You are on page 1of 6

AUSTRALIA

Leah Magandang umaga mga masugid na tagasubaybay! Ito ang Australia for Pinoy series, naghahatid sa inyo ng detalyadong impormasyon ukol sa pakikipagsapalaran ng ating field reporters na sina Keren Paras at Christalyn de Guzman. Ngayong araw, halinat baybayin ang karagatan at lupa , maglakbay sa Timog Hemispero at saksihan ang gandat yumi ng kontinenteng ito. (Leah exits) Lahat (Rhythm of Dora) Halina mga Pinoy, maglakbay tayo sa timog! Sa kontinenteng lagpas ekwador Tayo ay tumuloy! Siya si Talyn, at ito si Keren Manlalakbay na Pilipino Tumawid kami sa Papua New Guinea, sa Indonesia, papuntang Sydney. Para tuklasinahhh ahhh AHHH! AUSTRALIA! Talyn Wooo! Ang lamig pala ngayong June dito sa Southern Hemisphere! Keren May dala ka bang jacket, Talyn? Talyn Siyempre lagi akong handa, ako kaya si Talyn Lakwatsera! Keren Kakaiba ang panahon dito sa Australia, kapag summer sa Northern Hemisphere, dito naman ay winter. Kapag winter naman doon ay summer dito. (Entrance of Gabriel and Jheremy) (Background Music Playing : Eye of the Tiger) Gab (Kangaroo) Di ka na sakin makakaligtas ngayon Koalala, lalo nat papakawalan ko na ang aking flying kick! Haaya! JM (Koala) Hindi tatalab sakin ang taekwondo moves mo Kanga-ga-roo. Dahil ito na ang aking Kameha-meha Wave! (Entrance of Field reporters - Keren at Christalyn) Talyn Salamat Leah, nandito kami ngayon sa Sydney, Australia! (pakantang sasabihin) Keren Live na live sa Taronga Conservation Society! Nagbabalita! (Entrance of Kathreen)

Talyn Umagandang araw, binibini! Can you tell us about the fluffy animals we saw earlier? (In Filipino Accent) Kathreen MABUHAY! Fellow kababayans. I am Kathreen, Sydneys Wildlife Queen, speaking. This is Koalala, the Australian Teddy Bear, and this is Kanga-ga-roo, the champion boxer of the animal kingdom. (In Australian Accent habang kumakaway.) Keren Ano naman ang maihahandog niyo para sa amin? Kathreen Koalala, Kanga-ga-roo. Go to your places, lets do this. (*Clap-Clap-Clap-Clap*) (Kakanta sina Kathreen, JM at Gab ng Australian Tourist Jingle) - -Talyn (*Clap-Clap-Clap*) Kahanga-hanga! Keren Ibang Klase! Talyn Maaari bang magtanong sayo Miss Kathreen, kung bakit, bilang isang Pilipino, ay lumipat kayo sa Sydney para manirahan? Kathreen Thank you for that wonderful question. Lumipat ang pamilya ko sa Sydney, New South Wales nung akoy 3 years old pa lamang upang dito na magtatag ng bagong pamumuhay. Keren Ano ba ang mga oportunidad na makikita sa Australia? Kathreen Nakipagsapalaran kami sa bansang halos puro disyerto ang lupain at sari-sari ang klase ng klima dahil na rin sa magandang pamumuhay na inaalay sa mga siyudad dito tulad na lamang ng Sydney. Talyn Ayon sa mga Pinoy sa Australia, maayos daw ang serbisyong pangkalusugan, Keren - maganda daw ang sweldo, maraming trabaho , Talyn - at maayos daw ang pagpapatakbo ng Monarkiyang Konstitusyonal dito. Kathreen Kaya naman maraming tao mula sa ibat-ibang sulok ng mundo na nahahalinang tumira dito. Talyn Subalit, ang di alam ng karamihan na ang Australya ay dating tapunan lang ng preso mula sa Great Britain at England, ngunit ngayon, isa na itong napakaunlad na lugar na maraming maipagmamalaking tanawin at pasyalan. Keren Miss Kathreen, Sydneys Wildlife Queen, pwede mo ba kaming samahan sa pagpasyal sa lupaing ito?

Kathreen Aba, syempre po! Talyn Samahan niyo kaming pasyalin ang Australia matapos ang patalastas.

---SuperMan AKO! (FITA Commercial)

Leah Natunghayan natin ang unang kabanata ng Australia for Pinoy Series. Ang Australia na dating tinatawag na New Holland ay ang pinakamaliit na kontinente sa Asya, na nahahati sa anim, ang Queensland, New South Wales, Victoria, South Australia, Western Australia at Tasmania. Samantalang ang Oceania, ay nahahati sa tatlo. Ang Melanesia, Micronesia, at Polynesia. Keren, Talyn, back to you Guys. --Keren Nagbabalik ang The Lakwatsera Duo! Talyn - Kasama ang ating tour guide na si Miss Kathreen. Kathreen Come on, Vamonos! Everybody lets go! Talyn Heto na, ang unang patikim ng Australia, ang Sydney Opera House. (Gabriel, JM, and Leah Entrance) Leah (Kumakanta ng Opera House Music) JM (Nagvi-violin.) Gabriel (Nag-vi-violin.) Kathreen Ito ang Sydney Opera House na makikita sa Bennelong Point sa Sydney Harbor . May isang libong kwarto na makikita sa teatrong ito at nagkakahalaga ng 102 million dollars ang construction. Keren Ito ay naging simbulo na rin ng Australia sa loob ng 40 taon simula noong 1973 at isa sa mga pinakasikat na gawaing pang-arkitektura. Talyn Tumungo naman tayo sa kabisera ng Australia, ang Canberra. Keren At nandito tayo ngayon sa fossils gallery ng Canberra Museum.

Kathreen Ang mga fossils na ito ang nagpapatunay na ang Australia na dating kasama sa Pangaea, ay nakakabit sa India at Antarctica. Kung kayat may mga pagkakahawig ang mga fossils na nakuha sa mga bahaging ito. Keren Sa kasalukuyang panahon, hindi na makikita ang mga species na ito, subalit may mga nag-evolve na wildlife sa Australia tulad ng grupo ng mga kangaroo at koala kanina. Talyn Sa kabila nito, bukod sa mga cute na cute kangaroo at koala, pinaninirahan din ito ng ibat-ibang klase ng hayop tulad ng platypus, gagamba, jellyfish, pagi, dugong at sugar glider. Keren At ang karamihan pa sa wildlife dito ay may kamandag at mapahamak kapag nabubulabog, hindi ba? (Entrance of JM) JM Tama kayo diyan! At alam niyo bang ang Australia ang lugar kung saan pinakamagaganda ang mga dalampasigan, subalit! Walang may gustong lumangoy dito? Bakit? Dahil ito ay tirahan ng pinaka-makamandag na hayop sa mundo. Lalong-lalo na ang sikat na box jellyfish na kayang pumatay ng tao sa loob lamang ng tatlong minuto. (Leah, JM and Gab entrance; Poisoning scene)

Keren Kung sakali namang nagnanais kayong makasaksi ng regalo ng kalikasan sa Australia, tunghayan natin ang Great Barrier Reef. (Gabriel, JM, and Leah Entrance, lalangoy-langoy sa great barrier reef) Kathreen Alam ba ninyong ang Great Barrier Reef na tirahan ng 1500 na mga isda ,ay singlaki ng Italy at mas malaki pa sa Great Wall of China? Talyn Ito rin ay tirahan nina Nemo at ni Dory, dahil sa mga coral reefs dito. (Gab entrance) Gab Greetings, Ladies, alam ba ninyong sa pag-unlad ng Australia, ay nandiyan pa rin ang mga Aborigines, o ang mga katutubo na nakatira sa gitnang bahagi ng lupain. (JM and Leah Entrance bilang mga Aborigines) Kathreen Sila ang mga Anunga katutubo na nakatira malapit sa Uluru, o Ayers Rock. Ang Uluru ay parang talampas na gawa sa bato. Talyn Nakatira dito ang mga Anunga?

Keren Anunga? AhhhhAnunga! Gab Ito rin ay nagbabago-bago ng kulay depende sa kundisyon ng paligid. (Leah Entrance) Leah Gday people of the Philippines, alam kong di niyo alam na ang mga Australians ay mahilig din sa football at soccer. Kaya naman nandito ang Melbourne Cricket Ground, na ang isa sa mga pinakamalaking stadium sa mundo. Kung inyong susukatin ay maglalaman ito ng isandaang libong katao. (JM, Gab and Leah entrance) Gab Catch Koalala! JM Got it, Kanga-ga-roo! Leah Pfft! Pfft! Score for Koalala! Kathreen Halika na, nakakagutom naman, hindi magagaling ang players. Talyn Oo nga, ang boring nila panuorin. Keren May masasarap ba na pagkain dito? Kathreen Magfoodtrip tayo mamaya, maraming kakaibang pagkain dito. Talyn Magbabalik muli ang Australia for Pinoy series, matapos ang ilang patalastas. --(JM and Gab Commercial NO, NO, yan sa Labas LUCKY ME SUPREME COMMERCIAL)

Talyn Nagbabalik ang Lakwatsera Duo para sa Australia for Pinoy Series. Kathreen So, foodtrip na dba? (JM Entrance) JM Sa pagkakamatay ni Lolong, talagang nagluluksa ako bilang isang crocodile hunter. Subalit, sa pagdating ko sa Australia, madami palang buwaya dito. At masasarap pa sila. Karaniwan nang kinakain ang mga buwaya dito ng mga Australians. Ang pinakamalaking buwaya ngayon ay makikita dito, na nagngangalang Cassius, subalit pinagnanasaan na siya ng mga gutom na sikmura ng mga gustong makatikim ng exotic foods.

Keren Wow, at may crocodile pizza pa pala. Talyn At nagtitinda din sila ng crocodile canned foods. Ito ay ine-export na sa ibat-ibang parte ng mundo, at unti-unti nang nagiging kilala. Kathreen Paborito ko yan! Umorder nga ako nung minsan ng karne ni Lolong, kaso hindi pala siya pinagbibili. Sayang talaga. Nananakam pa naman ako. Keren Maraming salamat talaga sayo Binibining Kathreen. Marami kaming nalaman sa munting kontinente ng Australia. Talyn Oo nga! Sulit na sulit ang paglalakwatsa naming kasama ka! Kathreen Ay sandali, ayaw ko naming umuwi kayo ng walang bitbit na pasalubong sa Pilipinas. Kaya, eto na ang mga buwayang nasa lata. Kainin niyo ito ng mabuti. Keren at Talyn Maraming salamat Kathreen at binigyan mo kami ng buwayang nasa lata. Talyn Back to you, Leah! Lahat - (Rhythm of Dora) Halina mga Pinoy, maglakbay tayo sa timog! Sa kontinenteng lagpas ekwador Tayo ay tumuloy! Siya si Talyn, at ito si Keren Manlalakbay na Pilipino Tumawid kami sa Papua New Guinea, sa Indonesia, papuntang Sydney. Para tuklasinahhh ahhh AHHH! AUSTRALIA! Leah At diyan na nagtatapos ang paglalakwatsa nila Talyn at Keren sa isla-kontinente sa timog hemispero. Inaaasahan naming marami kayong natutuhan sa Australia for Pinoy Series ngayong Martes. Hanggang sa muli, paalam! Subaybayan niyo kami muli para sa music video namin sa July kasama ang mga gumanap na sina; Talyn at Keren, bilang mga reporters Gab at JM bilang kangaroo, koala, opera singers, artista, football players, at katutubong Anunga At Kathreen bilang Tourist Guide

Paalam!

You might also like