You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO

BAITANG 9
Pangalan:

Petsa:

Baitang/Seksyon:

Marka:

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat bahagi ng
pagsusulit. Istriktong pinagbabawal ang anumang gawi ng pandaraya. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang karaniwang paksa ng tanka?
A. pag-ibig

C. pagbabago

B. pag-iisa

D. lahat ng ito

2. Ano ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon?


A. tanka
C. kireju
B. haiku
D. kawazu
3. Ilang pantig at taludtod ang bumubuo sa isang tanka?
A. dalawamput dalawang pantig na may limang taludtod
B. apatnaput isang pantig na may limang taludtod
C. tatlumout isang pantig na may limang taludtod
D. tatlumput pantig na may limang taludtod
4. Paano mo ipakikilala ang tatay Martin mo sa isang Heneral?
A. Heneral, ang tatay Martin ko.
C. Tatayang Heneral Martin ko
B. Heneral ang tatay Martin ko.
D. Heneral Martin, ang Tatay ko.
5. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito? Ako ang nakakita ng pangyayari.
A. Hindi ko nakita ang pangyayari
B. Ako ang nakakita ng pangyayari at hindi siya.
C. Hindi ako, siya.
D. Ako nga ang hindi nakakita ng pangyayari.
6. Ano ang tamang tono/intonasyon ng salitang kahapon na nangangahulugang pagaalinlangan?
A. 321
C. 213
B. 123
D. 312
7. Ano ang tamang kahulugan ng mga salitang /BU:hay/ at /bu:HAY/?
A. kapalaran ng tao, humihinga pa
c. walang pinagkaiba ang A at B
B. humihinga pa, kapalaran ng tao
d. Wala sa nabanggit
8. Sa anong bahagi ng pangungusap ang nangangahulugang si Arvyl ang sumulat sa akin?
A. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.
B. Hindi si Arvyl/ ang sumulat sa akin.
C. Hindi/ si Arvyl ang sumulat sa akin.
D. Wala sa nabanggit
9. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikpagtalasan
upang _______.
A. mas maging malakas an gating tinig sa pagbigkas
B. maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isinusulat
C. maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid
D. maipaabot sa kausap ang tumpak na mensahe at damdamin
10. Ito ay pantulong sa pandiwang panaganong pawatas.
A. pang-uri
C. suprasegmental
B. modal
D. ponema
11. Ito ay gumagamit ng hayop bilang tauhan na pinasikat ni Aesop.
A. parabula
C. mito
B. pabula
D. alamat

12. Nais kong makatapos ng pag-aaral para sa aking kinabukasan. Anong uri ng modal ang
ginamit sa pangungusap?
A. sapilitang pagpapatupad
B. nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad, pagkagusto
C. hinihinging mangyari
D. nagsasaad ng posibilidad
13. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito? Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni
Prinsesa Tubina, kailangan magbayad ang mga matsing?
A. sapilitang pagpapatupad
C. nagsasaad ng posibilidad
B. hinihinging mangyari
D. nagsasaad ng pagnanasa
14. Ano ang nais ikintal sa mambabasa ng isang pabula?
A. itinuturo nito sa mambabasa ang kagandahang asal
B. itinuturo ng pabula na ang mga hayop ay maaaring maging bida sa isang pabula
C. itinuturo ng pabula na noong sinaunang panahon ay nakakapagsalita ang mga hayop
D. itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at
pakikipagtungo sa kapwa
15. _____ kong maging matalino katulad ni kuneho sa pabula. Anong modal ang tamang
gamitin sa pangunguap na nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto?
A. Dapat
C. Kailangan
B. Ibig
D. Maaari
16. Hindi ka _____ sumuko sa mga pagsubok sa buhay. Anong modal ang tamang gamitin sa
pangungusap na nagsasaad ng sapilitang pagpapatupad?
A. kailangan
C. dapat
B. maaaring
D. gusto
17. _____ ka bang makausap ngayon ? Anong modal ang bubuo sa pangungusap.
A. dapat
C. maaari
B. gusto
D. ibig
18. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula.
B. Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop.
C. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.
D. Maraming maibabahagi sa iba ang batangmaraming nabasang kuwento.
19. Ano ang dahilan kung bakit sinasabing hindi ganap na pandiwa ang mga modal?
A. Dahil hindi ito nagsasaad ng kilos
B. Dahil ito ay nasa anyong pawatas
C. Dahil ginagamit lamang itong panuring sa pandiwa
D. Dahil wala itong ganap na kahulugan kapag nagiisa
20. Isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa na maaaring tumalakay
sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay at guni-guni.
A. sanaysay
C. matalinhagang salita
B. nobela
D. tula
21. Sino ang nagsabi na ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay kayat ang sinumang
susulat nito ay nangangailangan na may malawak na karanasan, mapagmasid sa
kapaligiran, palabasa o nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang napiling isulat?
A. Jose Corazon De Jesus
C. Aesop
B. Alejandro Abadilla
D. Liwayway Arceo
22. Aling genre o sangay ng panitikan nasusulat ang sanaysay?
A. nobela
C. tuluyan
B. maikling kuwento
D. patula
23. Alin ang hindi kabilang na kalagayan ng kababaihan sa nakaraang 50 taon sa Taiwan?
A. itinuturing na prinsesa
B. tapusin ang mahahalagang Gawain na hindi natapos ng kanilang asawa
C. walang karapatan magdesisyon
D. katulad sa kasambahay o housekeeper
24. Ang mga nabanggit ay halimbawa ng sanaysay maliban sa isa. Ano ito?

A. tesis
B. sulating pampahayagan

C. disertasyon
D. magasin

Panuto:Sa bilang 25-27, ibigay ang wastong pangatnig sa bawat pangungusap.


25. Ang ama ang haligi ng tahanan _____ ang ina ang puso nito.
A. o
C. pati
B. ni
D. at
26. Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos _____ ang nagkasala ay nagsisisi.
A. sapagkat
C. upang
B. kung
D. sana
27. Ang mabuting pagpapalaki sa mga anak _____ ang wastong pangangalaga sa kalusugan
ay dalawang dahilan kung bakit dapat magplano ng pamilya.
A. ay
C. pati
B. ngunit
D. saka
28. Kung ang pangatnig na magkatimbang ay makapag-uugnay ng mga sugnay na kapwa
makapag-iisa, ano naman sa pag-uugnay ng di-magkatimbang na pangatnig?
A. nag-uugnay sa paksa at panag-uri
B. nag-uugnay ng dalawang sugnay na hindi timbang o pantulong lamang sa isang
sugnay
C. nag-uugnay sa dalawang paksa
D. wala sa nabanggit
29. Ano ang salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan at iba pa?
A. pang abay
C. pang uri
B. pangatnig
D. pang angkop
30. Ano ang nagbibigay turing sa pandiwa, pang uri o sa iba pang pang-abay.
A. pang abay
C. pang uri
B. pangatnig
D. pang angkop
31. Ano ang ibig sabihin ng kuwento ng tauhan?
A. Binibigyang din ng sumulat ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
B. Nakapokus sa pananaw sa buhay ng mga tauhan.
C. Nakapokus sa pangkalahatang pag-uugali ng tao roon.
D. Binibigyang diin ang pinangyarihan ng kuwento.
Panuto: Para sa bilang 32-34, sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa binasang
kuwento.
Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan, at ang kanilang pera
ay mabilis niyang isinilid sa kanyang bulsa. Bago siya nakapagtinda, matamlay niyang hinarap
ang negosyo, nagunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpentero. Tiyaga ang susi
para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walng ibinubunga ang
mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang makakaalam kung
kailan kakatok ang oportunidad. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba?
Nag-iisip si Huiquan.
Halaw sa Niyebeng Itim
ni Liu Hengsalin ni Galileo Zafra
32. Ano ang gawain o trabaho ni Huiquan sa kuwento _____.
A. karpintero
C. ahente
B. kargador
D. negosyante
33. Anong bisang pangkaisipan ang makukuha sa talata?
A. Maging matatag sa buhay.
C. Huwag susuko sa buhay
B. Kailangan magtiyaga sa buhay
D. Huwag palampasin ang pagkakataon
34. Batay sa realisasyon ni Huiquan, masasabing isa siyang taong _____.
A. inspirado
C. mahusay sa buhay

B. madiskarte

D. may positibong pananaw

Panuto: Para sa bilang 35-40, sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa binasang
kuwento.
Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhinyerong
namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, ang
patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nilay
likas na yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon, si Derang ay
walang pinaguukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula
ng mangibig ang inhenyeroy nawala na ang dating mairog na pakikisama sa kanyang mga
kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang, sapagkat naniniwala ang mga taga-Tulikan na sa puso ng
dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging dinaramdam
lamang nilay ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang na si Tandang
Tiyago.
35. Ano ang ibig sabihin ng pariralang ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni
Derang?
A. naging mayabang
C. nagbago ang pakikiyungo sa kapuwa
B. mahirap itong pakisamahan
D. nagbago ang magandang pag-uugali
36. Ano ang ibig sabihin ng magkatugon ang damdamin?
A. pareho ang minamahal
C. iisa ang itinitibok ng puso
B. pareho ang iniibig
D. iisa ang isinisigaw
37. Ang tanging dinaramdam lamang nilay ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng
ama ni Derang na si Tandang Tiyago. Ano ang pang-uring ginamit sa pangungusap?
A. pagkawala
C. Derang
B. dinaramdam
D. mainam
38. Ano ang higit na binibigyang-pansin ng may-akda sa kuwento?
A. tauhan
C. pangyayari
B. lugar
D. aral
39. Ano ang dahilan ng pagdaramdam ng mga taga-Tulikan?
A. pagbabago ng pakikitungo ni Mang Tiyago
B. pagdating ng mga tag-Maynila
C. pagbabago ng kanilang lugar
D. pangingibig ni Derang sa iba
40. Saang bansa nagmula ang dulang Munting Pagsinta?
a. China
C. Middle East
b. Siberia
D. Mongolia
41. Isa sa mga elemento ng dula na sinasabing pinakakaluluwa nito.
A. actor
C. manonood
B. director
D. iskrip
42. Alin ang hindi nabibilang sa pangkat?
A. iskript
C. dayalogo
B. direktor
D. tanghalan
43. Pagpapatungkol ito sa mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga
salita?
A. pang-uri
C. kohesiyong gramatikal
B. paksa
D. pang-abay
44. Ito ay kohesiyong gramatikal na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa panalitang
pangngalan sa unahan.
A. anapora
C. nominal
B. berbal
D. katapora
45. Alin sa mga pahayag ang gusto tungkol sa kohesiyong gramatikal?
A. Binibigyang turing nito ang mga pangngalan.
B. Iniiwasan nito ang pag-uulit sa mga pangngalan.
C. Napapaiikli nito ang mga pangungusap.

D. Napalalawak nito ang mga pangungusap.


Temujin: Itay akoy masyado pang bata para sa bagay na iyan. ang kasal ay sa
matatanda lamang.
Yesugei: Abat ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili ka na ng
babaing papakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang simpleng pamimili lamang ng
babae ang gagawin mo at pangakong siyay iyong pakakasalan.
Temujin: Ganoon po ba yun?
Yesugei: Oo, anak. tayoy nabibilang sa Tribong Borjigin kayat ikaw at pipili ng
babaing mapapangasawa sa Tribong Merit.
Temujin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Himdi naman iyon ang
ating tribo.
Yesugei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kayat sa ganitong paraan akoy
makababawi sa kanila.
Halaw sa Munting Pagsinta
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
46. Anong kulturang Mongolia ang litaw sa diyalogo?
A. pambayad atraso ang anak
B. pagpili ng mapapangasawa sa murang edad
C. maagang pag- aasawa
D. pag-iisa ng dalawang tribo bunsod ng kasal
47. Anong pangyayari ang nakita sa diyalogo na karaniwang nagaganap sa iyong
pamumuhay?
A. pagkumbinsi ng magulang sa anak
B. pagpapaliwanag ng magulang sa anak ukol sa isang paksa
C. pagtatalo ng magulang at anak
D. pagpapasya ng magulang para sa anak
48. Anong kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa diyalogo sa itaas?
A. pagsasaalang-alang sa damdamin ng nakaalitan
B. pagpili ng babaeng mapapangasawa mula sa ibang angkan
C. paggalang sa kapasyahan ng magulang
D. pagsunod sa utos ng nakatatanda
Tenyong: Tatang, ikaw po;y ititihaya ko nang hindi mangalay.
Inggo:
Huwag na anak ko hindi na maaari luray-luray na ang katawan
ko Tayoy maghihiwalay nang walang pagsala! Bunso ko, huwag mong
pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin Julia-Juana kayo na lamang ang
inaasahan kong kakalinga sa kanila Ang kaluluwa koy inihain ko na kay Bathala!
Adyos mga kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Akoy iyong patawarin
Naluoy na yata ang puso ng mga Kastila.
49. Ang kaluluwa koy inihain ko na kay Bathala!Kung durugtungan ang pahayag na ito at
gagamitan ng kohesyong gramatikal, ano sa sumusunod na panghalip ang angkop?
A. nila
C. sila
B. niya
D. siya
50. Anong kulturang Pilipino ang lantad sa bahaging ito ng dula?
A. Maluwag na pagtanggap sa kamatayan
B. Pag-iiwan ng habilin bago lumisan
C. Paghingi ng tawad sa naging pagkakasala
D. Pagmamahal at pagmamalasakit sa magulang

You might also like