You are on page 1of 3

Tiongson Elementary School

Tiongson, Ligao City

Unang Markahang Pagsusulit


S.Y. 2013-2014 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pangalan: __________________________________________ Petsa : _________________ Iskor : __________ I. Pagpipili Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa mga gawaing ito ang paraan upang mapanatiling malinis ang mga pook pampubliko? a. Pagsulat ng mga pangalan sa dingding at pisara ng mga upuan b. Pakikiisa sa paglilinis sa paligid ng inyong barangay c. Pagtatapon ng basura kahit saan dahil walang makitang basurahan d. Pagkalat ng basura sa paligid ng paaralan. 2. Sino sa mga sumusunod na bata ang nakatutulong sa pagpapanatiling malinis ng mga pook pampubliko? a. Si Marvi ay ikinalat ang kanyang plastic na pinagkainan sa loob ng silid-aralan. b. Si Marian ay nagtatapon ng papel sa loob ng simbahan. c. Si Gigi ay iniwan ang bote ng softdrink sa plaza. d. Si Sheryl ay nakikiisa at nakikipagtulungan sa pagpapatupad ng programa laban sa polusyon. 3. Napansin mong maraming aklat ang nakakalat sa silid-aralan. Ano ang nararapat mong gawin? a. Isumbong sa guro ang mga nakita mong kumalat ng aklat. b. Utusan ang iyong kamag-aral na ayusin ito dahil sila naman ang tagapaglinis. c. Iligpit ang mga nakakalat ng aklat d. Hayaang nakakalat ang mga ito dahil hindi naman ikaw ang nagkalat. 4. Nagpaalam ka sa iyong guro na iihi. Ginamit mo ang C.R. Ano ang nararapat mong gawin upang mpanatili ang kalinisan nito? a. Tatawagin ko ang kaibigan ko para linisan ito. b. Iiwan ko na lang ito dahil marami pang nakapila na iihi rin. c. Bubuhusan ko ng tubig at ilinisan ito nang maayos bago umalis. d. Hihintayin ko na lang na linisan ng mga susunod na gagamit. 5. Nadaanan mo ang pader ng simbahan na bagong pintura. Magandang tingnan at malinis ang pader ng simbahan. Ano ang gagawin mo? a. Guguhitan ko ito ng krus. b. Titingnan ko lamang ang pader. c. Iguguhit ko ang mukha ni Kristo. d. Wala sa nabanggit. 6. Habang ikay naglalaro sa parke ay nakita mong pinipitas ng isang bata ang mga bulaklak. Ngunit nakita mong may babala na Bawal Pumitas ng Bulaklak. Ano ang gagawin mo? a. Hayaan ko na lamang siyang mamitas ng bulaklak. b. Aalisin ko ang nakalagay na babala. c. Tutulong ako sa pamimitas ng bulaklak. d. Sasabihan ko siya na bawal pumitas ng bulaklak. 7. Nakita mo ang isa mong kaklase na sumusulat sa dingding ng paaralan. Ano ang sasabihin mo? a. Bakit mo ginagawa yan? Isusumbong kita sa ating guro. b. Sige lang. Ipagpatuloy mo lang yan. c. Dapat magtulungan tayo sa paglilinis ng ating paaralan. 8. Upang mapangalagaan ang mga pook pampubliko, Inatasan ka ng iyong guro na gumawa ng isang patalastas sa gaganyak sa mga mag-aaral. Ano ang dapat mong gawin? a. Gagawa ako ng patalastas b. Saka na ako gagawa dahil hindi pa naman kailangan. c. Kaklase ko na lang ang papagawin ko.

d. Hindi ko papansinin ang sinabi ng aking guro. 9. Isang lingo, nagsimba kayo ng iyong pamilya. Pagkatapos ng misa ay dumiretso kayo sa parke upang mamasyal. Napansin mong may nakalagay na babalang Bawal Umupo Dito, Bagong Pintura. Ano ang dapat mong gawin? a. Tatanggalin ko ang babalang nakalagay. b. Uupo pa rin dahil marami ring nakaupo. c. Aalis na lang at hahanap ng ibang papasyalan. d. Kukuha ng karton upang ipatong sa pintura at saka uupuan. 10. Anong hakbang ang gagawin mo upang mahikayat ang ibang mag-aaral na mapangalagaan ang mga pook-pampubliko? a. Tumulong sa pagtatapon ng mga basura sa paligid. b. Mamitas ng mga bulaklak para sa mga kaibigan. c. Gumawa ng patalastas na gaganyak na alagaan ang pook-pampubliko. d. Manghikayat sa mga kamag-aral na sulatan ang mga dingding sa simbahan. II. Panuto: Gumuhit ng masayang mukha kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap at malungkot na mukha kung mali. _____ 11. Huwag hulihin ang mga hayop at insektong kapaki-pakinabang. _____ 12. Gumamit ng lambat na pinung-pino ang mga butas sa pangingisda. _____ 13. Palakihin ang apoy bago iwan ang lugar piknikan upang masiguro na masusunog ang lahat ng kalat. _____ 14. Putulin nang walang permiso ang mga punong-kahoy sa kagubatan upang may pagkakitaan. _____ 15. Ang pangangasiwa ng pinagkukunang-yaman ay dapat naaayon sa layunin ng tamang paggamit nito. _____ 16. Linisin, taniman ng mga gulay at tambakan ng basura ang mga bakanteng lote. _____ 17. Patayin ang apoy kapag nagsusunog na malakas ang hangin. _____ 18. Ang paglalakad ay mabuting paraan ng pagsasagawa ng kaangkupang pisikal. _____ 19. Lulusog ang katawan kung mali ang pagsasagawa ng kaangkupang pisikal. _____ 20. Manonood lang ako tuwing intramurals o palaro sa aming paaralan. III. Pagpupuno Panuto : Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang mga sumusunod na mga pangungusap. Piliin ang sagot sa baba paaralan bag gwantes basura droga payo gulay insecticide kampanya pag-aaral

21. Iwasan ang pagtapon ng ____________________ sa parke. 22. Panatiliing malinis ang silid-aralan at paligid ng ____________________. 23. Iwasan ang paggamit ng ____________________ o ipinagbabawal na gamot. 24. Makilahok sa kampanya sa ____________________ kapaligiran. 25. Magtanim ng mga ____________________ at bungang kahoy sa bakuran upang mapagkunan ng pagkain. 26. Maglagay ng takip sa ilong st gumamit ng ____________________ sa kamay habang naglalagay ng insecticide sa mga pananim. 27. Itago ang balat ng kendi sa bulsa o ____________________ kapag naglalakad sa lugar na walang basurahan. 28. Ang hindi paghugas ng maayos ng mga halamang gulay na may ____________________ ay nakakasira sa kalusugan ng tao.

29. Pagbutihin ang ____________________ at iwasan ang mga kaibigang gumagamit ng droga. 30. Magbigay ng ____________________ sa mga taong nalululong sa ipinagbabawal na gamot. IV. Pagtatapat-tapat Panuto : Pagtapat-tapatin ang mga sitwaasyon sa hanay A sa mga Gawain sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. A _____ 31. Paglilinis ng mga kanal at imburnal sa barangay _____ 32. Umiwas sa paggamit ng ipingababawal na gamot _____ 33. Pagtutulong sa paglilinis ng silid-aralan _____ 34. Makilahok sa mga gawain sa barangay ukol sa pagsugpo ng lamok. _____ 35. Inaalis ang mga basura sa ilog, sapa at dagat _____ 36. Makiisa sa layunin ng O/L Trap laban sa lamok _____ 37. Pagbibigay alam sa awtoridad tungkol sa mga kabataang nalululong sa droga. _____ 38. Iwasan ang paggamit ng dinamita sa
pangingisda, upang mapangalagaan ang coral reef.

B a. kalinisan sa palikuran o C.R. b. kalinisan sa paaralan c. kabataan laban sa droga d. kalinisan sa mga ilog, sapa, at dagat e. kampanya sa kalinisan sa mga kananl f. paraan ng pnghuhuli ng itlog ng lamok at kiti-kiti g. disiplina laban sa droga h. kampanya sa wastong paggamit ng mga produkto i. j. wastong paggamit ng pingkukunang-yaman kampanya laban sa pagpuksa laban sa pagpuksa ng lamok k. pagtatanim sa bakanteng lupa

_____ 39. Pagtatanim ng mga gulay at punongkahoy sa mga bakanteng lote _____ 40. Pag-iwas sa paggamit ng mga produkto na may masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran V. Panuto : Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

41. Magbigay ng isang paraan upang maiwasan ng mga kabataan ang droga 42. - 43. Magtala ng dalawang (2) produkto na makapipinsala o may masamang epekto sa tao kapag di wasto ang paggamit nito. 44. - 45. Magbigay ng dalawang (2) paraan ng gawaing kaangkupang pisikal. 46. Magbigay ng isang programa patungkol sa Clean and Green. 47. Ano ang gawain ninyo sa bahay na nakatutulong sa wastong nutrisyon? 48. Magbigay ng isang paraan ng wastong pangingisda. 49. Ano ang epekto ng paggamit ng lambat sa pangingisda na may maliliit na butas? 50. Ano ang dapat gawin sa mga puwedeng panahanan ng mga lamok?

You might also like