You are on page 1of 2

Laban ni Bonifacio para sa tunay na pagbabago, ipinagpapatuloy ng mga obrero

Kabayanihan ni Andres Bonifacio ang hangad ng militanteng mga manggagawa na tularan nila at ng sambayanang Pilipino, sa ika-148 kaarawan ng dakilang rebolusyonaryong lider ng rebolusyong 1896. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Anakpawis Party-list ang martsa-protesta sa Mendiola, Manila ng aabot sa 3,000 na mga manggagawa at iba pang sektor para gunitain ang araw ni Bonifacio. Bitbit ang mga tabak at suot ang mga maskara ni Bonifacio at sumbrerong may mga titik na KKK, hiniling nila sa publiko na tularan ang rebolusyonaryong lider na lumaban para sa kapakanan ng mahihirap at para sa tunay na pagbabago sa lipunan. Dahil sa krisis, at dahil sa maka-US at maka-elite na gobyernong mayroon tayo, kailangang lumaban tayong mga manggagawa at mahihirap, at puspusang lumaban, para makamit ang mga repormang paborable sa atin, paliwanag ni Elmer Bong Labog, tagapangulo ng KMU. Kabilang sa kagyat na mga ipinaglalaban nila: pagpupuspos ng laban ng mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita para mapasakanila ang lupa ng asyenda; makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor; pagtigil sa kontraktuwalisasyon sa paggawa at iba pang kontra-manggagawang mga polisiya at gawain. Nananawagan tayo sa mga kapwa manggagawa at mahihirap: Mag-aral tayo sa tunay na lagay ng bansa at sa ugat ng ating kahirapan. Umanib at magtatag tayo ng mga unyon at organisasyon na magtataguyod ng ating mga karapatan, paliwanag pa ni Labog. Sa paanan ng Mendiola, habang nakasuot ng mga maskara ni Bonifacio ay sinunog nila ang watawat ng Estados Unidos (US) na sumisimbolo umano sa patuloy na paglaban ng mga bansa para sa tunay na pambansang kalayaan. Ipinangako ni Pang. Benigno Noynoy Aquino III ang pagbabago pero hindi matutuwa si Bonifacio sa lagay ng bansa ngayon. Lumaban ang bayaning lider-obrero para sa tunay na pagbabago para sa tunay na kalayaan sa bansa at pag-angat sa mahihirap sa pamamagitan ng reporma sa lupa at iba pang polisiya, sabi pa ni Labog. Samantala, patuloy pa rin umanong dominado ang bansa ng malalaking dayuhang korporasyon at bangko, laluna iyung mula sa US. May elite pa ring namumuno sa bansa ang malalaking mga kapitalista at panginoong maylupa, sabi pa niya. Pagtatapos ni Labog: Kung nabubuhay siguro ngayon si Bonifacio, maglulunsad siya ng rebolusyon para sa tunay na pagbabago. (Teksto ni KR Guda)

Martsa sa Recto Avenue. Panawagan nila, tularan ng sambayanan si Bonifacio sa paglaban nito para sa pambansang kasarinlan at tunay na pagbabago sa lipunan. (Macky Macaspac)

You might also like