You are on page 1of 106

10 WiSHES.

:)

"10 Wishes"

I'm Ron Esguierra. I live a pleasant life. 4thyear hghschool.Gwapo.


Mayaman. Sikat sa Campus. Habulin ng girls.
Wala na nga akong mahihiling pa sa buhay ko eh---well, that's what I
thought until I met her....Sachiko, yan ang name niya. I once saved her
sa pagkakabunggo sa isang truck, imbis na sya ang nasagasaan, ako ang
nabundol ng truck. It was a miracle ng kaunting galos lang ang natamo
ko. I don't know what happen to her after that incident. Then, after 1
week, I was surprised ng sumulpot sya sa harap ko and she told me that
she can grant my 10wishes. Creepy? Weird? Hilarious? name it, i can't
explain.
"I was contented in my life until you came... Kala ko wala na akong
mahihiling pa.."
"DEATH cannot do as apart. Coz I'll follow you even in your death.
That's a promise."
"When you came, there's nothing more that I can wish coz you're presence
granted a thousand wish i could ask for."

CHAPTER 1
"Sa gwapo kong to, syempre, napasagot ko si Mimi. " oo na. mayabang na
ako. lam ko. haha.
"yabang mo pre." oha! may batok epek pa tong si Kyle, bestfriend ko.
Gwapo din yan, mas gwapo lang ako. lamang ng sampung balde.
"ay pusa!" nakakabigla naman yung kuting na dumaan sa harap ko. Nasa
kalye nga pala kami, pauwi na kami ni Kyle.
"anung pusa?"
"duling ka ba pre. may dumaang pusa.."
"wala naman ah. sira to."
"meron nga. ayun yung..." ituturo ko yung pusa kaso pag tingin ko sa
direksyon na pinuntahan ng pusa... "Shete pre! yung babae masasagasaan!"
tumakbo ako para iligtas ang isang babaeng nakita kong tumatawid na
parang wala sa sarili. Masasagasaan sya ng truck! anu ba yung driver?!
bakit hindi sya tumtigil?!
"Ron! Anong gagawin mo?!"

"Miss!!!" tumingin sya sa akin at.... ngumiti?!


anong problema nito? masasagasaan na nakangiti pa rin. anla, ewan. "Tabi
miss!" itinulak ko sya...
*boooooooooooogsh!*
"ayyyyyy!yyyyy!!
"Yung lalaki nasagasaan ng truck!!!"
"Ron!!!"
"Dali! ambulansya! dalhin natin sya sa hospital!"
-------------------------------------------------"nagigising na sya..."
"oo nga.. nagkakamalay na.."
"ron..."
"yes! buhay na ang mokong!"
hmm... ang ingay ng mga to..."aghh.. saan ako? sino kayo?? bakit ang
papangit nyo?"
"sira ka! pasalamat ka nasa hospital ka kung hindi babatukan kita eh!"
"O kyle. kaw pala yan. kaya pala ang panget. "
"dapat hindi dito bagsak mo sa hospital eh, dapat sa mental."
"to naman. hindi mabiro."
"ron..."waa.. si Mimi.<3"ayus ka lang babes?"
"fine na fine ako babes. Dyan na ang angel ko ih. mwuah!"
"teka nga.. wag muna kayo mag-smoochies dyan na magsyota."epal naman
tong si kyle eh.
"at bakit asungot?"
"gusto ko lang itanong... ano bang meron yang kukote mo at bigla ka na
lang tumawid sa kalsada?! nag-su-suicide ka ba? sana sinabi mo agad,
para natulungan kita, marami akong lason sa bahay. libre lang."
"babes. kuha lang kita ng maiinom ha."
"sure" pagkalabas ni Mimi...
"Kyle.. hindi ako nag-su-suicide no. iyo na yung lason mo. pakabusog ka
dun."
"eh bakit ka nga bigla biglang natawid? at truck pa ang pinili mo!"
"may babae kasi akong nakitang tumatawid na parang wala sa sarili eh

anlapit na nung truck sa kanya kaya ayun sinagip ko..."


"babae? sinong babae? Kyle. naka-drugs ka ba? la naman babae dun sa
kalsada nung tumawid ka eh. wala ka namang sinagip eh..."
"pre. meron!"
"adik ka ba?"
"sira! hindi! meron talaga."
"hindi ka pala dapat ginugutom pre. sumasama ang tama mo."
???what's happening? bakit hindi nakita ni Kyle yung girl? bulag na ba
si Kyle? nung una, yung pusa ang hindi nakita tapos yung babae...
teka...adik ba ako?... hindi naman eh.nakita ko ang nakita ko!
CHAPTER 2

haay... after 3days, makakalabas na din ako dito sa mental este


hospital. nagtataka ba kayo kung bakit ang bilis? na nasagasaan na ako
ng truck, 3days lang ako sa hospital? aba, ewan.. nagtataka nga din ako
eh. Galos lang natamo ko. grabeh, anweird!
"oh yan pare.. nabayaran na ng mom mo ang bills. taralets na, multuhin
ka pa dyan."
pang-asar din tong si Kyle. simula ng sabihin ko yung about sa girl na
sinagip ko, inaasar na ako nito na mumu daw yun. minumulto na daw ako
kasi masyado na daw akong makasalanan. "heh! tantanan mo nga ako."
*toinks!*
"woah naman. wala namang batuhan pre."
"lumabas ka na nga. susunod na lang ako."
"sure ka? hindi ka matatakot? baka dalawin ka nung mumu?"
"lumayas ka na nga.."
"haha. lalabas na nga, baka ibato mo pa sa akin yang kama! babuush!" at
nag-dissappear na rin ang mokong. (@,@)
"salamat..."
sino yun?!!! waaa.. mumu!!! lalabas na ako!!!

-------------------------------------------------"oh.. napano ka?"


"wala. tara na." waa.. sino yung nagsalita..

-------------------------------------------------one week later...


pagka-balik ko sa school, syempre pinagakaguluhan ako ng worried fans ko.
"hey babes... pede tomorrow na lang, hindi ako pede ngayon eh."
"oh.. is that so.. hatid na lang kita sa inyo..."
"wag na babes... thanks na lang. sige, i gotta go. bye! mwuah!"
"babes..."wala na. umalis na. pano ba yan, hindi kami tuloy ni babes
ngayon, wala tuloy ako magagawa. ayoko pa umuwi. boring sa bahay..
makapaglakad-lakad nga muna....
*boogsh!*
"ay sorry..." bakit ako ang nagsorry? hindi naman ako ang nakabunggo?
teka... malingon nga...
"okie lang yun."
teka... teka... teka... ito yung girl na iniligtas ko!!! "ikaw?!"
"ako si Sachiko, at your service!" sumaludo pa sya at nagwink pa! anung
at your service? ano? ano? ano?
"..."
"huh.. no comment? :-[uy. talk to me."
"sino ka ba?"
"ay... didn't i tell you, my name is Sachiko. S-A-C-H-I-K-O."
"i know, i know. you told me. pero, di ba ikaw yung girl na sinagip ko
dun sa truck accident?"
"Tumpak! at dahil dun, I'll grant your 10wishes!" ano daw? wishes? ano
sya genie? baliw ba to?
"wishes?"
"hindi mo alam ibig sabihin non? ok, fine.. tagalog for kahilingan."
grr.. kung hindi lang to babae, sasapakin ko na to eh.
"miss.. alam ko. pero, anggulo mo kasi.."
"ako? magulo? maayus naman buhok ko ah.." arggh!! jusmiyo! someone help.
abnormal kausap ko.
"ewan ko sa iyo." tumalikod na ako sa babae at lalakad na palayo ng
higitin nya kamay ko"wait lang..."hinarap ko ulit sya at huminga ng
malalim at sabing, "miss. alam mo kasi. i don't know you. and i find you
weird."
"hmm.. let me explain kasi.."
"explain what?" ah-ah. anggulo.

"mabuti pa, tara dun sa starbucks, dun ko e-explain ang dapat i-explain.
libre mo ako ah." at hinila ako nitong babaeng to sa starbucks.. ilibre
ko daw sya? close kami?

-------------------------------------------------------------------CHAPTER 3

"Gusto ko nito... nito... nito... nito... nito... at... nito.. ito pa...
tsaka to..."
"ano pa po ma'am?"tanong ng waiter.
"yung lang naman. "Nang-aasar ba to? LANG?! :oeh parang lahat na ata ng
nasa menu, inorder nito.
"kayo po sir?"water!! water na lang!!
"Just coffee shake."
"ok sir."

-------------------------------------------------

"Andaming cake nan ah, hindi ka kaya magka-diabetese nan?"


sumubo siya. Nakangiti sya habang subo ang tinidor. ANKYUT. pwe!! pwe!!
katakyut kamo.
"hindi. eh ikaw?"
"anong ako?"
"hindi ka kaya magka-ulcer nan? Shake lang yan ih.. "
"hindi. nakakawalang gana ka kasi. Anyways, explain yourself."
"hmm.. sige.."sumubo ulit siya, "akosh shi Sashiko.. yyum, yyyum..
Shapoxx..."
ano daw?"teka, teka. ubusin mo nga muna yang laman ng bibig mo."
pagkatapos nyang ngumuya, "fine. Oh. As I was saying, ako nga si Sachiko."
"oo. alam ko. Kanina mo pa sinasabi."
"Anla. Epal naman ihh. Patapos muna kasi."
"fine. fine."
"ako si Sachiko"nanaman."Niligtas mo ako noon sa truck accident at dahil

doon, bilang pasasalamat. I'll grant your 10wishes."pinakita nya pa sa


akin ang 10 daliri nya. para namang hindi ko alam kung ilan ang sampo.
"ano ka genie? sira."
" ::)hmm... Basta. I'll grant your wishes."
pinagloloko ata ako nito eh, "alam mo.. nahihibang ka na.. ilang araw ka
bang hindi nakakakain?"
"I'm telling you the truth."nag-pout sya.
"ganon? ge nga, I wish na maging palaka ka this instance."
She glared at me..."oh? ano na. tamo, hindi ka naging palaka."
"Hindi naman yun pede eh."
"then you said it. hindi nga totoo."
"i said, hindi pede. bingi."aba't!
"magwish ka naman kasi ng matino." sige na nga, pagbigyan na tong
babaeng to.
"Sige, I wish na matuloy kami ni babes mamaya." ngumiti sya tapos
lumapit sa mukha ko at hinalikan ang noo ko, "As you wish..."woah! para
san yun?!
tenenen. tenenen.
Si mimi tumatawag..
"hi babes! napatawag ka?"
"uh.. hello babes.. still free? pede na ako mamaya."
"really?!! cool! Let's have dinner tonight. I'll pick you up, 7pm."
"sure babes. sige, Bye! mwuah!"
"bye babes." end of call. I look at Sachiko at kumakain siya, pangatlong
plato na ang nasaid.
hmm.. is that coincidence? o... Nagrant nita ngang talaga ang wish ko??
"Hoy babae.."
"It's SAchiko. not babae."
"Whatever. Kaw ba talaga may gawa non?"
"You wished for it. I grant it."
"woah. You're for real."
"Told you so.. Now, 9 wishes na lang..."
"Sige.. I wish.."
"HEP!" tinapat nya right hand nya sa mukha ko"Enough. bawal na."

"oh! kala ko ba 10 wishes? eh bat bawal na?"


"Rules."
"rules? may ganon?"
"There's always a rule. Exceptions. Limitations."
"Andaya naman."
"Sadyang ganon... I'll explain the rules.."she started explaining...

"Rule #1: No Wishing na involve si SACHIKO.


Rule #2: Bawal magwish for additional wishes.
Rule #3: Bawal iwish na mabuhay ang namatay na.
Rule #4: Bawal magwish ng powers.
Rule #5: Making someone fall inlove is a NO-NO!
Rule #6: You can only wish once at a time.
That's all."
"eh pano pag naubos ang 10wishes ko, what will happen?"
"Secret. Saka mo malalaman pag naubos na."she smiled pero.. ewan,
imagination ko ata nung mapansin ko na parang malungkot yung mata nya ng
sinabi nya yun. ewan. "speaking of naubos, Tapos na ako kumain."
tiningnan ko ang lamesa and all the foods and beverage na inorder nya..
, SAID!!! Antakaw!! Hindi pa nga ako nangangalhati sa Shake ko!
"Well. yan ha. ok na? Ge, alis na ako! Bye! thanks sa libre! sa uulitin!
" WHAT?!
"wa.." wala na, nakalabas na. Iwan ba naman ako? Teka... Xanggala yun
ah, ginawa akong taga-bayad ng inorder! eh nako.. niloloko naman ata ako
non eh, pano ako mag-wi-wish sa kanya kung hindi ko alam kung saan sya
matatagpuan.
---------------------------------------------------

At 7pm, sinundo ko si Mimi sa house nya at nagdinner kami sa isang class


restaurant. Actually, hindi ko mahal si Mimi, crush lang. Wala lang,
trip ko lang ligawan, at yun nga, 2days pa lang ako nanliligaw, kame na
agad. babae nga naman. walang kahirap-hirap ai.
Well, sa dinner namen, we talk a lot of things pero syempre I didn't
tell her about Sachiko. She'll find it weird, weird naman talaga. Pero
sa totoo lang, kanina pa ginugulo ng Sachiko na yun ang utak ko, pano
naman kasi bigla-biglang nang-iiwan sa ere. Nakabitin tuloy ako.

After our dinner, inuwi ko na si Mimi sa bahay nya. Then sumakay na ako
sa kotse ko.. yep, kahit 4thyear highschool pa lang ako, I have a car
na. Ganan talaga pag mayaman. Sarap ng buhay.
On my way home...
"Ay pusang gala!" pusa nga, bigla na lang tumatawid buti nakapreno ako
kung nagkataon baka makulong pa ako sa salang pagpatay sa pusa.
Ewan ko sa sarili ko pero bigla akong bumaba ng kotse ko at chi-neck ko
yung pusa...
...
Wait! kung hindi ako nagkakamali, eto yung pusa na tumawid non sa
kalsada!!! There's the bell bracelet sa paa niya, I remember that!
Kinuha ko yung pusa, "You're that dumb cat."
Nang dadalhin ko na siya sa loob ng kotse ko biglang tumalon yung pusa
sa pagkakahawak ko at tumakbo palayo.. "Takasan ba naman ako? "
--------------------------------------------------CHAPTER 4

"Nyahahaha! Pare, high na high ka ah! Ano namang kalokohan yan?!"


"naman Kyle... Alam ko ang weird ng kwento ko kaya nga sa iyo ko
kinukwento kasi alam kong gifted child lang ang makakaintindi dito sa
kwento kong to."
"Gifted?! weh... lalong nagiging mukha ka tuloy adik nan sa paningin ko
Ron. "
"Seriously pare, totoo sya. hindi ako nagda-drugs promise, mamatay ka
man. i swear."
"teka.. bakit naman ako... "
"pare, believe me naman kasi."
"teka.. yung sachiko kamo.. yung niligtas mo kuno.. nakita mo and she
said she can grant your 10wishes and your 1stwish was really granted kamo?"
"yep. tama."
"fine. fine."
"naniniwala ka na?"
"hindi. eto piso."
" piso? ano gagawin ko dito?"
"pambili mo ng kausap."

*plakk!*

"arouch!! ibato ba naman sa akin yung piso."


"sira ka. "
"easy ron. baka kasi nababaliw ka na.. baka naapektuhan yang utak mo
nung sa truck accident..."

*wapakk!*
"ouch!! namumuro ka na ha!!! sapakin ba naman ako"
"eh g.go ka eh. hindi ako baliw."
"malay mo. patingin ka sa doctor. sya, sya. uwi na ako ron. punta kang
bahay bukas ha."
"sige sige."
"patingin mo na utak mo ha!! "sabay takbo palayo.
"Ipatingin mo din utak mo! mukhang malala na yang deprensya
mo!!!!"pahabol sigaw ko.
hmm... tama nga kaya si Kyle? naapektuhan nga kaya utak ko?

pwe... ano ba yan.. hindi dapat ako nagpapaapekto sa mga pinagsasabi


nung mokong na yun.. malala na yun eh.
-------------------------------------------------"Break na tayo Ron."
"Uh.. ok. sure."

*slap!*
ouch..."Sure lang? Ganun ganun lang???"
"Eh... di ba gusto mo makipag-break?"
"ewan ko sa iyo!!"

*slap!*
tumakbo si Mimi palayo.. aray... sakit ng pisngi ko... magkabila...
"Striiiiiikeeee Two!!!! last one na lang and your OUT!"

"Ay multong kabayo!!"

*slap!*

"aray!"
"Strike three! your OUT!!! out! out!"
"masakit yun ah! bakit ka ba nanampal??!!"
"Mean ka kasi! Bad, bad ,bad! Buti nga sa iyo!"
"aba.. aba... Kukutusan kita dyan eh!"
"eh gawin mo!! your so bad!! ambad-bad talaga!"
tong kutong lupang to.. aba't..."Alam mo ikaw..."
"ano?"
ano nga ba? aghhh... "Ewan!!! Waaaa... Masisiraan na ako sa iyo!! ano ka
ba?? multo? Alien? Genie? Kabute? Mangkukulam? halimaw? Spirit? aswang?
ano?!!!"
"tao ako." :l
"tao? Eh kung tao ka, bakit.... may powers ka?ano ka power ranger?"
"hindi. tao sabi ako. hindi ko alam kung bakit may powers ako."
"anong hindi mo alam?!~!!!"
"i don't know." :l
"You don't know?! Ako ba'y pinagloloko mo na ha?!!!"
"...." waa... bakit nanunubig ang mata nya....
"te.. teka..."
"huwaaaaa...."
--->extras on the scene:<---"Guys... Si ron yun diba? Sinong kasama non?"
"oo nga. sino nga kaya? ankyut oh, kaso... bakit umiiyak?"
"baka piniiyak ni ron.. lam mo na.. campus playboy diba?"
"oo nga... kawawa naman yung girl..."
"Tsk. ansama talaga nan si ron."
"campus playboy nga ihh."

-->exit ng extras<----

huwaaatttt??!!! sumasama ako dito ah! Tiningnan ko si Sachiko... aggh!!


seesh!! hinawakan ko siya at hinila palayo sa mga tao, nagmukha tuloy
akong bully. eh-eh!
nagpunta kami sa likod ng school building ko, buti walang mga
estudyante. awasan na, buti na lang. hinarap ko siya, bigla niyang
inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ko at inilagay sa may tapat ng
mata niya.
"huwaaa..."aggh! parang bata!
"Ano ka ba, tumahan ka na nga!"
"huwaaa!!!!!!"teteng! lalo pang lumakas ang iyak nito! pano ko ba to
patatahanin??
"i wish tumahan ka na!!!!"
"huwaaaaa!!!!!"
shete! bawal nga pala pag involve si Sachiko. shete! bwisit! "Tahan na.
Eto panyo."inabot ko anf panyo ko pero tinabig nya lang at nagpatuloy sa
pag-iyak.
"ano bang gagawin ko sa iyo? waa.."masisiraan ako nito, ba't ba ayaw
nitong tumahan?
"teka.. dyan ka lang ha... babalik ako.." may naisip na ako. tumakbo ako
palabas ng school at pumunta sa isang manong na nagtitinda ng cotton candy.
"manong isa nga po."
"eto oh."
"salamat po."pagkabayad, tumakbo agad ako pabalik baka kasi nagwawala na
yung Sachiko na yun doon.
"huwaaaa..."haay... hindi pa rin natigil. ngayon naman nakaupo siya at
nakaub-ob sa tuhod niya habang nakaiyak. nilapatin ko...
"tahan na. may bigay ako sa iyo."
"ayoko sa iyo! "hindi man lang inangat ang mukha.
"sachiko..."ipinatong ko ang right hand ko sa may ulo niya.
"Noli me tangere!" ano daw?
"What?!"
"noli me tangere!! noli me tangere!!! touch me not!!!! "
"aah... haay... sorry na kung ano man nagawa ko... tahan na oh.. tingnan
mo, may cotton candy akong binili para lang sa iyo.." as expected, bigla
niyang inangat ang mukha niya at aktong hahalbutin ang cotton candy sa
pagkakahawak ko pero dahil inaasahan ko ang reaksyon niya agad akong

tumayo at nilayo ang cotton candy bago niya maabot.


"akin na! akin na!!"
"woops" haha! nakakatuwa naman siya oh, para talagang bata.
....

huh?
bakit tumigil siya sa pag-abot?

"..."tumingin siya sa mata ko habang kagat niya ang labi niya... waaa...
iiyak na naman ba siya?
"eto,eto, eto oh.. binibiro ka lang..." bago pa to ngumawa ulit inabot
ko na agad yung cotton candy at agad naman niyang hinalbot.

"thennkkkkyuu."ngumiti siya, medyo basa pa ang mata niya at ang pisngi


niya pero ang.... k...y...u...t...
"pasyal mo naman ako..."
"ha?"
"pretty pleasshh??"

--------------------------------------------------ano pa ba magagawa ko? tutal, tapos na ang klase ko, dinala ko siya sa
isang playground malapit sa school.
umupo kami sa swing na magkatabi. Tahimik siyang kumakain ng cotton
candy. kakatuwa siyang pagmasdan, parang isang batang tuwang-tuwa sa
pagkain ng cotton candy.
maya-maya umimik siya....

"anggaling, pano mo nalaman na cotton candy and makakapagpatahan sa aken?"


"ah.. eh..." pano nga ba? "ano kasi... tanda ko nung last meeting natin,
you ordered so many cakes and napansin ko enjoy na enjoy ka sa pagkain
mo nun. so i came to the conclusion na you like sweets kaya ng maalala
kong may nagtitindang cotton candy sa labas ng school, ayun, bumili ako,
nagbabakasakaling yun ang makakapagpatahan sa iyo."
ngumiti siya, isang matamis na ngiti, "Ang galing mo. I really do love
sweets."
"hehe. syempre, magaling talaga ako at gwapo. pero teka nga, bakit ka ba

biglang umiyak? ano ba ginawa ko sa iyo?"


"you shouted at me. I always get teary-eyed when someone shoutsat me. "
nakayuko sya non ng sinasabi nya yun habang kinukurot kurot nya yung
cotton candy na hawak nya. i felt guilty tuloy.
"oh... sorry about that... kasi naman ikaw.. you're confusing me.."
"confusing you?"
"yep."
"how?"
"hmm.. kasi.. i'm getting confused on what you really are.."
"di ba i told you tao ako?"
"hehe.. kaso nga parang hindi... you're more like a genie kasi di ba you
said you can grant my wishes.. eh, hindi naman nakakagrant ng wishes ang
normal human eh.."
"no. dyan ka nagkakamali. I'm no genie. And ang tao, they can really
grant people's wish."
"well.. maybe your saying that the wish their granting does not include
powers... hindi katulad mo, biglang tumawag si Mimi nung magwish ako.
that doesnt seems to be a coincidence eh... you have a power.. you did
that.."
"hmm.. ewan ko.. naguguluhan din ako.. basta, i believe na i'm a human.
i'm not sure why and how i can grant your wishes."
"baka nga kasi genie ka, hindi mo nga lang alam."
"hindi nga eh."
"ok. fine. hindi na ako makikipagtalo. umiyak ka pa dyan eh. "
"hmp."
"hehe.. ge na, i believe na tao ka." ano pa ba magagawa? sa kulit nito,
mas mabuti pang maniwala na lang ako kahit hindi. "teka nga... bakit ka
nga pala biglang sumulpot sa school ko kanina?"
"ahmm... la lang... Awas na kasi kame eh.. kaya ayun naisip kong pumunta
sa school mo..."
"pumapasok ka pala..."
"isn't it obvious? naka-uniform nga ako eh."
"sorry naman. eh anung grade ka na ba?"
"... "
"What?!" bakit ganto to makatingin?
"highschool na ako. hindi ako elementary. 4th year na ako." :l

"para ka kasing grade school.. hehe. peace tayo dyan. "


"ahmfff... bili mo muna ulit ako ng cotton candy.."
"waa... wala na si manong. next time na lang ulit."
"ahmff... sige na nga, basta next time ah."
"sure"
"yay! sabi ko na nga eh, mabait ka."
"ako pa."
"kahit panget... "
"mas panget ka"
"hindi kaya.. hehe. friends na tayo ah?"inilahad nya and right hand nya
at syempre inabot ko. we shake hands.
"friends." it wouldn't hurt naman di ba?
she smiled, that sweet smile then tumayo siya, "ba-bye na!" sabay takbo
palayo.
"te..."teka lang. tinakbuhan na naman ako.

=========================================
CHAPTER 5

"Hui Ron, ang lalim naman ata ng iniisip mo ah. May prob ka ba? Baka
matulungan kita?"
"Wala"
"Asa pa. Ano nga yon?"
"Wala nga eh."
"Weh naman."
"Sige. Sagutin mo tanong ko, ang uod ba, inuuod din pag namatay?"

*WAPAKKK!*
"aray ko! Manapak ba naman."
"sira ka kasi! ano nga kasing iniisip mo?"
"Ayun nga ang kanina ko pang iniisip, porke't di mo lang nasagot
nananapak ka na."

"Lokohin mo lelang mo. Nga pala, napa-check up mo na ba yang utak mo?"

*BOOGSH!*
binato ko ang unan ni Kyle sa kanya pero nakailag. Nandito ako ngayon sa
kwarto ni Kyle, tinatamad kaming mag-gala ehh. Init kasi.
"haha! joke lang!"
"Joke mo mukha mo. Hindi ako baliw, totoo talaga si Sachiko."
"ikaw ha. na-o-obssess ka na dyan sa SAchiko na yan ha."
"hindi no! ayaw mo lang kasi maniwala. Totoo naman talaga sya."
"oo na. Sa imahinasyon mo."
"Mali ka dyan. Kahapon nagpunta si Sachiko sa school at may mga nakakita
sa kanya pare." kinuwento ko kay Kyle ang lahat ng pangyayari kahapon at
mukha namang MEDYO naniniwala na kasi nga may testigo na ako pero ang
sabi niya sa akin, hangga't hindi niya pa daw nakikita si Sachiko ay
hindi pa rin siya lubos na maniniwala. Naman oh.

--------------------------------------------------Nagdecide kami ni Kyle na magpuntang mall at mag-time zone. Batong-bato


na kasi kami ni Kyle. Pano parehong 'single'.
Sa timezone, habang nag-a-arcade ay pinaguusapan pa rin namen si Sachiko.
"Dapat kasi sa susunod kunin mo number at address para pag mag-wi-wish
ka mako-contact mo."
"Eh lagi nga akong tinatakbuhan."
"Tanungin mo agad."
"nawawala lagi sa isip ko eh."
"wala ka naman atang isip eh. Yikes! andya mo ah!"natalo ko si Kyle sa
larong nilalaro naman sa arcade.
"madaya ba yun."
"oo. basta pag nananalo ka. madaya ka."
"bulok ka lang."
"aba't. minamaliit mo ata ako ah."
"maliit ka naman talaga ah. mas matangkad kaya ako sa iyo ng 1 inches."
"parang one inches lang. magtatakong ako para mas matangkad na ako sa yo
next time."
"bading!"

"joke lang. kagwapo ko para sa bading. pustahan tayo. sinoman matalo sa


next game ay magiging slave for 1week."
"what?! "
"haha. wala lang. para may thrill. ano game ka?"
"ge ba."
naglaro kame...
"Shete! Matatalo pa ata ako!"
"haha! Ilang tiranan ka na lang! Be ready to be my slave!! haha."
"Shete! aggh. Wish man lang magkahimala at manalo ako dito, ayoko maging
slave ni Kyle!"

*MWUAH!*
waa. biglang may nag-kiss sa noo ko.
"As you wish."
".. sa.. Sachiko... "

Machine: "YOU WIN!"


napatingin ako sa screen..."Ha? Pano nangyari yun?"
"You wished for it."
"Ha? Teka? Hindi. Hindi ko yun winish sa iyo. Wag mong i-count yun."
"no can do. Counted na yun. you said the magic word eh."
"What? Andaya."
"Pare... "tiningnan ko si Kyle, tulalado kay SAchiko.
"Ano?"
"Siya ba si Sachiko?"patay. Tinamaan ata si Kyle.
"Yep. Ako si Sachiko. How'd yah know my name?"
"sinabi ko."
"Hi. I'm Kyle Garcia, bestfriend niya. Nice to meet you."
"Hi Kyle. Nice meeting you too."
shake hands pa tong dalwang to oh. Tong si Kyle, naporma na agad.

----------------------------------------------------

pumunta kami sa max para mag-dinner. it was 6pm na.


"Woah. You're real. Kala ko niloloko lang ako ni Ron."
"Sinong Ron?" WHAT?! hindi niya ako kilala?
"Ako. Hindi mo alam pangalan ko?"
"Uhmm... ngayon ko lang nalaman name mo ihh."
"What?! ayus ka din ah. Nakapagpalibre, nakapang-inis, nagsabi ng kung
anu-ano at umiyak ka na na sa akin at lahat, hindi mo pa pala alam ang
pangalan ko."
"Hindi mo naman sinasabi ih."
"Hindi mo naman tinatanong eh."
"Nakalimutan kong itanong."
"Teka SAchiko... May boyfriend ka na ba?"grabeh to si Kyle. May balak pa
ata.
"Boyfriend? ahmmm.....
OO."
W-H-A-T?!!!!
---------------------------------------------------------------CHAPTER 6
What?! May boyfriend ka na?!"
"OO nga?!"
"Yah. I have a boyfriend."
"Sino?!"
"Si Ron."
"ANO SI RON---AKO?!"
"yep. Si Ron, ikaw. Ang bibingi niyo naman eh."
"Pero panong...?"
"Kahapon ah... Napaka mo... We agreed di ba?"
"HUH??..."Wait! Suskupo naman eh! "Yah! I remember... Yah,
boy.............FRIEND mo nga ako."
"Good you remember."

"Ron?! Ano? WAla ka man lang sinabi?"


"Sira! She meant boy then friend. Boyfriend as in lalaking kaibigan."
"Oh! Pwew kala ko..."
"Huh? You thought what? Isn't that what boyfriend means?"
"Oh... no, no Sachiko. Yah, yun nga meaning nun..."
"Sachiko...He was asking if you have a boyfriend and the boyfriend he
meant is yung something with malice. Boyfriend as in syota."
"Yah. That's what I meant. so, do you have one?"
"oh... Nope, I don't have."
"Cool!" seesh! May balak pa ata.
"Why?" hindi ba obvious?! Nagbabalak yang si Kyle. Inosenteng-inosente
pa ngang talaga tong si Sachiko ai.
"Oh nothing. Just asking."
I whispered, "nothing mo mukha mo."
"Ano kamo?"
"Wala. Sabi ko may parada ng mga bingi bukas. Invited ka daw."
"Well thank you sa invitation mo."*sarcasm*
"My pleasure."
"Really?! My parades of deaf tomorrow? But why?"
"Ai susmiyo. Sa makalawa may parada naman ng mga uto-uto."
"Really? Andame namang parades."
"Susme. OO! aatend ka."
"Sira ka talaga Ron. Don't believe her Sachiko."
"Oh. sayang naman."
"haay... Anyways, Sachiko... where do you live ba? Bigla-bigla ka na
lang kasing sumusulpot, para kang kabute."
"Address ko? Sa barangay di matagpuan. hehe. joke! sa St. Claire 107."
Dumating na yung order namen at nagsimula na kameng kumaen.
--------------------------------------------------After we ate...
"oops. Gotta go. Thanks for the dinner. see yah!"

"Sa..."ndali. Sige. Tsupi na. Nag-dissapear ka nanaman agad.


"waaa... Umalis na ang princess ko."
"Yikes! Princess ka dyan! More like a witch! "
"kung witch sya, sya na ang pinakamagandang witch at sa tingin ko
nakulam nya ang puso ko. O my Sachiko, wherefore art thou Sachiko?"

*WAPAKK!*
"Arouch! sapakin ba naman."
" Ang corny mo ha! may pa romeo and juliet epek ka pa dyan."
" Sadyang ganun. Ika nga nila, pag inlove nagiging baduy pero sweet.
Grabeh. love at first sight ako Ron. She's the most beautiful creature
I've ever met."
"Pare, eh ganan din sinabi mo nung na-inlove ka kay..."
"... '_' " tumingin sya ng diretso sa akin. Emotionless. Hindi ko na
tinuloy sinasabi ko.
"I'm sorry..."

....

Silence....
"Pare! Ilakad mo ako sa prinsesa ko! " biglang naging cheerful uli ang
mood ni Kyle. Lakas talaga ng tama.
"Whatever"
"Pare naman oh. Please? Please? Bigay ko sa iyo half ng allowance ko
ngayong month, tulungan mo lang ako kay princesesa Sachiko."
"Sounds great! DEAL!"
*murmur*"Mukha talagang pera. ang yaman-yaman naman."
"Anong binubulong-bulong mo?"
"Wala sabi ko ang gwapo-gwapo mo Ron. I love you. pa-kiss nga!"
"yucks ka Kyle! ambading mo!! lumayo ka nga sa akin."
"haha! hindi naman mabiro!"

--------------------------------------------------

Umuwi na kame.
I was in my room...


Turn around,
Turn around and fix your eye in my direction
So there is a connection.
Now I can't speak,
I can't make a sound to somehow capture your attention
I'm staring at perfection.
Take a look at me so you can see
How beautiful you are...

From: +639123456789
Message: Hi! I'm going bck home.
I miss u. =(
huh? sino yun? Uuwi daw sya? sino sya? Anggara pa ng number.

To: +639123456789
Message: Oh. May I know hu u r?
---Send--
Turn around,
Turn around and fix your eye in my direction
So there is a connection.
Now I-

From: +639123456789
Message: Oh. Don't be lyk dat. I know u kow me.

U juz don't recognize my #. Well. Jaz w8


4 me 2 cum home and u'l know hu I am.
Miss u badly.
huh? sino baga sya? pa-mysterious epek pa ai.

To: +639123456789
Message: Hu r u ba? Pls Tell me.
---Send--I've waited for 2 hours. No reply. I tried to call. No one answered.
Sino naman kaya yun?
"kring.. kring.." tunog ng bell? "kring... kring.." san yun? hmm... Ah!
Sa labas ng bintana? binuksan ko ang bintana at nakita ko yung kuting
ulit na iyon na nasa sangay ng puno na kalapit ng kwarto ko.
"Ming ming.." tinawag ko yung pusa. Lumapit ito. Hinimas-himas ko at
naglalambing naman yung kuting at nagpu-purr pa sya.
"Ikaw ha. Sinusundan mo ako."
"Purrr..."
"Crush mo siguro ako noh? hehe." ambaliw ko ai.
"purrrr..."
"hmm.. gusto mo, dito ka na lang? aalagaan kita."
"Woah!" Biglang tumalon yung pusa at bumalik sa puno tapos bumaba at
tumakbo palayo. Ba't parang lagi akong tinatakbuhan nung pusang yun?
that cat reminds me of someone. Sino kaya amo nun?
---------------------------------------------------------------
CHAPTER 7

"Hey cheer up will ya! babalik pa naman ako eh."


"Kahit na. Iiwan mo pa din ako. 5years yun."
"Hmmm... I'm gonna miss you so much."
"gonna miss you too. very is not enough."
"I love you.." what?! "my little brother." oh.. little brother? as always.

"i want to tell something to you..."

"hmm? what is it?"


"matagal ko na tong gustong sabihin... I.."
"You?" Shet! tutuloy ko pa ba sasabihin ko as kanya?! Aghh. It's now or
never...
"Listen.. I.. I... I... lo...ve...

Chocolates..." and i ended up with 'never'...


" .. hahaa!!! ikaw ha!! luko ka talaga!! haha,. sure. i wont forget to
send chocolates. kaw pa malakas ka sa akin eh."
"Thanks... "
"Naman ihh.. sad ka nanaman. Smile ka na oh. babalik naman ako ih. it's
a promise."
"Mag-iingat ka dun ha. Wag mong pababayaan sarili mo.Pag may nanakit sa
iyo dun, sabihin mo lang ha at ipapasalvage ko. promise!"
"hahaha! sira ka talaga! haha. i'm gonna miss you and your kakulitan
talaga."

---------------------------------------------------------------

.....
Turn Around
Turn Around and fix your eye in my direction
So there is a connection
I can't speak
I can't make a sound to somehow capture your attention
I'm staring at perfection
Take a look at me so you can see
How beautiful you are
You call me a stranger
You say I'm a danger
But all these thoughts are leaving you tonight
I'm broke and abandoned
You are an angel

Making all my dreams come true tonight


I'm confident
But I can't pretend I wasn't terrified to meet you
I knew you could see right through me
I saw my life flash right before my very eyes
And I knew just what we'd turn into
I was hopeing that you could see
Take a look at me so you can see
You call me a stranger
You say I'm a danger
But all these thoughts are leaving you tonight
I'm broke and abandoned
You are an angel
Making all my dreams come true tonight
You are an angel
Making all my dreams come true tonight
Take a look at me so you can see
How beautiful you are
Your beauty seems so far away
I'd have to write a thousand songs to make you comprehend how beautiful
you are
I know that I can't make you stay
But I would give my final breathe to make you understand how beautiful
you are
Understand how beautiful you are
You call me a stranger
You say I'm a danger
But all these thoughts are leaving you tonight
I'm broke and abandoned
You are an angel
Making all my dreams come true tonight

You call me a stranger


You say I'm a danger
You call me a stranger
HOY MR. RON ESGUIERRA!!!! GUMISING KA NA! PAPASOK KA PA!

"aray kupo! basag tutuli ko." haha. yun yung alarm clock ko. haha. oo,
alarm tone ko yun. haha. anweird ko noh? eh nakakaantok yung song na
yun. haha. kaya nga nagigising lang ako dun sa last part ng alarm tone
ko, yung recorded voice ni....

Stephanie...
yah. Si Stephanie.. yung kababata ko na mahal na mahal ko.. Sya ang
nagrecord nun nung mga bata pa kami, sabi nya kasi sa akin para magising
ako, irerecord nya daw ang isang nakakapananggal tutuling reminder.

shet. i miss her.


i just dreamnt of her. of us. of our past. of our last day with each
other. i super miss her. sya lang ang babaeng minahal ko sa kabila ng
mga naging girlfriends ko.
...teka...
Holy banana!!! shet!!! bat ngayon ko lang ba yun naisip?!!! Hindi
kaya... si Stephanie yung mystery number na yun?!!! hindi nga kaya?!!!
shet!! sya nga ata!!! the text said, uuwi sya?!! then, it really must be
her. wala na akong iba pang kakikilalang nasa ibang bansa except my
relatives pero syempre, hindi naman magmymystery epek pa yung mga yun.
baka nga si Stephanie yun!!pero bat parang napaaga ata ng one year? di
ba next year pa ang pang-fifth year nya dun??

anla. ewan. basta, importante, makikita ko na sya ulit... teka.. kelan


ba exact date?? mabuti pa tawagan ko.
*ring..ring..

Sorry. The number you have dialed is either unattended or out of


coverage area. please try your call later.

i called again. ganun pa din. hmm.. mamaya na nga lang ulit.

-------------------------------------------------------------

"Si Stephanie?! Yung kababata mo? na kapitbahay mo? na mahal mo? na nasa
New York? na miss na miss mo na? ay nagtext sa iyo? with an unregistered
number? na naguess mong sya nga yun at sinabi nyang uuwi sya?" daming
tanong ah.
"oo." kinuwento ko kasi sa kanya mga pangyayari. alam ni kyle na si
Stephanie ay kababata ko at alam nya ring may lihim na pagtingin ako kay
Steph.
"wow! what a very long answer. Talsikan na laway ko sa mga pinagtatanong
ko tapos 2letters lang sinabi mo. grabeh!"
"bakit? madami naman yun ah? 2 letters yun and sabi nga nila, more than
one is many."
"har-har."
"har lang. pag har-har ay dalwang tawa yun, madami yun."
"pilosopo!"
"Ron! girlfriend mo nag-aantay sa iyo sa labas." sabi ni Rommel,
team-mate ko sa basketball. Nasa gym kame, katatapos lang ng basketball
practice. team captain nga pala ako. dagdag charisma points. haha.
"sinong girlfriend???"
"oo nga Ron. sinong girlfriend? kala ko break na kayo ni Mimi?"
"break na nga. matagal na. hindi ko alam kung sino yun. wala akong
girlfriend ngayon noh."
"oo nga. kaya nga. alam ko nga single lady ka eh."
"nagsalita ang hindi single lady."
"haha! parehas pala tayong bading!!! Ansaya!"
"Sira! ikaw lang! wag mo akong idamay sa kabadingan mo Kyle!"
"nyahaha. tara nga. lets see the looking nung girlfriend mo daw sa labas."
lumabas kami ni Kyle ng gym at sa may tabi ng ng pinto ng gym ay may
babaeng nakasandal sa pader , kamay ay nasa likod at magka-cross ang paa
at nakatingin sa may ulap habang nililipad ng hangin ang mahabang buhok...
ang ganda niya...

-----------------------------------------------------------------CHAPTER 8

"Sachiko?!"
Anak ng tinapa!! bakit nga ba hindi ko naisip agad na si Sachiko ang
tinutukoy na girlfriend? susme.
"Hi Kyle!"
"Hoy! anong ginagawa mo dito sa school ko?"
"Hello din Ron."
"Sagutin mo tanong ko."
"Wala lang."
"Yikes. Umuwi ka na."
"Ayaw."
"eh anong gagawin mo dito?"
"ewan ko."
"Gusto mo Sachiko ipasyal kita?"
"Sure!"
"Sige, kayo na lang. Uuwi na ako."
"Ahmffs. naman."
"Sige, enjoy na lang kayo. uuwi na ako."
bumulong ako kay Kyle. "yan. moment nyu na. Bestluck pare."
"Thanks Ron."
"anong pinagbubulungan nyu dyan?"
"wala naman. sige, bye."
----------------------------------------------------------------"ano kaya ginagawa nung dalwa?" nakauwi na ako, nakahiga ako ngayon sa
kama ko at nag-iisip. Iniisip kung ano na nangyayari kay Sachiko at
Kyle. Sa tingin ko naman ay magkakasundo yung dalawa, parehas na isip
bata eh.
At natutuwa naman ako at nainlove na ulit si Kyle. Pero, para kasing may
mali

....May mali... ano kaya? hindi ko matukoy...


----------------------------------------------------------------------------

kinabukasan sa school... halos mabaliw ako sa kapahidan ni Kyle. pano

kasi kinuwento niya ang buong pangyayari sa kanila ni Sachiko kahapon.


Daig pa ni Kyle ang babae kung kiligin eh.

"Ron. I ask her kung pede ko siyang ligawan!" ambilis nito ah.
"Eh?! anong sabi?"
"Syempre! approve!"

....

"matanong nga kita Kyle, seryoso ka ba kay Sachiko o panakip butas lang
sya sa iyo?"
"seryoso ako sa kanya pare. mahal ko talaga sya."
"good. move on ka na nga siguro." hindi na sya umimik. Move na nga kaya
si Kyle? masakit ang naging nakaraan ni Kyle kaya hindi ako makakapayag
na masaktan ulit siya. Sana nga si Sachiko na ang makakatulong sa kanya
na kalimutan ang past nya.
---------------------------------------------------------------------

Sabado...
Naglalakad ako sa may plaza..

"Si sachiko?" natanong ko sa sarili ko ng makita ko si Saciko na nakaupo


at nakatingin sa isang aso. eye to eye sila. Pinagtitinginan siya at
pinagtatawanan ng mga tao. Ang sira naman nitong si Sachiko,
makipagsukatan ba naman ng tingin sa aso. tsk!
nilapitan ko siya at inabot ang kamay niya, "tara na."
Nabigla siya at tumingala sa akin, "Ron? anong ginagawa mo dito?"
"Naglalakad at ikaw babae, anong ginagawa mo at nakikipagtitigan ka sa
aso?!"
may biglang umepal..."nababaliw na yan. haha. " at nagtawanan na din
yung ibang mga tao. nainis ako. "ikaw ba tinatanong ko ha?! wag kang
epal! at kayo! tapos na ang show. magsi-alis na kayo!"
umalis na sila. pero naririnig ko yung iba na naiinis sa akin pero pake
ko ba sa kanila.

hinarap ko si Sachiko, "oh ano?"

"Eh kasi tong aso, tinatahulan ako kanina." isisi ba naman sa aso. haay
nako.
"gutom lang yan. halika nga, ikakain kita." hinila ko sya papunta sa
isang resto.
----------------------------------------------------------------------SA isang resto...
umorder kami ng cakes... syempre, si Sachiko ang umorder ng mga yun...
ako spaghetti lang.
pinagmasdan kong kumain si Sachiko.. nakakatuwa sya.. ang gana nyang
kumain. hilig talaga sa matamis. napatingin sya sa akin. tapos may
iningunguso sya, hindi ko ma-gets. bigla syang lumapit sa mukha ko, ang
lapit ng mukha nya sa mukha ko and for a sec, my heart skipped a beat.
"may sauce near your lips." I can feel her breath, kahit kumain siya,
still mabango pa rin ang hininga niya. Pinunasan nya with her thumb yung
amos ko sa mukha. Ang pula ng lips nya, ang lapit nito sa lips ko, mga
half an inch lang ang layo. Gusto kong halikan ang labi niya...
huh?! no! hindi. ano ba tong pinag-iisip ko.
"ayan. ok na. " hindi ko napansin nakabalik na pala siya sa upo nya.
-------------------------------------------------------"wag mo na ulit ipamimigay yang cellphone ha."
"okie." ibinili ko ULIT ng cellphone itong si Sachiko.

*flashback*
lumabas na kami ng resto at naglakad lakad.
"SAchiko alam mo pag minsan iniisip ko kung kabute ka kasi palagi ka na
lang biglang susulpot sa harapan ko. May cellphone ka ba?"

no answer...

"Sachiko.. hui.. ano na... bakit h..." paglingon ko sa tabi ko wala na


si SAchiko. tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaliwa.. wala.. sa
kanan.. nope... at sa likod...

Ayun ang bruha!


Nakatayo si Sachiko sa harap ng isang bookstore. Mukhang may tinitingnan
sa mga display books sa salamin. Nilapitan ko siya.
"Sachiko..."hindi tumingin, "Sachiko?" no response pa din kaya tinapik

ko siya sa balikat at mukhang nabigla siya. Malalim siguro ang iniisip?


"oh Ron. anong ginagawa mo dito?"
"sira. magkasama kaya tayo."
"oo nga pala."
"bigla-bigla ka na lang nawawala eh."
"hehe. tara. lakad na ulit tayo." humawak siya sa may braso ko, nabigla
ako at medyo nailang, ambango niya. "tara. hindi na ako mawawala."
lumakad na kame.
"Sachiko. May cellphone ka ba?"
"ano yun?"
"hindi mo alam yun?!"
"itatanong ko ba kung alam ko. nakakain ba yun?" taga sang planeta ba
tong babaeng to?
"Eto . Ganto ang cellphone." pinakita ko sa kanya cellphone ko.
"ahh,.... wala ako nan. "
"halika."
"saan tayo pupunta?"
"Smart wireless center??"
"yep."
"hindi ka pede dito."
"at bakit?"
"haay.. hindi ka talaga pede dito. Can't you read. Smart wireless
Center. matatalino lang pede dito."
"har-har. Funny."
"Wala naman si Bugs bunny."
"ha? ano?"
"Wala. ang sabi ko ang kyut mo."
"buti alam mo. "
*murmur*"Buti alam kong kyut kang alien."
"ano sabi mo?"
"wala. tara na sa loob."
sa loob...

"ano ba tong lugar na ito?"


"wag kang mag-alala nasa pilipinas pa rin tayo. bibili kita ng cellphone
para madali kitang macontact." binili ko sya ng N70.
"oh? anong gagawin ko dito?"
"gamitin mo yan. para macontact kita."
naglakad-lakad ulit kame. puro lakad noh? hehe. hindi ko dali kotse ko eh.
"sachiko paheram ng phone mo. ise-save ko number ko."
"anong phone?"
"yung cellphone na binili ko sayo kanina."
"ahh.."
"oh? asan na?"
"wala na."
"anong... wala na?!"
"ang engot naman eh.. Gone in english. Wala na. W-A-L-A na. Gets? o
kelangan ko pa ng dictionary para i-explain sayo?"
"teka... eh ba't nawala?"
"binigay ko dun sa katabi ko kanina."
"ha? bakit?"
"eh ayoko naman nun."
"ansira mo naman!"
*end of flashback*
at ayun na nga ang nangayari. binili ko ulit sya ng cellphone at
pinagbilinang wag na ulit ipamimigay. tinuruan ko pa siya kung pano
gamitin yun. grabeh! para akong nagtuturo ng pagsusulat sa isang 3yrs
old. ang kulet! nakakasira ng ulo!
nandito kame ngayon sa may playground. nakaupo ulit sa swing.
pinagmasdan ko si Sachiko, nakatingin sya sa mga ulap at mukhang malalim
ang iniisip. may problema kaya siya? nung isang araw ganto din yung
expression niya, blanko habang nakatingin sa mga ulap.
"Sachiko..."
"hmm?" tumingin siya sa akin ng nakangiti.
"nanliligaw nga sa iyo si Kyle?"
"yep. "

"may gusto ka ba sa kanya?"


"hindi ko alam..."
"hindi mo alam? eh ano bang nararamdaman mo sa kanya?"
"hmm... pag kasama ko siya, magaan ang pakiramdam ko, masaya ako...
tapos alam mo ba, hindi ko alam kung bakit pero kahapon nung nagkalapit
ang mukha namin, nagskip ng beat ang heart ko. bakit kaya ganun? tapos
last night, napanaginipan ko siya. Ang weird. bakit ganon?"
"hmm... may meaning yan Sachiko."
"ano?"
"malalaman mo din." Inlove ka din sa kanya...
nakakatuwa namn pero bakit parang... may... ano yun?
--------------------------------------------------------tumayo bigla si Sachiko at hinalikan ang noo ko, "bye alis na ako."
tumakbo na siya palayo, "sachiko.."
*boogsh*
"oops. sorry." napaupo si sachiko. may nabangga siyang babae nung paalis
na sya ng playground. tumayo siya tapos tumakbo paalis agad.

Napatingin ako sa nabangga ni Sachiko...

"Ron...."
-----------------------------------------------------------------------
CHAPTER 9
"Ron... "
OMG. yikes. Ambading. Shockings na lang.. eh eh. pang-girlush pa din eh.
ano ba yan, nahahawa na ako sa kabadingan ni Kyle.
"Stephaie?"
"I'm back Ron. " tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako.
"oh ano? bakit parang nabato ka dyan? hehe."
"is that really you Steph o nanaginip lang ako???"
kinurot ko ang pisngi ko, "Ouch!"
"Silly. I'm for real."

"I missed you so much, Steph."


"me too, Ron."

---------------------------------------------------------Sa bahay ko nagdinner si Steph.


*author murmurs to readers: "ang kapal nuh? nakikain pa?"
Pinagmasdan ko si Steph. Ang laki ng iginanda nya.
Ang lakas ng tibok ng puso ko, abnormal na ang tibok. Si Steph lang ang
nakakagawa nito. Mahal ko pa rin talaga siya hanggang ngayon.
"What are you looking at?" oops. nahuli nya ako na nakatingin. I think I
turned red. Wag naman sana.
"Nothing. You look beautiful as ever."
"Thank you. ikaw naman gumagwapo ka lil bro. " ganda na sana ng sinabi
may lil bro pang kasama. bixet naman oh.

---------------------------------------------------------------after dinner, nagstay kame sa room ko. Ginagala ni Steph ang kwarto ko
habang ako nakahiga sa kama habang pinagmamasdan siya.
"so.. Kamusta ka na Ron?"
"ayos naman.. ikaw?"
"ayus na.."
"na? what do you mean by that?"
"Hmm.. basta.. Hey lil bro bakit hindi ka na nagkeep in touch sa akin ha?"
"Basta din."
"pede ba naman yun?"
" Ikaw nga, basta din sagot mo."
"Hehe. Sabagay, hindi na tayo mga bata, may mga lihim na tayo ngayon na
hindi pedeng sabihin di tulad nung mga bata tayo, walang sekre-sekreto
sa atin." kala mo lang yun, ang nararamdaman ko sayo ay matagal ng
sekreto kahit nung mga bata pa tayo.
"Bakit nga pala napaaga ka ng 1year sa pag-uwi?"
"bakit hindi ka ba natutuwa na umuwi agad ako?"
"of course natutuwa ako. i'm just curious."

"ahmm.. lets just say nabored na ako sa New York."

...
Turn Around
Turn Around and fix your eye in my direction
So there is a connection
I can't speak
I can't make a sound to somehow
capture your attention
I'm staring at perfection
Take a look at me so you can---...
Kukunin ko sana ang cellphone ko para tingnan yung text ko kaso nauna si
Steph na makuha cellphone ko.
"hmm.. FromSachiko..." Si Sachiko? Ano naman kaya tinext nun?
"Message.. 'shing-shing' anong shing-shing?"
"shing-shing?! Ewan ko din. Hanla, yaan mo na yan si Sachiko, may
pagka-alien yan."
"hmm.." may tinatype sya sa cellphone ko.
"What are you typing?"
"nothing. " binalik na nya ang phone ko sa tabi ng lamp shade.
tapos nag-gala gala ulit siya sa room ko...
May kinuha siyang red na photo album...

Shete!! Yun yung photo album na puro picture nya! shete! mabubuking ako!!
Tumayo agad ako sa higaan at pinuntahan siya, "Huwag yan, Steph!"
Umilag siya ng kukunin ko, bubuklatin nya na kaya pilit kong inaagaw,
nasa likod niya ako at inaagaw ko yung album. Paikot-ikot siya para
hindi ko makuha. Nag-aagawan kami ng....
"Aaaahhh!!!!"
*Dug-dug! Dug-dug!*
Anlakas ng tibok ng puso ko. Natalisod si Steph at saktong napahiga sa
kama ko at dahil inaagaw ko sa kanya yung album, napahiga din ako at ang

malala pa... I'm above her, my hands in between her head at anlapit lang
ng mukha namen sa isa't-isa. Nagkatitigan kame...

Parang tumigil ang mundo ko...

Katahimikan...

Walang imikan.. Sobrang tahimik, rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko,
ang lakas... rinig rin kaya niya?

"Ron..."

suddenly she kissed me!!!!!!


-------------------------------------------------------------------CHAPTER 10
She kissed me..

*BOOGSH!*
Ay bruha ka! Araykupo! Matapos akong halikan itulak ba naman ako,
nahulog tuloy ako sa kama!
*tomp! tomp!*
*bang!*
Bumangon ako sa pagkakahulog ko, tumakbo ako sa pagkakahulog ko, tumakbo
na palabas si Steph.
"Steph!!" tinry kong habulin siya. Pero pagkalabas ko ng room ko at nung
bababa na ako ng hagdan nakita ko si mommy na nakafold ang kamay sa
chest habang nakatayo sa tabi ng hagdan.
"Did something happened between you and Steph?" muntik na po akong
rape-in ni Steph. Sayang!
"Nothing ma."
"Eh bakit siya biglang umalis?"
"I dunno Ma. Baka may naalalang na dapat asikasuhin kaya nagmadali."
Wow! galing magsinungaling! Bravo!
"oh is that so... Invite her next time again ha?"

"Sure ma." *lunok-lunok* nakupo. Si mameh aman, pano ko iimbitahan uli


yun, ni-rape nga ako.
Pero seriously(wow! serious!). serious na talaga, pano ko kaya
iimbitahin si Steph uli? Paano ko sya haharapin ulit? Bakit niya ako
hinalkan at biglang iniwan? Hindi ko alam ang gagawin ko. >.<
Sa room ko...
2am na. Hindi pa rin ako makatulog. Waaaa!!! Ansarap pala marape.
grabeh. Pero... May gusto din kaya sa akin si Steph? Bakit kaya niya ako
kiniss? huwaaa... Hirap mag-isip lalo na pag walang isip. waa...
Kinabukasan...
*Tiktilaok! Tiktilaok!*
Ano ba yun! ke-aga aga! Shuddup manok! Sarap ng tulog ng tao dine eh!
*tiktilaok!*
"Hmm... ano ba... tutulog tao dine eh..." medyo namulat mata ko and....

"Waaaa!!!"
*BOOGSH!*
Aray! Nalaglag nanaman sa kama. Ano bang ginagawa ng manok sa kama ko?!!
*tiktilaok~!*
"Hoy manok! tiktilaok ka dyan. Anong ginagawa mo sa kama ko?"
*tiktilaok*
"aba! aba! nakikitulog ka? hoy! hindi to boardinghouse!"

"Hoy! Bakit hindi ka na sumagot?! Hoi! sumagot ka pag kinakausap ka, wag
kang bastos!"
Teka... bakit ko ba kinakausap tong manok? As if naman nagkakaintindihan
kami! ke-aga aga inaatake ako ng baliw syndrome!
Ano ba kasi't merong manok sa kwarto ko?!
"MAMEEHHHHHHHH!!"
Lumabas ako ng kwarto dala ang manok. Nagpunta ako sa kitchen at nakita
ko si Mommy dun.
"Mame!!! bakit may manok sa room ko???"
Natatawa si mommy, "Baka nangitlog ka nung tulog ka tapos napisa and
*tenen!* yan na ang anak mo."
*serious tone and face*

"Ha-ha mameh."
"Ahaha. Kaw naman anak, nagbibiro lang si mameh mo. Si Samantha..."
"Figures. " Si Samantha kasi ang malditang imprimitidang lukang may
sayad na takas sa mental na makulit na salbahe na may sungay, buntot na
bruha (hoo... kahapo ah.) kong pinsan!!!
Gusto nyo example?

*flashback*

2years ago...
Once upon a time there lived a bruhang witch named Samantha and a super
duper handsome guy named Ron.
Yung witch kinakawawa si Handsome guy.
"Ron, meet your cousin Samantha." my mom introduced the bruha. She looks
like an angel with an innocent but sweet smile.. look lang naman..
Deception. super power ng bruhang yan.
"Hi Samantha." smile naman ako kala ko kasi mabait yung bruhang yun that
time.
"Hi kuya pogi." buti alam nitong batang to.
"Ok Ron. me and your tita cecille needs to go already. Take care of
Samantha. Tita Cecille of yours will fetch her at 6pm. Bye!" Ayan umalis
na si mameh at si tita cecille. Ako na ngayon ay isang dakilang
babysitter or should I say....

BRUHA-SITTER!!!

"Hoy panget! gandahan mo pose mo!" nagpose naman ako. Lam nyu ginawa
nya? Simple lang naman kinukuhanan nya ako ng pictures na ako'y
nakabihis pambabae at naka-make-up!!! Bakit? Kase tong bruhang to
inayusan ako!! hindi ako nakapalag kasi iiyak daw sya at magsusumbong
tapos papasagasa daw sya pag hindi ako sumunod! aggh!!
You know what's worse?
Pi-nost nya sa internet! And maraming nakakita even my schoolmates!
Super humiliation! Na-issue nga akong bakla, napublicised pa sa school
paper! Buti na lang sinabi kong it was photoshopped by some freakin guy
and they believed me naman.
*end of flashback*
Ayun ang isa lamang sa napakaraming kabruhahan ng Samantha na yun.

"She is so sweet!"
"Ano pong sweet sa paglalagay ng manok sa kama ko ma?"
"Hmmm... She said para magising ka daw, she'll put a chicken in your bed
kasi daw hapon na tulog ka pa and she's worried sa yo kasi bad daw yung
sobra-sobra ang tulog. Isn't that sweet?"
"Sweet nga.. nakakaumay. " btw, asan na yung bruhang yun?
"Hiya kuya Ron! " speaking of the devil!
"oh manok mo" binigay ko na yung manok nya. "Bye gotta go."
umalis na agad ako. Naligo. Nagbihis. At lumabas ng bahay. Kelangan ko
makaalis ng bahay kung gusto ko pang mabuhay!
-----------------------------------------------------------------Sunday naman ngayon, mabuti pang magsimba na lang ako.

-----------------------------------------------------------After the mass, nagpunta na ako sa parking lot...


"Ron!"
"Oi Kyle!" may katabing girl si Kyle... oh! si Sachiko!
"hmm.."
"Nagdedate kame pare. " bulong ni Kyle. So it figures.
"Where's your car Kyle?"
"Ai.. Sira eh.. Bruhang car."
"haha. Wawa ka naman. So san next stop niyo?"
"Sa house ko."
"Really? Pedeng sama? pa-epal ako noh?"
"OO. epal eh. Sige na nga."
"Pasensya na talaga. hindi pa ako pedeng bumalik sa amin. Bruha alert."
"Hahahah! Ganun! sige. basta free ride ha?" alam ni Kyle and tungkol sa
bruha. Sinabi nya nga sa akin na buhusan ko daw ng holy water si
Samantha para bumait-bait daw. Tatalab kaya?
"sure."
-------------------------------------------------------------Sa loob ng car...

pareho silang sa backseat nakaupo. Walang nagsasalita. I noticed, kanina


pang walang imik si Sachiko ah, I look at her at the rearview mirror
and... huh? Why is she glaring at me?
What did i do to her? Dahil ba sinira ko moment nila ni Kyle?
When we reached Kyle's house..
Ayun.. Medyo OP ako. haha. Ang sweet nung dalwa eh. Nilalanggam na.
Bilis ni Kyle!
Siguro bukas ko na ichichika ke mareng este pareng Kyle yung tungkol kay
Steph and yung kiss. Let them have their moment. Dakilang epal ako.
Mga 9pm na...
"uuwi na ako." paalam ni sachiko.
"Pasundo kita sa driver ko."
"wag na lang."
"Sachiko, I'll drive you home na lang. Pauwi na din ako eh."
"oo nga Ron. take care of my sachiko ha."
"sure pare."
"Tara Sachiko" She glared at me again then faced Kyle, "Thanks for the
day Kyle."
"Welcome. Ingat ka. Love you!"
"Thanks"
---------------------------------------------------------------------------Sa car...
Sa passenger seat nakaupo si sachiko.
Nakakapanibago, ang tahimik ni Sachiko. When I looked at her...

*SCREEEEEEEEEEEECH!!!*
Waa... Napapreno ako dun ng madiin ah. She is glaring at me! bakit ba?!
kanina pa to ah!
"bakit ganan ka makatingin? parang kakainin mo ako eh.. hindi ako cake ah."
No response. Still glaring.
"Hui Galit ka ba sa akin? What did I do ba?"
"You told me to go '!@#$ off and die'! " sinabi ko yun?
"What?! wala akong sinabing ganun!"

'Meron."
"when?"
"yesterday."
"Kahapon? Look Sachiko, I dont remember saying something like that. And
I dont see a reason to say that to you." she closed her eys and inhale
deeply, "Whatever. Ayoko na ngang magtanim ng galit. it's just a word."
"Wala naman talaga akong sinabing ganun."
"Whatever ok?"
"..oh... ok... Friends pa rin tayo ah?" para akong bata nung sabihin ko
yun. Pati pala pagiging isip-bata nakakahawa.
Mula sa grim face nya biglang nagsmile uli siya, "Of course."
She's back to her cheerful self! That's my Sachiko!
"So... Kamusta date nyu ni Kyle?"
"ayun.. Masaya."
"Sagutin mo na siya."
"Ambilis naman."
"Sachiko, wala naman yun sa bilis o tagal. Kung mahal nyo naman talaga
ang isa't-isa, then go. Yung iba nga anatagal, umaabot ng 2years ang
ligawan pero sandali lang itinatagal. Tapos yung iba naman, 5months pa
lang magkakilala pero nagpapakasal na pero happily ever after sila."
"....Mahal?"
"Oo.. di ba mahal mo na si Kyle?"
"Hindi ko alam. nalilito ako. Pano ko ba malalaman pag mahal ko talaga
siya? anong batayan?"
"Sachiko, walang batayan. Basta pakinggan mo lang ang heart mo. Make
sure makikinag kang mabuti."
"eh 'dug-dug' lang naririnig ko eh."
"hahaha! basta, sachiko malalaman mo din ang ibig kong sabihin. Just
listen to your heart. Just listen."
"Hmm.. Okiedokie. " nakakatuwa talaga tong si Sachiko. nakakaaliw.
"Nga pala... Kelan mo balak mag-wish ulet?" oo nga noh... nalimutan ko
na yun ah. Wala kasing ma-wish.
"Hmm...8wishes pa ano? 2 pa la---"
"Hep~! anong 8, six na lang kaya!" What?! 6 na lang?! Panong nangyare yun?
Lets remember nga ang mga wishes ko na..

#10-Yung kay Mimi


#9-Yung sa arcade game(speaking of that. Ang bruhong Kyle nalimutan na
ata ang pustahan namen ah.)
#8-meron na ba?
#7-Wala naman ah?
#6-so..
#5-Pano naging six?
#4-eh 2 pa lang nawiwish ko.
#3-anggulo ah?
#2-Tama naman bilang ko ah.
#1- two pa lang naman talaga nawiwish ko ah.
Ang labo naman! Maalam bang mag-math tong si Sachiko?
10 - 2 = 8
Ang 10 - 2 = 6 ay mali di ba? Kahit bali-baliktarin pa yan.

Anggulo-gulo.

Nabago na ba ang math system ngayon?

---------------------------------------------------------------------------------------CHAPTER 11

"Yep. 6wishes na lang."


"Pano nangyari yun? Eh dib a 2 pa lang nawiwish ko?"
"2 ka dyan. Four na kaya."
"4? Pano nangyari yun? San naggaling yung 2?"
"Hmm... Ikaw dyan ang nagwiwish hindi mo alam."
"Eh hindi ko talaga alam eh."
"Sige. Let me enumerate sa iyo ang wishes mo...
Yung second wish mo muna----

"Yung sa arcade."
"Mali!"
"Huh?! Eh ano?"
"Ano ba ang lagi mong winiwish before I even came in your life?"
Ano nga ba? Ahmm... I think... "Yung bumalik na si Stephanie?"
"Tama!"
"Teka.. you know Steph?"
"Hindi eh."
"Eh pano mo nalamang wish ko yun."
"Ahmm.. Basta.. Kasi, before you even wished for it, alam ko na ang wish
mo."
"Waa... eh bakit hindi mo na i-grant lahat ngayon?"
"Hindi pede. Kelangan i-voice out mo muna lhat ng wishes mo."
"Ganun... teka.. na-voice out ko ba yung wish k okay Steph? I don't even
remember saying or wishing that to you. Sa isip ko lang lagi yun."
"I've heard it in your sleeptalk."
"Oh. Kaya pala biglang dumating si Steph because of my wish."
"Yep. So. Your first wish is---"
"Yung kay Mimi."
"ihh!! Ang epal naman lagi ihh. Ayaw bagang patatapusin muna ako. Mali
ka! Ahmp!"
"Mali? Eh yun yung first kong wish eh.."
"Hindi yun. Masyado ka naming malilimutin eh..."
"Ppa..no.. Teka? Ano?"
"Ahahah. Natatawa naman ako sa iyo eh.. Alalahanin mo yung araw na
sinagip mo ako, may winish ka nun. Yun yung 1stwish mo."
"Hmm..." nung araw na sinagip ko sya? May winish ako? Ano kaya? *isip-isp*

*flashback*
"Shet! Yung babae masasagasaan!" tumakbo ako papunta sa babae upang
iligtas siya.
Katapusan ko na ata to. Napakabait ko naman kasing nilalang, sinasagip
ko tong babaeng to, yan tuloy ako ang mabubura sa mundong to.

Waa.. Lord naman, yoko pa mamatay, hindi pa ako nakakapag-asawa. Hindi


ko pa nararanasan yung pag-aano..
Anla. Bahala na nga.
"i wish mabuhay pa ako na gwapo pa rin after this." Imposible naman
kasi. Truck tong babangga ehh.
Huh? Masasagasaan na tong babaeng to e nakangiti pa rin? Problema nito?
Ewan. Tinulak ko sya palayo.
"As you wish.." ano daw?

*BOOGSSSH!*
*end of flashback*[/i]
"hihi... Remember mo na?"
"Yun bay un?"
"Oo. You wished na mabuhay ka na gwapo pa rin. For short, you wished
that nothing would happen to you."
"Oh! So that's why, wala akong mga sugat at puro galos lang noon."
"Yep."
"Teka... Ikaw ba yung nagsabing 'salamat' nung time na paalis na ako sa
hospital?"
Biglang binuksan nya yung pinto, "Bye! Alis na ako. Thanks na lang sa
ride. Malapit na dyan bahay ko."
"Pero Sa---" Sya sige. Tumakbo ka na palayo ulit. Hindi na ako nasanay
eh-eh.
---------------------------------------------------------------------------------------

I entered a white room, I think I'm in a hospital.


In the room there was a guy crying. He was sitting beside the bed.
I noticed the girl lying unconscious in the bed. Apparatus attached to
her. I went to her.
When I look at her face...
My heart raced so fast... She was so beautiful... like a goddess.
I held her hand and kissed it.
pa-epal si ms. Author ha. Haha. Sya, sya, may sisingit daw na sounds
habang pinapanood ni Ron yung face nung girl sa bed, parang tulad nung

sa mga tv? Di ba? Haha. Eto yung music kung saka-sakaling unfamiliar sa
inyo:
Stranger by Secondhand serenade
Hindi po ako fanatics ng secondhand pero nagkataong bumagay lang yung
kanta sa story ko kaya yan.. sige. Eexit na ako.
*ms. Author exitssssss.! Shing!*
.......
Turn around
Turn around and fix your eye in my direction
So there is a connection
I can speak
I can make a sound to somehow capture your attention
I'm staring at perfection
Take a look at me so you can see me(how beautiful you are)

The first time I saw you. I saw perfection I thought would never exist.
You were so beautiful like the most beautiful crystal. And when our eyes
met for the first time, I know that we are somehow connected...
connected in our hearts.

You call me a stranger


You say I'm a danger
But all these thoughts are leaving you tonight
I'm broken and bende
You are an angel
Making all my dreams come true tonight

We met and doesn't have a single idea about each other only our
connection brought us together. Hindi ko akalain na ang buhay ko ay
magiging napakasaya until I met you. Wala na akong mahihiling pa
makasama ka lang... so don't leave me please? Hindi ko kakayanin.


I'm confident
But I can't pretend
I wasn't terrified to meet you
I knew you could see right through me
I saw my light flash right before my very eyes
And I need just what we turn into
I was hoping that you could see me
Take a look at me so you can see me

The connection... made me feel that even I don't know you that time yet,
a part of me felt that you are somehow special to me. That somehow,
someday I would take care of you more than I would care for myself. And
that someday has come. I would take care of you for you are not special
but more than it. You are someone whom would cut the reason of my
heart's beating when you would leave me. When youre gone.. so please,
I'm begging you, stay with me.

Your beauty seems so far away


I'd have to write a thousand songs
To make you comprehend how beautiful you are.
I know that I can't make you stay
But I would give my final breath
To make you understand how beautiful you are.
Understand how beautiful you are.
You call me a stranger, you say I'm a danger
But all these thoughts are leaving you tonight.
I'm broke and abandoned you are an angel
Making all my dreams come true tonight.
You call me a stranger...
You say I'm a danger...
You call me a stranger...

If I can't make you stay, I might as well follow you. I want to be with
you forever... More than forever.

Ron!!! Gising na!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------*BOOOOGSH!*
"Aray ko! Bwisit na alarm clock!" humiga ulit ako sa kama at tumingin sa
kisame habang ang mga kamay ko ay unan ng ulo ko. Nag-iisip...
Inaalala kung sino yung babae sa panaginip ko... alam ko sa panaginip ko
nakita ko yung mukha ng babae pero bakit ngayon hindi ko maalala ang
mukha niya?!! Sino sya? At bakit parang espesyal sya sa akin?
"Ron." what?! Si Steph?! Anong ginagawa niya dito?!
"Hoy Ron, bumagon ka na dyan. May pasok ka pa. hurry,hurry."
" waaa... teka, teka Steph."
"Walang teka, teka. Go! Take your bath na." tinutulak nya ako papuntang
bathroom. If I know bobosohan mo lang me. Haha. Kapal ko din eh. Na-rape
lamang ai, lumalakas na ang loob eh.
*blam!*
At ayan na nga andito na ako sa bathroom. Nakakabigla naman si steph eh.
Bakit ganun? Parang nalimutan nya na yung kiss. Parang she doesn't even
feel awkward unlike what I feel...
After my bath, nagbihis na ako ng uniform ko. Buti na lang na-set ko na
kagabi ang uniform ko sa bathroom kasi kung hindi, hindi ko alam kung
pano ako lalabas ng c.r. kung nasa kwarto ko si Steph. Yah, the bathroom
is inside my room.
When I was finish, syempre lumabas na ako. Ano pa gagawin ko sa loob ng
bathroom, eh wala na diba? Kaya lalabas na talaga ako. Common sense.
There she is, standing in front of the window while looking outside. Her
face held sadness. Then she turn to me when she felt my presence and in
an instance her sadness were washed away and a smile occupied her face.
May problema kaya si Steph? And why do I have the feeling that she
doesn't want me to know it.
"Yan. Finish ka na Ron. Tara na pasok na tayo."
"Tayo?" bakit, sasama sya?
"Oo, tayo. I'm in third year college Ron. And I left my course in New

York so I needed to continue studying here. I enrolled for BS nursing."


"Really?!"
"Yep. So let's go na. late na late na tayo!" hinila niya ang kamay ko
hanggang sa kotse ko so I have no choice kundi magdrive na.
*Gruuu!*
"hihi.." oops. Nakakhiya naman, nagreklamo yung tyan ko.
"Nakalimutan ko hindi ka pa nga pala nagbe-breakfast. Sorry for dragging
you out in such a haste. Kasi naman, tanghale ka na, didn't you set your
alarm clock, the one with my ear-splitting shout? Anyway, I have a
sandwich here, you can eat it."
"Err... Steph, I cant eat. I'm driving."
"Oh yah. Sorry for that. Well, susubuan na lang kita while your
driving." what?!! Naku. Naku, kakahiya aman. >.<
"a.. e.. Steph.. wag na, kakahiya aman sayo."
"Nako nahihiya ka pa sa akin oh. Sige na, say 'ah'." she placed the
sandwich near my mouth. Well, she left me no option kaya I opened my
mouth and bite on the sandwich.
All through out, sinubuan niya ako. Answeet nya. Nikikilig ako. >,<
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------We reached school and hinatid ko sya sa classroom nya..
After that, umalis na ako sa building nya at nagpatungo sa building ko...
But on my way...
*kring! Kring!*
I searched the place for that cat... I know that sound.. its that cat's
bell on her right leg. I'm sure of it. I searched the place and...
"Aha!" there's that cat, standing beside a tree and looking intently at me.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa mata ng pusa habang humahakbang ako
palapit.
"Gotcha!" ng makalapit ako agad kong hinawakan ito upang hindi
makatakbo. "Kala mo makakatakbo ka nanaman ha."
"Meow." mukhang pagsuko ng pusa.
Dinala ko sa classroom ang pusa. Syempre, ipinasok ko sa backpack ko.
"Ming-ming. Wag kang maingay ha." Bilin ko sa pusa bago ipasok sa loob
ng bag ko.
Pagpasok ko ng room...

"MR. ESGUIERRA! YOU'RE LATE AGAIN!" bonggang-bonggang pagbati sa akin ni


Mr. Imbyerna este Mr. Imberra ang aking chemistry teacher.
"nag-quiz na kame and dahil late ka, your 50!" tinatanong?
"eh kahit naman late or hindi, makapg-take or not, 50 pa rin ako dun sir
eh." Nagtawanan mga classmates ko. Totoo naman eh, araw-araw na ginawa
ng Diyos eh nagpapa-quiz tong si mr. Imberra kahit walang nilelesson.
Saka lang maglelesson after the quiz. Pano ka ba naman papasa ng ganon.
"Go to your seat Mr. Esguierra! NOW!" eto na nga. Ano bagang ginagawa.
Pagkaupo ko, inilapag ko ng dahan-dahan ang bag ko sa sahig.
Ayun, dumada na lang ng dumada si sir. Wala naman akong maintindha,
pasok ditto labas doon method na naman ako.
Medyo inaantok na ako sa lesson ni sir. Pumipikit-pikit na ang mata ko
pero...
Nawala ang antok ko ng...

*commotions*
"aaahh!!! Yung bag gumagalaw!"
"uu nga! Buhay yung bag!"
"What?! Alien kaya yung bag?"
shet! Bag ko yun! Bakit nakarating sa may unahan?! Pusang gala!!! Yung
pusa!!
"Sir! May living bag!"
"Where?"
"yan na sir sa unahan niyo!"
"where?"
"There oh! Duling!"
"ANO?!"
"wwa..wala po. Yun po!"
"Oh this." itinass nya yung bag ko.
"Shet! Bag ko yan!"
"Did you just call me shet?"
"hindi po sir. Hindi kayo shet kasi imbyerna tawag ko sa inyo eh"
"WHAT?!!" patay! Dumulas!
"w-w-wala po. Sabi kop o bag ko yan."

"Ano ba laman nito at bakit gumagalaw?" binuksan niya ito at ng mabuksan


ay hinimatay.
Agad dinala sa clinic si sir. May phobia nga pala si sir sa pusa kaya
ayun hinimatay.
Kinuha ko yung bag ko at ang pusa. Nagsilapitan ang mga classmates kong
girls.
"Wow Ron. Ankyut naman ng pusa mo."
"syempre cute may-ari eh. "
"Anong pangalan?" ano nga ba?
"A..e.."
"A-e ang pangalan?" :/
"hindi! Ano.. ang name niya ay..." ano ba maganda?
"Ay..?"
"ay... Chiko!"
"What a cute naman. Bakit chiko?" andami namang tanong ng mga to, mga
ngpapakyut lang naman halatang-halata eh. Pero sinasayang lang nila
efforts nila sa pagpapakyut kasi para sa akin ang kyut lang sa mundong
to ay si Steph at si Sachiko.

What?! Did I just said Sachiko?! Waa... erase. Erase. Nevermind.


"ui... bakit Chiko?"
"Kasi... I have a friend named Sachiko.. eh yun, ito kasing si Chiko at
Sachiko may similarities kaya ginamit ko yung Chiko sa Sachiko nya,"
well that was true. Chiko really reminds me of Sachiko, pareho silang
kabute at kyut.

What?! Did I just said something like that again?! Erase. Erase ulit!!! >.<
"really? Friend lang ba?" ano ba tong mga to, interviewer?
"oo.. friend ko lang si Sachiko."
"pero balak mong ligawan?" ano naming pumasok sa mga kokote ng mga to at
itinanong yun.
"nako. Hindi. Friend lang talaga. At saka nililigawan iyon ni Kyle."
"Si Kyle Garcia? Yung sa kabilang section?"
"yep."
FASTFORWARD

[/i]
Lunch, nagmeet kame ni Kyle, as usual. I told him about sa chemistry
class ko at sa cat. Alam nya rin na Chiko name ng cat at from where I
got the name pero hindi sya nagalit hindi naman kasi makitid ang utak ni
Kyle, may sayad lang.

FASTFORWARD ulit[/i]
hahaha. Ayon nasa bahay na ako. I placed the cat in my bed. I took off
my shirt and what a funny thing when I faced Chiko, biglang tumalikod
ito. She looks like embarrassed or something.
I pet Chiko and she purr playfully, "your mine now you silly cat.
Pinangalanan na kita kaya if ever na tatakbo ka ulit make sure na
babalik ha."
"Meow." nakakatuwa parang naiintindihan ako ni Chiko.
Around 3:40am nagising ako. Kinapa ko si Chiko sa kama ko pero wala.
She left me again.
Kinuha ko ang phone ko and dialled Sachiko's number. When she picked it
up she gave me a sleepy 'hello'.
"hello Sachiko."
"who might you be? Ikaw ba ang nagbabantay sa pinto ng cake heaven?
Promise po, naging good ako. Please let me enter. I wanna eat cake."
*pff* "sige. Sige. I'll treat you a cake tomorrow basta grant me a wish."
"I wish to eat cake. Please let me have that piece!" nanaginip ata tong
si Sachiko eh.
"Look. Tomorrow ok? I'm the one to be wishing Sachiko. I wish for chiko
to come back again."
"my cake. Thank you." haay.. igagrant niya na siguro yun.
"sige. Goodnight Sachiko. Sleep tight."
"Bye. I love you...."
Ano daw?!!!!

"Kyle."
-End of call--aaahh... si Kyle naman pala.

Whaa?!! She said 'I love you'... does that mean?! Oh my gulay!
Good news to kay bestfriend!
*kring*
wow! Bumalik si Chiko. Pumunta sya sa kama ko at agad na natulog.
Somehow, I feel comfortable and relax when I touch this cat.
-----------------------------------Huh? Si Sachiko?
Nasa may cliff kame, si Sachiko nakatayo sa tabi ng puno na nakatanim sa
dulo ng cliff. Nakatalikod sa akin si Sachiko.
"Sachiko?" lumingon siya at ngumiti. That sweet smile, my favourite smile.
Humakbang ako palapit sa kanya. "Ron. Don't stay close to me."
"Sachiko..pero.." humakbang pa din ako palapit.
"Lalo lang akong mahihirapan pag lumapit ka pa." tears started to roll
down on Sachiko's cheeks. Humakbang ako hanggang makalapit ako sa kanya,
I held her crying face and kissed her on the lips. "Sachiko... I want to
be with you.. I love you.."
"Ganun din ako Ron pero... alam ko at alam mo na hindi pede." I hugged her.
"Can I wish for it?"
"ron.. how many times to I have to tell you that not all wishes can be
granted?"
"Till this wish of mine is granted. Don't leave me please. Sachiko."
"This love is not for us. All of it was just a beautiful dream, Ron.
Pero it's time to wake up. The dream is over Ron... Over."
"No! I'll rather have nightmares just to be with you than waking up and
losing you."
"Sorry Ron. Things aren't meant to be as we have wished for. I love you...
Goodbye. :'( "
she pushed off from my hug which tends to make her fall from the cliff.
I tried to reach her hand but it was too late.

"SACHIKOOOOOOOOOOOO!!"
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------CHAPTER 12
"SACHIIIIKOOOOOO!!!"

*bOoGsH!*

Ohmygolly-gulay! Waddaheck is that all about?! Me and Sachiko?! Isang


malaking--WOAH-- Pati baga naman sa panaginip, dinadalaw ako ng kabuteng
yon?! Atsaka, what's with the "I love you" pa ha?! Ano namana epek yun?!
Hindi ko mahal yun! no, no and 'NO'! Si Steph ang mahal ko!
Other self: "Eh yun naman pala eh. Bakit nagpapa-apekto ka sa panaginip
mo? Si Steph naman ang mahal mo.
Nagpapaapekto ka dyan! Hindi kaya! No way!!
Yes way! Nagpapa-apekto ka. Obvious naman eh.
At pano naman aber?
Obvious kasi masyado ka nagpapanic eh napanaginipan mo lang naman kayong
dalawa ni Sachi na may weird kilig moments.
Panic? Hindi ah.
Deny pa eh.
Hindi naman ako nagdedeny. Manahimik ka na nga lang.
pano kung ayaw ko?
Aggh!! shut up!
Relax. haha. Ako ay ikaw! pede mo akong mapatahimik anytime noh.
Aii... Oo nga noh.
Bakit ko ba kinakausap ng self ko.

"Mahal mo si Sachiko."

heh! Ron! shut up na! Hindi! no! Si steph mahal ko! weird dream lang yun.
Asanezz boy!!!
OO nga! patunayan ko pa sa iyo na mahal ko si Steph.
At pano naman?
Abangan mo na lang.

--------------------------------"Ok. It's now or never."

hakbang pauna.
"It's now or never na talaga."
hakbang pauna ulit.
Kala ko ba mahal mo?
Mahal ko nga aba!
Eh ba't nachi-chiken ka dyan?
hindi ah.
So... kaya pala nangangatog ang tuhod mo.
Gutom lang ako.
Sige. Palusot lang boy!!.
Arggh. bahala na nga, "Stephanie!!!"
Lumingon siya medyo hinangin buhok nya kaya inipit nya yung mga hinangin
na buhok sa unahan nya at inipit sa likod ng tenga. Aww... I really do
love this girl.
"Hey there Ron! What are you doing here?"
"At bakit? Masama na bang pumunta dito? hehe. Just kidding. Wala lang.
tatambay lang sana ng makita kita. What are you doing here too?" nasa
may cliff kami. Ang madalas na tambayan namen nung mga bata pa kami.
"Tambay lang din. I remembered our childhood times kasi."
"hehe. kakamiss noh?"
"yah. Sana bata na lang ulit tayo kasi nung mga bata tayo ansaya-saya
natin. walang pinoproblema."
"Bakit ngayon ba? hindi na tayo masaya."
"hmmm..." hindi nya sinagot tanong ko, "Look at this tree.. hanggang
ngayon buhay pa din. hehe. Antatag naman nitong puno." tinutukoy nya
yung puno near sa edge ng cliff. Mga bata pa lang kami nandun na yun.
"Yah..." it's time.." Steph.."
"Hmmm?" kaya ko to! aja!
"I... i... Love you Steph!!!" she smiled. Unti-unti akong lumapit sa
kanya at ng makalapit ako, hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at
nagtitigan kami," can I court you?"
she smiled again, "Why court me? Pedeng tayo na naman agad." she kissed me.
The cliff...the tree.. the girl... the kiss...
I noticed tears rolling in her cheeks.. "Steph?" I manage to say after
the kiss..

the cliff... the tree.. the girl.. the kiss.. the tears..
"It's nothing, I'm just happy." she hugged me..
the cliff.. the tree.. the girl.. the kiss... the tears.. the hug...

*FLICK!*
Oh! It was like, everything came into pieces.. This scene is familiar...
my dream! It's just the same in my dream.. the only difference is that
it was supposed to be Sachi and a sad ending..
"Ron? are you ok?"
"Oh. I'm just fine. Let's go Sachiko."
"Sachiko? Why did you call me Sachiko?"
huh? sinabi ko yun? "Sorry, my bad. I mean Steph."
"Who is Sachiko? patay! hoi brain! It's time na magisip-isp! maghagilap
ng palusot!
"A..e.. Si Sachiko? Ah! Favorite cosplayer ko yun... napanuod ko sa t.v
kanina, eh may hang-over pa siguro ako sa napanuod ko kanina. Astig kasi
ng costume nya." buti na lang may pagka-japanese name ni Sachi. pwew.
"At sinong anime kinosplay nya?" nakupo. may pagkahilig nga pala si
Steph sa anime, pano ko pa malilipat ang topic kung napukaw ko na ang
interest nya. Cornered.
"Yung sa sailormoon."
"Sino dun?"
"Basta yung nakapalda.." Walahnjo! hindi ko alam isasagot ko.
"Eh mga nakapalda naman talaga ang mga sailormoons eh. anong name nung
character?"
"ah.. eh..." anime name, sailormonn character.. waa.. wala ako maisip,
"Si shizuka."
"Huh? sa doraemon yun ah?
"ah eh.. oops!! i'm hungry na. tara, eat na tayo. treat kita. our first
date."
buti na lang hindi na niya ako kinulit pa. kumagat sya sa pag-iiba ko ng
usapan. xD
Bakit kasi ang engot ko, bakit name ni SAchi ang sinabi ko?!
-----------------------------------------After our first date, nahiga na ako sa kama ko. Matagal ko ng minamahal
si Steph at ngayon, mag-on na kami.

Teka.. kelangan masabi ko ito kay Kyle.


To: Kyle_baliw-mate.
oi pare! Ang gwapo q este mgndang gv! ui! kame na ni Steph! knina lang.
ayiee!
-sendpagkapindot ko ng send button, saka biglang may nagtext.

From: Kyle_baliw-mate
Hoi bakla! Maganda ako este ang gv! nyahahahaha. xD ok-ok. nd n aq
mgpapaka-gayish, nd bagay sa gwapo qng face. saka alam mo ba pre,
ansaya2x ko! kame na ng prinsesa Sachiko q!!!!

What?! Sabay lang pala kame.


---------------------gusto ko ng matulog pero hindi ako makatulog.. Asan kaya si Chiko? My
sleeping charm.
"meow"
mukhang nabasa ni Chiko ang aking isip ah.
bigla syang pumasok ng kwarto ko mula sa labas sa pamamagitan ng bukas
kong bintana.
Kinuwento ko kay Chiko ang araw ko at after that nakatulog na ako. Ito
lang pusang to ang nakakapagpatulog sa akin eh.
---------------------------I woke up because of a very terrible dream..
I was like a kid, looking for comfort so I can go back to my sleep
again. Kinuha ko ang phone ko and dialed her number...
"Hello..." she said in a sleepy voice.
"Hello too.."
"Why did you call?"
"I had a nightmare."
"About what?"
"About you..."
"REally? so i'm a nightmare.."
"No.. Actually, dreaming of you is the best pero in my dream I was

losing you and it scares me so much... the worst nightmare.."


"Don't worry, I won't leave you."
"Really?"
"Really. I'll always be with you."
"Forever?"
"Forever."
"Thanks. Goodnight."
"Goodnight." she yawned.
"I love you, Steph."
"I love you too, Kyle."
---------------end of call------and i fell back to sleep.
----------------------------------------"Oh.. So you're Sachiko."
"Yes. I am."
"Nice to meet you then. I'm Steph, btw. And Ron's girlfriend." waa..
patay akong bata ako.
"Is that so , Ron?" tiningnan ako ni Steph ng masama. Mamamiyah!!
naguguluhan ba kayo?? oh-kayy... let's start from the start? ok?
*flashback*
ganto yun. Nagdedate kami ni Steph sa may mall. HHWW.
When...
"Babe.." endearment namen ni Steph ko.
"Hmmm?"
"Is that Kyle... and err.. who's that girl with him? I think i've seen
her before.. hmm.. ah! yung girl na nakabangga ko sa playground dati
when I came back."
nilingon ko yung direction na tinitingnan nya and...
"Yah.. sina Kyle nga." tinawag ko si Kyle, "HOY PARENG KYLE!"
hindi lumingon. Hindi ata ako narinig.
"KYLE!" still hindi rinig.
"Maybe. he doesnt hear you. lapitan natin."

hindi rinig ha. tingnan natin.


"BALIWWWW!"
andaming nagtinginan pero care ko, sikat naman.
pero bulls-eye! tumingin ang baliw na si Kyle.
"Oi! Ron my labbs!! kaw pala yan. " lumapit sila sa amin.
"Loves mo your face. My gf na't lahat eh."
"hehe. juks lamang. hindi me baklush noh. Kitams mo nga, napakaganda ng
gf ko." oo nga.
"Hi ron! sino sya?"
"maya na ang pakilalanan, nahuhunger na ako. Let's eat mga perks!"
sumang-ayon na kami. magagawa pa namen, takot na lang namen kay Kyle na
kainin kame eh. on the way sa resto, holding hands sina Kyle at Sachi.
HHWWPSSP-- holding hands while walking, pa-sway sway pa.
*end of flashback*
so here we are sa "ang kyut ng author restaurant" having chitchats while
waiting sa order amen.
"No.. yes.. este.. no.. yes.. anla."
"Explain Ron." :l
"haha!! LQ pa kayo as in lugaw queen. ako na nga mag-e-explain Steph."
salamat naman at to the rescue si bestfriend. Inexplain ni Kyle ang
kaengotan ni Sachi. Salamat talaga Kyle. Hinulog ka ng langit!!
------------------"Oh my gosh! i'm so sorry, SAchi!" nakow. natabig bigla ni Steph ang
wine nya kaya natapunan yung nasa katapat nya which is Sachi.
"It's okie."
"Mabuti pa, let's dry it up sa c.r."
"yah. mabuti pa nga. Go on Sachi."
"okie."
----------------------------while nasa c.r. ang mga girlash. Chika muna kami ni Kyle.
"hoi bakla."
"bakla ka dyan."
"Trouble ka sana doon kanina ah."
"haha. oo nga. ayusin mo nga yang gf mo."

"aayusan? I like the idea."


"Sira! ayusin hindi ayusan! manyak."
"tamo to, sya na nga ang niligtas sa kapahamakan, sya pa ang nang-aasar."
"sorry naman. sya, sya. salamat. talagang hinulog ka ng langit."
"Baka 'hulog' hindi 'hinulog'."
"hinulog ka talaga ng langit kasi sukang suka na sila sa iyo doon."
"masyado kasi akong gwapo. "
"sige lang. kapalan mo pa, hahanap lang ako ng pangkiskis ng mukha mo
para numipis."
"wow! salamat Ron. Kabait mo."
"Welcome. Mabait talaga ako gwapo pa. "
"Remove the gwapo pero mabait ka nga kasi balita ko maagang kinukuha ni
Lord ang mababait eh. "
"Sira kang talaga! nakadalaw ka na ba ulit sa mental?"
"naku.hindi nga eh, dadalawin pa man din sana kita doon."
naudlot na ang pag-aasaran na lambingan namin ni Kyle ng dumating na
sina Steph at Sachi.
"Sorry, natagalan kami."
"it's ok. Let's eat."
kumain na kami.. daldalan dito daldalan doon.
pero... kanina ko pa napapansin na simula ng pagbalik nila ng c.r. ay
wala ng imik si Sachi. Ano kaya problema non? inis ba sya kay Steph
dahil natapunan siya? Ambabaw naman nun.
-------------------------------------------------CHAPTER 13
"Ron Esguierra, Stephanie Rodriguez, Kyle Garcia and Sachiko."
"Sachiko what, sir?"
"A..e.." Ano nga bang apelyido ni Sachiko? Come to think of it, never
nyang nabanggit ang surname nito.
Hinarap ko si Kyle. O, bakit seryoso ang mukha nito at parang ang lalim
ng iniisip? Nag-e-emo emohan ba tong emongoloid na ito?
"Kyle..."
"Hmm?"

"Si Sachi?"
"Nasa van natutulog." biglang tumakbo si Kyle pabalik sa sasakyan ata.
"wa.." waaa.. tumakbo ba naman bigla, itatanong ko sana ang surname ni
Sachi eh. Problema kaya nun.
"Sir... excuse me? May I have the surname?"
"Ahmm..." hindi ko alam.. "Esguierra." no choice na.
"Sachiko Esguierra?"
"Yes."
"Sige po sir. Pasok na po kayo, nalista ko na po names nyo sa V.I.P.
pass. Ms. Samantha is waiting for you."
Yep, ya heard it right. Ang bruha kong pinsan nga. Were here sa
townhouse nina Sam. Humingi kasi ng favor si tita na bantayan muna ang
anghel DAW niya. For she and sam's dad has bussiness to do. Ayun,
pumayag na ako. No choice eh, pinilit ako ng minamahal kong ina ee. Kaya
sinama ko na tong mga to para enjoy na din.
Upon entering the townhouse.
Wow! Grabeh, anggara ng pambungad ng townhouse---"BRUHA"
"Kuya Ron!" oh no, why do I have the feeling na abot hanggang sungay ang
ngiti nitong batang to.
"Hello dear cousin." *sarcastic smile*

"Hiya there too, kuya Kyle!" biglang nagtago si kyle sa likod ko


"Hello sam."
*whispers*
"Pre, my holy water tayo?"
"Check."
"Good. Talban kaya?"
"Sana nawa."
"Amen."
"Waddya whispering?"
"Wala naman Sam."
"Hmm... Kuya Ron, sino dyan girlfriend mo?"
"Si--"
"Hep! I think I know." tiningnan nya mula ulo hanggang paa sina Steph at

Sachi.

"You must be kuya Ron's girlfriend."

"What's your name?"


"I'm Sachiko, but I'm just your kuya Ron's friend. Steph here is his
girlfriend."
"Hello Sam."
Nilingon ni sam si Steph na nakataas ang kilay, tumaas din kilay ni Steph.
"Your kuya ron's girlfriend?" ~_^
"Oo, sya girlfriend ko, angal?!" ako na ang sumagot, hindi ko gusto ang
tabas ng tanong nitong batang to eh.
"Angal talaga kuya Ron. Yuck taste mo ah. Hamak na mas maganda si ate
Sachi. Mukhang maldita yan ee."
"SAMANTHA! " nagsalita ang hindi maldita.
"Behlat!" sabay takbo palayo ng bruhang bata.
------------------------Roommates kami ni Kyle, sina Steph at Sachi naman ay hiwalay. Nagrequest
si Sachi na humiwalay ng room. Bakit kaya?
napapansin ko parang hindi masyadong nagpapansinan yung dalwa, nagaway
ba sila? hindi naman siguro, nagkakailangan lang yun.
Tapos, ambruha talaga ng pinsan ko! Kung kuto lang yun eh matagal ko ng
tiniris! aba! ang stephanie ko lagi ang pinagdidiskitahan pero bakit pag
si SAchiko mistulang anghel yung batang yun? Ambait-bait nya kay Sachi,
magkasundong-magkasundo sila.
Hindi kaya dahil sa parehas ang level ng utak nila---isip bata?
------------------------

"IT WAS YOUR FAULT!"


It was Samantha shouting? pero sino sinisigawan ng bruhang to? lumabas
ako to see her and shock ng makita kong si Stephanie ang sinisigawan nya.
"SAM!"
"Kuya Ron! " what?! Umiiyak si Samantha? But why?

"Si Ate Sachi..."


"Oh?! what's with Sachi?"
"Tinulak sya ng bruhang yan sa bangin!"
"But it was an accident Ron."
"No, it's not. you did it in purpose!"
Si sachi...
"Where?! Saan yung bangin?!"
"Kuya, sa banda doon!"
"SAn banda?"
"SA may forest."
"Ron. We can't remember the exact place." I went back to the house to
get a rope then, tumakbo ako papunta sa forest na sinasabi nila.
What if something bad happened to Sachiko?

I gotta run as fast as I can. Hang on Sachi.


"SACHIKO!" I kept on shouting while running in search of her.
*drops drops*
"Shet! ngayon pa umulan!" hinanap ko pa rin sya. Palakas ng palakas ang
ulan. Shet talaga!
May nakita akong mababaw na bangin. Baka dito na yun.
"SACHIKO!"
"mmm."
Si sachi! nandon sya sa baba!
"Sachiko, antayin mo lang ako."
itinali ko yung rope na dala ko sa may pinakamalapit na puno at
pagkatapos ay bumaba.
pagkababa...
"Sachiko!"
"r..ron.. ow! "
Her leg is bleeding. nabalian sya. Thank god, bali lang.
*screeck*

Itinali ko yung pinunit kong tela sa shirt ko sa may duguang binti niya
to stop the bleeding.
"s..sa-lamat.." nangangatal ang boses nya. Hinipo ko ang noo at leeg nya
and d@mn! Ang init! taas ng lagnat nya!
"Shet! ang init mo! Kelangan natin ng masisilungan."
Bwisit naman kasi tong ulan.
Saan ba? ah! ayun! may maliit na kweba doon na pedeng masilungan.
Maingat na binuhat ko si Sachi, nakakapit sya sa leeg ko, mukhang
hinang-hina sya.
Pagkarating sa loob ng maliit na kweba ay nilapag ko sya.
halatang lamig na lamig na si Sachiko. Wala kameng apoy?! putakte! hindi
ko kaya magmagic. ano ba gagawin ko para hindi malamigan si Sachi?
*flashback*
"Pag ang isang tao ay nilalagnat at nilalamig ang pinakamadalia at
pinakamabisang paraan ay ang tinatawag na body heat at blah blah blah.."
nakakatamad naman makinig dito kay ma'am.
*end of flashback*
Waa! body heat??!
Tiningnan ko si Sachi, talagang nanginginig na sya sa lamig... Aaggh!!
No choice!
Hinubad ko shirt ko, basa kasi yun alangang yakapin ko sya na basa yung
damit ko.
Ayun nga, I remove my shirt and I hugged her..
Nabigla si Sachiko.
"You need this body heat para hindi ka mamatay sa lamig. Antaas ng
lagnat mo eh."
Hindi na sya umimik.
Ganun lang kami, walang imikan habang yakap ko sya. Bakit parang
naguunahan ang tibok ng puso ko?
Aggh! my wishes nga pala ako! pede kong iwish na may makahanap sa amin
at tulungan kami.
"Sachi.."
"hmmm?"
"...nothing." huh?! bakit ganon, bakit parang ayokong magwish. Bakit
parang ayaw kong makaalis kami sa estado naming to. Bakit gusto kong
ganto lang kami?

Ano ba nangyayari sa akin?


"Magwiwish ka ano?" nabigla ako.
"A..e.. oo sana.."
"Kahit naman nilalagnat ako, I can still grant your wishes.."
"Ah eh.." hindi naman dahil doon kaya ayoko sabihin wish ko.. kasi ang
totoo, gusto ko pang magtagal tayo ng ganto.
Why do I feel happy when I'm hugging you like this Sachi?
no! what's happening to me?! hindi pede to.. ano ba pinagiisip ko.
Mabuti pa, magwish na ako.
"Sige.. I wish na sana may makakita sa atin dito at tulungan tayo."
"As you wish.." inangat niya ulo niya at humalik sa noo ko.
--------------------------------

Author's Pakisingit este P.O.V. --<oo! point of view ko to! exposure ko


to kaya wala na kayong magagawa. >
"We are now here in Philippine Airlines." haha. basta, hindi ko alam
yung sinasabi sa airport pag nakaland na. basta yun na yun ha.

"Kyle... Naaalala ko na... Sana mapatawad mo ako kung nalimutan ko...


Hindi ko sinasadya.. Mahal kita Kyle.. mahal na mahal... Sana hindi ko
na ulit malimutan ang bagay na iyon.. Nangangamba ako..."
----------------------------------------------------------CHAPTER 14
"Huh? Excuse me?"
"Ay! Kapre!"
"Aba! tinamaan ka nga naman ng teteng. sa gwapo kong to tawagin ka ba
namang kapre. " tinamaan ka din ng teteng, aba'y talaga namang mahangin
dine.
"Ai. sorry po." pahumble effect. Pero who the heck is this mahanging
mama? Ah! baka ito yung tulong na winish ko! suskopo naman tong si
Sachi, mahangin pa ang ipinapadala. tsk.
"O sya, sya. anong ginagawa nyo dyan at anong pangalan niyo?"
"Nahulog po sya, sinundan ko. Ako si Ron, sya si Sachiko.
Lumapit ang mama, "Ako si Gary. May bali ba sya?"
Kaw kaya mahulog sa bangin, hindi ka kaya mabalian? Nagtanong pa ai, "Opo."

"Patingin nga?" nilapitan niya si Sachiko at tiningnan ang bali nito.


"Worker ako dito.May entrance kayo dito sa townhouse?"
"Yep." tingin mo sa amin, namamakod? taas-taas din kaya ng bakod ng
townhouse na to. hindi naman kami nakakalipad para makapasok dito ng
walang entrance noh.
"Wait. Call ko lang information desk." kinuha nya cellphone niya.
"Hello Annie. Pakicheck nga kung may guest tayo na ang pangalan ay Ron
at Sachiko."
"Ah.. Ok. Sige, thanks. padala ka rin ng mens dito sa route 4. mayroong
nabalian dito. Sige, sige. Salamat. Bye."
Tinago na niya ang phone at humarap sa amin, ang kamay ay nasa kanyang
baba, waring nagiisip.
"Magkapatid kaya? o magpinsan? " mahinang sabi niya. mukhang sarili ang
kausap.
"Hindi naman.. hindi magkamukha ihh.."
"Mr. Gary, excuse me? ano pong sinasabi nyo?"
"Ah. wala naman. iniisip ko lang kung magka-anu ano kayo. Hindi kaya,
mag-asawa kayo?"

"Waaa?!" tiningnan ko ang tulog na si Sachi. "Hindi ah! Bakit nyo naman
po nasabi?"
"Wala lang. Parehas kasi kayo ng apelyido. hindi naman kayo mukhang
magkapatid o pinsan. tapos, naabutan ko pa kayong magkayakap kaya may
theory akong mag-asawa kayo. Saka bagay naman kayo."
"Mr. Gary, tao kami. hindi bagay."
nang makabalik na kami, alalang alala si Kyle kay Sachi.
ako naman ay nagpahinga na, bukas ko na lang kakausapin sina Steph, Sam
at Sachi.
kinabukasan, sa hapag-kainan. magaling na si Sachi kaya pede na syang
sumalo sa amin sa hapag pero may bali pa rin ang paa nya kaya nakasaklay
siya.
"What happened yesterday? Mag-explain nga kayo."
"It was her fault, kuya Ron! " pagdidiin ni Sam.
"Pero it was just---"
"It was my own fault. Hindi kasi ako nag-iingat, nahulog tuloy ako."
"no! ate sachi. I saw it with my own eyes, tinulak ka ni ate steph!"
"No, Sam. Hindi niya ako tinulak."

"Ganon naman pala Sam eh. Wag kang magiimbento ng storya. That's bad.
This is serious stuff."
"Nakakainis ka naman ate Sachi! Your a liar! " galit na tumayo ng upuan
si Samantha at tumakbo papunta sa kwarto nya.
Tumayo si Sam para sundan sya, "No, Sachi. Let her be. Maldita lang
talaga yung batang yun."
"No, i don't believe na maldita sya. Let me talk to her."
nagdire-diretso na sa paglalakad si Sachi ng nakasaklay papunta sa
kwarto ni Sam.
after 20minutes, lumabas na si Samantha ng room nya kasama si Sachi.
Mukhang masayang masaya na si Samantha. Ano kaya pinag-usapan nung dalwa?

----That night, naglalakad lakad ako sa verandah when I saw Kyle, nakaupo sa
may damuhan at nakatingin lang sa kalawakan. Nage-emo emohan na naman ba to?
"Hoi emongoloid!" tumingin si Kyle at ngumiti pero malungkot. Teka,
pamilyar sa akin ang ngiting yun ah. Shet! wag mong sabihin yung babaeng
yun ang iniisip ng unggoy na to?! Shet ka kyle! tae ka!
Umupo ako sa tabi nya.
"Siya nanaman ba?"
"Oo."
"Kyle! tae ka! kala ko ba move-on ka na sa kanya? Pano na si Sachiko?
Hindi mo ba sya mahal?!"
"Pare, mahal ko si Sachiko. Pero bakit ganun, hindi ko makalimutan ang
babaeng yun?! kala ko nga move on na ako.. pero..."
"Pero?"
"Tae ron! bigla siyang tumawag nung isang araw!"
"WHAT THE f***?!
"tumawag siya. nung una, unknown number tapos pagkasagot ko at marinig
ko ang kanyang 'hello', nakilala ko agad. Lahat ng ginawa kong paglimot
nasayang, mahal ko pa sya pare! alam ko pa rin ang boses nya. Isip ko
lang pala ang nakalimot sa kanya pero hindi ang puso ko. Shet naman!"
umiiyak na si Kyle. Siguro kung normal na usapan lang to baka
pinagtatawanan ko na tong si Kyle at tinwag na bakla sa pag-iyak nito
pero ibang usapan to. May dahilan para umiyak si Kyle, masakit kasi yun.
Masakit yung makalimutan ka ng taong mahal mo. Masakit yung hindi ka
kilalanin at pagtakwilan ka ng taong mahal mo.

Masakit yung ginawa sa kanya ni Erinn.


"Pero Kyle, pano na si Sachiko?"
"Si Sachi..."
"Kyle, mahal ka nung tao. Wag mo naman sanang saktan. Wag mo syang
gawing panakip butas."
"Ron. Ayoko din syang saktan. Pero Ron sabi sa akin ni Erinn, babalik
daw sya dito sa Pinas."

"Anak ng tinapa!"
"Oo, anak ng tinapa nga. pare, pag nagpakita siya sa akin, hindi ko alam
ang gagawin ko baka matuluyan na akong mabaliw at mahumaling nanaman sa
kanya. Pare, ayoko talagang saktan si Sachiko."
"So anong plano mo Kyle?"
"Ewan ko, baka kahit mahal ko pa si Erinn ay si Sachiko na lang ang
pagtutuunan ko."

"Bahala ka kung anong desisyon mo, pero Kyle, tandaan mo, wag na wag
mong sasaktan si Sachiko."
-----------------------------CHAPTER 15
Kyle's P.O.V. <Yah. POV nya. hindi kasi pede si Ron ang magnarrate eh
wala naman sya sa panahon ng past ni Kyle eh. hindi nya mananarrate ang
bagay na hingi nya kita. ok? hahah. >
"Ayiee. Magkikita kami ng fairy princess ko. " DAte namen ngayon ng
girlfriend and wife-to-be kong si ERinn.. hahaha. kakilig. >.<
Ayan. Dito na ako sa hintayan. Napaaga ako kasi excited ihh.
Well, kanina pa naman ako nag-aantay pero ok lang, parating na rin yun.
hmm.. bakit kaya parang ako'y may nararamdamang kakaba-kaba? hmm...

*flashback*
"Nako, nako.. Bilis, bilis.. san na yung cellphone ko? kalat-kalat naman
kasi nitong kwarto ko?"
"Ah! iyon!" kinuha ka ng bara-bara yung cellphone ko nang...
*plakk* <ok? panget ng soundepek. yae na>
"Shet! nabasag tong photo namen ni Erinn.. nako." tinapon ko yung
nabasag na frame pero tinago ko yung picture at saka nagmadaling lumabas
ng bahay para pumunta sa tagpuan namen ni Erinn.

*end of flashback*

eh! pamahiin lang yun. sus! takutin ba naman ang sarili.


"Kyle! " oh! there's the love of my life.
"Hey beautiful!"
"Beautiful ka dyan, spell beautiful!"
"Pede cute na lang?"
"timang ka talaga kahit kailan."
"At gwapo."
"OO na. ako lang naman ang napayag na gwapo ka. Naawa kasi ako sa iyo,
may violent reaction kasi lagi yung mga tao sa iyo pag sinasabi mong
gwapo ka."
"Naman ihh. Tong si ganda, niaaway ako." *pakyut epek*
"Aishuu.. Bolahin pa daw ako."
"ihh.. kilig ka naman."
"Aba'y oo. Guilty ako dyan."
Naggala-gala na kami sa mall, kung saan saan nakapunta at ng mapagod ay
dinala ko sya sa isang restaurant na ang pangalan ay
"oh-kaykyut-kyut-ng-author". maganda daw dito sa restaurant na ito eh,
sa pangalan pa lang ihh.

Masaya kaming nagkekwentuhan habang kumakain.


Nagexcuse sandali si Erinn na magre-restroom lang daw.
Pagbalik nya... Nagtataka ako kasi bakit para atang tumahimik ito at
parang ang lalim ng iniisip?
"Erinn?"
hindi sumasagot.
"Erinn?" mula sa pagkakatungo ay tumingala sya para tumingin sa akin ng
may pagtataka.
"Excuse me lang, do i know you?" ha?! she doesn't know me? ano ba to?
joke?!
"Haha! loves naman, nakakabigla ka eh.Bigla-bigla kang dadale ng joke
dyan ee."
kumunot lang ang noo ni Erinn.

"Huh? loves? Excuse me, I'm not joking. I don't know you." tumayo si
Erinn at humakang palayo, hinawakan ko ang kamay nya para pigilan.
What's with her?!
"Ui Erinn, wag ka naman magbiro ng ganto."
"Hey. I dont' really know you and i'm serious. And howd ya know my name?"
Bumitaw sya sa pagkakahawak ko. I followed wherever she go., I tried to
pursuade her to stop joking but she insist na she's not joking around.
"Erinn my labss naman." she stop walking and faced me, anger clouded her
face.
"LOOK! i don't know you and stop calling me your 'loves' coz I don't
love you. Please just shoo away stranger!!! "
Ako naman ay nabato sa pwesto ko. Para akong binagsakan ng meteor garden
comet.
She called me stranger?! She denied her love to me?!

[author's pang-asar. ]

aray! aray nakuuuu!! oh-oh!


kaysakit naman ng ginawa mo!
aray! aray nakuuu!! oh-oh!

The next day, I went to ERinn's house. I want to clear things, anlabo
naman kasi ng nangyari kahapon.
Pagkarating ko sa bahay ni Erinn, isang matandang babae and sumalubong
sa akin sa gate.
"Si Ms. Erinn po? Ay sorry po. Kanina pa po syang umalis."
"ah ganun po ba, sige aantayin ko na lang sya."
naku.. Aantayin mo? eh magtayo ka na dyan ng bahay sa tabi."
"Huh?"
"Eh kasi kung aantayin mo si Ms. Erinn ay hindi ako nakakasiguro kung
kelan ang balik nya."

"Huh? bakit?"
"Eh lumipad na kasi si Ms. Erinn eh."
"Lumipad?! Wala namang pakpak yun ah."

"Tange. I mean nagpunta na po sa syang Canada, unknown po ang balik kaya


nga ako nandito. housekeeper."
"What?! bakit?"
"Ano kanyo? Bakit ako naging housekeeper? syempre, ano gang ginagawa ng
isang housekeeper. tsk."
"Tungag! hind iyon. bakit siya umalis?"
"Aba ewan ko. mukha baga akong chismosa. malay ko sa kanila kung bakit
sila umalis."
I was shocked ng pagkatapos nya akong pagtakwilan, then I would learn
the next day na umalis na sya ng wala man lang pasabi. First time kong
naginom non kasama si Ron.
Iniyakan ko yun.
Pero that was 2years ago..
Now, I have Sachiko. Move na ako... nga ba?
"Hello! pluto to kyle?!"
saka lang ako parang bumalik sa kasalukuyan ng alugin ako ni Ron sa balikat.
"Ha?!"
"Halleluja pluto!"
"Anong meron sa pluto?"
"Wala, kainin mo daw yung pluto."
"Masarap ba yun? "
"Tungag!"
andito kami nina Ron at Sachiko sa bahay ko. Kwento dito kwento doon.
*ding-dong*
"Ai.. ako na ang sasagot Kyle."
"Wag na andyan naman si manang, sya na bahala dun sa tao sa labas."
"Hindi ako na."
ayun, dahil makulit ang aking kyut na girlfriend, sya na nga ang
nagbukas ng gate.
Pagbalik nya...
"Kyle, kaibigan mo daw."
Lumabas sa likod ni Sachi ang isang babae..
ang babaeng minsang minahal ko at sinaktan ako.. na hanggang ngayon

ay.... mahal ko pa din?


"Kyle..."

"Erinn.."

---------------------------------------------------CHAPTER 16
Kyle's P.O.V.
"Kyle..."
"Erinn..."

Xanggelay! Si Erinn.
-------------------------------Author's panggu-gulo.
Sige, dahil napakaatat ng readers, gusto'y ron and sachi moment na,
fafastforward ko na ang mga mangyayari. mamadaliin na natin tanggalin
ang mga epals. x]]
----------------------------Nabigla rin si Ron sa pagdating ni Erinn. Pinakilala ko si sachi at
erinn sa isa't isa. Sinabi ko dn ang relasyon ko sa kanilang dalawa. Si
sachi bilang girlfriend ko, at si erinn na ex ko. Ok lang sa kanilang
dalwang babae.
Naging friends kami ni Erinn at sila na rin ni Sachi.
Super fastforward.
2weeks after.
"Hmm.. napaaga ata ako." yah sobrang aga. may date kasi kami ni Sachi
ngayon eh 3pm usapan eh 2pm pa lang. Advance ng 1hr. excited much.
important day kasi to ni Sachi ee.
Maya-maya, may biglang tumapik sa likod ko, "Sachik--" pero paglingon
ko, "erinn?"

Ngumit lang ito.


"Hello Kyle." at ayon, bigla ng tumulo ang mga luha sa mata nya.

Anak ng pitumpung walong tupa! bakit ito umiiyak?

"Erinn, bakit ka umiiyak?"


"Kyle. Mahal kita."
tumungo ako, "Mahal mo ako? Why are you saying that? Minsan mo ng
itinangging mahal mo ako at iniwan, nasaktan ako ng sobra noon erinn.
Nagmove on na ako. Si sachiko na mahal ko. Please, wag mo kong
pahirapan. Masaya na ako kay sachiko. Hindi na kita mahal Erinn."
The last line was a big lie. I admit na mahal ko pa rin sya hanggang
ngayon, nitong mga nagdaang araw ko lang napagtanto. Itinago lang ng
puso ko ang nararamdaman ko sa kanya but my heart never threw my
feelings for her. I still love her but i shouldnt...
"Kyle... I'm sorry about that time."
"It's ok. I understand. Past is past."
"maybe past is past for you but still it's present for me. Kyle, you
don't understand a thing!"
"What the?! I understand ok?"
"No you don't! Hindi ko sinasadya ng mga panahong iyon na itanggi ang
pagmamahal ko sa iyo! Nakalimutan ko lang!"
"Nakalimutan?! now, i don't uderstand."
"I forgot that i love you, i forgot who you are that time. And i hated
myself for that. Kyle, I have alezheimers! lumala na yung alzheimers ko.
Yun ang unang sinumpong ang sakit ko at that stage and i hated my
illness kasi ikaw pa yung ipinalimot nya sa akin! Kyle, I left the
country the next day para magpagamot, unfortunately my disease cant be
healed anymore. Nung nasa Canada ako hindi bumalik pa ang alaala mo sa
isip ko. then, nung araw na tumawag ako, that was the time I remembered
you again. Nagmadali akong bumalik dito, I'm afraid kasi na baka
sumumpong ang sakit ko. Kyle, dapat nung pagkarating ko pa lang ay
sasabihin ko na ang lahat ng to kaso I learned that sachi is your
girlfriend. Nasaktan ako at nawalan ng lakas ng loob. Pero hindi ko na
kaya Kyle, gustong-gusto ko ng sabihin ang mga ito sa iyo. I wanted to
tell you that I always loved you. I don't care if you don't love me
anymore, hindi kita masisisi. Basta Kyle, I love you. " she burst into
tears.
Hindi ko alam pero biglang niyakap ko sya, "Kahit kelan hindi nawala ang
pag-ibig ko sa iyo Erinn. I still love you."

"Pano na si Sachiko?"
I love you Erinn but I shouldn't because of Sachiko... I don't want to
hurt her... Pero hindi ko na kaya, mahal talaga kita Erinn.. I'm so
sorry Sachiko...

"I love her too pero mas mahal kita Erinn... Siguro ginawa ko lang
panakip butas si Sachiko... Ewan ko pero basta ERinn, mahal kita."

*tugsh!*
Napatingin ako sa direksyon ng tunog ng isang bagay na nalaglag. Isang
payong ang nalaglag at ng tingna ko kung sinong nakalaglag...
"SAchiko..."
Nakatitig lang sya sa amin. Wala akong mabasang emosyon.
Biglang bumuhos ang ulan.
Nabigla ako ng magsmile sya, a sad smile, "s..sige. I understand." then
she ran away/
"Sachiko!" I called her pero hindi na sya bumalik.
"It's my fault."
"No erinn. Ako ang may kasalanan, kung hindi ko sana sya ginamit sana
hindi ko sya nasaktan."
Bakit sachiko? Bakit ngumiti ka? You could have cried. You should have
shouted at me, you should have slap me, you should be mad at me for
being such a jerk. pero, why did you just smiled? I know I hurt your
feelings pero bakit ang bait mo, inintindi mo lang yun and accepted it
kahit sinaktan kita?
Sachiko, mas lalo akong naguguilty. You're punishing me through my guilt.
Ron's POV<yehey! balik na tayo kay Ron!>

turn around, turn around


and fix your eye in my direction
there is a connection
i can't speak
i can't make a sound
to somehow cap--
sino kaya natawag

Calling...
My genie^^,

Si Sachi? Bakit kaya?


"Ron?" ai bumalik na si Steph mula sa C.r. Patayin ko na muna tong

phone, mamaya na Sachi. Nagdedate pa kami ng Steph ko eh.


It was 5pm ng makauwi na ako sa bahay, I opened my cellphone.

Turn around turn around


and fix you-
From: My genie^^,
Message:
Ron, I'm sad. I need you. T.T
Meet me in the playground.
I'll be waiting for you. T.T
Huh? Ano naman kayang problema nito? Time recieved, 4:05pm.
"Nako.baka wala na yun. tanungin ko na lang bukas. Gaa.. I'm tired,
makatulog na nga."
*wshhwshh* <sound epek daw ng ulan. hahaha.>
Nagising ako sa lakas ng ulan. Biglang lumakas ihh. Naalimpungatan tuloy
ako. Naknang, kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman!
Babalik na sana ako ng tulog nang...
I'll be waiting for you...
----------------------------------------------------CHAPTER 17
"sshh..." yakap yakap ko sya. "Tama na, andito lang ako."
Antanga-tanga ko. Dapat kanina ko pa syang pinuntahan dito, hindi sana
sya nahirapan ng ganto. Sabi ko sayo Kyle, wag mong sasaktan si Sachiko!
"Salamat Ron." medyo maayos na sya ngayon sa tingin ko. nandito na kami
sa loob ng kotse ko, nagdala ako ng extrang t-shirts at may towel din.
pinagpalit ko na sya ng pang-itaas. hoy! hindi ako nanilip no. syempre
nakapikit ako. gentleman ata to.
Syempre, nagpalit din ako noh. magkasakit pa ako.
"Dapat magcecelebrate kami ngayon ng birthday ko ehh..."
"waa? birthday mo?!"
nagnod lang sya. matamlay.

Sinimulan ko ng magdrive. 11:45pm. May time pa.


"Where are we going?"
"7 eleven"
"anung gagawin natin dun?"
"ise-celebrate birthday mo."
"Nah.. tapos na ang birthday ko."
"Hindi pa noh. may 15minutes to go pa." binilisan ko na ang pagpapalipad
pagpapaharurot ng kotse ko papuntang 7-eleven. medyo malayo ng konti sa
playground yun ee.

after 5minutes.
7-ELEVEN
"Tara na," hinawakan ko kamay nya at pumasok na kami sa 7-eleven.
Bumili kami ng ice-cream, ng hany bar, ng choco stiks, ng nips at ng
maliit na kandila.
"Ron? para san yang mga yan"
"Basta. it's a surprise."
humiram ako ng plate sa cashier. then yun, binuksan ko yung hany,
nilagay ko dun yung mga pieces ng hany sa may plate. pinuno ko yung
plate ng hany bars into a rectangle. Then after that, nilagyan ko ng
choco stiks ang tabihan ng hany at pati ilalim nito. then naglagay ako
ng mga nips sa 4corner. shinape ko into flowers. then put a choco stiks
on the top of the nips, then place another nips. tapos naglettering ako
sa gitna ng hany bars using the choco stiks.. eto yung nilettering ko:
HAPPY BIRTHDAY SACHIKO! :]
then I placed the candle in the middle and nilight ko na yung candle.
nagets nyo ba? basta, naggawa ako ng cake through hany bars and other
candys.

"Surprise! Happy birthday Sachiko!"


"Wow!! ang cute Ron!! thank you!"
" your welcome. Sige wish ka na before you blow the candle."
"Sige, wish na ako."
"Wait pala. Dapat, 10wishes ang gawin mo. ngayon naman ikaw ang magwish
ng sampo."
"Pero hindi mo a nga ubos yung iyo eh."

"Nah.. saka na yun. Kelangan ay ikaw ay magwish din ng sampo, i'll


return the favor naman sa iyo ngayon. sige na, for your birthday, give
me your 10wishes."

"Hmm.. sige... Here goes my 10wishes....

----------------------------------CHAPTER 19
"Sachiko!"
Andito ako ngayon sa may school ni Sachiko, sakto namang pagkadaan ko ay
nasa tapat sya ng gate ng school nila.
"Oh ron? anong ginagawa mo dito?"
"Wala lang. hahaha. Ang gwapo ko kasi."
"Huh? anong konek?"
"Wala! hahaha. ganun talaga pag gwapo, ikinokonek sa lahat."
*bulong-bulong*"gwapo kamo? baka desperado."
"Anong sabi mo?"
"ayy wala. sabi ko dumaan si superman."
"waa?? saan? where?!"
"Wala na, nakalagpas na."
"ay ganun ba, sayang hindi mo sinabi agad. hindi ko tuloy nakita."
"Bayaan mo, pag dumaan ulit si superman sasabihin ko sa iyo."
"Salamat!"
*bulong bulong* "Adik ba tong si Ron?"
"Ha? ano yun?"
"Ah! sabi ko, sana dumaan din si batman."
"Ah.sana nga. ui. take a lift na."
"huh? saan mo ko dadalhin?"
"kikidnapin kita."
"Waa! wag po! maawa ka, poorness lang kami."
"Eh di ipapatapon na lang kita sa ilog pasig!"

"Uunahan kita, ikaw muna matitilapon sa ilog pasig bago ako."


"haha. sakay na. wag ka magalala, hindi kita kikidnapin, sa gwapo kong
to kidnapper? nah."
sumakay na sya,
"Haha! oo nga, sa gwapo mong yan.. nah.. kidnapper wont do. pero serial
killer, OO!! "
at ayun, nagkulitan na nga kami sa daan. Nagdinner muna kami sa isang
restaurant na ang pangalan ay--- ANG KYUT NG READERS PERO MAS KYUT SI
AUTHOR RESTAURANT-Tapos, after the dinner eh nagpunta na ulit kami sa kotse ko.
"Teka... saan ba talaga tayo pupunta?"
"Well... may gusto lang naman kasi akong sabihin sa iyo eh.. pero dun na
sa place na yun ko sasabihin.. wait ka na lang."
"WOOOOOOOOWWWWWWWWW!!"
"Ang ganda di ba?" nandito kami ngayon sa may puno, oo, sa puno,
nakatayo kami sa sangay ng puno, matibay naman to. hehe. pero alam nyo
kung saang puno? dun sa may cliff. eh di pag nakatayo kaming ganto sa
may puno, kitang-kita namen ang maiilaw na city at tuwang tuwa naman si
Sachiko sa nakikita nya. "This is one of your wish."
"oo nga! I really wanted to see the whole city. salamat Ron!"
"Welcome. 9wishes to go."
"oo nga. hehe.. teka.. ano nga ba yung sasabihin mo?"
"Err... its more like a wish eh.."
"oh. sige, wish ka na."
"I wish na sana gumaling na ang sakit ni Erinn."
"Wait? that sounds like my wish ah."
"hehe. syempre, di ba sabi ko, igagrant ko wish mo di ba? eh yun lang
yung wish mo na hindi ko kayang igrant eh kaya i'll just use my wish to
grant it."
"Oh.. ganun ba."
she kissed my forehead. pero kahit expected ko na yun ay medyo nabigla
pa rin ako.
"as you wish. 3wishes na lang."
"Thanks. and 8wishes pa sa iyo."
"hehe. oo nga, Thank you too. i'm sure, magiging masaya na sina kyle at
erinn. i'm glad for them. Lam mo ba nagsorry si Kyle kanina?"
"Really?"

"Yep. At nagpaalam na din sya sa akin na aalis na daw sya ng bansa,


susunod na sya kay erinn to be with her side forever."
nasabi na rin sa akin yun ni kyle. sasamahan nya na si Erinn sa Canada.
"I'm glad, magiging maayos na ang lahat sa kanila. sigurado, hindi na
kailanman malilimutan ni Erinn si kyle."
"Oo nga. I'm glad din kasi ayos ka na."
"Well yeah... Ang weird nga eh... na-overcome ko na agad... siguro,
hindi din talaga si kyle ang mahal ko..."
"Huh?"
"Kasi... may isang taong parang napakaimportante sa akin... sa totoo
lang, mas importante pa nga kay kyle eh... yun nga ata ang mahal ko...
kahapon ko lang narealize..."

"Sino sya?"
"Behlat! secret yun!!"
"Andaya mo ah."
"Hehe.. tara, baba na tayo."
biglang talon nya sa puno. anggaling, hindi nya na ginamit yung ladder
na ginamit namin sa pagakyat samantalang ako naglaladder pa.

"Anggaling mo ah. natalon mo yung puno. para kang pusa."


"Hehe."
"You remind me of my cat Chiko."
she just smiled.

"Gusto mo makita si Chiko? she's cute. I think you would like her."

"And why would I want to see myself?"

teka.... ano daw?! english yun ah! patranslate nga! hindi ko naintindihan!

-----------------------------------------CHAPTER 20
"And why would I want to see myself?"
Tokneneng! ano daw ga yun? me is not understood any of the english
english she said. me brain is functioning not properly.

"Ha?"
"I said, bakit ko naman gugustuhin makita ang sarili ko?"
"Eh?"
"Hindi mo pa din naintindihan? Alien languange gusto mo?"
"Hindi. hindi. Ano... teka... ano ba ibig mong sabihin? Ikaw... si Chiko...
IISA?"
"Oo."

"

Ah....

HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH!"

"Huh?"
"hhahaha!! sachiko! hahaha. Ayus yung joke mo!! hahahah! Napautot ako
dun ah! kala ko totoo! hahahaha. nakakatawa!"
" Ron... I'm not kidding... I'm really Chiko..."
"Eh? Spell kidding! hahahhaha!"
"I'm serious. :l "
oh-kayy.. seryoso nga... pero? Pusa? si SAchi? ano daw yun? waa? pero..
bakit ba ako nabibigla... Sachiko is a fantasy already from the start..
kaya everything is like possible na... geez...
"P-pero..."
"Ok. Para maniwala ka na."
*shingggggggggg~!*

waaa?

ayus sa alright! nagtatransform si Sachiko! parang yung sa cartoons!!


astigg!!
*tenen*

"Ngiyyaw..."

"pusa.....ng gala."

*shinggggggggg~!*

Nagtransform back ulit sya sa human form. walandyek?! parang cartoons na


ee.

"Oh see? I'm Chiko."

"Panong...?"
"Time to tell somethings to you..."
"What things?"
"Mga bagay-bagay... kaya just listen." tagalugin ba naman? ginagawa
naman akong timang nito?
"A--"
"Hep! makinig ka na lang. Dont speak para madali akong makapagexplain."
"Okie. sureness."
"So ganto nga.. ako si Chiko---"
"Eh bakit--"
"Eto na nageexplain kaya just listen. As I was saying, ako si Chiko. I
can turn into cat--"
"Ka--"
"Hush! i'm speaking. listen na lang. Ayun na nga, I can turn into a cat

pero I'm not a cat--"


"ha--"
"SHUT UP RON!"
"ok. " makikinig na nga.
"Ok. Ako nga si Chiko. Im not really a cat. I'm a soul. But i'm not a
ghost. Napahiwalay lang ako sa body ko.. Its like this.. One day I woke
up in the middle of the city and no one can see me and it seems that I
lost my memory, all I can remember is I have a comatosed body lying
somewhere...somewhere I dont know... Then I have this weird feeling that
I should grant someone's 10wishes but unfortunately, almost 1year akong
nagwawonder sa place na to without people noticing me so i dont know how
i could grant someone a wish..and then.... that day.. you found me.. the
weird thing is, ikaw lang yung nakakakita sa akin.. the only person who
had ever seen me after a year of searching... so i chose you to have the
10wishes and ang weird pa, after i chose you to have the 10wishe, people
started to see me. And i was glad of it. Ayun na nga..."
"hmffmmffppmmffmmm.." bawal daw magsalita eh.
"Ok. pede ka ng magsalita."
"Sureness?"
"Sureness."
"Ahm... so ganun pala... teka... ano nangyari sa kwento sa cat thingy?"
"Ah.. ayun nga.. I really cant remember anything pero my mind tells me
na I have to go to a body after 12hours everyday. hindi ako pede magstay
here sa earth without a body for 12hours up kaya ayun, i saw that cat at
nagshing-shing ako dun."
"Anong shing-shing?"
"I entered the body's cat."
"Ah..."
"Ayun.. every 12hours i need to go back to that kitty's body."
"Eh pag lumampas ka dito ng 12hours? What will happen?"
"Simple. I'll dissappear permanently."
"Oh... San ba ang katawan mo?"
"I cant remember."
"Bakit hindi mo maremember?"
"Aba malay ko. wala nga akong matandaan eh."
"Ganun pala... ang weird. whew.. pasampal nga kung gising ako.."

*PAAAKKK!*
"Aray!"
"Sabi mo sampalin kita.."
"Abay tinotoo nga."
"Sabi mo eeh."
"Hmm...This isnt a dream after all.."

Nakauwi na ako sa bahay.. I still kept on thinking about the discussion


we had...

Andaming gumugulo sa utak ko... teka? may utak ba ako? basta... may
gumugulo hindi lang ako sure kung saan gumugulo, wala naman akong utak ee.

hmm..

pero talaga...
may isang question na gumugulo sa isip ko...
Yung isang tinanong ko kanina sa kanya....
Ano mangyayari pag naubos na ang 10wishes?

-----------------------------------------------CHAPTER 21
"Sam? Ok ka na ba?"
"I'm fine now Kuya Ron."
"I'm glad, go thank your Ate Sachi."
"And why should she thank Sachi, Ron?"
"Sam needs to thank Sachi, Steph."
"Huh? Di ba, Sam should thank the doctor not Sachiko. Wala namang
ginagawa si Sachiko ee." ~.^
"Basta.. Samantha, go thank your ate Sachi."
"Okie. Ate Sachi, Thankyou vellyyy mats!"
Sabay kiss ni Sam kay SAchi sa pisngi. Pedeng pakiss din ako? haha!

Teka... nasan kami? well... nasa planet mars na kami!!! yehey! haha.
joke. nandito kami sa... hulaan nyu! haha. hindi, serious na, nasa
hospital kami ng St. Claire. Why? kasi si Samantha dahil sa kalikutan
nakainom ng lason. Aba, akalain ba namang gatas yung pintura?! eh engot
din pala tong batang to ee, may pinagmanahan.
At bakit nagte-thankyou si Sam kay Sachi? eh kasi, ginamit ko wish ko.
Nagwish ako kay Sachi na maging maayus na ang lagay ni Sam, fifty fifty
na kasi si Sam kanina. kaw ba naman uminom ng pintura. kaya kayo ha, wag
nyong iinumin ang pintura, tandaan nyo pag nagfifty fifty kayo wala
kayong Sachiko na pedeng hilingan na gumaling. kaya be careful mga bata.
"Hay naku. Whatever Ron."
"Naman oh babes, tampo ka na dyan, kelangan lang talaga ithank ni Sam si
Sachi."
"And why?!"
"Eh kasi andito si Sachi, di ba gustong gusto ni Sam si SAchi kaya ayan,
kaya siguro gumaling si Sam gawa ni Sachi."
"Huh? ay ewan ko sa iyo Ron."
"Naman oh. wag na you tampo ha." sabay kiss ko sa kanya. Hayun, huli na
ang kiliti.
"Oo na nga babes."

"Ahmm.. kuha lang ako ng drinks natin sa malapit na vendo ha.."


"Ohkay. sure. fine. whatever. mabuti pang umalis ka na nga."
lumabas na si Sachiko.
"Bakit ba parang ang init ng ulo mo kay Sachiko, babes?"
"She's a flirt."
"Huh?"
"Can't you see, inaagaw ka nya sa akin porket kyle isnt here anymore."
"Gawdd Steph, pinagseselosan mo si Sachi? Duh! she's just like Kyle to
me, a bestfriend. "
"It doesnt seems like that to me."
"Wag ka ng magselos baby ha? Lam mo naman na loves na loves kita ee."

After 15minutes. Aba! nilamon na ata ng Vendo machine si Sachiko, ang


tagal tagal naman nun.
"I think I better check on Sachiko. kanina pa yun."

"aggh.. she's too old enough. let her be."


"Steph, almost 15minutes na sya sa labas ng room na to, eh anlapit lang
ng vendo machine para tumagal sya ng ganun." lumabas na ako. Sumunod si
Steph.
Near a room in the vendo machine, I saw SAchiko standing in front of
that room. Nakatitig lang sya sa harap ng room na yun habang hawak ang
mga drinks na binili sa vendo.

*sound epeks ng naglaglagang mga bote*


Nalaglag ang mga hawak na inumin ni Sachiko at bigla syang tumakbo
palayo.. palabas ata ng hospital.
"Sachiko--!" susundan ko sana si Sachiko pero pinigilan ako ni Steph.
"Ron! dont tell me you'll follow that girl? Gawd. she's too old enough."
"Pero kita mo naman reaction nya Steph? Parang may bumagabag sa kanya."
"I dont care. Stay here or magbebreak tayo."
"Ok. Fine. I'll stay."
"Good."
Uuwi na si Steph. So hinatid ko na sya. Visiting hours is over na kasi.

Then bumalik ako sa hospital after, ako kasi bantay kay Sam. Her parents
is at work kasi. Nung pabalik na ako sa room ni Samantha, nadaanan ko
yung room na tinignan kanina ni Sachiko...

ROOM 107.
what's with room 107?

*the door opens*

"Ahmm.. excuse me? may I help you?"


isang lalaki ang iniluwa nung room107. "Ah eh.. ano.. sinong pasyente dyan?"
"My sister..."
"Ahh... anong case?"
"Excuse me? bakit tinatanong mo ang mga yan?"
"Err... i have a friend kasi na tumingin dito kanina.. In any case, may

kilala ka bang Sachiko??"


I dont know kung imagination ko lang or what pero parang biglang
nagtagis yung mga bagang nya for a sec tapos kumalma ulit, "Nope. Sorry.
I dont know someone with that name. Sige. I gotta go. May bibilhin pa ako."

Nandito ako sa room ni Sam. Tulog na si Sam kaya tinawagan ko si Sachiko...

*kring kring*

grabehnezz. bakit antagal nyang sagutin ha.

*kring kr--*
"h-hello..."

"Are You crying?"


Sachiko's P.O.V.
*flashbacks*
Naku.. bilis.. bilis.. anobeer ba kasi, andami pang pinagawa sa akin ni
maam, ayan tuloy, ngayon pa lang ako makakalabas ng school... bilis,
bilis. baka maabutan ko pa sya...
ANG AKING PRINCE CHARMING.
*another flashback*
ok ka lang ba bata?"
lumapit sya sa akin at lumuhod para masipat nya ang dumudugo kong tuhod,
kasalukuyan nakaupo ako sa sahig at umiiyak. "HINDI! hindi ako okay!!
ansakit! ansakit ng sugat ko! huhuhu."
"Halika.. hugasan natin yang sugat mo."
"A-anong gi--" sinimulan nya na akong buhatin, andun ako sa likod nya
habang buhat nya ako.

"Binubuhat ka.. dadalhin kita dun sa may faucet para hugasan yang sugat mo."
---------------------------------CHAPTER 22
Sachiko's P.O.V.
*flashback*
Naman! kasi si ma'am! andaming pinaggawa sa akin. bilis, bilis! baka
maabutan ko pa ang PRINCE CHARMING ko.
Atlast! andito na rin ako sa tapat ng school nya.
Tingin tingin sa mga nalabas ng gate. Tsk! bakit wala sya? Nakalabas na
ata...

"Hayy... Wala akong inspirasyon para bu--"

*boogsh!*

"Oops! sorry miss, ayus ka lang?" sabi nung lalaking nakabunggo sa akin
at sabay abot ng kamay sa akin.
Ohmygawd! totoo ba to? Si prince charming ko!
Inabot ko kamay nya at dahan-dahang tumayo.
"Ah..eh.. salamat."

"Ron! bilis!" sigaw ng kaibigan nya sa di kalayuan.


"oo. papunta na!" sigaw nya din sa kaibigan tapos humarap ulit sa akin,
"Sige miss, pasensya na talaga ha."
"Ron!!! Ano ba!"
"Oo na Kyle!"
"Sige ha.." sabay takbo palayo. Grabeh. ang gwapo nya talaga. >.<
At ang bait pa rin nya hanggang ngayon.
Hindi talaga ako magsasawang pagmasdan sya. Kahit araw-araw ko syang
sulyapan ng palihim ay ayos lang. Kahit makita ko pa syang may ibat
ibang babaeng kasama ay ayos lang. Ayos lang kahit hindi nya alam na
nageexist ako. Ayus lang.
*end of flashback*

Ron's P.O.V
"Are you crying?"

*toot-toot*
Shet! ibinaba nya!
?Sinubukan kong tawagan ulit pero ini-off na ata nya! pakshemay naman oh!
-------

kamusta na kaya si Sachi? Hindi ko na sya nakontak kagabi eh..

*tunog ng bell pag awasan na (tinamad ng magsound epeks ang author eh)*

haay sa wakas! Awas na din!

Haay.. nakakalungkot, wala na si bestfriend. Hindi ako sanay ng ganto.


Haay... Sino naman kasabay ko? Hindi naman pede si Steph, half day lang
naman lagi yun. Baka nasa bahay na yun... Ayoko pa namang umuwi pero
wala naman akong kasama, haay nako... Ah! Si Sachi! kakaawas lang din
nun. Mapuntahan sa school nya, para na rin makamusta ko.

Sa tapat ng school ni Sachi...

nakita kong lumabas ng gate si Sachi...

"Sachiko!"

tumingin sya sa akin tapos ngumiti ng matamlay tapos naglakad na ulit.


bumaba ako ng kotse ko at nilapitan sya, "Sachi!"
hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. hindi ako pinapansin.
"Sachi.. wait lang.." hinawakan ko kamay nya para pigilan sya sa
paglalakad. tumigil naman pero hindi tumitingin sa akin... ano kaya
problema nito?

"Sachi? Ano bang problema? Kagabi parang umiiyak ka tapos bigla mong

binaba yung phone tapos ini-off mo pa... what happened ba Sachi?"

"Ron... naalala ko ng lahat..."

"Talaga? Eh di alam mo na kung nasaan katawan mo? Tara, balik ka na sa


katawan mo."
"Hindi pa ubos wishes mo..."
"Huh? Required bang ubusin wishes ko para bumalik ka sa katawan mo?"
"Hindi..."
"hindi naman pala ehh.. saka na lang ako magwiwish.. tara, samahan na
kita sa katawan mo.. nasaan ba?"
"Hindi na muna ako babalik Ron.."
"Bakit naman?"
"Basta.. pede wag ka na lang munang magtanong ng kahit ano Ron?"

mukhang upset talaga si Sachiko... hindi ko sya maintindihan pero sabi


nya wag na daw muna akong magtanong.. i gotta respect her...
"Huh ron? where are you taking me?" hinila ko sya papunta sa kotse ko.
"Sa may peryahan.."
"Huh? anong gagawin natin dun?"
"Magpapakasaya! haha. ampanget mo na kasi eh, laging nakasimangot. Pag
dun sa peryahan, happy tayo. Saka, igagrant ko lang wish mo.. "
"Wish ko? alin dun?"
"Basta. Peryahan here we come!!" at pinaharurot ko na ang aking kotse.
*broom broom* haha. may soundeffect pa eh noh?
-----------------------------------------CHAPTER 23

"Wow! angganda naman dito sa peryahan. andaming tao. ang ingay. andaming
ilaw. andaming rides. ansaya saya naman. " hahaha. nakakatuwa naman tong
si Sachiko parang batang ngayon lang nakapunta sa peryahan. Pero
infairness, effective sya ha! parang nakalimutan na ni SAchi na may
problema sya. Grabeh, ayoko talagang nakikita syang ganun kalungkot.
Parang ako din kasi yung nalulungkot pag ganun sya... bakit kaya ganun
nararamdaman ko? hmm.. siguro, nagmamalasakit lang ako kay Sachiko kasi
sya na ngayon ang bestfriend ko ngayong wala na si Kyle. dont get me
wrong, bestfriend ko pa rin si Kyle, bestfriend number 2 si Sachi. hehe.

"Ngayon ka lang ba nakapunta sa peryahan?"


"Yep... ngayon lang." naglalakad-lakad kami ngayon dito sa may
peryahan... Andami ngang tao eh..
"Talaga? Bakit ngayon ka lang nakapunta sa peryahan? Ako nung bata pa
ako, lagi kaming nandito ni Kyle eh, lagi kaming nasakay sa mga rides.
Ang saya. Kung nakilala na kita nung mga bata pa tayo sana naisama kita
dito sa peryahan noon pa para nalaman mo na agad kung gano kasaya dito
sa peryahan." grabeh, antahimik ata ni Sachiko? hindi man lang naiimik
sa pinagsasabi ko? Anyways, tuloy pa din ako sa pagimik, baka nakikinig
lang muna to kaya hindi naimik...
Grabeh.. kanina pa ako nagsasalita ng nagsasalita pero bakit para
talagang wala akong kausap, hindi naimik si SAchiko...
"Sachiko? Nakikinig ka pa ba?"

Walang sagot.

"Sachiko?"

WAlang imik.

"Sachi---" pag baling ko sa right ko---TAE! wala na si Sachiko! asan na yun?!!!


"Sachiko?! Sachiko?!!"" hinahanap ko sya. punta dito, pasok doon. Asan
na ba si Sachiko?? Andami naman kasing tao... Aggh.. Nasaan na yun? Baka
naliligaw na yun? Eh sabi pa man din nya ay hindi pa sya nakakapunta sa
peryahan.. naman oh! asan na ba yun!
"Sachiko?!!!!"
"Miss, miss.. may nakita po ba kayong babaeng ganto katangkad
(minuwestra ko yung tangkad ni sachiko), tapos maputi, tapos may
pagka-cat eyed, hanggang dibdib ang haba ng buhok na tuwid at itim na
nakataling ganto (minuwestra ko din yung pagkakatali ng buhok nya na
yung taling may pigtail sa magkabila pero hindi lahat ng buhok
nakapigtail, meron pa ring nakalugay), tapos naka-Seiyyu uniform?"
nagiisip yung babaeng tinanungan ko, "Ai.. sorry po.. wala eh.."

nagtanung tanong pa ako.. ano ba naman kasi yang si Sachiko, hindi pa


nga kami nakakatagal dito sa peryahan, nawala na agad..

"May nakita po ba kayong ganung babae?" pagtatanong ko sa isang lalaki


pagkatapos kong madescribe si Sachiko. Nagisip yung lalaki...

"Hmmm... teka... parang may nakita ako...."

"Talaga po?! Saan po??"


"Kung hindi ako nagkakamali.. nakita ko sya kanina-kanina lang sa may
bakanteng lote dun sa likod ng mirror house na may kasamang tatlong
lalake..."
"Lalaki?!!"
"Oo, lalaki.. "
Takteng pusa yun!!! Sinong mga lalaki yun?! baka... oh-no!, "sige po,
salamat po!"
Sabay takbo ko dun sa sinasabing mirror house nung mama... naman
Sachiko.. anong trouble tong pinasukan mo.. kaw na pusa ka oh..

Nang marating ko na yung bakanteng lote sa likod ng mirror house...


nakita ko si Sachiko, pinaliligiran ng tatlong panget na lalaki..

"Miss... Sumama ka na sa amin.."


"Ayoko nga... May kasama ako eh."
"Sino?! boyfriend mo? haha. iniwan ka na nun miss.. samin ka na lang
sumama.."
"oo nga.. hamak na mas gwapo naman kami sa boyfriend mo miss.."
"Ahmm... weh.. hindi eh.. mas gwapo yun sa inyo ehh.. ampapangit nyo
kaya!"
"ABA'T! Babangasan ko tong babaeng to mga pre eh!"
"SUBUKAN NYO LANG AT HINDI NA NYO NA MASISILAYAN PA ANG BUKAS!"
"Ron!" tumakbo sya, lalapit sana sa akin pero nahawakan ng isa sa mga
panget ang buhok nya, "Aray!"
"Saan ka pupuntang babae ka?!"
"Dyan sa boyfriend mo? Nah.. sa amin ka na!"
"Uupakan lang muna namen tong boyfriend mo."
"Bitawan nyo sya mga pwet ng kabayo!" lumapit ako sa kanila..

"Pwet pala ng kabayo ha.. tingnan natin kung sino magiging pwet ng
kabayo pagkatapos nito.."
umumbag ng suntok ang isa sa mga panget...

umilag ako, duling pala to eh. sabay suntok ko naman. jackpot! ayan,
pinagtulungan na ako ng dalwang panget, yung isa kasi hawak pa rin si
Sachiko.

umbagan dito, umbagan doon.

*pooksh*
*boomsh!*
*tooksh*
*bo-goomsh!*
*pakksh*
and the winner is..... ME!! haha. kala nila ha. kaya ko silang dalwa,
hindi ko nasasabi sa inyo, nagtaekwando nga pala ako nung bata ako,
blackbelter nga eh.

"Oh ikaw naman panget." sabi ko dun sa may hawak kay Sachiko.
"Ai, papa.. ayaw na aketch.. babuush na lang papa..." sabay bitaw kay
Sachiko at tumakbo palay, sumunod na din yung dalwang ugok.
Punyemas yung mga yun! bading pala!

Nilapitan ko si Sachiko, "Ayos ka lang Sachiko?"


"Yep."
pumikit ako ng mariin tapos,"ANO KA BA SACHIKO! BIGLA BIGLA KA NA LANG
NAWAWALA! ALAM MO BANG SOBRANG NAPRANING AKO AT NAGALALA NUNG HINDI KITA
NAKITA! HALOS MABALIW NA AKO SA KAHAHANAP SA IYO DITO SA PERYAHAN! TAPOS
NUNG MALAMAN KO PANG MAY KASAMA KANG TATLONG LALAKI PARA AKONG ROCKET NA
NAGMAMADALING MAKAPUNTA DITO PARA MALIGTAS KA! SOBRANG NATAKOT AKO KASI
HINDI KO ALAM KUNG MAABUTAN PA KITA DITO! BUTI NA LANG HINDI PA AKO
NAHULI! SA SUSUNOD SACHIKO KUNG ALAM MONG HINDI KA PA NAKAKAPUNTA SA
ISANG LUGAR NA TULAD NITO, WAG KANG HIHIWALAY SA AKIN!"

nang matapos ako, narinig ko na lang na humihikbi si SAchiko, napamulat


ako... umiiyak sya.. nga pala.. tendency nga pala ni sachiko na umiyak

pag sinisigawan...
"s-sorry.. h-hindi ko s-sinasadya.. ron.. " sinasabi nya yun sa bawat
pagitan ng hikbi nya.

"Sorry. Nakalimutan
ko sa kanya palapit
kasi ako sa emosyon
alam ang gagawin ko

ko, ayaw mo nga palang sinisigawan ka." sabay higit


sa akin. Niyakap ko sya ng mahigpit. "Nadala lang
ko, sobrang nag-alala kasi ako sa iyo. Hindi ko kasi
pag may nangyaring masama sa iyo. Tahan na Sachiko..."

nilayo ko sya ng konti sa akin tapos pinunasan ko yung luha nya na


pumatak sa pisngi nya, "Tahan na please?"
"a-ayaw t-tumigil e-eh.."

naman.. bakit ko kasi sinigawan.. bakit kasi ang OA kong magreact.. ano
ba kasing nangyayari sa akin...

"Tara.. alam ko na kung pano ka patatahanin ULIT..." naalala ko nung


unang beses ko syang paiyakin (see chapter ewan.. basta yung mga unang
chapter nandun yung chapter na pinaiyak ko sya), napatahan ko sya dahil
dun...
hinawakan ko kamay nya, napatingin sya sa akin, "Para hindi ka ulit
maligaw, mahirap na eh. lalong dumadami ang tao, mabuti na yung hawak
kita para alam kong andyan ka pa sa tabi ko."

naglakad na kami.. sinusundan nya lang kung saan ang pinupuntahan ko..

sa isang bench, "Dyan ka lang ha.. sandali lang.. may bibilhin lang
ako.. sandali lang to.."
"Okie." umalis na ako.
Sa isang cotton candy store...

"Kuya, pede magrequest?"


"Anong klaseng request bata?"
"Pede po bang bumili ng cotton candy sa inyo na rainbows ang kulay?"
"Ahmm... hindi kami naggawa ng ganun bata eh.."
"ganun ba? pero kaya nyo po ba maggawa?"
"Oo naman.. kaya ko, specialty ko ata ang cotton candy eh.."

"Talaga po? kuya, request naman, gawa ka naman ng ganun, babayaran na


lang po kita ng malaki."
"Sorry talaga bata."
"Naman oh.. please na po, malaki po talaga ibabayad ko, 1000pesos, igawa
nyo lang po ako ng ganun.."
"Teka.. bakit ba parang importante sa iyong makagawa ako ng rainbow
colored cotton candy?"
"Eh.. kasi.. po.. may isang tao... na..."
"para sa girlfriend mo ba bata?"
"ha? hindi po..."
"eh para kanino?"
"Sa isang kaibigan ko po.."
"Ah ganun ba.. mukhang ang espesyal naman nyang kaibigan mo na yan,
akalain mo yun magbabayad ng isanglibo para lang makabili ng cotton candy.."
"Ehehe.. opo, espesyal po.. igagawa nyo po ba ako?"
"Hmm... gagawa ako kung sasabihin mo kung bakit espesyal yung kaibigan
mong yun.."
anchismoso naman nitong tinderong to... pero di bale na nga, "Ano.. ah
eh.. kasi, tong taong to... hindi ko alam eh, pero napapasaya nya ako
lagi tapos ang gaan gaan pa ng loob ko sa kanya..gusto ko lagi syang
nakikita, tapos napapangiti ako pag nakikita ko sya, tapos pag
nalulungkot sya, nalulungkot din ako tapos gusto kong gumawa ng paraan
para mapasaya sya, tapos napakaimportante nya sa akin.. tapos--"
"Tapos.. mahal mo sya."
"Waaa... hindi po.. may girlfriend po ako."
"Itapon mo na girlfriend mo. haha. peace tayo. haha. mukha namang mas
mahalaga tong kaibigan mong to kesa sa girlfriend mo eh.."
"Ha? pano nyo po nasabi?"
"Kung nakikita mo lang kanina ang sarili mo habang pinapaliwanag mo sa
akin kung gano kaespesyal yung kaibigan mong yun.. sobrang seryoso ka..
para ngang kung titingnan kita eh parang wala kang girlfriend tapos
nililigawan mo pa lang tong babaeng to.."
"Ha.. eh.. h--"
"anyhoo.. gagawa na ako. sandali lang to bata, haha. sige, habang
naggawa ako, pag-isipan mo muna yung mga sinabi ko kahit malabo."
at nagsimula na ngang maggawa yung mama..

naguluhan naman ako dun sa sinabi nung mama... kayo ba naintindihan nyo?

----------------------------------------------CHAPTER 24
"Waw!!! Rainbow-colored cotton candy.!!!!" sabi na nga ba titigil mga
luha nito pag nabigyan ng cotton candy eh.
"You wished for a rainbow colored cotton candy. 7wishes to go."
"OH! oo nga. i wished for that. Talaga tinototoo mo yung wishes ko ah."
"Syempre. Kung ikaw tinototoo mo yung mga wishes ko dapat ganon din yung
sa iyo. Buti na lang mga wishes mo ay hindi ganong mga impossible."
"Eh pano, kinokontra mo yung mga medyo impossible wishes ko nun nung
binabanggit ko yung 10wishes ko."
"Eh magwish ka ba naman na maging cotton candy ang clouds eh! as if kaya
ko naman yun, tsaka kung yung iyo may rules, syempre akin din nuh. Isa
sa rules ay yung mga bagay na impossible nuh!"
"hehe. oo na lang. Salamat nga pala sa cotton candy na to. ansarap.
Gusto mo?"
"Ha? eh binigay ko yan sa iyo. Ayoko."
"Sige na, share tayo (kumurot sya sa cotton candy nya), eto oh, ahh.."
"oo na, wag mo na akong subuan." kinuha ko yung kinurot nyang cotton
candy at kinain.
"aayaw ka pa dyan. kakainin mo rin pala."
"Eh makulit ka eh. Tara na nga( sabay hawak ko sa kamay nya)"
"Saan tayo pupunta?"
"Sasakay sa rides.. Ayaw mo ba?"
"Rides?! of course gusto ko!! Tara tara!"

bago kami sumakay ng rides ay inubos nya muna yung cotton candy nya
tapos ayun, kung saan saang rides na kami nakasakay. pa-ulit ulit na nga
sinasakyan namen pero grabeh tong si Sachiko, hyper pa rin.
"Alam mo ron.."
"Malay."
"Kanina pa tayo sakay ng sakay sa mga rides, pero hindi pa natin
nasasakyan yun..." sinundan ko yung tinuro nya...

ROLLER COASTER?!!

"Oh.. ayus ka lang Ron? Bakit parang namumutla ka?" andito na kami sa
may roller coaster, pinilit ako ni Sachiko kahit ayaw ko. Takot ako sa
Roller coaster!!! tapos ang pinili pa nitong si Sachiko ay ang front
seat.. Tae!

"May namumutla bang ayos?!!"


"Ewan.. hihi.. ayan... magsisimula na... naandar na..." naandar na nga..
natetense ako.. dahan dahan pa lang yung roller coaster..

tsug..
tsug...
tsug...

"Malapit ng bumaba yung coaster... 1...2...---"

"WAAAAAAAAA~~~!! MAMEEEEEEEEEEEE KOOOOOOO!!!!"


"Isa pa, isa pa Ron!! ang saya!" anak ng teteng tong babaeng to, gusto
pang magtake two sa coaster?!

"AYOKO ko na!!! sa iba na lang!"


"Sige na..."
"maam.. sorry po.. stop na po muna ngayon ang roller coaster..."
"Bakit po?" thankyou Lord!
"May event mamaya maam eh."
"Ahmps naman.. sige.. doon na lang tayo sa ferris wheel..."

"Mabuti pa! doon na tayo." at humulong na kami sa ferris wheel...

sa ferris wheel...

"waw!! ganda naman dito... andaming tao talaga sa baba..."

nakakatuwa talaga tong si sachiko, parang bata.


*tugsh*

waaa?! nagblack out?! andilim. tapos. nagstop pa tong ferris wheel.


GOOD EVENING EVERYONE. PASENSYA NA PO. DAHIL 8PM NA PO, MAGPAPARTICIPATE
PO ANG PERYAHANG TO SA EARTH HOUR. PARA PO SA MGA NASA FERRIS WHEEL, WAG
PO KAYONG MATAKOT, SINADYA PO NAMING MAGPASAKAY KAHIT MAY EVENT PARA
BIGYAN NG SWEET MOMENTS ANG COUPLES KAYA KUNG MAPAPANSIN NYO PO KANINA
AY FOR TWO'S LANG PINAPASAKAY NAMIN KANINA. HAHA. SIGE PO, WAG PO KAYONG
MAG-ALALA, MAY FIREWORK DISPLAY NAMAN KAY MALILIWANAGAN KAYO.

*shing!*
*shing!*

*boom*

*boom*

*shing*

*shing*

*boom*

"Wawwwww!" out of the darkness, biglang nagsulputan ang magagandang


fireworks.. kitang kita namin ang fireworks kasi sa tuktok kami ng
ferris wheel nagstop...

"Ron!! angga-ganda ng fireworkss!!"

"Oo nga.... ang ganda...."


mo.

-----------------------------------------

CHAPTER 25
Maraming nangyari nitong mga nagdaang araw...

Pagkatapos nung ferris wheel incident, naging pusa na ulit si Sachiko at


iniwan ako, san kaya nakatira yun?? Ah ewan. Eh di umuwi na din ako
pagkatapos. Umuwi akong may baong kalituhan. Ewan, basta may gumugulo sa
isip ko eh. haay...

Tapos nung isang linggo, ginrant ko yung 4th and 5th wish nya, dinala ko
sya sa isang lugar na punong puno ng mga bulaklak tapos yung 5th wish
nya may konek sa 4th wish nya, yun ay makapagpicnic, eh di nagpicnic
kami. Ang suot nun ni Sachi ay isang yellow bestida printed with flowers
with matching saklob(yung pang-feminine na saklob ha. salakot ba tawag
dun?). Tapos nakasandals. Nakakapanibago si Sachiko... she looks
prettier...

Tapos, the other day, dinala ko sya sa tagaytay upang igrant ang 6th,
7th and 8th wish nya. Isinakay ko sya sa kabayo for her 6th wish, nasa
unahan ko sya habang pinapatakbo ko yung kabayo, and she doesnt have any
idea na pupunta na kami sa 7th wish nya, sa may waterfalls. Gusto nya
kasi makakita ng waterfalls. Tapos sa tabi ng waterfalls ay isang
bundok, hinanda ko na yung gear na dinala ko (syempre, prepared to) at
sinimulan na ang 8th wish ni Sachi, which is umakyat ng bundok.
Anweweird ng wishes ni Sachi noh? Ayun, umakyat kami. Nagkandahulog
hulog pa kami. Nahulog pa nga sya sa akin.. eh erase that part. Basta
ayun pagkatapos umakyat bumalik na kami sa townhouse tapos kinabukasan
umuwi na kami. Nadagdagan na naman yung gumugulo sa akin.
Nagtataka siguro kayo kung nasan si Steph noh? Kahit ako nagtataka eh,
kasi nitong mga nakaraang araw eh, hindi sya nagpaparamdam. Hindi
nagtetext o nagpapakita. Tuwing tatawagan ko eh laging naka-off anf
phone, pag naman pinupuntahan ko sa bahay nyaay laging wala. Ano na
kayang nangyari kay Steph? Hindi kaya nakidnap? Eh ron! WAg ka ngang
pessimist!
haay... andito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga at nakatitig sa
kisame... haay... namimiss ko na si Steph...

tsaka si Sachiko..
"I wish na sana tumawag naman si Steph.."
Calling...
Babes. ^_^

turn around, turn around

and fix your eye in my direction


So there is a connection
I cant speak, i cant make a sound
to somehow capture your attention
I'm staring at perfection
take a lo-
"Hello babes?"
"Babes?"

"R-ron..."
"Steph? May problema ba?"
"Magkita tayo tomorrow sa park. 2pm. Bye."
*end of call*

Huh? anggulo.
--------------------------Nagpunta ako sa park na sinabi ni Steph pero...

Si Sachiko.. sinampal si Steph.


"Sachiko!!!" napatingin silang parehas sa akin, lumapit si Steph sa akin
at umiyak.
"I don't know for whats her prob but she just slapped me with no reason."
"I have a reason! And youre the first one to slap me!"
"I didnt slap you!"
"You slapped me!" naguguluhan ako sa kanila.
"Sya ang nauna Ron!"
"Shut up Sachiko!" ewan. gulong-gulo na ako. Nabigla si Sachiko.

"Pero Ron..."
"Hindi ka dapat nanampal ng walang reason!"
"Hindi ko--"
"Wag mo ng pagtakpan ang sarili mo! nakita ko na sinampal mo sya..." oo.
galit ako. hindi ko alam kung bakit.
"R-ron..." nagsimula ng pumatak ang mga luha ni Sachi.
"Stop using your tears para linisin ang kasalanan mo. Just say sorry to
Steph, Sachi."
"Ayoko!"
"Bakit ba ang isip-bata mo?! Just say sorry!"
"Wala akong kasalanan! I dont have to say sorry to her."
"Then tell me why you slapped her?" napakislot naman si Steph.

"R-ron... ok na.. Tara na..."


"No steph. I want to hear her out kung bakit ka nya sinampal."
"Sinampal ko sya kasi niloloko ka nya Ron!"
"Anong sinasabi mo Sachiko?!"
"Hindi ka mahal ni Steph, Ron! Niloloko ka nya!"
lumapit ako kay sachiko...

*SLAPP!*
sinampal ko sya. Ewan. I dont wanna hear her out anymore.
"Stop saying those nonsense and lies!"
"Hindi ako nagsisinungaling!" umiiyak nyang sabi habang hawak ang pisngi
nyang sinampal ko.
"I dont believe you! Just get a life Sachiko! Sobrang pakikialam na ang
ginagawa mo sa buhay ko!"
"R-ron...'

"GET OUT OF MY LIFE!"


"sige gusto mong mawala na ako sa buhay mo? Sige, mawawala na talaga ako
pero may isa ka pang wish. Wish for it first."

"I dont need the wish anymore! Ewan ko Sachiko, lagi ka na lang
nakikiaalam sa buhay ko eh. Wala ka bang sariling buhay na pedeng
asikasuhin? lubayan mo na ako please?!"
"Hindi ako aalis hanggat hindi mo hinihiling ang last wish mo!"
"I just wish that you get out of my life Sachiko!"
pause.

"Kahit hindi pede yun, pero sige, as you wish." tumingkayad sya at
hinalkan ang noo ko at tumakbo na palayo.
Ako naman, naiwang tulala.
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako galit? Kanino ba ako galit?
Ano bang ikinagagalit ko?

"Ron..." nabalik lang ako sa sarili ko ng hawakan ni Steph ang balikat ko.
"May... dapat na akong ipagtapat sa iyo..."

------------------------------"Totoo lahat ng sinabi ni Sachiko... Pinuntahan ako dito kanina upang


komprontahin. Nung isang araw kasi... nakita nyang kasama ko si Carl sa
mall..."
"Sinong Carl?"
"Ang ex-fiance ko..."
"Ex-fiance?! Eh college ka pa lang ah.."
"I'll explain.. Yes, college pa lang ako pero si Carl, graduate na sya
and he got a good job, first boyfriend ko sya Ron, nagtagal kami ng 2
and a half years tapos nagpropose sya sa akin, sabi nya magpapakasal
kami pagkagraduate ko kaya pumayag ako... P-pero Ron..." nagsimula ng
magpatakan ang luha ni Steph, "Mahal na mahal ko sya Ron, pero isang
araw nakita kong kahalikan nya ang bestfriend ko.. nasaktan ako ng sobra
kaya umuwi ako dito sa pinas... Ayun nga, nung araw na hinalkan kita,
naalala ko si Carl sa iyo... Oo, ginawa lang kitang panakip butas Ron,.
I thought things would work out between the two of us. Pero hanggang
little brother lang talaga tingin ko sa iyo, ititigil ko na sana Ron
pero nung mapansin kong nagkakalapit kayong dalawa ni Sachiko, nainis
ako kay Sachiko kasi naalala ko yung ginawa sa akin ng bestfriend ko.
Natatakot akong maagawan ulit. Tapos... last week, nagpakita sa akin si
Carl, I was so shocked pero he explained everything na nung araw na
makita ko sila ng bestfriend ko,it was not his fault daw, bigla na lang
syang hinigit ng bestfriend ko according to him.. Hindi ko alam na
matagal na palang may pagnanasa ang bestfriend ko sa fiance ko... ayun,
hindi ko na napigilan ang sarili ko, mahal ko talaga si Carl, Ron. Kaya
hindi ako nagparamdam sa iyo, hindi ko kasi alam kung pano
magpapaliwanag pero kagabi naisip ko ng ipagtapat sa iyo kaya tumawag

ako sa iyo kagabi. Balak ko na talagang ipagtapat sa iyo ngayon pero


hindi ko kasi inaasahan na nakita pala kami ni Sachiko. Ron, I'm sorry.
I'm sorry sa paggamit sa iyo. Babalik na ako kasama si Carl sa ibang
bansa bukas. Papakasal na kasi kami... Sorry talaga Ron..."

Ewan. Bakit wala akong makapang galit. Yung galit ko nga kanina eh
nawala na. Ewan. Para pa ngang may tinik na nabunot sa akin... ewan ko.
ewan.
"Ok lang..."
napangiti si Steph, "Sabi na nga ba eh.."
"huh?"
"Ayus lang talaga sa iyo kasi dati alam ko na ako ang mahal mo, alam
kong ako ang first love mo, nung mga bata pa tayo, alam ko na yun. Pero
nung magbalik ako dito, oo ramdam ko mahal mo pa ako pero parang
nawawala na sya. Sabi nga nila first love never dies pero dahil sa
dumating ang true love mo Ron, eh unti-unting inililibing ng buhay ng
true love mo ang nararamdaman mo para sa first love mo, ang nararamdaman
mo sa akin."
"hindi ko maintindihan Steph..."
"Ant@nga mo kasi Ron, pakinggan mo puso mo..." pinitik nya ako sa may
dibdib ko kung saan nakalocate ang puso ko, "Para marinig mo kung sino
isinisigaw nito..."
"Steph... anlabo... hindi ko magets..."
"Ang hina mo talaga Ron... O sige, para sa madaling salita....
MAHAL MO SI SACHIKO."

---------------------------------CHAPTER 26
"Ron... itatanong ko lang... mahal mo ba si Sachiko?"

"Ron... alam mo ba, pansin ko... may pagtingin ka kay Sachiko..."

"Kuya Ron, baki ansaya ng mga mata mo pag tinitignan mo si Ate Chi? May
gusto ka sa kanya noh?"
Si Kyle... Si Erinn... Si Sam...
Napapansin nila yun... Bakit ako? Ant@nga ko! Bakit ngayon ko lang nalaman!
Pagkatapos namin mag-usap ni Steph eh umuwi na sya kasi bukas aalis na
sila ni Carl... Ako naman pinag-isipan ko lahat ng sinabi ni Steph...

Noong una, hindi ko pa rin magetz...


Kinabukasan noon, hinanap ko si Sachiko... Wala sa school nya, wala
kahit saan...
Kahit si Chiko... hindi ko makita. Isang linggo na ang nakalilipas, wala
pa ring Sachiko.

Saka ko lang narealize na kung kelan wala na yung tao saka mo lang
malalaman ang halaga nya...
ant@nga ko kasi! Why did I say such words to Sachiko... Nadala ako ng
galit ko... Ano ba ang ikinagalit ko nung araw na yun? Sa tingin ko
nagagalit ako noon sa sarili ko at hindi kay Sachi... naiinis kasi ako
sa sarili ko kung bakit ganun yung nararamdaman ko, bakit lagi na lang
nasa isip ko si Sachi, naiinis ako kasi hindi ko maipaliwanag yung
nararamdaman ako...

Araw-araw, hinahanap ko sya pero wala... nagtatanong rin ako sa mga


estudyante sa school nya pero hindi na daw napasok si Sachi...
Ngayon, hinanap ko sya sa buong syudad pero wala pa rin... tumigil muna
ako sa isang lugar, ipinark ko yung kotse ko at isubsob ang ulo sa
manibela...
bakit kung kelan ko na nalaman kung ano ang talagang nararamdaman ko sa
iyo tsaka ka pa nawala? Bakit nung nandun ka lagi sa tabi ko dati eh
isinasantabi ko lang tong nararamdaman ko. Bakit kung kelan ka pa nawala?!

maya-maya, inangat ko ang ulo ko at sinuntok ang manibela, "Shet!


Sachiko! Asan ka ba?!"

kring... kring...

bell? ang pamilyar na bell! ayun ang tunog ng bell ni Chiko! tumingin
ako sa kaliwa kung saan nanggaling ang tunog...

SH1t!

ST. CLAIRE HOSPITAL


*flashback*

"Sachiko, ano ba ang address mo?"


"St. Claire 107"
*end of flashback*

Shet talaga! Bakit ngayon ko lang narealize?! ang st. claire ay itong
hospital at ang 107 ay room number... teka! yun yung room na tinitigan
ni Sachiko nung araw na maospital si Sam!
Bumaba ako ng kotse ko at pumasok ng hospital, nagdire-diretso ako sa
may room107..
Pagkabukas ko ng pinto...

"Huh?" asan si Sachiko? Bakit walang tao?

"Excuse me?" napatingin ako sa isang nurse na tumawag sa akin, "are you
looking for the former patient dyan sa room 107?"
"Ahmm.. opo."
May tinignan sya sa parang listboard ata nya yun, "Teka... Sachiko
Ferrer ba?"
"Opo, asan na po sya?"
"Ahmm.. comataused patient sya..pero dahil kaming lahat ay nabigla ng
magising sya last week ay inilipat namin sya sa St. Jude hospital para
mas masuri sya at maalagaan ng maigi kasi may theory ang doctors na sa
sunod na attack, eh baka hindi na sya makasurvive."
"Ano pong attack?"
"Heart attack. May sakit sa puso si Ms. Ferre, nacoma sya because of her
heart attack."
kinuha ko lahat ng impormasyon sa nurse at pati room number ni Sachiko
sa St. Jude's hospital at agad ng pumunta doon.

7pm na ako nakarating.

ROOM 72
kumatok ako at ang lalaki uling iyon ang nagbukas ng pinto.

"Ron Esguierra." nabiglang sabi ng lalaki.

"Kilala mo ako?"
"Ako si Renz, kuya ni Sachi. Oo, kilala kita. Nung magising si sAci ay
kinuwento nya ang lahat sa akin."
ang lahat?
Pumasok ako ng kwarto at nakita ko si Sachiko, tulog sya. Na-miss ko ang
mala-anghel nyang mukha.
"Maupo ka, marami kang dapat malaman." tumalima naman ako.
"Bata pa noon si Sachiko nung una ka nyang makilala..."
"Ha?"
"Nung araw na iyon, inaaway sya ng mga bullies sa may playground, nakita
mong itinulak sya ng isa sa mga bullies, binato mo sila ng bato para
lumayo. Tapos nung umalis na sila, nilapitan mo ang umiiyak na si
Sachiko at binuhat ito at dinala sa may malapit na faucet at nilinis ang
sugat nito. Ayon ang unang araw na nakilala ka nya."
Naalala ko na... sya pala yun...
"Eh bakit hindi ko na sya nakita pa pagkatapos noon?"
"Hindi naman kasi kami taga-dito dati, nagbabakasyon lang kami dito noon
tapos bumalik na kami sa san pablo. Doon talaga kami nakatira. Nung
nag-grade 5 na si Sachi, naging mapilit sya sa parents namin na dito sa
manila mag-aral, gusto ka kasi nya talagang makita ulit. Nag-enrol kami
sa Seiyuu academy, hinahanap ka pa rin nya, ang alam nya lang sa iyo
noon eh ang buong pangalan mo. Isang araw narinig nya sa mga classmates
nyang girls na pinaguusapan ka, di ba sikat ka sa mga girls? kaya ayun,
nakarating pangalan mo sa academy namin. Doon nya nalaman kung saan ka
napasok. Pumunta sya sa may tabi ng gate ng school nyo pagkaawas nya,
tinitingnan nyang maigi ang mga mukha ng lalaking nalabas ng gate ng
school nyo. hinahanap ka. Nalaman nya lang na ikaw ang lumabas ng may
kaibigan kang tumuwag sa pangalan mo kaya simula noon, tuwing aawas sya
ay pupunta agad sya sa tapat ng school nyo para lang makita ka. Kuntento
na sya sa pagtingin na lang sa iyo, masya na syang nakikita kang masaya.
It really takes one moment to be kind but the result can last forever,
dahil sa pagtulong mo lang noon sa kanya, hndi ka na nya nalimutan. Kaya
nga nung isang araw ng makita ka nyang mag-isa sa playground na
malungkot at narinig nyang nagbanggit ka na sana matupad ang wish mo.
Isang wish about sa girl na mahal mo. Nalungkot sya kasi nakita ka nyang
malungkot pero wala syang magawa para mapasaya ka, gusto nyang magrant
ang wish mo pero hindi nya alam kung papano. Naglakad lakad sya, hindi
muna sya umuwi, gabi na noon, may nakita syang pusa at hinawakan ito at
hinimas himas ang pusa, habang ginagawa yun eh tumingin sya sa langit at
may biglang dumaan na shooting star, humiling sya sa shooting star...
Hiniling nya magrant ang sampung kahilingan mo, pinikit nya ang mga mata
nya at narinig nya ang tunog ng bell na nasa paa ng pusa at pagkatapos
noon, hineart-attack sya at nacomatause na..."
"Pano mo nalaman ang lahat ng yan?"
"Ikinuwento sa akin ni Sachiko ang lahat... Pati na rin ang nangyari sa
kanya habang nakacomatause sya... Noon pa man, mahal ka na ng kapatid
ko... Masaya ako kahit papano kasi nakasalimuha ka ng kapatid ko sa
nalalabi nyang oras. Alam ko hindi naging maganda yung paghihiwalay nyo

pero sana, magkasundo na kayo. Please Ron, pasayahin mo ang kapatid ko.
Masama sa kanya ang maging emosyonal, makakaapekto sa puso nya. Pag
inatake ulit sya, wala ng makakapagsabi ng kaligtasan nya." tumayo na sya.
"Sige, kaw na muna bahala sa kapatid ko. uuwi muna ako." dumiretso na
sya sa pintuan at binuksan to pero bago tuluyang umalis....

"Ron, kahit anong mangyari, please wag mong uubusin ang 10wishes dahil
ang kapalit nun ay buhay ni Sachiko."
-------------------------------------CHAPTER 26

Antanga ko, I looked too far to find that one person who I could share
my life with without realizing that the one I've been looking for was
always just there beside me, loving me quietly all this time.
Falling inlove with you is the second best thing in the world... finding
you is the first...
Nakahiga silang dalawa ni Sachiko sa may isang malinis na damuhan,
malapit sa hospital. Pinagpaalam na ni Ron si Sachiko sa hospital na
ilalabas nya ito. It was Sachiko's 9th wish, ang mahiga sa isang grass
to while watching the full moon. Actually, right now, they are looking
on a different moon.... They are looking at each other's full moon...
magkatinginan lang sila, tinitingnan ang bawat isa sa kanilang mga mata
habang nakahiga sa damuhan....
Nung araw na magising si Sachiko, nakikipag-ayos si Ron kay Sachiko at
ipinagtapat na din nito ang damdamin nya para kay Sachi.

"Ron, why does it feel so great just to be at your side?"


"Kasi kinakantahan ka ng puso ko."
"Weh... ang korni." iniunan ni Ron ang braso nya sa ulo ni Sachi at
hinalkan ang buhok nito.
"I love you."

"Ron...What's your last wish?"


"Secret."
"Andaya... Bakit hindi mo na iwish ngayon? May isa ka pang wish eh,
hindi counted yung huli..."
"Pag winish ko yun sa iyo eh di hindi natupad."
"Huh?"

"My wish is against the rule. Only God can grant it. Eh ikaw? What's
your last wish? Di ba nung tinanong kita dati sabi mo pag-iisipan mo pa
lang, naisip mo na ba?"
"Yes."
"ano yun?"
"Secret din. Si God lang din ang makakagrant ng akin eh."

"Shooting star."
"Wish tayo!"
"Sige."

I wish for it...

please grant it...

Kinabukasan...
Graduation day ni Ron...

"Sige na ron, attend your graduation."


"Pero..."
"Dont worry, magkikita pa din tayo.."
"I';m afraid na baka iwan mo ako..."
"No. I wont. "
"If you leave me, I will follow you."
"Go now Ron."

pumunta ng graduation si Ron. Pagkakuha nya ng diploma nya eh saktong


may tumawag sa phone nya...
It was Sachiko's brother...

"Ron, si Sachi..."

"What happened to Sachi?"


"Inaatake sya..."

pumunta agad si Ron sa kotse nya at pinaharurot na ang kotse.

Sachiko, hang-on. Sabi mo, you wont leave me....

*honk! honk!*

paglingon nya sa kanan nya.... Isang truck!

*BOOGSHHHH!!!*

"I'm sorry, we did all our best but her heart stopped beating already..."

Sachiko Ferrer
Apr. 1, 2009
Time of death: 4:23pm

Ron Esguierra
Apr. 1, 2009
Time of death: 4:24pm
nabalitaan ni Kyle ang nangyari. Bumalik syang pilipinas kasama si
Erinn. Ganun din si Steph, bumalik din sya. Sama-sama silang umattend ng
libing ng dalwa. Magkatabi ang puntod nilang dalwa.

May nakitang pusa si Kyle at nilapitan ito...

"kung hindi ako nagkakamali, kaw ang pusang nagdala sa landas ng dalwa
upang magmeet. Salamat, sa tingin ko, masaya na sila kung nasan sila
ngayon."

Ang huli nilang kahilingan ay magkasama hanggang sa tinatawag na FOREVER.


WISH GRANTED

-FIN-

You might also like