You are on page 1of 183

TORPE

Chapter 1

Sayang bakit hindi kita niligawan


Ngayon ako’y nanghihinayang
Kasi naman tatanga-tanga pa ako noon
Walang humpay na paghintay
Sa hindi dumarating na pagkakataon

Lagi namang kitang nakakasama


Ewan ko kung bakit ba wala akong nagagawa
Kahit na napakagaling mong kausapin
Ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring angkinin
Madalas naman tayong naglolokohan
Dinadaan ko lang sa biro ang tunay kong nararamdaman
Kaya siguro hindi mo sineryoso aking mga sinabi
Yan tuloy wala.....

*Pak*

Marielle: "Sapul! Hahaha."

"Marielle! Ano ba naman. Batuhin ba ko ng unan. Saka bakit mo pinatay yung radyo!"

Hay. Nako. Magkaroon ka ba naman ng kapatid na ganyan. Ewan ko na lang ano. Sakit
sa ulo as in.

Marielle: "Haay.. Kuya JC.. Di ka pa nagsasawa sa kantang yan. Sa bagay, bagay na


bagay sayo." (sabay ngiting nang-aasar)

Binato ko nga ng unan. Sabay takbo naman siya palabas ng kuwarto ko. Lagi na lang
ako inaasar nun. Kala mo naman siya may boyfriend. Subukan lang may manligaw dun
nako. Sapok ang aabutin sakin ng mga yun.

O Sige. Fine. Strict na kung Strict. Eh Second Year Higschool pa lang tong kapatid
ko. Sabi nina Papa, minsan OA ako. Mas strict pa raw ako sa kanila. Ewan ko ba.

"Eh maghanap ka na kasi ng girlfriend, iho.. Aba, Second Year College ka naman na
eh.."
Haay. Yan ang laging sinasabi ng mga magulang ko sa akin. San ka pa? Sila pa
nagsasabi na manligaw na ko. Oo. Wala pa akong girlfriend. Naiinis ako minsan
natsismis akong bading sa school. Aba naman. Si John Christopher Delgado, bading??
Sa Guwapo kong ito?!

Unfair nga eh. Kapag babae, no boyfriend since birth. Conservative ang dating. Tapos
kapag lalaki, no girlfriend since birth, bading. No Way!

Isang malaking katanungan sa sangkatauhan kung bakit wala pa akong girlfriend.

Haay.. Kung alam lang nila....

Chapter 2

Okay. Wala pa akong girlfriend. Ako lang ang walang syota sa tropa. Aba. Sino kamo
ang date ko nung prom at gradball namin? Sino pa nga ba? Ang napakaganda kong
kapatid. Oo. Kahit Grade 6 pa lang siya noon. Matangkad naman siya kaya hindi
halata.

Stephen: “Pare, ang KJ mo naman. Sana man lang naghanap ka ng ibang date. Utol mo
pa dinala mo.”

“Bakit pa ayaw mo pa magkagirlfriend?” Yan ang laging tanong sa akin ng tropa ko.
Ang lagi ko naming sagot?

“Sus. Gastos lang yan.”

Okay Fine. Wala kasi akong maisip na idadahilan sa kanila. Ang suwerte ko nga raw
kasi ang daming nagkakagusto sa akin sa school namin. Uy. Sila nagsabi nun ah. Kasi
nung Valentines, may chocolates at card ba naman ako sa upuan ko?? Nakakahiya kaya
yun. Di ko nga alam kung pinagtripan lang ako nina Stephen eh. Sabi naman nila, wala
raw silang ginagawa.
Hanggang pagdating ko sa college. Wala pa rin. Subsob lang ako sa pag-aaral saka sa
basketball. Binabalak ko nga magtry-outs sa team next sem eh kaso natatakot ako
baka mapabayaan ko studies ko. Mahirap na di ba?

Hanggang isang araw…

“Whaaaat??!! 7 am na??”

Nagmadali akong lumabas sa kuwarto. Pasok sa banyo. Ligo agad. Bihis. Lagay ng gel.
Takbo!

“Bye Ma.. Bye Pa. Oi Marielle, maaga uwi ah?”

Marielle: "OOooopooo.. kuuyaaa"

Ayun. Pagkatapos, kumaripas na ko papuntang sakayan. Sumakay ako sa unang jeep na


makita ko na papuntang MRT. After 20 minutes, nasa may MRT na ako. Hala. Ang
haba ng pila. Bumili na ko ng ticket papuntang Quezon Ave.

“7:40 na.. Di bale. Aabot ako sa class ko niyan. Kaya yan.”

8:30 kasi first class ko. First day naman ng class ngayon kaya medyo wala pa
masyadong nagpapasok niyan. Pero dahil masipag ako, pasok pa rin ako. Sayang din
allowance ah.

Ang daming tao sa loob. Ang hirap talaga magcommute. Buti na lang nakahanap agad
ako ng upuan. Kaso may nakita kong matandang babae eh nakatayo, naguilty tuloy ako.

“Lola, Dito na ho kayo maupo.” (sabay tayo ko mula sa pagkakaupo ko)

Tinignan ako nung matanda. Umupo siya. “Salamat iho. Pero di pa ko lola, miss pa
lang"

Hala. Pahiya ata ako dun. Lumipat tuloy ako ng puwesto.

“Haay. Salamat..”

Mga 8:10 na ako nakarating sa Quezon Ave. Nagmadali akong bumaba at naghanap ng
jeep papuntang UP. Jackpot. May dumating kaso puno na sa likod kaya dun ako
sumakay sa harap sa tabi ni manong drayber.

Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni manong. Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa
likod.

“Hoy, Manong yung sukli ko.. Kanina ko pa hinihingi ah.. Bingi ba kayo?”

Napatingin ako sa Rearview mirror. Ang aga-aga ang sungit sungit naman nun. Di ko
masyado makita yung mukha eh. Naka-cap kasi. Nanlaki mata ko. Teka, Babae yun??
Ang angas ah.

Iniabot ni Manong yung sukli nung babae. Tapos pumara siya sa may McDo.

Manong: “Siya na na naman? Ang malas ko naman nasakay ko na naman yun.”

“Bakit ho?”

Manong: “Nasakay ko rin yun kahapon eh. Ewan ko ba dun. Ang sungit. Tapos kung
kumilos, machong macho.”

Tinignan ako ni manong saglit. Tapos parang natawa siya.

Manong: “Daig ka pa nga eh..”

Aba. Ang kapal ni Manong ah. Napahawak tuloy ako sa biceps and triceps ko.

Sinong hindi macho?

Chapter 3

Yahoo. 8:35! May palugit kasi na 15 minutes bago ka maconsider na late eh. Eh di
takbo naman ako pagbaba ko ng jeep. Sa CAL (College of Arts and Letters) pa kasi
first class ko, 4th floor pa. Kapagod talaga.

Pagdating ko ng room, nagbibigay pa lang ng classcards yung prof ko. Lumingon lingon
ako .

Stephen: “Pssst, Toph.. Dito o” (sabay turo sa upuan sa tabi)

Tumabi ako kay Stephen, ang katropa ko since highschool. Nagkumpara kami ng sked
at magkaklase kami sa dalawang subjects etong English 1 saka Geog 1. Astig nga eh.

Stephen: “Bat ang tagal mo ah?”

“Naku po, naabutan ako ng trapik saka medyo nalate ako ng gising.”

“Delgado.”

Ayun. Tinawag na pangalan ko. Kinuha ko classcard ko at sinulatan. Yun lang lang
naman ginawa namin. Pagkatapos kaming bigyan ng syllabus at list ng required
readings, dinismiss na rin kami.

“O San na tayo ngayon? What time ba next class mo?”

Stephen: “11:30 pa eh. Eh ikaw?”

“11:30 rin eh. Ang Haba ng break natin nito.”

Stephen: “Eh kung mag-Katips muna tayo. Sa Shakey’s muna siguro tayo. Tambay
lang. Daanan na rin natin sina Adrian sa may Hobby Stop baka nandun lang yun nag-
dodota. Kukunin ko na sa kanya yung hinihiram kong CD eh.”

Naglakad kami papuntang parking lot. Nandun kasi yung CRV ni Stephen eh. Papasok
na ako ng kotse nang biglang may nagpark na sasakyan sa tabi. Napalingon ako.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita kong may bumaba.. Parang si.. Parang si..
Siya nga!!!

Chapter 4

*DUGDUuuuG.. DUGDUuuuG.. DUGDUuuuG *

Parang sumikip yung Dibdib ko. Feeling ko nasa last 1 minute ako ng isang basketball
game namin. Tension talaga.

Siya ba yun??

Mas lalo siyang gumanda. Nagpagupit pala siya. Shoulder-length na yung hair niya
kumpara dun sa mala-shampoo commercial niyang haba ng hair dati. Pero nandun pa rin
yung dimples niya na kitang-kita pag ngumingiti siya.. Tapos.. Tapos..

Stephen: “Oi, Toph?? Okay ka lang?? Mukha kang tanga diyan! Nakangiti ka mag-
isa.”

“Huh? Ano?”

Lumingon ako. Nasan na siya??! Haay.. Ayun. Malayo na pala siya. Naglalakad na siya
papuntang library. Wala na rin yung kotse sa tabi. Siguro hinatid lang siya ulit nung
driver nila. Sh*t. Mukha na pala kong tanga di ko namalayan. Nakita kaya niya ko?
Nakakahiya…

“Ah. Eh. Wala may naalala lang ako.”

Tinignan ako ni Stephen na parang naweirduhan ata sa akin.

Stephen: “Tara na nga. Kung di lang kita kilala, baka mapagkamalan pa kitang baliw
diyan.”

Sumakay na ko sa loob tapos pumunta na kaming Katips. Bago kami pumuntang


Shakey’s dinaanan muna namin sina Adrian sa Hobby Stop.

Adrian: “Oi, Tol. Long time no see ah. Mustah bakasyon? May class na nga pala kayo
ngayon. Next Monday pa yung amin eh. Pero sa condo na ko mag-stay uli.”
“Okay naman. Buti pa kayo. Pero okay lang din, wala pa naman masyado ginagawa
ngayon. Break nga namin ni Stephen ngayon eh.

Adrian: “Ay si Peter pala saka Jason mga blockmates ko.” (Sabay turo sa dalawang
katabi niyang nag-cocomputer) “Si Stephen saka Toph, tropa ko nung highschool na sa
UP na ngayon nag-aaral. Uy, Dota tayo. Bilis di na tayo masyado naglalaro ah.”

“Sige, Tol Next Time. Pero di ako masyado nagdodota eh. Saka kahit R.O (Ragnarok)
medyo di na rin masyado”

Stephen: “Eh sa basketball naman yan adik eh.”

Adrian: “Oo nga pala. Ay may bago ngayon, yung Freestyle. Astig yun. Basketball
naman yun eh. Try mo.”

“O nga, narinig ko nga yun. Pinapahiram nga ako nung pinsan ko ng CD. O sige tol.
Alis na rin kami.”

Adik talaga tong si Adrian sa PC oh. Sa bagay, mula naman nung highschool ganyan na
siya. Kahit ngayong college na at sa Ateneo na nag-aaral, ganun pa rin. Second Home
na niya ang mga computer shop.

Pagkakuha ni Stephen nung hinihiram niya kay Adrian, nagpark na kami sa may
Shakey’s. Jackpot. May nakatabi kaming pagong este Volkswagen.

“Twelve..”

Stephen: “Anong binubulong mo diyan?”

“Ah eh. Wala naman”

Nagbibilang kasi ako ng Volkswagen na sasakyan. Okay. Okay. Nakuha ko yung ideyang
yun kay Marielle. Nagbibilang kasi siya ng ganun. Napansin ko lang one time habang
nasa biyahe kami papuntang Batangas dati.

Marielle: “Twenty”

“Anong binibilang mo diyan?”

Marielle: “Pagong. I mean yung Volkswagen. Sabi kasi ni Badette, magbilang daw ng
ganun tapos kapag naka-50 ka na. Kung sino unang kakalabit sayo, siya daw yung
soulmate mo.”

“Soulmate. Soulmate. Naniwala ka naman kay Badette? Inuuto ka lang nun eh.”

Marielle: “Sus. Wala namang mawawala pag ginawa ko di ba? If I know, mamaya
magbibilang ka na rin ng pagong niyan..”

“Asa.”

Ewan ko ba. Trip trip lang. May nakita ko nung isang linggo eh kaya ayun tuloy-tuloy
na yung pagbilang ko. Saka wala nga naming mawawala di ba? Wag lang malaman ni
Marielle tong ginagawa ko’t aasarin ako nun sigurado.

Pumasok kaming Shakey’s tapos nag-order lang. Parehas kami ni Stephen na Bunch of
Lunch ang inorder.

“Kumukulo na ata tiyan ko. Di ako nakapag-breakfast eh.”

Pagkabigay sa amin ng order. Galit-galit muna. Walang pakialamanan. Gutom na kami


eh.

Tumambay lang kami dun hanggang mga 11 tapos bumalik na kaming school. Dinaan
muna ako ni Stephen sa Math Building kasi dun yung sunod na class ko. Siya kasi sa
CAL ulit ang class niya.

Pagdating ko, may note sa blackboard.

(MHV2) We’ll meet on Thursday.

Tinignan ko yung form 5 ko kung anong section ko. MHV2 nga.

“Bad trip. 11:15 pa lang tapos next class ko 2:30 pa.”

Sumakay ako ng jeep papuntang Palma Hall. Tinignan ko yung room namin sa next class
ko umaasang baka sakaling may note din. Pagsilip ko… aba meron nga!!

“Socsci1 class (MTh 2:30-4) No meeting today! Ayos! Makakauwi na ko.”

Kaso pagtalikod ko..


*PAK.*

“Ouch!”

*BLaaaG.*

Naku po. Ang tanga mo talaga Toph! Napalunok ako. Nakita ko ang isang 3650 na nasa
sahig na nakakalat na yung cover saka battery niya. At isang...

“Pucha! Bulag ka ba??!”

Chapter 5

“Sorry miss.. Sorry talaga..”

Napatingin ako dun sa babae. Parang familiar yung voice niya eh.. Parang nakita ko na
siya pero di ko lang matandaan ko san..

Miss: “Anong sorry? Di mo ba pupulutin cellphone ko?”

Aba. Nagulat ako. Pagtaasan ba ko ng boses. Tinitignan tuloy kami ng mga taong
dumadaan. Ako naman pinulot ko yung battery saka cover. Inayos ko tapos sinubukan
kong i-on.

(Hinga ng malalim)

Lord, please. Please… Hindi siya sira.. hindi siya sira… Pagtingin ko sa cellphone, okay
siya! Nakahinga ko ng maluwag. Biglang hinablot nung babae sakin yung cellphone.

Miss: “Akin na nga. Pasalamat ka.. Naku, kung hindi. Patay ka sakin.”
Kung hindi lang to babae eh, pinatulan ko na to. Kala mo kung sino eh.. Teka..

Alam ko na! Eto ata yung babaeng macho sa jeep. Titignan ko sana ulit kung siya nga
kaso nakalakad na siya paalis. Alangan namang habulin ko pa?!

“Ang tigas din nung babaeng yun. Macho talaga. Parang monster..”

Monster? Hmm.. Bagay... Kakatakot naman talaga yun. Parang bulkan kung
magtatalak. Mga babae talaga o.

Nag-commute na uli ako pauwi. Maaga pa kaya di pa trapik. Nakarating akong bahay
mga 12:30. Wala pa parents ko saka si Marielle. Si Ate Tess lang, yung maid namin
yung nandun.

Ate Tess: “O JC, Ang aga mo ah..”

“Wala ho kasi akong class ng hapon. Sige, ate, akyat lang akong kwarto ko”

Natulog muna ko. Walang magawa. Ayoko namang lumabas. Ang init eh. Nagset na
lang ako ng alarm ng 4:00 para makapagbasketball ako ng saglit sa may park ng
hapon.

*RRRiinnnGGG!*

Nagising ako sa alarm. Pagtingin ko sa watch 4 na nga. Nagbihis ako ng


pangbasketball at bumababa. Pagtingin ko sa may dining table, nandun si Papa
nagbabasa lang ng dyaryo. Si Mama naman nasa Kitchen mukhang naghahanda ng
meryenda.

“Uy, ano yung naaamoy ko? Bango ah. Lasagna ba? Tamang-tama, yan may kakainin
ako sa pagbalik ko..”

Mama: “Basta uwi ka bago mag-6 ah. Mahirap na medyo madilim na sa labas.”

“Sige, Ma.. Pa.. Alis na ko..”

Palabas na sana ako ng pinto nang may nakita akong pumasok sa may gate namin. Aba.
Aba. Sino tong kasama ni Marielle?!

Marielle: “Ah.. Eh.. Hi.. Kuya? Bat ang aga mo ata?”


“Sino ka?”

Guy: “Ho? Ah. TJ po”

“Ano? CJ?”

Guy: “TJ po”

“PJ?”

Marielle: “Kuya.. TJ nga eh.. (napatingin sa basketball na hawak ko) O


magbabasketball ka pala eh.. ingat..”

Nginitian ko si Marielle. Tinignan ko yung TJ na yun.

“Ah. Hinde.. nagbago ka na isip ko. Bigla akong tinamad. Halika, pasok na dali.”

Napansin kong sumimangot si Marielle at bumulong ng “pasensiya na..” dun sa lalaking


yun.

“Pa, may bisita si Marielle o.”

Papa: “O, TJ iho, mustah na daddy mo? Di na kami nakakapag-usap ah. Pakikamusta
ako sa kanya ah.”

Ano? Close sila? Aba. May hindi pala ako nalalaman sa mga nangyayari dito.

“Ah. Sinong daddy?”

Mama: “Ah. Anak siya ni Tito Bert mo. Yung kumpare ng Papa mo. Kabarkada niya
nung highschool.”

Lumapit ako kay Papa at binulungan siya.

“Pa, eh mukhang manliligaw yan sa utol ko eh. Wag niyo namang kunsintihin..”

Papa: “Wag ka ngang ganyan. Magkabarkada lang yan ano. Saka wala ka bang tiwala
sa kapatid mo.”

Hay naku. Umiral na naman ang pagkakunsintidor ng mga magulang ko. Mahirap na.
Kahit anak pa siya ng kung sinong presidente pa yan.. Di natin alam ang tumatakbo sa
isipan niyan..
TJ: “O sige po.. Alis na ako..”

Mama: “Magmeryenda ka muna..”

TJ: “Naku.. Wag na po..”

“Oo nga.. dito ka muna.. kain ka lang kahit saglit.. Masarap lasagna ni Mama.”

Tinignan ako ni Papa, Mama saka Marielle. Parang nagulat ata sila ah.

Umupo si TJ sa sofa katabi si Marielle. Aba. Parang nag-init ang dugo ko. Lumapit
nga ako sa kanila. Tinignan ako ni Marielle na parang nagtataka. Ngumiti ako… at…

Umupo’t siniksik ang sarili ko sa gitna nilang dalawa.

Chapter 6

Di nagtagal umalis na rin yung mokong na yun. Okay na sana kaso tinalakan na naman
ako ni Marielle.

Marielle: “KUUUUYAAA!! Anong problema mo? Kulang na lang eh subuan mo ng lasagna


si TJ. Grabe.”

“Teka.. Kinakausap ko lang naman ah.. Pero.. Oo nga noh? Next taym nga.. Gagawin
ko yan.”

Marielle: “Urrrggh! Kaibigan ko lang yun noh!” (sabay dabog papuntang kwarto niya)

“Friends lang daw.. Showbiz ah..”

Papa: “JC naman.. Sa uulitin wag mo na gagawin yun.. Nakakahiya dun sa bata..”
“Pero Pa..”

Mama: “Haay.. Wala ng pero pero.. Lagi mo na lang ginaganyan kapatid mo. Imbes na
maging open yan sa atin baka matuto pang magtago ng sikreto.."

Okay. Pagtulungan ba ko ng mga magulang ko. In-on ko na lang yun TV baka mas may
mapala pa ako. Mga 7:30 kami kumain ng dinner. Si Marielle di sumabay sa amin,
busog na raw siya. Ewan ko ba dun.

“Sige po. Akyat na ako sa kwarto.”

Mama: “Sige goodnight iho. Patayin mo yung ilaw sa kwarto mo ah minsan


nakakatulugan mo eh.”

Umakyat ako sa taas. Naghilamos saka nagtoothbrush. Pagkahiga ko sa kama, di pa


ako makatulog. Umidlip kasi ako kaninang tanghali eh. In-on ko muna yung radyo
pampalipas oras lang…

Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin akoy


Napatingin
Sa dalagang nababalot ng hiwaga.
Mapapansin kaya sa dame ng yong gingawa
Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka

Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan,


Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idaraan
Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

Ang swerte nga nman ni ding, lagi ka nyang kapiling


Kung ako sa kanya niligawan na kita
Mapapansin kaya sa dame ng yong gingawa
Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka

Awit na nananawagan,baka sakaling napakikinggan,


Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idadaan
Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

Tumalon kaya ako sa bangin,para lang iyong sagipin


Ito ang tanging paraan para mayakap ka
Darating kayasa dame ng ginagawa
Kung kaagaw ko sila paano na kaya?

Awit na nananawagan,baka sakaling napakikinggan,


Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idadaan
Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip


Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

“Kahit sulyap lang darna.. Sapul. Naaalala ko tuloy siya..”

FLASHBACK: (First Year First Sem)

Ang tagal naman nung prof namin. Four na ah. Baka wala siguro kaming class pero
third day of classes na eh. Tumingin ako sa mga tao sa classroom. Nagkukuwentuhan
lang karamihan. Wala man lang akong naging classmate na kabatch ko nung highschool.
Biglang may pumasok sa pinto.. Napatingin ako baka yun na yung prof.

Natulala ako..

Ang ganda niya..

Di ko namalayan lumapit siya sa akin..

Girl: “Kay Prof. Garcia po ba to? Math 17?

Nagulat ako. Titingin sana ako sa likod ko baka iba yung kinakausap niya pero mukhang
ako naman talaga ang kinakausap.

“Ah. Oo”

Girl: “May nakaupo po ba dito?”

“Ah. Wala. Wala.”

Umupo yung babae sa upuan sa kaliwa ko. Di ko maintindihan yung nararamdaman ko.
Sobrang kabado ko kasi.

Girl: “Hi. Ako nga pala si Larisse. Freshie ka rin ba?”


Sobrang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakausap lang naman ako ng babae ah? Ang
labo talaga. Napatingin ako sa kanya. Ang cute niya. Naka-smile siya’t kitang-kita
yung dimples niya.

“Ah. Oo. First year din ako.”

Girl: “Haay, kinakabahan ako. Sana mabait yung teacher natin. Ay, ano nga pala name
mo?”

Napangiti ako. Parang ang bait-bait niya. Ngayon pa lang kami nagkausap pero ang
gaan-gaan ng loob ko kanya.

“Oo nga.. Sana nga mabait siya.. saka magaling magturo.. Ako si -----“

Biglang may pumasok na matandang lalaki sa classroom.

“Good Afternood class, I’m Professor Rovan Garcia.”

Prof. Garcia: “I’ll just give you your classcards for you to sign and your syllabus. To
make it easier for me to record your recitation and recognize everyone, I’ll arrange
your seats alphabetically.”

Waaah! O Hinde! Napatingin ako kay Larisse. Sana letter D ang apelyido niya, Dela
Cruz, Del Norte, Del Sur, o basta D. Nung tinatawag na kami isa-isa, Wala
akong ibang iniisip kung hindi sana makatabi ko siya.

“Delgado”

Pang-lima ako sa harapan. Ang tagaaaaaaal bago ko siya nakitang umupo.

“Vergara”

Haaay. Ang layo naman ng letter D sa V. Pesteng Alphabet yan! Sa may


pinakalikod tuloy siya nakaupo. Nag-start mag-discuss si Sir. Ako naman sulat ng
notes. Natapos ang class nang hindi ko namalayan. Lumingon ako sa likod. Pero wala na
siya!

Nagmadali akong bumaba. Ayun nakita ko siyang pinagbuksan ng pinto ng driver ata
nila. Hindi ko man lang siya nakita uli. Tapos bigla kong na-realize… Di ko pala nasabi
na..
"..ako si Toph.."

Chapter 7

Di nagtagal inabutan na rin ako ng antok. Pinikit ko ang mga mata ko. Napangiti ako..
Isa lang ang nasa isip ko bago matulog…

Siya...

RiiiiiiiiiNNNGGggg!!

Nagising ako sa alarm. YaaAAaaWWwnn! Inaantok pa ko. Haay.. Pero ayun, tumayo
na ko. Nag-ayos at pumasok sa banyo para maligo na. Bumaba ako para makisabay
magbreakfast kina Mama.

“Good Morning, pipol!”

Mama: “Good Morning, ayos ba tulog mo?”

“Okay lang naman..”

Papa: Ano oras ba pasok mo? (sabay tingin sa orasan)6:30 na ah.

“10:00 pa po. Pero dirediretso na yun hanggang 4:00. Walang break.”

Mama: “Ah. Ganyan ba sked mo ngayong sem pag Tuesdays saka Friday? Eh di kumain
ka ng heavy breakfast niyan ah.”

“Opo.”

Tinignan ko si Marielle. Mukhang tahimik pa rin siya. Nagtatampo pa rin ata.

“Uy. Marielle.. Sorry na nga kahapon ah.. Lam mo naman ganun lang talaga ako eh..
Bati na tayo ah? Dadalhan kita ng Chocnut?”
Marielle: “Sa tingin mo ba, madadaan mo ko sa Chocnut?”

“Sige na..”

Marielle: “Haay nako.. Sige na nga..”

Mga 6:50 umalis sina Papa saka Marielle kasi ihahatid pa ni Papa sa school yung
kapatid ko. Pasok nun 7:30 eh. Si Mama naman sumunod umalis ng 7:15 papuntang
ospital, doktora kasi si Mama, pediatrician siya. Si Papa naman lawyer. Isa siya sa
may ari ng isang law firm dito sa Pilipinas.

Naiwan akong mag-isa sa bahay. Si Ate Tess naman, yung maid namin inutasan ni
Mama na magbayad ng bills namin eh. In-on ko muna yung PC para may magawa naman
ako. Nag-check ako ng e-mail tapos naisipan ko na rin
mag-check ng friendster ko. Mag-iisang buwan na ata akong di nagbubukas ng
friendster eh.

10 New Testimonials
15 New Friend Requests

Karamihan ng mga testi galing sa mga pinsan ko saka kabatch ko nung highschool.
Nangangamusta. Yung mga ganun.

Tapos bigla kong naalala..

Nagpunta kong USER SEARCH.

Tinayp ko Larisse Vergara. Lumabas yung profile niya. Nagdadalawang-isip pa ko kung


iki-click ko eh dati ko pa to ginagawa eh. Saka yung Profile niya naman can be viewed
by friends o closely connected members lang. Alam ko ang solusyon ay i-add ko siya.
Simpleng pag-add lang sa kanya di ko magawa eh. Ewan ko ba. Nakukuntento na nga
lang ako sa pagtingin sa picture niya. Yun lang ang tanging magagawa ko..

Yun lang.. Haay..

FLASHBACK ULIT (First Year First Sem)

Ilang beses ko inisip kung pano ko sasabihin pangalan ko sa kanya. Nagpapraktis pa


man din ako sa harap ng salamin. Ang labo ko talaga.

“Hi.. Ako pala yung nakatabi mo nung first day ng class. Di ba tinanong mo pangalan
ko? John Christopher pero Toph na lang..”

“Panget.. Di kaya maweirduhan sa akin yun?..”

“Kung ano kaya.." "Hi.. I’m Toph.. You’re Larisse, am I right?”

“Ang Presko ng dating eh.. Di pwede..”

Haay. Wala. Palpak. I had the chance and I blew it.. Right there and then. Bad
Trip.

Dumaan ang mga araw at linggo. Yun na ang una at huli naming pag-uusap.
Nakakalungkot nga eh. Kasi pag dumarating ako sa classroom halos kasabay ko yung
prof. kaya discussion agad. Pagkadismiss naman, bumababa rin siya agad papunta sa
sundo niya. Kaya di kami nagkakalapit..

Madalas bumababa rin ako tapos sisilipin ko sa may gilid kung nakasakay na siya. Lagi
naman siyang maagang sinusundo eh. Maliban sa isang araw..

Mga 5:40 na nun. Wala pa rin yung sundo niya. Nagtataka nga ako eh. Ayun, nandun
lang siya nakaupo sa bench. Wala na masyadong tao dun sa Math Building. Umalis na
rin yung mga kaklase ko. Ako nandun lang nakatago sa bandang hagdan. Hinihintay ko
siyang makauwi eh.

“Ang ganda niya talaga..”

Oo. Simple pero iba ang dating niya. Nung nakaupo siya dun, hinahangin pa nga yun
buhok niya eh. Para tuloy siyang nasa commercial, nakakatuwa. Naglabas din siya ng
libro, Tuesdays with Morrie. Mahilig din pala siya magbasa? Gusto ko rin si Mitch
Albom eh yung author nung librong yun.

“At least may alam na ko tungkol sa kanya, may something in common na kami??”

Natawa ko sa sarili ko. Talagang naghanap talaga ko ng similarity namin eh no? Nung
nakasilip ako sa kanya, biglang napatingin siya dun sa pinagtataguan ko.

Hala. Kinabahan ako. Parang nakahalata ata siya eh..

Tumayo siya..

Papalapit na..
Ayan na.

OH NO!!

Chapter 8

FLASHBACK PA RIN (First Year First Sem)

Pinagpapawisan talaga ako nung papalapit na siya. Dinig na dinig ko na yung tibok ng
puso ko eh.

VRrOOOOOoooMMM…

Parang motor sa bilis.

Ang Tindi!

Beeeeeeeeeep!! Beeep!!

Dumating na yung sundo niya!! Whooo! Buti na lang.. Pagsilip ko, nakita ko kinuha
na niya yung mga gamit niya tapos papasok na sa kotse nila. Tapos, bigla siyang
tumigil. Lumingon siya dun sa pinagtataguan ko. Mga ilang segundo rin siyang
nakatangin dun tapos saka siya pumasok.

“Pucha. Muntik na ko dun ah!”

Mula noon, medyo naging maingat na ko. Pero hindi na rin naman nasundan na nalate
siya ng sundo. Lagi na ulet on time ang sundo niya. Araw-araw yun hanggang sa
patapos na ang sem.

Oo. Mabilis lang pala ang isang sem. Hindi mo namamalayan patapos na. Parang ayaw
ko nga matapos ang sem na to dahil sa kanya. Iba pala ang pakiramdam pag may
matindi kang dahilan para pumasok eh ano?

Magkahalong excitement saka lungkot ang nararamdaman ko nung last day na namin sa
Math. Parang farewell party kasi namin sa class. Nakakalungkot kasi mamimiss ko rin
mga classmates ko kahit papaano saka..

..syempre di ko na siya madalas makikita. Haay..

Excited din kasi nagdala ako ng camera at balak ko sana kumuha ng mga pictures.
Siyempre, sa picture, nandun siya, nandun ako. Ang saya!

Prof: Rovan Garcia: “Aba, ang sarap ng mga pagkain ah”

Kanya-kanyang dalang food yung mga kaklase ko. Ako dinala ko dalawang malaking
Doritos. Yung iba may dalang pizza, doughnut etc.

Tumingin ako sa watch ko.

Four na ah.. Nasan na kaya siya?

Four Fifteen..

Four Thirty…

Five..

Wala pa ring anino man lang ni Larisse. Kumuha na ako ng pictures namin. Ang kulit
nga nila eh. Pero.. Nalungkot ako.. Wala siya eh..

Sayang last day pa naman.. Pero naisip ko baka naman late lang siya.. Baka..baka
sakaling dumating pa siya.. Kaya kahit umalis na lahat.. Dun muna ko tumambay sa
may bench sa labas ng Math Building dun sa mismong inupuan niya nung isang beses..
Naghintay ako hanggang mga five thirty.. Habang nandoon.. Narealize ko..
Mahirap pa lang maghintay sa wala..

Chapter 9

Miyerkules. Wala akong pasok pero ang aga ko nagising. Bakit ganun kung kailan
kailangan gumising ng maaga hindi ako makabangon.. Ngayon naman pwede akong
matulog ng matagal ang aga ko naman magising.. Haay Buhay. At least, makakasabay
kong magbreakfast sina Mama .

“Wow. Tapsilog for breakfast. Busog na naman ako nito! Sarap talaga ng buhay pag
may nanay kang magaling magluto ah..”

Papa: “Aba. May ipapabili ka ba?”

“Papa, naman.. Totoo naman yung sinasabi ko ah..” (sabay tawa)

Marielle: “Ay, Mama late po pala ako makakauwi, gagawa po kami ng project eh para
sa Biology.”

“Anong oras ka na uuwi? Sino maghahatid sayo? Kailangan mo ba talaga pumunta


diyan? Pano kung gabihin ka na, delikado na yan, kaya mo ba umuwi?”

Marielle: “Kuya naman, exagge ka ah. Alin ba dun ang sasagutin ko? Ang dami mong
tanong eh..”

Mama: “San ba kayo gagawa ng project niyo?”

Marielle: “Kina TJ po yata..”

“ANOO?!!”

Papa: “Puso mo, JC, puso mo..”

Tinignan ko si Papa. Parang nang-aasar pa eh. Di ba siya nag-aalala??

Marielle: “Marami naman kami eh. Seven kami sa group. Apat na babae saka tatlong
lalaki. Nandun naman yung parents ni TJ eh. Nagkausap pa nga si Papa saka Tito
Bert."

Papa: “Kinausap ko nga kanina kasi nagkasabay kami nung hinatid ko sa school tong si
Marielle eh. Nasabi nga ni Bert na dun gagawin yung project nila. Okay nga yun at
least panatag ang loob natin.”

“Teka.. mga what time ka na niyan makakauwi? Pano ka uuwi?”

Marielle: “Depende kung anong oras kami matatapos.”

“Eh di susunduin na lang kita.”

Marielle: “Ha?”

Papa: “Sa bagay, may meeting kasi Mama niyo mamaya kaya ihahatid ko siya kaya
pwede gamitin ni JC yung kotse ni Mama.”

“O kitams.. tamang-tama pala eh”

Mama: “Gagawan na rin ako ng lasagna para may maibigay ka naman kina Tito Bert
niyo”

“Buti pa sila may lasagna..”

Mama: “Sige na, gagawa rin ako para sa inyo may meryenda kayo rito.”

“Yahoo!”

Inihatid ni Papa si Marielle ng mga 7 o’clock pero bumalik din siya agad kasi ihahatid
niya nga si Mama sa miting. Umalis sina Mama, mga 10 o’clock na rin kasi 11 yung
miting nila saka tinapos pa niya yung ginagawa niyang lasagna.

Ako naman nasa kuwarto lang buong hapon. Tinapos ko yung last four episodes ng
Naruto. Ibabalik ko na rin kasi siya kay Stephen bukas kasi hiniram ko lang sa kanya
yun.

Tinignan ko yung watch ko. 3:30 na pala.

“Naku, nakalimutan ko pala itanong kay Marielle kung san yung address nung bahay
nung TJ na yun saka kung anong oras ko siya dadaanan.”

Kinuha ko yung phone ko para itext yung utol ko.


To: Marielle
Ano oras kita sundo? Ska san bhay ni Tender Juicy?

Ilang minuto lang nag-reply naman siya.

From: Marielle
Anong Tender Juicy?!! TJ noh! Ano mga 6:30 cguro, dun daw sa Crystal Village,
Sampaguita st.. Mlapit lng cya s skul nmin. Kulay peach yung bahay.. txt txt na lng
maya.

“6:30 pa? Punta na lang muna kaya ko sa Qbix. Bili ako bago DVD.”

Nagpaalam ako kay Ate Tess na aalis na ako. Pinaandar ko na yung kotse tapos
pumunta na akong Qbix. Nagpark ako dun sa bandang harapan.

“Oi. Mang Nestor. Ano po bago ngayon?”

Ang Qbix ang madalas kong bilihan ng DVD. Suki na ako niyan kaya magaganda yung
mga kopya na nakukuha ko. Saka kasundo ko si Mang Nestor yung nagbabantay nung
store. Di ko rin naman kasi afford na bumili ng orig eh.

Mang Nestor: “Long time no see ah. Tapos mo na ba yung mga binili mo dati?”

“Oo nga ho eh kaya eto napapabili ako ng di oras.”

Nagtingin-tingin ako kung ano magandang bilhin. Yung kinuha ko na lang yung Season 6
ng CSI Las Vegas. Pagkatapos, pumunta ako dun sa Mitsubishi Photo sa katabi lang
naman ng Qbix. Nagpappicture na rin ako para sa 1x1 kasi madalas kailangan yun sa
class eh. Hinintay ko rin siya ng mga 30 minutes para madevelop. Pagtingin ko sa
watch, six o’clock na pala kaya tinext ko na si Marielle na papunta na ko.

“Patay! Yung Lasagna pa pala ni Mama!” Ayun binalikan ko pa tuloy sa bahay.

Mga 7 na ata ako nakarating dun sa bahay ni Tender Juicy. Medyo nawala kasi ako
eh. Malaki rin pala yung Crystal Village kaya nakakalito yung mga streets niya.

Bumaba ako sa kotse tapos kinuha ko yung lasagna. Naglakad ako papunta sa gate.
Tumigil ako sa saglit. Ewan ko pero naisipan kong buksan at silipin yung lasagna.

Eh di binuksan ko naman. “Hmmm.. ang bango talaga.. ginugutom ako..”


Tapos may narinig akong boses papalapit dun sa gate.

“O sige po.. Bye.. Balik na lang po ulit ako.”

Nagpanic ako bigla. Inayos ko ulit yung takip nung lalagyan ng lasagna. Lalapit na sana
ako sa gate kasi baka pagbubuksan ako’t tinext ko na kasi si Marielle na nandun ako.

Kaso..

Di pala patag yung daan dun!

Natisod tuloy ako..

Nabitawan ko yung lasagna..

Lumipad yung lalagyan..

Sakto pa at bumukas yung gate!

Pinikit ko ang mga mata ko..

... hala! ...


Chapter 10

“UgghH!! Yung Shirt ko… Yung Pants ko! Pano ko uuwi nito??!”

Binuksan ko ang mga mata ko. Patay! Babae pa. Nilapitan ako nung babae. Galit na
galit. Hinablot niya yung shirt ko.

“Ano bang problema mo ah?!”

“Sorry.. Sorry na.. Natisod kasi ako eh.. Nahulog tuloy yung dala-dala ko..”

Kinilabutan ako. Talagang sinisigawan niya ko.

“Teka.. Teka.. Kilala kita ah..”

Binitawan niya yung shirt ko. Napaatras siya ng onti.

“Ikaw nga!! Ikaw rin yung lalaking bumunggo sa akin nung isang araw kaya nahulog yung
cellphone ko!”

Pucha. Oo nga. Siya nga yung babaeng macho. Ano ba namang buhay to ah. Baka
bugbugin na ko nito.

Biglang may lumabas na lalaki sa gate.

“Anong problema, Alex? Sinong kaaway mo diyan?”

“Tito Bert, eto kasing lalaking to eh. Tingnan mo naman nangyari sa akin?! Pano ko
uuwi sa amin nang ganito itsura ko?”

Tinignan ni Tito Bert yung babae. Parang natatawa siya sa itsura niya.

“Pasok ka na lang sa loob at magpalit ka. May damit pa naman diyang extra si Tita
mo. Kasya naman siguro sayo yun..”

Papasok na sana siya tapos biglang lumingon siya sa akin.

“Teka nga, ano bang ginagawa mo dito ah? Hindi naman kami nagpadeliver ng lasagna
ah?”
Aba. Aba. Ang kapal! Mukha ba kong delivery boy?

“Iho, bat ka nga pala napadpad dito?”

“Kasi po susunduin ko sana yung kapatid ko si Marielle. Pinadalhan din po pala kayo ni
Mama ng lasagna kaso..uhmm..” Napatingin ako dun sa babae. Parang tigreng
kakagatin ako. “nabitawan ko po..”

“Ah. Ikaw ba yung anak ni Lito? Teka tatawagin ko siya ah.” Pumasok uli si Tito Bert
sa loob.

Naiwan kami nung babae sa labas. Tinititigan talaga niya ko. Marielle, asan ka na ba?
Labas na dali. Baka ihawin ako ng buhay dito.

Marielle: "O kuya.." (napatingin sa babae) "Uh.. Ano nangyari?"

“Ewan ko diyan sa magaling mong kapatid! Tatanga-tanga kasi.”

“Sige.. mauna na kami.”

Pinagbuksan ko ng pinto ng kotse si Marielle tapos pumasok na siya. Ako naman


papasok na sana ko sa kotse. Pero napansin ko, nandun pa rin yung babae. Nginitian ko
nga siya.

“Uy.. Masarap yung lasagna ni Mama no?”


Chapter 10a

“Ayun sinugod niya ko sa kotse pagkasabi ko nun.. Buti na lang nakapasok ako agad..
Pinaandar ko agad yung kotse ni Mama.. ”

Stephen: “Eh sira ka pala pare.. Inasar po pa! Teka maganda ba yung chick na
sinasabi mo?”

“Anong chick? Chicken ka mo! Grabe magtatalak!”

Stephen: “Alam mo parang kakaiba yang babaeng yan..”

“Sinabi mo pa.”

Stephen: “..kasi biro mo ngayon lang sa taaagaaal nang pagkakakilala ko sayo ah..
ngayon ka lang nagkwento tungkol sa isang babae..

“Teka.. Teka.. anong ibig mong sabihin?”

Stephen: “Wala.. Wala.. ”

Tinignan ko si Stephen. Napaisip tuloy ako. Oo nga. Di pala ako nagkukuwento tungkol
sa mga baba-babae. Eh wala naman talaga ako dapat ikwento eh. Pwera lang yung kay
Larisse. Wala namang may alam tungkol dun eh.

Tumingin ako sa orasan sa may canteen. 11:15 na pala. Di ko namalayan yung oras ah.
Kanina ko pa kasi kinukwento yung nangyari sa bahay ni Tender Juicy kay Stephen.

Stephen: “Oi, punta na ko class ko.. Kaw?”

“Punta na rin akong Math Building. Sige..”

Stephen: “Teka, wag mo kalimutan ah. Yung App’s Party sa Saturday.”

“Ah. Ngayong sabado na ba yun? Sige, sabihin ko sa erpats at ermats ko.”

Sumali kami ni Stephen sa isang academic org. Parehas kami ni Stephen na ECE ang
course. Balak namin sana sumali last year pero hindi natuloy kaya ngayon namin
naisipan ituloy.

Pagkatapos ng Math ko. Pumunta muna ko sa library. 2:30 pa kasi next class ko.
Kumuha ako ng MALAKING libro. Di ko siya babasahin ah. Inayos ko lang na
parang babasahin ko sa harap ko. Tapos.. Ayun natulog ako. Para di obvious di ba?

ZZZZZZZzzzzzzzzzzzz..

Zzzzzzzzzzzzzzzzz..

zzzzzzzz..

“Wah.. Wah??”

Nagulat ako. Kala ko kung ano. Nag-vibrate pala yung cellphone ko. In-alarm ko kasi
siya ng 2:15 para magising ako. Nagpunta muna kong c.r para mag-ayos kasi mukhang
binagyo yung itsura ko eh saka ako nagpuntang next class.

Pagpasok ko sa room. Wow. Ang daming tao. Konti na nga lang yung upuan eh. Balita
ko astig daw yung prof. Kaya maraming kumukuha sa class niya. Buti nga nakakuha ako
ng slot.

Ayun nakakita ako ng upuan sa bandang gitna at umupo. “Jackpot! Suwerte ko


talaga..”

“Malas..”

Lumingon ako sa likod. Oh no. Oh no. Hindi ito maaari. Lord, Bakit? Bakit?

“Mukhang nagulat ka. Ako rin nagulat eh.”

Nilapit niya yung mukha niya sa akin.

“Tandaan mo, may atraso ka pa sa akin. Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa


bading..”
Nginitian ko siya.

“Bakit? Ayaw mo yun, sister? Aayusan kita.. Libre manicure.. pedicure..”

Mas lalong naasar yung Alex. Akala niya ah. Humarap na lang ako sa board. Nasan na
ba yung prof.? Ang tagal ah.

After 100 years, dumating din yung prof. Ang bata ng itsura niya parang estudyante.

Prof: “Hi, class. This is SocSci 1. I’m Professor Jennifer Lucas. But you guys from
now on will call me Ma’am J. Okay?”

Aba. Kaya pala. Mabait talaga tong prof. na to. Ang saya naman.

Ma’am J: “Look around you. Ayan ang mga tao na makakasama niyo sa buong sem na
to.”

Tinignan ko yung mga classmates ko. Mukhang okay naman. Pwera lang dun sa nasa
likod ko. Haay.. Naku.

Ma’am J: “Saka eto pa. Magkakaroon tayo ng project. Bale by group naman siya saka
you can work on it the whole sem so you don’t have to worry. Hahatiin natin ang class
into five groups, tig-anim sa isang group. So start na tayo.. count off na lang
siguro..”

Nag-count off kami. 1.. 2.. 3.. 4.. 5.. 1.. 2 .. 3.. 4.. 5

“Four..”

Tapos nag-grupo grupo na. Nakita ko nag-raise ng hands yung mga ka-grupo ko na
four rin ang number kaya lumapit ako sa kanila. Uupo na ko dun sa natitirang upuan
dun biglang..

“Hoy, Diyan ako noh..”

Lumingon ako. Ano ba yan? Wag mong sabihing.. Magkagroup pa kami??!


Kung mamalasin ka nga naman..
Chapter 11

Stephen: “Yaan mo ipagdadasal kita pare..”

“Bakit naman kasi ganun? Biro mo magkagroup pa kami? Ano na ang gagawin ko
ngayon.. Bad trip talaga! Aaargh..”

Stephen: “Alam mo tawag diyan Toph?”

“Ano?”

Stephen: “..destiny..”

“Anak ng.. Destiny. Destiny ka diyan.. ”

Stephen: “To naman.. di mabiro.. Wag mo na nga isipin yun.”

“Teka, nasan na ba tayo? Naliligaw na ata tayo. Tama ba yang address na nasa
sayo?”

Stephen: “Oo, Dela Rosa St. na to o”

“Ayun na ata. Tignan mo. Yung maraming nakapark na kotse.”

Nagpark si Stephen dun sa may malaking bahay. App’s party na kasi nung org na
sasalihan namin. Parang dun mo makikilala yung ibang mga miyembro saka kasamang
applikante.

Naghintay kami sa labas. Pinindot namin yung doorbell. Maya-maya pinagbuksan kami
ng maid tapos tinuro kami sa garden. Wow. Ang ganda sa loob!

Stephen: “Pare, tignan mo yung mga babae dun o. Ganda..”

Tinignan ko yung mga babaeng tinuturo niya. Okay lang. Maganda nga. Lumingon-lingon
ako. Medyo marami-rami na rin ang tao. Pero may nakita akong babae dun sa may
sulok. Mag-isang nakaupo. Nagmumukmok ata. Medyo malayo kaya di ko masyado
makita yung mukha niya.

Biglang kinalabit ako ni Stephen.


Stephen: “Toph, si Joey nga pala, siya yung head ng application ngayon. Siya rin yung
may-ari ng bahay.”

Kinamayan ko yung Joey. “Uy.. Toph pare”

Joey: “Kain muna kayo. Maya-maya na tayo magsisimula.”

Chibugan na. Naunang pumila si Stephen. Buffet style siya. Ako nag-cr muna. Pagbalik
ko saka ako kumuha ng pagkain.

Nung kukuha na ako ng plato, may.. may nakasabay akong humawak nung plate eh.

Pagtingin ko kung sino..

“Uh.. Sige, sayo na..”

Tumalon yung puso ko! Totoo ba to?? Totoo ba to??

Larisse??

“Hiiinde, sige.. ma.. mauna ka na.. ladies first..”

Pinauna ko siya saka ko kumuha ng sarili kong plate.

“Thanks.. Uhmm.. Parang naging classmate na kita dati?”

Parang di ako makahinga. Pinagpapawisan na naman ako.

OO!! Magkaklase nga tayo! Talaga naaalala mo ko? Talaga??!

“Uh.. Uhmm.. Oo ata..”

Larisse: “Sa Math 17? Tama ba?”

Tama! Tama!

“Oo nga ata..”

Larisse: “Naaalala mo pa ba ko? Larisse nga pala..”

Ha? Naaalala? Oo naman! OO!


“Larisse? Ah.. To..Toph pala..”

Larisse: “Ah.. nice.. Sige.. una na ko..”

Tinignan ko siya pag-alis niya. Wow. As in WOW.

“Uh… Steak sir? Uh.. Sir?”

Nagulat ako. Hinihintay na pala ko nung nagseserve.

“Ah. Sorry..”

Hinanap ko kung saan umupo si Stephen. Pagkakita ko, nilapag ko yung plato ko’t
umupo.

“Pare, kurutin mo nga ako?”

Tinignan ako ni Stephen.

Stephen: “Okay ka lang?”

“Nanaginip ba ko?”

Hinawakan ni Stephen yung noo ko.

Stephen: “Tol, dapat sinabi mong may sakit ka.. pare di ka na sumama..”

“Hindi.. Wala kong sakit.. Wala..”

Lumingon ako. Nandun siya sa kabilang table. Tapos, naalala ko. Siya ata yung
babaeng napansin ko kanina. Siya nga yun!

Biglang lumapit sa amin si Joey.

Joey: “Kain lang kayo ah. Oo nga pala. Yung mga nasa kabilang table saka yung sa isa
pang table.. Yan ang mga kasama niyong mag-aaply. Bale 25 kayo ngayon.”

Tinignan ko ulit si Larisse. ECE din pala siya? Haay.. Di ako makapaniwala..

Stephen: “Uy, Toph.. Mukha ka na namang sira diyan.. Nakangiti ka diyan mag-isa..”
“Ah. Wala. Wala to.”

Kilala na niya ko!! Alam na niya pangalan ko! Yahoo!

Chapter 12

Pagkatapos kumain. Pina-form kami ng circle. Sabi ni Joey informal lang naman daw.
Usap-usap. Nag-share ng experiences yung mga members.

Joey: “O, tapos na yung mga members kayo namang mga apps. Ganito ah. Kwento lang
kayo kahit ano basta makilala namin kayo kahit papaano tapos sabihin niyo kung sino
crush niyo sa apps din. Kahit yung nagagandahan o nagwagwapuhan na lang. Katuwaan
lang naman..”

ANOOO??!!

Hala. Nag-panic ako. Tinignan ko naman yung ibang kasama ko. Bat ganun? Parang
wala lang sa kanila.

Ayun. Kwento-kwento. May mga 3rd year na saka 4th year. May mga nagkwento
tungkol sa family sa friends, sa lovelife at kung anu-ano. Pagdating sa akin..

“Hi. Ako pala si John Christopher Delgado. Sa bahay JC tawag sa akin. Sa school,
madalas Toph naman. Sumali ako sa org kasi gusto ko maexperience kasi mukhang
masaya naman saka sa tingin ko makakatulong naman siya sa acads. Saka marami kang
mamimeet na ibang tao. Wala naman kaming problema sa family. May kapatid akong
babae, second year highschool na siya ngayon. Sabi nila, medyo strict daw ako sa
kanya..”

Stephen: “Sobra..”

“Uy. Grabe ka. Oo nga pala. Si Stephen din. Tropa ko na yan since highschool. The
best yan. I love you pare.”

Tawanan naman lahat.

Joey: “Lovelife?”

“Ah. Wala.. Wala..”

Pasimple akong tumingin kay Larisse.

Joey: “O sige.. Ano na lang crush sa apps?”

“Uh.. Wala eh..”

Joey: “Ganun? Ibig mong sabihin walang maganda sa kanila?”

“Hindi naman... Wala eh.. Wala talaga.”

Joey: “Imposible.. Sige yung nagagandahan ka na lang..”

Napalunok ako. Hindi ba ko makakalusot dito?

Stephen: “Naku po. Wag niyong pilitin yan. Walang kataste-taste yan sa babae. Ang
type niyan si Mahal saka Madam Auring.”

Tawanan naman yung mga pipol. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako kay Stephen o
Babatukan ko siya?

Sumunod na nagkuwento yung mga katabi namin. Hinihintay kong magkwento si Larisse.

Maya-maya si Larisse na yung nagkwento.

Larisse: “Larisse Abigail Vergara. Larisse yung tawag sa akin madalas. Second year.
Uhmm.. Only child pala ako. Mahilig akong magbadminton saka bowling. Hobby ko
magluto. Kasi yung Mom ko saka Dad ko mahilig magluto eh.”

Joey: “Lovelife?”

Larisse: “Ah..Eh..”
Joey: “Bat parang ayaw niyo magkwentong lahat tungkol sa lovelife.. Kayo ah.. sige
crush na lang sa apps..”

Larisse: “Wala pa kasi akong masyado kilala sa kanila..”

Joey: “Sige.. kahit yung sa tingin mo okay....”

Larisse: “Uhmm.. si Toph na lang siguro?”

Napalingon sila sa akin.

Tama ba yung narinig ko? AKO? AKO?

Chapter 13

“Waah.. Wah?”
Marielle: “Kuya? Kuya? Gising na..”

Binuksan ko mga mata ko. Nandun si Marielle sa harap ko.

Marielle: “Nananaginip ka ata at nagsasalita ka diyan.”

“Ha?”

Haay. Di ko talaga malimutan yung nangyari nung Sabado. Sana totoo na lang yung
panaginip ko.

Sana.. Sana ako na lang yung sinabi niya. Ang babaw ko...

Ewan ko ba pagkasabi niya nung “Si Jeffrey na lang siguro…” Parang may kumurot sa
dibdib ko. Ang labo talaga. Sa bagay, Para namang may ibubuga ko dun. At least
kilala na niya ko.

Marielle: “Bumangon ka na nga.. Di ba 8:30 pasok mo?”

Bumangon ako at nag-ayos. Naligo’t kumain ng breakfast. Dumating ako sa class pero
wala pa naman yung prof.

Stephen: “Toph sa Wednesday daw may meeting tayo.”

“Talaga?!”

Stephen: “Di ka naman masyado excited?”

Makikita ko na naman siya. Tignan mo nga naman o.

“Ah. Hindi naman. Wala kasi magawa sa bahay eh.”

Buong period hanggang sa sunod na class ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Parang
gusto ko na mag-Miyerkules.

Kaso pagdating ng Socsci 1, nag-iba ng ihip ng hangin.

“Groupmate, halika dali, usap tayo saglit tungkol sa topic natin sa project. Wala pa
naman si Ma’am.”

Umupo ko sa tabi ng mga ka-grupo ko.


“Di pa pala tayo nagpapakilala ng maayos. Ako si Mara,” sabi nung babaeng
nakaponytail at nakaglasses na tumawag sa akin.

“Emm,” pakilala naman nung payat na bading na katabi ni Mara.

“Trina,” yung nakapigtails na medyo chubby na babae.

“Rex,” yung chinito at matangkad na lalaki.

“Alexandra.. pero Alex na lang,” yung.. yung… babaeng macho.

“Toph”

Alex: “Hay nako.. ang malas naman ng group na to..kasi naman yung iba diyan..”

“Ano sabi mo? Ako ba pinariringgan mo?”

Alex: “Batu-bato sa langit, ang tamaan wag magagalit”

Mara: “Uhmm. Okaay.. So magkakilala kayo?”

Alex at Toph: “HINDE!”

Biglang dumating si Ma’am J. Kaya bumalik na kami sa kanya-kanyang upuan. Tinignan


ko si Alex. Ano bang problema niya?

Ma’am J: “Dahil di pa tayo masyado magkakakilala, magkakaroon tayo ng activity.


Kuha kayo ng paper kahit anong size.”

Wala akong dalang papel. Napansin ko meron si Alex. Pero wala akong balak humingi sa
kanya at alam kong wala ring siyang balak bigyan ako. Humingi na lang ako dun sa isa
pa naming classmate.

Ma’am J: “Bago tayo, magsimula.. Pakilala muna kayo isa-isa. Sabihin niyo yung name
or nickname niyo.”

Eh di nagpakilala naman isa-isa.

Ma’am J: “Isulat niyo yung name niyo sa paper then at the count of three ipass niyo
sa katabi niyo. Pagkapass, isulat niyo kung anong first impression niyo sa taong yun.”
Ma’am J: “Okay.. Let’s start.. 1.. 2.. 3”

Kadalasan sinusulat ko.. Mukhang mabait.. Maganda.. Mukhang Matalino.. Mukhang


mataray.. Ganun naman pag first impresssion di ba?

Pagdating sa akin ng paper ni Alex. Pinag-isipan ko talaga kung anong ilalagay ko.
Naisip ko.. ako naman talaga may kasalanan kung bakit siya nagalit sa akin eh. Kaya
nilagay ko na lang..

Boyish..

Ma’am J: “Now you have your papers now.. Tignan niyo..”

Pagdating sa akin nung sarili kong papel. Tinignan ko kung anong mga nakalagay..

Gwapo.

Aba naman.

Mukhang mabait.

Talaga? Good Boy pala dating ko..

Tapos biglang may nakita ako sa bandang gilid, kaya di mo agad mapapansin.. ALL
CAPS pa talaga.

MAYABANG! ANTIPATIKO! BADING!

Isa lang ang magsusulat nito.. Lumingon ako sa likod ko..


Aba. Ang kapal. Nginitian ba ko?

Chapter 14

Di nagtagal dinismiss na kami ni Ma’am. Nung palabas ng class, hinabol ko si Alex.


Hinawakan ko siya para pigilan.

“Alex, I’m sorry.. Alam mo dapat ayusin natin to kasi magkaklase tayo eh.. Alam mo
yun.. Tapos magkagrupo pa..”

Emm: “Uuuuyy.. Deny deny pa.. LQ lang pala kayo. Parang.. Parang eksena sa
movie..”

Bumitaw si Alex sa pagkakahawak ko.

“Ah. Hinde ah. Anong LQ?”

Tinignan lang ako ni Alex. Tapos naglakad siya paalis. Hindi ko na siya hinabol.
Pakiramdam ko kinausap ko ang hangin.

Naglakad na rin ako palabas ng Palma Hall. Papunta na akong sakayan. Napansin ko
bigla si Alex. Parang wala siya sa sarili? Tatawid siya papuntang sakayan.

Paglingon ko sa kanan, may paparating na kotse..

“Hala.. Si Alex.. ALEX!!”

Pero di ata ako marinig eh. Tumakbo ko tapos hinila ko siya. Tamang-tama kung hindi
nasagi siya nung kotse.

“Magpapakamatay ka ba?”

Tinignan lang niya ko. Tapos..

Bigla siyang nahimatay. Hinawakan ko yung noo niya. Inaapoy siya ng lagnat! Kaya
pala parang hinang-hina siya eh. Binuhat ko siya.

Hala. Ang bigat naman nito!


“Ano nang gagawin ko ngayon? Medyo malayo pa clinic dito. Baka mamatay ako pag
nilakad ko hanggang dun?”

BEEP.. BEEP!

Dumating yung CRV ni Stephen. Binuksan niya yung bintana.

Stephen: “O, bat may buhat-buhat kang chick diyan?”

“Nahimatay siya.. Eh kung tulungan mo na lang ako.”

Dinala namin ni Stephen si Alex sa clinic. Naghintay kami sa labas. Di nagtagal may
lumabas na nurse.

Nurse: “Okay na siya. Natutulog lang. Maya-maya gigising din yun. Ang taas ng lagnat
niya. Dapat nagpahinga na lang sa bahay at hindi pumasok.” (Tumingin sa akin) “Paalala
mo yung gamot ng girlfriend mo inumin niya mamayang 8 pm uli ah.”

GIRLFRIEND? Ano daw?

“Ay. Classmate ko lang po siya. Nakita ko po kasi siya kanina..”

Nurse: “Ah ganun ba. Basta paalala mo na lang sa kanya.”

Pagkaalis nung nurse..

Stephen: “Girlfriend.”

"Tumahimik ka.”

Stephen: “Halika, pasok tayo sa loob.”

“Baka magising siya eh.”

Stephen: “Basta.. Halika na.. dali..”

Binuksan namin yung pinto. Nandun si Alex. Nakahiga. Natutulog.

Stephen: “Siya ba yung kinukwento mo sa akin?”


“Uh.”

Gumalaw si Alex. Tapos bumukas yung mga mata niya.

Alex: “Na..Nasan ako?”

“Sa clinic. Nahimatay ka kanina eh.”

Alex: “Ganun ba..”

Stephen: “Niligtas ka nitong tropa ko.. Siya ang iyong tagapagligtas.. hero..
savior..”

Tinapakan ko nga si Stephen.

Stephen: “Aray!”

*SILENCE*

“Uh.. Uy, Pwede bati na tayo?”

Wala. Di pa rin siya sumasagot.

“Alam mo kahit man lang maging civil lang tayo sa isa’t isa. Yun man lang.”

Alex: “Fine with me.”

“Sige.. Mauna na kami.. Sabi nung nurse tinawagan na raw niya family mo eh.. Oo nga
pala.. Yung gamot mo raw inumin mo mayang 8 pm ah.”

Di pa rin siya nagsasalita. Wala man lang bye o kung ano.

Nung pasara ko na yung pinto..

Alex: “Wait..”
Alex: “Uhmm.. Thanks..”

Chapter 15

RIIIiiiiiiiiinGG!!

Binuksan ko mga mata ko. In-off ko yung alarm.

YaaaWWwwnn!

“Ano ba ngayon? Wednesday na pala.. WEDNESDAY?!”

“Ngayon nga pala yung meeting namin nina Stephen..”

Tinignan ko yung watch ko. 6:30. Medyo Maaga pa. 10:00 kasi yung meeting namin
nina Stephen sa may Philcoa sa McDo.

Pumasok akong banyo’t nag-ayos saka bumaba. Sumabay akong magbreakfast kina
Mama’t Papa.

Papa: “May lakad ka ba ngayon, iho?”

“Meron po eh. Punta akong Philcoa kasi may meeting po kami nung mga kasama kong
nag-aaply sa org.”

Mama: “Ah ganun ba. What time ka uwi?”

“Di ko lang po sigurado. Pero saglit lang naman yun eh.”

Pagkatapos kumain, nagpaalam na rin ako kina Mama saka Papa kasi papasok na sila sa
trabaho.

Ako naman umakyat akong kwarto.

“7:30 na. Ano kayang susuotin ko?”


Binuksan ko yung cabinet ko. Naglabas ako ng pantalon. Kaso hindi ko alam kung anong
isusuot kong pantaas eh.

“T-shirt ba? Ano kayang kulay maganda?”

Nilabas ko yung tatlong paborito kong t-shirt. Sabi kasi ni Marielle, bagay daw sa
akin yung tatlong yun.

Nilagay ko sa kama yung tatlo para pagpilian.

“Hmm.. Pano kaya to.. Alam ko na!”

“Mini.. Mini.. Mayni.. Moo….”

“Uh.. JC.. Ano ginagawa mo?”

Nagulat ako. Paglingon ko si Ate Tess pala, yung maid namin nasa pinto.

“Ah. Eh. Teka, may kailangan po ba kayo?”

Ate Tess: “Hindi. Dala-dala ko lang tong damit mo. Kakaplantsa ko lang kasi.”

“Ay. Akin na po. Ako na lang maglalagay sa cabinet.”

Kinuha ko yung hawak-hawak niyang mga damit na nakahanger. Pinasok ko sa loob ng


cabinet. Tapos napansin ko yung isang polo shirt ko. Nilabas ko.

“Eto na lang. Gusto ko rin tong kulay na to. Blue.”

Pinasok ko ulit sa cabinet yung mga t-shirt na nilatag ko sa kama. Tapos nagbihis na
ako. Naglagay ako ng onting gel tapos inayos ko yung buhok ko.

Kumuha ako ng pabango. Ginamit ko yung regalo sa akin ni Papa nung Christmas.

Humarap ako sa salamin. “Yan. Okay na.” Tinignan ko uli yung watch ko.

8:30?? Ganun ba ako katagal nag-ayos?

Bumaba na ako tapos nagpaalam kay Ate Tess.

Ate Tess: “Parang bihis na bihis ka ata..”


“Mas gwumapo ba ko?”

Ate Tess: “Pwede na rin.. Sige ingat ka.”

Pumunta na akong sakayan at dumirechong MRT.

“Sana nandun sa Larisse…”

Mga 9:45 ako nakarating ng McDo. Nandun na sina Stephen at yung iba pa pero wala
pa si Larisse eh.

Stephen: “Aba. May okasyon ba at nagpolo shirt ka ngayon? Bihira ka lang mag-
ganyan ah..”

“Wala lang.. Gusto ko lang..”

Stephen: “Inspired ka no..”

“Ha?”

Teka, obvious na ba ko na may gusto ako kay Larisse?

Stephen: “Eh kasi bati na kayo nung Alex..”

“Ano??”

Stephen: “Yaan mo na nga.. Kumpleto na ba tayo?”

“Hindi pa eh.. Wala pa si Amy, Carmina, Larisse, Randy, Arvin at Jason.” Sabi ni
Hannah, siya yung head namin eh. 3rd year na siya.

Nasan na kaya siya?

“Si Larisse di raw sigurado kung pupunta eh..” sabi ni Leila, isa sa kaclose ni Larisse.

Parang nalaglag yung puso ko. Pagkasabi niya nun.

“C.R muna ko.”

Parang nawalan na ako ng gana. Dapat naisip ko agad na baka nga naman di sya
makapunta di ba. Haay..

Pagkalabas ko ng C.R, nagulat ako kung sino yung papalapit kina Stephen...

“Dumating siya!”

Nagmadali akong lumapit sa kanila.

Larisse: “Hi..”

Tapos napansin ko parang natatawa yung iba. Uh. May dumi ba sa mukha ko?

Stephen: “Teka, oorder lang kami ni Toph ng food”

“Ha.. ano? Wal---”

Bigla akong hinila ni Stephen palayo.

Stephen: “Uy, zipper mo raw tol.. bukas..”

Chapter 16

Pagkasabi sa akin ni Stephen. Gusto ko na mawala ng parang bula. Pucha. Nakakahiya!

“Eh kung, umuwi na lang ako?”


Stephen: “Grabe ka naman.. Teka, order na nga tayo baka magtaka sila ala tayong
binili.. Saka.. gutom na rin ako..”

Pagbalik namin, parang wala na lang nangyari KUNYARI.

Stephen: “Ano na nga pala pag-uusapan natin?”

Hannah: “Eto na pala yung applicant’s sheet. Bale magpasign daw tayo sa members na
makikita natin sa tambayan pag pupunta tayo dun. Saka magset na pala tayo ng date
para sa outreach.”

Leila: “Teka, dapat magkaroon tayo ng directory.” (Naglabas ng papel) “Eto, pakisulat
naman yung name, schedule saka contact nos.”

Hannah: “At saka, medyo marami kasi tayo. Twenty Five. Bale limang First Year,
siyam na Second Year, pitong Third Year saka apat na fourth year. Mag-assign siguro
ko ng dalawang taga-contact o taga-inform. Isa para sa First at Second year at isa
rin para sa Third at Fourth Year.”

Leila: “Kami na lang ni Larisse. Siya yung sa First at Second Year. Ako sa Third at
Fourth Year.”

Hannah: “O sige guys, pakisulat na lang yung sked dun sa papel na pinapass ah. Kailan
niyo nga pala gusto gawin yung outreach?”

Jeffrey: “Bandang mga August siguro.”

Stephen: “Oo nga. Pagkatapos ng midterms?”

“Eh kung sa Quezon city day? August 19?”

Hannah: “Teka.. Oo nga. Ano bang araw yun?” (Tingin sa cellphone calendar)
“Saturday? Pwede rin”

Larisse: “Eh di yun muna yung tentative schedule natin..”

Hannah: “Ayan at least may naachieve na tayo ngayon.”

Stephen: “Ano na gagawin natin? Uwian na ba?”

Hannah: “Gusto niyo pumunta sa amin? Isang sakay lang mula rito. Kahit kwentuhan
lang.. Kailangan din kasi nating makilala isat-isa para di na tayo nagkakailangan. Yun
eh kung pwede kayo..”

Leila: “Sa bagay..”

Sabay-sabay kaming umalis sa Mcdo. 19 kaming pumunta sa bahay nina Hannah. Wala
kasi yung anim. Yung iba nakisabay kay Hannah papunta, tapos yung iba naman sa amin
ni Stephen.

Hinintay namin sina Hannah dumating kasi nauna kami sa kanila.

Hannah: “Pagpasensiyahan niyo na tong bahay namin ah. Di ganun kalaki.”

Jeffrey: “Okay lang yun..”

Binuksan niya yung gate.

Hannah: “Pasok kayo..”

Nagstay lang kami dun sa living room nila. Kanya-kanyang hanap ng pwesto. Sa dami
ba naman namin?

Hannah: “Teka, kuha lang ako ng juice para may inumin tayo..”

Pagbalik ni Hannah, may dala-dala na siyang isang pitsel ng orange juice saka mga
plastic na baso. May dala-dala rin siyang cards.

Jeffrey: “Ano lalaruin natin at may dala kang cards?”

Hannah: “Kayo bahala.. pampalipas oras lang naman..”

Stephen: “Ano na lang yung 1… 2.. 3.. pass?"

Hannah: “Sige ba..” (tapos kumuha na siya ng cards) “Kaso 13 lang pwede maglaro eh”

Yung iba di muna sumali. In-on muna yung TV at nanood. Eh di nagstart na yung
game.

Leila: “1.. 2. 3.. pass”

“1.. 2. 3.. pass”

“1.. 2. 3.. pass”


Isang Ace na lang kumpleto na ko. Isa na lang!

“1.. 2. 3.. pass”

Yes! 4 na Ace ko! Nilagay ko agad yung kamay ko sa gitna. Tapos nagulat ako..

Napatong ni Larisse yung kamay niya sa ibabaw ng kamay ko.

Leila: “Ang bilis naman ni Toph.. Baka nandadaya na kayo ah”

“Hinde ah..”

Hannah: “Teka.. Bat parang namumula ka Toph?”

Larisse: “Okay ka lang?”

“Ah. Eh. Oo naman.”

Stephen: “Oo nga noh.. Teka, di ba namumula ka pag nahihiy----” (siniko ko nga siya)

“Wala to.”

Jeffrey: “Toph, Pahangin ka kaya muna sa labas kung gusto mo..”

Tumayo si Larisse.

Leila: “San ka pupunta Larisse?”

Larisse: “Bili lang ako saglit sa may tindahan diyan sa kanto.” (Tumingin kay Hannah)
"Malapit lang naman yun dito di ba?"

Hannah: "Oo, pwedeng lakarin.."

Leila: “Naku.. Toph.. Mas mabuti pa samahan mo na lang din si Larisse kung lalabas
ka rin..”

“Uhmm.. Sige.”
HA? Kaming dalawa lang. Siya. Ako. As in?

Chapter 17

Nung papunta na kaming tindahan, ang tahiiimiiik. Naririnig ko pati ihip ng hangin eh.

Gusto ko naman magsalita ka.. kausapin siya.. Pero parang natuyo lalamunan ko..

Larisse: “Uy, Bat tahimik ka? Masama ba pakiramdamdam mo.. Namumula ka kanina..”

“Ha? Hindi okay lang ako..”

Haay.. Nahiya kasi ako kanina eh. Nagulat kasi ako nung nahawakan mo kamay ko.

Larisse: “Sure ka ah..”

~ SILENCE ~

Pasimple kong tinitignan si Larisse. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Eh kung kwentuhan ko siya? Ano naman kukwento ko?

Eh kung joke kaya? Baka sabihin niya corny?

Eh kung bumalik na lang kaya ako kina Hannah? Naku po.

~ SILENCE pa rin ~
Pagdating sa tindahan..

Larisse: “Manang pabilhan nga po.. Dalawang malaking V-Cut. ”

“Uh.. Mauubos mo yan?”

Napatingin si Larisse bigla. Nagulat ata nung nagsalita ko.

Larisse: “Hinde kay Leila yan.. Saka ho 20 pisong chocnut..”

“Kay Leila pa rin yun?”

Larisse: “Eto yung akin.. Takaw ko no.. Mahilig kasi ako dito eh.”

Ngumiti lang ako.

Nung naglalakad kami pabalik kina Hannah, tinignan ko ulit siya..

Toph, naman magsalita ka.. Ilang salita pa lang nababanggit mo.. Baka sabihin niya
pipi ka.. Eto na..

Hinga ng malalim..

“Uh.. Mahilig ka pala sa Chocnut?”

Ay Sus. Mali! Obvious ba? Kakasabi niya nga lang pala yun..

Larisse: “Oo nga eh.. Ewan ko ba.. Sarap eh.”

~ SILENCE ulit ~

“Uhmm.. Eh Ano mas gusto mo Chocnut o Hany?”

Larisse: “Ha?”

Ano ba yan? Ayoko na! Dapat di na lang ako nagtanong.. Palpak na naman..
Larisse: (sabay tawa) “Chocnut? Di ko pa na-try Hany eh. Halos parehas lang din ata
sila di ba?”

“Ah..” Ngumiti na lang ako. “Ganun ba? Next taym try mo..”

Haay. Anak ng Chocnut naman o! Dapat pala di na lang ako nagsalita.

Napatingin kami sa bahay nina Hannah.

Larisse: “Uy, Dito na pala tayo.. muntik na nating malagpasan” (sabay bukas nung
gate)

Haay. Palpak talaga ko kahit kailan.. Sa tagal naming naglakad, Chocnut pa ang
ginawa kong topic?

Pagpasok namin sa gate.. Bago pumasok sa loob.. Napatigil si Larisse.

Nagulat ako kinuha niya yung kamay ko.. Tapos kumuha siya dun sa supot na dala niya
ng isang chocnut at pinatong niya sa kamay ko.

Larisse: “Ayan.. Salamat ah.. sinamahan mo ko..” Nginitian niya ko. “Binigyan na kita
kasi sigurado hihingi na sila pagpasok natin.. ubos to sigurado..” (sabay tawa)

Nauna nang pumasok si Larisse sa bahay. Napatitig ako dun sa binigay sa akin ni
Larisse..

Dahan-dahan kong binuksan yung balot..

Kinain ko..

Habang ninanamnam ko siya..

Di ko maiwasang isipin..
“Good Shot kaya ko.. o Bad shot?”

Chapter 18

Nakakahiya.. Siguro iniisip nun ang weird ko.. Haay.. Badtrip talaga..

Stephen: “HOY!”

“Ah?”

Stephen: “Kanina ka pa wala sa sarili? Salita ko ng salita dito.. Di ka naman


nakikinig.”

“Sorry.. may iniisip lang ako..”

Stephen: “Ayan.. time na.. punta na ko sa class ko..”

“Sige.. Wala akong Math ngayon eh. Wala yung prof. ko.”

Stephen: “San ka punta ngayon?”

Toot.. Toot.. Toot..

“Wait lang ah..” (sabay kuha ng cellphone)

From: +63917*******
Hi! Groupmates, si Mara to.. Kung may wala kayo class punta
Kayo sa main library sa Social Science Section tapos sabay-sabay na tayo puntang
class.

Stephen: “Himala may mga textmates ka na.. dati rati bumagyo na’t umulan.. di ka pa
rin nagtetext..”

“Ano to.. groupmate ko sa Socsci1.. magkita daw sa main lib”


Stephen: “O Sige.. Sabi mo eh.. mauna na ko..”

Naglakad ako papuntang library galing canteen. Pagpasok ko sa lib, hinanap ko kung
nasan yung mga kagroup ko. Tapos nakita ko si Emm tinatawag ako. Dun sila nakaupo
malapit sa GIANT electric fan.

Emm: “Hi.. Toph.. Ang gwapo po ngayon ah..”

“Siyempre..”

Emm: “Aba. Sineryoso mo naman..”

Mara: “So ang wala ay si Rex, Trina at Alex. May class siguro sila..”

Emm: “Wait, di ba si Alex yun?”

Mara: “Oo nga noh.” (sabay senyas kay Alex)

Alex: “Hi..” (umupo sa tabi ni Emm)

“Uhmm.. Okay ka na?”

Alex: “Okay na..”

“Bat ka pala pumasok nung Monday eh may lagnat ka pala?”

Alex: “Ganun kasi ako eh ayokong may namimiss na class kaya kahit may sakit ako
pumapasok pa rin ako..”

“Naku.. Mahirap yan.. Magpahinga ka na lang sa bahay pag may sakit ka..”

Emm: “Uhmm.. Wait a minute.. Bati na kayo?”

Tumungo lang kami ni Alex.

Emm: “Wow. Ano nangyari?”

Kwinento naman ni Alex na dinala ko siya sa clinic nung nahimatay siya nung Monday.

Emm: “OMG. Toph? Talaga ginawa mo yun? Gusto ko na ring mahimatay..”


“Sira... Di kita kaya buhatin no..”

Mara: “Bat ba kayo nag-away in the first place?”

“Ah.. Mababaw lang eh.. Kasi ganito..”

Alex: “Ha? Anong mababaw dun?”

“I mean. Parang di naman dapat pinag-awayan..”

Alex: “Ikaw kaya tapunan ko ng lasagna saka ihulog ko phone mo?”

Emm: “Uhmm.. Okay? Di ba bati na kayo?”

“Hindi ko naman sinasadya eh.. Nagsorry na ko..”

Alex: “So napilitan ka lang magsorry?”

“Uy.. Wala akong sinasabing ganyan ah..”

Mara: “Wait lang.. yung group project pala..”

Alex: “Pero ganun na rin yung pinopoint out mo..”

“Ewan ko sayo. Labo mo.”

Emm: “Ah, Mara C.R lang ako ah..”

Mara: “Wait ako rin.. Uy, C.R lang kami..”

Alex: “Mas malabo ka..”

“Ano? Ako pa ngayon malabo?”

"Excuse me.."

Alex at Toph: "Ano?!!"

Paglingon namin.

Hala! Yung librarian pala!


Tumaas yung kilay nung librarian. Sabay turo dun sa PLEASE KEEP SILENT na
karatula.

"Kung may tampuhan kayo, dun.. Dun sa labas!" Sabay talikod. "Mga kabataan talaga
o.."

Tapos napansin ko dalawa na lang pala kami dun sa table.

“Teka, sina Mara?”

Alex: “Oo nga noh? Ikaw kasi eh!”

“Anong kasalanan ko? Ikaw kaya nagsimula..”

“Toph!”

Napalingon ako.

“Uy.”

Larisse?

Lumapit siya sa amin.

Larisse: “Buti nandito ka. Eto pala directory. Nandiyan yung sched saka contact nos.
ng mga co-applicants natin.”

Alex: “Larisse!?”
“Uh. Magkakilala kayo?”

Chapter 19

Larisse: “Alexandra Santillan? Alex?”

Alex: “Yup.”

Larisse: “Teka, di ata kita masyado nakikita sa campus?”

Alex: “Last sem lang ako lumipat dito eh.. galing akong up manila..”

“Uh.. Hello?”

Nakalimutan ata nung dalawa na nandun ako ah.

Larisse: “Uy Pasensiya na. Tagal ko na kasi nung huling nakita si Alex. Batchmates
kami nung highschool.. Pero nagtransfer siya bago kami mag- 3rd year eh.” (Tumingin
uli kay Alex) “Musta na?”

Alex: “Okay lang naman.. Nabanggit sa akin.. Salutatorian ka pala ng batch ah..
Galing ah..”

Napatingin ako kay Larisse. Salutatorian siya? Wow.

Larisse: “Parang ikaw hinde.. Di ba nung 2nd year tayo.. Top 1 ka pa nga.. Sayang
kung di ka lang talaga lumipat..”
Tumingin naman ako kay Alex. Matalino rin pala tong babaeng to ah.

Alex: “Ikaw mustah na.. Yung tungkol pala kay ano..” Tumingin muna sa akin. “Alam
mo na.. Sorry ah..”

Ano daw? Ano bang pinagsasabi nito?

Larisse: “Hayaan mo na yun.. Tapos naman na.. Sige.. Alis na pala ako kasi may
dadaanan pa ako.. Ingat..” (Tumingin naman sa akin) “Bye.”

“Magkakilala pala kayo ni Larisse?”

Aba. Di ako pinansin ni macho.

“Hoy.”

Alex: “Yah.. Di ba kakasabi nga niya batchmates kami? Saka ano siya nung ----
Teka nga, Paki mo nga pala? Ha?”

Nakita ko si Emm saka Mara pabalik sa table namin.

“Bat bigla kayong nawala?”

Mara: “Ha? Busy kasi kayong dalawa kaya di niyo siguro napansin.. Tara na nga, dun
na lang tayo sa classroom magstay.”

Alex: “Mabuti pa nga.. Masyadong..” (tumingin sa akin) “Mainit dito eh”

Dumirecho na lang kami sa classroom at dun naghintay. Maya-maya dumating din yung
prof. namin.

Ma’am J: “May activity tayo ngayon.. Group yourselves according to your group
number..”

Eh di lipat-lipat uli ng upuan. Lumapit ako kina Mara saka iba pang groupmates ko.

Ma’am J: “Socsci 1 is about behavioral sciences. But for now, let’s try to start at
our homes, at our families. Family as they say is the basic unit of society. Ngayon
may pieces of paper ako dito, each group bubunot ng isa.”
Nilapitan isa-isa ni Ma’am per group. Si Emm yung bumunot sa group namin.

Ma’am J: “I’ll give you 30 minutes to prepare. Maximum of 10 minutes siguro ang
skit. Just make it modern if you want..”

“Ano nabunot mo Emm?”

Emm: “Uh.. Romeo and Juliet??”

mara: “Ha? At least madali na lang..”

Emm: “I guess it’s something about dun sa pag-aaaway nung dalawang families..”

Mara: “Gawin nating modern saka nakakatawa..”

Emm: “Sige.. Pwede ako yung wicked stepmom?”

Mara: “Sira.. Sa Cinderella saka Snow White lang yun..”

Emm: “Oo nga pala.. Basta gusto ko anak ko si Juliet..”

Trina: “Oo nga.. Modern naman.. Pano kung si Emm anak si Juliet.. Tapos si Rex saka
Mara.. siguro anak si Romeo.. Ako narrator ah..”

Emm: “I like that.. So that leaves Alex and Toph as Romeo and Juliet?”

Alex: “Joke ba yan..”

“Si Rex na lang yung Romeo.. Bat ako?”

Rex: “Mas bagay mo pare..”

Mara: “Pwede happy ending naman? Yokong mamatay si Romeo and Juliet ah..”

Emm: “Tapos siyempre di mawawala ang… KISS.. Haay.. So romantic..”


Alex at Toph: “ANO???!”

Chapter 20

Mara: “SssHH!”

Emm: “Whoa.. Huwag kayo maingay..”

Alex: “Ha?! Eh ano ba namang klaseng story yun?”

Emm: “Girl, kailangan talaga ang kiss sa mga lovestory.. Paano mabubuhay si Sleeping
Beauty.. Snow---”

Alex: “Ha? Eh di ikaw na lang si Juliet.”

Tinignan ko si Alex.

“Okay lang sa akin.. Di naman ako maarte eh..”

Alex: “Baka ikaw ang maarte.. Sige Fine, game ako..”

Eh di ayun. Ginawa na namin yung script. Medyo maikli lang naman kasi for ten-
fifteen minutes lang. Si Emm mostly yung gumawa nung script. Tagalog yung ginawa
niya. Sabi ni Ma’am okay lang daw.

“Pabasa nga nung script” Kinuha ko yung paper tapos binasa ko.

“Teka, So wala na yung kiss?”

Emm: “Eh Akala ko ba ayaw niyo?”


“Sabi ko nga..”

Trina: “Pero mas maganda kong meron eh..”

Emm: “Tanungin niyo si Romeo and Juliet..”

Mara: “Sige na.. Sa forehead na lang..”

“Uhmm.. Tanungin niyo na lang si Alex..”

Tinignan namin si Alex. Ang tagaaal bago sumagot ang babae.

Alex: “Okaay.. Okaay.. Sa forehead lang ah.. Saka..” (Sabay tingin kay Trina)
“Paalala nyo sa akin maghilamos ah..”

Aba.. Ang Kapal nito!

Tinawag na yung group namin. Okay naman yung naging simula. At mukhang
nagugustuhan naman ng mga kaklase namin.

Emm: “Juliet.. Ilang beses ko na sinabi sayo ha.. Iwasan mo na yang Romeo na yan..
Yang pamilya niyan mga walang.. Walang modo..”

Alex: “Mama! Minsan kailangan pakinggan niyo rin ako.. Hindi mo ba inisip ang
nararamdaman ko? Si Romeo lang ang tanging minahal ko ng ganito.. Siya lang.. Sana
maintindihan niyo..”

Emm: “Hindi ko naiintindihan at wala akong balak intindihan ka!”

Alex: “Ganyan naman kayo.. Wala kayong inisip kundi sarili niyo! Si Romeo lang ang
nagmamahal sa akin.. Tanggap ako kung sino ko.. Mahal ako ng buong-buo!”

Emm: “Maldita ka!” Sabay sampal kay Alex. Tumakbo palayo si Alex.

Aba. Talagang in character tong si Emm ah. Si Alex maluha-luha na talaga. Tinotoo
ata ni Emm yung sampal niya eh. Sakit nun ah.

Trina: Nagpakalayo-layo si Juliet. Bakit hindi sila maintindihan ng mga pamilya nila?
Hindi ba’t pamilya dapat ang unang makakaunawa.. magmamahal?
Alex: “Sabi nila.. Pag nagmahal ka masaya ka.. bakit ganito? Bat ako umiiyak?”

“Minsan kailangan talaga natin umiyak.. Ibuhos ang nararamdaman..”

Lumingon si Alex at tumingin sa akin.

Alex: “Romeo?! Pano mo nalaman na nandito ko?”

Hinawakan ko ang dibdib ko. Talaga namang sinulat pa ni Emm yun sa script di ba.
Mahilig ata sa telenovela yung baklang yun.

“Hinahanap-hanap ka nitong puso ko eh.. Dito niya ko dinala.. Saka di ba dito tayo
unang nagkita..”

Alex: “Romeo.. Ayaw ng pamilya ko sa yo.. Ayaw ng pamilya mo sa akin.. Paano tayo
magiging masaya?”

“Di ko alam..Mahalaga magkasama tayo ngayon.. Sapat na yun para maging masaya
ko..”

Umupo kaming dalawa. Tumingin muna si Alex kina Emm. Tapos sumenyas si Emm.

Kahit alam kong ayaw niya, Humiga si Alex sa lap ko..

Alex: “Sana ganito na lang tayo lagi..”

Pinikit ni Alex yung mata niya. Kunyari nakatulog na siya.

“Sana nga Juliet.. Sana..”

Hinawakan ko yung pisngi ni Alex. Muntik na kong matawa kasi sumimangot ba naman
ang babae nung hinawakan ko ang mukha niya. Buti na lang di napansin ng klase.

“Mahal na mahal kita..”

Eto na..

Eto na..

Nilapit ko ang mukha ko kay Alex. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko ah.
Emm: (pabulong) “Pssst.. Dali…”

Pinikit ko ang mata ko at..

Ayun hinalikan ko ang noo niya..

Hiyawan naman ang klase…

Maya-maya natapos din ang skit namin. Natuwa naman si Ma’am. Buti naman..

Pagbalik namin sa mga seats namin.

Mara: “Bat ang tagal mo naman halikan si Juliet ah.. Romeo??”

Hindi ako nakasagot.

****

Kinabukasan.. Biyernes..

Magkasama kami ni Stephen na naglalakad papunta sa klase.

Stephen: “Ha? Akala ko okay na kayo?”

“Ewan ko ba. Basta. Malabo talaga yung babaeng yun eh.”

Stephen: “So.. Ano feeling?”

“Ng ano?”

Stephen: “Nung hinalikan mo siya?”

“Ano ka ba.. Sa forehead lang naman saka skit lang yun..”

Stephen: “Wala kang naramdaman?”

“Wala..”

Stephen: “Owws?”

“Next topic na nga..”


Stephen: “Pero di nga.. kahit konti?”

“Stephen?!”

Chapter 21:

YaaAawWNnnnnnnn!

Pagbukas ko ng mga mata ko, napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko. 9:00?! Di
pala ko tinablan ng alarm clock. Buti na lang Sabado ngayon. Pagbaba ko, may isang
plato na nakalatag dun.. Tapos may ulam na bacon, hotdog saka rice.

“Siguro pumasok na sina Mama saka Papa.. Si Marielle kaya?”

Chineck ko sa room niya. Wala naman.

“Nasan na kaya yun?”

Nakita ko si Ate Tess nagpaplantsa.

“Ate, nasan si Marielle?”

Ate Tess: “Naku, umalis eh.. inihatid ng Papa mo.. May project ata sila.. Yun yung
pagkarinig ko..”

“Ah. Ganun ba. Sige magbreakfast lang ako..”

Kumain muna ako ng almusal. Pagkatapos ko kumain, kukuha sana ako ng pitsel ng
tubig ng may napansin akong papel sa may ref.

JC,
Sunduin mo si Marielle ulit kina Tito Bert mo.. mga 4 pm. May lakad kami ng Mama
mo, gagamitin namin kotse ko. Yung susi ng kotse ni Mama malapit sa TV. Okay?
Ingat.
-Papa-

“So pupunta na naman pala ako kina Tender Juicy?”

Naiwan lang ako sa bahay at pinanood yung DVD ng CSI Season 6 na binili ko nung
isang araw. CSI Marathon ito! Mga 2 pm, naligo ko at nag-ayos. 2:30 ako umalis ng
bahay kasi mahirap na at baka abutin ako ng traffic. Sabado pa naman. Mga 3 pm
nasa Village na ako nina TJ. Naisip ko maglibot-libot muna kasi maaga pa.

“Maganda rin pala tong Village nila ah.”

Nakaabot ako hanggang dun sa park nila. Malaki yung park nila. Malawak saka
malinis. Medyo madami nga taong nandun eh.

Tapos.. Napansin ko bigla si..

si.. Alex?

Babalik na sana ako sa bahay nina TJ. Kaso, mukha talaga siyang problemado
eh.Basta yung itsura niya parang nagpapanic..

Kaya pinarada yung kotse dun sa may gilid ng daan. Tapos nilapitan ko siya..

“Uy, Okay ka lang?”

Tumigil siya kakalakad tapos tinignan ako. Pero, dinedma lang niya ako.

“Mukhang may problema ka eh?”

Alex: “Wala ka nang pakialam dun..”

“Oo nga naman.. Sige mauna na ko..”

Alex: “Uh.. Wait.. Ano bang ginagawa mo dito?”

“Uh.. Wala Sumulpot lang akong parang bula? Hinde.. Susunduin ko uli si Marielle.
Wag ka mag-alala wala naman na akong dalang lasagna.. Di na kita tatapunan uli..”
Alex: “Okay fine.. sige.. Tulungan mo na ako.. Nawawala kasi yung pinsan ko.. si
Miguel..”

“Miguel?”

Alex: “Oo.. Yung younger brother ni TJ. Dinala ko kasi siya dito. Pinasyal ko lang.
Tapos.. biglang nawala siya kanina.. Di ko na alam ang gagawin ko..”

Parang naiiyak na siya.

“Okay.. Wag ka magpanic.. ilang taon na ba siya?”

Alex: “Four years old..”

“Ganito.. maghiwalay na lang tayo sa paghahanap.. tapos after 30 minutes.. kita uli
tayo dito sa may swing..”

Alex: “Okay.. Uh.. Wait..”

“Bakit?”

Alex: “Bakit naka-jacket ka? Ang init kaya..”

“Ha.. Eto? Wala lang. Bagong bili kasi ni Mama. Kaya sinuot ko.. Saka pagtingin ko sa
salamin.. Mas gwapo pala ko pag nakajacket..”

Alex: “Ewan ko sayo..”

Naghiwalay kaming dalawa ni Alex. Nilibot ko yung buong park pero di ko talaga
makita. Tinignan ko na yung bawat batang makasalubong ko. Moreno na medyo
chubby tapos spike yung buhok. Tapos white shirt saka maong shorts daw ang suot
niya. Pero wala pa rin.

Sana nakita ni Alex. Pagbalik ko sa may swing, nandun na si Alex. At walang Miguel.

Alex: “Nakita mo?”

“Wala eh..”
Alex: "Anong gagawin ko ngayon? Baka kung ano na nangyari dun?"

"Wag ka mag-alala.. mahaha--- Teka, umaambon ah.."

Di nagtagal bumuhos ang ulan.

“Naku, umuulan na. Halika, pasok na tayo sa kotse.”

Alex: “Hinde.. Yung pinsan ko pa!”

“Pano yan..”

Hinubad ko yung jacket ko tapos tinalukbong ko kay Alex.

Alex: “Pano ka?”

“Okay lang.. Mahirap na baka magkasakit ka.. Di ba kakagaling mo lang sa lagnat..


Dun tayo sa may ilalim ng puno o..”

Nung papalapit na kami sa may puno.. May narinig akong iyak..

“Narinig mo yun?”

Alex: “Teka, parang si Miguel yun ah.. MIGUEL! Si Ate Alex to.. Nasan ka?”

Tapos may nakita akong gumalaw dun sa loob nung playhouse di kalayuan.

“Tignan mo parang may tao dun sa playhouse.. Baka siya yun..”

Paglapit namin.. Nandun nga si Miguel.. Umiiyak.. Pagkakita kay Alex, niyakap agad
siya.

Miguel: “Ate..Ate..”

Alex: “Tahan na.. Dito na si Ate..”

“Tara.. Hatid ko na kayo..”


Pagdating sa bahay nina TJ..

Tito Bert: “O bat basang-basa kayo.. pasok kayo dali..”

Marielle: “Kuya? Ano nangyari?”

Ipinaliwanag ni Alex sa kanila kung ano nangyari.

Tito Bert: “Buti pala dumating ka iho. Salamat ah.."

“Okay lang ho. Sige mauna na po kami ni Marielle. Tumila na po ata yung ulan.”

Alex: “Tito, hatid ko lang po sila hanggang sa gate.”

Sinara ko yung pinto ng kotse pagpasok ni Marielle. Nung papasok na ako ng kotse..

Alex: “Toph..”

“Bakit?”

Alex: “Thanks ah..”

“So.. Ibig sabihin niyan.. bati na ulit tayo?”

Alex: “Oo naman.”

“Pramis yan ah. La na bawian. Sige alis na ko..”

Alex: “Uh.. Friends?”

Napatingin ako kay Alex.

“Talaga?”

Alex: “Ayaw mo?”

“Okay. Friends.”
Ngumiti siya.

Nginitian ko rin siya.

Friends na kami?

Chapter 22:

Linggo. Wala sina Mama at Papa. May out of Town trip sila. Umalis sina kanina
madaling araw. Gumising ako ng maaga. Aba. Naunahan ko pa ang alarm clock ko. San
ka pa? Pagtingin ko sa orasan, 7 o’clock. Kadalasan, 7:30 ako nagising eh.

Bumaba ako at nagpuntang kitchen. Nagtingin-tingin ako kung anong pwedeng lutuin.
Wala si Ate Tess. Kaming dalawa lang ni Marielle ang nasa bahay kaya malamang ako
ang maghahanda ng breakfast. Pagbukas ko ng refrigerator, nilabas ko yung tapa
saka naglabas na rin ako ng itlog para iprito. Nagsaing na rin ako ng kanin. Yung
tama lang para sa aming dalawa.

Nung nag-aayos ako ng lamesa, narinig ko na pababa na si Marielle.

Marielle: “O, wala sina Mama no? at ikaw ang nagluluto?”

“Umalis sila eh.. May out of town trip.”

Marielle: “Dapat ginising mo ko para natulungan kita.”

“Okay lang yun.. Saka napagod ka sa paggawa ng project niyo kahapon sigurado..”

Marielle: “Bait talaga ng kuya ko”

“Nambola ka pa.. Tara na nga kain na tayo..”

Marielle: “Sige, ako na lang maghuhugas ng plato.”

Pagkatapos magbreakfast, inayos namin ni Marielle yung pinagkainan namin. Tapos,


naligo at nagpalit na kami ng damit. Nagsimba kami ng mga 9 o’clock ng umaga.

Pagkatapos magsimba, bumalik na rin kaming bahay.

Marielle: “Ano na ngayon gagawin natin?”

“Di ko rin alam..”

Marielle: “Mall tayo!”

“Ha? Ang init kaya..”

Marielle: “Sige na..”


“O sige.. sige.. Kukuha lang ako ng pera..”

Nagcommute kami ni Marielle papuntang Glorietta, ang aming tambayan pag walang
magawa. Eto na ata ang aming second home. Buti na lang at sa Makati kami nakatira.

Ayun. Naglibut-libot lang kami dun. Sinamahan ko mag-windowshopping ang aking


little sister. Ay. Sabi niya di na raw siya little eh.. dalaginding na kasi..

Tumigil kami banda dun sa activity center. Bumili kami ng hotdog sandwich. Kahit
palakad-lakad lang kami dun. Nakakagutom din no. Habang hinihintay ang aming
hotdog sandwich.. May naramdaman akong humihila sa pantalon ko.. Tumingin ako sa
baba..

Marielle: “Miguel!”

Si Miguel?

Marielle: “Tignan mo.. nagpapakarga ata sayo.. Naaalala ka niya..”

“Hello.” Binuhat ko naman yung bata.

“Nandiyan lang pala yan eh.. Kala ko kung san napunta..”

Paglingon ko kung kaninong boses yun.. Aba.. Si Alex pala.

“Uy, Nandito rin pala kayo..”

Marielle: “Sino kasama niyo?”

Alex: “Nauna lang kami ni Miguel dito.. May pinuntahan pa sina Tito Bert eh.. Baka
mamayang hapon sila susunod dito.”

Marielle: “Ganun ba? Eh kung sumama na lang kayo sa amin ni kuya?”

Alex: “Ha? Nakakahiya.. Baka nakakaabala kami sa inyo..”

Marielle: “Okay lang yun no..”


Sama-sama kaming namasyal sa loob ng mall. Buhat-buhat ko si Miguel na tuwang-
tuwa pag nakaangkas siya sa balikat ko. Nung mga bandang lunch time, kumain kami
sa KFC. Ang ingay sa loob ng KFC. Ang daming tao kaya kailangan mo pa ata sumigaw
para magkarinigan.

Marielle: “Ate Alex.. Bat madalas ka nga pala kina Tito Bert? Pinsan mo sina TJ di
ba?”

Alex: “Yah. Kapatid ni Mama si Tita Marisse yung wife ni Tito Bert. Wala parents ko
for one month kasi may business trip silang pinuntahan. Pag umaalis parehas parents
ko, madalas pumupunta na lang ako sa kanila.. Tutal isang sakay lang naman mula sa
amin papunta sa kanila eh..”

Marielle: “Ah.. Ganun pala.. Alam mo ang pretty-pretty mo..”

Eto na naman tayo. Tong si Marielle talaga o. Mahilig mambola? Napatingin ako kay
Alex. May itsura nga siya. Lagi kasing nakatali, nakacap, naka-rubbershoes tapos
mukha naman siyang payat pero XL ata laging suot na damit. Mas astig pa siya tignan
kaysa sakin eh.

Alex: “Ha?”

Marielle: “Promise.. Ang simple mo pero pretty pa rin.. Kung may ate lang ako.. gusto
ko kasing pretty mo..”

“Teka.. Teka.. parang nasaktan naman ako dun.. mas gusto mo pala ng ate..”

Marielle: “O.A mo naman kuya.. Iba pa rin pag may ate di ba?”

Alex: “Bakit yung girlfriend ni Toph? Di ba considered as ate mo na rin yun?”

Napalunok ako. Mukhang alam ko na ang susunod na pag-uusapan ah.

Marielle: “Naku, yun nga ang problema eh.. Wala eh.. Eversince.. Grabe, kuya JC
anong petsa na?”

Sige. Ilaglag ba ko ng sarili kong kadugo.


Alex: “Ha? Wait. Di ko ata naintindihan. Ano ba yan ang ingay talaga..”

“Pardon? Ano?”

Alex: “NBSB ka? Ah Mali. No Girlfriend since Birth?”

“HA?”

Alex: “NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH KA?”

Napalakas ata boses ni Alex. Tumahimik yung ibang katabi naming table sa KFC at
napalingon sa amin.

Okaaaaay.

Alex: "Oops.. Sorry.."

Chapter 23:

Alex: “Oops.. Sorry..”

“Never mind..”

Ring.. Ring..

Alex: “Naku, si Tito Bert na ata to..” (sabay kuha ng phone) “Yes Tito, sa may KFC
po.. Sige punta na lang po kami diyan..”

“Alis na kayo?”

Alex: “Oo eh.. Nasa Landmark na sila.. Sige mauna na kami..”


Marielle: “Kuya, samahan mo na sila.. hatid mo hanggang Landmark..”

“Ha? Pano ka?”

Marielle: “May bibilhin lang ako saglit sa Body Shop.. Text na lang kita..”

Pagkatapos kumain, nagpunta na kami nina Alex at Miguel sa Landmark.

Alex: “Sorry kanina.”

“Naku, okay lang yun..”

Alex: “Hmm.. Bakit?”

“Anong bakit?”

Alex: “Alam mo na..”

“Anong alam ko na?”

Alex: “Yung wala ka pang ano..”

“Kulet mo ah.. bat ayaw mo sabihin? Walang syota?”

Alex: “Wala lang..”

“Ayoko pa eh.. Bata pa naman ako.. Saka.. ano.. strict ang parents ko..”

Alex: “Sira ka talaga..”

Alex: “Hulaan ko na lang..”

“Ha?”

Alex: “Lagi kang basted no?”

“Hinde ah..”
Alex: “You mean di ka nanligaw?”

“Parang ganun na nga..”

Alex: “Ah.. ayaw mo pa magkagirlfriend..”

“Yun nga..”

Alex: “Gusto mo boyfriend?”

“Haha.. Ewan ka talaga..”

Alex: “Eh bakit?”

“O ayan na pala sina TJ o..”

Tito Bert: “O iho.. nandito ka pala..”

“Sinamahan ko na po sina Alex.. Kasama ko rin po yung kapatid ko.. Sige po mauna na
ko.. Pauwi na rin po kami..”

Tito Bert: “Teka.. Pwede ba samahan mo si Alex pauwi.. Kasi may kailangan pa kaming
bilhin.. Eh kailangan na umuwi ni Alex.. Dala mo naman yung kotse niyo ata?”

“Ah..”

Alex: “Pero Tito.. Kaya ko naman umuwi mag-isa..”

Tito Bert: “Mas mabuting may kasama ka.. O Sige.. akyat na kami.. Ingat kayo ah..”

Umakyat papuntang secondfloor ng Landmark sina Tito Bert.

“Hala.. Di man lang ako nakapagsalita..”

Alex: “Bakit? Pasensiya na.. Naabala ko pa kayo..”

“Okay lang.. Kaso di ko dala yung kotse ni Papa eh.. Nag-commute lang naman kami..”
Alex: “Ganun ba? Okay lang kaya ko naman umuwi mag-isa..”

“Hindi.. Samahan ka na lang namin.. Text ko lang si Marielle na balik ulit tayo sa
KFC..”

Naglakad kami pabalik ng KFC. Umorder ako ng fries saka iced tea para may
kinakain kami habang naghihintay.

Alex: “Sorry ah.. Kinukulet kita tungkol dun..”

“Okay lang..

Alex: “Cencia na..”

“Mahabang istorya eh..”

Alex: “Hmmm.. Eh di isummarize mo..”

“Ganun?”

“Ganito kasi yun..”

Alex: “Ano?”

“Ayokong matulad sa kuya ko..”

Alex: “Ha? Kuya? Di ba dalawa lang kayo magkapatid..”

“Meron kaming kapatid.. si Kuya Lester..”


“…he died six years ago..”

Chapter 24:

Alex: “I’m sorry..”

“No, it’s okay.. Nagkaroon siya ng sakit sa kidney eh.. We opted for a kidney
transplant.. Pero bago pa siya natransplant.. he.. he died..”

Silence..

Alex: “You miss him?”

Ngumiti ako. “Sobra..”

Alex: “How old was he when..”

“Twenty.. Papasok na siya sa medical school nun eh.. Pangarap ni kuya maging doctor
sana.. He would have been a very good doctor..”

Nilabas ko yung wallet ko. Kinuha ko yung picture naming tatlong magkakapatid.
Pinakita ko kay Alex.
Alex: “Magkamukhang-magkamukha kayo…”

“Sino mas gwapo?”

Alex: “Sira ka talaga..”

“Pero alam mo.. Pag nakakakita ko ng mag-kuya, naaalala ko si Kuya Lester. Alam mo
yung kaninang karga-karga ko si Miguel sa balikat ko.. Madalas ginagawa ni kuya yun
nung bata ko..”

Alex: "Aliw na aliw nga si Miguel eh.."

“It was very hard for us to see him in the hospital.. Minsan ayaw kaming pasamahin
ni Mama eh.. Ang payat-payat niya.. Makikita mo sa mga mata niya na nahihirapan
siya.. Sobrang nasaktan kami nung nawala siya.. Alam mo kung ano huli niyang sinabi
sa akin?”

Alex: “Ano?”

“JC, aalis ni kuya.. lagi mo tatandaan ah na mahal na mahal na mahal kayo ni kuya..
alagaan mo si marielle ah…..”

Alex: “He must have been a great brother..”

“That’s why it hurts more.. Ang hirap talaga if you lose someone very important to
you.. It made me cherish every single moment with the people I love..”

Alex: “I know.. James.. my brother.. died three years ago.. ”

“I’m sorry..”

Alex: “Pero unlike you.. he’s younger than me.. seven years old siya nung namatay
siya..”

“Anong nangyari?”

Alex: “He died because of leukemia.. mas mahirap kasi siya gamutin if you have
down syndrome..”
“Down syndrome? Your brother?”

Alex: “Yah.. Alam mo.. Ang hirap.. When James was growing up, people would always..
always look at him differently.. To others, he was abnormal.. But for us, he was a
blessing.. Sabi nga ni Mama.. siya ang angel namin.. At alam ko wherever he is right
now, he’s happy..”

“Kaya ba malapit loob mo kay Miguel?”

Alex: “Parang ganun na nga.. nakikita ko rin siguro yung kapatid ko sa kanya..”

“Haay.. Siguro.. Pinapanood nila tayo ngayon..”

Alex: “Sigurado.. Teka, ano nga palang kinalaman ng pagkamatay ng brother mo


sa----”

Marielle: “Pasensiya na.. Kanina pa ba kayo?”

Alex: “Hindi naman..”

“Marielle, hatid muna natin si Alex sa kanila..”

Marielle: “O sige.. Maaga pa naman..”

Sumakay kami ng taxi para mas mabilis na saka direcho na kina Alex.

“Bat kailangan mo pala umuwi agad?”

Alex: “Nagtext kasi yung maid namin sa bahay.. Darating na yung Tita ko galing
Canada.. Yung bunsong kapatid nina Mama..”

“Oo nga pala.. wala parents mo no kaya ikaw kailangan mag-asikaso..”

Di nagtagal nakarating na rin kami kina Alex. Pinagbuksan kami nung maid nila at
pinapasok sa loob.

Alex: “Teka lang.. kuha lang ako ng inumin saglit..”


“Hinde.. Okay lang.. Mauna na kami..”

Alex: “Naku.. hinatid niyo na nga ko.. Sige na.. Diyan lang kayo ah..”

Umalis saglit si Alex at pumuntang kitchen.

Marielle: “Wow.. ganda ng bahay nila ah.. ang laki pa..”

“Oo nga.. Ang linis pa..”

DING DONG!

Alex: [may dala-dalang dalawang basong-iced tea] “Eto o.. inom muna kayo.. Tignan
ko lang kung sino yung nag-doorbell..”

Kinuha namin ni Marielle yung iced tea at ininom saka palingon-lingon sa bahay nina
Alex.

“Aba.. Dalaga na ang pamangkin ko ah..”

Marielle: “Kaninong boses yun?”

“Baka sa tita ni Alex..”

Bumukas yung pinto at pumasok sina Alex saka yung bisita niya.

Alex: “Tita Sofia.. si Marielle ska Toph.. mga kaibigan ko pala..”

Marielle: “Ate Pia??”


Si Ate Pia?!

Chapter 25:

Tita Sofia: "I'm sorry?"

Alex: "Uh.. Sinong Pia?"

Tumingin sa akin si Marielle. Malamang gusto niyang magsalita ko.

"Uhmm.." [hinga ng malalim] "Sige.. Alex.. mauna na siguro kami.."

Alex: "Pero.."

Hinila ni Marielle yung sleeves ng t-shirt ko. Tinignan ko siya.

Marielle: "Sige.. mauna na kami.."

"Baka abutan din kasi kami ng traffic.."

Hinatid kami ni Alex hanggang labas ng bahay nila. Sumakay kami ng tricycle palabas
ng village at sumakay ng taxi papuntang bahay.

Tahimik lang kaming magkapatid habang nasa loob.


Marielle: "Sigurado ko si Ate Pia yun eh.."

"Hayaan mo na.."

Marielle: "Sa tingin mo, nakalimutan na kaya niya tayo? Ibig sabihin nakalimutan niya
na rin si Kuya Lester?"

"Marielle.."

Marielle: "Pero kuya.. siya yun.. siya yun eh.."

"O sige.. sabihin na nating siya yun.. sabihin na nating nakalimutan na niya tayo..
hayaan na nga natin siya.. ni hindi nga siya nagpuntang burol o libing ni kuya eh..
kahit bisita man lang sa ospital.. let's just.. not talk about it okay?"

Marielle: "I'm sorry.." [hinga ng malalim] "It's just that.. i suddenly remembered
kuya lester when i saw her.."

Hinawakan ko ang kamay ni Marielle.

Marielle: "He loved her so much.. so much.."

"I know.."

Mga 4 pm na kami nakarating sa bahay. Wala pa rin sina Mama at Papa pero
dumating na si Ate Tess. Tumawag daw sina Mama.. mga 7 pm na raw sila makakauwi
tamang-tama dinner na. Umakyat kami ni Marielle sa mga kwarto namin. Nagpalit ako
ng damit. Naisip kong magpuntang park para magbasketball pero pakiramdam ko
sobrang pagod ako. Humiga ko saglit. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ko.

"JC.. JC.."

Binuksan ko mga mata ko.

"Mama?"

Mama: "Dinner na.. iho.."


"Sige po.. susunod na po ko sa baba.."

Nag-hilamos muna ko at nag-ayos bago bumababa para mag-dinner. Pagtingin ko sa


wall clock. 7:30 na pala. Mahigit tatlong oras din pala kong nakatulog ah.

Papa: "So.. ano ginawa niyo buong araw? Huwag mong sabihing natulog lang kayo ah.."

"Hindi naman.. Nakaidlip lang ako kanina.. Nagpunta kaming Glorietta pagkatapos
magsimba.."

Marielle: "Musta po lakad niyo?"

Mama: "Okay naman.. May mga inayos lang kaming papeles.. Saka nag-date na rin
kami ng Papa niyo.."

"Aba. Business trip daw ah.."

Papa: "Alam niyo naman ang Mama niyo.. Patay na patay pa rin sa akin kaya ayun
pinagbigyan ko na nung niyaya akong magdate.."

Mama: "Talaga lang ha.. Papa niyo talaga o.."

Pagkatapos ng dinner. Nag-stay muna ko sa may living room at nanood ng TV.


Lipat-lipat ng channel hanggang sa napunta ko sa Star World. That's 70 Show yung
palabas. Trip ko yung show na yun. Laughtrip kasi eh saka crush ko yung Jackie dun
eh. Nung wala na kong mapanood, saka ko na naisipan umakyat.

"Ate Tess, sige akyat na po ko."

Ate Tess: "Sige.. Ako na bahala magpatay ng mga ilaw.."

"Sige po.."

Ate Tess: "Oo nga pala.. May tumawag sayo kaninang tulog ka.."

"Sino po?"
Ate Tess: "Ah.. Pasensiya na.. Di ko matandaan eh.. Di ko kasi masyado
naintindihan.."

Ngumiti ako. "Tsk.. Tsk.. Tumatanda na ata kayo.. Sige. Akyat na po ko.."

Nung paakyat na ako..

Ate Tess: "Teka.. Naalala ko na.. Larisse.. Tama.. Larisse nga.."

Napatigil ako. Bigla akong kinabahan. Ewan ko ba.

"Larisse po? Larisse?"

Ate Tess: "Tama yun nga.."

"Bakit daw po?"

Ate Tess: "Hindi sinabi eh.."

Umakyat ako papuntang kwarto ko. Eto na naman. Naririnig ko na naman ang kalabog
ng dibdib ko. Naku po..

Bad Trip. Dapat hindi na lang ako natulog!! Bad Trip talaga.. Eh di sana.. Sana narinig
ko yung boses niya sa telepono.. Sana.. Sana..

Tapos naisip ko bigla.. Kinuha ko yung backpack ko.. Hinalungkat ko yung laman.

"San na ba yun?"

Halungkat dito. Hanap doon.

"Hayan.. Nandiyan ka lang pala.."

Binuksan ko yung papel na may malalaking letrang nakasulat na APPLICANT'S


DIRECTORY.

Lumabas akong kwarto tapos kinuha ko yung phone. Haay. Buti na lang naimbento ang
cordless phone..
Hinanap ko yung pangalan niya.

[Hinga na malalim] "Kaya ko to.. Tatanungin ko lang naman siya.. Kung bakit siya
tumawag di ba.."

Tinitigan ko yung telepono. Sinimulan ko na i-dial yung number niya pero bago ko
pindutin yung huling number.

"Haay.. Sino ba niloloko ko.. Di ko kaya.. Baka.. Baka kung ano na naman masabi ko.."

Ayun. Binalik ko na lang yung phone. At humilata sa kama. Haay. Duwag. Duwag.
Duwag. Ano ba namang buhay to?!

Nagulat ako biglang nag-vibrate yung phone ko. Tinignan ko kung anong oras na.
10:30 na pala. Buti na lang di ako tumawag baka nabulabog ko pa siya. Sino naman
kaya to?

1 Message Received

Opening Message...
"Si Larisse?"

Chapter 26:

Inhale.

Exhale.

From: +63917*******
Hi. c Larisse pala to ü tnawagan kc ako ni hannah. okay lng b kung tyong 3 nina
stephen mag-ackaso ng outreach? pumayag n pala si stephen ü

Binasa ko paulit-ulit yung text. Kinuha ko yung directory. Tinignan ko kung yun nga
yung number niya. Si Larisse nga. Mga ilang minuto rin ata akong wala sa sarili. Di ko
lam kung ano i-rereply ko eh.

To:+63917*******
Hello ü ganun ba? sige, okay lang po.. ü

Tinignan ko yung reply ko. Okay na siguro to. Magrereply kaya siya uli? Teka..

To:+63917*******
Hello ü ganun ba? sige, okay lang po.. ü Uh.. Kaw po ba yung tumawag kanina?

Ayan. Sana magrereply siya uli. Pagkatapos, dagdagan yung irereply ko. Sinend ko na
sa kanya. Nakatingin lang ako sa wall clock sa kwarto ko. Maya-maya nag-vibrate na
yung phone ko.

From: +63917*******
Ah oo. Tulog ka raw kasi kanina eh. May 'po' pa talaga ah.. hehe.. ü

Napangiti naman ako sa reply niya. Nag-reply naman ako agad.

To:+63917*******
Hehe. Wala lang. ü Ano gawa mo?

I-sesend ko na sana. Kaso napatingin ako sa clock.. 11 pm na pala. Tinignan ko yung


reply ko. Kinabahan ako. Iniistorba ko na siya.. Baka kung ano isipin niya.. Saka baka
ano.. Haay ewan. Kaya pinalitan ko na lang yung reply ko.

To:+63917*******
Hehe. Wala lang. ü cge..gud nyt na po ü

Pagkatapos, sinend ko na ulit yung reply ko. Gusto ko pa sana siyang makatext eh. At
least sa text, hindi ako kinakabahan. At least sa text, hindi ako papalpak kasi na-
checheck ko kung ano irereply ko. Mga ilang minuto rin akong naghintay sa reply
niya. Pero, wala na. Di na siya nagtext uli. Baka nakatulog na siya. Nawalan ng load o
kung ano. Ewan ko pero kahit papaano medyo nalungkot din ako. Siguro nag-eexpect
din ako na magreply siya ulit. Pero.. Ganun talaga eh. Di nagtagal, nakatulog na rin
ako.

Yaaaaaawn!

Naginat-inat ako. Nagising na naman ako ng maaga. Monday na naman eh. As usual,
8:30 na naman pasok ko. Inayos ko yung kama ko tapos direcho banyo na para
maligo. Pagkatapos, nagpalit na ako ng damit saka bumaba. Nag-breakfast uli kami
ng sabay ng family ko. Ang sarap ng ulam namin ah. Tapa saka sinangag. Busog na
naman ako. Nagpaalam na ako kina Mama kasi baka puno na naman yung mga jeep at
wala na naman akong masakyan. Paglabas ko ng gate, kinuha ko yung phone ko para
patayin. Ugali ko na kasi yun, saka ko na lang uli i-oon kapag nasa school na ako.
Pagtingin ko sa phone ko..

1 message received

Binuksan ko naman. Sino naman kaya to? Nagulat ako nung nabasa ko!

From:+63917*******
ganun? ü gud nyt na rin 'po' ü tc! ü

Bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Wow. Nagreply pala siya kagabi? Di ko
mapigilang ngumiti. Bago ko in-off yung phone ko. Sinave ko na yung number niya.

"Ang ganda talaga ng simula ng araw ng to.."

Mga 8 o'clock nakarating na rin akong school. Direcho agad ako sa room namin.
Nandun na rin si Stephen.

Stephen: "Uy.. Aga natin ah.."

"Uy.."

Stephen: "Nasabi na ba sayo ni Larisse?"

"Ah.. oo"

Stephen: "Okay ka lang? Parang wala ka na naman sa sarili mo? Nakangiti ka tapos
nakatingin ka sa kawalan?"

"Wala.. Okay lang ako.."

Stephen: "Lagi ka namang ganyan.. Yung ngiti mo parang nanalo ka ba sa lotto o


ano?"
"Pano mo nalaman?"

Stephen: "Ewan ko sayo pare.."

Di nagtagal dumating din yung prof namin. Okay talaga ang araw na to. Di ko ma-
explain eh. May quiz kami sa dalawang subject. Akalain mo perfect ko yun parehas.
Kanina naman, may recitation kami. Nasagot ko yung tanong ni Ma'am. Swerte
talaga. Di ko na namalayan last subject ko na pala para sa araw na to. Maaga-aga rin
ako nakarating sa classroom. Magkakatabi yung mga kagrupo ko kaya nakisama na rin
ako sa kanila.

Emm: "Hi Romeo.."

"Uy.. Ano Meron.."

Mara: "Wala naman.. usap-usap lang.."

"Tungkol san? Sa project?"

Emm: "Hindi naman.. Kung anu-ano lang.."

Nagulat ako bigla akong kinalabit ni Alex.

Alex: "Bat ang aga niyo umalis kahapon?"

"Ah.. yun ba? Kailangan na rin namin kasi umuwi saka baka makaabala pa kami sayo
saka may bisita ka pa di ba?"

Alex: "Ah.. Bat nga pala tinawag ni Marielle si Tita ng Ate Pia?"

"Naku.. Yaan mo na.. May kamukha lang kasi yung Tita mo.."

Alex: "Ah.. ganun ba.."

Emm: "Wow.. Ayos na pala kayo.. Nice.."

Ngumit lang kaming dalawa.


Maya-maya pumasok na yung prof namin. Wala kaming activity ngayon kaya
discussion lang daw. Maaga rin nga kami natapos eh. Mga 3:30 tapos na kami. Ang
saya! Uwian na! Kaso.. Naisip ko dumaan sa org tambayan. Magpapasign na rin ako sa
applicant's sheet. Naglalakad na ako sa may hallway tapos nagulat ako may
papalabas dun sa isang room. Si Larisse?

Okay.

Inhale.

Exhale.

Binilisan ko na lang yung lakad ko. Hindi naman niya siguro ko mapapansin.

Larisse: "Uy.. Toph.."

Napapikit ako. Lumingon ako. Wala na. Nakita na niya ko eh.

"Uy.. Dito rin pala class mo.."

Larisse: "Oo. Geog1 ikaw?"

"Socsci1.. Sige mauna na ako.."

Larisse: "Sige.. San ka na?"

"Sa tambayan.."

Larisse: "Talaga? Papunta na rin ako dun eh.."

Napalunok ako. Ano gagawin ko?

Larisse: "Gusto mo sabay na tayo? Kung okay lang.. Kasi baka may dadaanan ka pa.."
"Uh.. Sige.."

Chapter 27:

Lumabas na kaming Hall at sabay kaming naglakad papuntang tambayan. Sa lahat ng


pinakaewang kausap, ako na ang pinakaewan. Wala akong masabi eh. Ano ba naman
yan. Buti na lang at nadaanan naman si si Manong Peter.

"Uh.. Ice Cream?"

Ngumiti lang siya.

"Ay. Diet?"

Larisse: "Oy, hindi ah.. Manong Peter, isa nga ho yung tulad ng dati.."

Nagulat ako. Kilala pala niya si Manong Peter?

Manong Peter: "Aba, magkakilala pala ang dalawa sa mga suki ko ah.."

"Kilala mo si Manong?"
Larisse: "Oo naman.. Eh Mahilig kaya ako sa ice cream. Kaya nagulat ako nung
tinanong mo ko.."

"Ay.. yung akin po chocolate-strawberry ah.."

Manong Peter: "So Dalawang chocolate-strawberry?"

"Isa lang po.."

Mang Peter: "Yun din yung sa kanya eh.." Sabay turo kay Larisse.

Tumawa naman si Larisse.

Larisse: "Gaya-gaya ka ah.."

"Hindi ah.. ikaw naunang nag-order pero mas nauna kong naging favorite yan.. di ba
Manong?"

Larisse: "Ah.. Ganun ah.."

Manong Peter: "O siya.. siya.. peyborit na kung peyborit.. eto na.." Sabay abot sa
amin nung ice cream. Kinuha naman namin yung kanya-kanya naming ice cream.

Binuksan ni Larisse yung bag niya at hinanap yung wallet niya.

"Uy.. Ako na.."

Larisse: "Wow.. Ililibre mo ko?"

"Hinde uy.. Sabi ko hahawakan ko lang ice cream mo para makuha mo na wallet mo..
Di ba ikaw manlilibre? Pumayag na nga akong sumabay ka sa akin eh para may
bodyguard ako.."

Larisse: "Aba.."

"Joke lang.. Manong eto po bayad.."


Larisse: "Bodyguard pala ah.."

Nginitian ko lang siya. Hindi naman. Sa totoo lang, angel nga eh. Haay. Eh di sana
nasabi ko yun di ba?

Tumuloy na kaming maglakad. As usual, tahimik na naman. Hindi ko alam kung nasa
sarili ba ko kanina? Yun na ata pinakamatinong usap namin eh. Ata?

Larisse: "Di kita maintindihan?"

"Ha?"

Larisse: "Wala lang.. Parang kakaiba ka.."

Parang kakaiba ka? Aba. Katakot naman yun.

"in a good or bad way?"

Larisse: "hmm.. secret?"

"Secret? Deodorant yun eh.."

Larisse: "Sira.. Parang ganyan.. Minsan kasi tahimik ka.. Tapos ngayon.."

I know. I know. Ewan ko. Pakiramdam ko kasi.. swerte ako ngayon dahil sa kanya..
Parang nanalo na ako sa lotto ngayong napapangiti ko siya, napapatawa. Haay.
Ngayon, nasa harap ko siya. Akalain mo. Nakangiti siya na kitang-kita yung dimples
niya. Tapos hinahangin-hangin pa ng hangin yung buhok niya. Tapos.

"Hoy.."

Nagulat ako kung sino yung tumapik sa likod ko. Si Stephen lang pala..

Stephen: "San kayo punta? tambayan?"

"Uy.. Oo.. Kaw?"

Stephen: "Oo eh.. Pero saglit lang ako.. Hi Larisse.. tambayan ka rin?"
Larisse: "Oo.. Di rin kasi ako masyadong nakadaan last week.."

Nung nakapasok na kami sa Hall, nagpaalam si Larisse. Daan daw muna siyang
canteen. Kami naman ni Stephen dumirecho ng tambayan.

Stephen: "Tahimik ka kanina ah.."

"Di ka na ba nasanay.."

Stephen: "Sa bagay.."

Kilala ko ng mga tao na medyo di masyado lapitin sa babae. Hindi ako yung tipong
unang lalapit, para makipagkaibigan o anuman. Hindi rin ako makuwento kaya lagi
akong sinasabihang suplado, mahiyain etc. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit
bumabaliktad ang mundo ko pag nasa harap ko na si Larisse. Nag-jojoke ako,
namumula, natutuyuan ng lalamunan.. Sintomas na ba to ng sakit?
Kailangan ko na atang magpatingin sa doctor eh.. Sa totoo lang..

...may tama na ata ako eh..


Chapter 28:

Gumising ako mga 8 o' clock na ng umaga. Wala na sina Mama. Malamang pumasok na
kaya nagbreakfast akong mag-isa sa baba. Ewan ko ba't di ako tinablan ng alarm
clock ko kanina. Paggising ko naman, ang bigat ng pakiramdam ko. Buti na lang 10 pa
ang pasok ko.

Buong maghapon, wala ata ako sa sarili ko. Masama pakiramdam ko. Dagdagan mo pa
na diredirecho ang class ko mula 10 hanggang 4. Wala man lang break.

Pagkadismiss na pagkadissmiss sa amin sa last class ko, labas agad ako ng room.
Pumunta muna kong canteen. Bumili ng iced tea at umupo dun sa malapit sa electric
fan. Hinawakan ko yung ulo ko at pinikit yung mata ko. Ano ba naman yan. Pano ko
uuwi nito?

Nagulat ako, biglang may tumapik sa akin.

"Uy.. okay ka lang?"

Binuksan ko yung mata ko. Nginitian ko siya at umupo siya sa may harap ko.

"Okay lang.. Medyo nahihilo ko eh.."

Hinawakan ni Alex yung noo ko.

Alex: "May sinat ka.. Nagpunta ka bang clinic?"

"Hindi.. Okay lang.. Pauwi na rin naman na ako.. Pahinga lang ako saglit.."

Alex: "Aba.. Pasaway ka rin ano ah.. Baka mamaya himatayin ka rin.. Di kita kayang
buhatin.. Kailan pa binuhat ni Juliet si Romeo.."

Ngumiti ako. Ewan ko ba pero wala akong energy ngayon. Bad trip talaga pag ganito.

Alex: "Wait.. May Biogesic ako dito.. At least matanggal man lang yung hilo mo para
makauwi ka.." Sabay binuksan niya yung bag niya para hanapin ata yung gamot.

"Naku.. Wag na.. Ano lang to siguro kasi di pa ako nakakakain.."

Alex: "Ay.. Talagang pasaway ka ah.. Di ka pa kumakain? Bakit? Teka nga.." Tumayo
siya bigla. Siguro nag-CR lang. Maya-maya nagulat ako. May dala-dala ng kanin saka
ulam, burger at spaghetti.

"Di ka rin gutom no?"

Alex: "Sira.. O Ayan. Kain na.."

"Ha? Sa akin yan?"

Alex: "Hmm.. Di naman.. Bale akin yung burger saka spaghetti.. Sayo tong adobo
saka kanin. Para makainom ka ng gamot."

Nilapag niya yung plato sa harap ko. Tapos siya naman inupakan na yung spaghetti.

Alex: "Teka.. Ba di ka pa kumakain?"

"Wala.. Wala lang.." Ako naman, sinimulan ko na rin kainin yung pagkain ko. Tinitignan
ko si Alex. Isang platong spaghetti tapos burger pa?

"Diet ka no?"

Alex: "Haha.. Pasensiya.. gutom.." Pagkatapos ko kumain, bumili ako ng mineral water.
Pagbalik ko, wala naman na si Alex. Pero nandun pa yung bag niya. Aba. Paglingon ko,
nandun.. Bumibili ng donut.

Alex: "O eto.. Biogesic.." Kinuha ko yung tablet at ininom.

"At talaga namang diet ka no.." Bumili siya ng dalawang donut? Di pa siya nabusog
kanina?

Alex: "Masarap kaya.. Gusto mo rin ano?" Tapos binibigay niya sa akin yung isa.

"Di ka ba naglunch?"
Alex: "Naglunch.. Tikman mo, masarap to.." Ako naman. Kinuha ko na yung donut.
Kinain ko.

Alex: "O ano.. Sarap?"

"Okay lang.. O sige na nga.. Masarap. Masarap siya.."

Napansin ko biglang kumaway si Alex. Tinignan ko kung sino yung kinawayan niya.

Alex: "Si Larisse.."

"Ha?"

Alex: "Siya yung kinawayan ko.."

"San? Nandito siya?" Sabay lingon naman ako at hanap kung nasan. Tapos pagharap
ko kay Alex. Tumatawa?

Alex: "Wala.. nakalabas na.. Sabi ko na nga ba.."

"Bakit? Anong sabi mo na nga ba?"

Alex: "Crush mo siya no?"

"Ha.. A-anong crush? Hindi ah.. Di ko crush si Larisse.."

Alex: "Teka, wala naman akong sinabing Larisse ah.. Sabi ko yung ano babaeng yun
o.." Sabay turo dun sa babaeng mahaba yung buhok na hindi ko naman kilala.

"Ngeee.."

Alex: "Huli ka.."

"Anong huli?"

Alex: "Okay lang yan.. Madami talagang nagkakagusto kay Larisse.. Kahit noon pa.."
Tahimik lang ako. Baka kung ano pang masabi ko eh. Mabuking pa ko lalo.

Alex: "Isa siyang triple m.."

"Triple M?"

Alex: "Maganda.. Mabait.. Matalino"

"Kaw din naman triple m ah.."

Tapos ngumiti si Alex.

Alex: "Naman.."

"Matakaw.. Macho.. Maganda.."

Alex: "Sapak gusto mo.. Di na nga sana kita sisingilin sa adobo mo eh.. 50 pesos ko?"

"Joke lang.. Sinabi ko na nga maganda eh.."

Alex: "Ngee.."

"So? Sige tuloy mo lang kwento.."

Alex: "Yun nga.. Madaming nanliligaw sa kanya.. Pero ano eh.." Sabay tingin sa akin.
"Lahat Basted."

"O Bat nakatingin ka sa akin?"

Alex: "Wala lang.."

"At bat mo nga pala kinukwento sa akin to? Di naman ako nanliligaw ah.. Di ako
interesado.."

Alex: "Sinasabi ko lang.. Haay.. Pero pag nakikita ko siya nalulungkot ako sa nangyari
sa kanila ni Paolo.."

"Paolo?" Sabay hinawakan niya yung noo ko.


Alex: "Ayan wala ka na sinat masyado.. Mukhang okay-okay ka na.." Tapos kinuha na
niya yung mga gamit niya. "Sige, mauna na ko. Ingat.."

"Ha.. Teka.. Sinong Paolo?"

Nginitian ako ni Alex.

Alex: "Kala ko ba di ka interesado ha? Buh-Bye.."

Okay?

Sinong Paolo yun?

Chapter 29:

Nakauwi naman ako ng maayos. Tumalab-talab naman yung Biogesic ni Alex. Pero
pagdating ko sa bahay, direcho tulog agad ako pagkatapos magbihis. Hindi na nga
ako nakapagdinner eh.

Maaga ako gumising kinabukasan. Eh mga 6 ata ng gabi tulog na ako eh. Ayos na
pakiramdam ko. Buti naman. At dahil Miyerkules, walang pasok. Tambay na naman
ako sa bahay. Haay. Nag-breakfast kami sabay-sabay nina Mama, Papa saka
Marielle.

Mama: "May lakad ka ba iho?"

"Wala.. Dito lang po ko bahay.."

Marielle: "Ay, Ma.. May papabili po pala ko sa inyo, kailangan ko sa school bukas eh.."

Mama: "Naku, may board meeting ako mamaya.. Wala akong time.. Pa?"

Papa: "Gagabihin din ako ngayon eh.."

Mama: "JC.. kaw na lang, pwede?"

"Sure, ano bang bibilhin?"

Marielle: "Konti lang naman.. nasa may malapit sa telephone yung list.."

"Okay.."

Mga 9 o' clock ako naligo. Nanood muna ako ng TV. Mga 10:30 ako nagbihis tapos
saka nagpaalam kay Ate Tess. Habang nasa taxi, binuklat ko yung papel na iniwan ni
Marielle.

"Hmm.. Eto lang pala eh.. 2 1/8 illustration, 2 black cartolina, art paper, 1 inch styro
balls..."

Dumirecho na ako agad ng National Bookstore para bilhin yung mga kailangan ni
Marielle. Kumuha ko nung red na basket at nagikot-ikot na sa loob para kunin yung
materials. Bumili na rin ako ng 3 bagong ballpen ko. Pawala na yung tinta eh nung akin
eh. Kinuha ko ulet yung papel at chineck yung mga kailangan niya habang naglalakad.
"illustration board.. checked.. cartolina.. checked.. art paper.. checked.. styro balls..
checked.. nap--" Nanlaki mata ko. Bat hindi ko to napansin kanina?!

"ARAY!" Hala. May nabunggo pala ko! Pagtingala ko kung sino. Aba naman.

"Uy.."

Alex: "Ano ginagawa mo dito? Ang sakit nun ah.."

"Sorry ah.. May pinapabili kasi sa akin si Marielle.. Sige.."

Alex: "Sige.. may bibilhin lang din ako.."

Umalis din si Alex. Naiwan ako dung nakatitig dun sa papel. "Anong gagawin ko?" Sa
totoo lang, di ko talaga nakita to kanina eh. "Napkin?" Iisipin ko sana yung napkin na
napkin kaso napkin na 'girl thing' ika-nga nga ni Marielle kasi may nakasulat pang
brand eh.

"Naku po.." Habang piniproblema ko kung pano bibili, pumila na rin ako sa counter.
Tapos nabaling ang tingin ko kay Alex, nandun siya sa may books section.
Naghahanap ata ng libro.

"Alam ko na.." Pagkatapos, kung bayaran yung mga pinamili ko. Pinuntahan ko na si
Alex. Tumayo ko dun sa harap niya.

Alex: "Ano ginagawa mo diyan?"

"Anong hinahanap mong libro?"

Alex: "Ha? House of Spirits. Kailangan ko kasi si Eng12.. Bakit?"

Pagkasabi niya nun, umalis ako agad. Pagbalik ko dala-dala ko na yung librong
hinahanap niya. Paano? Kasi nakabili na ko nun dati kaya lam ko na kung san
nakapwesto yun.. nag-Eng12 din kasi ako.

Alex: "Okaaay? Thanks.." Nagsalubong yung kilay niya. Nagtataka ata. Pumunta siya
sa counter para magbayad. Sinundan ko naman siya.
Alex: "Hmm.. Kung di tayo magkakilala, mapagkakamalan kitang stalker ah.."

"Grabe ka naman.. Sinasamahan ko lang naman yung kaibigan ko ah.."

Alex: "Talaga lang ha?"

Pagkatapos niyang magbayad. Lumabas na siyang bookstore. Ako naman sunod pa rin.
Makulit ako pag may kailangan eh. Kinalabit ko siya. Lumingon naman siya.

"Uhmm.. Favor?"

Alex: "Kaya pala ah.."

Nilabas ko yung listahan. Tapos tinuro ko yung pinapabili ni Marielle. Natawa siya
bigla.

Alex: "Kaya mo na yan no.." Tapos nagpatuloy siya maglakad. Ano ba naman tong
babaeng to? Hinabol ko naman siya.

"Uy. Sige na.."

Alex: "May mga kailangan pa kasi akong bilhin eh.."

"Okay.. Samahan kita.. Ako magdadala ng mga bibilhin mo.."

Tinignan naman niya ko tapos ngumiti siya.

Alex: "Talaga lang ha?"

"Opo.."

Ayun. Kinuha ko na rin yung dala-dala niyang libro. Tapos sinamahan ko siyang
maglibot sa mall. Okay din ang mga trip nitong si Alex eh. Kala ko pupunta kami sa
mga kadalasang pinupuntahan ni Marielle tulad ng Body Shop, Watsons, Cinderella.
Pero hindi eh. Unang pinasukan namin, Odyssey, sunod American Boulevard, Human,
Guess. Yung mga nabili niya, cap, cap uli, DVD, at t-shirt ata yung huli. Pumunta
kaming department store naman, akala ko kung san kami pupunta. O Hinde.. mukhang
alam ko na kun san.
"Psst.."

Alex: "Bakit?"

"Dun ka ba pupunta?" Tinuro ko yung Lingerie Section.

Alex: "Hmm.. Pano mo nalaman? Nagdududa na talaga ko sayo ah.." Sabay tawa.

"Ngee.. Sige, mauna ka na. Hintayin na lang kita dito sa may malapit sa counter."

Alex: "Ano ka hilo?"

"Ba--Bakit?"

Alex: "Madami kasi akong kailangang bilhin. Pinapabili ni Lola Papadala ko sa US yun
eh."

"So?"

Alex: "Kala ko ba ikaw magbibitbit?"

"Ano??"

Alex: "Sige.. Okay lang.."

"Fine.. Fine.." Ako naman sumunod sa kanya. Palingon-lingon naman ako at baka may
makakita sa akin. Si Alex naman panay buklat ng underwear. Ano ba naman to.

Alex: "Hmm.. Toph.. Sa tingin mo okay na ba yung L o XL yung Lola ko?" Sabay
pakita pa sa akin nung underwear. WAAAAAAAAAAAAAAHHH. Tulong?!

Pagkatapos ng 1 million years, natapos din ang pagbili ni Alex. Ang dami ngang
pinamili ni Alex. At ako ang pinagdala niya ha?! Pinagtitinginan nga ako nung mga
salesday dun eh. Grrrrr.

"O Ayan.. Tapos pwede ako naman.."


Alex: "Oo na.. Bibilhin ko na.."

Pumunta na rin sa wakas si Alex sa Watsons para bumili nung pinapabili ng utol ko.
Pagkabigay na bigay niya sa akin nung plastic, kinuha ko agad tapos binigay ko na rin
sa kanya yung mga binili niya.

"Sige.. uwi na ko.."

Alex: "Wait.."

"Bakit? May bibilhin ka pa?"

Alex: "Hindi naman.. Baka kako gutom ka na rin?"

"Eh kung lilibre mo ba naman ako di ba? Okay lang sana. Di mo rin naman ako
masyado pinagod?"

Alex: "Hmm.. Sorry na.. Libre ko.."

"Aba.. Sige ba.."

Naglakad kami ni Alex papasok ng McDo. Biglang nagvibrate yung phone ko.

1 message received

opening message..
From: Marielle
kuya, nkalmutan ko. wag mo na bilhin yung huling cnulat ko ha. cge. ingat.

"Ano daw??!!!"

Chapter 30:

Hinga na malalim. Pagkatapos ng lahat ng yun?! Ano ba naman yan.. Pumasok akong
McDo at sinundan si Alex sa may counter.

Alex: "Isang 2 pc chicken, iced tea, large fries, saka chocolate sundae.. ikaw?"

Grabe ring tong babaeng to ah. Pero mukha namang hindi siya nataba?

"Uh.. Kahit ano kaw bahala.."

Alex: "Same din nung kaninang sinabi ko.."

Ha??

"Sige.. ako na lang magbabayad nung akin.."

Alex: "Hinde.. sabi ko lilibre kita eh.."

Nung binigay na yung order namin. Ako na lang nagdala nung foodtray. "Sige ako na
magdadala." Tapos sinundan ko siya.

Nung naghahanap na kami ng mauupuan, may tumawag sa akin bigla. “Uuy.. Toph..
pare..” Si Mark pala, classmate ko sa Math ngayong sem.

“Uuy.. Dito ka rin pala..” Tapos, umupo kami dun sa nahanap ni Alex na upuan.

Alex: “Sino yun?”

“Classmate ko sa Math..”

Alex: “Sino yung kasama niya?”

“Malay ko.. Baka girlfriend.. nakasandal sa kanya eh..”

Alex: “Ganun? Eh Nakita ko rin siya nung isang araw may ka-holding hands na babae
sa campus.. kung di ako nagkakamali siya yun eh..”

“Baka nga..” Tapos sinimulan ko ng papakin yung chicken ko.

Alex: “Oh well.. what’s up with you guys?”


“Ha?” Ang sarap talaga ng chicken pag sinasawsaw sa gravy ah.

Alex: “Can’t stick to just one girl?”

Natigilan ako dun ah. Bat biglang napunta dun usapan? Si Mark kasi eh..

“No Comment?” Tumaas yung kilay ni Alex. “Siguro para sa iba exciting yun..”

Alex: “Ganun? Ikaw ano naman ang opinion po sa mga ginagawa ng mga kapwa mo?”

“Haay.. Uh.. Mali.. Mali yun kasi hindi mo dapat pinaglalaruan ang damdamin ng iba...”

Ngumiti si Alex.

Alex: “Wow.. San mo nakuha yun ah?”

“Pinag-isipan ko naman yun ah..”

Alex: “Alam mo tama ka diyan..”

“Ako pa.. Joke lang.. Pero ganun naman yun di ba.. saka ang love love na yan.. minsan
kasama diyan yung mga risks.. tulad nung masasaktan ka.. iiyak.. nasa sayo na yun
kung handa ka i-take yun..” Tapos kumagat na ako dun sa burger ko.

Alex: “Eh bat ikaw ayaw mong i-take yung risk?”

“Hindi pa ko handa eh.. Ayoko pa masaktan.. at lalong ayokong makasakit..” Tapos


kumagat uli ako sa burger ko.

Alex: “Lahat naman tayo.. Ganyan talaga.. Teka, ano pala yung sinasabi mo tungkol sa
kuya mo dati?”

“Ayokong matulad sa kanya.. Naalala mo yung si Pia? Siya yung girlfriend ni kuya..
Alam mo ba ni anino niya di ko nakita nung nagkasakit yung kapatid ko.. Anong klase
yun?!” Nag-iinit dugo ko pag naalala ko.
“Mahal na mahal pa naman siya nung kuya ko.. Walang ibang bukambibig kung hindi
siya pag nagkukwento.. Saka lam mo siya ang first.. and last girlfriend niya.. Kaya
mula nun.. siguro.. natakot na rin akong masaktan kasi nakita ko kung pano nasaktan
si kuya.. minsan sa ospital, tulog siya nun.. binabanggit pa niya yung name nun tapos
makikita mo naluluha siya..”

Alex: “Ang paranoid mo..”

Ha?

“Ano??”

Alex: “Ang sinasabi ko lang..Wag mong isipin na matutulad ka sa kuya mo.. O kaya
makakakita ka ng tulad nung Pia na sinasabi mo.. Kasi iba-iba tayo ng kapalaran..”

“Ewan ko.. Basta..” Kinuha ko yung sundae ko tapos tinikman. Naisip ko din yung
sinabi niya. Siguro nga tama siya. Pero pinangungunahan pa rin ako ng takot.

Alex: “Minsan sa buhay kailangan magtake ng risks.. Ganun talaga.. Kaya i-try mo..
Lalo na ngayon.. nandiyan na si Larisse..”

Umiinom pa naman ako ng iced tea nun. Muntik na kong mabilaukan ah.

“Ano?”

Alex: “Hmm.. Naging magkaklase ba kayo ni Larisse dati?”

“Uh.. Last year.. Sa Math.. Bakit?”

Alex: “Tignan mo.. Isang taon na? Grabe ah.. Balita ko sinisilip-silip mo pa siya bago
sumakay ng kotse niya no?”

Hala? Teka.. Paano niya nalaman yun?

“Paano mo nalaman??”

Tapos bigla siyang tumawa.


Alex: “Hindi nga?? Wala lang… Hula lang..”

Grrrr. Grabe tong babaeng to. Nadala ko dun ah.

Tapos nagseryoso siya.

Alex: “You know what? A lot of guys have courted her in the past.. Most of them
are jerks..”

“Ha?”

Alex: “Pramis.. Kala yata nila trophy si Larisse eh.. Yung iba magkakabarkada pa..
sabay nanliligaw.. Buti nga… Basted..”

“Aah..” Di ko alam kung ano pa sasabihin ko kasi klarong-klaro na sa akin na basted


silang lahat.

Alex: “Ewan ko ba.. Paano napasagot ni Paolo yun..”

Ah. So yun pala si Paolo. Boyfriend ni Larisse.. Ano??! May boyfriend na siya?

Alex: “Si Paolo.. Pinsan ko yun.. Ka-age din natin.. Nakita niya yung isang picture na
meron ako na kasama ko si Larisse.. Mula noon kinukulit-kulit niya ko sa number
niya.. Deadma lang ako kasi kilala ko si Paolo.. Chickboy yun sobra.. Hindi ko alam
kung paano pero nakuha pa rin niya yung number.. Sinabi lang sa akin ni Larisse na
nagtetext sa kanya.. Ako naman.. Deadma ulit. Kasi di ba wala nga siyang sinasagot
sa mga nanliligaw sa kanya? Kaya grabe.. nagulat ako nung nalamang kong sila na ng
mga May ata bago mag-third year.. Gulat talaga ko nun. Pero nung nakita ko naman si
Larisse, masaya naman siya. Mga August kasi umalis na ko ng Pilipinas, at lumipat sa
Canada. Kaya wala na akong nabalitaan sa kanila. Nalaman ko na lang by September,
break na sila.. Sino nakipagbreak? Si Paolo.. Grabe talaga.. Kung hindi ko lang siya
pinsan.. Naku po..”

Kahit di ko pa nakikita yung Paolo na yun. Gusto ko nang sapukin.

Alex: “Sobrang guilty nga ko eh.. Kasi parang ako may kasalanan kung bat nakilala ni
Paolo si Larisse.. Saka dapat sinabihan ko na agad si Larisse o kaya pinigilan ko na si
Paolo.. Basta..”

“Ano ka ba? Sadyang sira-ulo lang talaga yung pinsan mo..” Tapos ngumiti si Alex.

Biglang tumunog yung cellphone ni Alex. Kinuha niya tapos binasa. Ngumit siya.

“Bakit?”

Alex: “Ha.. Wala.. Tignan mo to.. Sabi kasi.. Parang Based sa isang study ang number
1 na hinahanap ng mga lalaki ngayon, beauty inside and out.. yung mga babae naman..
sense of humor.. Wala lang.. Tapos ka na kumain? Halika na?”

Tapos tumayo na kami at lumabas ng McDo.

Sense of Humor daw? Hmmm..


Chapter 31:

Nasa kwarto ako ngayon. Nakatingin sa may ceiling. Naisip ko rin yung mga sinabi ni
Alex. Babae pa nagsabi sa akin ah. Sa bagay, di ko pa rin naman nasasabi yung
tungkol dun kay Stephen. Di rin naman palatanong yun. Siguro nga paranoid lang ako..
Pero natatakot pa rin ako..

Naalala ko bigla si Larisse.

Oo. Gusto ko nga siya. Masaya ko pag nakikita ko siya. Basta...

Gagawa na kaya ng move? Haay..

Tapos kinuha ko yung phone ko. Nagcheck ako kung may bagong messages tapos
nagkataon nandun pa yung mga reply ni Larisse last time. Kumuha ako ng maliit na
notebook dun sa cabinet ko. Kinopya ko yung mga reply niya. Tapos naalala ko yung
sinabi ni Alex..

"Sense of humor daw ha.." Tapos nagbrowse ako ng mga messages sa phone ko.
Tinignan ko kung ano yung mga nakakatawa talaga.

To: Larisse
Daddy: anak,bli mo ko ng softdrinks.
Anak: coke o pepsi?
Daddy: coke
Anak: diet o regular?
Daddy: regular
Anak: bote o can?
Daddy: bote
Anak: 80z o litro?
Daddy: tubig na lng!!!
Anak: mineral o natural?
Daddy: mineral
Anak: malamig o hindi?
Daddy: hampasin kta ng walis e!!!
Anak: tambo o tingting
Daddy: HAYOP ka!!!
Anak: baka o baboy
Sana napangiti ko man lang siya kahit papano. Maya-maya biglang nag-vibrate yung
phone ko.

From: Larisse
uy.. ang kuleet nun ah.. natawa talaga ako dun.. hehe. tnx.

Sobrang napangiti talaga ko nung nabasa ko yung reply niya. Haay. Huminga ko ng
malalim. “Ano kayang gagawin ko? Lord.. help naman diyan..” Napatingin ako dun sa
notebook ko. “Hmm..” Tapos nagsimula na akong magsulat. Mga simpleng notes lang.
Kung anong nararamdaman ko pag nakikita ko siya.. Kung pano ko sumasaya pag
ngumingiti siya.. Kapag kinakabahan ako pag nandiyan siya.. Haay.

Maya-maya di ko namalayan nakatulog na pala ko.

Nagising ako ng di oras dun sa alarm ko. Inayos ko yung kama ko tapos direcho c.r
agad para maligo. Kinuha ko yung backpack ko tapos hinablot ko na yung mga gamit
na makita ko. Nag-ayos ako tapos bumaba agad para magbreakfast. Unang bumati sa
akin si Marielle.

Marielle: “Kuya!! Naku.. Thanks talaga ha.. Binili mo pa rin ako ng napnap kahit sinabi
ko huwag na.. Kasi kala ko baka diyahe sayo yun di ba? Pero binili mo pa rin ako..”

Mama: “Aba.. Totoo ba yun?”

Ngumiti lang ako. Naku po. Kung alam lang nila.. Nagpaalam na rin ako sa kanila maya-
maya at sumakay ng jeep papuntang MRT. Mga 8 am nasa campus na ako. At ang
sumalubong sa akin sa board?!

No class today. We’ll meet next Monday. Don’t forget to bring again your take
home quiz.

“Di ko alam kung ngingiti ako o mababadtrip.. Haay..” Ang aga-aga ko nagising tapos
ganito. Buhay nga naman. Pag labas ko ng room, nakasalubong ko si Stephen. “Uy..
Wala tayong class..”

Stephen: “Ano?! Ano ba namn yan.. San ka na punta ngayon?”


“Ewan ko nga eh.. Kaw?”

Stephen: “Samahan mo naman ako.. Philcoa tayo..”

“Sige ba..” Pumunta kaming parking lot tapos sumakay na ko sa kotse niya. Nagpark
siya sa may harap ng McDo. Akala ko kakain siya tapos dumirecho lang siya sa may
loob. Sinundan ko naman siya. “Pare, san ka ba pupunta ha?”

Tapos biglang tumigil kami sa may isang shop. Flower Shop?!

Stephen: “Ano kaya magandang bilhin?”

“Teka.. teka.. Bibili ka?”

Stephen: “Malamang.. Ano ka ba?”

“Aba.. May pinopormahan ka ba ngayon?”

Stephen: “Tol.. this time tinamaan na ko..”

“Mukha nga.. hindi mo nga binibilhan ng bulaklak yung dalawa mong naging girlfriend
eh..”

Stephen: “Iba to pare..”

“Sige na.. Sabi mo eh..”

Pagkatapos niyang makapili, saka kami nagmeryenda at tumambay saglit sa may


McDo.

Stephen: “Halika na..”

Tumingin ako sa watch ko. Teka, ang aga pa ah. Eh parehas kaming 11:30 pa ang next
class eh 9:30 pa lang halos.

“Ang aga pa ah..”


Stephen: “Bibigay ko na sa kanya to..”

Sumunod na lang ako sa kanya sa kotse tapos nagpark siya uli sa may parking lot.
Nagpunta kami dun sa may likod ng library.

“Dito pa talaga kailangang magkita ah..”

Umupo kami dun sa mga benches dun. Ang tagal ha. Sino kaya yung babaeng sinasabi
ni Stephen?

Stephen: “Ayan na siya..”

Lumingon ako. Hinahanap ko kung sino yung sinasabi niya. Tapos biglang may
kumalabit sa akin. Nagulat pa ko. Si Alex lang pala.

Alex: “Uy.. Sino hinahanap mo diyan ah?”

“Uy.. Yung babaeng sinasabi ni Stephen..”

Alex: “Aaah..”

"Asan na ba yun?"

Tapos kinalabit ako ni Stephen.

Stephen: “Kausap mo na tsong..”


"Ha?!" Si Alex?

Chapter 32:

"Teka.. You mean.. Ikaw.." Tinuro ko si Stephen. "At ikaw?" Tinuro ko si Alex.

Tapos nagkatinginan si Alex saka Stephen. Ngumiti sila. Tapos biglang tumawa.
Sobrang tawa talaga.

"May nakakatawa ba dun sa sinabi ko?"

Alex: "Sabi ko na nga ba yun ang iisipin mo eh.. Ano ba sinabi mo?" Tingin kay
Stephen.

Stephen: "Pare.. may tama na ata ako.." With facial expression pa.

"Pinagloloko niyo ba ko?"

Stephen: "Halika nga.." Tapos umupo mo kami dun sa may table dun.
"Paki-explain nga ang mga pangyayari.."

Stephen: "Ganito kasi yun.. Kinausap ko si Alex na kausapin ka.."

"Ano?!"

Stephen: "Kasi naman no.. Tol, bestfriend mo ko pero halos di mo naman ako
sinasabihan ng mga sikreto mo.. Kung di dahil kay Alex di ko malalaman yung tungkol
sa naging syota ng utol mo.. Gusto ko na nga magtampo sayo eh.."

"Teka.. Ano?"

Stephen: "Saka gusto ko na rin iconfirm kung may gusto ka nga kay Larisse?"

"Pano siya napasok dito?"

Stephen: "Ano ka ba.. Kahit papaano naman napapansin ko yung mga tingin mo sa
kanya no.. Saka natatandaan mo yung isang beses na bumaba yung isang babae sa
kotse tapos nakatitig ka sa kanya? Namukhaan ko na si Larisse yun nung App's
orientation.."

Kaya pala parang sinabi agad ni Alex na may gusto ako kay Larisse si Stephen pala
nagsabi sa kanya.

"So para san yung flowers.."

Tumingin si Stephen kay Alex. Tapos ngumiti si Alex.

Alex: "Basta.."

"Ha?"

Stephen: "O ano na.. ligawan mo na ha.."

"Pero.."

Stephen: "Tol.. Wala ng pero-pero.."


Mga 11:00 naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. Pumunta kami sa kanya-kanyang class
namin.

Ang tagal kaming dinismiss dun sa 1:00 class ko. Akala ko nga malelate na ko sa next
class ko eh. Pagdating ko sa room, halos kasabay ko lang pumasok yung prof. ko. Sa
sobrang pagmamadali ko, nadulas ako papasok sa room. Bad trip talaga. Eh
nakalimutan ko palang isara yung backpack ko kaya nahulog yung maga gamit ko.
Hinablot ko na lang yung mga makita ko. Buti na lang nasa bandang harap si Alex
kaya tinulungan niya ko magpulot.

Discussion lang ulit kami. Napatingin ako kay Alex. Naalala ko bigla yung flowers na
binigay ni Stephen. Wala naman sa kanya. San kaya napunta yun? Nahiya siguro
magdala ng bulaklak sa campus. Maya-maya dinismiss na kami. Pumunta agad akong
tambayan. Nandun si Leila at Jeffrey.

Leila: "Uy.. Kayo pala nina Stephen saka Larisse mag-aayos ng outreach?"

"Oo nga raw.."

Jeffrey: "May nakita na kayo?"

"May mga pinagpipilian pa kaming mga lugar.."

Leila: "Ayan na pala si Larisse o.."

Lumingon ako. Nagulat ako. Bat ganun?!

Jeffrey: "Wow.. May flowers.. Hanep.."

Larisse: "Oo nga eh.. Nagulat ako.. May isang bata kanina.. Iniabot sa akin to.."

Leila: "Ang sweet naman.."

Jeffrey: "Kanino kaya galing? Tignan mo may card o.." Sabay turo.

Kinabahan ako. Kinuha ni Larisse yung card. Di ko napigilan yung sarili ko. Kinuha ko
sa kanya bago pa niya mabasa.
Larisse: "Uh.. Toph?"

"Ah.. Eh.. Beautiful flowers for a beautiful lady.. From.. Romeo??" Tapos binalik ko
yung card sa kanya.

Larisse: "Romeo.. Ano yun real name niya kaya.."

Naku po. Kilala ko na kung sinong may pakana nito. Yung mga yun talaga. Aatakihin
ako sa puso ng di oras eh.

May pa-Romeo.. Romeo.. pang nalalaman..

Chapter 33:

Pagdating ko sa bahay tinext ko agad si Stephen. Tong mga to talaga.

To: Stephen
Hoy! Ano na nmang gnawa nyo at pnbgay nyo kay Larisse yng flowers?

Tapos sinend ko na sa kanya. Maya-maya nagreply naman agad.

From: Stephen
Ha? Anong Flowers?

Aba. Kunyari pa to ah.

To: Stephen
Pg d ka umamin, tatawagan ko si Vina. Patay k dun.

Si Vina yung girlfriend ni Stephen dati.

Nagreply naman agad.

From: Stephen
So nagustuhan niya ba yung flowers? hehe.

Sabi ko na nga ba eh. Yung mga yun talaga.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Inayos ko na yung mga gamit ko. Sira na pala yung
zipper nung bag ko kaya di masarado ng maayos eh.

"Haay.." Naalala ko na naman si Larisse. Isusulat ko nga yung mga nangyari ngayon.
Hinanap ko yung blue na notebook ko sa desk ko. Wala naman. "Nasan na yun?!"
Bumaba ako. Tinanong ko si Ate Tess. "Ate Nakita mo ba yung blue na notebook ko
sa taas?"

Ate Tess: "Hindi eh.. Di ako nakapaglinis ngayon diyan.."

"San na kaya napunta yun.." Kinabahan ako bigla. Dinala ko ba siya sa school? Hindi
ko na kasi matandaan. Nagmamadali na kasi ako. Pano kung nadala ko nga?
Hinalungkat ko na naman yung gamit ko sa bag ko. Pero walang blue na notebook.

"Sa bagay.. wala namang nakasulat na pangalan dun.."

Humiga ako sa kama. "Kaso sayang.. sayang yung mga naisulat ko.." Maya-maya
nakatulog na ako.

Late na ako nagising. Mga 7:00 na ata. Wala na sina Mama saka Papa. Nagbreakfast
ako mag-isa. Naligo at nag-ayos tapos direcho school na. As usual, direrecho na
naman ang class ko kaya heavy breakfast ang kinain ko.

Sumakit pa ang ulo ko pagkatapos ng Math ko. "Grabe yun ah.." Nag-exam kasi kami,
first exam pa man din. Halos mga 15 items ata yun pero worth 65 points all in all.
Sana naman ayos yung grade ko dun.

Mga 3:30 natapos yung last class ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung dadaan akong
tambayan. Pero in the end, dumaan na rin ako. Naabutan ko lang na kapwa ako
applicant din, sina Leila sak Larisse. Wow. Ganda naman ng araw ko.

"Uy.." Bati ko.

Tinignan lang nila akong dalawa tapos bumalik sa ginagawa nila. May binabasa ata
sila. Ayoko namang makiosyoso baka kung ano pang sabihin nila.

Leila: "Ang sweet.. Siguro yan din yung nagbigay sayo ng flowers.."

Pagkarinig ko palang nun. Kinabahan na naman ako. Ano na naman to?!

Biglang dumating si Stephen. Hinila ko papalayo.

"Ano na namang ginagawa niyo?"

Stephen: "Ha?"

"Di nga?"

Stephen: "Wala.. Wala akong alam diyan.."

Lumapit kami ulit kina Larisse.

Stephen: "Ano yan.." Sabay turo dun sa binabasa nila.

Leila: "Parang personalized card para kay Larisse.."


Tapos binasa niya.

"The first time I saw you.. Your smile made my heart beat faster as it could.. Each
day, Each night you never left in my mind, my sight.. and in my heart.."

Stephen: "Okay ah.."

Tapos biglang bumulong sa akin si Stephen.

Stephen: "Hindi ako gumagawa niyan.."

"Alam ko.."

Galing yun sa notebook ko eh..


Chapter 34:

Mga ilang oras din akong nag-stay dun sa tambayan. Nagpasign ako dun sa mga
members na nandun. Mga 5:30 ata ako umalis at nagpaalam umuwi.

"Sige.. mauna na ako.."

Stephen: "Sige.. pare.. oo nga pala.. kailangan natin titignan yung mga tinawagan
nating lugar para sa outreach?"

"Ah. Kayo.." Tinignan namin si Larisse.

Larisse: "Kayo bahala.."

Stephen: "Gusto niyo bukas ng Wednesday para matapos na.."

"Okay.."

Larisse: "Fine.."

Nagpaalam na ko sa kanila tapos sumakay ng jeep papuntang sakayan ng MRT at


direcho uwi na.

Pagdating ko sa bahay, nagpalit ako ng pambahay agad at humiga sa kama. Nagulat


ako nang may napansin akong short brown envelope na nakatape pa sa may desk ko.
Kinuha ko tapos binuksan ko. Aba.

Yung blue notebook ko! May note pang nakasulat.

"Ang buhay parang pagsakay sa bisekleta.. Minsan natatakot kang sumakay sa una..
Kasi baka mahulog ka, baka masugatan ka.. Kapag nakasakay ka na, may aalalay sayo
at biglang tutulak ng napakalakas para umandar ka lang.. Kapag tinulak ka, malamang
magagalit ka sa una.. Pero di mo mamamalayan.. kaya mo na pala mag-isa.."

"Hmm.. kanino naman galing to?" Sinilip ko ulit kung may nakasulat dun sa notebook
ko. Kung may pangalan man o ano pero wala eh. Sakto biglang pumasok si Ate Tess sa
kwarto ko.
Ate Tess: "Iho.. Mga pantalon mo o.. Kakaplantsa ko kanina.."

"Sige po.. Pakilapag na lang po sa kama.."

Ate Tess: "Okay.."

"Uh.. Kanino po pala galing to.." Sabay pakita ko nung envelope.

Ate Tess: "Ay.. hindi ko lang alam.."

Nagtaka naman ako. Pano naman mapupunta sa desk ko to? Kinagabihan, kumain kami
ng dinner nina Mama't Papa.

"Ay.. Bukas po pala may lakad ako.. May aasikasuhin po ko para sa inaayos naming
outreach.."

Mama: "Ganun ba? San ba kayo pupunta?"

"Sa may bandang Quezon City lang po muna kami titingin.."

Marielle: "Ah.. Kuya.. Nakita mo na ba yung pinatong ko sa desk mo?"

"Ha? Sayo galing yun?"

Marielle: "Pinabigay lang sa akin ni TJ yun eh.."

"Si TJ?"

Tapos naalala ko bigla. Ah. Siya pala kumuha.

Si Alex.

Kinabukasan, mga 9:00 ako nagpuntang school. Sabi nina Larisse sa may harap ng
library kami magkita-kita. Makikisabay na lang kami kay Stephen para iisang
sasakyan na lang yung gamit namin. Pagdating ko dun, nandun na nakaupo si Larisse.

"Uy.. si Stephen?"
Larisse: "Wala pa eh..

"Uhmm.. Kanina ka pa?"

Nakakahiya. Siya pa nauna sa amin.

Larisse: "Hindi naman.. Kanikanina lang din.."

Tinignan ko yung relo ko. 9:45 na halos. Sa bagay, ang usapan naman namin is 10:00
am.

Biglang nagvibrate yung phone ko..

1 message received

Opening..

From: Stephen
tol, cencia d ako mkkapunta, yaw ako pygan ni mama. sama ng pakrmdam ko.. taas
lagnat ko.
Te-teka.. Pano na to?!

Chapter 35:

Hinga ng malalim. Magsasalita sana ko.. Kaso naunahan niya ko..

Larisse: "Naku.. nagtext si Stephen.. May sakit daw siya.."

Pag wala talagang sakit si Stephen, patay sa akin yun.

"Oo nga eh.. Pano yan?"

Larisse: "Hmm.. okay lang naman sa akin magcommute eh.."

"Sige, punta na tayo sa may sakayan.. Isang sakay lang naman papunta dun tapos
tricycle ata.. Yun yung sabi ng tumawag ako.."

Larisse: "Tara.."

Naglakad kami papuntang sakayan. Mahaba-haba rin yung pila. Nung dumating na
yung taga-kulekta ng bayad, binigay ko na yung 20 pesos. "Manong dalawa ho." Tapos
napatingin sa akin si Larisse.

Larisse: "Naku.. Nakakahiya.. Ako na lang magbabayad sa tricycle mamaya.."

"Okay lang yun.. Sisingilin ko naman si Stephen kasi siya dapat transpo di ba?" sabay
tawa siya. Sisingilin ko talaga yung Stephen na yun. Naku po.

Sumakay na kami ng jeep. Tapos bumaba dun sa may mga tricycle. "Kuya dun po sa
may Children's Paradise." Yun yun pupuntahan naming orphanage. Titignan naman
kung pwede kami dun mag-organize ng outreach.

Binaba kami dun sa may kanto. Medyo masikip na yung daan papunta dun kaya di na
kasya yung tricycle. Inunahan ko na magbayad si Larisse. Nakakahiya naman kung
siya pagbabayarin ko. Sabi nung driver, direchuhin lang namin yung daan. Naglakad-
lakad kami nang biglang..

AAARFF.. AARF. ARF..

Larisse: "Toph.."

Napatigil kaming dalawa. Nagulat ako biglang humawak si Larisse sa sleeves ng shirt
ko. Nagtawag pa ng backup. Biglang may lumabas pang isang aso. Lumakas tuloy yung
tahol nila.

"Huwag ka tatakbo.."

Dalawang kamay ni Larisse na yung nakahawak sa left arm ko, di na sa shirt ko. Ang
higpit nga nung hawak niya eh. Rinig na rinig ko na yung paghinga niya eh. Takot na
takot siya.

Larisse: "Ta-takot ako sa a-aso.."

"Di naman siguro tayo kakagatin niyan.. Dahan-dahan lang tayo maglalakad.."

Dahan-dahan kaming naglakad kaso palakas ng palakas yung tahol nila. Naramdaman
ko na lang biglang bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Larisse.
Tumakbo siya!

"Larisse!!"

Hinabol tuloy siya ng aso. Napatakbo tuloy ako para habulin sila. Biglang lumabas
yung isang lalaki dun sa isang gate. "Blackie.. Brownie.." Tapos tumakbo papasok yung
mga aso dun sa gate. "Pasensiya na.." Sinarado niya yung gate. Lumingon ako.

"Nasan na siya.." Pagtingin ko sa kaliwa nandun siya.


Hala. Tumakbo agad ako para puntahan siya.

"Anong nangyari.."

Larisse: "Toph, ang sakit.." sabay turo niya dun sa paa niya. "Natapilok ako nung
tumakbo ako eh.."

Kinarga ko siya. "Pano yan?" Pagtingin ko dun sa dulo ng kalsada may naka paskil na
CHILDREN'S PARADISE, "Dito lang pala.." Pumunta kami dun sa may gate. "Tao
po?" Tapos maya-maya may lumabas na babae. "Nandiyan po ba si Ms. Vergel?" sabi
ko. "Ako nga.. Sino sila?"

"Kami po yung tumawag nung isang araw.."

Ms. Vergel: "Ganun ba? Pasok kayo.. Dali.. Teka, anong nangyari?"

"Natapilok po siya kasi hinabol kami ng aso.."

Pinaupo kami dun sa sofa nila sa loob.

"I-stretch mo nga yung kaliwang paa mo.." Nilagay ko yung paa niya sa lap ko at
dahan-dahan kong inikot.

Larisse: "A-aray.. ang sakit talaga.."

"Pasensiya na ah.."

Larisse: "Ano ka ba.. wala ka namang kasalanan eh.."

Inikot-ikot ko yung paa niya ng mga ilang minuto din. "Okay na?"

Larisse: "Medyo okay na.."

Tapos maya-maya minasahe ko ng konti. Bigla naman akong tinadyakan!

"O Bakit? Okay ka lang?"

Larisse: "Ano kasi.. may.. may ano ako sa talampakan.."


"Ha? May kiliti ka?" Tapos napangiti ako.

Larisse: "Bakit? Ang yabang mo ah.. Bat ikaw wala kang kiliti?"

"Wala naman akong sinasabi ah.." Tapos nakangiti pa rin ako.

Bigla niyang binaba yung paa niya tapos nilapitan ako. Kiniliti ba naman ako sa
bewang.

"Wala akong kiliti.."

Larisse: "Ah ganun ah.."

Tapos nilagay niya yung kamay niya sa leeg ko.

"Larisse..Larisse!! Wag diyan.."

Ms. Vergel: "Juice o.."

Umayos kaming dalawa nung dumating si Ms. Vergel.

Ms. Vergel: "Teka, kunin ko lang yung planner ko kung kailan kayo pwede dumalaw
dito para sa outreach niyo.."

Umalis siya tapos. Naiwan kaming dalawa dun. Tumingin ako sa kanya.

"Sino kaya may kiliti sa paa.."

Larisse: "Ang kapal mo ah.." Tapos tumawa siya. Tumingin siya sa akin.

Larisse: "Thank you ah.. Buti na lang kasama kita.."

Ngumiti ako.
"Same here..."

Chapter 36:

Stephen: “Pare, grabe ka naman.. may sakit talaga ako kahapon.. Sabi ko na nga ba
yun.. iisipin mo.. Pero may sakit talaga ako..”

“Oo na..

Stephen: “Nakuha niyo ba yun listahan ng dates?”

“Binigay kahapon.. Na kay Larisse yung list.. Bibigay na ata niya kay Hannah..”

Stephen: “Ganun ba..”

Naglakad kami papuntang canteen para maglunch. Nilapag namin yung gamit sa isa sa
mga table.

Stephen: “So kailan mo naman balak sabihin na ikaw si Romeo..”

“Sus.. Kayo kasi eh..”

Stephen: “Bakit? Di mo ba nagustuhan yung ginawa namin ni Alex.. Pero one time
lang yun, ikaw na bahala sa next move..”

“Ewan ko sa inyo...”

Stephen: “Sa bagay, yan ang malaking tanong, kailan ang next move? Next year?
Next millenium?”

“O.A mo.. Bumili ka na nga ng pagkain mo..”

Stephen: “Okay.. Ikaw?”

“Uh.. Labas lang ako saglit.. May kukunin lang ako.. Balik agad ako..”

Pagkatapos naming maglunch, naghiwalay na kami at dumirecho sa kanya-kanyang


class. Nakuha ko na yung results ng first exam ko sa Math. Ang taas ko!! Third to
the highest ako sa class. Buti naman dahil napiga yung utak ko nung time na yun ah.

Pagdating ko naman sa SocSci1 class ko, nandun sila Alex pati sina Emm, nag-uusap.

Emm: “Toph!”

Lumapit ako sa kanila. Mukhang tungkol sa project ito ah.

Mara: “Kailangan na natin simulan yung project na paunti-unti..”

Trina: “Bale partner-partner na lang.. Kami ni Rex.. Si Mara saka Emm tapos kayong
dalawa ni Alex..”

“Hmm. Okay..”

Emm: “Kayo bahala kung sino iinterviewihin niyo ah.. Yun kasi yung part niyo eh..
Interview people.. may videocam ba kayo?”

“Ako meron.. ako na magdala..”

Alex: “Ikaw.. kailan mo gusto magsimula?”

“Next week siguro?”


Alex: “Sige ba..”

Maya-maya dumating na ulit si Ma’am J. Nag-games kami ngayon ah. Kaso talo kami
nanalo yung isang group. Muntik na sana kami manalo. After kami dinissmiss,
pumunta na akong tambayan.

Pagdating ko, may hawak-hawak na maliit na teddy bear si Larisse saka card.
Nandun na rin si Leila saka Stephen.

Leila: “Ang cute talaga nung bear.. sino kaya yang mystery guy mo ah?”

Larisse: “Di ko alam.. Di ko talaga alam.. Pinabigay na naman ulit sa akin kanina eh..”

Leila: “20 reasons why you make my heart beat so fast..” basa niya dun sa card.
“Number 20: You make my world stop whenever I see you.. Even when you just go
down from your car… Or walk towards your room.. Teka.. Nasan na yung iba?”
Tinignan niya yung likod. “19 more teddy bears left til we meet..”

Larisse: “Sino kaya siya? Nameet ko na kaya siya before?”

Nagulat ako bigla akong hinila ni Stephen palabas.

Stephen: “Pare, ano ka ba!!”

“Ba-Bakit?”

Stephen: “Hindi ako yung nagbigay nun.. Patay.. May karibal ka na! Gumawa ka ng
paraan..”

“Stephen..”

Stephen: “Babagal-bagal ka.. Pano yan.. Mamaya niyan…”

“Pare.. HOY!”

Stephen: “Ano?”
“Ako yung nagpabigay nun..”

Chapter 37:

Mga 6:30 ako nakarating sa bahay. Tawang-tawa naman ako sa reaksyon ni Stephen.
Hindi siya nakapagsalita nung sinabi ko na ako yung nagpabigay nun. Hindi niya siguro
naalala na nung lunch time, umalis ako saglit. Dun ko pinabigay dun sa nakilala kong
bata, pinabigay ko dun sa may classroom niya, malapit sa canteen. Chineck ko kasi
yung schedule niya.

Binili ko yung bear kahapon ng hapon. Ang tagal ko pinag-isipan kung bibilhin ko ba o
hinde. Nung gabi, kabado ako kung ibibigay ko na ba sa kanya o hinde. Naisip ko
ipabigay muna sa kanya.
Nagbihis ako at naligo. Sumabay akong magdinner kasama ang pamilya ko.

Mama: “Oo nga pala.. Sa Saturday, may lakad tayo ah..”

Marielle: “Tayo? Saan naman..”

Papa: “Highschool reunion namin eh..”

Marielle: “Naku.. Kailangan sumama ba kami? Puro matatanda na nandun.. I mean


puro mga ka-age niyo po pala..”

Mama: “Ganun? Di pwede kasama yung family dapat eh.. Whole Day Affair siya..”

“San ba?”

Papa: “Sa Tagaytay kaya dapat maaga kayo gumising ah..”

“Di ko lang sigurado ah..”

Papa: “Kasama sina Bert pati yung mga anak niya..”

Marielle: “Si TJ?”

“Aba.. Sasama pala ko..”

Tumawa sina Mama saka Papa.

Kinabukasan, medyo na-late ako nagising. Kaya nagmadali akong mag-ayos para
pumuntang school. Mga 10 mins na lang bago mag-time nung nakarating akong school.
Tumatakbo na talaga ako papuntang classroom ko nung nakita ko bigla si Larisse.
Napatigil tuloy ako.

“Uy.. Ang dami mong dala?”

Biro mo may hawak siyang dalawang paper bag sa kaliwa. Isang 1/4 illustration board
sa kanang kamay.

Larisse: “Ah.. Para sa next class ko..”


“Tulungan na kita..”

Larisse: “Okay lang ako.. Saka malelate ka na..”

“Saglit lang naman eh.. San ba next class mo?”

Larisse: “Sa Rm. 207”

Tumingin ako sa relo ko. May five minutes pa ko.

“Uh.. Samahan na kita..”

Hinatid ko siya hanggang sa room niya.

Larisse: “Salamat ah..”

Binigay ko na yung mga gamit niya.

“O-Okay lang yun..”

Pagkatapos kumaripas na ako ng takbo papuntang first class ko.

Dahil Biyernes, dire-direcho yung class ko. Naghihintay ako sa prof. ko para sa
11:30 class ko. Nakatingin ako sa kawalan nang biglang may kumalabit sa akin.

“Uy!! Ano ginagawa mo dito?”

Larisse: “Wala.. Nakita ko kasi sched mo sa directory.. Dire-direcho pala class mo


ah..”

Tapos nagulat ako nung may nilapag siyang iced tea saka cheeseburger sa desk chair
ko.

“Naku.. Nakakahiya..”

Larisse: “Okay lang yun no.. Sige mauna na ko.. Kain ka na..”
Tapos lumabas na siya sa pinto.

“Wait..”

Lumingon siya.

“Thanks..”

Ngumiti siya sa akin.

“You’re welcome..”

Chapter 38:

Marielle: “Kuya.. KUYA!!”

Nagulat naman ako dun sa boses ng kapatid ko. Nagising tuloy ako ng di oras. Bad
trip talaga pag tumitili yun. Ang sakit sa tenga.
“Bakit.. antok pa ko..”

Marielle: “Antok ka diyan.. Umayos ka dali.. Di ba pupunta tayo ngayon sa Tagaytay?”

Nagulat ako biglang hinili niya yung paa ko.

“Oo na babagon na..”

Bumangon ako at inayos yung kama. Naligo ako at nagdamit. Kinuha ko yung backpack
ko tapos kumuha ako ng extra shirt. Kinuha ko rin yung CD player ko in case wala na
namang magawa dun, magsa-soundtrip na lang ako.

Sumunod na ako pababa. Tapos sumakay ng kotse. Mga 4 am na kami umalis ng


bahay. Natulog nga uli ako sa loob ng kotse eh.

Naramdaman ko na lang na hinila ni Marielle yung t-shirt ko.

Marielle: “Kuya.. Dito na tayo..”

Pagdating namin dun, marami-rami na ring tao. Sa Picnic grove sa Tagaytay yung
location nung reunion nina Papa eh. Binaba na namin yung mga gamit namin. Dinala
namin dun sa isang cottage dun.

“Haay ang sarap dito ah.. Hindi masyado mainit.. Mahangin pa..”

Marielle: “Oo nga..”

Lumapit ako kay Marielle tapos inakbayan ko siya.

“Halika, tol.. Pasyal tayo.. Ma.. Pa.. Libot lang kami..”

Marielle: “Ang bigat ng kamay mo..”

“Bakit.. Para isipin nila.. bf mo ko.. Para walang lalapit sayo..”

Marielle: “Ganun?”

Naglibot-libot kami dun. Maganda yung lugar. Alam ko nagpunta na kami dito dati
kasama yung mga pinsan namin pero matagal na kasi yun eh.

“MARIELLE!”

Paglingon naming dalawa..

Marielle: “Si TJ o..”

“Tender Juicy..”

Marielle: “Kuya naman eh..”

Nakita namin, pababa yung family niya. Lumapit sila sa amin.

Tito Bert: “San Papa mo?”

“Dun na po sila sa mga cottages..” Tapos tinuro ko kung saan.

Tito Bert: “Sige, punta na kami dun..”

Sumunod sina TJ pati Tita Marisse, yung asawa ni Tito Bert.

Nagulat ako biglang may umakap sa akin.

“Miguel..”

Alex: “Nandito rin pala kayo..”

Pagtingin ko si Alex pala.

“Uy.. Pinasama ako ni Mama at Papa eh..”

Alex: “Ako rin eh.. Sabi ni Tito Bert.. Sumama ko.. Kasi may lakad yung Tita ko tapos
wala pa parents ko..”

Marielle: “Kuya, dun tayo o..” sabay turo dun sa mga kabayo.

“Bakit marunong ka ba sumakay niyan ah..”


Marielle: “Kaya nga itatry eh.. Dali.. Sama rin kayo..”

Alex: “Sige ba..”

Pumunta kami dun sa mga kabayo. Nagtanong ako dun kung magkano. Bale tatlo kasi
kami plus si Miguel, mapapamahal pa kung may mag-aalay.

“O ano, kaya niyo ba mag-isa?”

Marielle: “Hmm.. I think so..”

Alex: “Na-try ko naman na siya dati eh..”

Pumili na kami ng 3 kabayo. Tig-isa sina Alex saka Marielle. Ako naman saka Miguel
ang magkasama. Mga 30 minutes din kaming nag-horsebackriding. Gustung-gusto nga
ni Miguel habang nakasakay siya sa kabayo eh lalo na pagbinibilisan ko yung
pagtakbo.

Nauna na kaming bumaba ni Miguel mula dun sa kabayo. Hinintay namin matapos sina
Marielle saka Alex. Nilapitan ko si Marielle at inalalayan pababa. Pagkatapos
nilapitan ko rin si Alex, iniabot ko yung kamay ko sa kanya.

Alex: “Okay lang ako.. Kaya ko..”

“Ano ka ba.. Baka mahulog ka..”

Alex: “Sus.. kaya ko.. Para yuuuuuuuun..”

*BLAG*

“Aray..”

Naramdaman ko yung sakit nung pagtama nung likod ko sa lupa. Buti na lang lupa,
hindi semento.

“Nasaktan ka ba?”
Alex: “Sorry..”

Naout of balance si Alex pagbaba niya. Ang tigas kasi ng ulo eh. Buti na lang
humawak siya sa balikat ko kaso parehas naman kaming nahulog.

Tumayo siya bigla.

“Okay ka lang? Bat namumula ka?”

Alex: “Uh.. Ano.. Wala..”

Biglang lumapit sa amin si Marielle. Nagsalubong yung kilay niya.

Marielle: “Uhmm.. Tinatawag na ata tayo..”

“Tara na..”

Alex: “Uh.. Sige.. May babalikan lang ako sa kotse.. Halika Miguel..”

Tapos bumalik sila dun sa may parking lot.

Marielle: “Uh.. Anong nangyari dun kanina?”

“Bakit? Anong ibig mong sabihin?”

Marielle: “Kuya JC?! She was on top of you.. Akala ko nga magkikiss pa kayo parang
sa mga movie..” Tapos tumawa siya.

Nanlaki yung mata ko.

“Ano?!”
Chapter 39:

Marielle: “Ha? You mean di mo man lang napansin?”

“Hinde nga? Ganun ba talaga itsura kanina?”

Marielle: “Tsk.. Tsk.. Halika na nga..”

Bumalik na kami dun sa may cottage. Ang ganda ng view mula dun. Kitang-kita mo
yung Taal Volcano.

Papa: “Halika punta tayo dun.. May mga activities daw..”

Sabay-sabay kaming pumuntang pamilya. Mukhang merong ngang program.


Nagkaroon ng mga games. Unang game, sack race. Dahil ang labanan ay per family at
tig-4 ang members. Sakto lang kami. Ako yung last sa aming apat.

“Bilisan mo, Ma.. Dali.. Para mauna tayo!!”

Mama: “Eto na.. Bilis..”

Nilagay ko agad yung mga paa ko sa sako. Talon dali. Talon! Ang hirap tumalon ah.

Marielle: “KUYA!! Ang bagal mo ah.. Bilis baka maunahan ka!!”

“E-Eto na nga.. tumatalon na!”

Ayun. Nanalo kami sa sack race. Kakapagod. Yung ibang games naman, talo na kami.
Paano ba naman yun egg race? Hindi pa nga nakakalayo si Marielle, nahulog na niya
yung itlog. Basag tuloy. Tsk.. Tsk..

Nung tanghalian, kumain na kami. Ang sarap ng pagkain. Ihaw-ihaw kasi kaya may
barbeque at kung anu-ano pa. After lunch, nagpa-bingo sila.

Marielle: “Kuya.. pasyal ulit tayo..”

“Sige.. Mukhang di ako mananalo dito eh..”


Marielle: “Ma, pasyal lang kami..”

Mama: “Sige.. Ingat kayo ah.. Balik kayo agad maya..”

Naglakad-lakad kami hanggang sa napadpad kami dun sa may skate park.

Marielle: “Kuya.. Dali.. skate tayo..”

“Kaw na lang.. Di ako marunong..”

“Tsk.. Tsk.. Ano ba yan.. Di marunong?”

Paglingon ko andun sina TJ saka Alex pati Miguel nag-seskate na.

Marielle: “Uy.. Dito pala kayo..”

Alex: “Mag-skate na rin kayo.. Aba talo pa kayo ni Miguel o..”

Marielle: “Oo nga naman Kuya JC..”

“Oo na.. sige na..”

Kumuha kami ni Marielle at nagrent ng roller skates. Sinusuot ko yung skates ko


pagtingin ko biglang nawala si Marielle. Paglingon ko, kasama na niya si Tender Juicy
na nag-seskate.

“Aba..”

Sinubukan kong tumayo habang suot yung skates.

“Ano ba naman to..”

Humawak ako dun sa may mga railings sa gilid at naglakad-lakad. Biglang may narinig
akong tumawa.

Alex: “Ano ba yan.. Toph..”

Miguel: “Kuya.. skate tayo..”


“Oo na.. di na ako marunong..”

Alex: “Halika ka na nga..”

Tapos inabot niya yung kamay niya sa akin. Nagdalawang-isp ako pero kinuha ko na
rin.

Alex: “Miguel, hawakan mo yung isang kamay niya.. Miguel?”

“Mukhang nag-solo na yung pinsan mo ah..”

Alex: “Mukha nga.. Mahilig yan mag-skate eh..”

“Dapat pala nag-aral din akong mag-ganito nung bata..”

Alex: “Okay lang yan.. Dahan-dahanin mo.. Madali lang yan pag natuto kang
magbalance..”

“Ang hirap ah..” Nadudulas kasi ako. Pakiramdam ko matutumba ko.

Inalalayan niya akong mag-skate ng mabagal. Paunti-unti lang yung pag-galaw namin.

Alex: “Kaya mo yan.. Bitawan na kita ah..

Dahan-dahan niyang binitawan yung kamay ko. Medyo makakapagbalance na ako


kaso..

“Te-Teka.. A-Alex.. Waaaitt!”

Hinila ko yung kamay ni Alex. Parehas tuloy kaming nag-slide at..

*BLAG*

Alex: “Ouch.. sakit nun ah..”

“Sensiya.. nahila kita.. ang sakit nga..”


Bigla siyang tumawa. Pati ako natawa rin eh. Mukha kaming ewan dun. Napaupo kami
ng di oras.

Alex: “Talo ka pa nila o..” sabay turo dun sa mga bata..

“Oo nga eh..”

Tapos tumayo siya. Iniabot niya yung kamay niya.

Alex: “Tara.. Try and try untill you.. buy..”

“Buy?”

Alex: “Malamang may kapalit to.. Libre mo kong pagkain pagkatapos..”

“Ganun.. May bayad ang tutorial?”

Alex: “Aba.. Oo naman..”

Sabay tawa siya.

Sinubukan ko ulit magskate. Dahan-dahan muna. Binitawan ulit niya ko. Pero this
time..

“Pano ba yan.. Yakang-yaka ko na..”

Alex: “Aba.. Sige na.. Magaling na yung estudyante ko..”

Ngumiti ako.

“Magaling yung teacher ko eh..”


Chapter 40:

Lunes na naman. Nagpuyat na naman ako. Pano ba naman.. Eh 2nd exam na namin sa
Math. Sasakit na naman ang ulo ko nito.

Stephen: “Parang ngarag ka pare ah..”

“Oo nga eh..

Umupo kami dun sa isa sa mga benches dun. Dala-dala yung pagkain namin. Walang
maupuan sa canteen. Jampacked.

“O bat may dala ka niyan?”

Stephen: “Eto?” Sabay turo sa gitara. “May presentation kami mamaya eh.. Ako
tutugtog..”

“Ah..”

Stephen: “Bat di ka na pala masyado natugtog?”

“Hinde na eh.. Nakakapaggitara lang naman ako nung highschool pag hinihiram ko
yung gitara nina Adrian..”

Stephen: “Eh di ba may gitara naman kayo sa bahay..”

“Ayokong galawin yun.. Kay.. Kay.. Kuya Lester yun eh..”

Natahimik si Stephen.

Stephen: “Uh.. Kailan pala second exam niyo sa Math? Bukas na sa amin eh..”

“Kami nga.. ngayon na eh.. Tol.. sandali lang ah.. May pupuntahan lang ako..”

Pagkatapos maglunch, pumunta na akong Math Building. Exam na naman. 20 items


naman ngayon tapos worth 75 points. Akala ko kukulangin ako sa oras sa pagsagot
pero natapos ko naman.
Pagdating ko sa Soc Sci 1 class ko, nagulat ako nandun na yung prof ko. Tumingin
agad ako sa watch ko.

“2:15 pa lang ah..”

Pumasok ako. Konti pa lang naman yung tao sa loob. Tapos nagsasalita yung prof. ko

Ma’am J: “Kung gusto niyo lang naman.. extra credit..”

Umupo ako sa upuan tapos tinanong ko si Emm.

“Ano daw?”

Emm: “Sa Wednesday daw, nagtatanong siya kung sino gusto sumama.. may pupunta
daw kasi ditong mga matatanda.. Yung galing sa Home for the Aged.. Kilala ata ni
Ma’am yung org na naghahandle nun kaya nag-iinvite siya..”

Nagulat ako nagtaas ng kamay si Alex.

Alex: “Ano bang gagawin Ma’am?”

Ma’am J: “I-eentertain lang naman natin.. Part din yun ng human and social
interaction di ba? Dinuscass ko na yun di ba?” Tapos tumawa siya.

Emm: “What time po ba?”

Ma’am J: “Mga Hapon.. Basta punta na lang kayo kung may time kayo.. Diyan lang
naman sa likod ng canteen.. Maluwag kasi dun..”

Hapon? Nagyaya sina Tristan mag-basketball sa park. Hmm.. Bahala na.

Nag-start na ulit ng discussion si Ma’am. Maaga kami dinismiss mga 3:30 tapos na
kami. Palabas na ako ng pinto nang narinig kong tinawag yung pangalan ko.

“Uy.. Bakit?”

Alex: “Kailan pala tayo magstart kumuha ng video.. Kahit paunti-unti lang..”
“Hmm.. Sa Wednesday?”

Alex: “Kasi baka pupunta ako dun sa sinasabi ni Ma’am eh..”

“Ganun ba.. Kahit sa umaga lang..”

Alex: “Uhmm.. Okay.. Txt na lang kita.. Ano ba number mo?”

Binigay ko yung number ko tapos nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Dumaan na ulet


akong tambayan. Wala pa akong kasamang co-applicant. Nagpasign ako dun sa mga
members na nandun saka nakipag-usap na rin ako. Nagulat ako biglang may kumalabit
sa akin.

Stephen: “Marami ka na napa-sign ah..”

“Medyo..”

Stephen: “Kanina ka pa? San yung iba?”

“Wala pa nga yung iba eh..”

Maya-maya dumating na si Larisse kasama si Jeffrey. Bitbit ni Jeffrey yung mga


gamit ni Larisse. Ewan ko ba. Parang sumama yung pakiramdam ko.

Stephen: “Uy..”

Jeffrey: “Tignan niyo may nagbigay na naman kay Larisse o..” sabay turo dun sa
hawak-hawak na bear ni Larisse. “Basahin mo naman Larisse yung card..”

Ngumiti si Larisse at Binuksan yung card.

Larisse: “Number 19: Whenever I see you, I can hear nothing.. but my heart beat..”
Tinignan niya yung likod ng card. “18 teddy bears more to go.”

Jeffrey: “Aba naman..”

Larisse: “Haay.. Sana.. Makilala ko na siya..”


Nagulat ako biglang siniko ako ni Stephen.

Stephen: “Sigurado, magpapakilala din yan.. Gwapo rin siguro yan tulad namin.. Di ba
Toph?”

Tumawa si Larisse.

“Ah… Eh.. E..Ewan..”

Larisse: “Kailan ko kaya siya makikita?”

Haaay.. Kapag.. Kapag nagkaroon na siguro ako ng lakas loob..


Chapter 41:

“Haaay.. Napagod ako..”

Kakagaling ko lang ng school. Dire-direcho yung class ko. Tapos, ang sakit ng kamay
ko kakagawa ng plates namin kanina. Ang hirap. Drawing ka. Tapos pag mali ng onti.
Erase. Drawing ulit.

Naligo ako at nagpalit ng damit tapos humiga sa kama. Nagulat ako nagvibrate yung
phone ko.

From: +63915*******
c alex 2. san ba tau magiinterview? common pipol daw di ba?

Si Alex pala. Oo nga pala. Bukas na pala yung interview namin. Kailangan ko pa pala
hanapin yung videocam namin.

To: +63915*******
kaw kht san..

From: +63915*******
gus2 mo around makati n lng din.. hassle sau kung pupunta ka png skul..

To: +63915*******
cge. puntahan n lng kta s inyo..

From: +63915*******
ako na lang punta.. diyan.. ano b address nyo? kc may dala kng video cam d b? tpos
mgcocommute k lng hrap n tsong..

Napag-isip-isip ko, may punto siya. Tinext ko na rin yung address ko sa kanya. Maya-
maya di ko namalayan.. papikit-pikit na yung mata ko. Hanggang sa nakatulog na ako.

*TOK.. TOK.. TOK.*

Nagising ako dun sa katok sa pintuan ko.

“Pasok..”
Bumukas yung pinto.

Ate Tess: “Di ka pa ba babangon JC?”

Nagising na ako ng tuluyan pagkasabi niya. Tumingin ako agad sa wall clock ko. 7:45
na!

Kinuha ko yung twalya ko at damit tapos direcho agad sa banyo. Binuksan ko yung
shower.. Kaso..

“Pucha.. Wag mong sabihing..”

Binuksan ko yung pinto, at sumigaw ako.

“Ate Tess, Walang tubig dito sa taas..”

Haay.. Sana narinig ako.

Maya-maya kumatok na si Ate Tess sa banyo. Tapos narinig ko siya nagsalita

Ate Tess: “Iho.. Wala ng tubig eh.. Sa banyo ka na lang sa baba maligo..”

Nagtapis ako agad ng twalya at bumaba ng hagdan. Nanlaki yung mata ko.

“ALEX?!”
Tapos napatingin ako sa katawan ko. Nakatwalya lang ako.

Nagulat si Alex tapos biglang talikod.

Alex: “Uh..”

Biglang dumating si Ate Tess.

Ate Tess: “O iho..”

Tapos tumingin ako sa kanya.. Sumenyas ako at tinuro ko si Alex. Bat di niya sinabi
na nasa baba siya?!

Bumulong siya sa akin.

Ate Tess: “Sorry.. Nawala sa isip ko.. Sige dali.. punta ka na sa banyo..”

Tumakbo agad ako sa banyo dala-dala yung damit ko at nakatapis lang twalya.

Pagdating ko sa banyo. Humarap ako sa salamin. Huminga ng malalim.

Ano ba naman. Eh sarili ko ngang utol di pa ako nakita kahit half-naked eh. Tapos..
ganito.

“Haay.. si Alex pa talaga ang unang nakakita ng six-pack ko.. Pinakatagu-tago ko


naman to..”

“Uy.. narinig ko yun..”

Nagulat ako nagbukas yung pinto sumilip si Ate Tess.

Ate Tess: “Okay na.. Yung tubig.. Maligo ka na at baka maubusan ka pa..”

“Sige po..”

Ate Tess: “JC.. Six-pack ka diyan.. Nangarap ka pa..”

“Ate Tess naman o!”


Sabay sarado niya ng pinto. Binuksan ko na yung shower at naligo. Napahawak ako sa
abs ko.

“Bakit ba? May abs naman talaga ko ah..”

Chapter 42:

Nagbihis na ako ng panlabas at nag-ayos. Bumaba ako at pinuntahan si Alex.

“Sorry ah.. Di ko kasi alam na nasa baba ka..”

Alex: “Uhmm.. Okay lang..”


Parehas kaming natahimik.

“Uh.. So.. Halika na?”

Alex: “Sige.. Tara na..”

“Sino ba gusto mong interviewhn?”

Alex: “Naisip ko yung guard niyo sa village..”

“Okay.. Lakad na lang tayo papunta dun..”

Alex: “Okay lang..”

Habang nalalakad kami, tahimik lang.

“Uh.. So Okay ba?”

Alex: “Anong okay?”

“Pwede na bang pang-model yung katawan ko?”

Tumawa siya. Buti naman kasi nakakabasag tenga yung walang nagsasalita sa amin eh.

Alex: “Asa ka pa..”

“Bakit ba? Malay mo..”

Alex: “So.. mustah na ang the moves mo ha? Umaabante ba naman?”

“Haay.. naku.. kayo kasi.. Pero okay naman..”

Tapos kinuwento ko yung ginawa ko.

Alex: “Aba.. nag-iimprove ka ng.. uhmm.. konti..”

“Hanggang dito pa lang kayo ko.. Di ko pa kaya sa ngayon na alam mo na.. sabihin sa
kanya..”
Nilapitan namin yung guard. Nagtanung-tanong kami. Tapos nag-video kami sa mga
usual na ginagawa niya. Bukod sa kanya, nag-interview din kami ng Metro-Aide tapos
isang teacher dun sa malapit na pre-school sa amin. May nakilala kaming panadero
din tapos ininterview din namin.

Pagtingin ko sa relo ko. 11:00 na halos.

“Tara, balik muna tayo sa bahay.. Dun ka na maglunch..”

Alex: “Ha? Uh.. Okay lang ba sa inyo?”

“Sus.. Okay lang yun.. Mas gusto nga ni Ate Tess yun.. Mas maraming kumakain ng
luto niya..”

Nakarating kami sa bahay ng mga 11:30. Nakahain na yung pagkain sa table.

Alex: “Uh.. Toph.. San ba yung CR?”

“Direcho ka lang.. Tapos kaliwa..”

Ako naman… kumuha ng tubig sa may kitchen. Tapos sinundan ko si Alex. Pagtingin
ko naman sa CR. Walang tao.

“Ha? Nasan na yun?”

Nagulat ako biglang may kumatok dun sa loob ng pintuan at sa may katapat.

“Hala.. Wag mong sabihing..”


Alex: “Help.. Na-lock ako.. Tulooong!!”

Lumapit ako sa pinto.

“Alex?? Wait lang..”

Sinubukan kong buksan yung pinto pero ayaw pa rin.

“Teka ah.. Kunin ko lang yung susi..”

Hinanap ko yung susi. Kaso isang bungkol ng mga susi yung nakasabit dun! Ano ba
naman to?!

Kailangan ko pa isa-isahin. Bumalik ako sa may pinto at inisa-isa yung mga susi.

Alex: “Bilisin mo.. Ang dilim kaya dito!”

"Hala ka.. May mumu pa naman diyan.."

Alex: "Ah ganun ah.. patay ka sakin pag nakalabas ako dito.."

“Bat ka naman kasi napunta diyan ah..”

Alex: “Malay ko ba.. Pumasok ako dito tapos biglang nagsara yung pinto?!”

“Eto na.. Eto na..”

Maya-maya nabuksan ko yung pinto.

Alex: “Haay.. Salamat..”

“Ayan.. Okay na.. Halika na nga..”

Alex: “Uh.. Wait.. Kaninong gitara yun? Nag-gigitara ka?”

Sabay turo niya dun sa gitara sa dulo ng kwarto.


“Hindi na masyado eh.. Hindi sa akin yan.. sa kuya ko..”

Lumapit ako at kinuha yung gitara. Medyo inaalikabok na. Pero sinubukan kong
tugtugin.. gumagana pa naman.

Alex: “Tara.. Tamang-tama ikaw tumugtog mamaya..”

“Ha? Ayoko nga.. Saka ano..”

Alex: “Sige na.. Wala ka namang gagawin dito eh..”

“Uh..”

Tapos hinila ako ni Alex kaso biglang ..

*BLAG*

Nabunggo niya yung isang box, nahulog tuloy yung laman.

Alex: “Oops.. Sorry..”

Tapos inayos niya at nilagay ulit sa loob.

“Wait.. Ano ba yan?”

Tinignan ko kung ano..

Alex: “Ewan ko.. Parang mga sulat..”

Tinignan ko yung sinasabi niyang sulat.. Nagulat ako nung nabasa ko yung sobre..
“To: Lester… From: Pia..”

Chapter 43:

Alex: “Huh? You mean.. Galing yan sa gf nung kuya mo?”

“I think so..”

Binuksan ko yung isang letter..

Lester,
Thanks sa letter. Parang kanina lang eh magkausap tayo eh no. Tinanong nga nung
nurse kung sino yung kausap ko ng pagkatagal-tagal. Nagulat nung sinabi ko na sa
isang room sa third floor. Pagaling ka na ah. I love you. I love you. I love you.

Pia

Tinignan ko yung date. Eto yung time na nasa ospital si Kuya Lester. All this time
nagsusulatan sila. At anong ibig sabihin nun nasa iisang lugar sila? nasa ospital din si
Ate Pia?
Binuksan ko na naman yung isang letter at yung isa pa at isa pa. Dalawang sobre na
lang ang hindi ko pa nababasa. Binuksan ko yung isa..

Lester,
Gusto kita puntahan diyan sa kwarto mo pero sabi ng doctor di ako pwedeng
maglakad-lakad lalo na malapit na operasyon ko.. Sa makalawa na.. Natatakot ako,
Lester. Bakit ganito? Kung kailan kailangan natin ang isa’t isa, sabay pa tayong
nagkaganito. Sabi ng doctor, pagkatapos ng brain operation ko baka maging okay na
ang lahat.. sana.. Ikaw ah. Maaga ka matulog ah.. Nung isang araw lang yung
transplant mo hindi ba? Ingat parati. Inom ka ng gamot saka kumain ng marami ah. I
love you.

Pia

Tapos huli kong binasa yung isang letter, pagtingin ko dun sa date, eto yung araw
na.. araw na nagpaalam si kuya..

“Wait.. Iba na ata to..” Iba yung sobre eh. Pagtingin ko dun sa sobre, nakasulat dun
sa likod.

To the girl I love the most.. Pia..

Kay kuya na to galing ah. Binuksan ko at binasa yung sulat…

Pia,
Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Ang kulit ko ba? Gusto ko sabihin na paulit-ulit
sayo.. Gusto kita puntahan pero ayaw rin ako payagan nung nurse. Para tayong si
Romeo and Juliet no?

I am trying to fight and hold on.. You should too.. You must.. Not just for me.. but
for yourself.. for your family and everyone who loves you..

Huwag ka mag-alala sa operation. Kaya mo yun. Ikaw pa. Fighter ka di ba?

I may leave.. but that doesn’t mean that it’s the end. I’ll always be here.. I’m not
saying goodbye.. I’m just telling you how much you mean to me.. how much I love
you..
I love you. I really do.

Lester

Alex: “Ano ba kasi yan? Ang dami mo na nabasa ah.. Patingin nga..”

“Wait.. Kailangan ko makausap sina Mama.. Tawagan ko nga..Alam kaya nila to?”

Tumayo ako at naglakad palayo.

“Alex?”

Alex: ‘Teka.. handwriting ng tita ko to ah..”

Chapter 44

“Ha? Di nga?”

Alex: “Oo.. Kilala ko handwriting nun..”

“You mean.. Yung tita mo yung gf ni kuya?”

Alex: “Siguro nga.. Di ko alam yung tungkol dun kasi bata pa ko eh saka bihira ko
makita si tita nung bata ko.. ang alam ko lang nagkasakit nga siya tapos pumunta na
sa Canada at nagka-amnesia ata or something..”
“So that explains everything..”

Alex: “Uh? Ano ba yung hawak mo?”

Napatingin ako dun sa sulat ni kuya lester.

“Teka, kung lahat nasa box puro galing kay ate pia bukod dito. Ibig sabihin..”

Alex: “..hindi pa nababasa ni tita yung letter?”

“Tama.. Kaya kailangan mabasa niya.. Nasan na ba yung tita mo?”

Alex: “Wala siya sa bahay eh.. Teka, sa makalawa na yung alis nun eh..”

“Hmm.. Bukas.. Kailangang makausap natin siya..”

Alex: “Uh.. Okay..”

“Tara na.. kain na tayo..”

Alex: “Sige.. this time sa C.R na ako pupunta..”

Tapos lumabas na ako agad dun sa kwarto dala-dala yung box ng mga sulat at
pinatong sa sahig sa may living room. Maya-maya, nagulat ako biglang may narinig
akong nag-strum ng gitara galing sa kwarto.

Napatigil ako. Bumalik ako dun sa kwarto, dahan-dahan ko binuksan yung pinto.
Walang tao. Ang dilim. Kinabahan ako bigla..

“Kuya?!”

Tahimik pa rin.

“Walang ganyanan..”
Alex: “Mumu daw ah?”

Nagulat ako biglang bumulaga sa mukha ko si Alex hawak-hawak yung gitara.

“Ano ka ba naman?! Akala ko kung ano..”

Alex: “Pahiram ah..”

Huminga ako ng malalim.

“Di pwede..” Tapos kinuha ko yung gitara.

Alex: “Ha? Babalik ko bukas..”

Ngumiti ako.
“Ako na lang.. Ako na lang tutugtog..”

Chapter 45:

Ma'am J: "O.. Mr. Delgado.. Ms. Santillan.. Buti nakapunta kayo.."

Alex: "Oo nga ho.. Ano po bang pwedeng maitulong.."

Ma'am J: "Nagmemeryenda sila ngayon eh.. Aba. Okay ah. May gitara kayong dala..
Kung gusto niyo tumugtog kayo habang kumakain sila.. Punta kayo sa may harapan.."

"Okay lang ho.. Tara Alex.."

Alex: "Bakit? Eh ikaw lang namang tutugtog.."

"Ganun? Sinong kakanta.. Ikaw kaya.."

Alex: "Bat ako??"

"Bat hindi ikaw? Halika na nga.."

Hinila ko siya papuntang harapan. Inayos ko yung mike tapos inabot sa kanya yung
isang mike.

"Magandang hapon po.. Nais po sana naming handugan kayo ng kanta.."


Alex: "Ayoko ko talaga... Ikaw na.. Go Toph.."

"Ah ganun.. Di ba ho gusto niyong marinig kumanta tong kasama ko?"

Lolo: "Aba'y oo.. Kagandang dilag.."

Palakad na si Alex palayo nung nagsipalakpakan yung mga lolo't lola. Tumingin sa akin
si Alex. Ang sama ng tingin. Bumalik siya tapos kinuha yung mike.

Alex: "Patay ka sa akin mamaya.."

Lola: "Galingan niyo ngay.. Duet ba.. Yung paborito namin ni Jose.. Ano nga bang
pamagat nun mahal.. yung tinugtog dire sa atin.."

Alex: "Oo nga naman.. dapat kakanta rin si Toph.. Di ba?"

Ngumiti si Alex. Nang-aasar. Naku po naman.

"Hinde na.. kaya mo yan alex.. Go Alex.."

Alex: "Ah hinde.. Papayag ba kayo na hindi marinig ang napaka.. gandang boses ng
kasama ko?"

Nagsigawan yung mga matatanda at pumalakpak. Haay naku.

"Sige na.. sige na.."

Lumapit yung isang babae sa amin at bumulong sa amin.

Miss: "Yun kasi yung tinugtog sa kanila nung isang banda dati.. Nagustuhan nina Lolo
Jose saka Lola Magda.."

Alex: "Alam mo ba tugtugin yun.."

"Oo.. Ikaw lam mo lyrics.."

Alex: "Okay lang.. duet naman eh.."


Humarap ako at nagsalita sa mike.

"Eto na po.. Para kay Lolo Jose at Lola Magda.."

"Bakit ngayon ka lang


Bakit ngayon kung kailan ang aking puso'y mayron nang laman.."

Alex: Sana'y nalaman ko na darating ka sa buhay ko


'Di sana'y naghintay ako..

"Ikaw sana.."

Alex: "ikaw sana.."

ang aking yakap-yakap

Alex: "ang aking yakap-yakap.."

"Ang iyong kamay.."

Alex: "ang iyong kamay.."

"ang aking laging hawak.."


Alex: "lagi ang aking hawak.."

"At hindi kanya.."

Alex: "at hindi kanya.."

"Bakit ngayon.."

Alex: "bakit ngayon ka lang.."

"ka lang dumating sa buhay ko.."

Alex: "dumating sa buhay ko.."

"Pilit binubuksan"

Alex: "pilit binubuksan.."

"ang sarado ko nang puso"

Alex: "ang aking puso.."

Ikaw ba

Alex: "ikaw ba'y.."

"ay nararapat sa akin"

Alex: "nararapat sa akin.."

"At siya ba'y"

Alex: "at siya ba'y.."

"dapat ko nang limutin"

Alex: "dapat limutin.."


"Nais kong malaman"

Alex: "nais malaman.."

"bakit ngayon"

Alex: "bakit ngayon lang.."

"ka lang dumating"

"Nais kong malaman"

Alex: "nais malaman.."

"ba't ngayon"

Alex: "bakit ngayon lang.."

"ka lang dumating.."

Palakpakan naman yung audience namin.

Lola Magda: "Kaganda.."

"Isang kiss naman diyan lolo kay lola.."

Sigawan yung mga matatanda nung hinalikan nina Lolo Jose si Lola Magda. Kinikilig
din pala ang mga matatanda.

Pumunta kaming dalawa sa mga kaklase naming iba.

"May future ka rin pala sa pagkanta kala ko hanggang banyo ka lang.."

Alex: "Ang kapal mo no.. May mga offers nga ko dati.. tinanggihan ko lang.."

"Asus.. Imbento.."
Alex: "Joke lang.."

"Seryoso.. Maganda boses mo.."

Alex: "Well.. Ikaw din magaling mag-gitara saka may bubuga ka rin sa pagkanta.."

"Haay.. Mahirap talaga pag talented.."

Sinuntok ako ni Alex sa bandang kanang braso. Yung mahina lang naman..

Alex: "Ang feeling mo.. haha.."

"Aray.. Aray.. "

Alex: "Ha.. Naku sorry.. Mahina lang naman yun ah.."

"Ang lakas mo... Pwede mo na talunin si Pacquiao.."

Alex: "O.A ah.. haha.."

Chapter 46:

Stephen: “Talaga.. Akalain mo.. Yung tita ni Alex yung Pia na sinasabi mo?”

“Oo nga eh.. Akala noon baka kamukha lang...”

Stephen: “Kailan niyo ba kakausapin..”

“Baka mamaya siguro.. Pupuntahan ko sana kina Alex..”

Stephen: “Good Luck.. Di kaya magulat yun sa sasabihin mo?”


“Siguro..”

Stephen: “Sige, punta na ako class ko.. Ikaw?” Sabay kuha ng bag niya.

“Wala ako class ngayon eh.. Wala yung prof. kasi kakaexam lang namin nung isang
araw di ba? Punta na lang muna akong tambayan..”

Stephen: “Sige.”

Naglakad kami sabay ni Stephen pero naghiwalay din kami. Ako dumirecho na sa
tambayan.

“Pssst.. Psstt..”

Habang naglalakad ako, may naririnig akong sitsit. Di ko naman pinapansin.

“Uy..”

Tumigil ako tapos lumingon. Parang tumigil na naman yung paghinga ko.

“La-Larisse.. ikaw pala..”

Larisse: “Akala ko hindi ikaw yan.. Di ka naman lumilingon.. Punta ka ring tambayan?”

“Akala ko kung sino eh.. sorry.. Ah.. oo..”

Tahimik lang kaming naglalakad. Pagdating namin sa tambayan, wala kaming co-
applicants. Haay. Awkward na naman to ah.

Larisse: “Uhmm.. Naglunch ka na ba?”

“Di pa..”

Larisse: “Tara.. Canteen tayo..”

“Si-sige..”

Kinuha ko yung panyo ko. Pinagpapawisan ata ako.


Pumila na kami dun para mag-order. Ang cute niya ngumiti talaga. Haay..

Larisse: “Toph? Ano orderin mo?”

“Ah..” Tumingin ako kung anong merong ulam. “Ayun na lang siguro..” Tapos tinuro ko
yung beef steak.

Larisse: “Parehas pala tayo.. Fave ko yan eh..”

Ngumiti ako.

Nauna siyang nakakuha ng order niya sa akin. Hinintay ko yung sukli ko tapos
sinundan ko siya dun sa table na pinili niya.

Larisse: “Binigay ko na pala kay Hannah yung list nung dates.. Baka mag-meeting daw
tayo lahat para i-open up kung kailan gusto gawin yung outreach..”

“Ah..”

Nagsimula na kaming kumaing dalawa.

Larisse: “Uhmm.. Madalas ko kayo nakikita ni Alex ah.. Kayo ah.. Nililigawan mo ba?”

Muntik na akong mabalaukan dun ah. Uminom agad ako ng iced tea.

“Huh? Hi-hinde.. Friends kami nun.. saka kaklase ko kasi siya sa isang subject at
groupmate din..”

Larisse: “Oh.. sorry.. Kala ko kasi.. malapit na magka-boyfriend si Alex..”

“Ah.. Bakit naman..” sabay subo ko ulit.

Larisse: “Di pa nagkakaboyfriend yun eh.. Ayaw pa niya.. May mga nanligaw din sa
kanya dati pero wala eh.. Saka strict ata family niya.. only girl kasi..”

“Uh.. Ganun ba kasi siya dati pa?” sabay subo ko ulit.


Tumawa si Larisse.

Larisse: “Uhmm.. Medyo mataray nga yan.. Pero mabait talaga siya.. Medyo boyish
nga kumilos siguro kasi mga lalake yung madalas niyang kasama niya mula pagkabata..
puro lalaki ata yung mga relatives niya..not sure..”

“Halata nga..”

Larisse: “Uh.. Toph..”

Nagulat na lang ako biglang lumapit sa akin si Larisse.

Ayan na.

Palapit na ng palapit yung mukha niya

Kinabahan ako bigla.

Napaatras ako.

“Ba-bakit?”

Tapos biglang pinunasan niya yung gilid ng lips ko.

Larisse: “May sauce ka kasi sa ano mo..”

Tapos ngumiti siya.

“Uh.. Thanks..”

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano.

“Ah.. Ehem..”

Napalingon kaming dalawa ni Larisse.

Larisse: “Uy.. Stephen..”


Pagtingin ko kay Stephen. Todo ngiti.

Naku po, nakita niya ata. Haay..

Chapter 47:

Stephen: “Talaga naman.. Alam mo yung reaksyon mo kanina? Ang kulet pare.. Ano
bang akala mo.. hahalikan ka niya? hahaha.”

Sabay tawa siya. Sabi ko na nga ba eh. Bat kasi di pumasok yung prof. ni Stephen??
Haay naku. Eto palakad na kaming dalawa. Naiwan si Larisse sa may tambayan.
Papunta na kaming next class namin.

“Hinde ah.. Nagulat lang ako..”

Stephen: “Kunyari ka pa.. haha..”

“Sige.. Dito na ko..”

Stephen: “Sige.. Di ko talaga makakalimutan yung eksena mo kanina.. hahaha..”

“Sus.. magtigil ka nga..”

Pumasok na ako sa room. Wala pa yung prof ko. Pero as usual nandun na ang mga ka-
group ko.

Mara: “Ano nangyari? Marami ba kayong nainterview kahapon?”

“Oo marami-rami din.. Saka kinuhan rin namin ng video yung event kahapon..”

Emm: “Nagpunta ka? Kayong dalawa?”

“Oo.. Masaya nga eh..”


Maya-maya dumating na si Alex.

“Uh.. Alex!”

Alex: “Bakit?”

“Nasabihan bo yung tita mo?”

Alex: “Naku po.. sorry.. nawala sa isip ko talaga.. Pero di naman aalis ng bahay yun
kasi mag-aayos na ng gamit yun dahil bukas na alis niya..”

“Ganun ba..”

“Good afternoon, class..”

Biglang pumasok yung prof. namin sabay patong ng mga gamit niya sa table. Ngumit
siya.

Ma’am J: “Gusto ko lang mag-thank you sa mga nagpunta kahapon.. Sobrang natuwa
yung mga lolo’t lola sa ginawa natin..”

Nagulat ako nung tumingin ng direcho sa akin si Ma’am.

Ma’am J: “At syempre, palakpakan natin si Mr. Delgado.. Ilang beses siya tumugtog
dahil panay request nila.. At saka magaling din pala siya mag-magic tricks ah.. turuan
mo nga kami..” sabay tawa siya. “Pati rin si Ms. Santillan na kaduet pa ni Mr.
Delgado....”

Nagkatinginan kami ni Alex sabay ngiti. Patuloy na nagsalita at nag-thank you si


Ma’am sa mga nagpunta. Enjoy naman talaga kahapon eh. Nakakalungkot lang na
pinabayaan sila ng mga pamilya nila.

Pagkatapos nag-discuss lang ulet si Ma’am. Pagkatapos kaming idismiss, nilapitan ko


si Alex.

“Uwi muna ko saglit.. tapos punta ko sa inyo..”

Alex: “Sige.. text text na lang..”


Sumakay na ako ng jeep at direchong uwi na sa bahay. Kumain muna ako at
nagmeryenda. Nagpalit ako ng t-shirt at naghilamos. Tinignan ko yung wall clock.

“5:30 na.. punta na siguro ko..”

Maya-maya biglang nag-vibrate yung phone ko. Pagtingin ko, si Alex? Tumatawag.
Sinagot ko nga.

“Hello?”

“Toph.. Si Alex to.. Kasi ganito.. Wala si tita dito eh.. Ewan ko nga eh.. sabi nung
maid di nagsabi kung saan..”

“Ano? Sige.. Text mo na lang ako ulet..”

*DING DONG*

Mama: “Ako na sasagot nun..”

Binuksan ni Mama yung pintuan.

Mama: “Sino sil..”

Nagulat ako bat parang natulala ata si Mama. Nilapitan ko siya.

Pagtingin ko..
Yung tita ni Alex.

Si Ate Pia.

Chapter 48:

“Ma?”

Ate Pia: “Hello po.. Di ko lam kung bakit pero sobrang familiar nitong place na to..
Teka.. Di ba kaw yung kaibigan nung pamangkin ko?”

“Pasok po kayo..”

Mama: “Sige.. kukuha lang ako ng maiinom..”

Umupo kami dun sa may living room. Maya-maya bumalik si Mama na may dala-dalang
isang pitsel ng iced tea.

Ate Pia: “Alam ko po ang weird.. You must think I'm crazy.. pero basta nung
napadaan ako dito.. Parang may nagsabi sa akin na bumaba ako.. Ang hirap po i-
explain.. Kasi ang alam ko may mga bagay akong hindi maalala eh.. Kasi nagsakit po ko
tapos.."

“Nagka-sakit ka sa brain.. tumor.. pero inoperahan ka.. kaso ang side-effect nun
amnesia.. tapos dinala ka sa Canada..”

Ate Pia: “Pano mo nalaman yun..”

Tumayo ako at kinuha ko yung box.

Mama: “San mo nakuha yan.. Bat ngayon ko lang nakita yan?”

“Siguro, hindi lang natin napapansin kasi nasa kwarto eh nakatambak.. You mean di
mo alam na nagkasakit siya..”

Mama: “Hinde eh.. Wala kasing nababanggit si Lester sa akin.. Ayoko namang itanong
yun tungkol sa kanya.. Alam mo naman may sakit na rin siya nun..”

Inisa-isa niyang basahin yung mga sulat.

Ate Pia: “Oh my.. Lester? Sino siya? Boyfriend ko?”

Nagkatinginan kami ni Mama.

Ate Pia: “Nasan na siya?! Kailangan ko siya makita.. After all these years..”

Mama: “Wala.. Wala na siya..”

Ate Pia: "Asan.. Lumipat na ba siya?"

Iniabot ko yung huling sulat ni Kuya Lester sa kanya.

“Here.. Hindi na niya napabigay sayo..”


Habang binabasa niya yung sulat, kita ko yung pagpatak ng luha niya.

“He died.. the same day you were about to undergo your operation..”

Tahimik lang kami. Pinagmamasdan namin siya habang umiiyak.

Kinubukasan, pagkatapos ng klase. Dumirecho uwi na ako. Nagbihis ako at sabay-


sabay kaming pamilyang pumunta sa puntod ni kuya. Kasama namin si Ate Pia.

Ate Pia: “Now I know why I had the feeling I have to go back here.. Di pa kasi
nakukumpleto yung identity ko.. Ngayon.. Kumpleto na..”

Mama: “He loved you so much..”

Ate Pia: “Alam ko po..”

Pinikit niya yung mga mata niya.

Ate Pia: “Nararamdaman ko..”

Niyakap namin si Ate Pia isa-isa. Pagkatapos nun, inihatid namin siya sa airport.

“Bye.. Ingat ha..”

Ngumiti siya.

Ate Pia: “Ingat.. Siguro pagbalik ko may mga asawa na kayo..”

“Let’s see..”

Ate Pia: “Dapat pag nakita mo na yung taong sa tingin mo para sayo.. Mahalin mo
siya.. Ipadama mo.. Parang ginawa ng kuya mo..”

Sabay kindat niya.

“Oo naman.. mana ako kay kuya eh..”

Tapos naglakad siya at hinintay namin hanggang sa makapasok na siya sa loob.


Marielle: "Tara na.."

Habang naglalakad kami pabalik ng kotse biglang parang may dumaan na malamig na
hangin.

Marielle: "Ang lamig.. Ramdam mo yun?"

Huminga ako ng malalim.

Tapos na kuya.

Everything's fine now.

Chapter 49:

Magtatatlong linggo na rin ang lumipas mula nung nakaalis si Ate Pia. Gumaan yung
pakiramdam ko pagkatapos nun kasi alam ko eto yung gustong mangyari ni kuya.
Maliwanagan ang lahat at yung maalala ni Ate Pia ang lahat.

Tumingin ako sa relo ko.

“4:15 na.. Anong oras ba yung meeting sa tambayan?”

Stephen: “4:30 ata.. Makakahabol pa tayo..”

Nagmamadali kaming maglakad ni Stephen. May meeting kasi kami. Tungkol ata sa
outreach. Napag-usapan kasi namin na sa Sabado yung tentative date. Three Days
from now.

Pagdating namin dun, di pa naman nagsisimula. Wala pa si Hannah eh. Umupo kami sa
tabi nina Jeffrey. Sa tapat namin, kita ko si Larisse may hawak-hawak ulit na teddy
bear.

Stephen: “Aba.. Pang-ilan na ba yan ah?”


Leila: “Di na nga mabilang eh.. Basahin mo nga..”

Larisse: “Hmm.. Number 10: My heart just can’t stop shouting your name… 9 teddy
bears more to go..”

Stephen: “Okay ah..”

Hannah: “Naku.. guys.. sorry medyo late ako.. So ganito, nakipag-usap na kami dun sa
orphanage bale sa Saturday daw pwede kung gusto natin, okay ba sa inyo?”

Umoo naman halos lahat kasi kakatapos naman ng mga exams. Pinag-usapan yung
oras kung what time magkikita-kita sa school para sabay-sabay na pupunta dun. In
the end, nafinalize na 7:30 am na lang pupunta dun.

Sabado.

Tumingin ako sa relo ko.

“7:30 ah.. Eh mag-aalas-otso na..”

Stephen: “Alam mo na.. Ganyan naman talaga eh.. May palugit..”

Maya-maya nagsidatingan na rin yung iba. Sabay-sabay na kaming nagcommute


papunta dun. Kanya-kanyang dala ng utensils, saka yung mga ipapakain namin sa
kanila pati na rin yung mga laru-laruang binili namin panregalo sa kanila.

Pagdating namin, inayos at nilapag na namin sa table yung mga pagkain. Binubuksan
ko yung isang box ng Zesto dun nung nakita ko si Larisse, bitbit-bitbit yung isang
bilao ng pansit. Tumakbo ko para lapitan siya.

“A-Ako na..”

Larisse: “Naku, Thank you ah..”

Ngumiti ako.

Nung nakaayos na kami saka pinalabas ni Ms. Vergel yung mga bata dun sa
pagdadaausan namin ng mga activities. Umupo muna sila at nagsalita si Hannah.

Hannah: “Hello! Ako si Ate Hannah. Kami lahat dito mga ate at kuya niyo.
Magpapalaro kami ng mga games. Gusto niyo yun di ba?”

Kids: “Opoooo..”

Hannah: “Okay.. Ang first game natin.. Bring me.. Alam niyo ba yun?”

Kids: “Opoooo..”

Hannah: “Sige.. Basta walang tulakan ah.. Bring me. Uhmm.. Isang panyo..”

Takbuhan na naman yung mga bata. Kanya-kanyang kuha ng panyo.

Hannah: “Galing ah.. Bring me.. Isang sinturon..”

Yung iba. Pinagkukuha yung mga belt namin. Ang kukulit nga nila eh.

Hannah: “Wow.. Eto naman.. Bring me.. Yung Pinakamagandang ate..”

Nagsitakbuhan lahat ng mga bata. Kanya-kanyang hila dun sa mga girls, kina Leila..
Larisse atbp. Tawa kami ng tawa eh.

Stephen: “Ano naman.. Pinakagwapong kuya.. Ako! Ako!”

Tawanana kaming lahat.

Hannah: “Ngayon naman.. Ganito ah.. Hanap kayo ng ate saka kuya niyo para
makapartner.. Dahil madami kayo.. Bawat isang kuya o ate.. dalawang bata.. Okay?”

Takbuhan na naman. Hila dito. Hila diyan. Maya-maya may kasama na akong dalawang
bata.

Twins.

“Hello.. Anong mga pangalan niyo..”


“Jennifer po.”

“Jennica po.”

“Ahh.. Ilang taon na kayo?”

Jennifer: “Mag-eeight na.. di ba ate?”

Jennica: “Oo..”

“Mas matanda ka?”

Jennica: “Opo. By 4 minutes daw..”

“Nasan na parents niyo..”

Jennifer: “Di namin alam eh.. Sabi ni Nanay babalikan naman niya kami..”

“Ilang taon na ba kayo dito..”

Jennica: “Mag-one year na po..”

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Naawa ako. Ang babata pa nila.

Hannah: “Ngayong may kasa-kasama na kayo. Games ulit. The boat is sinking naman.”

Hannah: “Uhmm.. The boat is sinking.. Group yourselves by 9..”

Takbo naman kaming tatlo. Hanggag sa.. Nakagrupo namin sina Larisse saka Jeffrey.

Jeffrey: “Kakapagod to ah..”

Larisse: “Hinihingal na nga ako..”

Hannah: “Group yourselves by.. six..”

Nagsitakbuhan na naman ulit. Tumakbo papaalis sina Larisse tapos tumigil tapos
humarap ulit.. kaya..
*DUG*

Larisse: “Aray..”

“Aray..”

Larisse: “I’m sorry..”

“Okay lang.. Napango lang yata yung ilong ko.”

Tumawa si Larisse.

Sabay hawak ko sa ilong ko. Ang sakit nun ah. Tumama ba naman yung noo niya sa
ilong ko.

Nagulat ako nung hinawakan nya yung mukha ko. Pakiramdam ko naninigas ako.

Larisse: “Upo ka muna siguro..”

“Siguro nga..”

Chapter 50:

Maya-maya tinawag na kami ni Hannah.

Hannah: “Gusto niyo bang mag-games sina ate at kuya? Eto na..”

Nagtawag siya ng isang bata dun para bumunot.

Hannah: “Ang unat nabunot ay si.. Kuya Jeffrey..”

Tapos bumunot ulit yung bata..


Hannah: “At ang partner niya ay si.. Ate Leila..”

Partner-partner pala. Nagtatawag si Hannah ng magpapartner. Ang tagal naman ako


tawagin. Kinakabahan ako.

Hannah: “Ang next si ay si Kuya Stephen..”

Bumunot uli yung bata.

Hannah: “Ang partner naman niya ay si.. Ate Larisse.”

Napatingin sa akin si Stephen. Pumunta silang dalawa sa harapan.

Hannah: “Ang next naman ay si..”

Nagulat ako biglang umubo si Stephen. Ang lakas nga eh. Tapos humawak siya sa ulo
niya.

Stephen: “Wait.. Di maganda pakiramdam ko.. Ang sakit ng ulo ko.. Pass muna siguro
ko..”

Hannah: “Naku.. Pahinga ka muna.. Ang next ay si Kuya Toph.. So.. Kayong dalawa na
lang ni Larisse ang magpartner..”

Paglapit ko sa harap, nagkasalubong kami ng tingin ni Stephen. Kung di ako


nagkakamali, kumindat siya. Aba. Masakit daw ang ulo ah?! Pakana na naman niya to.

Hannah: “So ang game natin ay newspaper dance.. Familiar na siguro sina Ate at
Kuya sa game na ito.. Sasayaw sila pag may music tapos titigil at aapak sa dyaryo pag
wala na.. Okay.. game na..”

Binigyan kami ng newspaper tapos nilagay namin sa gitna naming dalawa tapos nag-
start na yung tugtog.

Ha ha ha
Pump it
Ha ha ha
And pump it (louder) [4x]
Turn up the radio
Blast your stereo
Right

N*ggas wanna hate on us (who)


N*ggas be envious (who)
And i know why they hatin' on us (why)
Cause that's so fabulous (what)

Nagulat ako nagstop. Tumapak kami agad sa newspaper.

Hannah: “Okay ah.. Sige tuloy natin.. Itupi niyo yung dyaryo ah.”

I'ma be real on us (c'mon)


Nobody got nuttin' on us (no)
Girls be all on us, from london back down to the us (s,s)

We rockin' it (contagious), monkey business (outrageous


Just confess, your girl admits that we the sh*t

Tumigil na naman. Ang bilis ah. Buti nakapak agad kami. Kaso may natanggal ng isang
magpartner.

F-r-e-s-h (fresh)
D-e-f, thet's right we def (rock)
We definite b-e-p, we rappin' it
So, turn it up (turn it up) [3x]
Cmon baby just,

Pump it (louder) [6x]

And say, oh oh oh oh
Say, oh oh oh
Yo, yo

Tumigil na naman ulit. This time dalawa magpartner na ang natanggal.


Larisse: “Pano kaya to.. ang liit na lang nung dyaryo..”

“Kaya pa yan..”

Turn up the radio


Blast your stereo
Right now
This joint is fizzlin'
It's sizzlin'
Right

(yo, check this out right here)


Dude wanna hate on us (dude)
Dude need'a ease on up (dude)
Dude wanna act on up
But dude get shut like flavor shut (down)
Chicks say, she ain't down

Biglang tinigil yung sounds. Nagulat ako biglang niyakap ako ni Larisse habang
nakatiptoe siya. Napatingin ako kay Stephen. Todo ngiti na naman. This time, May
natanggal na namang isa.

Hannah: “Si Kuya Jeffrey-Ate Leila at Ate Larisse-Kuya Toph na lang..”

But chick backstage when we in town (ha)


She like man on drunk (fool)
She wanna hit n' run (errr)
Yeah, that's the speed
That's what we do
That's who we be
B-l-a-c-k -e -y-e-d-p to the e, then the a to the s
When we play you shake your ass
Shake it, shake it, shake it girl

Pagkatigil, ang unang pumasok sa isip ko umapak dun sa dyaryo. Tapos binuhat ko si
Larisse tapos saka ako nagtiptoe kasi aapak yung sapatos ko pag nagkataon.

Okay na sana eh… Kaso.. Kaso..


“Te-Teka.. Di ko na ka-kaya.. ”

Hannah: “Aaay.. Out.. Panalo si si Kuya Jeffrey saka Ate Leila.. ”

“Pasensiya na.. Naout of balance kasi ako eh.. baka kasi mahulog ka pag di ako
umapak sa ground..”

Ngumiti si Larisse.

Larisse: “Okay lang yun no..”

To be continued…

You might also like