You are on page 1of 2

Mocha Uson, pinag-iinitan ni Marian Rivera?!

TWO MONTHS AGO, may natanggap kaming


text message galing sa isang kilalang booking
manager sa entertainment business.

Heto ang laman ng kanyang text: Ui, may bgo.


Fnalist ng strstruck.Mgnda n lmlabas na sa
mvies.kya lang madgo ang presyo. P300K.
Type mo?

Maganda talaga ang bagets. Kaya lang, mahal


din ang presyo. Sinubukan namin ang booking
manager na nag-text. Tinanong namin kung
puwedeng makahingi ng discount at gawin na
lang niyang P200K ang presyo pero hindi raw
puwede dahil take it or leave it daw ang rate ng
bagets.

After one week, may tumawag naman sa amin na isang negosyante na friend nina RR Enriquez
and Iwa Moto. Kilala rin siya ng mga booking manager sa showbiz dahil mahilig ito sa mga
celebrities kahit magkano pa ang rate nito.

Ang balita niya sa amin, finish na raw siya sa bagets na in-offer sa amin ng isang booking
manager at nang tinanong namin kung how much, sakto. Tumataginting na P300K ang
kanyang binayad.

Hmmm. Alam kaya ni Starstruck Princess Snell na lagi siyang laman ng usapan sa mga text
messages at sa mundo ng mga booking managers?

TRUE KAYA ANG nakarating sa aming balita na inisnab at inirapan ni Marian Rivera si Mocha
Uson sa isang product launch na ginanap sa isang five-star hotel?
Pareho silang guest performers that night at dahil nagkasama naman noon sa GMA-7 ang dalawa
ay binati raw ni Mocha si Marian pero imbes na makakuha ng ganting bati galing sa gf ni
Dingdong Dantes e, isang matinding irap daw ang ginawa sa kanya ng GMA-7 actress.

Marami ang nakakita sa eksenang yon.

After an in-depth investigation (may ganun daw, o), nalaman namin na pinagselosan pala ni
Marian si Mocha dahil pinagpi-piyestahan ngayon sa You Tube ang mainit na kiss na ibinigay ng
sexy performer kay Dingdong nang nag-guest ito sa Family Feud.

Bukod dun, ang feeling daw ni Marian e, tinira siya ni Mocha sa kanilang guesting sa product
launch nang nagsalita ng straight English ang seksing singer habang sumusulyap sa aktres.
Remember, lumaki noon ang isyu nang nagkamali noon si Marian sa isang interview nang sinabi
niya ang katagang Psychology imbes na psychologist. Nagpaka-oversensitive daw dun ang
syota ni Dingdong.

Kunsabagay, matagal na namang alam ng mga taga-showbiz ang katarayan ng aktres kaya
ngayon, ang kanyang latest victim e, si Mocha.

Kahit na anong pilit ay ayaw raw siyang patulan ni Mocha dahil magmumukha lang daw siyang
cheap.

Ganun? Ibig bang sabihin nun e, cheap si Marian? Hmmm

DAHIL MALAKI RAW ang kinita ng Ill Be There nina Gabby and KC Concepcion, may
clamor ngayon ang mga fans na kung puwede ay ituloy na ang Sharon Cuneta and Gabby movie.
Op kors, kung sakali e, kasama rin dun ang kanilang dalaga na si KC.

According to our insider friend sa Star Cinema, happy raw ang mga executives sa naging resulta
ng kanilang movie sa takilya. Klik daw talaga ang tandem ng mag-ama sa movie.

Tama! Kung magkakaroon man ng part 2 ito, mas maganda kung kasama si Ate Shawie, di ba?

Tutal naman, nakapag-guest na si Gabo sa Sharon at mukhang stable na ang family ni Mega
kasama ang kanyang husband na si Senator Kiko Pangilinan kaya for the sake of art (ganun?) e,
mas interesting talaga kung magsama sila sa isang pelikula.

Pelikula lang naman yon at siguradong malawak na ang isip ng mga tao, kaya wala na rin siguro
yung selos factor sa part ni Senator Kiko, whatdayathink?

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

You might also like