You are on page 1of 6

“Kailan Ka Muling Magigisnan?

Isang tanong ang laging nasa isipan


Isang tanong na hindi malaman ang kasagutan
Kasagutan na hangad kaagad na makamtan
Kailan ka muling magigisnan?

Ngayon ay di na kita makakasama


Dahil sa piling mo ay iba na
Bagkus buhay lagi sa aking alaala
Ang pagmamahalang pinagsaluhan
nating dalawa.

Ang muling magisnan ka ay


inaasam-asam parin
Makita kang muli at makapiling.
Ngunit kung ito hindi ipagkaloob
ng panahon sa akin
Ako’y patuloy pa rin  na aasa sa
muli mong pagdating.

Hindi na ako ang nasa piling mo,


Subalit sa dalangin di ka mawawaglit.
Kaya’t sa iyo ay aking ipinapangako
Hindi ka lilimutin kahit ni isang saglit.

By: Kwinie “JOY” D. Tindugan-Tefora June 10, 1999 @ 01:20 - 01:25 PM


PUGAD NG PAG-IBIG

Pag-ibig anila'y bulag ang kahambing,


Hindi nakakikilala ng pangit at matsing,
At kahit pa nga magdildil ng asin,
Duling na sa gutom, maligaya pa rin!

Ganyan bang pag-ibig... martir at dakila?


Sa wari'y bayani't sundalo ng digma,
Sugatan ma't lumpo, lalaban ng kusa
Ipakikibaka bansang sinisinta.

Walang pasubaling ganyan ang katulad


Ng magkasintahang nasa isang pugad,
Hindi papipigil harangan man ng sibat,
Pagkat alipin na ng pusong bumihag!

Ngunit kung minsan nga'y iba ang pag-ibig,


Humugis na talim - gahaman at ganid,
Kumikitil ito, sa buhay pasakit,
Luluha ka lamang ng dugo at putik!

At magkaminsan pa'y hatid nito'y sama,


Kasalanan ang siyang dala nitong bunga,
Buhay ng pag-ibig wala ngang kapara
Salimuot ng gulo, magulong dakila!
"Akala Ko Ay Tayo Na "

Hindi ko alam kung anong gagawin


Kung mangyari mang mawalay ka sa akin.
Gayong ngayon nasanay na
Ikaw ang laging kapiling.

Ano ba ang sa iyo’y nagawa?


Bakit ako ay ipinagpalit sa iba?
Buong puso sa iyo’y nagmahal naman sana
Bakit pagmamahal na para sa akin ibinigay mo sa kanya?

Akala ko ay tayo na
Habang  buhay ay magsasama.
Kapwa tayong nangako sa isa’t-isa
Hanggang sa walang hanggan tayo lang dalawa.

O kay bilis mo naman yatang nagbago


Mga pangako’y agad nilinot mo.
Mga sinumpaang binitawan
Hindi mo tinupad at ako’y iyong iniwan.

Ngayon ako ay nasasaktan


Nag-iisa’t puso ko’y sugatan
Nagdurugo ngunit wala kang pakialam

Tanging iniisip mo lang ay ang sariling kaligayahan.

By: Kwinie”JOY” D. Tindugan-Tefora


Isang Luha Ka Lang
Farimz

Bigat na aking nararamdaman


Ay hindi pangkaraniwan
Sakit na parang tagos sa laman
Iwan ko ba sa pagpapaliwanag ako’y nahihirapan.

Problema ko’y hindi ko kayang sabihin sa kaibigan


Dahil alam ko na ako ang may kasalanan
Takot akong mapagsabihan
Sa ginawa kong kalokohan.

Sakit ay ‘di ko na kayang hawakan


Kaya ito’y aking binitiwan
Bitui’y saksi sa aking kalungkutan
Umiyak kasi ako sa kanilang harapan.

Ang sarap ng aking pakiramdam


Kahit na wala akong pinagsabihan
Ngayon ko lang nalaman at natutohan
Luha lang pala ang katapat sa ‘di maipaliwanag na kalungkutan.
" Ano? "

Bakit napakaaga ko naman sayo umibig


Nagkakilala tayo sa isa lamang saglit
Puso ko’y nabihag mo, o bakit?
Ngayon ikaw na ang laging nasa isip.

Nararamdaman ngayon ay di matanto


Ako nga ba ay umiibig sa iyo
Baka paghanga lamang ito
Dahil sa akin ay napakabuti mo.

Sa tuwing kausap ka
Langit ang nadarama
Sa tuwing ikaw naman ay wala
Kaagad naman itong nangangamba.

Nakita ba sa iyo ay ano


Kung bakit ngayon ako ay nagkaganito
Ngayon tuloy nalilito ang aking puso
Pag-ibig o paghanga lang ba ito.

By: Kwinie "JOY" D. Tindugan-Tefora


Group 6
Agbayani, John Vincent M.
Tumnog, Toni Anne A.
Ereño, Nicole Pauline L.
De Guzman, Mark Eugene

House of the Poor

E:      Dad, we are so hungry. We got nothing to eat


N:      Can you buy something for us?
V:      Sorry, but I've got no money today.
N&E:  Aww.... Okay
V:      But I'll try
N&E:  Yehey!!!
V:      Ok, bye for awhile
N&E:  Bye, Dad
V:      Where will I get money?
         Looks like I know where to get money.
         You want a lollipop.
         I'll give you one but first give me the wallet of your mom.
T:      Ask permission to her. She's just in the C.R. Wait her for a minute.
V:      This is strawberry flavored.
T:      Strawberry, strawberry, I'll get it.
         It's now yours.
V:      Ok, bye
         Kids, kids, I am home.
N:      Dad, what you've got.
V:      I have food in here.
N:      Where did you get your money?
E:       I don't care, let's just eat.

You might also like