Professional Documents
Culture Documents
My Demo
My Demo
TULA
Tinig ng
Darating
ni Teo S.
Baylen
I
Ang guni-guni moy
paglakbayin noon
Sa madugong landas ng
ating dantaon
Ang masasalubong ay isang
panahon
Na pumaparitong dalay
ilang tanong
II
Ito ba ang lupang aking aangkinin
Na tira-tirahan ng apoy at talim?
Ito ba ang manang aking bubungkalin
Na sambuntong abo at nagngangang
libing?
III
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong Hidwang
Kaunlaran?
Ito ba ang bunga ng Sining mot
Agham?
Ito ba ang manang ating kalinangan?
IV
Iyan ba ang parang at iyon
ang bundok
Na aking daratnang uling na
at tuod?
Ito ba ang wakas ng layon ng
Diyos
Nang ang unang taoy abutan
ng dulos?
V
Iyan ba ang bukid na walang
naimbak?
Kundi mga bungo ng mga
kaanak?
Binaog ng inyong punlong
makamandag
At wala ni Damon na diyay
mag-ugat?
VI
Kahubdan at gutom, isipang
salanta,
Bigong pananalig at pagasang giba,
Ito ba ang aking manang
mapapala
Na labi ng inyong taniman
at sumpa?
VII
O sangkatauhan ng Dangtaong
ito
Na dapat sisihin ng mga inapo;
Ano sa darating ang isasagot mo
Sa sumbat ng lahing susunod sa
iyo?
Kalikasan
Gabay na Tanong:
S u m u l at
ng
1
0
pangungusap
na
m
a
y
angkop na pa
glalarawan
tungkol sa kung
p a an o mo
m ai l al ar aw an a n
g b u h ay n a
tinatamasa m
o