You are on page 1of 1

Marvin L. Dacuag IV-St.

Mary
Takda :

Mrs. Almorte

Ang buhay mo ay bunga ng iyong pagpili o pasya. At ang tao ay palaging nahaharap sa maraming pagpipilian. Maraming hakbang sa pamimili. Magbalik tanaw sa isang pangyayari sa buhay mo na kailangang mamili ka. Banggitin ang tiyak na suliranin o pangyayari na nabigyan ng pasya. Ibigay ang mga alternatibong pinagpilian. Paano ka nakarating sa isang pasya? Sulatin o sagutin sa anyong patalata.

Isang araw kailangan kong bumili ng isang bagay na nagkakahalagang 250 pesos ngunit kulang ang aking pera ng 100 pesos. Pag uwi ko nakita ko ang wallet ni Mama nakalagay sa lamesa, wala si Mama. Napa isip ako kung kukupit ako. Maraming laman ang wallet. Sakto lang para mabili ko ang gusto ko. Naisip ko na kumupit, ngunit nakokonsensya pa rin ako. Pinag isipan kong mabuti ang aking gagawin habang wala si Mama. Kapag kumupit ako parang nagnakaw na rin ako, nagsinungaling pa ako kay Mama at kay Lord, maaaring mapagalitan pa ako pag nalaman ito ni Mama at di na muling bigyan pag humingi ako sa susunod at pagbabawalan ako sa maraming bagay. Ang sabi ng aking konsensya ay wag mangupit dahil mas nakabubuti ito sakin. Sinunod ko ang aking konsensya. Saktong dumating si Mama, kailangan kong tiisin na kulang ang pera ko para sa bibilhin ko. Naisip kong manghingi kay Mama ng malambing, at binigyan niya naman ako kagad. Sabi niya makapagbibigay naman siya kung meron, kung wala magtiis nalang daw, wag daw isiping mangupit. At tama ito. Ang pagsunod sa konsensya ay nakabubuti para sa akin. Hindi nawala ang tiwala at hindi siya nagalit dahil sa hindi paggawa ng pangugupit ko. Natutunan kong magtiis kung wala, gumawa ng paraan kung kailangan ngunit gawin ito sa tamang paraan upang walang magalit o mawalan ng tiwala sa kagagawan.

You might also like