You are on page 1of 1

DEC.

29, 2011 DATE

NR # 2632
REF. NO.

Bata na angkas sa motor bawal hindi nakasuot ng helmet


Ang House Bill no. 5626, na tatawaging Motorcycle Safety for Children Act of 2011, ay naglalayong ipagbawal sa mga driver ng motorsiklo na magsakay ng bata na mababa sa gulang na 10 taon sa highways maliban kung ang bata ay nakasuot ng protective helmet na nakasaad sa ilalim ng Republic Act 10054, ang The Motorcycle Helmet Act of 2009. Inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang HB 5626 para tiyakin ang kaligtasan ng mga batas na nakasakay sa motorsiklo at bumabagtas ng highways at isa pang kalsada. Ayon kay Rep. Mary Mitzi Cajayon (2nd District, Caloocan City) layunin ng panukala na limitahan ang bilang ng pasahero ng motorsiklo sa dalawa, kasama na ang driver, at maliban kung kailangan dalhin ang bata sa pagamutan. Nakasaad sa RA 10054 na ang angkas na bata ay abot ang apakan ng motor at abot niyang yakapin ang baywang ng nagmamaneho ng motor. May kahinaan ang bata kumpara sa matatanda at nalalagay sa sila sa kapahamakan kung sila ay naka-angkas, sabi ni Cajayon. (30) eag

You might also like