You are on page 1of 2

1st SummativeTest

in

Edukasyon sa Pagpapakatao-III

Table of Specification

Area Item Number Placement


Nakatutukoy at
nakapagpakikita ng mga 10 1-10
natatanging kakayahan
nang may pagtitiwala sa
sarili.
Nakatutukoy ng mga
damdamin na 10 11-20
nagpapamalas ng
katatagan ng kalooban.
Napahahalagahan ang
pagkilala sa kayang 10 21-30
gawin ng mag-aaral na
sumusukat sa kaniyang
katatagan ng loob.
Kabuuang bilang 30
I. Lagyan ng tsek () ang bilang ng mga kakayahang na kaya mo nang gawin at ekis (X) kung hindi mo pa ito
kayang gawin o hindi mo pa ito nagagawa. Isulat ang sagot sa iyong papel.

1. Maglaro ng chess
2. Sumali sa paligsahan ng pagguhit
3. Tumula sa palatuntunan
4. Sumali sa field demonstration
5. Sumali sa panayam/interview
6. Sumali sa paligsahan sa pagtakbo
7. Umawit sa koro ng simbahan
8. Makilahok sa paggawa ng poster
9. Sumayaw nang nag-iisa sa palatuntunan
10. Makilahok sa isang scrabble competition

II. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung hindi.
11. Tinatanggap ko ang aking pagkatalo nang nakangiti.
12. Sumasali ako sa mga palatuntunan at paligsahan kahit na kung minsan ako ay natatalo.
13. Umiiwas ako sa pakikipag-away.
14. Mahinahon ako sa pakikipag-usap sa nakasamaan ko
ng loob.
15. Magsasabi ako ng totoo kahit ako ay mapagagalitan.
16. Humihingi ako ng patawad sa mga nagawa kong kasalanan.
17. Pinipigilan ko ang aking sarili sa pagsunod sa di-mabuting udyok ng iba.
18. Tinatanggap ko ang mga puna ng aking mga kaibigan nang maluwag sa aking puso.
19. Tinatanggap ko kung pinagagalitan ako ng mga nakatatanda.
20. Masigasig ako sa aking mga ginagawa para mapaunlad ang aking kakayahan.

III. Iguhit ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay nangangailangan ng katatagan at malungkot na mukha
naman kung hindi.
21. Hinahamon ka ng away ng iyong kamag-aral.
22. Magpapabakuna ka laban sa isang epidemya o sakit.
23. Magwawalis ka ng bakuran.
24. Sasagot ka sa mahirap na tanong ng guro.
25. Mag-aalaga ka ng halaman.
26. Sasawayin mo ang mga maling ginagawa ng iba.
27. Maglalaro ka sa labas ng bahay kahit umuulan.
28. Matutulog ka nang mag-isa kung gabi kahit wala kang katabi.
29. Makikipag-usap ka sa punong-guro tungkol sa paglahok sa isang patimpalak sa labas ng paaralan.
30. Makikipaglaro ka sa iyong mga kababata.

Inihanda ni:

APOLLO G. REYES
Guro:

You might also like