ito ng malalim saka tumuwid ng tayo. Stay. Tumalikod na ito at bumalik na sa banyo. Narinig pa niya ang pag-click ng lock. Sa muling pagkakataon, talo na naman siya. Ito na naman ang nasunod. Di niya napigilang maiyak sa nangyari. I just want to win even just once... Gusto sana niyang isatinig sa kabila ng paghagulhol niya. Naalala niya kanina, parang pinipigilan nitong magalit ng husto. Kung titingnan ay parang gusto na siya nitong sapakin at bugbugin. Kitang-kita naman ng dalawang mga mata niya kung paanong pagpipigil ang ginawa nito. Lagi na lang itong humihinga ng malalim at binubuga ang hangin na para ba iyong apoy. Babae akoat ayaw niyang manakit ng babae sabi niya sa isip. For that reason, thats why he kept on doing that. Kung gusto mo talaga akong bugbugin, ginawa mo na dapat iyon. Dahil habang `di mo pa iyon ginagawa, `di rin ako titigil. Napasinghot siya at pinahid ang mga luha.

Chapter Five
SERIOUSLY, WHAT has she been doing? Anang isip ni Jad. Madali niyang tinapos ang pagligo dahil halos hindi na niya mapigilan ang sarili lalong-lalo na ang kanyang nararamdaman. Hes about to burst out. Ano ba naman kasi ang iniisip ni Minggie kung bakit ang tigas ng ulo nito. Pinapaalis na ngay matigas pa ring nakatayo sa harap niyat nakikipagtitigan pa. Napabuntunghininga siya. Its only her who can make him feel annoyed to that extent. Annoyed? Napailing-iling siya. Nakahinga na siya ng maluwag nang sa wakas ay makalabas na siya ng banyo. Isipin lang niyang silang dalawa ang naroon sa loob ay parang umiinit na ang katawan niya. Even just her presence in there made him aroused. Binasa pa nito ang sarili na mas lalong pang nagpa-klaro sa hubog ng katawan nito. He can even see her cleveage. Even beneath the robe, her nipples are visible. Shit! What am I thinking? He sighed. Habang nasa loob noon, isipin lang niyang buksan lang niya ang pinto roon ay maaari na niyang gawin ang gusto niyang gawin. Ang dali-dali lang naman dapat ng proseso. Ang dali-dali lang na kung gugustuhin niya ay magagawa niya. Kaunting effort lang ay magtatagumpay na siya.

Dahil sa nangyari ay napabilib siya sa kanyang sarili. Biruin mo namang naihiga na niya. Pwede na sana niyang gawin iyon. They were even in the right place. But its just that he cant bring himself to do that to her. Ayaw niyang pwersahang kunin ito. Nagbihis na siya. Kailangan na niyang umalis dahil kung mananatili pa siya roon ay baka `di na siya makapagpigil pa. Pagkatapos niyang magbihis ay pumanaog na siya. Nagulat pa siya nang maabutan niya ito sa kusina. K-kain ka muna, nakasimangot nitong yaya. He tried to act normally as if nothing happened. Ang dali mo naman `atang nakapagluto, komento niya. H-hindi. Ikaw ang matagal na lumabas sa silid mo. Para kang babae. Inihanda nito ang mga kakainin sa mesa. Tama nga ito. Medyo natagalan siya sa paglabas. Pinapakalma pa kasi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari. Halika, umupo ka. Sabay na tayo, yaya niya saka umupo na at nagsimulang kumain. Hindi ito sumagot. Bat maanghang `tong karne mo? Pati ang sauce maanghang. Ang alam kasi niya ay hindi ito mahilig sa maanghang. Para mawala `yong mga alaga mo sa tiyan. Nakasimangot pa rin ito. Napakamot na lamang siya ulo dahil sa paraan ng pakikitungo nito. Base sa paraan nitong mag-isip, parang sinadya nitong pa-anghangin iyon upang makaganti. Its fine with me since I like spicy foods, pang-aasar na lamang niya para umiba naman ang atmospera nila. Tulad ng inaasahan, sumama na naman ang tingin nito sa kanya. Inirapan na naman siya nito. Hindi siguro nito alam na mahilig siya sa maaanghang. Natapos na lamang ang kanilang pagkain ay tahimik pa rin silang dalawa. Siya ang unang bumasag sa katahimikan. Baka gabihin ako mamaya. `Wag mo na akong hintayin pa. Tumayo na siya. Salamat sa pagkain. Nilingon niya ito pero wala siyang nakuhang sagot rito kahit na tango ay wala. Napabuntung-hininga siya nang lulan na siya ng sasakyan. Kanina noong kumakain sila ay para silang mga bagong nagkakilala lamang. Walang pinagbago pa rin. Napailing-iling siya. He has to fix their problems. Hindi niya masasagawa ang dapat sanang sadya nila kung bakit sila pinaluwas ng ina nito. MARAMING araw na ang nagdaan simula nang mangyari ang insidenteng iyon. Halos hindi na sila nagkakausap ni Jad. Hindi niya kasi ito maabutan tuwing gabi. Dahil bago pa ito dumating ay nakakatulugan na niya ang paghihintay. Sa umaga naman ay napagluluto naman niya ito ng almusal ngunit nagmamadali itong umalis kaya `di niya ito maka-usap. Heto siya ngayon, naka-upo sa may garden nito. `Buti na lang at may inutusan ito araw-araw na magdilig ng mga halaman. At least, may nakakausap siya. At saka sayang naman ang mga halamang `yon kung mamamatay

lang dahil mawawalan ng attraction ang bahay. Matutulad iyon sa buhay ng demonyong iyonboring. Siya nga pala, ba`t nandoon na naman siya? Bakit ba siya nagtatiyagang maghintay? Gayong pwede naman niyang itawag nalang rito ang mga gusto niyang sabihin. Ang totoo, naiinip na siya roon. Gusto na niyang magsimula sa trabaho. Nasaan na ang sinasabi nitong paghahanda bago magtrabaho. Ang daming araw na ang nasayang dahil lang sa walang kwentang paghihintay niya sa lalaking iyon. Or does he think that I already dont need to undergo those since there is no doubt that I can do the work well? Napangiti siya sa naisip niyang iyon. Its good to be recognized as his rival. Because if not, he might be thinking that Im good for nothing. Natigil siya sa pag-iisip ng may narinig na sasakyang pumarada sa tapat ng bahay. May bumabang isang matangkad na lalaki mula roon. Tumingin sa kanyang banda ang lalaki at nginitian siya. Siya ba ang nginingitian nito o iba? Obviously, ako! Wala namang ibang tao rito sa direksyon ko `no. Siya na rin ang sumagot sa pagdududa niya. Lumapit ang lalaki sa gate at kumaway. Nilapitan niya ito. Sin Minggie, right? putol nitong tanong sa kanya na tila hindi naman nababawasan ang pagkakangiti. Tumango lang siya bilang sagot rito. Im Alec, Jads close friend. He told me so much about you. Anyway, can I come in? You can trust me, babe, magiliw nitong sabi. Ngunit imbis na pagbuksan niya ito ay nanatili lamang siyang nakatayo roon at matamang nakatitig sa lalaking kararating lang. Isa pang nakapagpanting sa pandinig niya ay ang paggamit nito ng endearment sa kanya na wala ang kanyang permiso. Tumawa ito. I know what youre thinking but Im not a bad guy. Actually, alam ni Jad na pupunta ako rito. Maybe not long enough, hell arrive. Mukha namang mabait ito kaya pinapasok na lamang niya ito. Nang matitigan niya ang lalaki ay ngayon lang niya napagtantong magaganda ang mga pares ng mga ngipin nito. Gwapo ito at matangkad pero kung titignan niya ito sa postura nito ay alam na niyang isang babaero ang tulad nito. `Wag kang magbabalak ng masama, maraming kutsilyo sa kusina, pananakot niya. Tila `di naman ito natinag dahil `di pa rin nawawala ang matatamis nitong ngiti. Napatawa pa nga ito sa sinabi niya. Tama nga ang sabi ni Jad, natatawang sabi nito. Youre too brave for a beautiful lady. Parang uminit ang mukha niya sa mga sinabi nito. Dont say such things. Im easily flattered. But Im just telling you the truth. By the way, wont you smile? I think you look better if nakangiti ka. Tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Lets go inside. Gusto mo ng juice?

No, but thanks anyways. Napakamot ito sa ulo. Doon nalang tayo maghintay sa inuupuan mo kanina. Tumango lang siya at iginiya niya ito roon. Are you sure you dont want anything to drink? Yeah, Im fine! Ngumiti na naman ito. Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ikaw ang dahilan kung bakit ako naparito? Hindi, tipid niyang sagot. Whoa! You amaze me, natatawang sabi nito. But its the truth. Palagi ka kasing ikinu-kwento ni Jad sa akin. Thats why Im curious. I want to see what the girl she likes looks like. And now after seeing you, I cant bring myself to dislike you. Youre the only one who moved my bestfriends cold heart. Tumingin ito sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa saka sabay na nagkatawanan. Youve got a good sense of humor. Tila nagulat ito sa sinabi niya. I Im not joking. He really likes you. He smiled at her. Doon na siya napangiti sa sinabi nito. Tama nga ang na-isip niya. You know what? I feel happy that I heard that. Really? You mean Ive been waiting for those words. But it would be better if I hear that coming from his mouth. Masasabi ko na talaga sa sarili kong magaling ako. Its good to know that he recognizes me as his rival. No! No! What I mean ishe likes you as a lover. Napabunghalit siya ng tawa. I dont think its possible since were rivals. Nakakatuwa ka pala. W-whaY-youNasasabi mo `yan habang nakangiti? nagtatakang gulat na sabi nito. Actually, high school pa kami noon when this rivalry started. Ive always wanted to win over him, nakangiti niyang sabi. Nagtaka siya kung bakit ito napa-iling-iling. You even sound so proud. I didnt know theres still someone like you living in this modern world. Ibinaling nito ang tingin sa ibang direksyon. Nakangiti lang siyang nakatitig rito. Narinig niya ang pamilyar na tunog ng sasakyan ni Jad. Pagbubuksan ko lang, sabi niya. Tinanguhan lang siya nito. How can someone be this dense? narinig pa niyang sabi nito. JUST WHAT the heck do you want? tanong niya kay Alec ng makalapit siya sa kinaroroonan nito. Nagmamadali siyang umuwi ng araw na iyon dahil nagpasabi si Alec na pupunta ito sa bahay niya. Kaya dali-dali niyang tinapos ang trabaho sa opisina. Ganyan ba ang tamang pakikitungo sa best friend mo? saway ni Minggie sa kanya. Best friend? Is that what he told you? naka-kunot noong usisa niya. Ming, can you leave us for awhile?

Wh Please, matigas niyang putol sa kung ano pang sasabihin nito dahil alam niyang kokontra talaga ito. Dont worry, babe. Nasanay na ako sa ugali nitong best friend ko, nakangiti nitong pahabol kay Minggie nang umalis ito. Dont call her babe, Alec. Jealous? Nang-aasar ka? Relax, Jad! I only want to see her. Na-curious lang ako. Tinignan uli nito ang kinaroroonan ni Minggie. Ngayong nakita mo na siya? usisa niya na hindi pa rin nawawala ang pagkakasimangot. Napakibit-balikat lang ito. I wish you luck. Shes one of a kind. Pagkasabi niyon ay napatawa itotonong nang-aasar talaga. Being next to you, the second place, I can say that shes intelligent. But in that category, shes like dummier than a dummy, sabi nitong binigyan ng empasis ang salitang that kung saan tumutukoy ito sa kategorya ng pag-ibig. Napailingiling ito pagkatapos ay tinapik-tapik nito ang balikat niya. Ive got to go, Jad. And, oh, one more thing, I like her. Nakangisi itong tumalikod. What are you plotting this time? Gusto sana niyang itanong.

Chapter Six
BAKIT? tanong ni Minggie nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Alam na niyang si Jad iyon kaya `di na siya nag-abalang pagbuksan ito. Pwede naman siyang makipag-usap dito habang nasa loob siya at sa labas naman ito. Ming, lets talk, sabi nito mula sa labas. Bothered siguro ito dahil hindi niya ito kinausap kaninang pumasok ito sa bahay pagkatapos nitong paalisin si Alec. What? I said, lets talk. Ano nga? Open the door, utos nito. I dont want to, mariin niyang sabi. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ayaw niya itong pagbuksan. Kanina ay hinihintay niya talaga itong bumalik dahil gusto niya itong makausap. But for some reasons, parang naiilang siyang makita ito. Idagdag pang pinaalis agad nito si Alec gayong hindi pa sila tapos mag-usap. Isa pa, naiinis rin siya sa sarili kung bakit sumunod siya rito nang utusan siya nitong umalis muna. Parang tinanggap na rin niya sa sarili na mas nakakahigit pa talagang ito sa kanya. Hindi mo ba talaga bubuksan ang pinto? sa pagkakataong iyon ay parang nagbabanta na ang boses nito.

Tumayo siya at pipihitin na sana ang siradura nang matigil siya at nagisip. Kung bubuksan ko `to, parang tinanggap ko na nga sa sarili ko na talo na ako. Napatangu-tango siya. Bumalik siya sa kama at humiga uli. Kinuha niya ang unan at itinakip sa mukha. Narinig niyang kumatok ito ng ilang beses pa nang hindi na siya sumagot pa. Pagkaraan ng ilang minuto ay wala na siyang narinig mula sa labas. Napagod na yata Natawa siya at nagpa-ligid-ligid sa kama. Yay! Its my win! My first Nang inakala niyang unang panalo na niya iyon ay nagkakamali siya. Hay`un si Jad, nakapasok na pala sa kwarto niya na may dalang susi. Duplicate key... anang isip niya. Isinara nito ang pinto. Now, now... Lumalapit ito sa kama. Siguro naman pwede na tayong mag-usap. Hindi siya sumagot rito bagkos ay nanggigigil niyang ibinato rito ang unang yakap-yakap niya. Pero nasalo lang nito iyon. Kung kailan inakala niyang panalo na siya at kung kailan gusto na niya magtatalon sa tuwa ay saka ito nagpakita kasama ang mga mata nitong parang nag-deklara na panalo na naman ito. Whats wrong with you? nakakunot-noong tanong nito at umupo sa tabi niya. Tell me, may sinabi ba si Alec sa `yo? Napatingala siya rito. Hindi niya inasahang gan`un ang maririnig niya mula rito nang mga panahong `yon. Akala niya ay ipapangalandakan nito ang panalo nito. W-wala. Tungkol ba saan ang pinag-usapan ninyo? usisa pa rin nito. Bat ba napaka-tsismoso mo? pagtataray niya. Because I have this feeling na tungkol sa `kin ang pinag-uusapan ninyo. Kapal mo rin, ano? Umayos siya ng umupo. Pero tama ka. May sinabi nga siya tungkol sa `yo. Ano `yon? Pinagtaasan niya ito ng kilay. Bat ba gustung-gusto mong malaman? Kasi nga tungkol nga sa akin. Ikaw, bat ba ang tigas ng ulo mo? Bakit, may ulo bang malambot? Mag-isip ka nga! Isa pang pagtataray mo, lagot ka talaga sa `kin, banta nito sa mahinahon ngunit mariing tinig. Bakit sasapakin mo `ko? Higit pa d`yan. Ibibitay mo `kong patiwarik? Hindi ka ba talaga titigil? O di kayay bubugbugin mo `ko `tapos ipapasok sa sako`tapos ihahagis sa ilog at pagkatap Natigil siya sa pagdadakdak ng hilahin siya nito palapit rito at mariing hagkan. Panandalian lamang iyon. Tamang-tama lang para patigilin siya sa kadadaldal niya. Kaya nang bitawan siya nito ay hay`un siya, nakatunganga pa rinhindi pa rin nakababawi sa pagkabigla. Kung okay ka na, you can start telling me about it.

Nakakarami ka na, ha! Gusto sana niyang sabihin pero walang tinig na lumabos mula sa bibig niya. Gusto niya itong suntukin sa ginawa nito. So, anong sinabi ni Alec sa `yo? tanong nito uli. Nang medyo nakabawi na siya ay sumagot siya. A-ang sabi l-lang niya, lagi mo raw a-akong ikinu-kwento sa kanya. Bat ba niya ako napapasunod nang dahil sa halik lang? And? Sabi rin niya, gusto mo raw ako as a lover pero sabi ko sa kanya, impossible `yong mangyari since were rivals. Alam kong na-misunderstood ka lang niya. And from that moment, natuwa ako nang malamang kinilala mo ko as your competitor. Competitor? Andimpossible, you say? hindi makapaniwalang sabi nito. Y-yeah. Natigil siya sa pagsasalita ng mapansin niyang umiba ang ekspresyon nito. Tila ito galit na hindi mawari. Wala naman siyang sinabing ikasasama ng loob nito. Teka nga! Natigil siya sa pag-iisip ng bigla-bigla ay may naalala siya. Noong lagi mo `kong kinukwento sa kanya, siguro tuwang-tuwa ka ng mga panahong iyon dahil lahat ng ikinu-kwento mo ay ang mga panalo mo, `no?! Sinasabi mo sa kanya kung paano mo `kong tinalo. Kung anong mga reaksyon ko kapag natatalo mo Bat ba `yan na lang ang iniisip mo? Competition! Werent you studying and doing something because you want to gain knowledge? `di na rin nakatiis nitong tanong. Dahil hindi ko maiwasang mag-alala at matakot nang dumating ka sa buhay ko! Lahat ng ginawa mo ay ang agawin ang lahat na para sa `kin. And yes, every second, every minute, every hour, every year of my life, I can only think of competition! I think on how I can get ahead of you who has been blocking my way to success. For all we know, youre not even making any effort. Napabuntung-hininga ito. Youve hated me all this time only because of that? You dont know anything about me, yet you hate me just because Im a threat. Alam mo ba kung anong tawag d`un? Its called haughtiness. A-ano? I went out of my way to care about you yet you treat me so cruelly. Who do you think you are? Dont you think you owe me an apology? Inihagis nito ang unan na ibinato niya kanina sa tabi niya. I cant believe this. Why do I have to be with such a trouble-some girl? Im trying to help you move on with your life. I just want to fulfill what Ive promised to your mother. And you know what? Youre the worst stupidiest idiot. Tatalikod na sana ito nang tila may naalala itong sasabihin pa. A-ano na naman? Remember this, Ill say it once. So, listen carefully. Tumingala siya rito. Ive never treated you as my rival. `Yon lang at umalis na ito. Ilang minuto na ang nakaraan ay ganoon pa rin ang pwesto niya tulalang naka-upo sa kama. Hindi niya alam kung ano dapat ang kanyang

maramdaman. Gusto niyang magwala dahil hindi niya na kayang makipagsagutan rito sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Sinabi ba naman nitong siya ang pinakabobo sa lahat ng bobo. Hindi lang iyon, sinabi rin nito na kahit minsan ay hindi siya nito trinatong rival nito. Anong ibig sabihin nito? Na hindi siya worthy maging kalaban nito? Na hindi niya kayang pantayan ang mga kayang gawin nito? Isa pa, ano `yung sinasabi nitong ipinangako nito sa kanyang ina. Gusto niyang tawagan ang ina pero kung kailan niya kailangan ang kanyang cellphone ay saka pa niya naalala iyon. Isa pang pinagtatakhan niya ay kung bakit kinuha ng kanyang ina ang cellphone niya. Ayaw ba nitong magkaroon sila ng komunikasyon? Ang dami ng katanungan ang nabubuo sa kanyang isipan sa bawat oras na nagdaraan. Ang dami niyang gustong malaman at ang solusyon lamang sa problema niya ngayon ay ang kausapin si Jad. Ngunit paano na niya ito kakausapin pa kung galit ito sa kanya? Mawawala rin ang galit n`un maya-maya J-JAD? narinig niyang tawag ni Minggie sa labas ng kwarto. Kumakatok ito. Nagbabasa siya ng magazine para mapagod na ang mata niyat makatulog na siya. Hindi kasi siya makatulog. Tiningnan niya ang alarm clock sa side table. Halos maghahating-gabi na. Ano naman kaya ang sadya nito sa ganitong oras ng gabi? Tumayo siya at pinagbuksan ito ng pinto na tamangtama lang ang bukas sa kalahati ng katawan niya. What do you want? tanong niya agad nang mabungaran na niya ito sa labas. Nakasuot na ito ng pantulog. I... I You what? putol niya. Para kasi itong nag-aalinlangan sa sasabihin nito. Nakatingala lang ito sa kanya na parang batang hindi marunong magsalita. What? You want to sleep with me? diretsa niyang sabi nito. Hoping na dahil sa sinabi niya ay magka-lakas-loob itong magsalita. No! Its not that. G-gusto ko lang makipag-usap. Sa ganitong oras? Galit ka kanina, eh, kaya hindi ako makakuha ng tamang tiyempo para makipag-usap sa `yo. Okay, then Pinalaki niya ang buka ng pinto. Pasok ka. B-bakit? Nagtataka ka pa? Akala ko ba makikipag-usap ka sa `kin. Thats why, Im letting you in. Hindi niya alam kung maiinis ba o magagalit sa mga inaakto nito. Mula nang lumuwas sila ay nagbago na ang mood niya. Hindi niya ipinapakita sa mga tao kung galit siya o hindi. Pero nang magkasama sila ay napapansin niyang mas naging transparent ang mga emotions niya. B-but pwede naman tayong mag-usap sa labas, suhestiyon nito. Inaantok na kasi ako, pagsisinungaling niya. In case na hindi ko na matagalan pa, pwede na akong matulog agad. Bakit? Hindi ba pwedeng ipagpabukas pa ang mga sasabihin mo?

Ouch Hindi kasi ako makatulog habang hindi ko `to nasasabi sa `yo. Noong nakaraang araw pa kita gustong makausap tungkol rito. Pasok. Tumalima naman ito. Ano naman kaya ang gusto nitong sabihin. Baka awayin na naman siya nito. Umupo siya sa kama at tinapik-tapik iyon. Ibig sabihin ay gusto niya itong tumabi ito sa kanya. Ngunit kumunot lamang ang noo nito tila hindi nakuha ang gusto niyang ipahiwatig. Tumabi ka sa `kin, pagsatinig niya. Sumunod naman ito. Tila ito naiilang habang naka-upo roon at hindi mapalagay ang loob. Ming, tawag niya rito. Relax. Im not planning to do that to you if thats what youre thinking. Medyo napanatag naman ang mukha nito. Ewan lang niya sa loob-loob nito kung ano ang iniisip nito. But knowing her, hindi ito malisyosong magisip. Unless you want me to, birong dugtong niya sa sinabi niya kanina at ngumisi. Napangiti na rin ito sa sinabi niya. Ano nga palang mahalagang sasabihin mo na hindi makapag-hintay hanggang bukas? Kanina kasi, may nasabi ka tungkol sa pangako mo kay Mama. Gusto ko sanang malaman kung ano `yon? At saka sabi ninyo, maaga tayong lumuwas for preparations bago ako magtrabaho. Pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinisimulan. `Yung cellphone ko rin, kinuha iyon ni Mama bago tayo umalis. May alam ka ba roon? Ang dami mo nga palang tanong, natatawa niyang sabi. About my promise, I swore to your mother that Ill take care of you and help you about your carrier. Alam ko kung ano ang mga pinagdaanan mo sa trabaho mo. Hindi ko lang ma-imagine na ganoon ang nangyari. Sa tingin ko kasi pasensyosa kang tao. `Yon nga lang minsan, tumataray ka. I didnt think na mas lumalala `yong ugali mo. According to her, hindi ka raw maka-get over sa past mo kung saan wala akong hint kong ano `yun. Pinakiusapan ako ng Mama mo na kung maaari ba kitang maibalik sa dating ikaw. About the preparations, itong mga ginagawa natin, ito ang mga preparations bago ka magtrabaho. Youre undergoing a personality development. Kailangan muna kitang ibalik sa dating ikaw. Mainitin ang ulo mo kaya nagkakaroon ka ng problema sa trabaho. Right now, hindi ko pa alam kung anong gagawin ko sa `yo. Nang lumuwas tayo, may mga plano na ako. But it seems na hindi iyon tumatalab sa `yo. Im trying some other way right now pero hindi talaga `ata siya applicable sa `yo. Bakit? Anong ibang paraan ba ang ginagawa mo? inosenteng tanong nito. Para talaga itong batang walang kaalam-alam sa mundo ng mga matatanda. Hinimas-himas niya ang buhok nito sa ulo at ngumisi. Hindi naman iyon masyadong importante para malaman mo. By the way, ang cellphone mo nga pala. Ibinigay sa akin `yon ng Mama mo bago tayo umalis. Saka ko lang iyon ibibigay kapag nagsimula ka nang magtrabaho. Isa pa `yan sa tanong ko, kailan ba ako magsisimula?

Kung ready ka na. Ready na ak Youre not. `Wag ka nang makipagtalo pa sa `kin tungkol doon. Binigyan niya ito ng ngiting paninigurado. Nga Naputol ang sasabihin niya ng napahikab ito. Sorry, hinging paumanhin nito at kinusot ang mata. Ano nga `yong sasabihin mo? Hihingi sana ako ng pabor. But I dont think youll grant my wish. Ano nga `yon? pilit nito. Promise me first na gagawin mo. No way! Malay ko ba kung Dont think about ridiculous things, Ming. My favorisang simpleng bagay lang na gusto ko for my birthday. What? Todays your birthday? Bat `di mo sinabi? Sinira ko pa ang araw mo. Ginalit pa kita, nagsisising sabi nito. Kaya nga kailangan mong bumawi. Sige na naman, nakangiti niyang pakiusap. Napangiti rin ito. First time kitang nakitang nakangiti na hindi nangiinis o nang-aasar kaya pagbibigyan kita. So whats that favor? Napakamot siya sa ulo. Nag-aalinlangan tuloy siyang sabihin rito baka hindi ito pumayag. Ano? Well, ah Ming..uhh..s-sleep with me. Sinadya niyang hindi iyon sabihin ng kumpleto upang malaman niya kung paano nito iintindihin ang sinabi niya. Well? Naghintay siya ng sagot. Okay, tipid nitong sagot. Wala man lang karugtong. What does she mean by just saying okay? Kinuha nito ang kumot, ibinalot sa sarili at humiga na nakaharap sa kanya. Napangiti siya. So childish Iba ang gusto niyang ipahiwatig rito pero sadya talagang napaka-inosente nitong mag-isip. Humiga rin siya kaharap rito. Ilang minuto ang nakaraan ay hindi pa rin siya makatulog. Nakatitig pa rin siya sa maamong mukha nito. Ang mukha nito na noon pa lang ay pinapantasya na niya. Napadako ang tingin niya sa mga maninipis nitong mga labi. Ming? tawag niya rito. Hmm? Ibinuka nito ang mga mata. Bakit? Bat hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Marami ka namang suitors. Paano mo nalaman `yon? Napahagikhik ito. Its simple. Dahil hindi ko pa pwedeng payagan ang sarili ko. Eh, ikaw? Bat hindi ka pa rin nagkakagirlfriend? Dahil hindi mo pa pinapayagan ang sarili mo. Pumalatak ito. I see. Makikipag-kumpetensya ka rin pala sa kung sino ang hindi bibigay, ah. Hindi ako magpapatalo sa `yo. Hinding-hindi talaga ako magkaka-boyfriend. Napailing-iling siya. Matulog ka na nga. Para ka talagang bata. Malaki na `ko.

Yeah, physically. But mentally? Daig mo pa ang ten years old. Tumawa siya. Sumimangot ito. Antipatiko! Anong sinabi mo? maang niyang tanong. Hay`un na naman sila nagbabangayan. Sabi ko, simpatiko. Antipatiko ang narinig ko, ah. Antipatiko! Simpatiko! Pareho lang `yon. Mamili ka na lang! singhag nitong tatalikuran sana siya. Pinigilan niya ito. Napangiti siya. Tulog na. Marahan nitong ipinikit ang mga mata. Ngunit ilang segundo pa ay tinawag na naman niya uli ito. Ming? Idinilat nito uli ang mga mata. Bakit na naman? Papatulugin mo `ko `tapos tat I want to kiss you. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Hindi na siya nakatiis pa. Dinampian niya ito ng halik na panandalian at saka tiningnan ito sa mga mata upang malaman ang reaksyon nito. Nakita niyang nakatitig lamang ang mga mata nito sa kanya na tila nangungusap. Hinawakan niya at hinaplos ang pisngi nito. Hinagkan niya ito uli ng marahan ngunit sa pagkakataong iyon ay tumagal na. Umaasa siya na gagantihan nito ang halik niya. Nang maramdaman niyang gumalaw ang mga labi nito ay pinalalim pa niya iyon. Dinama niya ang bawat galaw ng mga labi nila. Nang sa wakas ay kinapos sila ng hangin ay binitiwan niya ito. Nagkatinginan sila nang magkahiwalay na ang kanilang mga labi habang hinihingal. Sleep, marahan niyang utos rito at hinalikan sa noo. Sumunod naman ito pagkatapos at ipinikit ang mga mata. Niyakap niya ito ng mahigpit na para bang wala nang bukas.

Chapter Seven
NAGISING si Minggie kinabukasan na mag-isa sa kwarto. Ini-unat niya ang mga brasot paa. Tiningnan niya ang alarm clock sa side table, mag-a-alas diyes na pala ng umaga. Napasarap pala ang tulog niya. Bumangon siya. Nagulat pa siya nang makita uli ang mga larawan ni Jad sa dingding. Ngayon pa niya naalalang doon nga pala siyang natulog sa kwarto nito. Nagmadali siyang bumalik sa kanyang silid, naligo at nagbihis. Lumabas siya roon. Tahimik ang buong kabahayan. Maaga nga pala siyang magta-trabaho ngayon. Batid niya iyon ngunit bakit pa siya umaasang makikita niya ito sa ganoong oras na ng umaga. Hinaplos niya ang mga labi. Naalala niya ang nangyari kagabi. He kissed her. Napangiti siya. Pagkaraan ng ilang segundo ay nag-iba naman ang mood niya. Sumimangot siya. Bakit ba kasi siya nag-iisip ng gan`un? Napangiti pa siya kanina habang iniisip iyon. Ano na naman ba `tong iniisip niya. Napakibit-balikat na lamang siya at lumabas ng bahay para maarawan.

GOOD MORNING, sir! bati sa kanya ng sekretarya niya pagdating niya ng opisina. Medyo natagalan siya pagpunta roon dahil natagalan din siya ng gising. Napahimbing `ata ang tulog niya. Sino nga ba naman ang hindi mapapasarap ang tulog kong isang anghel ang katabi niya. Good Morning, ganting bati niya rito. Umupo siya at ini-open agad ang computer para mag-check ng mails. Any calls? Yes, sir. Mr. Lee from Sapildas Construction Company would like to meet you today, exactly one in this afternoon and would like to formally accept the deal, sir. Mr. Salazar left a message sir. Ibinigay nito ang isang piraso ng papel. Binasa niya iyon. Nakalagay roon na pupunta ito sa bahay at doon mag-la-lunch. Iniinis talaga siya nitong si Alec. Itinanong na naman siguro nito kung ano ang schedule niya sa sekretarya niya para tiyempuhin nitong busy siya at para walang sagabal sa pagpunta nito sa bahay niya. Naalala niya si Minggie. Dapat ay ibinigay na niya rito ang cellphone nito at nang matawagan niya ito. Mayr`on pa ba? Ahsir, naparito rin po pala si Ms. Valdez Tell her to stop bothering me if she ever comes back. Y-yes, sir. Nang umalis na ito ay nag-dial siya ng landline number niya sa bahay. Tatlong beses lang iyong nag-ring at may narinig na siyang sumagot sa kabilang linya. Ming? J-Jad? Halatang nagulat ito. Bat ka napatawag? Ipapaalam ko lang sana na pupunta d`yan si Alec mamayang lunch. Is that okay with you? I mean, ikaw lang mag-isa d`yan maybe you want to meet me up? Sinubukan niyang `wag haluhan ng pag-alala ang boses niya ngunit hindi niya talagang maiba ang tono niya. Alec is your best friend. Why are you so worried? nagtataka nitong tanong. Look, I know him for how many years now. Mag-ingat ka na lang. `Wag kang masyadong magtiwala sa lalaking `yon. Are you warning me? Yes. You cant erase the fact that hes a playboy. Im just worried that he might do something to you. No need to worry about that. I can take care of myself, matigas nitong sabi saka binaba ang telepono. Still too stubborn, nasabi na lamang niya habang nakatitig sa receiver. WHAT does he think of me? Ganoon na lang ka-weak? Ill prove to him that Im not, bulalas ni Minggie. Since nalaman niyang pupunta si Alec sa bahay para doon mag-lunch ay nagluto siya at pinaghandaan ang pagdating nito. Ilang oras ang

nakaraan ay dumating na ito. Tamang-tama lang dahil katatapos lamang niyang ihanda sa lamesa ang mga pagkain. Pinuntahan niya ito sa labas. Hi, babe! nakangiti nitong bati sa kanya sabay kaway. Babe? Na naman? Pinagbuksan niya ito. Pasok ka. Thanks. I already told Jad that Im Yes, I know. Tumawag siya kaninang umaga. She even warned me about you. Nagtataka tuloy ako if you really are best of friends. Nasanay na `ko. Ganoon talaga iyon. Tumawa ito. Tayo na sa loob. Ipinagluto kita. Iginiya niya ito sa hapag kainan. Wow! Masarap `to, ah! bulalas nito. Ako ba ang una? Huh? What do you mean na ikaw ang una? Ako ba ang unang makakatikim sa luto mo? Nope, tipid niyang sagot. Marami na akong naipagluto bukod sa `yo. Ouch! That hurts, sabi nitong sabay hawak sa dibdib at umaktong parang nasasaktan talaga. But does that include Jad? Yup. Sayang! Ipagyayabang ko sana sa kanya. Umupo ka muna. Ikukuha kita ng juice. Pumunta siya sa kusina at nagtimpla ng juice para sa kanilang dalawa. Bubuksan na sana niya ang refrigerator upang kumuha ng malamig na tubig nang masara uli iyon. Nilingon niya ito. Si Alec, sumunod pala ito sa kanya sa kusina. Ang kamay nito ay nakatukod pa rin sa pintuan ng ref. Nang lumapit ito sa kanya ay napaatras siya. Napasandal siya sa pintuan. Binalak niyang umiwas sa kabilang bahagi na wala ang braso nito ngunit iniharang nito ang kabilang braso. What do you think youre doing? Pinagtaasan niya ito ng kilay. Lumapit pa ito at inamoy siya. The smell of a virgin. Nagpatangutango ito. I see. He still hasnt done anything. Ano bang pinagsasabi mo? Umalis ka nga, naiiritang angil niya rito at nagtangkang tumakas. Do you want to go out with me? W-what? Y-youre i-insane. Hindi niya mawari kung bakit nagkandabuhul-buhol ang pagkakabigkas niya sa mga salitang iyon. Bakit nanginginig na lang nang gan`un ang katawan niya? Ang kanyang mga kamay naman ay nanlalamig gayong may kainitan ng panahon. Kinakabahan siya. Kay lakas ng pintig ng puso niya. At parang may namumuong mga luha sa kanyang mga mata. Is she scared? Nasaan na ang tapang na sinasabi niya? Nasaan na ang sinasabi niyang may tiwala siya sa sarili niya sa pag-depensa sa mga pagkakataong gan`un. Binalaan na siya ni Jad pero pinatuloy pa rin niya ito. Paano na ngayong parang maliit na kilos lang ay hindi niya magawa. Para siyang tumigas sa kinatatayuan. Kailangang may gawin siya upang protektahan ang sarili. Inilapit nito ang mukha sa mukha niya na para bang anumang oras ay hahalikan siya nito. Im a better lover than him. I can make you understand the things that confuse you. Ill teach you how to be a womaOuch!

Natigil ito sa pagsasalita nang binigyan niya ito ng buwelo ng isang upper cut. Kinuha niya ang isang plato na nakapa niya malapit sa ref at inihagis iyon sa ulo nito pagkatapos ay saka siya tumakbo palabas ng bahay. Hindi na kasi niya natiis ang lalo pang paglapit ng mukha nito sa kanya. Idagdag pang nanginginig pa ang katawan niya sa takot. Hay`un at inamin rin niya. Takot nga siya. Takot na takot. Naramdaman niyang may mainit na likido na umagos mula sa kanyang mga mata. No! She was about to cry. Pinunasan niya iyon at pinigil pa niya ang sarili na `wag nang dagdagan pa ang likidong tumulo sa isang mata niya. If only Jad was there. Hindi nito iyon papayagang mangyari. `Buti na lang at nagkalakas-loob pa siyang suntukin ito. Wait! Did she just mention his name? Natigil siya sa pagtakbo. Bakit ba niya naisip ang mokong na iyon. Para na rin niyang hinayaan na manalo ito kung saka-sakali mang iligtas siya nito kay Alec. Parang ini-accept na rin niya sa sarili niyang mas malakas ito sa kanya at mas matatag. Tumigil ka na nga sa ka-emote-emote mo d`yan, Ming! saway niya sa sarili. Nagpalingon-lingon siya. Ngayon lang niya naisip kung nasaan na siya. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga paa niya. Binalikan niya ang sa tingin niya ay dinaanan niya. Pero habang naglalakad siya ay may nadadaanan siyang mga likuan. Di niya alam kung saan roon liliko. To think na napakalaki ng subdivision noon. May sarili itong park, courts at kung anuano pa. Shit! Bulalas niya sa sarili. PATAKBONG pinasok ni Jad ang bahay. Kinakabahan siya sa maaaring nangyari. Hindi naman niya pwedeng i-kansela ang lakad niya dahil napakaimportante n`un. Isang mahalagang kliyente ang naka-meet niya kanina. Malaking pera ang mawawala kung hindi siya nakipagtagpo. Isa pa, may tiwala siya kay Minggie. Hindi ito agad bibigay sa katulad ni Alec. Alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Ming? tawag niya rito. Tahimik ang buong kabahayan. Inakyat niya ang ikalawang palapag at pinasok ang mga kwarto roon. Wala ito. Bumaba siya sa dining room. May nakita siyang nakahandang pagkain ngunit hindi pa iyon nagagalaw. Hindi na rin iyon presko dahil nanigas na ang kanin. Pumunta siya sa kusina. Nagulat siya nang may nakitang nabasag na pinggan. Nilapitan niya iyon. Mas lalo pa siyang kinabahan nang may bahid na dugo ang sahig. Idi-nial niya ang numero ni Alec at tinawagan ito. Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya. Where is she? tanong niya agad rito na pilit pinapakalma ang sarili. J-Jad, I-Ill explai Im asking you, where is she?! hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses niya. Kung naroon ito sa harap niya ay baka nasuntok na niya ito. At hindi lang iyon ang aabutin nito. Baka nabugbog pa niya ito. Look, Im sorry. I dont know her whereabouts. Basta na lang siyang tumakbo at She wont run without any reasons. Anong ginawa mo sa kanya?! Hindi ito sumagot kaya mas lalong bumangon ang galit sa loob niya.

Kapag may nangyaring masama sa kanya, hinding-hindi kita mapapatawad. Kahit saang sulok ka man naroroon, hahanapin at hahanapin kita upang pagbayarin sa ginawa mo! `Yon lang at pinutol na niya ang linya. I have to find you as soon as possible. Wherever you are, just sit and calm down. Cooperate with me, kausap niya kay Minggie na animoy nasa harap lang niya ito at pagkatapos ay lumabas uli ng bahay upang hanapin ito. SA paglakad-lakad ni Minggie ay doon siya napunta at napatigil sa walang masyadong kabahayan at may mga vacant lots pa. Naupo siya sa isang tabi. Madilim na. Sa tingin niya ay mga nasa alas siyete na siguro ang oras. May naramdaman siyang pumatak na tubig mula sa kalangitan. Uulan? tanong niya sa sarili at tumayo. Nasagot ang tanong niya nang sunud-sunud nang pumatak ang ulan sa katawan niya. Nainis siya sa sarili. Great! Just so great! sigaw niya at padabog na lumakad uli upang humanap ngmasisilungan. Ngunit tumigil rin siya at pasalampak na naupo sa damuhan. Ayaw naman niyang humingi ng tulong sa mga tao roon. Baka pagsamantalahan na naman siya at saka nakakahiya kung tatanungin niya ang mga tao roon sa daan pauwi niya. Baka sabihin na naming para siyang bata at napaka-irresponsable. Naihilamos niya ang mga kamay. Kung bakit ba naman kasi siya tumakbo. Pwede namang kumuha siya ng kutsilyo at pinagtutusok na lamang niya iyong walang modong lalaking iyon. Kung bakit kasi kinabahan siya at nataranta sa mga pinaggagawa nito. Kung bakit ba naman kasi madali lang siyang mawala. Kung bakit baliktad ang mapa niya. Kung bakit hindi niya kayang tandaan ang mga dina-daanan niya. Hindi niya alam kung kanino niya namana iyong katangiang iyon. Uminit ang mukha niya. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha niya sa kanyang pisngi. Nanginginig na rin ang katawan niya dahil sa ginaw habang ang ulan naman ay patuloy sa pagpatak. Hindi masyadong malakas ang ulan ngunit malakas ang hangin noon. Kapag nagtagal pa siya roon ay baka magkasakit siya. Iyong pangyayaring iyon ang pinaka-ayaw niyang mangyari sa kanya ang maligaw at ang maramdamang hindi alam kung saan ang babalikan. She hates the feeling of confusion. She sneezed. Giniginaw na siya. Tumingin siya sa taas at kinausap ito. Akala ko ba kung lilingon ako sa pinanggalingan ko, makakarating ako sa paroroonan ko? Eh, bakit nandito pa rin ako? Kanina pa ako lakad ng lakad pero hindi ko pa rin nakikita ang dapat na paroroonan ko! Napabunghalit na siya ng iyak. Hindi na niya nakaya ang nararamdaman. She feels so helpless. Ngunit sa isang bigla ay nabuhayan siya ng loob ng may taong nagsalita. Ngayong nakita mo na ako? Nakita mo na rin ba ang dapat na paroroonan mo? Narinig niyang tugon ng isang pamilyar na boses. Nilingon niya iyon. Si Jad!

Chapter Eight
NGAYONG nakita mo na ako? Nakita mo na rin ba ang dapat na paroroonan mo? nakangiting sagot ni Jad nang makita niya si Minggie na nakaupo sa damuhan ng bahaging iyon ng lugar na pinaghanapan niya. J-Jad? hindi makapaniwalang sambit nito. Tumayo ito at dahandahang lumakad palapit sa kanya. Jad, ikaw nga! Hindi na nito pinigilan ang sarili at patakbo na itong yumakap sa kanya. He welcomed her with open arms. Mahigpit niya itong niyakap. Tahan na, Ming. Hinagod niya ang likod nito. Nanatili sila sa ganoong posisyon. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagulat siya ng bigla na lamang itong natumba. `Buti na lang at nasalo niya ito. NAGISING si Minggie nang may dumamping mga labi sa noo niya. Nang iminulat niya ang mga mata ay nakita niya ang mukha ni Jad. Ang mga mata nito ay nababahiran ng pag-aalala. Napansin niya ang panlalalim ng mata nito. Siguro dahil puyat ito. Ang huling natatandaan niya sa nangyari kagabi ay noong nakita siya nito noong umuulan. Basang-basa silang dalawa. Sinalubong niya ito ng yakap ngunit nanlabo na ang paningin niya. Ming? Are you alright now? May masakit ba sa `yo? tanong agad nito. J-Jad? sambit niya. B-bakit? Anong bakit? Ang taas kaya ng lagnat mo for two days na ngayon. Ngayong nasabi nito iyon ay noon lang niya na-realize na mainit nga ang pakiramdam niya. Inilibot niya ang paningin. Nasa kwarto niya pala siya. May maliit na basin sa side table. Sapo niya ang ulo nang sumakit iyon nang kumilos siya at aktong babangon. Na hawakan niya ang isang bimpo sa noo niya. Humiga ka muna. Rest for now. Ngumiti ito ng tipid. Bakit, Ming? nag-aalalang tanong nito. W-wala naman. Medyo sumakit lang ang ulo ko. Huminga siya ng malalim. Siya nga pala, thanks for saving me. At saka, tinatanggap ko na ang pagkatalo ko. Ano na naman ba `yan, Miming? Napakamot ito sa ulo. I didnt save you for me to defeat you or anything else. I saved you because I want to. `Di ba nangako akong hindi kita iiwan? At hindi ka maliligaw kapag kasama mo ako? Gago ka pala, eh! singhag niya. Naligaw na nga ako. Half day pa akong nagpalakad-lakad sa kawalan. At saka `yon na nga, eh. Iniwan mo ako kaya nawala ako. And whose fault is that? Yours of course! Eh, kaninong gusto ang tumakbo? Akin. Kaninong desisyon ang lumabas ng bahay?

Akin. Kaninong paa ang kumilos para tumakbo? Akin. Therefore, kaninong kasalanan iyon? Sa `yo! Ah, so, kasalanan ko pa ngayon kung bakit naligaw ka? Bakit, ako ba ang nagmamay-ari ng paa mong suwail? Ako ba ang may-ari ng utak mo kung bakit `di mo maalala ang mga dinaanan mo? Eh, kasi nga iniwan mo `ko! sumbat niya. Ilang beses na kitang iniwang mag-isa rito sa bahay pero ngayon ka lang nawala. Kasi Naalala niya si Alec na siyang dahilan kung bakit siya tumakbo noon. Si Alec kasi Alam ko na ang tungkol d`yan. Ang kaso, sino bang matigas ang ulo at pinapasok ang lalaking iyon? Ano ka `ba? Best friend mo `yong t Kaya nga. Marami na akong alam sa kanya. Ikaw naman itong sobrang confident sa sarili. You know nothing about him. Kung hindi ka pa nakatakbo, Im sure wala na `yan. Ibinaling nito sa ibang direksyon ang tingin. May meeting pa naman ako at that time. Hindi kita maliligtas. `Buti na rin at naisipan mong tumakbo. Binalingan siya uli nito at hinawakan ang kamay niyat pinisil iyon. But Im glad that youre alright. Nakaya ko nang iligtas ang sarili ko sa kanya. Ang kaso hindi ko lang nakayang iligtas ang sarili ko sa sarili ko rin. Napanguso siya. What do you mean noong sabihin mong wala na `yan? Napakibit-balikat ito at tumingin sa ibang direksyon. Wala `yon. `Di mo rin maiintindihan. Napaka-inosente mo para roon. Tumikhim siya. Tungkol ba `yan sa virginity ko? Tila nagulat pa ito nang lumingon ito sa kanya. Thank God, na-gets mo. Napahagikhik ito. I actually knew him that way. Kinukuha niya ang mga gusto niyang babae with force. I think youre the first girl who escaped from him. Lucky, huh? Its not just lucky. Whatever. Tumawa ito. Hindi niya maintindihan pero sa simpleng pag-uusap lang nilang dalawa ay parang gumagaan na ang pakiramdam niya. Bigla-bigla ay kumalam ang sikmura niya. Mukhang narinig nito iyon. Nagkatinginan silang dalawa at napangiti. Nagugutom na pala `tong girlfriend `ko, sabi nito at tumayo. Kukuha lang ako ng pagka N-no! Wait. You said, girlfriend? Who? May girlfriend na pala ito? Obviously, you, walang pagdadalawang-isip na sagot nito. Nagtaka siya. Whose? Mine. W-what? Kailan pa? When we slept togetherwhen we kissed.

You didnt tell me. Bumangon siya. Paano siyang naging girlfriend nito? Ni hindi naman siya nito niligawan. At ano naman `tong iniisip niya about courtship? Eh, bakit? Papayag ba siyang maging girlfriend nito? Parang ang bilis naman `ata. I didnt need to, did I? I think its only natural in our situation, right? Naghalikan na tayo. You even respond to my kisses. II really didnt know, maang niyang sabi. Really? Napangisi ito. I have always thought of you as my girlfriend. Gusto kong tratuhin kang isang kayamanan sa buhay ko. I want you to let me treasure you. Thats actually what I really feel. Ikaw? What do you think of me? UhWell Nag-isip siya at napakibit-balikat. A rival? A friend Napamaang ito sa sinabi niya. But we kissed Napanguso siya. Eh, ito naman ang humahalik sa kanya. But youre the one who initiated that on your own! You didnt even ask for my permission! Really? Then Umupo ito ulit sa kama at lumapit sa kanya. Well kiss again with your approval. Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis na ikinagulat niya. Para kasi itong batang naglalambing. Hindi niya tuloy alam kung paano mag-react sa inakto nito. Hinawakan nito ang baba niya at pinakatitigan siya na tila nang-aakit. May I have the honor to kiss my gorgeous girlfriend? Pagkarinig niyon ay parang naging blangko na ang pag-iisip niya. Nanatili lang siyang nakatunganga roon. Pero ito naman ay nananatili lang din sa posisyon nito. Hinihintay ang sagot niya. Well? tanong nito uli. Y-yeah p-pero Akmang lalapit na sana ito nang pigilan niya ito. Ppero s-smack lang. W-what? Smack? We already have done torrid kis Smack muna ngayon! putol niya. Fine, then. Dahan-dahan nitong inilapat ang mga labi nito sa kanya ngunit panandalian lang. Bahagya niyang inilayo ang mukha rito. Tama na. Nakakahiya. Napabunghalit ito ng tawa sa sinabi niya sabay tayo. Dont worry, hindi kita pi-pressure-in, natatawa nitong sabi habang papalabas ng silid. Nang bumalik ito ay may dala na itong tray ng pagkain. Inilapag nito iyon sa kama. Dahil sa gutom niya ay dali-dali niyang kinuha ang kutsara ngunit pinigilan siya nito. Let me, Kinuha nito ang kutsara. Sinubuan siya nito ng pagkain. Jad? sambit niya. Yes? Hindi mo ba naisip na parang impossible `tong mga nangyayaring `to sa ating dalawa? I mean, were rivals back in our high school days up until now. And then, here we are now, sitting beside ea

You shouldnt doubt. Its possible. Dont think any other things besides that, okay? Napatangu-tango siya. Pagkaraan ng ilang minuto ay may naisip siyang itanong. Jad? Ilang babae na ba ang minahal mo? Ngumisi ito. Bakit? Ilan ka ba? Huh? Ewan niya pero parang ang tagal mag-process ng mga sinasabi nito. Noong nag-aaral pa siya ay madali lang siyang nakakaintindi. Mataas ang rate ng comprehension niya. Bakit ngayon ay parang napatulala siya sa mga sinasabi nito. Nabibigla siya sa mga kung anu-anong nakakagulat na lumalabas sa bibig nito. You know what? I can still remember how youve hated the people around you who understand slowly. Na-realize siguro nito ang sinabi kaya binawi nito iyon. Siya nga naman, youre only dense when it comes to love. Hindi siya umimik. Bakit ka nga pala mataray at saka suplada. Napansin ko pa namang sa akin ka lang ganoon noon, pag-iiba nito nang paksa. Hindi naman talaga ako suplada. Its just that there are some people d`yan sa tabi-tabi, sabi niya na ang tinutukoy ay ito. ay hindi lang matanggap na hindi ako interesado sa kanila. Umubo ito na alam niya ay sinadya lang. Not interested, huh? sarkastiko nitong sabi. Lets see. Hinawakan nito ang batok niya at inangkin ang mga labi niya. Hindi pa rin siya nasanay sa reaksyon ng katawan niya kapag hinahalikan siya nito. Ewan ba niya kung bakit may kakaibang sensasyon siyang nararamdaman kapag hinahalikan siya nito. Para siyang nalulusaw at hinihigop ang lahat ng lakas niya sa katawan. Binitawan siya nito. Hindi ka nga interesado `no? panunudyo nito. Youre getting used to it, huh? Ngumisi lang ito bilang sagot. DRAE! bulalas ni Minggie nang sagutin ng kabilang linya ang tawag niya. Tinawagan niya kasi ang pinsan niyang si Drae agad-agad nang ibinalik ni Jad sa kanya ang cellphone niya. Girl, `buti naman napatawag ka! I miss you na talaga. Bakit ngayon ka lang tumawag? excited nitong sabi. Eh, kasi Siguro enjoy na enjoy kang kasama si fafa Jad, `no? putol nito. Tumahimik ka ngang bakla ka! Sige ka, baka may makarinig sa `yo d`yan at isiping bakla ka, banta naman niya. Hay naku! No need to worry. As in! Ang tagal na kasi nating hindi nakapag-chikahan kaya ha`yan, wala ka nang masyadong alam sa mga churva na nangyayari sa life ko. Aba, may pa-churva-churva ka na ngayong nalalaman ha, kantyaw niya. Hindi naman kasi talaga ito gumagamit ng mga salita ng mga bakla dahil natatakot itong marinig ng iba at isumbong sa pamilya nito. Delikado

ring masanay ito sa mga gan`un dahil baka hindi nito mamalayang nagamit nito sa harap ng iba. Hayaan mo na `ko, girl! Its my time to shine. Walang mga asungot na makakarinig sa mga pinagsasabi ko. Nagtaka siya sa sinabi nito. Bakit? Nasaan ka ba? Guess where? Kaya nga kita tinatanong dahil wala akong ideya kung nasaan ka. Ano ba naman `yan, wala kang ka-thrill-thrill! At least, have a guess. Okay, okay. Nag-isip siya. Lodging house? What are you saying?! Hindi, ah. Eh, sa mga pinagpupuntahan mo, `yun lang ang naisip kung tahimik na lugar. Gaga! Maingay nga dahil sa ungolteka nga! Wala ka namang kahint-hint sa kinaroroonan ko, eh. Narinig niya itong tumikhim muna. Nandito rin ako sa Manila, last week lang. Really? Puntahan mo ka Dont worry, ibinigay sa `kin ni Tita Annie ang address n`yo d`yan sa Makati, pahayag nito. Pupuntahan kita d`yan mamayang gabi, okay? Sige na, tatawagan na lang kita uli. May lakad pa ako, eh. Oo nah. Hay`an na naman `yang monkey business mo. Tumawag ka mamaya, utos niya. `Yon lang at binaba na niya ang cellphone at inilagay sa side table. Tamang-tama, gagabihin talaga ng uwi si Jad dahil may party sila sa kumpanya.

Chapter Nine
HALA ka girl uy! bulalas ni Drae sa tono ng mga bisaya. Wala pa ring kakupas-kupas ang talent mo sa cooking, promise! Kasalukuyan silang kumakain nang gabing iyon. Mukhang mas masarap ngayon kayo na ni fafa Jad! Tumahimik ka nga! Baka may makarinig sa `yo. Uminom siya ng juice bago nagpatuloy. Pero sa observation ko, nakikipagkumpetensya siya kung sinong mas madaling maloloko sa aming dalawa. Kahit na sinabi niyang `di siya nakikipagkumpetensya, sa palagay ko naman ay niloloko niya ako para siya ang manalo. Ha`yan na naman `yang kumpetensyat pagdududa mong `yan. Ano ka ba? Tinurukan ka ba ng anesthesia? Ba`t `di mo maramdamang mahal ka niya? Eh,sinabi na nga niyang mahal ka niya. `Yon na nga, eh. If you love a person, you should tell her what you feel. But in our case, I dont think there is love between us. Hindi nga niya sinabi sa `kin `yong nararamdaman niya. You meanhe still hasnt told you that he loves you? Napa-isip ito. May point ka rin naman, eh.

Alam ko, nakikipagkumpetensya siya! To think na ginagamit lang niya ang paghalik sa `kin para patigilin ako at pasunurin! At ikaw naman `tong si gaga, nagpapa-apekto naman! Inirapan siya nito. Hindi naman sa gan`un! Hindi ko talaga maiwasang manghina kapag hinahalikan niya ako. Para nga akong naiirita kapag hinahawakan niya ako. Paanong naiirita? na-curious ito at medyo inilapit ang mukha. `Yon bang parang nakukuryente ako kapag nadidikit `yong balat niya sa `kin. Pakiramdam koy nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. At sa tuwina ay gusto kong lumayo pero hindi ko magawa. `Buti na lang at narito si Drae para masabihan niya sa mga nararamdaman niya. Hindi na niya maintindihan ang reaksyon niya. Natatakot nga ko minsan kapag malapit ako sa kanya. Para akong kinakabahan. Lumalakas `yong tibok ng puso ko. Sa tantiya niya sa ekspresyon nito ay parang nahihinuha na nito kung ano ang nararamdaman niya. What about `yong kiss niya? Paanong kang mag-react? What do you feel? Im actually hesitating kapag lumalapit na ang mukha niya sa `kin. Pero hindi ko maikakaila sa sarili ang excitement na nararamdaman ko sa paglapit niya. Ano ba `tong pinagsasabi ko? Oh, shet! mura nito. Girl, dont tell me Gosh! Tinamaan ka?! What do you mean? napakunut-noo siya. Hindi mo `ata namalayang nahulog ka sa patibong niya. Hinawakan nito ang kamay niya. You fell in love with him! Ilang segundo silang natahimik. Pagkaraan ay napabunghalit siya ng tawa. Its impossible, idiot! Wala nga akong maramdamang specia `Yong mga inihayag mo sa `kin kanina. Those were signs of a person falling in love. In your case, hindi mo pa lang siguro na-realize. Base sa mga reaksyon mo sa tuwing nagkaka-contact kayong dalawa, its as if youre scared to fall for him. At hindi mo rin iyon halata. Napakamot siya sa ulo. Wala siyang masyadong naiintindihan sa mga sinabi nito. Isa lang ang naiintindihan niya. Shes feeling something unusual to Jad. Look, there will come a time that you will feel it. And I think, that will be the time kung saan masasaktan ka ng husto. Pinandilatan niya ito ng mata. That wont happen. I assure you. Kaya ko naman ang sarili ko. Pinaikot nito ang eyeballs nito. Just be careful, okay? seryoso nitong paalala. `Wag kang gagawa ng desisyong pagsisisihan mo. MAGHAHATING-GABI na ngunit hindi pa rin makatulog si Minggie. Ha`yun siya sa kwarto niyat malalim ang iniisip. Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang mga sinabi ni Drae sa kanya. Pero sa tingin niya ay malabong mangyari iyon sa kanya. She still hasnt fallen in love thats why she can hardly understand a thing about it.

Natigil siya sa pagmuni-muni nang marinig niya ang ugong ng sasakyan ni Jad sa labas. Minabuti niyang manatili na lamang sa kwarto niya. Ngunit nang marinig niya ang pagsara ng main door ay hindi niya maiwasang sumilip. Ini-awang niya ang pinto ng kwarto niya. Tamang-tama lang para makasilip siya. Nagulat siya nang may makitang matangkad na babae na akay-akay si Jad habang umaakyat ng hagdan. The way he walkshe seems to bedrunk? Hindi siya sigurado sa nakita. Hindi kasi ito makatayo ng diretso at nahihirapan pang umakyat. Ganyang-ganyan din si Drae nang tulungan niya itong umuwi sa kanila noong malasing ito noon. Lalabas sana siya upang tulungan ang babae sa pagdala kay Jad sa kwarto nito ngunit pinigilan niya ang sarili. Baka kung ano ang isipin nito kapag nakita siya nito sa bahay. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Naninikip ang dibdib niya. Why does she have to feel that way? Gusto niyang siya ang naroroon sa katayuan ng babaeng `yon pero natatakot siyang lumabas. Ano bang pinag-iisip ko? Ako ang girlfriend! Bakit ako matatakot? Ngunit nag-aalinlangan pa rin siyang lumabas. Sa huli ay pinili na lamang niyang bumalik sa higaan at matulog na lamang. Ilang minuto pa ay narinig na niya ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Jad. Hindi niya maiwasang macurious kaya idinikit niya ang taenga sa pader. Wala siyang marinig sa kabilang silid. Nagpapaka-gaga naman ako! Natural, makapal ang dingding. Haler, Ming! Para akong sira. Tigilan ko na nga `to! bulong niya sa sarili. Bumalik siya sa kama at nahiga uli. MAAGANG nagising si Minggie kinabukasan. Hindi siya masyadong nakatulog sa kaiisip sa hudyong Jad na iyon. Pinapuyat pa siya sa pag-aalala. Dapat kasi tinulungan na lamang niya iyong babae kagabi sa pag-alaga rito. Tumayo siya at pumasok ng banyo at dire-diretso sa kabilang silid. Pagbukas na pagbukas niya sa pintuan ng silid ni Jad ay lumantad sa paningin niya ang kahubdan ng dalawa. Tanging ang kumot lamang ang takip sa pang-ibabang bahagi ng mga katawan nila. Jad was even hugging her. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Magkahalong shock at kung ano pang emosyon ang nararamdaman niya noong oras na iyon. Shock siya dahil sa nakita. `Yon ang kauna-unahan niyang makakita nang pares na walang damit. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Wait! Did they do it? But what about her? Shes the girlfriend right? Paanong nangyaring ang babaeng iyon ang katabi ngayon ni Jad? Siya dapat ang katabi nito magdamag. Siya dapat ang kayakap nitoang kahalikan nito. Its supposed to be her! And whats this? Ano `tong nararamdaman niya na parang pinipiga ang puso niya. Parang may mga karayom na nanunurok sa dibdib niya. Nahihirapan siyang huminga. Bumalik siya sa kwarto niya at sumandal sa nakasaradong pinto. Naramdaman niyang may mainit na likidong tumulo sa kanyang pisngi. Is she crying? But why? Pinigilan niya ang iba pang nagbabalak tumulo ngunit

patuloy ito sa pag-agos. Sa pagpatak ng mga luhang iyon ay nagsimula na siyang mabahala sa feelings niya. Nasasaktan siya. Nahawakan niya ang pisngi hilam sa luha. Basang-basa iyon. Napamulagat lamang siya habang patuloy iyon sa pagtulo. N-no, tumigil ka mahina niyang utos sa mga luhang iyon ngunit patuloy pa rin iyon. Bat ayaw mong tumigil? Bakit? Para siyang isang baliw na hindi mawari kung anong gustong gawin at maramdaman. Naninikip ang dibdib niyasumasakit. Bakit ba kailangan niyang masaktan sa mga sandaling iyon? You fell in love with him! Naalala pa niyang sabi ni Drae sa kanya kahapon. Ngunit hindi niya iyon matanggap! Shes not in love with him! Impossible `yung mangyari! Ayaw niya iyong mangyari. Napahikbi siya. BAKIT ka nandito, Miss Valdez? galit na tanong ni Jad kay Carla habang inalis ang kamay nitong nakapulupot sa baywang niya. Nagising siyang ito agad ang bumungad sa kanya. Bumangon siya. Ngayon lang niya napagtantong wala siyang suot. Nagbihis siya. What the heck did you do again? Hon, how many times do I have to tell you, call me Carla. Isa pa, kung maka-react ka naman parang ito ang unang beses na ginawa natin `to, nakangiti nitong sagot at niyakap siya nito mula sa likod. Can we do it again? Pwede ba? Kumalas siya rito at hinarap ito. Lasing ako every time ginagawa mo sa `kin `yon. Hindi ka ba nahihiya sa mga ginagawa mo? Hindi naman, pasimple nitong sagot at pinulot ang mga damit nitong nagkalat sa sahig. Im even enjoying it. Im your first at bihira lang iyon sa mga lalaki sa panahon ngayon. Listen, ayoko ng maulit ito. The next time yo Hon, ilang beses mo na akong pinagbantaan. But still, nothing happens. Humugot siya ng malalim na hininga. Pinipigil niya ang pagtaas ng boses niya dahil baka marinig ni Minggie sa kabilang kwarto. Magbihis ka na and leave. Ill take a shower fir No! singhag niya. You have to leave as soon as you finish dressing up. Now, move. Agad naman itong tumalima. Nang matapos itong magbihis ay hinila niya ito patungo sa pintuan. Sumungaw muna siya upang siguruhing wala roon si Minggie. Nang masigurong wala ito ay dali-dali siyang lumabas at pumanaog habang hila-hila ito. T-teka,hon! Para kang may pinagtataguan. At saka nasasaktan ako, reklamo nito. Masasaktan ka talaga. `Yan ang napapala ng mga babaeng `di marunong rumispeto sa sarili. Makakahinga na sana siya nang maluwag nang makalabas sila sa main door ngunit sumalubong naman sa kanila ang tinging ipinukol ni Minggie na naka-upo sa hardin. Manaka-nakang binitiwan

niya si Carla. UhMingW-wewe were just m-makingmaking reports for the c-company... What kind of excuse was that? Gusto niyang mainis sa sarili. Report? Made by the head of the company? tanong nito na tila hindi naniniwala. Kung iisipin nga naman, sinong matinong tao naman ang maniniwala sa dahilan niya? Hindi ang presidente ang gumagawa ng report! Anyways, Miss Valdez, makakaalis ka na. Wait, pigil ni Minggie. Kumain na muna kayo. Naghanda ako ng almusal. Specially made for both of you. Nagulat siya sa sinabi nito. Alam kaya nito na doon natulog si Carla sa bahay? Nahuli kaya silang magkasama sa loob ng silid niya? Pinatigas niya ang anyo. Umalis ka na Miss Valdez, kailangan mo pang i-finalize `yan sa opisina. Pinanlakihan niya ito ng mga mata na para bang nagbabanta kapag `di pa ito umalis. Hindi na ito sumagot pa at dali-daling umalis. Tinignan niya ang kinaroroonan ni Minggie. Damn! Hindi man lang niya kayang tignan ito sa mga mata. Natatakot siya sa makikita niyang emosyon sa mga mata nito. Ayaw naman talaga niya itong saktan. What? tanong nito. Pinilit niyang tingnan ito sa mga mata. Ngunit tila siya ang nagulat at nasaktan sa kanyang nakita. Walang bahid ng emosyon ang mukha nito. But why? He was expecting her to be jealous or hysterical. Natakot pa nga siyang baka sugurin nito si Carla kapag nakita sila nito. Isa pang kinatatakutan niya ay baka masaktan ito at mapaiyak. Ibig bang sabihin ay wala itong nararamdaman sa kanya? Akala niya ay may pagtingin na rin ito sa kanya dahil sa pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya. But was he just expecting for nothing. Was he thinking the wrong thing? Is this just a onesided love? Balewala lang ba ang lahat ng mga efforts niya? N-nothing. I remember I still have somewhere to go. Tinalikuran na niya ito at iniwan roon na mabigat ang loob. TUMIGIL ka na nga. Tahan na, pang-aalo sa kanya ni Drae sa kabilang linya. Tinawagan niya ito nang hindi na niya matiis ang pagkausap sa sarili. Para na kasi siyang baliw sa kakausap niya habang siya rin mismo ang sumasagot. Mas sinasaktan lang niya ang sarili. `Yan na nga bang sinasabi ko, eh. Hes such a piece of shit, Drae! mura niya rito sa gitna ng paghahagulhol. Sabi ko naman sa `yo, eh. May iba nga siyang motibo. Tumigil siya sa kaiiyak at napasinghot. Gaganti ako. Ming, ano na naman `yang binabalak mo? Baka sa huli ay ikaw lang ang masaktan, nag-aalala nitong tugon. Magpapabuntis ako sa kanya. W-what?! Nahihibang ka na ba? Yes, nahihibang ka nga! `Di ko na dapat tinanong `yon. Butmy God! Ano bang pumasok sa kukute mo at

naisip mo `yon, girl? Gaga ka ba? Hindi gaga ang kilala kong si Ming! Youre being unreasonable. Relax ka nga. Mas hysterical ka pa sa `kin, eh. Ako naman ang magsasagawa, hindi ikaw. But why? Parang nagiging piece of shit ka na rin! asik nito. Tumigil ka na, ha. Susunduin kita mamaya pagkatapos ng trabaho ko rito, okay? So Narinig pa niya ang sunud-sunod na paghinga nito para i-relax ang sarili. Mas nataranta pa ito kaysa sa kanya. So, chill, okay? `Wag kang gagawa ng isa pang katangahan. `Yon lang at pinutol na nito ang linya. Tiningnan niya ang orasan. Mag-aalas siyete na ng gabi. Papauwi na siguro si Jad. ButI like the idea. Kapag nagkaanak ako sa kanya, ilalayo ko sa kanya. Mangungulila siya. Pagkatapos, magmamakaawa siyang ipakita ko sa kanya ang anak niya. Napailing-iling siya sa sinabi. Unreasonable nga siya. Ang babaw na niyang mag-isip. Pero

Chapter Ten
MAAGANG umuwi si Jad sa bahay. Wala pang alas siyete nang gabi ay naroon na siya. Gusto niyang magpaliwanag kay Minggie tungkol sa nangyari kaninang umaga. Baka nagkamali ito nang pagkakaintindi sa pangyayari at isipin nitong pinagtataksilan niya ito. Ngunit kahit anong pagbali-baliktad niya sa pangyayari, pagtataksil pa rin ang ginawa niya. Gusto niya ring iklaro sa kanilang dalawa ang tunay nilang nararamdaman sa isat-isa at nang maliwanagan ang pusot isip niya. Pumasok siya sa loob ng bahay. Hindi niya ito nakita. Inakyat niya ito sa kwarto ngunit wala naman ito roon. Hinanap niya ito sa bawat silid ng bahay ngunit hindi niya ito mahagilap. Nasaan na ba siya? Naisip niya ang hardin sa likod. Agad niya iyong tinungo. Hindi naman siya nabigo. Nakita niya itong lumalangoy sa pool. Shes wearing a red two piece bathing suit. Mas tumingkad ang kaputian nito sa sinuot. `Di sinasadya ay nakaramdam siya ng init mula sa katawan. Napailing-iling siya. Dapat ay mag-concentrate siya kung paano niya sasabihin ang totoo rito. Lumapit siya sa kung saan ito tumigil sa paglangoy. Nginitian siya nito at mas lumapit sa kanya habang nasa tubig pa rin ito. Nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon ang inakto nito. Hindi ba ito galit sa kanya? MingI-I want to explain, simula niya. About what? Nakatingala ito sa kanya. W-well, tungkol s-sana ka Kung kaya ni Carla `yon, kayak o rin. Do you want me? Bakit `di mo subukang angkinin ako ngayon habang nasa mood pa ako. Lets have sex.

Nagulat siya sa sinabi nito. Kahit na mahina lang ang pagkakasabi n`un ay dinig na dinig niya ang bawat katagang binitawan nito. Pero baka nabibingi siya ngayon at mali ang narinig niya. M-MingI Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bigla na lamang siyang hinila nito sa pool. Ngayon, pati siya ay basang-basa na rin. Saktong pagbuka ng kanyang bibig upang huminga ng malalim ay sinalubong ng mga labi nito ang mga labi niya. At first, parang `di siya makakilos dahil sa gulat. She did the first move. She kissed him. Naging parang possessive ito. Was it because she sees Carla as a threat? Nagseselos kaya ito kaya gusto nitong iparamdam sa kanya na siya ay para lang rito? Pero parang imposible ata yon, ni minsan ay hindi pa niya nakitang nagselos ito. May nalasahan siyang alak mula rito. Di kaya ay epekto lang ng alak ang mga ginagawa nito? Ayaw niyang angkinin ito dahil lang sa kalasingan nito pero ayaw naman niyang hayaang maglaho at mawala na lamang ang pagkakataong iyon. Kay tagal na niya iyong hinintay, kaya naman agad niyang tinugon ang halik nito. Mapusok ang halik na pinagsaluhan nila. Hindi niya maipaliwanag ang mga damdaming bumabangon sa kanya. Ipinulupot nito ang mga braso sa leeg niya. Nabuhayan siya tila ba sinasabi nito na nagugustuhan nito ang kanyang mga pagtugon. Mainit ang katawan nito, kay sarap paglakbayin ang mga kamay niya sa katawan nito. Parang ayaw na niyang bitawan. Hindi niya alam kung paano silang nakaakyat sa damuhan. Basta ang alam lang niya, hes holding her tightly. Hes afraid to let go of her. Dahil baka kapag ginawa niya iyon ay baka mawala ito sa kanya. He wanted to make love to her right now, right there. To make her feel how much he loves her. Ngunit natigil siya at napaisip, hindi niya kayang ipagsantabi ang katotohanang nakainom ito. Kung gagawin man nila iyon, gusto niyang nasa saktong huwisyo ito at alam niyang mahal siya nito. Kinalas niya ang mga braso nitong nakapulupot sa leeg niya at lumayo rito. J-Jad? mahinang sambit nito. Lets not do this. Nagmamadaling umalis siya sa lugar na iyon. LETS not do this. Hindi inasahan ni Minggie na maririnig niya iyon mula kay Jad. Sa pagkakaalam niya, madaling ma-seduce ang mga lalaki. Lalunglalo nat naka-two piece lang siya. Kinapalan pa nga niya ang mukha niya para lang masabi niya iyon rito. Maganda siya at may magandang katawan. Kaya naman laking gulat niya at tinanggihan na lang siya nito nang ganunganun lang. Ngayon, naiwan siya roong nakaupo sa damuhan at tulalang nakatanaw sa kawalan. Lahat ng lakas ng loob ay inipon niya para roon. Pagkatapos nang pagpapahiya niya sa sarili, wala na siyang mukhang maihaharap pa rito. Lubog na siya sa kahihiyan. Ni ayaw niyang matignan siya nito kahit sandal lang. Nag-init ang kanyang mukha. Ang kanina pa niya pinipigilang mga luha ay pumatak na. Tama nga si Drae, isang malaking katangahan ang binalak niya. Oo, tanga siya at iyon ang dahilan kung kahit anong gawin niya ay hindi niya matalu-talo ang lalaking iyon.

Napahagulhol siya ng iyak. Sumisikip ang dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang kasakit ang nararamdaman niya. Ang bigat-bigat ng loob niya. Hindi niya alam kung dahil lang ba iyon sa nagmukha siyang tanga sa harap nito at natalo na naman siya o dahil mahal na nga niya ito at hindi niya matanggap na may ibang babae itong pinagkaka-interesan kaya nagawa siya nitong tanggihan. SABI ko naman kasi sa `yo, eh. You shouldnt have done that, sabi ni Drae nang makarating na sila sa kwartong ipapagamit nito sa kanya nang gabing iyon. Sinundo siya nito agad-agad nang tawagan niya ito. Pagbalik kasi niya sa loob ng bahay pagkatapos siyang iwan ni Jad sa pool ay hindi na niya ito nakita. Napag-desisyunan niyang doon na muna magpalipas ng gabi sa bahay ni Drae o `di kaya d`un na lang talaga siya. Ayaw na niyang bumalik pa roon. Its just that kaming mga lalaki, there are times na umiiwas kaming may mangyari sa amin sa isang babae. Pa`no mo nasabi `yan? Bakit, lalaki ka ba? Lalaki lang ang katawan mo pero pusong babae ka naman, pabalang niyang sagot. Isinubsob niya ang mukha sa unan at doon inilabas ang sama ng loob. Mayroon pa rin namang pagkalalaki ang natira sa akin. I just want to share my points of view. Anyways, there are reasons kung bakit ayaw naming may mangyari? First, because we respect you girls and second, `di ka type. Napatingin agad siya rito. Well, uhhIm sure na type ka talaga niyaI mean, come on girl! Youre beautiful, sexy and intelligent. Lahat ng gusto kong katangian sa babae ay nasa sa `yo na Binobola mo pa `ko. Hindi ka nakakatulong, eh. Girl, tinutulungan kitang magmulat sa katotohanan. You always talk about competition yet iba naman ang dinadaing ng puso mo. Ano `to, tulak ng bibig kabig ng dibdib? Hindi na uso `yan. Ngayon, lantaran nang nagpapahayag ng feelings! Wala na siyang naisagot sa mga pangaral nito sa kanya. Tama naman ito. Nakita niya itong napa-buntung-hininga. You know what, girl, youre no longer after the same goal as before. The way I see you now? The way you act towards these circumstances? I dont think youre just thinking about competition, sarkastikong pahayag nito. Hindi pa rin siya sumagot. Sa mga sinabi nito, tila basang-basa nito ang lahat ng mga iniisip at kinikilos niya. Sa tingin ko rin, hindi lang ako ang nakakapansin n`on. Pati ikaw, hindi ba, dear cousin? Lalo lang bumilis ang pagtulo ng luha niya nang matukoy niya ibig sabihin nito. Oo, mahal niya si Jad. Mahal na mahal niya ito. Pero nunkat aaminin niya iyon! Hindi niya bibigyan ng tuon ang nadarama niya para rito. Ano na naman ba ang sinasabi mo? Ang sakit-sakit na nga dahil tinapakan ang ego ko! asik niya na diniinan pa ang salitang ego. Pinunasan niya ang

mga matang hilam sa luha at kinalma ang sarililalung-lalo na ang kanyang pusong nagwawala. Pa-ego-ego ka pa ngayon! Alam kong natatakot kang malaman na baka hindi kayo magkatulad ng nararamdaman sa isat-isa. But `Ming, set yourself free for goodness sake! Sa tingin ko naman ay may pagtingin sa`yo si Jad! Paano kung mali ang sapantaha mo? Anong gagawin ko? helpless niyang tanong. Kanina lang ay ayaw niyang aminin rito ngunit nang mabanggit nito na may posibilidad na may gusto rin sa kanya si Jad ay nabuhayan siya ng loob. `Ayan at umamin ka rin! Whew! Napabuga ito ng hangin at saka siya ulit nito binalingan. Tell him that you love hi No way! Babae ako, bat ako ang gagawa ng first move?! Oo nga! Ngayon mo lang na-realize `yon pagkatapos mong i-invite siyang makipag-sex sa Heh! Tumigil ka! `Wag mong babanggitin ang salitang `yon! Nananayo ang mga balahibo ko sa katawan! Sino ba naman kasing matinong babae ang gagawa n`unay! Oo nga, ikaw pala. `Di na dapat ako nagtanong. Basta! Mawawala rin `tong nararamdaman ko! Sisiw lang `to! Ngunit duda siya sa mga binitawan niyang salita. Ngayon pa nga lang ay parang dinudurog na ang puso niya. Inirapan lamang siya nito sa sinabi niya. Bahala ka sa buhay mo! You dont even want to listen! I am listening! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?! Yes, literally! Pinapalampas mo lang ang mga advices ko sa kabilang tainga mo, eh. Try to live with my advices, will you? Napabuntong hininga ito. Kaya ganyan ang nangyayari sa buhay mo dahil hindi ka nakikinig sa `kin. Look, I know that you already realized how much you love him. Pride mo lang ang pinapairal mo kaya hindi mo `yan maamin-amin. Pinapaniwala mo ang sarili mong hindi mo siya mahal dahil ayaw mong kainin ang mga salitang binitawan mo noon! Natamimi siya. Nagulat siya sa reaksyon ng pinsan. Paano mo nasabi `yan? Have you experienced it? Are you in love? You even talked with a guys voice. Ngayon lang niya napansing kanina pa pala ito nagsasalita gamit ang boses lalaki nito. Tila naman ito natigilan sa mga sinabi niya. Mukhang natumbok niya ang pinag-uugatan ng paghihisterya nito. Napatango-tango siya. I see. Sino naman kaya ang masuwerteng babae na nagpa-convert sa babae mong puso? Napahagikhik siya sa kabila ng pagsinghot-singhot niya. Bat ba napunta sa `kin ang usapang `to?! nagngangalit nitong sabi at nag-walkout. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi at umayos ng upo sa kama. Akala ko ba tinutulungan ako, eh, iniwan pa akong hindi pa na na-resolba ang problema ko. Pinahid niya ang ilong na may nagbabadyang tumulong

sipon. Kainis talaga, oh! Tumayo siya at ini-on ang cassette sa katabing table. I knew that this moment would come in time That I'd have to let go and watch you fly I know you're coming back so why am I dying inside Are you searching for words that you can't find Trying to hide your emotions but eyes don't lie Guess there's no easy way to say goodbye Napanganga siya sa narinig. Tinugtog kasi nito ang kantang Ill be standing at the Edge of the Earth ng Blessed Union of Souls. Nananadya ba talaga `tong radyong `to?! Tila siya pinariringgan ng kantang `yon. Binalewala na lamang niya iyon. Para naman siyang guilty kong papatulan pa niya ang bagay na iyon. Hoping that someday you'll come back again Excuse me? Well, Im sorry for hiding my emotions! But Im certainly not waiting for him even if it takes a century! tila siya isang baliw na inaaway ang cassette. Hindi niya kasi nagustuhan ang mga tumatakbo sa isip niya nang marinig ang linyang iyon. She sighed. Napailing-iling iya sa kanyang mga sinabi. Kahit ngayon nga, eh, umaasa siyang pupuntahan siya nito roon. Pero hindi naman nito alam ang address ng bahay ni Drae. Ni hindi nito alam na naroon nga ang huli. WHAT has gotten into her mind? Tila mababaliw na si Jad sa kanyang mga iniisip habang nakaupo sa kotse niya. Kanina lang ay hindi niya maintindihan ang nararamdamanmagkahalong tuwa, pananabik at pagdadalawang-isip. Natutuwa siya dahil naisip niyang baka nahulog na rin ang loob ni Ming sa kanya. Pananabik dahil ilang taon na niyang hinintay ang ganoong pagkakataon. Pagdadalawang-isip dahil baka competition na naman ang iniisip nito at maaaring gusto lang nitong isahan siya. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya matantiya kung ano ang tumatakbo sa isip ni Minggie. Pero hindi niya rin makuha kung ano talaga ang gusto niyang gawin. If she only knew how he wanted to make love to her. Pero alam niyang mali kung ipagpapatuloy niya ang kanyang ninanais gawin. Hindi niya lubos maisip kung paano niyang naiwasan ito. Hindi rin niya matumbok kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na iwan ito roon. Napabilib tuloy siya sa kanyang self control. Kanina pa siya nakikinig sa radio ng kotse niya ngunit ngayon pa lang niya na pakinggan ng husto ang lyrics ng kanta. Ngayon lang niya naintindihan ang ibig sabihin ng kanta nang tumigil na siya sa kaiisip. Kung hindi siya nagkakamali ay kanta iyon ng Blessed Union of Souls na paboritong banda ng kanyang ina. Don't misunderstand what I'm trying to say I don't want to let you leave this way I want you to know that I stand right by your side

Those securing wordsthose are the words that he wanted to tell her. Gusto niyang malinawan ito para mawala na ang agam-agam nito. Kung meron mandagdag niya sa isip. I'll be praying for whatever it's worth Believing that one day you'll come back to me I'll be standing at the edge of the earth Hoping for someday Waiting for someday, believing in someday, praying for someday, Ill be... Longing for someday, clinging to someday,cherishing someday, I'll be... No! He will no longer wait for that someday. Masyado ng mahaba ang panahong hinintay niya para sa pagkakataong iyon. Hindi na siya muling mag-aaksaya pa ng oras. Nakapagdesisyon na siya. Hes going to make her his. Kung hindi nga siya talaga nito mahalpuwes, tuturuan niya itong mahalin siya. Kahit na magsusugal uli siya ng panahon bastat matutunan lang siya nitong mahalin. Basta lang makasama niya ito, gagawin niya ang lahat. Pinaandar uli niya ang kotse at tinungo ang daan pauwi. Nang makarating na siya sa bahay ay agad niyang tinungo ang kwarto nito. Hindi iyon naka-lock kaya binuksan na lamang niya iyon ngunit wala siyang nakita roon. Kinabahan siya. Nilapitan niya ang closet nito. Naroon naman ang mga damit nito. Hinanap niya ito sa buong bahay ngunit hindi niya ito nakita. Naihilamos niya ang mga kamay. Where are you, Ming? tila natatarantang kausap niya sa sarili. Saan na naman kaya ito pumunta? Impossible naman `atang sumama ito kay Alec dahil sa nangyari noon. Naikuyom niya ang kamao. Naisipan niyang tawagan ito. Idi-nial niya ang numero nito. Tumunog iyon ngunit tila naririnig niya ang ringing tone ng cellphone nito. Pumunta uli siya sa silid nito. Mas lumakas ang tunog noon. Naiwan nito iyon sa drawer. Kinuha niya iyon at tiningnan ang call log. Ang pangalan ni Drae ang may maraming logs doon. Binasa niya ang mga text messageskay Drae pa rin. Nagulat siya sa nabasang isang mensahe. Okay na. Susunduin kita ngayon, basa niya sa mensahe. Nandito si Drae? Naghinala siya. Tinignan niya ang petsa at oras ng mensaheng iyon. Tumugma iyon sa oras nang umuwi siya sa bahay. Ilang minuto lang ang diperensya. Napagdesisyunan niyang tawagan ito. Ngunit paano kung ayaw siyang makita ni Ming at baka hindi sasabihin ni Drae ang kinaroroonan nila? Its still worthy to try, napakibit-balikat na lamang niyang sabi sa sarili. Nag-dial siya ng numero ni Drae. Agad namang may sumagot sa linya. Drae?

Chapter Eleven

KUNG gaano kabilis ang pagpatak ng ulan ay ganoon rin kabilis ang pagpatak ng kanyang mga luha. Kanina pa siya iyak ng iyak at nakasubsob ang mga mukha sa unan. Tila hindi nagsasawa ang puso niya sa kadramahan niyang iyon. Ang gusto lang naman niya ay maibsan ang bigat ng kanyang nararamdaman kahit konti lang. Ngunit tila wala naman siyang naramdamang nabawas sa sakit. Habang tumatagal ay lalong dumadami ang tinik na nakatarik sa kanyang puso. She cant help but think how helpless she ishow worthless she is to him. She can only think that crying is her only remedy since she cant tell him the truth. He doesnt have the right to know. At mas lalong wala itong karapatang saktan siya ng ganoon. Naiinis siya sa sarili. Kung bakit siya nagpaloko ritohindi, mas dapat niyang sabihing kung sana ay hindi niya hinayaan ang sariling magpaloko rito. Humanda talaga ito dahil oras na matapos siya roon sa kaka-emote ay ipapakulam niya ito. Ipapa-disarrange niya ang mukha nito. Gagawin niyang kulubot ang balat nito. Natawa siya sa sariling kahibangan. Tanga na nga ako, gagagahin ko pa ang sarili ko, kausap niya sa sarili at napasinghot. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi. Akala mo nasira mo na ako ng tuluyanno way! Ang ganda ko kaya, maraming lalaki ang mahihibang sa `kin! Yeah, right! sarkastikong sagot mula sa likuran. Hindi na niya kailangan pang lumingon upang malaman kung sino ito. Tuluyan nang nawala ang boses bakla nito. Ano na naman? Si-sermunan mo na naman ako? Umupo siya at humarap rito. Nope. Youll never listen and youll never learn. I just checked if okay ka na. Namaywang ito at pinakatitigan siya. Bat ka ganyan makatingin. May gusto ka sa `kin? Naiinis siya sa pinsan kung ganoon itonakatitig lang at walang gaanong sinasabi. Kahindik-hindik kasi ang mga bagay na naiisip nito kapag ganoon. Nagulat pa siya nang umalis agad ito roon nang walang pasabi. Napakibit-balikat siya at tumayo. Pumunta siya sa may bintana at huminga ng malalim roon. Laking pagtataka niya ng may maaaninag na pigura ng isang tao. Hindi nga lang niya iyon makita nang husto dahil madilim at walang masyadong liwanag ng buwan. Nahugot niya ang hininga ng masiguradong tao iyong nakaupo sa harap ng gate at nakasampay ang mga braso nito sa mga tuhod. Mas nagulantang pa siya ng mapagtanto kung sino iyon. What the heckHes not supposed to be here! Paano nito nalaman ang kinaroroonan niya. Wait! Kanina pa ba ito roon? Base sa kanyang nakita ay basang-basa na ito. At kung kanina pa ito roon, baka nilalamig na ito at baka magkasakit na ito. Nagmadali siyang lumabas ng kwarto at pumanaog. Nakailang hakbang na siya pababa ng hagdan nang dahan-dahan siyang tumigil. Bakit ko pa ililigtas ang kumag na iyon? tanong niya sa sarili. Dahil mahal mo siyaanang munting tinig sa kung saan. Pero siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Malay mo, siya rin ang dahilan kung bakit mawawala ang sakit na nadarama mo ngayon, sagot naman ni Drae sa likuran niya. Hindi mo ba talaga siya patutuluyin? Kanina pa `yon roon. Tiningnan nito ang suot na wrist watch. Two to three hours. What?! Hindi niya naitago ang pagkainis sa pinsan. Ba`t `di mo sinabi sa `kin? At bakit `di mo man lang siya pinatuloy? He said hes fine. Kontento na raw siyang makita kahit ang kwarto mo man lang. And so, I let him. Inirapan niya ang pinsan. Dali-dali siyang kumuha ng payong, lumabas ng bahay at dinaluhan ito roon. Nakita niyang nakayuko lang ito. J-jad? Wala siyang nakuhang sagot mula rito. Binuksan niya ang gate at nilapitan ito. Niyugyog niya ito. Lalo siyang nag-alala nang maramdamang mainit ito. Tinawag niya si Drae at nagpatulong rito sa pagpasok. M-MING? mahinang sambit ni Jad na nakahiga sa kama ni Minggie. Kasalukuyan niyang hinuhubad ang mga basang damit nito. Nag-offer naman ng tulong si Drae kanina ngunit pinaalis lang niya ito. Whats wrong with her? Gusto lang naman niyang siya lang mismo ang mag-alaga rito. Umupo siya sa gilid ng kama. Pinunasan niya ang basang katawan nito at binihisan. Pagkatapos ay kumuha ng bimpong ilalagay sa noo nito. Bakit mo kasi naisipang gawin iyon? She touched his cheek and gently kissed him there. Akmang babawiin na sana niya ang kamay nang pigilan nito iyon. Nagmulat ito ng mata at akmang uupo ngunit siya naman ang pumigil rito. Rest. Ming Sshh Inilagay niya ang hintuturo sa mga labi nito. Ayaw niyang marinig ang kahit anong sasabihin nito. Ngunit hinawi lang nito iyon at umupo. Hear me first, Ming, bago ka mag-emote uli, sabi nitong hinaplos ang mga mata niyang namumugto. Napansin siguro nito iyon. Ano pa ang dapat kung marinig mula sa `yo? Niloko mo na `kot sinaktan. Hindi ka pa ba nakontento sa ginawa mo? Hindi na rin niya napigilan ang muling pagdaloy ng kanyang mga luha. How she hates this person for hurting her. How she hates her heart for beating that fast when shes near him and how she hated herself for loving him. Hindi pa dahil may hindi pa akong nagawa. Ming, mahal kita Aachoo! Pagkukunwari niya. Sorry, Im allergic to bullshit lies! panggagaya niya sa nabasang text message noon. Aalis na sana siya nang pigilan siya nito. Its not a lie. Im telling you the truth! Kung mahal mo talaga ako, bat ka nakipagniig sa bruhang babaeng `yon, sabi niyang ang tinutukoy ay si Carla. Kung hahanap ka lang ng makakaniig mo, `yung maganda at sexy tulad ko! Hindi `yong mukhang model lang ang katawan ngunit sagad sa buto naman sa kapangitan. Bahagyang natawa ito sa panlalait niya. Jealous? Mukha mo!

You are. Im not! Napabuntung-hininga ito. Look, Ming, Im sorry. Lasing ako ng gabing iyon. Tuwing nalalasing ako, ni-re-rape talaga ako n`un. Aha! Hindi lang pala `yon ang unang beses na ginawa ninyo iyon. Ang kapal rin ng mukha mong sabihing ni-re-rape ka. For all I know, nakikipagcooperate ka rin. At kung hindi mo naman pala kaya ang sarili mo kapag lasing, dapat sana hindi ka na uminom. Another thing, kung gusto mong gawin `yong mga malisyosong ginagawa ninyo, ba`t tinanggihan mo ko doon sa pool? Natakot lang ako sa maaaring dahilan mo sa pagyaya sa `kin knowing na puno ng salitang competition iyang utak mo. Hindi mo naman ako masisisi, `di ba. I admit noon ko pa hinihintay ang pagkakataong iyon. Pero hindi ako sigurado sa nararamdaman mo noon. Gusto kong mahal mo `ko kapag ginawa natin `yon. I treasure you so much that I dont want to mix those feelings with maliciousness. Inaamin ko ring binalak kong angkinin ka noong doon ka natulog sa kwarto ko. But for Gods sake, hindi ko iyon ginawa. Ni-respeto kita. Kung alam mo lang kung gaanong pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko. So? tanging naisagot lang niya. Anong so? Kulang pa iyang mga sinabi mo sa `kin. May nakalimutan ka pa. Ano pa bang nakalimutan ko, I already said that I love you so much! Ah, galit ka? Hindi naman, sabi nitong hininaan ang boses at nagpa-cute. I just missed you so much. Niyakap siya nito at inihiga. Napaibabawan siya nito. Ang bigat mo, sabi niyang `di pa rin nawawala ang inis. Kinuha niya ang bimpo at idinikit iyon sa noo nito. May lagnat ka pa kaya umayos ka. Tinangka niyang bumangon ngunit hindi siya nito hinayaan. May naalala tuloy ako dahil sa bimpong iyan. H-ha? I still can remember kung paano mo ko inalagaan nang tamaan ako ng vase. Tumawa ito. Hindi ko rin malimutan ang reaksyon mo nang hindi mo ako mabuhat. Aha! Nagtulug-tulugan ka lang pala n`un. Pinahirapan mo pa ako. Another secret revealed. You want another secret? Ano? Its not true when I told you that you are going to undergo a personality development. Kinuntsaba kasi ako nina mama at ng mama mo na paibigin kita. Of course, pumayag ako. Mahal na kasi kita noon pa. Nagulat pa siya sa inihayag nito. You loved me all this time? Well, yeah. But youre too cold and the only word in your vocabulary is competition. Hindi ako makasingit. Dahan-dahan nitong inilapit ang mga labi sa kanya. In a competition, nothing could ever compare to a sweet victory. And thatswinning your heart. I never regret to challenge you

`cause you ended up loving me. At sa lahat ng kompetisyon, minsan ka lang rin nanalo sa `kin. Its when you made me fall for you and let me eat my pride. Kinilig naman ako d`yan. Napangiti siya. At last, nanalo rin ako. Natawa ito. I love you so much, Ming. I love you, too, Jad. Akmang hahalikan na sana siya nito nang may maalala siya. Paano mo nga pala ako natunton dito? Ikaw talagang kuting ka! Makakapaghintay `yang tanong na iyan. Pero ako, hindi na makapaghintay. Hindi na ito nagpapigil at hinalikan siya sa labi ng ubod tamis.

WAKAS

You might also like