You are on page 1of 2

DENTISTA LOKAL

ni Sadjed Breboneria

Sino nga naman ang ang hindi matatakot sa pagturok ng injection sa


gilagid mo pag magpapabunot ka sa dentista? Mapapa-OMG as in Oh My
Gums ka talaga. Ito ang senaryong hindi natin maiiwasan kapag
magpapabunot ng ngipin. Turok. Manhid. Bunot. Pero may mga ngipin na
sadyang nais lang talaga ay ang ipaalam sayo ang kahulugan ng salitang
masakit. At may mga ngipin naman na kahit bulok na ay matindi parin ang
kapit at nais lang ipaalam sayo ang nagiging bunga ng kapabayaan sa
pagsisipilyo.
Sa aming baryo, kapag may taong nakakaramdam ng sakit ng ngipin
ay hindi kaagad kami pumupunta sa bayan para magpa-check-up dahil sa
barangay naming ay may sarili kaming dentista. Hindi siya nagtapos ng
kursong dentistry pero kilalang kilala siya sa aming barangay. Siya si Nang
Bini. Matanda na siya, kasing tanda niya siguro ang unang ngipin ng lolo ko.
Ang kanyang paraan ng panggagamot ay kilala sa tawag na patu (pah-tu).
Tulad ng isang dentista ay may sinusunod rin siyang sistema para
maisagawa ang panggagamot niya. Kailangan niya lang ng mga kagamitan
at sangkap para sa kanyang pang-gagamot. Mantika, buto ng kalampunay,
maliit na lutuan, bao, straw at malapad na plato na may kaunting tubig.

Kumbaga sa isang lutuin, ang main ingredient dito ay ang buto ng


kalampunay. Kilala ang kalampunay na nakakasira sa pag-iisip ng isang tao
kapag di nagamit ng tama. Pinagmasdan ko ng mabuti ang pag-patu ni Nang
Bini. Una, kinuha niya ang buto ng kalampunay at linuto ito sa mantika sa
isang maliit na lutuan. Pangalawa, pagsunog na ang buto sa mantika ay
ilalagay na ito sa platong may kaunting tubig dahilan upang makagawa ito
ng usok. Pangatlo, agad itong tatakpan ng bao na may nakatusok na straw
sa butas nito. Panghuli ay dapat nakatutok ang straw sa tenga ng pasyente
para maiderekta ang usok dito. Pagkalipas ng ilang minuto ay may makikita
ka ng maliliit na puting uod sa plato. Ito raw ang dahilan ng pagsakit ng
ngipin ayon sa kanya.
Nakagagalak isipin dahil may ganitong uri pala ng panggagamot sa
ngipin at masasaksihan ang kulturang ito sa aming barangay. Ang kulturang
ito ay dapat lamang maipalaganap pa ng sa gayon ay mapanatili pa ito sa
mga darating na panahon.

You might also like