You are on page 1of 3

News

The Goodness of
the Golden Green
Farming the Golden
Green
Agronomics
Household
Processing
Malunggay
Products in the
Market
Steps to Become A
Malunggay Contract
Grower
Malunggay Recipes
Media Clips
Presentations
Downloads
Archives

News

1 l 2 l 3 l 4 l 5 l Next

Bakit kailangang magtanim


ng malunggay?
Ang malunggay ay halamang kapakipakinabang. Ang dahon nito ay maaring
gulayin na mag-isa o ihalo sa ibang gulay katulad ng sa ginisang munggo. Sa
putaheng may karne, ito ay ginagamit na sahog sa tinolang manok. Ang
sariwang dahon ay maaring gawing salad o kaya naman ay katasan upang
gawing juice. Ang pinatuyong murang dahon ay ginagawa ring green tea o
tsaa. Sa panahon na sagana ang dahon, ito ay maaaring ipatuyo, gilingin at
iimbak sa tuyong lalagyan. Ang pandesal na hinaluan ng giniling na dahon ng
malunggay ay mas masustansya sapagkat ang dahon nito ay may taglay na 26%
crude protein at mayaman sa Bitamina A, C, iron at potasyum.
Ang buto ng malunggay ay nagtataglay ng mataas na uri ng langis na maaaring
gamitin na pangluto, panglubricate, o sangkap sa mga kosmetikong
pampaganda.Tinatasa na ang buto ay may 38 - 40 porsyento na langis. Ang
pinagpingaan ng langis ay maari paring gamitin na pangsala ng tubig (water
purifier) o bilang compost/ abono sa mga halaman kung binulok.
Ang balat, ugat dahon at buto ng malunggay ay kilala bilang gamot sa rayuma,
kagat ng hayop na may kamandag at iba pa.
Saan maaring itanim ang malunggay?
Ang malunggay ay mabilis tumubo sa mga lupang buhaghag. Ito ay maari din
namang itanim sa mga lupang lagkitin o buhangin na may mabuting
pangangalaga. Ito ay kilalang matatag sa pagkatuyo subalit mahina sa tubig.
Kayat dapat iwasang magtanim ng malunggay sa mga lugar na nababaha o
pinamamahayan ng tubig.
Paano ang pagtatanim ng malunggay?
Pagpapatubo ng buto:
Ang halamang ito ay maaring padamihin gamit ang buto o sanga.
Mula sa buto, ang magulang na buto ay may maitim o brown at matigas na
balat Ibabad muna ang buto ng 24 oras. Hugasan ito ng malinis na tubig pagkaahon, isilid sa supot at ilagay sa tuyo at madilim na lugar. Ang buto ay tutubo sa
loob ng 3 -10 na araw Susulpot sa isang dulo ang kulot na tubo na nagiging
dahon samantalang sa kabilang dulo ay susulpot ang ugat.( Huwag hayaang
humaba ng husto ang ugat sapagkat ito ay maaring maputol at mamatay
lamang)
Paghahanda ng punlaan (nursery):
Ihanda ang pagpupunlaan. Maghalo ng isang takal na organikong pataba sa
dalawang takal na lupang buhaghag at isang takal na buhangin. Lalong mabuti
kung mailuto ang lupa upang mamatay ang taglay nitong mikrobyo. Maaari din
namang hugasan ng gamot ang lupang pagpupunlaan gamit ang pinaghalong
fungicide at pamatay kulisap (ang halo ay alinsunod sa habilin ng gumawa ng
gamot).
Itanim ang buto na nasa taas ang tubong kulot. Tabunan ito ng 1-2 sentimetrong
kapal ng lupa o mas mababaw kung gagamit ng kilib na dayami. Ang kilib ay
nakakatulong sa maraming paraan. Una, ang buto ay protektado ng kilib sa
tuwing didiligan upang hindi maluslos ang lupa; ikalawa, ang punlaan ay
banayad na matutuyo kung kayat maaaring makamenos sa dilig; at ikatlo,
susupilin ng kilib ang mabilis na pagtubo ng mga damo.

Paglilipat-Tanim:
Ilipat tanim ang punlang malunggay kapag umabot na ito sa taas na isang metro
(2 buwang edad ng pananim). Upang makasiguro na matatag na ang halaman
sa pagdating ng tag-ulan, sikaping magtanim o maglipat-tanim mula sa buwan
ng Nobyembre hanggang Marso. Sa pagpili ng lugar na tatamnan, makabubuti
kung ito ay may lupang buhaghag at hindi nalulubog sa tubig, sagana sa sikat ng
araw at napapaligiran ng mga punong magsisilbing wind break o panang-galan
sa malakas na hangin. Sapagkat ang sanga ng halamang ito ay malutong kayat
madaling mabali o mabuwal lalot kung mula ito sa pinutol na sanga. Kadalasan
na mas matatag ang kapit sa lupa ng halamang mula sa buto kaysa kung ito ay
pinatubo mula sa sanga.
Mula sa sanga. Piliin ang magulang na sanga. Ito ay maputla kung ihahambing
sa murang sanga na kulay berde. Putulin ito ng pahilis sa magkabilang dulo sa
habang 50 sentimetro hanggang 150 sentimetro ayon sa inaakalang dami ng
pagkukunan ng sangang pangtanim at lawak ng tatamnan. Ilubog ito sa gamot
na may pinaghalong fungicide at insecticide upang maiwasan ang pag-atake ng
mga amag, insekto at hindi pamahayan ng langgam at anay. Itanim ng pahilig
ang sanga , ibaon ang 1/3 ng haba nito sa lupa. Diligan kung kinakailangan.
Tantyahin ang basa ng lupa sa pamamagitan ng pagdakot nito sa palad, pigain
at ipormang bilog. Ang tuyong lupa ay hindi mabubuo. Ang sobrang basang lupa
naman ay magtutubig kapag piniga. Ang kailangan ng malunggay ay tamang
halumigmig lamang.
Agwat ng pagtatanim:
Inirerekomenda na itanim ang malunggay ng 3 metro ang layo sa bawat isa
kung ang mga ito ay pamumungahin o kukunan ng buto. Subalit maaari ding
mas malapit hanggang 10 sentimetro kung pagkukunan lamang ito ng murang
dahon para sa paggawa ng green tea sa mas maiksing panahon. Ang agwat ng
pagtatanim ay dapat i-ayon sa paggagamitan ng bahaging pangkomersyal.
Pag-aabono
Ang abonong posporo (phosphorus) ay nakakatulong sa mabilis na pag-uugat ng
halaman. Ang nitroheno mula sa organikong pataba ay makakatulong sa mabilis
na paglaki ng halaman. Sa mga lugar na lagkitin, inirerekomenda ang paggamit
ng 5 kilong organikong pataba o dumi ng hayop sa bawat butas na pagtatamnan
ng malunggay. Haluan ito ng isang kutsarang ammophos (16-20-0) kada puno.
Ang ganitong pagpapataba ay dapat ulitin minsan isang taon. Ang dami ay dapat
i-angkop sa gulang ng puno.
Pag-Aani
Ang puno ng malunggay ay tumataas ng 3-5 metro sa loob ng isang taon. Ito ay
maaaring umabot sa taas na 15-30 metro kung hindi puputulan. Ang isang
punong tatlong taong gulang ay magbubunga ng 300 hanggang 400 na pirasong
bunga sa loob ng isang taon. Ang mga punong mas matanda dito ay kayang
magbunga ng 1,000 kada taon (Fuglie et.al). Makabubuting putulin ang puno ng
90 sentimetro mula sa lupa kada ikatlong taon upang mapanatili itong mababa at
madaling abutin ang mga bunga.
Pangangasiwa ng negosyong malunggayan:
Ang mga sumusunod ay makatutulong sa matubong pagtatanim at
pagnenegosyo ng malunggay.

1.

Sundin ang rekomendadong paraan ng pagtatanim ng malunggay ayon


sa klase ng lupa. Diligan ang halaman kung kinakailangan. Mas malimit
sa unang tatlong buwan pagkatanim. Alisan ng damo ang paligid ng
halaman upang hindi pamahayan ng mga peste. Ang paglalagay ng
dahon ng kakawate, castor oil, o mahogany chips ay makakatulong sa
pag-iwas sa anay.Maglagay ng abono minsan isang taon upang
mamunga ito ng mas marami. Magbawas ng mga sobra at tuyong sanga
minsan isang taon, kadalasan pagkatapos ng panahon ng pamumunga.
Putulan kada ikatlong taon sa taas na 90 sentimetro mula sa lupa upang

mapanatiling mababa.

2.

Anihin ang bunga na berde pa kung pang-gulay. Pahinugin hanggang


maging kulay brown at matuyo kung bubutuhan.

3.

Iimbak ang buto matapos na itoy patuyuin sa isang tuyo at


nahahanginang sisidlan tulad ng sako.

4.

Anihin ang bahaging kailangan sa tamang panahon upang itoy maibenta


sa tamang presyo. Makipag-alam sa mga kinauukulan hinggil sa dami at
kalidad ng produktong kailangan ng mamimili.

Mag advertise ng produkto kung kailangan upang matiyak na may


mapagbebentahan sa lahat ng panahon.
News l Back to top

You might also like