You are on page 1of 5

El Fili Chapter 39 (final)

Similar to the Noli Me Tangere, the final chapter of the El Filibusterismo has no title. Simoun goes to the house of Padre Florentino because he trusts him. They discuss issues such as evil in the world, what God allows to happen, disappointment, what makes a successful revolution, and what the treasure chest stands for. The three disappointments in the life of Simoun happened when: (1) Simoun failed to save Maria Clara, (2) Simoun's lack of care in certain events, and (3) someone removed the lamp from the house, and thus foiled the plans of Simoun. On the question of whether God allows evil in the world, Padre Florentino (similar to Balagtas) simply says that evil is "just there."

El Filibusterismo: Summary and Analysis of Chapter 39 (Conclusion)


Summary: Simoun, wounded and exhausted, goes to the house of Padre Florentino to hide from the civil guards who are sent to arrest him and take him into custody. Simoun drinks a poison, then reveals his true identity to Padre Florentino that he, Simoun the jeweler, is in fact Juan Crisostomo Ibarra, the fugitive believed to have died in the river years ago. He admits that everything is his futile attempt to corrupt the government and the society so that he could start a revolution to free the country from the bonds of Spain. Padre Florentino corrects Simoun, telling him that freedom cannot be won by violence and the shedding of innocent blood but by proper education, hard work, and long-suffering. Points of Note: Both the last chapter of the Noli and the last chapter of the El Fili are untitled. The sun is about to set when Simoun reveals his true identity and life story to Padre Florentino. Frequently Asked Questions: Question: Why did Simoun go to Padre Florentino? Answer: Simoun felt that the priest was the one who could understand him more than anyone else. Question: What could have caused Simouns wounds? Answer: He could have gotten it from the tulisanes who thought they were being played again by Simoun in the jewelers plan to revolt. Read what Padre Florentino says: --- from the hands of those you urged you have been given punishment for your wrongs. Question: What was the mystery behind Simouns sad and cynical smile when he learned he was to be arrested that night? Answer: He has made up his mind to end his own life.

Trivia: El Fili Chapter 39


In the final chapter of Jose Rizal's El Filibusterismo, Padre Florentino refers to a German poet while talking about God and the state of the Filipinos. In page 407 of the Ma. Soledad Lacson-Locsin translation of the El Fili (Bookmark, 1996), Padre Florentino says: "...I know that His arm has never failed anyone when, trampled by justice and drained of all recourse, the oppressed takes the sword and fights for his home, for his woman, for his children, for his inalienable rights that, as the German poet says, shine unshakeable and secure there in the heavens like the eternal stars themselves! No, God who is justice, cannot abandon His own cause, the cause of freedom without which no justice is possible!" If you're wondering who the German poet is, it's Friedrich Schiller who wrote the dramaWilliam Tell (1804?). In Scene 2 of Act II, Werner Stauffacher rallies his countrymen with (here's a partial snippet): No, there's a limit to the tyrant's power, When the oppressed can find no justice, when The burden grows unbearable--he reaches With hopeful courage up unto the heavens And seizes hither his eternal rights, Which hang above, inalienable And indestructible as stars themselves-... Did you enjoy that bit of trivia related to the last chapter of El Filibusterismo (by Jose Rizal)? Here's another bit of trivia: The last chapter of Rizal's El Fili, just like the final chapter of theNoli Me Tangere, has no title. Believe it, or don't. ;-)

El Filibusterismo/Kabanata 39 : Ang Katapusan


< El Filibusterismo

Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio de Espadana na nag-akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Inakalang siyay natunton na ni Donya Victorina. Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino sa ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama: Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte. Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si Simoun may dalawang araw na. Di man lamang siya inusisa ay tinanggap siya ng pari. Hindi pa nakabalita ang pari ng nangyari sa Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan Heneral ay may nagtangkang maghiganti kay Simoun. Ang sugat niyay buhat daw sa kawalang-ingat, ayon sa mag-aalahas. Nagkasiya ang pari sa mga palagay. At nakatulong ang hinala ng pari na si Simoun ay tumakas samga kawal na tumutugis nang tanggapin nito ang telegrama. Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga kay Dr. de Espadana lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun. Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga darakip. Naisip ni Padre Florentino na isang taong palalo si Simoun. Datiy makapangyarihan, ngayoy kahabag-habag. Ngunit bakit sa kanya pinili ni Simoun na makituloy? At darakpin na lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya. Inisip ni Padre Florentino kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun gayong noong kapanahunan nito ay humamak sa kanyang pagkamahabang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo. Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang nakalilipas upang tulungang makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan upang mapadali ang pagaasawa ni Paulita kay Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa tao. Nilimot ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay Simoun. Ngunit parang walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili. Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang mapangutyang anyo sa mukha ni Simoun. Waring isang lihim na sakit ang noon ay tinitiis ng mag-aalahas. Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang pari.

Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si Simoun. Pasigaw na sinabi ng mag-aalahas na huwag na silang mag-aksaya ng panahon dahil mamatay siyang dala niya ang kanyang lihim. Ang pari ay lumuhod sa kanyang reclinatorio (luhuran sa pagdarasal) at nanalangin sa paanan ng imahen ni Hesukristo at pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang silyon sa maysakit, at tumalagang makinig. Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang pari. Malungkot na ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Labintatlong taon siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng pangarap at pag-asa.Pinatawad ang mga nagkasala sa kanyang ama pabayaan lamang siyang mabuhay nang payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa kanya sa isang kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya.: pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang kaibigan. Tinika niyang maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan ng kanyang magulang at siyay nangangalakal. Nakilahok siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang kapitan heneral na noon ay kumandante pa lamang. Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil sa kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun ang nakaalam. Sa tulong ng salapi ay nakuha niyang maging kapitan heneral ang kaibigan at naging sunud-sunuran sa kanya dahil sa katakawan sa salapi.Inupatan niya ang kapitan sa paggawa ng maraming kabuktutan. Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling naghari ang katahimikan. Inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay Simoun na igalang ang kalooban ng Diyos Mahinahong nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sagot ng pari ay dahil masama ang kanyang pamamaraan.Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at kasamaan.Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot ; ang krimen ay mga salarin ang nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig. Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali. ngunit naitanong niya ng dahil ba sa magkakamaling iyon ay ipagkait na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya. Ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap.Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ang tugon ng pari. Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa mga hindi pa nakaranas ng pagtitiis at paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon kalaking pagpapasakit. Sinabi ng pari ay ito raw ang isang Diyos na makatarungan.Diyos na nagpaparusa sa kakulangan natin ng pananalig at sa mga gawa nating masama.Pinabayaan natin ang kasamaan kayat katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin dapat tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at karangalan ng tao.. Gumawa tayo ng mabuti , tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan.

Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa. Nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan. Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na nagwika si Padre Florentino; Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan ? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang pagpapakasakit itoy kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming puso? O kabataan, kayoy aming hinihintay! Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit sa durungawan. May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Sa tulong ng isang lampara ay tinanglawan si Simoun. Hinipo ito; nabatid na ito ay patay na.Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino. Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre Florentino Kinuha ang takbang bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun. Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.

You might also like