You are on page 1of 4

Kabisayaan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Visayas
Kabisay-an
Kabisayaan

Mapa ng Pilipinas
Ipinapakita ang Kabisayaan na nakapula

Heograpiya

Lokasyon

Timog Silangang Asya

Kapuluan

Pilipinas

Mga Pangunahing pulo

Bohol, Cebu,Leyte, Masbate,Negros, Pan


ay, at Samar, Pulo ng Camotes,Pulo ng
Mactan

Lawak

61,077 km2(23,582 sq mi)

Pinakamataas na elebasyo 2,435 m (7,989 ft)


n

Pinakamataas na bahagi

Kanlaon

Bansa

Pilipinas

Rehiyon

Gitnang Kabisayaan,Silangang
Kabisayaan atKanlurang Kabisayaan.

Kabiserang lungsod

Lungsod ng Cebu

Demograpiko

Populasyon

11,203,760(noong 2010 Philippines census[1])

Kapal

294.28 /km2(762.18 /sq mi)

Mga pangkat etniko

Mga Bisaya(Aklanon,Boholano/Bolanon,Caluyanon,Mga
Capiznon,Cebuano, Mga
Eskaya,Hiligaynon, Mga Karaya,Masbateo,Mga
Porohanon,Romblomanon,Waray), Ati at
iba pang mga pangkat etniko..

Ang Kabisayaan (mga wikang Bisaya: Kabisay-an; Ingles: Visayas) ay isa sa tatlong pangunahing
pangkat ng mga pulo sa Pilipinaskabilang ang Luzon at Mindanao. Binubuo ito ng mga kapuluan,
pangunahin ang mga pulong pumapalibot sa Dagat Kabisayaan, bagaman itinuturing na ang
Kabisayaan ang pinakadulong hilagang bahagi ng Dagat Sulu.[2]
Ang mga pangunahing pulo sa kabisayaan ay ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte, at Samar.
[5]
Ang rehiyon ay maaaring isama ang mga pulo ng Romblon at Masbate, kung ang populasyon nito
ay kinikilalang mga mga Bisaya.
Mga nilalaman
[itago]

1 Kasaysayan


o
o
o

2 Mga Rehiyon at Lalawigan


2.1 Kanlurang Kabisayaan (Rehiyon VI)
2.2 Gitnang Kabisayaan (Rehiyon VII)
2.3 Silangang Kabisayaan (Rehiyon VIII)

3 Wika

4 Alamat

5 Mga sanggunian

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]


Hanggang sa ngayon, nananatiling mahiwaga ang kasaysayan ng Kabisayaan bago dumating ang
mga Kastila. Maraming mga alamat at mga kuwento tungkol sa kasaysayan ng Kabisayaan subalit
maraming hindi sang-ayon kung may katotohan ang mga ito. Ang mga sinaunang mga tao sa
rehiyon ng Kabisayaan ay mga Austronesyo at Negrito na dumayo sa kapuluan tinatayang 6,000
hanggang 30,000 taon ang nakalilipas. Ang mga unang nanirahan ay mga tribong animista. Noong
ika-12 dantaon, ang mga mamamayan ng dating emperyo ng Srivijaya, Majapahit at Brunei, na
pinamunuan ni Datu Puti at ang kanyang mga katribo, ay naglakbay at nanirahan sa pulo
ng Panay at sa mga pulong nakapalibot dito.[6] Noong ika-14 na dantaon, Ang mga mangangalakal
na Arabe at ang kanilang mga tagasunod ay nangahas na dinayo ang mga karagatan sa Timog
Silangang Asya, at hinikayat ang mga tribong pangkat sa Islam.

Mga Rehiyon at Lalawigan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang Visayas ay nahahati sa 3 rehiyon na lalo pang nahahati sa 16 mga probinsiya.

Kanlurang Kabisayaan (Rehiyon VI)[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang Kanlurang Visayas ay binubuo ng isla ng Panay at kanlurang hati ng Negros. Ang mga
probinsiya nito ay:

Aklan

Antique

Capiz

Guimaras

Iloilo

Negros Occidental

Gitnang Kabisayaan (Rehiyon VII)[baguhin | baguhin ang batayan]


Kabilang sa Gitnang Kabisayaan ang mga pulo ng Cebu at Bohol, at ang silangang hati ng Negros.
Ang mga lalawigan nito ay:

Bohol

Cebu

Negros Oriental

Siquijor

Silangang Kabisayaan (Rehiyon VIII)[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang Silangang Kabisayaan ay binubuo ng mga pulo ng Leyte at Samar. Ang mga lalawigan nito ay:

Biliran

Leyte

Timog Leyte

Silangang Samar

Hilagang Samar

Kanlurang Samar

Samar

Wika[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay ang wikang Hiligaynon o Ilonggo sa
halos kabuuan ng Kanlurang Kabisayaan, wikang Cebuano sa Gitnang Kabisayaan, at Waray sa
Silangang Kabisayaan. Ang iba pang mga wikang sinasalita ay ang wikang Aklanon, wikang
Kinaray-a, at wikang Capiznon. Ang wikang Filipino, ang pambansang wika na ibinatay sa Wikang
Tagalog, ay nauunawaan subalit bihirang gamitin sa pangkaraniwang pakikipagtalastasan.
Ang wikang Ingles, isa sa mga opisyal na wika ay malawakang ginagamit at itinuturing na
pangalawang wika sa mga pook urban sa Kabisayaan. Madalas din itong gamitin sa mga paaralan,
mga pampublikong palatandaan at kalakalan.

Alamat[baguhin | baguhin ang batayan]


May mga alamat na nakapaloob sa librong Maragtas, tungkol sa sampung hepe (datu) na tumakas
mula sa paniniin ni Datu Makatunaw ng Borneo papunta sa isla ng Panay. Ang mga datu at ang
kanyang mga tagasunod ay pinaniniwalaang mga ninuno ng mga Bisaya. Ang pagdating nila ay
pinagdiriwang sa pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan. Bagama't ito ay isang alamat, base pa rin ito
sa mga totohanang pangyayari. Ito ay nilikom sa isang aklat ni Pedro Alcantara Monteclaro noong
1907.

You might also like