You are on page 1of 2

BALITA

2 LPA tinututukan ng PAGASA


MANILA, Philippines - Dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility
(PAR) ang binabantayan ng state weather bureau ngayong Miyerkules.
Namataang ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
(PAGASA) ang isang LPA sa 350 kilometro silangan ng Baler, Aurora kaninang alas-4 ng madaling araw.
Mababa ang tsansa nitong maging ganap na bagyo, ngunit inaasahang magdadala ito ng mahina
hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Visayas, Caraga, Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon,
Calabrazon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) at Bicol Region.
Samantala, nasa silangang Mindanao naman ang isa pang LPA. Ayon pa sa PAGASA ay mataas ang
tsansa nitong maging ganap na bagyo.Pangangalanan itong "Karding" oras na tuluyang maging bagyo.
Dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahan ng PAGASA na papasok sa PAR ngayong Setyembre.

Museo Pambata, kinilala sa mundo

Ginawaran ng special citation ang Museo Pambata, ang unang pambatang museo ng bansa, sa ginanap
na First Childrens Museum Awards sa Bologna, Amsterdam noong Marso 21, 2012 sa pagbibigay inspirasyon
sa mga museo sa Pilipinas at pagtulong sa ibat ibang sektor ng kabataang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang
mga outreach activity.
The Jury of the Childrens Museum Award takes great pleasure in confirming that the Museo Pambata,
Manila, is commended for inspiring the creation of new childrens museums in the Philippines and Asia, and is
congratulated warmly on this achievement, nakasaad sa citation.
Ang Museo Pambata ang nagiisang hindi taga-Europe na tumanggap ng pagkilala kasama ang 28
kandidato mula sa Austria, Germany, Italy, The Netherlands at Sweden.
Itinatag ng European Museum Academy and Hands On! International, kinikilala ng Childrens Museum Award
kung paano nababago ng museo ang tradisyunal na paraan ng pag-aaral.
Isinasaalang-alang ng mga hurado ang malikhaing pagdaos ng mga exhibit at mga programa at paggamit
ng mga bagong interpretative approach, na makabuluhan sa kabataan na nasa edad 14anyos pababa na
tumutungo sa mga museo.
This is a dream come true. We likewise honor the European network of childrens museums by living
up to the best standards in childrens museums so that more children will have the opportunity to learn, imagine,
and feel great joy, ani Nina LimYuson, president and chief executive ng Museo Pambata.
Ang Museo Pambata ay matatagpuan sa dating Elks Club Building sa Roxas Boulevard corner South
Drive, Manila. Para sa mga nais magtungo, bukas ito Martes hanggang Sabado, 9 AM hanggang 5 PM at
Linggo, 1PM hanggang 5 PM.
Azkals sasabak kontra
Chinese-Taipei sa Peace Cup
MANILA, Philippines Makikipagtuos ang Philippine Azkals ngayong gabi, Miyerkules, sa Chinese-
Taipei sa simula ng tangkang pag-depensa ang kanilang titulo sa PFF Peace Cup sa Rizal Memorial Football
Stadium.
Haharapin ng Azkals ang Chinese-Taipei team nitong alas sieste nang gabi para sa finals berth sa kumpetisyon
na kinabibilangan din ng koponan ng Myanmar at Palestine, na kapwa mag-bubukas ng laro dakong alas
kwartro ng hapon.
Ang torneyo ay gagawin na lamang sa loob ng dalawang araw dahil sa utos ng International Football
Federation.
Ang mga mananalong koponan sa dalawang laro ngayon ay maglalaban para sa gintong medalya sa
Sabado ng gabi habang ang mga talunan ay mag-aagawan sa bronze medal.


Daniel hindi pa alam kung tuloy sila ni Kathryn sa Pangako
Certified blockbuster hit ang pelikulang Shes Dating the Gangster na pinagbidahan nina Kathryn
Bernardo at Daniel Padilla na ipinalabas kamakailan. Noong isang linggo ay pumirma na si Daniel ng bagong
kontrata sa Star Cinema kaya muli raw silang magkakatambal ni Kathryn sa pelikula. Itong isang movie namin
na next ni Kathryn, masaya kong sinasabi na Direk Cathy (Garcia-Molina) po ulit ang direktor, bungad ni
Daniel.
Bukod sa isang bagong pelikula ay isang bagong teleserye pa ang pinaghahandaan ng dalawa ngayon.
Napababalitang sina Kathryn at Daniel ang magbibida para sa remake ng hit teleseryeng Pangako Sa Yo na
pinagbidahan noon nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Ngayon, hindi pa ako sigurado talaga. Hindi ko
alam kung ano pa, kasi wala pa kaming meeting na gagawin namin yung teleseryeng yun. Ang alam ko lang
ay may teleserye kaming gagawin na kasama si Kathryn sa first quarter ng 2015 at yung direktor namin, si
Direk Rory (Quintos) po ulit, pagbabahagi ni Daniel. Matatandaang si Rory Quintos ang naging direktor ng
Princess and I na pinagtambalan din nina Kathryn at Daniel.
Samantala, ngayong hindi pa nagsisimula ang mga bagong proyekto ni Daniel ay masaya raw ang Teen
King na nakapagbabakasyon siya kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
Ekonomiya, lumago ng 7.5 porsiyento
Lumago nang apatna porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikaapat na sunod na quarter sa kabila ng
pananamlay ng aktibidad sa merkado sa Asia.
Tumaas ng 7.5 porsiyento ang gross domestic product (GDP) sa ikalawang quarter ng taon, tumaas mula
sa 6.3 porsiyento sa kaparehong panahon (Abril hanggang Hunyo) noong nakaraang taon.
Dahil dito, nasa 7.6 porsiyento na ang pagtaas ng GDP sa unang semester ng 2013, tumaas mula sa 6.4
porsiyento noong 2012, ayon sa National Statistical Coordination Board.

2 janitor, pararangalan ng DoT

CABATUAN, Iloilo Magbibigay ang Department of Tourism (DoT) ng parangal sa dalawang tapat na
janitor ng Iloilo Airport.
Sinabi ni Atty. Helen Catalbas, DoT-6 regional director, na nominado para tumanggap ng Tourism Star
Philippines awardbahagi ng kampanyang Its More Fun in the Philippines ng kagawaransina Rubilyn
Dela Pea at Edgar Penit.
Mayo 8, 2014 nang natagpuan nina Dela Pea at Penit ang isang bag na naglalaman ng halos P1-milyon
cash sa pre-departure area ng Iloilo Airport.
Ang bag, na pag-aari ng isang dayuhan, ay agad na nai-turnover sa supervisor ng dalawa. Tara Yap

Experimental Ebola drug, nagbigay-lunas
Sa isang pag-aaral ay nalunasan ng isang experimental drug laban sa Ebola ang 18 unggoy na apektado
ng nakamamatay na virus, isang magandang balita ng pag-asa na natukoy na ang gamot na magwawakas sa
outbreak sa West Africao kung maisasakatuparan ang produksiyon nito.
Tatlo hanggang limang araw na binigyan ng ZMapp ang mga unggoy na apektado ng virus at maayos na
ang kanilang mga lagay.
Naprotektahan din ng gamot ang anim na iba pang unggoy tatlong araw makaraang magkaroon ang mga
ito ng Ebola.
Mahigit 1,500 na ang nasasawi sa Ebola sa Liberia, Sierra Leone, Nigeria at Guinea, at kinumpirma
kahapon ng Senegal ang una nitong kaso ng Ebola. AP

You might also like