You are on page 1of 6

Kabanata 1

Kaligiran ng Pag-aaral
Ang kabalisaan sa wika ay maaaring matukoy na pagkatakot o pangamba sa
paggamit ng kanilang pangalawang wika, maging ito man ay sa paraang salita,
pakikinig at maging sa pagkatuto (Gardner, Maclntyre 1994). Sa mga nakaraang
taon, ang pananaliksik ay nagpapakita na ang kabalisaan sa wika ay isang tiyak na
kabalisaan kaugnay sa pangalawang wika (Horwitz, Horwitz & Cope 1986; Maclntyre
Gardner, 1989, 1999b).Dagdag pa na ang kabalisaan sa wika ay pagkatakot at
pangamba kung ang mag-aaral ay inaasahang magsalita o gumanap gamit ang
pangalawang wika o gamit ang wikang pangdayuhan (Gardner, Maclntyre 1993). Ito
rin ay pangamba at negatibong reaksyong emosyunal kung ang isang mag-aaral ay
gumagamit ng kanilang npangalawang wika (Maclntyr 1999)
Sa buong mundo, halos lahat ng mag-aaral ay dumanas ng kabalisaan sa
wika maging ito man ay sa paraang pasulat o sa pasalita (Agbones et al 2011). Ang
mga mag-aaral ay nahihirapang ipadama ang kanilang saloobin o nararamdam kung
kayat ang Language Anxiety ang kanilang nagiging problema at ito ang nagiging
sagabal sa kanilang nararamdaman na nais sana nilang ipahayag (Agbones et al,
2011).
Sa Pilipinas na bansa, napag-alaman na ang mga mag-aaral ay pinapawisan,
nanginginig o kinakabahan at namumutla kapag silay pinapatayo at pinapasalita ng
Ingles, ito ay hahantong sa pagpapahayag nila sa kanilang mga ideya sa wikang

Filipino. (Gido et al, 2008). Ngunit papano kung ang mga mag-aaral ay nakakaranas
din ng pagkabalisa sa wikang ito?
Sa Unibersidad ng Mindanao, napag-alaman na ang kabalisaan ang
nangunguna na nakaapekto para sa pag-aaral na wika (Anino, Madelo, 2007).
Kung kayat ang mga mananaliksik hinggil sa kabalisaan sa wika at
kasanayang pagsasalita sa asignaturang Filipino 1A.

Paglalahad ng Suliranin
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang kabalisaan sa wika at
kasanayang pagsasalita sa asignaturang Filipino 1A.
Sa katiyakan, ang pag-aaral na ito ay sasagot sa mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsasalita kung :
1.1 Input Stage
1.2 Processing Stage
1.3 Output Stage
2. Ano ang antas ng kabalisaan sa ng mga mag-aaaral ayon sa:
2.1 Kaalaman
2.2 Kasanayan
2.3 Tiwala sa sarili
3. Ano ang kaugnayan ng kabalisaan sa wika sa kasanayang pagsasalita?

Haypotesis sa Pag-aaral
Walang

makabuluhang

ugnayan

ang

kabalisaan

sa

wika

at

kasanayang pagsasalita sa mga mag-aaral sa asignaturang Filipino 1A sa


Unibersidad ng Mindanao.

Review of Related Literature

Konseptwal na paradym ng mga baryabol

Ayon kay Zhao Na, 2007, napag-alaman na ang kabalisaan sa wika ay


tumutukoy

sa pangamba na nararanasan sa tuwing ang isang sitwasyon ay

kinakailangan gumamit ng pangalawang wika na kung saan ang sarili ay hindi pa


gaanong matatas para dito. Dagdag pa , na ang mag-aaral na may mataas na
pagkabalisa ay nahihirapang maipahayag ang sariling

ideya at sinusubukang

maliitin ang kanilang sariling kakayahan (Gardner & MacIntyre, 1993 halaw nina
Gido, Loquias, Sinining, 2008)
Sinupurtahan naman ito ni Curtis Suebert ang kabalisaan sa wika ay
tumutukoy sa isang pakiramdam ng pagkatakot, pagkabalisa at tenyon sa taong
nag-aaral ng ibang wika bukod sa kanyang katutubong wika (Agbones, Lagarta,
Dagatan, 2011).
Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng dalawang baryabol. Ang mga ito ay
malayang baryabol at di-malayang baryabol. Ang malayang baryabol ay ang
kabalisaan sa wika na may tatlong batayan: Input Stage, Processing Stage, at

Output Stage. Ang di-malayang baryabol ay ang kasanayan sa pagsasalita na may


tatlong batayan: kaalaman, kasanayan, at tiwala sa sarili.

Konseptwal na Balangkas

Malayang Baryabol

Di-malayang Baryabol

Kabalisaan sa Wika

Kasanayang Pagsasalita

Input Stage

Kaalaman

Processing Stage

Kasanayan

Output Stage

Tiwala sa Sarili

Moderetor
Lalaki at Babae

Kahalagahan sa Pag-aaral

Aming natuklasan na ang pag-aaral na ito ay mahalaga ayon sa aming


palagay sapagkat upang masolusyunan ang kabalisaan sa wika ng mga mag-aaral.
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

Administrasyon. Sa pamamagitan ng magiging resulta sa pag-aaral na ito, ang


paaralan ay makakagawa o makakabuo ng isang programa upang masolusyunan
ang pagkabalisa ng mga mag-aaral sa wika, at mapalinang ang kanilang : kaalaman,
kasanayan, at tiwala sa sarili.
Guro. Upang malaman ng guro ang kanilang nararapat gawin sa kanilang mga magaaral na may pagkabalisa sa wika na natatamasa sa kanilang sarili.
Mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay makakakuha ng
impormasyon ang mga mag-aaral patungkol sa isyung ito. Sa paraamg ito ay
maiiwasan na ang pagkabalisa nila sa wika at malinang nila ang mga kasanayang
pagsasalita na walang nararanasang pagkabalisa sa wika.

Definition of Terms

Language anxiety (or xenoglossophobia) is the feeling of unease, worry,


nervousness and apprehension experienced when learning or using a second or
foreign language.
Pagsasalita - Ito ay ang pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa
pamamagitan ng verbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong tunog,
tamang gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.

Kabanata 2
Metodolohiya

Desiryo ng Pananaliksik

Mga kalahok sa Pananaliksik


Instrumento ng Pananaliksik
Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos
Estadistikong Ginamit

You might also like