You are on page 1of 2

Bagong sistema ng pagbubuwis, isusulong ng administrasyong Duterte

Leah Rose Figueroa Paras

Inaasahan nang maipatupad sa Enero 2018 ang ibinalangkas na reporma sa pagbubuwis


ng administrasyong Duterte matapos makalagpas sa deliberasyon ng Senado ang Senate Bill
No. 1592 nitong Setyembre 20.

Ayon sa Senate Ways and Means Committee, ang Senate Bill No. 1592 ay bunga ng
kanilang pagrerebisa sa inahaing panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion
(TRAIN) ng Kongreso noong Mayo 31.

Pananagutan sa taumbayan

Maaalalang isa sa mga pangunahing pangako ni Pangulong Duterte ang


pagbabalangkas ng bagong sistema ng pagbubuwis kaya naman itinuturing ng mga awtoridad
na isang malaking pag-abante ang Senate Bill 1592 sa programang ekonomiko ng
administrasyon.

"Kapag kakaunti lamang sa ating mga kababayan na nasa baba ang nakakaakyat o
nakakaangat, ito ay labag sa katarungang panlipunan o social justice na nakasaad sa ating
Saligang Batas at dapat nabibigyan ng pinaka-mataas na prayoridad ng Kamarang ito," salaysay
ni Senator Sonny Angara na siyang tagapangulo ng komite.

Ayon kay Angara, sinigurado ng Senate Bill 1592 na malinaw nang nakasaad kung
saang proyekto o serbisyo mapupunta ang karagdagang pondo na makakalap dahil sa
panukala. Aniya, titiyakin ng pamahalaan na lahat ng makokolekta mula sa hakbang na ito ay
tunay na mapupunta sa mas aksesibleng mga programang pangkalusugan, pangkabuhayan,
transportasyon, at edukasyon.

Mga alituntunin ng panukala

May mga pagkakaiba ang inilatag na panukala ni Angara kumpara sa panukalang


ipinasa ng Kongreso. Sa bersiyon ng Kongreso, ang mga kumikita ng P250,000 o mas mababa
pa ay ligtas sa pagbabayad ng income tax, samantalang P150,000 o mas mababa lamang ang
itinakda ng Senado.

“Nirerespeto namin ang intensiyon ng mga senador na baguhin ang proposal na inihain
ng DOF batay sa kanilang masusing pagtataya at konsultasyon sa mga stakeholders,” pahayag
ni Deparment of Finance (DOF) Kalihim Carlos Domiguez.

Sinubukan din ng Kongreso na itakda ang highest tax bracket sa mga kumikita ng P5
milyon pataas, subalit P2 milyon pataas lamang ang itinakda ng Senado.

Nagkasundo naman ang dalawang partido sa pagpapatupad ng P6.00 pagtaas sa presyo


ng gasolina sa loob ng tatlong taon subalit magkaiba ang opinyon sa paglobo ng presyo ng mga
sugar-sweetened na inumin tulad ng mga de-bote at tinitimplang juice.
Sa bersiyon ng Senado, hindi saklaw sa pagtataas ng presyo ang mga 3-in-1 na kape
sapagkat ayon sa kanila, 90% ng mga bumibili nito ay mula sa mga mamamayang nasa klaseng
D at E. Wala ring tax na ipapatong sa mga masustansiyang alternatibo tulad ng gatas, tsaa, at
natural fruit at vegetable juices.

Pagsusuri sa benepisyo at pinsala

Ang mabilisang pagpasa ng Senate Bill 1592 ay ikinabahala ng oposisyon sapagkat ayon
sa kanila, mas mahihirapan lalo ang mga Pilipinong mababa ang sahod alinsunod ng pagtaas
ng presyo ng mga pangunahing bilihin na maaaring magpapamahal sa transportasyon at
pabahay.

Dagdag pa rito, umalma rin ang Philippine Association of Stores and Carinderia Owners
(PASCO) sa ngalan ng humigit-kumulang 1.3 milyon may-ari ng mga sari-sari store sa bansa sa
napipintong pagtaas ng mga paninda nilang juice, energy drinks, at softdrinks na bumubuo sa
40 porsyento ng kanilang araw-araw na kita at napagbebentahan.

Ayon sa palasyo, sa oras na malagdaan ni Pangulong Duterte ang naturang panukala sa


Disyembre 15 ay maipatupad na ang mga bagong ekonomikong patakaran pagpasok ng Enero
2018. Inaasahang makalilikom ang gobyerno ng higit P134 bilyon mula dito na anila’y ilalaan sa
mga proyektong imprastruktura ni Pangulong Duterte.

You might also like