You are on page 1of 2

Zion-Grace C.

Rosareal

9-Pythagoras

Ika-25 ng Enero, 2016

Ang French Revolution: Ang Panahon ng Pagbabago


Kung sino pa iyong nasa taas, siya pa iyong higit na yumayaman at kung
sino pa iyong nasa ilalim, siya pa iyong higit na humihirap. Sa loob ng ilang daang
taong pagkakaroon ng hirarkiyong monarkiya mula sa hari hanggang sa mga noble,
clergy at peasante, hindi maikakaling may mga pribilihiyong makukuha ang isa na
hindi nakakamit ng iba. Sa pagdaan ng mga panahon ng hindi pantay na pagtamo
ng karapatan, ang pang-aabuso sa kapangyarihan at labis na pagpapahirap sa mga
peasanteng sinasakupan ang siyang nagtulak sa mga taong lumaban para sa
pagbabagong inaasam.
Kung ang pag-aalsa lamang ang tanging daan para ang mga anak sa hirap ay
magbago ng kapalaran, ang Rebolusyong Pranses ay naging pag-asa ng mga
peasante sa panahong iyon. Kahit na nagbunga ito ng madugong labanan sa mga
dugong-bughaw, ang pagkamit ng pantay na karapatan at ang abolisyon ng
piyudalismo ay natamo naman sa huli. Dahil na rin nga sa krisis sa monarkiya na
nagdulot ng dagdag na bayad sa buwis, 2 taon ng mahinang produksyon ng bigas
at pagmahal ng mga bilihin, ang mga pagbabagong ito ang dumagdag sa
paghihirap na nararanasan ng mga na sa ilalim.
Mga ideya mula sa Enlightenment ang pumakaw sa mga peasante na
magrebolusyon at ang nagdaang Rebolusyong Amerikano ang naging inspirasyon
nila para lumaban. Nagsimula ang paghihimagsik nang sinugod ng mga
rebolusyonista ang Bastille at ang pag nanakaw at pagsunog ng mga bahay ng mga
mambubuwis, mga may-ari ng lupa at ng mga noble na nagtulak sa Nasyonal na
Konstitusyong Asembleya na i-abolisya ang piyudalismo noong ika-4 ng Agosto
taong 1789. Kasunod nito ang pag atake ng mga Jacobins sa palasyo ng Paris at
paghuli sa Hari na nagdulot rin ng pag proklama ng abolisyon ng monarkiya at
pagtayo ng Republikang Pranses. Sa sumunod na taon, naganap ang pag
eksikyusyon sa guillotine ni Haring Louis XVI sa kasalang ginawa niya laban sa
estado.
Naging katakot takot ang huling yugto ng rebolusyong ito. Mahigit kumulang
17,000 na tao ang binitay sa guillotine dahil sa pagtraidor sa Rebolusyon o di kaya
paglaban sa mga rebolusyonista. Kahit na naging ignorante sa buhay ng iba ang
mga taga Pranses, ang mga pagbitay sa guillotine ang isa sa mga naging daan para
mapatunayan ang kapangyarihan ng karamihan na nagpabago sa pagtingin ng mga
tao sa estado ng buhay ayon sa kapanganakan.
Natapos ang Rebolusyong Pranses nang si Napoleon Bonaparte ay namuno sa
mga hukbong sundalo na wakasan ang katakot takot na yugto ng rebolusyong ito.
Sunod niyang dineklara ang kanyang sarili bilang Emperador ng Pranses at
naghangad na magpawalak ng teritoryo sa buong Europa.
Kahit na ang sunod na namuno sa Pranses ay hindi binoto ng mga
mamamayan, ang tanging hangad nila na mawala ang piyadalismo at pagtamo ng
pantay na karapatan ay nakamit naman sa huli. Kahit na rin marami ang nawalan

Zion-Grace C. Rosareal

9-Pythagoras

Ika-25 ng Enero, 2016

Ang French Revolution: Ang Panahon ng Pagbabago


ng buhay sa madugong labanang iyon, ang mga pagsakripisyong ginawa ng mga
rebolusyonista ay nagbunga naman sa huli. Ang pagbitay sa guillotine ay totoong
hindi makatarungan, subalit sa huli ay napahinto naman ito at ang mga nakaligtas
sa katakot takot na yugtong iyon ay naghangad naman namagbago. Sa huli, Ang
Tricolor (Liberty, Equality and Freternity) na nabuo sa rebolusyong ito ay nakita sa
buhay ng mga taga-Pranses sa mga sumunod na mga taon hanggang ngayon.

You might also like