Ika 3 ng Abril taong 1996 nang nag-aagawan ang umaga at gabi sa tahimik na lugar ng Malabog Daraga Albay. TORO NANAMAN!!!!! Biro ng kumadrona. Napangiti ang aking inang si Laila Breboneria habang nakahiga sa isang maliit na katre. Isang lalaking sanggol ang nailuwal at bagong miyembro ng pamilya Breboneria. Lumipas ang ilang taon at nasundan pa ako ng dalawa pang nakababatang kapatid (parehong toro). Lumaki ako sa bayan ng Donsol sa Sorsogon bilang isang natural o tipikal na bata sa isang pamilyang may simpleng pamumuhay. May kalaro at naglalaro, umiiyak at tumatawa, may Nanay at Ama. Masaya at boung pamilya. Ngunit nang akoy pitong taong gulang na ay umiba ang timpla ng aming buhay. Tandang-tanda ko pang gabing iyon. Masaya kaming nag-uusap usap na pamilya dahil magaling na ang aking Ama mula sa sakit. Natahimik kaming lahat ng sabihin niya ito. pag may tumilaok na manok ngayong gabi.. may mawawala. Takang-taka kaming magkakapatid kayat niyaya na lang kaming na aming ina na matulog na. hating-gabi ng magising kaming lahat sa napakalakas na sigaw mula sa labas ng bahay. Alolong ng mga aso ang sumunod sa ingay na iyon. Kaba, takot at pangangamba ang naramdaman ko noon. Labis na kalungkutan ang dumaloy sa boung katawan ko ng makita ko ang aking ama. Nasalamin ko ang repleksyon ng bilog na buwan sa dugo ng aking ama na dumadaloy sa semento. Ang aking ama ay wala ng buhay habang yakap-yakap ng umiiyak kong ina. Di ko malilimutan ang gabing iyon. Puno ng kalungkutan at katanungan. Bawat araw na sumunod noon ay hiniling kong sanay isang masamang panaginip na lang iyon. Oras, araw, buwan at taon ang lumipas patuloy parin ang aming buhay. Simpleng pamumuhay. May bahay, kumakain tatlong beses sa isang araw, may ate, kuya at may Nanay. Sa pagtuntong ko sa elementary ay lagi akong nangunguna sa klase mula una hanggang ika-anim na baitang. Hanggang sa harapin ko na ang buhay Highschool. Bagong mundo at bagong mga kaibigan. Dito ay medyo nabawasan na ang interes ko sa pag-aaral dahil na rin siguro sa mga karanasan na dito ko lamang naranasan. Dito ko naranasang umibig at mabigo, madapa at tumayo (literal). Sa pagiging abala ko sa ibang bagay ay tila nakalimutan ko na sa aking sarili kung saan nga ba ako patutungo pagkatapos ko sa highschool. Dito ko napagtanto na wala pa akong direksyon o pangarap maging sa buhay. Maging ang pagkuha ko nang kurso ay itinuring ko lang na biro kayat sa aking unang pagkuha ng eksaminasyon ay hindi ako nakapasok. Sa pangalawang pagkakataon ay nakapasok ako sa Bicol University bilang estudyante ng CE. Kinuha ko ang kursong BSEd. Ngayong akoy nasa ikalawang taon nang aking kurso ngunit hanggang ngayon ay hindi parin bou ang aking loob kung ako ba ay magiging guro o papasok ako sa ibang propesyon..