You are on page 1of 1

Saint Bernard Disaster Risk Reduction Youth Environmentalist Society (SBDRR YES!

) Municipality of Saint Bernard, Southern Leyte, Philippines. sbdrryes@gmail.com

09 Disyembre 2011 ________________ ________________ ________________ Ginagalangan naming _________________; hindi po ako makapag aral mabuti kasi po laging nangungulit yung tiyan ko, kumakalam po kasi siya lagi Ito ang sinabi ni John ng makita namin siya sa labas ng isang paaralan. Hindi lamang si John ang may ganitong suliranin. Marami pa sa ating mga kabataan ang hindi makapag aral mabuti dahil walang sapat na nutrisyon ang kanilang katawan, dahil hindi sila nakakakain ng tama. Ang usaping malnutrisyon ay isang malawakang suliranin na hangang ngayon ay sama samang tinutugunan ng iba t ibang ahensiya at organisasyon, kasama na ang ating gobyerno. Dahil naniniwala ang Saint Bernard Disaster Risk Reduction Youth Environmentalist Society (SBDRR YES!) na bilang mga kabataan at mamamayan ng Saint Bernard, sa aming munting paraan, ay mayroon kaming magagawa upang mabawasan ang problema ng malnutrisyon. Dahil dito, ang Saint Bernard Disaster Risk Reduction Youth Environmentalist Society (SBDRR YES!) ay mag sasagawa ng isang Feeding Program para sa mga kabataan ng Saint Bernard sa darating na ika-23 ng Disyembre 2011. Ito ang aming munting ambag upang makatulong sa pagtugon sa problema ng malnutrisyon sa ating bayan. Hindi namin ito magagawa mag isa. Kailangan namin ang inyong tulong. At dahil nalalapit na ang araw ng kapaskuhan na kung saan ang diwa ng pagbibigayan ang namamayani, nais naming kumatok sa inyong mga puso para sa tulong at suporta upang maisakatuparan ang planong Feeding Program. Ang Saint Bernard Disaster Risk Reduction Youth Environmentalist Society (SBDRR YES!) ay mag sasagawa ng isang Christmas Caroling sa inyong bahay sa darating na ___ ng Disyembre 2011 upang handugan kayo, kasama ng inyong buong pamilya, ng mga kantang pamasko. Ito ang aming paraan upang pasalamatan kayo sa kahit anong tulong o suporta na inyong maibibigay sa amin upang magawa ang pinaplano naming Feeding Program. Kahit magkanong halaga o goods na inyong maibibigay ay lubos naming tatangapin at buong pusong ipagpapasalamat. Muli, kami ay kumakatok sa inyong mabuting puso, na kami ay tulungan upang maisakatuparan ang planong Feeding Program. Para sa mga katanungan, maaari ninyo akong tawagan o I text sa numerong 0905 763 4763 o ang aming Finance and Marketing Committee Head na si Bretchel Togonon sa 0905 828 4689. Maraming salamat at pag palain nawa kayo ng Poong Maykapal! Lubos na gumagalang, Emerson Olayon Presidente SBDRR YES! Inindorso ni: Arcelyn Egido Bajador Social Worker Officer II Municipal Social Welfare and Development Office Municipality of Saint Bernard, Southern Leyte Inaprubahan ni: Hon. Rico Rentuza Municipal Mayor Municipality of Saint Bernard, Southern Leyte

Together, WE can make a DIFFERENCE!

You might also like