You are on page 1of 3

Kabanata 1

Panimula
Kaligiran ng Pag-aaral
Sa buong mundo, halos lahat ng mag-aaral ay dumaranas ng kabalisaan sa
wika. Maging ito man ay sa paraang pagsulat o sa pagsasalita. Ang mga mag-aaral
ay nahihirapang ipadama ang kanilang saloobin o nararamdaman. Kung kayat ang
Language Anxiety ang kanilang nagiging problema. Ito ang magiging sagabal nila
sa kanilang nararamdaman na nais sana nilang ipahayag.
Ang kabalisaan sa wika ay maaring matukoy na pagkatakot o pangamba sa
paggamit ng kanilang pangalawang wika, maging ito man ay sa paraang
pagsasalita, pakikinig at maging sa pagkatuto. Sa mga nakaraang taon, ang
pananaliksik ay nagpapakita na ang kabalisaan sa wika ay isang tiyak na kabalisaan
kaugnay sa pangalawang wika (Horwitz, Horwitz & Cope, 1986; MacIntyre &
Gardner, 1989, 1991b). Dagdag pa nila Gardner at MacIntyre (1993) na ang
kabalisaan sa wika ay pagkatakot at pangamba kung ang mag-aaral ay inaasahang
magsalita o magperporm gamit ang pangalawang wika o gamit ang wikang
pangdayuhan, o pangamba at negatibong reaksyong emosyunal kung ang isang
mag-aaral ay gumagamit ng kanilang pangalawang wika (MacIntyre 1999).
Sa buong mundo particular sa kanlurang bansa, sa Mainland China, base sa
pananaliksik na ginawa ni Zhoa Na (2007) nakita nya na halo lahat ng mag-aaral ay
nakakaranas ng kabalisaan sa Ingles nila na klase, lalong lalo na sa pagkatakot sa
negatibong kalalabasan. Kaugnay nito, ay halos lahat din ng mag-aaral sa

asignaturang Filipino 1a ay nakakaranas din ng pagkabalisa sa pagsasalita sa


wikang tagalog bilang pangalawang wika nila.
Sa unibersidad ng Mindanaw, sa pananaliksik na ginawa nina Advincula,
Anino at Madelo (2007) isang undergraduate na pamanahong papel na pumapaksa
sa Affective Factors and English Language Proficiency, nalaman nila na

ang

kabalisaan ang nangunguna na nakakaapekto para sa pag-aaral ng wika.


Kung kayat ang mga mananaliksik ay nagdesisyong magsagawa ng
pananaliksik hinggil sa Kabalisaan sa Wika at Kasanayang Pagsasalita sa
Asignaturang Filipino 1A.

Malayang Baryabol

Di-malayang Baryabol

Kabalisaan sa Wika

Kasanayang Pagsasalita

Input Stage

Kaalaman

Processing Stage

Kasanayan

Output Stage

Tiwala sa Sarili

Moderetor
Lalaki at Babae

You might also like