You are on page 1of 9

Unang Wika, Pangalawang

Wika, at Iba pa

INIHANDA NI: Gng. Charlene A. Progoso


UNANG WIKA

Tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at


unang itinuro sa isang tao.
Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue,
arterial na wika.
Pinakamataas o pinakamahusay na naipahayag ng tao
ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin.
PANGALAWANG WIKA
Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang
wika sa kanyang paligid na maaring magmula sa telebisyon o sa iba pang
tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga kaklase , mga guro
at iba pa.
Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang
natutuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon ng sapat na
kasanayan at husay rito at magamit niya rin sa pagpapahayag at sa
pakikipag-usap sa ibang tao.
MONOLINGGUWALISMO
Tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad
ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South
Korea at Hapon.
Maliban sa edukasyon,sa sistemang monolingguwalismo ay
may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersiyo,wika
ng negosyo at wika ng pakikipagtalasatasan sa pag-araw-
araw.
BILINGGUWALISMO

Bloomfield(1935) – ang bilingguwalismo bilang paggamit o


pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay
katutubong wika.
Macnamara ( 1967)- ang bilingguwal ay isang taong may sapat na
kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwika.
Weinrich(1953) – ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan
ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gumagamit nito ay
bilingguwal.
Cook at Singleton (2014) – maituturing na bilingguwal
ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang
wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon.
Balanced Bilingguwal- tawag sa mga taong
nakagagawa nang ganito at sila’y mahirap mahanap
dahil karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang
wikang mas naangkop sa sitwasyon at sa taong kausap.
BILINGGUWALISMO SA WIKANG
PANTURO
“ Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit
ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang
manantiling wikang opisyal ng Pilipinas.” Ponciano
Pineda (2004)
Hulyo 19,1974- Ang Department of Education ay naglabas ng
guidelines o mga panuntunan o polisiya sa pagpapatupad ng
edukasyong bilingguwal sa bansa.
Dahil sa pagsisikap ng Surian ng Wikang Pambansa ay
nilagdaan ang isang makasaysayang patakaran tungkol sa
bilingual education sa bisa ng resolusyon bilang 73-7 na
nagsasaad na “Ingles at Pilipino ay magiging midyum sa
pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula
Grade 1 hanggang antas unibersidad sa lahat ng
paaralan,publiko o pribado man.
MULTILINGGUWALISMO
Ang Pilipinas ay isang multilingguwal.
Mahigit 180 wika at wikain . Lewis et.al (2013)
Ducher at Tucker (1977) – napatunayan nila na ang bisa ng unang
wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral.
Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa
pag-unawa ng paksang aralin at bilang matibay na pundasyon sa
pagkatuto ng pangalawang wika.

You might also like